CHAPTER 43 “Wala ho. Si Nanang naman e, kung anong pinagsasabi.”“Bakit masama ba?”“Bakit naman namin gagawin ho iyon?” hindi ako makatingin kay Nanang ng diretso. “Tumingin ka sa akin at sabihin mo sa akin na wala kayong ginawa.” Napalunok ako. Kailangan kong manindigan na wala. Tumingin ako kay Nanang para sabihing wala kahit sa loob-loob ko ay kinakabahan ako. “Wala ho. Wala kaming ginawa.” “Mabuti naman. Ako ha, nagtitiwala ako sa’yo Khaye. Huwag na huwag mong sirain ang tiwala ko sa’yo.”“Anong mga ‘tong dala mo?”“American breakfast ho. Ipinagtabi kayo ni Jinx.”“May Americano sa kanila?”Kahit pinigilan ko ang sarili ko e natawa pa rin ako.“American breakfast ko. Agahan ng mga Americano.”“Oh di ‘yon nga. Bakit mag-aagahan ng Americano.”“Basta agahan lang ho ‘yan. Agahan ng mga mayayaman. Wala hong Americano sa kanila, Nang.”“Ikaw, tinatanong kang maayos tumatawa ka.”“Kainin na lang ho ninyo ba
Chapter 44Dahil malakas naman siya sa aming Principal, paniguradong papasa pa rin naman siya kaya hindi ko na pinproblema pa iyon. Nami-miss ko lang talaga siya. Sobrang miss na miss lalo pa’t hindi ko naman din siya makausap kahit sana sa cellphone lang. Ako at siya lang naman kasi ang may cellphone sa school. May cellphone man si Jayson ngunit kaaway na ang turing niya sa akin. Ang isang linggo ay naging dalawang linggo. Nalulunod na ako sa pagkasabik. Ang hirap na sa akin ang matulog sa gabi. Yung pagkasabi nauwi sa pagtatampo. Oo, nagtatampo na ako na hindi man lang siya sumilip sa akin. Hindi rin siya pumunta sa bahay para bisitahin ako. Minsan naiinis na rin ako sa sarili ko na masyadong naapektuhan. Tama si Nanang, naadik na nga yata ako sa aking kasintahan.Pangatlong Linggo nang biglang may kumalabit sa akin habang kumakain ako ng tanghalian ko sa silong ng mangga. Hindi na kasi ako umuuwi dahil malayong lakaran kaya naman nagbabaon ako.“Na-miss mo ako?” nakatawa siya.Sin
Chapter 45 Dala ko ang aking mga ibebenta ay nagtungo ako sa bayan. Naglagay na rin ako ng pamalit kong damit. Iniisip kong kay Ate Precious na lang ako magpalit ng damit. Sana siya pa ang may pwesto doon. Sana maalala pa niya ako.Si Nanang naman ay piumunta sa bukid at maghapon ang tanggap niyang trabaho. Nagbaon na rin siya kaya alam kong pwede akong umuwi ng kahit hapon na. Kailangan lang na mas mauna akong makarating sa kanya sa bahay. Nang makarating ako sa tapat ng saloon ni Ate Precious ay sarado pa. Matagal na siyang hindi ko nakikita. Bata pa ako noon pero tandang-tanda ko pa rin ang mga naitulong niya sa akin. Siya ang nagturo sa akin kung paano magsulat ng pangalan ko at magbilang. Tinulungan rin niya akong bumili ng aking pangangailangan. Inilatag ko ang mga paninda kong gulay. Kailangang maibenta ko lahat ng ito bago pa man masundo ako ni Jinx. Kokonti na lang ang paninda ko nang naisipan kong i-text na si Jinx kung nasaan ako. Alas otso n
Chapter 46“Hindi ako ang nagsabi sa kanila ng kahit ano, si David, siya ang alam mon a, nagbabalita ng lahat ng nangyayari rito. And of course si Manang.” bulong niya.“Anong binubulong mo, anak?”“Wala Mom, sabi ko, relax lang siya kasi ninenerbiyos si Khaye sa inyo e.”“Naku Khaye, relax. Okey, come on, anak. I’ll introduce you to everybody.” Hinawakan ng Mommy niya ang kamay ko. Ako pala anng sinabihan niya ng anak. Ninenerbiyos ako nang inilalayo niya ako sa boyfriend ko. Iniisip ko kasi ang mga mother in law na sobrang matapobre. Baka ito na yung panahon na ipapahiya niya ako. Ito na yung sandali na sasabihin niyang hindi ako bagay sa kanya at sa kanilang pamilya. Kaya hindi ko mabitiwan ang palad ni Jinx. Ayaw kong maghiwalay sana kami kung maari.“Mom, saan ba kasi ninyo siya dadalhin?”“E, saan ba sa tingin mo kami pupunta?”Ngumiti si Jinx sa akin. “Sige na, sumama ka muna kay Mommy. Just let me know if you feel uncomfortable o may narinig kang hindi mo gusto, okey?”Tumang
