PATAKBO na lumapit ang driver kay Franco na humahangos, napahawak pa ito sa dibdib at napalunok sa sariling laway. "Sir, si Ma'am Isabelle po nawawala!""Anong ibig mong sabihin?" Napakamot sa batok si Mang Gorio habang nagpapaliwanag. "Eh, sir...iniwan ko lang po siya sa kotse, para bumili ng tubig, pagbalik ko wala na siya.""Bakit mo siya iniwan?" Inis na turan niya kay Mang Gorio. Mabilis na tinungo ni Franco ang kotse kung saan naka- park. Gano'n na lamang ang pagkagulat niya nang makitang wala si Isabelle sa loob ng kotse at tanging pares lamang ng sapatos ang naiwan."Isabelle, where are you?" Pabulong na saad ni Franco.Bahagyang isinandal niya ang noo habang ang isang kamay ay nakapatong sa kotse. Humugot siya ng malalim na hininga habang sinusuyod ng tingin ang loob ng sasakyan. Mariin siyang napapikit na tila desmeyado dahil sa pagtakas ni Isabelle sa kanilang kasal. Ngunit hindi iyon ang labis niyang pinag-aalala, iniisip niya kung saan nagtungo si Isabelle at kung ano
FRANCO drove his car as fast as he can, away from those people who have nothing to think but theirselves. Limang minutong pagmamaneho ang layo ng convenience store na hinintuan nila Isabelle para utusan ang driver niyang bumili ng bottled water, patungo sa simbahang pagdarausan sana ng kanilang kasal. Seryoso at hindi maaaninagan ng kahit anong ekspresyon ang mukha ng binata habang binabaybay ang kalsada pabalik sa kung saan nawala si Isabelle. Panay ang lingon niya sa magkabilang bahagi ng kalsadang dinaraanan sa pag-aasam na makita ang dalaga. At nang makita ang tindahan, tumigil siya sa harapan niyon sa kabilang linya. He scanned and study the place, trying to figure out where could possibly Isabelle have gone.He heaved a deep sigh as he felt frustrated. He started the car's engine and drove it slowly. Napansin niya ang palikong daan sa kaliwa niya kaya iniliko niya roon ang sasakyan nang wala sa loob. It was just an empty road with an empty open field both sides.Hindi niya alam
THE BILLIONAIRES SWEET VENGEANCECHAPTER IX"ANG BABY KO!" sigaw ni Isabelle. Nandidilat ang mga mata niya dahil sa labis na takot na baka may mangyari sa sanggol na nag-uumpisa palang mabuo sa sinapupunan niya.Mabilis namang napabalik si Franco sa silid pagkarinig sa nahihintatakutang sigaw ng dalaga. Nadatnan niya itong nasa sahig at gumagapang. Naghahalong takot at sakit ang nakikita niya sa mukha nito."Ang baby ko..." usal pa ng dalaga kaya mabilis pa sa kidlat na nilapitan ni Franco si Isabelle at pinangko ito.He was so stupid not to bring Isabelle in the hospital. Hindi man lang niya naisip na baka masama ang pagbagsak nito nang mawalan ng malay."I don't want to lose my baby," umiiyak na saad ni Isabelle nang iupo ni Franco sa shotgun seat ng sasakyan niya at mabilis na sinuotan ng seatbelt."Just breathe, Belle. We're not losing our baby, alright?" malamyos ang tinig na pang-aalo ni Franco habang ini-start ang sasakyan.Ginawa naman ni Isabelle ang sinabi ni Franco. Sinapo
