Chapter 50“Okey ka lang ba anak? Kanin aka pa natatahimik ah. May problem aba?”“Wala ho Nang.”Bumuntong-hininga si Nanang. “Kung hindi ka pa handang magsabi tandaan mo na Nanang mo ako at pwede mong sabihin lahat. Magagalit man ako pero sa huli, mangingibabaw pa rin ang pagiging ina ko sa’yo.”“Salamat po Nang.” Garalgal ang boses ko. Tumalikod ako.“Hindi pa umuuwi ang tatang mo, ilang araw na. Ngunit okey lang, Mas tahimik ang buhay natin ngayon na wala siya.”“Oo nga po Nang. Ano na kaya ang nangyari kay Tatang.”“Oo nga e. Kahit papaano ay kinakabahan pa rin naman ako. Sana lang walang nangyari sa kanya, sana nasa mga kapatid at kamag-anak lang niya sa ibayo.” wika niya habang nagpapalit siya. “Noong isang araw nakita ko siya sa bahay nong kasama niyang manginginom, yung si Berto. Doon natulog sa harap ng bahay nila. Hindi ko alam kung bakit hindi siya sa atin umuuwi. Baka mapera pa.” Nakapagpalit na siya ng pambukid niyang damit. Hindi ako nagsasalita. Malalim ang aking iniis
Chapter 51Kinuha ko ang pregnancy test ko. Iisa lang ang nasa isip ko noon. Kailangan ko nang puntahan si Jinx. Sana maabutan ko pa siya. Kailangan niyang malaman ang resulta ng aming kapusukan. Kailangan niya itong panagutan. “Oh anong nangyari? Anong resulta?” sunud-sunod na tanong ni Ate Precious. “Positive po ate. Buntis po ako.” niyakap ko siya, Humahagulgol na ako. Hindi na muna siya nagsalita. Hinaplos-haplos niya ang likod ko. Pinapatahan. Lumuwang ang pagkakayakap niya sa akin. Hinarap niya ako at hinawakan niya ang palad ko. “Paano ngayon ‘yan? Alam na ba ng boyfriend mo?” “Hindi pa ho.” “E ano pang hinihintay mo, kung lalaki yan, ipapatuli mo muna o babae man, hihintayin mo munang reregla bago mo sabihin sa ama ng dinadala mo? Sige na, puntahan mo na nang mapag-usapan ninyo kung ano ang dapat ninyong gawin. Dapat dalawa kayong humaharap niyan dahil hindi mo naman ‘yan ginawang
CHAPTER 52 “Ikaw guard, sumama ka muna.” “Sige ho Ma’am.” Ibang Gazebo ang pinuntahan namin, hindi yung Gazebo na nasa gitna ng parang batis na pinagbigyan ni Jinx sa akin ng bracelet. Tahimik kaming sumunod sa isang parang reyna. Nang nasa Gazebo na kami ay itiniklop na ng unipormado pang kasambahay ang payong. “Rita at Dario. Doon muna kayo umupo. Kakausapin ko lang ang ambisyosang babaeng ito.” “Sige ho Ma’am.” Paalam ng dalawa. Sandali pa silang yumuko. Nasaktan ako sa sinabing iyon ng Mommy ni Jinx. Hindi na talaga maganda ang pakiramdam ko. Tama nga ako sa kutob ko. Nagpapanggap lang ang Mommy niya noon. Lumabas rin ngayon ang tunay niyang ugali. “Ikaw maupo ka.” “Opo tita.” “Anong tawag mo sa akin?” “Tita ho…” “Tita?” napangiti siya ng nakakainsulto. “Tita talaga?”“Iyon ho kasi ang sinabi
Chapter 53 “Hawakan mo ‘yan ha! Hangga’t hindi kami nakakaalis ng anak ko, huwag mong pakawalan ‘yan ha? Ini-stress ako. Napakarami nang problema dumadagdag pa. Bahala ka na kung anong gagawin mo basta patahimikin mo ‘yan.” “Hindi! Huwag kang lumapit sa akin, Jinxxx! JinxxxxNandito ako, mag usap tayo! Jinxxxxx!!!” nagsisigaw na ako. Hinawakan ako ng guard. Napakalakas niya kaya hindi ako makawala nang nasukol na niya ako. Patalikod na hinawakan ang mga kamay ko. Pilit akong kumawala. Nagwawala. Kailangan kong makahulagpos. “Jinxxxx, tulungan mo akooooo!” “Takpan mo ang bibig ng eskandalosang iyan.” Nakapamaywang siyang nakatingin sa akin. “Rita, kumuha ka ipantali dito sa babaeng ito at kahit anong maitakip sa bibig niya, dali!” “Sige po ma’am.” “Dalian mo, ano ba!” “Jinxxxx! Tulungan mo ako, Jinxxx!” nagsisigaw ako. Alam kong imposible akong marinig ni Jinx
