“Kung gano’n ay pinatawag mo ako dahil ako ang pinagbibintangan mo?” tanong niya, ramdam ang namumuong inis sa kaniyang dibdib.Mataman siyang tiningnan ni Alejandro. “No, I’m just telling you the news I got, Ms. Perez. You have to know as it is very serious.”Tumawa si Klaire. Alam na niya ito! Kung gayon ay pinaghihinalaan siya ni Alejandro na siya ang nagbenta ng formula sa kalabang kumpanya!“I can’t believe this…” Umiling siya. “Sinong Senior Executive ang nagsabi sa iyo ng kasinungalingan na ‘yan?”Dumako ang mga mata ni Alejandro sa matandang lalaki na nakaupo sa kabilang leather couch. “He’s the manager of the business department of Vesarius Company. He’s a close colleague of the Senior Executive I mentioned.” Inis na tiningnan ni Klaire ang estrangherong lalaki. Ni hindi nga niya ito kilala… wala siyang kilala na kahit sino sa kalabang kumpanya ni Alejandro!“Ms. Perez, this isn’t right. You stole the Fuentabella’s perfume formula and sold it to us,” ani ng matandang lalak
Ang lahat ng mga matang nakatingin kay Klaire ay bumaling sa nagmamay-ari ng pamilyar at makapangyarihang boses na ‘yon. Maging siya ay napabaling sa pamilyar na ginang na nagmamartsa palapit sa direksyon nila. Ito ay walang iba kundi si Melissa Fuentabella. Sa likuran ng ginang ay nakasunod si Sophia. Nagtagis ang kaniyang bagang sa napagtanto. Kung gano’n ay ang ina na naman ni Alejandro ang may pakana kung bakit may mga pulisyang sa harapan niya ngayon!Klaire’s eyes were cold, and full of traces of long-buried hatred.Nang makalapit na ang mga ito sa kanila ay agad na kinausap ni Melissa ang mga pulis at sinabing, “Don’t be deceived by her. Ang babaeng ‘yan ay masamang tao at may ugaling magnanakaw talaga. Noon pa man!” “What did you just say, Madame Chairman?” mariing tanong niya, mas umalab ang galit na namumuo sa kaniyang dibdib. “Be careful with your words.” “Totoo naman ang sinasabi ko. Magnanakaw ka, at mapagpanggap. Dapat ka lang arestuhin sa ginawa mo sa kumpanya namin
“W-What??”Lahat ng naroon ay nagulat sa rebelasyong binunyag ni Feliz. Ang mga ito ay napatingin kay Klaire, naguguluhan at nalilito. Maging si Alejandro ay nagulat sa narinig ngunit mabilis ding nakabawi. Noon pa man ay may duda na siya sa totoong identidad ni Klaire. Now that it was confirmed, his eyes darkened as he glanced at her. Naramdaman ni Klaire ang malamig na titig ng dating asawa sa kaniya. Nagtama ang kanilang mga mata. Her heart skipped a beat as there was indifference with the way Alejandro gazed at her, but she decided to not give a damn about it. Nag-iwas siya ng tingin. “Liar!” marahas na paratang ni Sophia kay Feliz. “I know you and Klaire are friends but if you want to tell a big story, gawin mo namang kapani-paniwala!” “Tama!” Taas-noong segunda ni Melissa. “You have to consider the credibility of your words, Ms. Santos! Imposibleng si Klaire ang tanyag na tao na sinasabi mo? Nagpapatawa ka ba?”Humalukipkip si Feliz at mapang-asar na tiningnan ang dalawa.
