"F-FRANCO?"Sabi niya magpapakatatag siya. Sabi niya magiging matapang siya para sa dalawang sanggol na nasa sinapupunan niya. Subalit nang makita niya si Franco na bumababa sa sasakyan nito at papalapit sa kaniya, nagmistulang bukal ang mga mata niya na naglabas nang walang humpay na luha.At nang ikulong na siya sa mga bisig nito, para na siyang batang nakahanap ng kakampi matapos awayin ng mga nakapaligid sa kaniya. Humagulgol siya sa dibdib nito.Kung nakinig lang sana siya rito, hindi siguro niya daranasin ang ipagtabuyan ng sariling pamilya. Hindi sana siya nasasaktan.Pamilya sila, di ba? Dapat sila ang kakampi niya. Pero bakit hindi man lamang siya hinayaang magpaliwanag? Hindi man lang muna pinakinggan ang dahilan niya.Masuyong hinahagod ni Franco ang likod niya na unti-unting nagpagaan sa bigat na nararamdaman niya. Hinayaan siya nitong kusang kumalma."I-I just don't want to be unfair to you, Franco. You don't deserve this. You don't deserve a woman like me," usal niya sa
"LET me be the father of the twins in your womb. Let me take care of you, Isabelle."Ayaw na sanang umiyak ni Isabelle, baka maipaglihi pa niya sa sama ng loob ang babies niya. Pero hindi niya mapigilan ang mga luha. Hindi niya alam kung ano ba ang nagawa niyang mabuti para ibigay sa kaniya ng Diyos ang tulad ni Franco.Dahil kung tutuusin, kung gusto talaga nitong makapag-asawa na, makakakuha naman ito ng babaeng higit sa kaniya. Iyong malinis. Iyong may maayos na pamilyang pinagmulan, at higit sa lahat, iyong babaeng hindi nabuntis ng kung sino lang.Kaya bakit siya? Hindi talaga niya maintindihan. Pero dahil wala na siyang iba pang matatakbuhan at ito naman ang nag-i-insist na panagutan ang ipinagbubuntis niya—bahala na."Ka—" Hindi niya itinuloy ang sasabihin. Nag-ipon muna siya ng hangin para palakasin ang loob, saka iyon ibinuga at muling nagsalita. "Kahit hindi muna kita pakasalan?"Si Franco naman ang bumuntonghininga, at parang napipilitang sumagot. "Fine. Kahit h'wag muna t
"I WILL make it sure, Mr. Villanueva,"tinig ng nasa kabilang linya. Ini- off niya ang mobile phone at saka tinanaw si Isabelle. Pagkatapos ng pakikipagusap ay agad naman siyang bumalik sa dining area upang saluhan si Isabelle sa pagkain. Matipid na ngumiti ito at sinundan siya ng tingin hanggang sa siya ay makaupo. "I'm sorry, it's an important call," saad niya. "It's okay. No need to apologize." Tinuloy ni Isabelle ang pagkain, hindi niya namalayan na naka- tatlong pancake na siya at dalawang slice ng watermelon at ang fresh juice ay halos nangalahati na ang laman ng baso. Nakangiting pinagmasdan niya si Isabelle habang nilalantakan ang huling slice ng watermelon. Kumuha pa siya ng isa at hiniwa ito at inilagay sa pinggan ng dalaga. Napansin naman ni Isabelle ang pagkatitig niya kung kaya't huminto ito ng pagkain. "Why, may sasabihin ka ba?" Ibinaba nito ang hawak na kubyertos at seryosong tumitig sa kaniya. Umiling- iling lamang siya at inilagay ang mga watermelon na
NO INTIMACY.No emotional attachment.No demands.Separate rooms.These are the conditions that Isabelle gave to Franco, na ipinagbuntonghininga na lamang ng huli.Ang bilis lang lumipas ng araw. It's been two and a half months since they live under the same roof. At kung hindi kasa-kasama ni Isabelle si Franco sa monthly check-up ng una, baka nagugulat na ang binata sa changes na nangyayari kay Isabelle.Tulad ngayong gabi. Gustong mabahala ng binata dahil hindi masiyadong kumain si Isabelle. Dalawang subo lang ang ginawa nito at bumalik na sa master bedroom kung saan niya ito pinagkuwarto.Dalawa lang ang silid na mayroon ang bungalow house na binili niya two years ago. Pero malaki ang espasyo sa harapan ng dalawang silid na siyang ginawang working space ni Franco. Pinalagyan niya ng working table para sa kaniya at kay Isabelle. Pero lately, Isabelle change her mood na para bang ayaw siya nitong nakikita kaya roon ito sa master bedroom gumagawa ng design para sa kliyente nito.Alas-
