CHAPTER 52 “Ikaw guard, sumama ka muna.” “Sige ho Ma’am.” Ibang Gazebo ang pinuntahan namin, hindi yung Gazebo na nasa gitna ng parang batis na pinagbigyan ni Jinx sa akin ng bracelet. Tahimik kaming sumunod sa isang parang reyna. Nang nasa Gazebo na kami ay itiniklop na ng unipormado pang kasambahay ang payong. “Rita at Dario. Doon muna kayo umupo. Kakausapin ko lang ang ambisyosang babaeng ito.” “Sige ho Ma’am.” Paalam ng dalawa. Sandali pa silang yumuko. Nasaktan ako sa sinabing iyon ng Mommy ni Jinx. Hindi na talaga maganda ang pakiramdam ko. Tama nga ako sa kutob ko. Nagpapanggap lang ang Mommy niya noon. Lumabas rin ngayon ang tunay niyang ugali. “Ikaw maupo ka.” “Opo tita.” “Anong tawag mo sa akin?” “Tita ho…” “Tita?” napangiti siya ng nakakainsulto. “Tita talaga?”“Iyon ho kasi ang sinabi
Chapter 53 “Hawakan mo ‘yan ha! Hangga’t hindi kami nakakaalis ng anak ko, huwag mong pakawalan ‘yan ha? Ini-stress ako. Napakarami nang problema dumadagdag pa. Bahala ka na kung anong gagawin mo basta patahimikin mo ‘yan.” “Hindi! Huwag kang lumapit sa akin, Jinxxx! JinxxxxNandito ako, mag usap tayo! Jinxxxxx!!!” nagsisigaw na ako. Hinawakan ako ng guard. Napakalakas niya kaya hindi ako makawala nang nasukol na niya ako. Patalikod na hinawakan ang mga kamay ko. Pilit akong kumawala. Nagwawala. Kailangan kong makahulagpos. “Jinxxxx, tulungan mo akooooo!” “Takpan mo ang bibig ng eskandalosang iyan.” Nakapamaywang siyang nakatingin sa akin. “Rita, kumuha ka ipantali dito sa babaeng ito at kahit anong maitakip sa bibig niya, dali!” “Sige po ma’am.” “Dalian mo, ano ba!” “Jinxxxx! Tulungan mo ako, Jinxxx!” nagsisigaw ako. Alam kong imposible akong marinig ni Jinx
Chapter 54Nang dumating si Nanang kinahapunan ay wala pa akong lakas na magsabi sa kanya kahit sana gustung-gusto ko na. May mga sandaling nilalapitan ko siya ngunit umaatras ako dahil hindi ko kayang ibuka ang aking bibig para magsabi sa aking kalagayan. Hanggang sa napagdesisyonan kong huwag na muna. Masyado nang maraming nangyari sa araw na ito. Hindi ko na kakayanin pa kug pagsabay-sabayin ko lahat. Magtatapat ako ngunit hindi muna ngayon. Kailangan kong magawan ng paraan. Makapag-ipon. Nasa akin pa ang bracelet na ibinigay ni Jinx at mga alahas noong JS na inilagay ko sa parang mamahalin ding bag na ibinigay niya sa akin. Magagamit ko iyon kung sakaling itatakwil ako ni Nanang. Inilagay ko na ang lahat ng iyon sa safe at hindi makikita ni Tatang. Alam kong pag-iinteresang kunin ni Tatang iyon at ibenta kung makikita niya.Naging karaniwang gabi iyon sa amin ni Nanang. Dumating si Tatang at muling nagkagulo ang aming tahanan? Lumabas ako. Nahiga sa duyan habang panay ang away nin
CHAPTER 55Sa isang iglap ay bigla na lang niya akong niyakap. Pilit pahihiga at kahit anong gawin ko ay hindi ko kaya siyang labanan. Naibuwal niya ako. Bumagsak kaming dalawa. Nagwawala ako. Lumalaban pa rin ngunt nang sinuntok niya ang isang suso ko ay parang hindi ako makahinga sa sobrang sakit. Inulit pa niya sa sa kabila kong dibdib at dahil do’n halos mawalan ako ng ulirat sa sobrag sakit.Nagkaroon siya ng pagkakataong tumayo para ibaba ang kanyang pantalon. Mabilis niyang ibinaba ang aking pajama kasama ng aking panty. Alam kong kitang-kita na niya ang aking kaselanan kaya lalo siyang naglalaway. Lalong tumaas ang kagustuhan niyang maangkin ako ng buum-buo. Huminga ako ng malalim. Hinihintay na kusang mawala yung sakit sa magkabilang dibdib kong sinuntok ng hayop. Akmang dadapa na siya para patungan niya ako ng isang malakas na sipa ang pinakawalan ko. Nagawa niyang umilag. Tagiliran lang niya ang aking tinamaan. Naging hudyat iyon sa kaniya na saktan muli ako. Alam na niyan