PARANG isang ipo-ipo na umakyat ng hagdan si Isabelle. Ang kanyang puso ay kumakabog sa kanyang dibdib dahil sa kaba. Tinawag niya ang kanyang mommy at daddy, pinaghalong pag-asa at takot ang bumabalot sa kanyang boses. Nang hindi sumagot ang mga magulang ay nagbakasali siyang tawagin sina Olivia at Sabrina nang walang marinig na sagot ay nagmasid siya sa bawat sulok, desperado na hanapin sila. Nakahawak siya sa tiyan habang umaakyat, ang mabilis na paghakbang ay bumagal dahil sa pag-aalala na magdulot na ikakapahamak ng batang nasa sinapupunan niya. Dahan- dahan niyang inihakbang ang mga paa hanggang sa tuluyang maabot niya ang tuktok ng hagdan.“Dad! Mom!” Tawag niya. Napahinto siya nang masalubong niya si Olivia.“Oh, there you are Isabelle!” “Olivia, anong nangyayari? Bakit ang daming maleta sa ibaba? Ang mga gamit, bakit naka- kahon na ang mga iyon?” Huh! Padabog na ibinaba ni Olivia ang hawak- hawak na kahon at ‘saka humakbang papalapit sa kanya. “Siguro alam mo na, kung b
"F-FRANCO?"Sabi niya magpapakatatag siya. Sabi niya magiging matapang siya para sa dalawang sanggol na nasa sinapupunan niya. Subalit nang makita niya si Franco na bumababa sa sasakyan nito at papalapit sa kaniya, nagmistulang bukal ang mga mata niya na naglabas nang walang humpay na luha.At nang ikulong na siya sa mga bisig nito, para na siyang batang nakahanap ng kakampi matapos awayin ng mga nakapaligid sa kaniya. Humagulgol siya sa dibdib nito.Kung nakinig lang sana siya rito, hindi siguro niya daranasin ang ipagtabuyan ng sariling pamilya. Hindi sana siya nasasaktan.Pamilya sila, di ba? Dapat sila ang kakampi niya. Pero bakit hindi man lamang siya hinayaang magpaliwanag? Hindi man lang muna pinakinggan ang dahilan niya.Masuyong hinahagod ni Franco ang likod niya na unti-unting nagpagaan sa bigat na nararamdaman niya. Hinayaan siya nitong kusang kumalma."I-I just don't want to be unfair to you, Franco. You don't deserve this. You don't deserve a woman like me," usal niya sa
"LET me be the father of the twins in your womb. Let me take care of you, Isabelle."Ayaw na sanang umiyak ni Isabelle, baka maipaglihi pa niya sa sama ng loob ang babies niya. Pero hindi niya mapigilan ang mga luha. Hindi niya alam kung ano ba ang nagawa niyang mabuti para ibigay sa kaniya ng Diyos ang tulad ni Franco.Dahil kung tutuusin, kung gusto talaga nitong makapag-asawa na, makakakuha naman ito ng babaeng higit sa kaniya. Iyong malinis. Iyong may maayos na pamilyang pinagmulan, at higit sa lahat, iyong babaeng hindi nabuntis ng kung sino lang.Kaya bakit siya? Hindi talaga niya maintindihan. Pero dahil wala na siyang iba pang matatakbuhan at ito naman ang nag-i-insist na panagutan ang ipinagbubuntis niya—bahala na."Ka—" Hindi niya itinuloy ang sasabihin. Nag-ipon muna siya ng hangin para palakasin ang loob, saka iyon ibinuga at muling nagsalita. "Kahit hindi muna kita pakasalan?"Si Franco naman ang bumuntonghininga, at parang napipilitang sumagot. "Fine. Kahit h'wag muna t
"I WILL make it sure, Mr. Villanueva,"tinig ng nasa kabilang linya. Ini- off niya ang mobile phone at saka tinanaw si Isabelle. Pagkatapos ng pakikipagusap ay agad naman siyang bumalik sa dining area upang saluhan si Isabelle sa pagkain. Matipid na ngumiti ito at sinundan siya ng tingin hanggang sa siya ay makaupo. "I'm sorry, it's an important call," saad niya. "It's okay. No need to apologize." Tinuloy ni Isabelle ang pagkain, hindi niya namalayan na naka- tatlong pancake na siya at dalawang slice ng watermelon at ang fresh juice ay halos nangalahati na ang laman ng baso. Nakangiting pinagmasdan niya si Isabelle habang nilalantakan ang huling slice ng watermelon. Kumuha pa siya ng isa at hiniwa ito at inilagay sa pinggan ng dalaga. Napansin naman ni Isabelle ang pagkatitig niya kung kaya't huminto ito ng pagkain. "Why, may sasabihin ka ba?" Ibinaba nito ang hawak na kubyertos at seryosong tumitig sa kaniya. Umiling- iling lamang siya at inilagay ang mga watermelon na