Chapter 54Nang dumating si Nanang kinahapunan ay wala pa akong lakas na magsabi sa kanya kahit sana gustung-gusto ko na. May mga sandaling nilalapitan ko siya ngunit umaatras ako dahil hindi ko kayang ibuka ang aking bibig para magsabi sa aking kalagayan. Hanggang sa napagdesisyonan kong huwag na muna. Masyado nang maraming nangyari sa araw na ito. Hindi ko na kakayanin pa kug pagsabay-sabayin ko lahat. Magtatapat ako ngunit hindi muna ngayon. Kailangan kong magawan ng paraan. Makapag-ipon. Nasa akin pa ang bracelet na ibinigay ni Jinx at mga alahas noong JS na inilagay ko sa parang mamahalin ding bag na ibinigay niya sa akin. Magagamit ko iyon kung sakaling itatakwil ako ni Nanang. Inilagay ko na ang lahat ng iyon sa safe at hindi makikita ni Tatang. Alam kong pag-iinteresang kunin ni Tatang iyon at ibenta kung makikita niya.Naging karaniwang gabi iyon sa amin ni Nanang. Dumating si Tatang at muling nagkagulo ang aming tahanan? Lumabas ako. Nahiga sa duyan habang panay ang away nin
CHAPTER 55Sa isang iglap ay bigla na lang niya akong niyakap. Pilit pahihiga at kahit anong gawin ko ay hindi ko kaya siyang labanan. Naibuwal niya ako. Bumagsak kaming dalawa. Nagwawala ako. Lumalaban pa rin ngunt nang sinuntok niya ang isang suso ko ay parang hindi ako makahinga sa sobrang sakit. Inulit pa niya sa sa kabila kong dibdib at dahil do’n halos mawalan ako ng ulirat sa sobrag sakit.Nagkaroon siya ng pagkakataong tumayo para ibaba ang kanyang pantalon. Mabilis niyang ibinaba ang aking pajama kasama ng aking panty. Alam kong kitang-kita na niya ang aking kaselanan kaya lalo siyang naglalaway. Lalong tumaas ang kagustuhan niyang maangkin ako ng buum-buo. Huminga ako ng malalim. Hinihintay na kusang mawala yung sakit sa magkabilang dibdib kong sinuntok ng hayop. Akmang dadapa na siya para patungan niya ako ng isang malakas na sipa ang pinakawalan ko. Nagawa niyang umilag. Tagiliran lang niya ang aking tinamaan. Naging hudyat iyon sa kaniya na saktan muli ako. Alam na niyan
Chapter 56“Oo at wala kang pakialam.”“Ha ha ha! Talaga? Mana-mana nga naman talaga ang kalandian ano? Nagpabuntis ang ina sa mayaman at iniwan. Yung bunga ng kalandian ay malandi rin at nagpabuntis na naman. Namamana ba ang pagiging puta!”“PAAKK!”Sa galit ko ay nagpakalawa ako ng malakas na sampal. Nakita ko ang gulat sa mukha ni Tatang. Hindi niya iyon napaghandaan. Hindi ko rin inaasahan na napagbuhatan ko sa unag pagkakataon ang aking amain.“Punyeta ka! Sinasampal mo na akong hayop ka!” sunud-sunod ang pagsampal niya sa akin ngunit maagap kong tinakpan ang aking mukha. Lahat ng sampal niya sa akin dumapo sa mga kamay kong nakatakip sa mukha ko. "Kahit pa sipain ninyo ako ng sipain hindi ako titigil. Hindi ako papayag na ipagbenta ninyo ang mga ibinigay ni Jinx para sa bisyo ninyo." nahihirapan kong tinuran. "Bibitiwan mo ako o masasaktan ka lalo! Wala kang pinagkaiba sa ina mo! Malandi ka! Tignan mo, kinse ka pa lang nagpabuntis ka na! Tapos ngayon gusto mong paniwalaan kita
