Kinabukasan ay maagang nagtungo sa ospital si Klaire para asikasuhin ang discharge papers ng kaniyang Lola Sonya. Napagpasyahan niyang akuin na ang responsibilidad sa dalawang matanda at patirahin ang mga ito sa villa nang sa gayon ay hindi na ma-stress ang matatanda sa makikitid na pag-iisip ng mga De Guzman. Nagpunta din doon si Lander, ang kapatid niya na hindi natutuwa sa balitang titira na ang dalawang matanda sa poder ni Klaire. “Lola, sa tingin niyo ba talaga ay kaya kayong alagaan ni Klaire?” Mahinahon ang boses ni Lander ngunit puno ng panunuya ang tono.“Why? Iniisip mo ba na pababayaan ko sila?” Malamig niyang tiningnan ang kapatid. Simangot ang mukha ng kapatid. “Marami namang pwedeng mag-alaga kina Lola. We have servants and nannies in the mansion. You still have to work and will be away from home all day. What if something happens to them?" Bumuga ng hangin si Klaire at saka umirap. “May kasambahay din ako sa tirahan ko kaya sigurado akong maaalagaan sila nang maay
Magtatanghali na nang maisipan niyang ipagluto ang mga grandparents niya nang masasarap na pagkain biglang pag-welcome na rin sa mga ito sa bahay nila. Klaire couldn’t stop smiling as she heard her grandparents and children playing in the living room. Naghahain na siya ng mga pagkain sa mesa nang marinig ang tunog ng doorbell mula sa labas. “I’ll get it,” aniya at hinayaan na lamang si Manang Celi sa paglalagay ng mga pinggan sa mesa. Lumapit siya sa pinto at tiningnan ang monito sa gilid nito para malaman kung sino ang bisita. Laking gulat na lamang niya nang makita na sina Alejandro at Don Armando ang nasa labas ng gate. Mabilis na sumipa ang kaba sa kaniyang dibdib. Agad siyang nagtungo sa sala at natatarantang pinahinto sa paglalaro ang mga bata. “S-Stop! Alejandro and Don Armando are here!” bulalas niya sa mga kasama sa bahay. “Ano?” gulat na wika ni Lolo Miguel. Ang mga matatanda, maging si Manang Celi at ang kambal ay lubhang nagimbal sa sinabi niya. “Nico, Natasha, yo
Alejandro couldn’t brush off the feeling that something’s off of Klaire. Tensyonado ito at para bang balisa. Dahil ba sa biglaang pagbisita nila ng Papa niya? Inoobserbahan din niya ang bahay nito. Noong hinatid niya ang dati niyang asawa noon ay hindi niya nakita ang mga anak nito. He may be crazy to want to see her children from another man. Pero masyadong tahimik ang villa na para bang walang kabata-bata doon. “Eat a lot, hijo. Masyadong marami ang pagkain. Kagagaling ko lang sa ospital kaya hindi ako gaanong pwedeng kumain nang marami. Gawa ‘yan lahat ni Klaire,” ani Lola Sonya habang nilalagyan ng maraming ulam ang kaniyang plato. Tipid na nginitian niya ang matanda. Samantala, habang nanananghalian ay bumuntonghininga si Don Armando. Hindi pa ito makapaniwala na may ibang mga anak na si Klaire.“I bet it wasn’t easy to be alone abroad all these years, hija, wasn’t it?”Napakurap si Klaire sa narinig. Alam niyang iniisip ng matanda na nadisgrasya siya ng kung sinumang lalaki
“What’s wrong?” Napakurap siya sa tanong ng lalaki. Bahagyang nakataas ang sulok ng labi nito, tila ba inaasar pa siya. Tumikhim siya at malamig itong tiningnan. Iniisip niya na sinadya iyon ni Alejandro para asarin siya. Simangot ang mukha niya nang iabot ang tubig sa lalaki. “Water,” aniya. Kinuha ‘yon ni Alejandro at sinimsiman. “The medicine is quite sweet,” komento nito. “It’s good for your digestion,” wika niya. “You’re always like this, right?”Kumunot ang noo niya. “What do you mean?” “Palagi kang may gamot sa kahit na anong sakit.” Bahagyang ngumiti si Alejandro. “It makes me think you’re a professional doctor or something.” Kinabahan siya sa sinabi ng lalaki. Naghihinala na ba ito sa kaniya? Alam na ba nito ang tunay niyang katauhan? “I am a mother,” matapang niyang sabi. “Kailangan ko maging maalam sa mga ganitong bagay para matulungan ko ang mga anak ko.” Tumango si Alejandro. Tama naman ang dating asawa sa sinabi pero may kaunting kirot siyang naramdaman. Haba