NO INTIMACY.No emotional attachment.No demands.Separate rooms.These are the conditions that Isabelle gave to Franco, na ipinagbuntonghininga na lamang ng huli.Ang bilis lang lumipas ng araw. It's been two and a half months since they live under the same roof. At kung hindi kasa-kasama ni Isabelle si Franco sa monthly check-up ng una, baka nagugulat na ang binata sa changes na nangyayari kay Isabelle.Tulad ngayong gabi. Gustong mabahala ng binata dahil hindi masiyadong kumain si Isabelle. Dalawang subo lang ang ginawa nito at bumalik na sa master bedroom kung saan niya ito pinagkuwarto.Dalawa lang ang silid na mayroon ang bungalow house na binili niya two years ago. Pero malaki ang espasyo sa harapan ng dalawang silid na siyang ginawang working space ni Franco. Pinalagyan niya ng working table para sa kaniya at kay Isabelle. Pero lately, Isabelle change her mood na para bang ayaw siya nitong nakikita kaya roon ito sa master bedroom gumagawa ng design para sa kliyente nito.Alas-
OLIVIA was busy examining the financial statement of FV Finance. At dito palang nakikita na niya kung gaano kalaking butas ang magagawa ng loan ni Isabelle na inaprubahan ng boss nilang si Franco. Seven million with zero interest and payable for ten years, the heck is that!Wala naman siyang pakialam kung malugi ang kompaniya ni Franco. And for sure that digits without zero interest won't harm nor will damage the FV Finance. All she care for is Isabelle.Hindi niya alam kung ano ang pinaplano ni Franco, pero nakasisiguro siyang mayroon itong binabalak at ginagamit nito ang kapatid niya para maisagawa ang kung ano mang gusto nito.Napapabuntonghininga na lang siya. Hindi niya alam kung bakit malakas ang kutob niya na Franco was up to something. Revenge? For what? Wala nga siyang maisip na kasalanan nila rito.Bumuntonghininga na naman siya saka isinandal ang sarili sa backrest ng swivel chair na kinauupuan. Ipinikit niya ang mga mata at sunodo-sunod ang paghinga na ginawa niya. She wa
L'OPERA Ristorante Italiano is one of the elegant fine-dining Italian restaurants that served authentic Italian dishes. Pagpasok ni Isabelle at Franco sa loob, bumungad ang klasikong Italian ambiance na nagbibigay ng pakiramdam ng pagiging nasa isang magarang Italian villa. Kapansin-pansin din ang mga pader na pinalamutian ng mga wine bottles, at ang mga chandelier at ilaw, nagbibigay ng liwanag sa loob.Ang mga mesa ay may mga puting tablecloth at mga kandila, na nagdaragdag sa romantic atmosphere.Nag-order siya ng mga paboritong pagkaing Italian ni Isabelle, ngunit nanatiling nakatingin lamang si Isabelle at walang kibo.Habang unti-unting bumababa ang mga ilaw sa paligid, si Franco ay nag-aalala sa katahimikan ni Isabelle. "Isabelle, are you okay?" tanong niya, umaasam na sana ay masagot ito ng masaya. Ngunit sa halip, lumingon si Isabelle sa kanya, ang mga mata ay tila malalim na nag-iisip."It's nothing, pagod lang siguro ako."Matamis na ngumiti si Franco kay Isabelle. Nilagyan