Hindi natapos nang gano’n lamang ang pag-iiskandalo ni Melissa Fuentabella. Walang anino ng pagsisisi ang ginang at maraming beses pang ininsulto si Klaire. Mabuti na lamang at dumating si Don Armando na siyang kinagulat ng lahat. Tila ba naubos na ang pisi ng pasensya ng matanda kaya naman inalis na nito ang asawa bilang chairman ng kumpanya. Umaksyon din si Alejandro at sinabing hindi na pwedeng tumuntong ang ina sa kumpanya kung walang pahintulot nilang mag-ama. Sinimulan na rin ang imbestigasyon para mahanap ang tunay na nagbenta ng formula sa mga Vesarius. Ramdam ni Klaire ang pagod ng kaniyang isipan nang makauwi siya. Sinalubong siya ng kaniyang Lola Sonya, ang mukha ay may pag-aalala. “Oh, hija, bakit naman para kang binagsakan ng langit at lupa? May nangyari ba sa trabaho mo?”Tiningnan niya ang lola niya at saka niyakap ito. “Wala po, La. Pagod lang po sa trabaho. Okay lang po ako.” Dahil na rin kagagaling lang sa ospital ng matanda ay ayaw na ni Klaire na malaman nito a
Tatlong araw ang lumipas hanggang sumapit ang araw ng Sabado. Maagang gumising si Klaire upang yayaing mag-almusal ang mga anak ngunit wala ang mga ito sa kanilang kwarto nang magtungo siya roon.She went downstairs and found Manang Celi in the dining area. Wala rin ang mga bata roon. “Manang, nasaan ang mga bata?” kuryoso niyang tanong habang nililibot ng tingin ang buong villa. “Ah, Ma’am, sinundo po sila ni Ma’am Feliz,” sagot ni Manang Celi. Naguguluhan niyang tiningnan ang matanda. “Si Feliz?”“Opo, Ma’am. Maaga po siyang nagpunta rito. Gigisingin nga po sana kita kaya lang pinigilan na po ako ng kaibigan mo dahil pagod ka raw ‘ho.”Napakunot ang noo niya, lubhang nagtataka kung bakit kinuha ni Feliz ang mga bata nang hindi sinasabi sa kaniya. Wala rin namang nabanggit sina Nico at Natasha. Ni hindi siya ginising ng mga ito…“Sige, Manang. Tawagan ko na lang si Feliz.” Tatawagan na sana niya ang kaibigan para alamin kung saan nito dinala ang mga bata nang biglang tumunog ang
Nang makarating sina Klaire, Clayton at Callie sa Ocean Park ay sinabulong sila nina Feliz, Annie at ng dalawa pang kambal. Dahil wala si Alejandro sa paligid ay tila ba nakawala sa hawla sina Clayton at Callie na patakbong lumapit kina Feliz. “Tita Feliz! Tital Feliz! Long time no see po!” bulalas ni Callie. “Clayton! Callie! Na-miss ko kayo!” saad naman ni Feliz at niyakap ang dalawang bata. Samantala ay naguguluhan naman si Annie nang makita na magkakasama ang apat na kambal.“K-Klaire, teka bakit apat sila??” Kinusot pa ni Annie ang mga mata. Humalakhak naman si Feliz at nilingon ito. “Mahabang kwento, Annie. Basta quadruplets ang anak ni Klaire.” Sabay kindat nito sa babae. Bumungisngis ang mga mata. Pati na rin si Klaire ay hindi mapigilang matawa. Hinawakan niya sa balikan si Annie at sinabing, “Si Feliz na ang magkukwento sa iyo. Mahabang istorya, Annie.”Dahil na rin nasa mood si Feliz magkwento ay sinimulan niyang sabihin kay Annie ang nangyari sa mga anak ni Klaire. H
Hindi makapaniwala si Don Armando sa nalaman. Kaya pala hindi niya nakikita ang mga anak ni Klaire kapag dumadalaw siya sa villa nito. Malamang ay pinoprotektahan ng babae ang mga anak nito dahil kamukhang-kamukha ng mga ito ang mga batang pinalaki sa pamilya Fuentabella. “Kung gano’n ay matagal na niyang tinatago ito sa anak ko?” Sa pag-iisip na nililihim ni Klaire ang katotohanan at ang pagpapalaki sa dalawa pang bata sa matagal na panahon, tila ba ay aatikihin sa puso ang Don.“Maupo muna kayo, Boss,” wika ng bodyguard niya nang mapanhin na malalim na ang paghinga niya. Tumango siya at dahan-dahang naupo sa couch at tiningnang muli ang larawan sa phone ng tauhan niya. Unti-unting nawala ang kaguluhan sa kaniyang isip at napapalitan ito ng pagkamangha at kasiyahan. Hindi maisawan ng matanda na mapangiti habang pinagmamasdan ang apat na kambal. Ang tanging katanungan lamang sa isip niya ay kung bakit nililihim ito ni Klaire… bakit hindi nito kinompronta si Alejandro?Alam ba ni A
Tumango si Luke at bahagyang lumapit. Huminga ito nang malalim bago magsalita. “Anim na taon ang nakakalipas nang manganak si Ma’am Klaire sa isang pribadong ospital sa Changi. Nakuha ko ang impormasyong nakarehistro sa ospital, at sinasabi rito na si Ma’am Klaire ay…” Napalunok si Luke bago magpatuloy. “... si Ma’am Klaire ay nanganak ng quadruplets.” Tila ba tumigil ang mundo ni Alejandro sa narinig. May kung ano ang bumundol sa kaniyang puso at nanlamig ang kaniyang mga kamay. Quadruplets?“Pero namatay ang dalawang sanggol matapos ng mga itong mapanganak,” patuloy pa ni Luke na labis na kinadurog ng kalooban ni Alejandro. Nakuyom niya ang nanlalamig niyang kamao, habang pilit na pinoproseso ang mga nalaman. Napalunok siya at biglang nabalisa. “That means… Klaire gave birth not only to Nico and Natasha, but we had two more babies?”Malungkot na tumango si Luke. “Opo, Boss. Pero namatay ang dalawa. Isang lalaki at batang sanggol ang namatay.”Napasinghap si Alejandro. He sudden