Share

FEAR TO MEET

Chapter 44

Dahil malakas naman siya sa aming Principal, paniguradong papasa pa rin naman siya kaya hindi ko na pinproblema pa iyon. Nami-miss ko lang talaga siya. Sobrang miss na miss lalo pa’t hindi ko naman din siya makausap kahit sana sa cellphone lang. Ako at siya lang naman kasi ang may cellphone sa school. May cellphone man si Jayson ngunit kaaway na ang turing niya sa akin.

Ang isang linggo ay naging dalawang linggo. Nalulunod na ako sa pagkasabik. Ang hirap na sa akin ang matulog sa gabi. Yung pagkasabi nauwi sa pagtatampo. Oo, nagtatampo na ako na hindi man lang siya sumilip sa akin. Hindi rin siya pumunta sa bahay para bisitahin ako. Minsan naiinis na rin ako sa sarili ko na masyadong naapektuhan. Tama si Nanang, naadik na nga yata ako sa aking kasintahan.

Pangatlong Linggo nang biglang may kumalabit sa akin habang kumakain ako ng tanghalian ko sa silong ng mangga. Hindi na kasi ako umuuwi dahil malayong lakaran kaya naman nagbabaon ako.

“Na-miss mo ako?” nakatawa siya.

Sin
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status