NAGPALINGA-LINGA si Isabelle sa loob ng restaurant upang hanapin si Olivia. Napangiti siya nang makita si Olivia sa kabilang sulok ng restaurant, at agad na kumaway ito sa kaniya nang mapansin ang kanyang pagdating. Dagli siyang lumapit sa kapatid, halos mapunit na ang bibig niya sa pagngiti."Olivia," bati niya, kasabay ng isang mahigpit na yakap."Isabelle," tugon ni Olivia, hinahaplos niya ang mukha ng kapatid bago muling yakapin ito nang mahigpit. "I'm glad to see you again.""Ganoon din ako.""Kumusta ka na?""Ito, lumalaki na ang tiyan," natatawang saad ni Isabelle.Hinagod ng tingin ni Olivia ang kapatid, at napako ang mga mata sa nakaumbok nitong tiyan. Kapansin-pansin din ang pagtaba ng pisngi at mga braso ni Isabelle. Hindi na ito ang Isabelle na kilala niya—ang Isabelle na may ganda at alindog. Parang naging losyang na ito dahil sa hindi magandang ayos, simpleng nakalugay ang buhok, at manipis na lipstick lang ang kolorete sa mukha."Look at yourself, Isabelle. Hindi mo
NAPABUNTONG-hininga nang malalim si Franco at pagkatapos ay binaling ang tingin sa labas ng building. Bumalik sa kanyang alaala ang mga nakaraan—mga panahon na halos tapakan ang kanyang pagkatao ni Olivia, mga panahon na hinahamak siya nito. Aaminin niyang nabighani siya sa kagandahan noon ni Olivia, ngunit puro panghahamak lang ang kanyang natatanggap sa kabila ng lahat. Ngunit sa lahat ng magkakapatid na Osorio, si Isabelle lang ang nagpakita sa kanya ng kabaitan; si Isabelle lang ang nakitaan niya ng pagmamalasakit. Madalas ay ipinagtatanggol siya nito sa pagmamaliit ni Olivia, kung kaya’t nagkaroon ng puwang sa puso niya si Isabelle. Hanggang sa dumating ang panahon na muling nagtagpo ang kanilang mga landas. Ang paghanga niya ay unti-unting sumibol sa pagkagusto sa dalaga; kaya nga si Isabelle ang pinili niyang pakasalan. Ngunit ganoon na lang ang pag-ayaw ng dalaga sa kanya. He has everything, pero patuloy pa rin siyang tinatanggihan. “So, what is your plan?” ani Luigi. Napu
"IS this the game that you want for your revenge, huh? To make Isabelle believe that you love her. Hmmm, bro, be careful. Baka pagsisihan mo rin ito in the end."Franco was about to say something when someone knocked on the door. "Come in!" malakas niyang tugon.Bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang hindi niya inaasahang babae. Elegant on her red suit, Olivia sophisticatingly strode toward Franco's table. Marahas nitong inilapag sa ibabaw ng mesa niya ang dala nitong folder, saka ito humalukipkip habang nakataas ang kanang kilay."What is the meaning of that?" walang pakundangang tanong ng dumating kahit pa big boss nito ang kaharap."What do you mean, Miss Osorio?" Tinapatan ni Franco ang tinging ipinupukol sa kaniya ng panganay ng mga Osorio."Did you just approved a 7 million peso loan of my sister? Are you insane? And what more? You gave zero interest! Oh, wow! Thank you for generosity, Mr. Villanueva. But does Isabelle knew about this? Ang alam ko hindi niya itinuloy ang loan da
"SIGURADO ka bang ayos lang na dito na tayo sa lunsod?" malambing na tanong ni Franco kay Isabelle habang tinutuyo niya ang buhok ng dalaga gamit ang hair dryer. Nagkasalubong pa ang tingin nilang dalawa sa repleksiyon nila sa salamin ng dresser cabinet.Tumango si Isabelle matapos tingnan si Franco sa repleksiyon nito at ipinagpatuloy ang pagpapahid ng lotion sa braso. "I like your house in the province, but here is more convenient, Franc. Nandito ang trabaho mo, ang family mo. Ganoon din ako. And besides, nandito rin ang OB ko. Mas mapapadali ang buhay natin dito dahil hindi natin kailangang bumiyahe ng ilang oras everytime na may emergency," mahabang litanya niya.Napabuntonghininga naman si Franco. May point ang dalaga. Ang problema—siya. Ayaw niyang ma-stress si Isabelle, lalo na at kambal ang nasa sinapupunan nito. As much as possible, he wanted her to be comfortable during her pregnancy."Don't worry. Naiintindihan ko naman na gusto mo lang akong ilayo sa stress. Iiwasan ko n