Chapter 56“Oo at wala kang pakialam.”“Ha ha ha! Talaga? Mana-mana nga naman talaga ang kalandian ano? Nagpabuntis ang ina sa mayaman at iniwan. Yung bunga ng kalandian ay malandi rin at nagpabuntis na naman. Namamana ba ang pagiging puta!”“PAAKK!”Sa galit ko ay nagpakalawa ako ng malakas na sampal. Nakita ko ang gulat sa mukha ni Tatang. Hindi niya iyon napaghandaan. Hindi ko rin inaasahan na napagbuhatan ko sa unag pagkakataon ang aking amain.“Punyeta ka! Sinasampal mo na akong hayop ka!” sunud-sunod ang pagsampal niya sa akin ngunit maagap kong tinakpan ang aking mukha. Lahat ng sampal niya sa akin dumapo sa mga kamay kong nakatakip sa mukha ko. "Kahit pa sipain ninyo ako ng sipain hindi ako titigil. Hindi ako papayag na ipagbenta ninyo ang mga ibinigay ni Jinx para sa bisyo ninyo." nahihirapan kong tinuran. "Bibitiwan mo ako o masasaktan ka lalo! Wala kang pinagkaiba sa ina mo! Malandi ka! Tignan mo, kinse ka pa lang nagpabuntis ka na! Tapos ngayon gusto mong paniwalaan kita
Chapter 57Blag! Blag!Nagulat ako. Sandaling napatayo.Si Tatang.Bago ko pa man malaslas ang aking pulso ay biglang dumating si Tatang na galit na galit.“Anong ginawa mo kay Berto ha? Gaga!”“Mabuti nga hindi ko pinatay,” sarkatika kong sagot. “E, muntik mo na ngang mapatay yung tao e. Ano ngayo ha? Dahil sa kagagawan mong gaga ka, hindi na niya tinatanggap ang mga alahas mo na binebenta ko sa kanya. Gusto niyang kunin na lang pambayad sa mga utang ko sa kanya dahil hindi mo raw naman pala siya pagbibigyan. Gaga ka. Ikaw na itong tinutulungan para magkapera ikaw itong maarte e buntis ka na nga! Wala nang mawawala sa’yo! Ngayo ano ha! Sinisingil ako sa utang ko sa kanya dahil hindi mo raw nga pinagbigyan. Ang masama, pinalo mo pa siya sa ulo! Ano ha? Anong pinagmamalaki mo gaga ka!”Tinigan ko siya. Naisip kong mabuti pang siya na lang ang papatay sa akin kaysa ako ang papatay sa sarili ko. Binitiwan ko ang blade. Naglakad ako na parang wala sa sarili palapit sa kanya. Hinarap ko s
CHAPTER 58"Bakit hindi mo tanungin sa malandi mong anak kung ano ang ginawa niya kay Berto sa kakahuyan! Alamin mo kung paanong ang tumutulong sa atin ay muntik niyang mapatay!"“Anong kinalaman no’n sa ginagawa mo sa kanyang kahayupan? Khaye, anong ginawa ni Berto sa’yo? Wala akong pakialam kung anong ginawa mo sa kanya dahil alam kong may ginawa siya sa’yo!”"Pinagtangkaan din niya akong gahasain kaninang pauwi ako. At alam ba ninyo kung anong dahilan? Naniningil siya sa mga atraso ni Tatang. Pagkababae ko ang naging usapan nilang bayad.” Patuloy pa rin ang pagluha. “Tulad ng gustong gawin ni Tatang sa akin na naabutan ninyo. Lahat sila. Mga hayop! Mga hayop kayong lahat!!!” nagsisigaw na ako. Tumayo para saktan si Tatang. Muling nagbago ang aking emosyon. Kung kanina gusto ko na lang isuko ang buhay ko, hindi na ngayon. Gusto kong mabuhay pa dahil alam kong may isang taong maniniwala sa akin. Isang taong magtatanggol sa akin dahil naniniwala siya sa aking mga sasabihin. Si Nanang
Chapter 59Nang lumapit si Tatang kay Nanang para muli itong saktan ay mabilis kong dinepensa ang katawan ko para hindi na niya muling masaktan pa ang Nanang ko. Ang suntok na sana dadapo sa mukha ni Nanang ay sa balikat ko tumama. Nang itinaas niya ang pamalo ay pinilit ko iyong maagaw sa kanya. Natumba kaming dalawa. Nagpambuno. Lakas sa lakas hanggang sa naagaw ko ang pamalo sa kanya at itinapon sa malayo."Lumalaban ka na tang-ina mo ha! Lumalaban ka na!""Hindi sana pero sumosobra na ka na. Ako na lang sana, ako na lang ang saktan mo at huwag si Nanang dahil hindi kita aatrasan. Hindi na ako makapapayag pa na patuloy mo kaming walang-hiyain! Baboy ka! Demonyo!""Sige tignan natin kung hanggang saan ang kaya mo ngayon!"Mabilis niyang hinablot ang itak na nakaipit lamang malapit sa aming hagdanang kawayan. Patatayin nga niya kami. Kailangan kong makaisip ng paraan kung paanong magkaroon ako ng armas na panlaban sa kanya. Hindi na ito kagaya ng mga nakaraang mga away nila. Buhay na