“HI, Jack!” bati ng babaeng lumapit sa bartender na si Jackson. Mahaba ang buhok nitong may highlights, at wavy ang pagkakalugay. Sumasabay sa tempo ng tugtugin ang katawan nitong humahakab sa suot nitong black off-shoulder dress. Sa taas ng counterbar table, hanggang dibdib ng dalaga ang inabot niyon. Pahalang nitong ipinatong ang mga braso. Nilingon ng bartender na abala sa pagmi-mix ng alak ang dalagang tumawag dito. “Oh, hi! The usual?” tanong nito sa pag-aakalang hihingi ito ng drinks na madalas nitong order-in. “Later. I just need to talk to you.” “Oh, sige. Tapusin ko lang `to.” Matiyagang naghintay ang dalaga na matapos sa ginagawa ang lalaki. And when Jackson attended her, binigyan niya ito ng matamis na ngiti. “Anong meron?” Jackson asked. “Well, are you free on Friday night?” Saglit na tumingin sa itaas na gilid ang binata bago binaling ang tingin sa kaharap. “It’s ‘Thank God, it’s Friday’ night, so I’m not free. Bakit pala?” Bumuntonghininga ang dalaga na para ba
“KISS me.” Ang kanyang mapulang mga labi ay bahagyang nakabuka, nang-aakit, isang paanyaya sa isang gabi na ipinagbabawal na kasiyahan. Idinikit niya ang katawan sa lalaking kaharap, damang- dama niya ang matipunong dibdib nito na, nagbibigay ng kakaibang kilig sa kanyang pagkababae wala pa itong ginagawa pero---pakiramdam niya ay nag-iinit ang buo niyang katawan. Her fingers traced the line of his jaw, running along his lips. Hindi niya maipaliwanag kung ano ang nararamdaman dahil bawat minutong nagdidikit ang kanilang katawan ay nararamdaman niya ang init na nagmumula sa kanya, isang napakalaking apoy na naghihintay na magliyab. “I want you”, she whispered, her voice husky with desire. ‘Halikan mo ako.” Pabulong ang kanyang mga salita na akala mo ay nanalangin, isang pagsusumamo, isang kahilingan para sa gabing ito. Ang kanyang pagnanasa ---- upang maibsan ang init ng katawan. Alam niya, sa mga oras na ito, na wala na siyang kontrol. Wine lang naman ang ininom niya, ngunit kaka
NAPATITIG siya kay Olivia at hindi niya alam kung anong isasagot. Blanko ang kanyang isipan ng gabing iyon. Napapitlag siya nang marinig niya ang pagsigaw ni Olivia. “Isa!” singhal ni Olivia nang mabasa sa reaksiyon ni Isabelle ang sagot sa tanong nito. “I-I forgot! I mean, how could I remember to tell him to wear a condom in the middle of my orgasm?” nandidilat ang mga matang sagot ni Isabelle. “Paano kung mabuntis ka?!” But that’s not Isabelle’s concern! P-paano kung magka-STD siya? Or worse, magka-HIV siya? Is that man clean? Mabilis niyang nilipat ang tingin sa bunsong kapatid. “Is he clean?” she asked hysterically. “What?” “Is he clean, Sab?” pag-uulit niya. “Do you have his recent medical record?” “Really, Isa? Mas concern ka pa sa medical records ng lalaking iyon kaysa sa kung mabuntis ka niya?” Olivia butted in. “Of course, Via! I’m much concerned of my health! Paano kung may STD or HIV ang lalaking iyon!” Napatayo na siya at nagpalakad-lakad sa silid niya. “It’s not
“ARE you crazy? Napasinghap siya at hindi alam kung matutuwa o maiinis sa sinabi ng binata. ‘Look, Mr. Villanueva, you deserve to marry another woman, not me. Aren’t you ashamed? Magpapakasal ka sa isang tulad ko na, magdadala ng kahihiyan sa pamilya mo?” Giit ni Isabelle.“It doesn’t matter. Ikaw ang gusto ko and besides your father and I agreed that we are getting married soon, seryosong saad ni Franco at ang mga mata nito ay hindi naalis sa pagkatitig sa kanya.“No, walang kasalan na magaganap! Mr. Villanueva, think twice before marrying me. Please don’t get involved in my issue. I can handle it. I’ve decided to cancel our wedding and my decision is final.” Madiin ang bawat salitang sinabi niya, pinagmasdanniya si Franco at hinihintay kung ano ang magiging reaksyon nito sa kanyang mga sinabi.Nakaramdam siya ng inis dahil hindi niya ito nakitaan ng pangamba. Nakatitig lamang si Franco sa kanya, blanko at walang reaksyon ang makikita sa mukha ng binata.“Are you sure about that?