Chapter 57Blag! Blag!Nagulat ako. Sandaling napatayo.Si Tatang.Bago ko pa man malaslas ang aking pulso ay biglang dumating si Tatang na galit na galit.“Anong ginawa mo kay Berto ha? Gaga!”“Mabuti nga hindi ko pinatay,” sarkatika kong sagot. “E, muntik mo na ngang mapatay yung tao e. Ano ngayo ha? Dahil sa kagagawan mong gaga ka, hindi na niya tinatanggap ang mga alahas mo na binebenta ko sa kanya. Gusto niyang kunin na lang pambayad sa mga utang ko sa kanya dahil hindi mo raw naman pala siya pagbibigyan. Gaga ka. Ikaw na itong tinutulungan para magkapera ikaw itong maarte e buntis ka na nga! Wala nang mawawala sa’yo! Ngayo ano ha! Sinisingil ako sa utang ko sa kanya dahil hindi mo raw nga pinagbigyan. Ang masama, pinalo mo pa siya sa ulo! Ano ha? Anong pinagmamalaki mo gaga ka!”Tinigan ko siya. Naisip kong mabuti pang siya na lang ang papatay sa akin kaysa ako ang papatay sa sarili ko. Binitiwan ko ang blade. Naglakad ako na parang wala sa sarili palapit sa kanya. Hinarap ko s
Alam kong tuluyan na siyang namaalam. Hindi na namin siya ini-revive. Hindi na namin pa pwedeng pigilan dahil alam naming lahat na pagod na pagod at hirap na hirap na siya.Pinagmasdan ko siya. Humagulgol ako at para maibsan ang naipong pagdadalamhati sa dibdib ko ay buong lakas kong isinigaw ang pangalan niya….“Jakeeeee!!!!”Sa burol walang patid ang pagdating ng mga gustong makita siya. Hindi ko siya iniwan. Lagi ako sa tabi ng kaniyang kabaong. Hindi ko pansin ang ikot ng lahat. Hindi ko din pansin ang pagdating at pag-alis ng mga nakidalamhati. Masyado akong natamaan sa pangungulila. Akala ko kasi kaya ko na. Akala ko rin matatanggap ko ang pagpanaw niya pero hindi pala ganoon kadaling tanggapin ang sakit na iwan ka ng mahal mo dahil kailangan na niyang mauna. Naroon si Jinx sa tabi ko. Hindi niya ako iniiwan. Nagdadala ng pagkain na hindi ko ginagalaw. Pinipilit akog uminom. Sinusubukang kausapin ngunit walang kahit anong kataga akong maisagot.Hanggang sa dinala na namin si Ja
Tumakbo ako. Iniwan ko si Jinx sa dambana. Kailangan pa rin ako ni Jake. Kahit pa sabihing kasal ako sa kanya, may responsibilidad pa rin ako bilang doktor at sa tunay na Daddy ng aking anak. Dumating na ang katapusan.Ang halik na iyon ang nagsasabi siya nga, siya pa rin na kahit nasa puso ko si Jake, ay handa ko pa ring tanggapin at lasapin ang sarap ng dating pag-ibig na bumabalik. Hanggag bigla na lamang may biglang kaming narinig na kalabog kung saan. Si Jake. Bumagsak at natumba sa kanyang kinatatayuan. Lahat kami ay nagkagulo. Alam ko na ang ibig sabihin no’n. Dumating na ang aming kinatatakutang lahat.Tumakbo ako. Iniwan ko si Jinx sa dambana. Kailangan pa rin ako ni Jake. Kahit pa sabihing kasal ako sa kanya, may responsibilidad pa rin ako bilang doktor at sa tunay na Daddy ng aking anak.Mabilis na binuhat ni Jinx si Jake. Dinala ang parang wala nang buhay na katawan ni Jake sa nag-abang na sasakyan. Si Jinx ang nag-drive at dumiretso kami sa hospital. Hawak ko ang palad ni