Kinabukasan, Pagkadating pa lamang ni Klaire sa R&D department ay mabilis siyang hinatak ni Olga papasok sa Lab 2. “Nandito na si Sophia,” mariing bulong ni Olga. “Huh?” Nagulat siya sa narinig. “I thought she was injured?”“Oo nga. Injured siya. She arrived at work with a gauze on her head,” paliwanag pa ni Olga at saka ngumuso. “Alam mo bang usap-usapan siya ngayon? Maraming naaawa sa itsura niya. Akala ko ay matatauhan na ang mga empleyado nang ma-release iyong CCTV video. Ayon, dumiretso siya sa CEO’s office. Baka magpapaawa kay Sir Alejandro.”Huminga siya nang malalim at saka piniling maupo sa kaniyang station. “It seems she hasn’t changed then,” komento niya.Hindi na nakagugulat kung magpaawa effect si Sophia kay Alejandro. Maladas naman itong gawin ng babae sa lalaki para makuha ang simpatya nito.“Wala ka man lang bang gagawin, Klaire?” kunot-noong tanong sa kaniya ni Olga. Nalilito siyang bumaling dito. “Why would I do anything? Ayaw kong manghimasok sa kung ano’ng gu
Pagkauwi ni Klaire ay namataan niya sina Nico at Natasha na ka-video call sina Clayton at Callie. Katabi ng dalawang kambal ang kaniyang Lolo at Lola na natutuwa sa apat. Napangiti siya sa tagpong ‘yon. Hinubad niya ang suot na sapatos at masayang naglakad papuntang sala. “Ano’ng pinag-uusapan ng mga kambal?” malambing niyang tanong sa mga ito. “Mommy!” sabay-sabay na tawag sa kaniya ng mga anak. Kumaway sa camera si Callie. “Mommy, kauuwi mo lang po? I haven’t seen you for many days. I miss you so much po!” “Mas miss na miss ko kayo, Callie, Clayton,” aniya sa mga anak na nasa poder ni Alejandro. “Ano’ng pinag-uusapan niyo?”“Mommy, we are discussing something with Nico and Natasha. Gusto po namin magkita, kaya nag-iisip kami ng paraan,” ani Clayton sa seryosong boses. Tumango naman si Natasha at ngumiti. “May plano na po si Kuya Clayton, Mommy. Do you want to hear it?” ani Nico. “Sure!” Naupo siya sa tabi ng mga anak para makinig sa mga ito. Tumikhim si Clayton. “Since Call
“Mommy, pinayagan na po kami ni Daddy mag-enroll sa kindergarten! We chose the one near Nico and Natasha’s school. Makikita na po namin kayo palagi!”Masaya si Klaire sa narinig. “That’s great! Gusto ko na rin kayong makita. I miss both of you!”Klaire immediately checked the location of the two kindergartens on the internet. Magkalapit nga ang dalawang paaralan kaya walang magiging problema kung magkikita-kita sila. “Excited na po kami, Mommy! Bukas daw po kami mag-e-enroll!”“I’m so happy for both of you. I’ll make sure to drop by para naman makita ko na kayo, okay?” “Yes, Mommy!” sabay na wika nina Clayton at Callie sa phone. Kinabukasan ay maagang umalis ang mag-aama para sa enrollment nina Clayton at Callie. Nang makarating sa kindergarten ay agad silang sinalubong ng mismong principal ng paaralan, pati na rin ang mga teachers na naroon. “Welcome to Queen Mary’s Kindergarten, Mr. Fuentabella. We thank you for choosing this school for your children.” “Thanks for the warm welc
Emosyonal siyang bumaba ng kotse at patakbong pumasok sa ospital kung saan dinala ang mga anak niya. Naghuhuramentado ang puso ni Klaire dahil sa matinding kaba. Nang makapasok sa loob ay namataan niya ang dami ng mga taong nagtatanong sa nurse station. Suminghap siya at napaisip kung ano’ng excuse ang gagamitin niya para makita ang mga anak… She bit her lower lip and turned around. Wala siyang ibang choice kung hindi ang lumabas ng ospital at maghanap ng props na pwedeng makatulong sa kaniya para hindi magtaka si Alejandro kung bakit siya naroon. Nang makita ang flowershop sa harapan ng ospital ay agad siyang nakaisip ng ideya. She bought a boquet of flowers and pretended that she would be visiting a doctor friend. Hindi naman siya nahirapan na itanong kung ano’ng room naka-admit si Callie. Pagkalabas ng elevator ay huminga siya nang malalim at saka tumayo sa labas ng kwarto kung nasaan ang mga anak niya. Kinakabahan man ay kinatok niya ang pinto. Ilang saglit pa ay bumuk