Samantala, habang ang buong atensyon ng lahat ay na kina Klaire at Sophia, hindi naman inaasahan ang biglang pagpasok nina Alejandro, ang ama nitong si Don Armando at ang tauhang si Luke. Nang makalapit ay bahagyang naningkit ang mga mata ni Alejandro. Nauna niyang tingnan ang dating asawa na galit na nakatingin kay Sophia. Habang si Sophia naman ay naiiyak na habang tumutulo ang dugo mula sa ulo nito.“Anong nangyari?” tanong ni Luke.Bumaling si Precilla sa gawi nina Alejandro. Para bang nagningning ang mga mata nito, animo’y nakahanap ng kakampi at hindi na makapaghintay na magsumbong. “Mr. Fuentabella, you have to make a decision for Director De Guzman!” agad na sabi nito dahilan para tumango ang mga empleyadong nakiki-usyoso roon. “Tinulak ni Klaire si Director De Guzman. Kitang-kita ko! Tingnan niyo at dumudugo ang ulo niya! Napakasama talaga ng babaeng ‘yan.” “Are you sure you really saw what happened, Precilla?” mariing tanong ni Klaire. “Just make sure you can stick with y
Nagsimulang bumalik ang mga empleyado sa kanilang ginagawa. May mga staff sa restaurant na ‘yon na nilinis ang kalat hanggang sa parang walang naganap na gulo sa lugar. Klaire sighed in relief. Kampante siya na sa tulong ng CCTV footage ay malilinis din ang pangalan niya. Sa ngayon, kailangan niyang tiisin ang mga disgustong tingin sa kaniya ng ibang empleyado na napaniwala nina Sophia at ng assistant nitong si Precilla. Mas sumama pa ang tingin sa kaniya ng mga ito dahil magiliw siyang inaalu ng ama ng may-ari ng kumpanya na si Don Armando. Pati si Alejandro ay nasa tabi niya rin at hindi maalis ang titig sa kaniya. “I’m sorry, Don Armando, that you had to see that,” aniya sa matanda at tipid itong nginitian. “Bakit po pala kayo narito?”The old man smiled and tapped her arm. “Gusto ko lamang bisitahin ang kumpanya at tingnan kung talaga bang nagtatrabaho nang maayos ‘tong isang ‘to.” Sabay turo kay Alejandro. “It seems to me that he’s not managing the company right, seeing that h
Minsan ay pinapangarap niya na sana hindi na lamang niya nakilala ang kaniyang tunay na ina. Carmina De Guzman would do anything to defend her adopted daughter, even if it takes slandering her real daughter. Napamura nang mahina si Don Armando dahil sa sigaw ni Carmina mula sa loob. He pushed the door open angrily. “Don Armando,” tawag niya sa matanda nang bigla na lamang itong pumasok sa loob. “Klaire? How dare you come here?!” galit na tanong ni Carmina.“What are you just yelling about, Carmina? Bilang ina, hindi mo dapat pinagsasalitaan nang masama ang anak mo. Wala ka talagang awa. Dito ka pa talaga nag-iiskandalo?” galit na sita ni Don Armando.Nagulat si Carmina sa winika nang matanda. “Don Armando, you don’t even know what happened. Tinulak ni Klaire ang anak ko at nagtamo ito ng sugat sa ulo. Do you even know where Sophia is? Nandito siya sa ospital at nagpapagaling! Ni wala ngang pagsisisi sa mga mata ni Klaire!” “At bakit naman siya magsisisi? Sophia fell by herself. An
Kinabukasan ay maagang nagtungo sa ospital si Klaire para asikasuhin ang discharge papers ng kaniyang Lola Sonya. Napagpasyahan niyang akuin na ang responsibilidad sa dalawang matanda at patirahin ang mga ito sa villa nang sa gayon ay hindi na ma-stress ang matatanda sa makikitid na pag-iisip ng mga De Guzman. Nagpunta din doon si Lander, ang kapatid niya na hindi natutuwa sa balitang titira na ang dalawang matanda sa poder ni Klaire. “Lola, sa tingin niyo ba talaga ay kaya kayong alagaan ni Klaire?” Mahinahon ang boses ni Lander ngunit puno ng panunuya ang tono.“Why? Iniisip mo ba na pababayaan ko sila?” Malamig niyang tiningnan ang kapatid. Simangot ang mukha ng kapatid. “Marami namang pwedeng mag-alaga kina Lola. We have servants and nannies in the mansion. You still have to work and will be away from home all day. What if something happens to them?" Bumuga ng hangin si Klaire at saka umirap. “May kasambahay din ako sa tirahan ko kaya sigurado akong maaalagaan sila nang maay