Muli akong bumalik sa dulo para simulan kasal. Ngayon maluwag na sa puso ko ang lahat. Wala nang itinatagong lihim. Katabi ko na si Nanang at Daddy na naglakad sa isle. Inulit ang kanta ni Moira na tagpuan. Masaya ang puso ko. Walang mali. Walang pangamba. Walang lungkot. Walang takot. Katabi ni Jinx ang kanyang mga magulang na noon ay nakangiti sa akin na naghihintay sa dulo. Nakikita ko ang pagtanggap nila sa akin sa kanilang pamilya. Naroon din si Jake. Lumuluha ngunit banaag ang saya sa kanyang. Hindi ito madali. Mahirap magparaya at magpaubaya ngunit ginagawa niya para sa akin, para sa amin ni Jinx. At tumigil ang mundoNung ako'y ituro moAt hindi ka lumayoNung ako yung sumusukoAt nagbago ang mundoNung ako'y pinaglaban moAt tumigil ang mundoNung ako'y pinili moSiya ang panalangin ko Bineso ako ng Mommy niya at niyakap ako ng Daddy niya. Nakita kong kahit napipilitan ay nagyakapan sina Nanang at Mommy ni Jinx. Alam kong may mga pag-uusapan pa sila at aayusi
Hindi ako nakasagot. Inilahad niya ang kanyang kamay para magpatuloy kami sa aming paglalakad. Hindi ko iyon tinatanggap.Nagkatitigan kami ni Jinx. Lahat ng aming alaala ay bumalik. Muling pumailanlang ang ilang kanta ni Moira. Ang kantang Paubaya. Saan nagsimulang magbago ang lahat?Kailan no'ng ako ay 'di na naging sapat?Ba't 'di mo sinabi no'ng una pa lang?Ako ang kailangan, pero 'di ang mahalHindi ibinababa ni Jake ang kamay niyang nakalahad. Naghihintay na hawakan ko iyon. Puno ng luha ang kanyang mga mata. Humihikbi rin. Daman-dama ko ang sinasabi ng kanta. Ngunit nasa dulo si Jinx. Naghihintay. Umuunawa. Nagtitiis. Nagtitimpi. Nagsasakripisyo para sa kaligayahan ko at kaligayahan ni Jake. Halos sampung taon na pagtitiis. Nag-iisa habang kami ni Jake ang masayang nagsasama at alam niya iyon. Alam niya ang lahat pero nagpaubaya. Saan nagkulang ang aking pagmamahal?Lahat ay binigay nang mapangiti ka langBa't 'di ko nakita na ayaw mo na?Ako ang kasama, pero hanap mo siyaT
“Patawarin mo ako, hindi kita nabalikan agad. Patawarin mo ako dahil hindi kita napangatawanan. Patawarin mo ako kung ngayong kasal mo na lang ako nagpakita.”“Bakit kayong dalawa ay humihingi ng tawad sa akin? Ano ito? Kay Jinx alam kokung bakit pero sa’yo Jake? Hindi ko alam kung anong nagawa mong mali para humingi ka sa akin ng tawad.”“Khaye, ipagtatapat ko na lahat.”“Sige sabihin mo sa akin ang lahat. Makikinig ako.”“Nang umuwi si Jinx para hanapin ka at hindi ka niya nahanap sa probinsiya, dumaan sa bahay. Sa kanya ko nalaman ang lahat ng kanyang masakit na pinagdadaanan. Nagsabi siya sa akin, nagmakaawa na sana hanapin kita o baka nakita na kita. Gusto ka kasing mahanap. Gusto ka nIkinuwento niya sa akin ang tungkol sa inyo at lahat ng paghihirap niya mahanap ka lang. Gusto sana niyang makita ka bago pa man sana siya babalik sa America. Nang nakita ko ang picture mo, nagulat ako. Nakita na kita noon sa UP e. Ikaw ang dahil kung bakit doon ko gustong mag-enrol. Ikaw ang dahila
At nakita kita sa tagpuan ni BathalaMay kinang sa mata na di maintindihanTumingin kung saan sinubukan kong lumisanAt tumigil ang mundoNung ako'y ituro moSiya ang panalangin koNang naibaba ang puting harang ay nakita ko si Jake. Nakangiting nakatitig sa akin. Hindi siya nagulat. Hindi iyon ang inaasahan ko sa kanya. Para bang alam na niya. Napaluha siya. May katabi siyang lalaki na nakatalikod. Iyon na marahil ang pinalabas ni Daddy na siyang ikakasal. At hindi di mapaliwanagAng nangyari sa akinSaksi ang lahat ng talaSa iyong panalanginSi Jake, si Jake ang pinili kong una kong pakakasalan. Siya dapat ang iniisip ko at hindi si Jinx. Kaya nga mabilis kong pinunasan ang luha ko at nagpatuloy ako sa paglalakad palapit sa lalaking kasama kong nagdadasal para mapahaba pa ang kanyang buhay at nang magsasama pa kami ng matagal.Pano nasagot lahat ng bakit?Di makapaniwala sa nangyariPano mo naitama ang tadhana?Nang itaas kong muli ang aking paningin. Humarap na ang kaninang nakat
