Share

KABANATA VII

PATAKBO na lumapit ang driver kay Franco na humahangos, napahawak pa ito sa dibdib at napalunok sa sariling laway.

"Sir, si Ma'am Isabelle po nawawala!"

"Anong ibig mong sabihin?"

Napakamot sa batok si Mang Gorio habang nagpapaliwanag. "Eh, sir...iniwan ko lang po siya sa kotse, para bumili ng tubig, pagbalik ko wala na siya."

"Bakit mo siya iniwan?" Inis na turan niya kay Mang Gorio.

Mabilis na tinungo ni Franco ang kotse kung saan naka- park. Gano'n na lamang ang pagkagulat niya nang makitang wala si Isabelle sa loob ng kotse at tanging pares lamang ng sapatos ang naiwan.

"Isabelle, where are you?" Pabulong na saad ni Franco.

Bahagyang isinandal niya ang noo habang ang isang kamay ay nakapatong sa kotse. Humugot siya ng malalim na hininga habang sinusuyod ng tingin ang loob ng sasakyan. Mariin siyang napapikit na tila desmeyado dahil sa pagtakas ni Isabelle sa kanilang kasal. Ngunit hindi iyon ang labis niyang pinag-aalala, iniisip niya kung saan nagtungo si Isabelle at kung ano ang kalagayan nito ngayon.

Nag- angat siya ng tingin nang maulinigan niya ang boses ni Olivia.

"Franco, anong nangyayari?" Nakakunot ang noo nito at sinilip ang loob ng kotse.

He moves away from the car. He exclaimed as he looked at Olivia, who was in a panic searching for Isabelle.

"Where is Isabelle!" Nangibabaw ang boses ni Olivia na, dahilan upang mag- agaw atensyon sa mga taong naroroon.

"Could you please calm down, Olivia? You were just over- react." Mahinahon na saad ni Franco ngunit, ang bawat salita ay madiin, kitang- kita sa mukha niya ang pagpigil ng pagbugso ng damdamin.

"Calm down? Look, Franco. Isabelle is missing, running away, and you are telling me to calm down? Look what Isabelle has done. To you and my family." Nagngingit na saad ni Olivia.

Bumutonghininnga ng malalim si Franco na nakamasid sa buong paligid. Nakatanaw siya sa may pinto ng simbahan, naglalabas ng alon ng mga bisita sa maliwanag na araw sa hapon. Isang masiglang kapaligiran ang nakasabit sa hangin, na may halong pabango ng mga lilac at ang mahinang alingawngaw ng musika ng kasal. Ngunit sa gitna ng pagdiriwang, isang pakiramdam ng pagkabalisa ang dumaloy sa karamihan.

Habang nagtitipon ang mga panauhin sa labas, nagsimulang kumalat ang isang tahimik na bulung- bulungan. Ang kanilang mga mukha ay nakaguhit na may halong pag- aalala at pag- usisa.

Nag- agaw pansin rin sa mga panauhin ang paglabas ni Arnulfo Osorio kasunod ang asawang si Rina at Sabrina. Humahangos na lumapit si Arnulfo sa kinatatayuan ni Olivia na hindi na mapakali at panay ang dial ng numero ni Isabelle.

"What is happening here? Where is Isabelle?" Nagpalipat- lipat ng tingin si Mr. Arnulfo kay Olivia at Franco.

"Dad, Isabelle is missing! Inis na untag ni Olivia.

"What? How could it be?" Nanlaki ang mga mata ni Mr. Arnulfo sa pagkabigla. Bumaling siya ng tingin kay Franco na abala sa pakikipagusap sa telepono.

"Look, dad. Wala talagang ginawang matino ang anak ninyo! Nang-gagalaiting saad ni Sabrina.

"Bakit kasi si Isabelle pa ang ipinagsiksikan mo sa mga Villanueva para ipakasal?" Turan ni Olivia na hindi tumigil sa pagtawag kay Isabelle kahit hindi sinasagot ang tawag niya.

"Mom," baling ni Sabrina sa ina. "I don't want to leave the mansion, ayaw kong tumira sa maliit at masikip na apartment. Dad, wala ka bang gagawin? Call Isabelle at papuntahin mo siya agad dito." Naiiyak na sabi ni Sabrina.

"Ever since, na dumating si Isabelle sa bahay wala na siyang nagawang mabuti para sa pamilya natin." Untag ni Olivia. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mapawi ang inis niya sa kapatid.