AS Isabelle leaned against Franco, she felt an electric sensation coursing through her body. Parang tambol ang kabog ng kanyang dibdib, bawat kabog ay umaalingawngaw sa matinding emosyong umiikot sa pagitan nila. Ang init ng yakap nito ay bumalot sa kaniya, habang ang malambot nitong labi ay dumampi sa labi niya. Nararamdaman niya ang init na nagmumula sa kaniya, bumabalot sa kaniya na parang malambot na kumot at nag-aapoy ng init na kumakalat mula sa katawan hanggang sa mga daliri sa kanyang paa. Ang mainit na hininga ni Franco sa kanyang balat ay banayad na dumadampi na, nagpanginig sa kanyang gulugod. Ang paraan ng paghagod ng mga daliri ni Franco sa kanyang likod ay tila kumikiliti sa kaniya. As their faces moved closer, she became acutely aware of her quickening breath, filled with anticipation. Namumula ang kanyang pisngi sa init na katumbas ng tindi ng sandaling iyon, at naramdaman niya ang pagkirot sa kanyang tiyan, magkahalong kaba at excitement. Pumikit si Isabelle, hin
ISANG Presidential Suite ang napili ni Isabelle na paglilipatan ni Franco. She thought it was more convenient for Franco to stay in a big room until he was discharged. Malaki ang espasyo ng silid; may isang extra bed, sofa, and kitchen. The suite also boasts a private bathroom with a large walk-in closet and a shower in one, a deep soaking tub, and luxurious toiletries. Ang isang hiwalay na seating area ay nagbibigay ng komportableng espasyo para makapagpahinga. Ang isang plush sofa at armchair ay nakaayos sa paligid ng coffee table, perpekto para sa pagpapalamig o pakikipag-usap. Iginawi niya ang tingin kay Franco habang natutulog ito sa king size bed. Lumapit siya sa binata at bahagyang inilapit ang mukha rito. Pinagmasdan niya ang mukha nito at ang bendang nakabalot sa noo nito. Ikinilos niya ang kamay at ipinasada ang hintuturo at gitnang daliri sa mukha ni Franco. "Ang guwapo mo pala kapag nasa malapitan," bulong ni Isabelle. Gano'n na lamang ang pagkagulat niya nang dumi
THE TEXT message had arrived like a punch to the gut, a simple "I'm leaving" that had sent a wave of panic crashing over him. Nagmamadaling lumabas siya ng opisina at hindi pinakinggan ang pagtawag ni Luigi at Licel. Agad siyang dumiretso sa parking area ng building at mabilis na pinaandar ang sasakyan. The sun, a fiery orb, sank below the horizon, painting the sky in a canvas of molten orange and bruised purple. Nagbigay ito ng mahahabang anino na umunat at sumasayaw sa kumukupas na liwanag.Franco's heart is like a frantic drum banging against his ribs. The engine emitted a guttural growl that reverberated through the car's frame. Franco slammed his foot on the gas pedal, causing the speedometer needle to leap forward like a startled animal.Bawat kalamnan sa kanyang katawan ay sumisigaw para sa kanya na bumagal, ngunit hindi maalis sa kanyang diwa si Isabelle. Ang pag-iisip na pag-alis ni Isabelle ay nagbibigay ng kaba sa kanyang dibdib. Ang papalubog na araw ay nagbigay ng mai