Isang masarap na halik ang ikinintal niya sa aking labi at mahigpit na yakap habang hinahaplos niya ang likod ko. Pagkatapos ang mahigpit na yakap niyang iyon ay masuyo din niya akong tinitigan at hinaplos haplos ang aking pisngi. “Mahal kita, mahal na mahal kita. Lagi mong tandaan ‘yan babe. Lagi mong iisipin na ang lahat ng aking gagawin ay para sa’yo. Maaring ito na ang huli nating pagtatalik, maaring hindi na kailan man mauulit ngunit babantayan kita. Patuloy kitang pagmamasdan. Hangad ko ang iyong kaligyahan sa nalalabi mo pang taon sa lupa. Gawin mong masaya ang bawat sandali kasama ng ating anak. palakihin mo siya ng may takot sa Diyos. Ikaw na lang ang bahalang magkuwento sa kanya kung sino ako. Ikaw na lang ang bahalang magpakilala sa kanya sa akin kapag kayo ay dadalaw sa akin puntod.” “Huwag ka namang magsalita ng ganyan please? Huwag muna.”“Mangyayari na’yon bhie. Habang kaya ko pang sabihin ang lahat. Sinasabi ko na sa’yo. Hinahabilin. Ibinabalik sa tunay sa’yong nag-ma
Habang kinakanta ko ay bumabalik ang lahat sa akin at alam kong siya rin. Nanginginig ang kamay niyang nagbi-video sa akin. Hindi ko napigilang hindi maiyak habang kinakanta ko iyon lalo pa’t nakangiti ring umiiyak ang mahal kong nakamasid sa akin. Alam kong iyak iyon ng sobrang kaligayahan dahil sa kabila ng pagsubok, sa kabila ng dapat noon pa siya bumigay dahil sa sakit niya ay buo pa rin kaming dalawa hanggang ngayon.If I could be the perfect man in your eyes I would give all I'm worth to be a part of your life I could promise the world but it's out of my hands I can only give you everything I haveBatid kong pinakamalaking bahagi ng buhay namin ang isa’t isa. Hindi man siya ang aking first love pero para sa akin, he is my greatest love. Masaya ako kasi ako ang first love niya, greatest and last love niya. Napakaimposible na ako lang ang naging babae sa buhay niya ngunit alam ko iyon at sigurado ako. Totoo pa lang may kagaya niya. Lalaking tapat magmahal. Lalaking hindi sumusu
“Sige ho. Magpahinga na muna kayo. I’ll just advise you na lang po kung kailan kayo pwede nang ma-discharge. Tatawagin ko na ho si Tito para masamahan kayo at mabantayan kayo dito sa loob. May mga nurses po ako at doctors na titingin, tingin pa rin ho sa inyo.” Huminga ako ng malalim. Parang napakagaan sa dibdib. Sa tinagal-tagal ng panahon parang ngayon lang ako lumaya. Malaya sa galit. Malaya sa hinanakit. Malaya sa paghihiganti. Nang buksan ko na sana ang pinto ay bigla niya akong tinawag. “Dok Khaye, Dok…” garalgal ang boses niya. Nilingon ko. Itinaas niya ang kanyang kamay. Parang gusto niya akong kamayan. Tinanggap ko ang kanyang palad. Ibang Mrs. Castro ang nakikita ko. Hindi na siya yung dating matapang. Isang Mrs. Castro na nahihiya. “May kailangan ho ba kayo?” Tumayo ako sa gilid ng kanyang kama. Ginagap niya ang isa ko pang kamay. Parang may kung anong dumaloy sa