CHAPTER 47Bubuka pa lang sana uli ang bibig ng Daddy ni Jinx nang biglang sumingit si Jyles, ang pinsan ni Jinx.“Tito ako na ho. Ako na ho ang bahala sa girlfriend ni insan.”Huminga ng malalim ang Daddy ni Jinx. Halatang pinipigilan lang niya ang sarili niyang magalit.Huminga ako ng malalim. Nanginginig.“Khaye, anong yung ginawa mo?”“Tumulong. Mali ba ang tumulong sa pagliligpit? Sa amin kasi uso ang bayanihan.” Huminga siya ng malalim. Tumingin sa paligid saka siya tumingin sa akin.“Alam ko, ganoon sa inyo. Ganoon rin naman sa amin. Kasi ako, I mean, kaming pamilya ang parang pinakamahirap sa lahat sa kanila kaya bihira akong um-attend ngganito. Kung hindi lang kay Jinx, wala ako dapat dito ngayon. Pero Khaye, kahihiyan sa kanila na bilang bisita ay gagawa ka ng trabahong nakalaan sa mga katulong lang. Guest ka rito at hindi binayaran para maghugas ng pinggan. Okey lang sana kung parang bisita ka lang na hindi girlfriend ni Jinx. Kaya lang kasi girlfriend ka ng anak nila, girl
Chapter 48“Wait. I have this place na alam kong magugustuhan mo. I am sure na kapag lulubog ang araw ma-mesmirize ka. Gusto kong matupad ang pangarap kong ito and you know what? You will make this dream come true.”“Sige, sasama muna ako pero ihahatid mo rin ako agad mamaya ha?”“I will, basta sasama ka muna sa akin.”“Sige. Deal.”“Magpapaalam muna tayo kina Mommy at Daddy dahil hindi na tayo babalik dito. Ihahatid na kita after nito sa inyo.”“Thanks for coming Khaye. I hope you did enjoy the party, I mean your party.” wika ng Mommy ni Jinx nang bineso niya ako. Nakahawak pa siya sa aking mga kamay. Kitang-kita sa kanyang mukha ang kabaitan at pagtanggap.“Salamat din ho tita at tito sa pagtanggap. Na kahit po ganito lang po ako ay tinanggap ninyo ako ng buum-buo para kay Jinx.”“Ang gusto ng anak namin ay gusto na rin namin. Kaya huwag kang mag-alala, nandito lang kami para sa inyo.”“Salamat po.”“Bye Khaye. Till we meet again.”“Jinx ingat sa pagmamaneho ha? Dapat yung sasakyan
Chapter 49“Patawarin mo ako Nang. Hindi na ho mauulit.” Humihikbi na ako. Alam ko sa sarili kong mabigat ang kasalanan ko kay Nanang. “Hindi na talaga mauulit dahil mula ngayon, hindi na muna kayo maaring magkita ni Jinx. Hindi na kita papayagang umalis ng bahay na hindi ako kasama maliban na lamang sa pagpasok mo sa paaralan. Bahay paaralan ka lang. Bibilinan ko ang mga kapitbahay na titignan-tignan ka sa school kung kasama mo o nakakausap si Jinx dahil kung magmamatigas ka, itigil mo na lang ang pag-aaral. Kalimutan mo na lang ang pangarap mong makatapos. Mag-asawa ka na lang kung gusto mo kaysa ganitong niloloko mo lang ako.”“Sige po. Huwag na rin ho kayong mag-alala kay Jinx. Magbabakasyon po silang buong pamilya sa mga bakasyunan sa Pilipinas saka sila babalik ng America. Ibig sabihin Nang, ito yung huling araw na magkasama muna ako. Matagal ho siyang hindi ko makikita.”Huminga ng malalim si Nanang. Tinignan niya ako. Sandaling katahimikan. Pumunta sa kusina. “Kakain k aba o
Chapter 50“Okey ka lang ba anak? Kanin aka pa natatahimik ah. May problem aba?”“Wala ho Nang.”Bumuntong-hininga si Nanang. “Kung hindi ka pa handang magsabi tandaan mo na Nanang mo ako at pwede mong sabihin lahat. Magagalit man ako pero sa huli, mangingibabaw pa rin ang pagiging ina ko sa’yo.”“Salamat po Nang.” Garalgal ang boses ko. Tumalikod ako.“Hindi pa umuuwi ang tatang mo, ilang araw na. Ngunit okey lang, Mas tahimik ang buhay natin ngayon na wala siya.”“Oo nga po Nang. Ano na kaya ang nangyari kay Tatang.”“Oo nga e. Kahit papaano ay kinakabahan pa rin naman ako. Sana lang walang nangyari sa kanya, sana nasa mga kapatid at kamag-anak lang niya sa ibayo.” wika niya habang nagpapalit siya. “Noong isang araw nakita ko siya sa bahay nong kasama niyang manginginom, yung si Berto. Doon natulog sa harap ng bahay nila. Hindi ko alam kung bakit hindi siya sa atin umuuwi. Baka mapera pa.” Nakapagpalit na siya ng pambukid niyang damit. Hindi ako nagsasalita. Malalim ang aking iniis