"Could you please stop blaming your sister. Hindi pa natin alam kung ano ang nangyari sa kanya, now, stop accusing Isabelle and instead of doing nothing--- go and find her!" Tumaas ang tono ng boses ni Arnulfo dahilan upang magtinginan ang mga panauhin sa kanila.

Ang mga bulongan ay lalong umugong nang lumapit ang mga Villanueva sa kanila, ang bawat grupo ay may kanya- kanyang interpretasyon sa mga nangyayari.

Halos pagpawisan ng malapot si Arnulfo nang lumapit sa kanila si Rogelio Villanueva, ang ama ni Franco. Isang malaking pangalan sa mundo ng mga negosyante.

He is wearing a grey suit with a white shirt and a dark tie. He has grey hair and a serious expression on his face.

Namumuo ang butil- butil na pawis sa noo ni Mr. Arnulfo nang maulinigan nito ang tinig.

"Arnulfo, I never expected this to happen." Rogelio Villanueva's voice is dominant and commanding.

Iginala nito ang tingin sa buong paligid at isa- isang pinagmasdan ang lahat mula sa paligid ng simbahan at sa mga taong walang tigil sa pagbubulungan at gumagawa ng kanya- kanyang interpretasyon tungkol sa nangyari.

"My apology, Mr. Villanueva. I will make sure my daughter will come any moment now." Nanliliit ang tingin ni Arnulfo sa sarili habang humihingi ng paumanhin kay Rogelio Villanueva.

"But, I guess your daughter runaway." Nakatitig ang mga mata nito sa kanya at isa- isang pinukol ng tingin sina Olivia, Sabrina at ang asawang si Rina na nakatayo sa likuran.

"I'm sorry. Kung hindi makakarating si Isabelle ngayon ay aakuin ko ang lahat ng kahihiyan Mr. Rogelio."

Yumukod si Arnulfo bilang pagpapakita ng sinseridad sa paghingi niya ng tawad dahil sa ginawa ni Isabelle. Magsasalita pa sana siya ng biglang dumating si Franco.

"Mr. Arnulfo," tawag ni Franco sa mababang boses.

Nag- angat naman ng tingin si Arnulfo at sinalubong ang tingin ni Franco.

"I'm sorry, Franco hindi ko akalain na gagawin ito ni Isabelle. I will pay for the damages and apologize for the trouble Isabelle has caused you and all of Villanueva." Muling paghingi ng tawad ni Arnulfo.

Pumagitna si Olivia at hinila ang ama. She couldn't take to look at her Dad bowing his head and apologizing for Isabelle doing wrong.

"Dad, look at yourself huwag mong ibaba ang sarili mo nang dahil kay Isabelle. Let Isabelle pay all of this." Inis na turan ni Olivia.

Binalingan ng tingin ni Franco si Olivia. Nakasalubong ang kilay nito na, halos hindi maipinta ang mukha. Alam niyang matindi ang galit nito kay Isabelle dahil sa hindi pagsipot sa kasal. Isang nakakakulong tawa ang pinakawalan niya at nagpabalik- balik ng tingin sa pamilya ni Isabelle.

He couldn't believe that Isabelle's family would be angry because of running away from her wedding. Nobody cares about her situation right now. No one cares what Isabelle went through.

"Forget about this Mr. Osorio. Isabelle running away, I can't force her to marry me," saad ni Franco. Kalmado ang boses niya at hindi nakitaan na, kahit anong galit.

"Is that all? Hindi ka ba magagalit kay Isabelle? Of all this things happened?" Nagtatakang tanong ni Olivia.

"Why should I? Is anyone cares about her today?" Tanong ni Franco at nagpabalik- balik ng tingin sa pamilya ni Isabelle.

Walang kahit isa ang sumagot sa tanong niya, isang patunay lamang na mas mahalaga ang kontrata ng kasal at ang perang kapalit nito. Kahit isa sa kanila ay walang nagpakita ng pagmamalasakit kay Isabelle.

Hinubad niya ang black suit at tinanggal ang butones ng suot na longsleeve. Walang lingon- lingon ay lumakad siya palayo sa nakakarami.

"Franco! Franco! Come back here!" Sigaw ng kanyang ama.

Hindi niya pinakinggan ang pagtawag ng ama at dali- daling sumakay ng kanyang Lexus Rx model na sasakyan at saka pinaharurot paalis ng simbahan.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Lv Villarino
Ayan naramdaman na ni Ffanco na pera lng ang importante sa pamilya ni Isabelle
goodnovel comment avatar
Cristina Bernales Bayubay
hanapin mo si isabelle franco
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status