Magtatanghali na nang maisipan niyang ipagluto ang mga grandparents niya nang masasarap na pagkain biglang pag-welcome na rin sa mga ito sa bahay nila. Klaire couldn’t stop smiling as she heard her grandparents and children playing in the living room. Naghahain na siya ng mga pagkain sa mesa nang marinig ang tunog ng doorbell mula sa labas. “I’ll get it,” aniya at hinayaan na lamang si Manang Celi sa paglalagay ng mga pinggan sa mesa. Lumapit siya sa pinto at tiningnan ang monito sa gilid nito para malaman kung sino ang bisita. Laking gulat na lamang niya nang makita na sina Alejandro at Don Armando ang nasa labas ng gate. Mabilis na sumipa ang kaba sa kaniyang dibdib. Agad siyang nagtungo sa sala at natatarantang pinahinto sa paglalaro ang mga bata. “S-Stop! Alejandro and Don Armando are here!” bulalas niya sa mga kasama sa bahay. “Ano?” gulat na wika ni Lolo Miguel. Ang mga matatanda, maging si Manang Celi at ang kambal ay lubhang nagimbal sa sinabi niya. “Nico, Natasha, yo
Alejandro couldn’t brush off the feeling that something’s off of Klaire. Tensyonado ito at para bang balisa. Dahil ba sa biglaang pagbisita nila ng Papa niya? Inoobserbahan din niya ang bahay nito. Noong hinatid niya ang dati niyang asawa noon ay hindi niya nakita ang mga anak nito. He may be crazy to want to see her children from another man. Pero masyadong tahimik ang villa na para bang walang kabata-bata doon. “Eat a lot, hijo. Masyadong marami ang pagkain. Kagagaling ko lang sa ospital kaya hindi ako gaanong pwedeng kumain nang marami. Gawa ‘yan lahat ni Klaire,” ani Lola Sonya habang nilalagyan ng maraming ulam ang kaniyang plato. Tipid na nginitian niya ang matanda. Samantala, habang nanananghalian ay bumuntonghininga si Don Armando. Hindi pa ito makapaniwala na may ibang mga anak na si Klaire.“I bet it wasn’t easy to be alone abroad all these years, hija, wasn’t it?”Napakurap si Klaire sa narinig. Alam niyang iniisip ng matanda na nadisgrasya siya ng kung sinumang lalaki
“What’s wrong?” Napakurap siya sa tanong ng lalaki. Bahagyang nakataas ang sulok ng labi nito, tila ba inaasar pa siya. Tumikhim siya at malamig itong tiningnan. Iniisip niya na sinadya iyon ni Alejandro para asarin siya. Simangot ang mukha niya nang iabot ang tubig sa lalaki. “Water,” aniya. Kinuha ‘yon ni Alejandro at sinimsiman. “The medicine is quite sweet,” komento nito. “It’s good for your digestion,” wika niya. “You’re always like this, right?”Kumunot ang noo niya. “What do you mean?” “Palagi kang may gamot sa kahit na anong sakit.” Bahagyang ngumiti si Alejandro. “It makes me think you’re a professional doctor or something.” Kinabahan siya sa sinabi ng lalaki. Naghihinala na ba ito sa kaniya? Alam na ba nito ang tunay niyang katauhan? “I am a mother,” matapang niyang sabi. “Kailangan ko maging maalam sa mga ganitong bagay para matulungan ko ang mga anak ko.” Tumango si Alejandro. Tama naman ang dating asawa sa sinabi pero may kaunting kirot siyang naramdaman. Haba
Kinabukasan, Pagkadating pa lamang ni Klaire sa R&D department ay mabilis siyang hinatak ni Olga papasok sa Lab 2. “Nandito na si Sophia,” mariing bulong ni Olga. “Huh?” Nagulat siya sa narinig. “I thought she was injured?”“Oo nga. Injured siya. She arrived at work with a gauze on her head,” paliwanag pa ni Olga at saka ngumuso. “Alam mo bang usap-usapan siya ngayon? Maraming naaawa sa itsura niya. Akala ko ay matatauhan na ang mga empleyado nang ma-release iyong CCTV video. Ayon, dumiretso siya sa CEO’s office. Baka magpapaawa kay Sir Alejandro.”Huminga siya nang malalim at saka piniling maupo sa kaniyang station. “It seems she hasn’t changed then,” komento niya.Hindi na nakagugulat kung magpaawa effect si Sophia kay Alejandro. Maladas naman itong gawin ng babae sa lalaki para makuha ang simpatya nito.“Wala ka man lang bang gagawin, Klaire?” kunot-noong tanong sa kaniya ni Olga. Nalilito siyang bumaling dito. “Why would I do anything? Ayaw kong manghimasok sa kung ano’ng gu