Emosyonal siyang bumaba ng kotse at patakbong pumasok sa ospital kung saan dinala ang mga anak niya. Naghuhuramentado ang puso ni Klaire dahil sa matinding kaba. Nang makapasok sa loob ay namataan niya ang dami ng mga taong nagtatanong sa nurse station. Suminghap siya at napaisip kung ano’ng excuse ang gagamitin niya para makita ang mga anak… She bit her lower lip and turned around. Wala siyang ibang choice kung hindi ang lumabas ng ospital at maghanap ng props na pwedeng makatulong sa kaniya para hindi magtaka si Alejandro kung bakit siya naroon. Nang makita ang flowershop sa harapan ng ospital ay agad siyang nakaisip ng ideya. She bought a boquet of flowers and pretended that she would be visiting a doctor friend. Hindi naman siya nahirapan na itanong kung ano’ng room naka-admit si Callie. Pagkalabas ng elevator ay huminga siya nang malalim at saka tumayo sa labas ng kwarto kung nasaan ang mga anak niya. Kinakabahan man ay kinatok niya ang pinto. Ilang saglit pa ay bumuk
Callie’s condition didn’t look very good. Ang mataba nitong mukha ay maputla. Halata sa mga mata ang pagkalungkot at pagkasabik nang makita siya. Kumirot ang dibdib niya habang tinitingnan ang anak. Kapag kasi may sakit ito ay gusto lamang nitong magpayakap at magpabuhat sa kaniya. Huminga siya nang malalim at kinalma ang sarili. Alejandro should not suspect her at the moment. “Do you need help with her?” marahan niyang tanong kay Alejandro. Hindi umimik si Alejandro, nag-aalangan kung tatanggapin ba ang tulong ni Klaire. The fact that the woman who abandoned their children was there, was already overwhelming to him. He also knew his little daughter very well. She was quite difficult to deal with when she had a tantrum. She was also shy and didn't like to be touched by other women. Noong si Sophia ang bumibisita sa mansyon ay madalas magtago si Natasha. “No, Natasha doesn’t want other people to—” Hindi niya natapos ang sasabihin nang bigla na lamang tinaas ng bata ang dalawa ni
Nagkatingin ang mag-inang si Klaire at Clayton nang sabihin iyon ni Alejandro. Hawak nito ang pagkain at inangat ang kutsara para subuan siya. Klaire felt uncomfortable and so she shook her head. “I can do it myself.” Sa isip ni Klaire, hindi naman sila mag-asawa para subuan siya ni Alejandro. That gesture was too intimate! Lumunok siya nang madilim siyang tingnan ng lalaki. Nagtaas siya ng kilay. “Kaya ko, okay?”She freed up a hand to take the spoon in Alejandro’s hand. Pero inilayo lamang nito iyon sa kaniya, tila ba ayaw siyang pagbigyan. “Just open your mouth,” ani Alejandro sa matigas na boses. Gusto pa sana niyang tumanggi, pero seryoso ang mga titig ni Alejandro sa kaniya. Sa huli ay nahihiya niyang ibinuka ang bibig upang masubuan ng lalaki. Nang sulyapan niya ang anak na si Clayton ay ngingiti-ngiti lamang ito at para bang natutuwa pa na sinusubuan siya ng Daddy Alejandro nila. Ilang minuto lamang din ay natapos siyang subuan nito. Karga-karga pa rin niya si Callie h
Kinabukasan, Magaling na si Callie. Nakaupo ito sa dulo ng kama at malikot na hinihila ang blouse ni Klaire, gustong makipaglaro. The doctor came over and checked up on her. “Magaling na ang bata. Wala naman signs ng complication ayon sa tests niya. Pwede na siyang lumabas ng ospital.” Nilingon ni Alejandro si Luke. “Go and complete the discharge procedures.”Dahil maayos na ang lagay ng anak ay nagpasya si Klaire na umuwi na. “Your daughter is better now. Uuwi na ako,” aniya. Hinawakan ni Callie ang kamay niya dahilan para balingan niya ito ng tingin. Inabot nito ang notebook at pen at saka nagsulat. [Pretty Tita, you took care of me yesterday. I want to spend time with you. Can I see you next time?]Matapos basahin ang sinulat ng anak ay nginitian niya ito. “I think that’s possible, I work in your father’s company,” wika niya. Nagningning ang mga mata ni Callie at saka nagsulat ulit. [Can I go to Daddy’s company and meet you there?]Ngumiti lamang si Klaire at saka tiningn
Dalawang araw ang lumipas. Naging subsob sa trabaho si Alejandro dahil nalalapit na ang annual party na gagawin ng kumpanya nila. In the midst of his busy schedule, Luke went to his office to give him the final list of the invited guests for the annual party. “Boss, ito na po ang listahan ng mga potensyal na taong iimbitahan natin para sa annual party. Tingnan niyo po at sabihin niyo lang kung may kailangang baguhin,” pormal na wika ni Luke sabay abot sa kaniya ng ilang papel. Agad na tinigil ni Alejandro ang pagtitipa sa kaniyang laptop upang tingnan ang listahan. Kumunot ang noo niya nang makita ang pangalan ni Klaire sa pagitan ng dalawang may-ari ng Bloom Perfume Company. “Do we need to invite Klaire?” may alinlangan niyang tanong. “Shouldn’t we focus on inviting her bosses?”“Naisip ko lang, Boss, na dapat ay naroon din siya dahil malaki ang naging ambag niya sa proyekto ng kumpanya natin at ng Bloom Perfume. Isa pa, siya ngayon ang nangunguna sa pagsasa-ayos ng mga perfume f
Nilingon ni Klaire ang pamilyar na boses na ‘yon at nakita ang kambal na anak na patakbong palapit sa kaniya. Her eyes widened in surprise. Niyakap ni Callie ang kaniyang hita at masayang nag-angat ng tingin sa kaniya. Napangiti siya sa tuwa. Hindi na siya nagpigil pa at niyakap ang anak. “What are you two doing here?” kuryoso niyang tanong sa dalawa at saka inayos ang mga takas na buhok ni Callie. “We want to thank you for taking care of my sister when she was sick, pretty Tita. So, we are inviting you for dinner,” sagot ni Clayton at saka kinindatan siya. Naningkit ang mga mata niya sa sinabi ng anak. Pilyong-pilyo ang mga hitsura nito at animo’y may balak. Mukhang miss na miss na nga siya ng mga ito dahil gagawin nila ang lahat makasama lamang siya…“Nagpunta pa talaga kayo para doon,” aniya sa malambing na boses. “I’m happy that I was able to help your little sister, little mister.”“Daddy has agreed, pretty Tita. Matatapos na po ba ang work mo? We can go have dinner together
Sa isang 5-star restaurant, Patuloy ang pag-oobserba ni Alejandro kay Klaire habang tinitingnan nito ang menu. Giliw na giliw naman ang mga bata habang tinitingnan ang ina nila. Kung anu-ano ang pumapasok sa isip ni Alejandro. He felt that Klaire was playing games with him, acting like she didn’t know that these children were actually their children… pero may munting tinig din ang nagsasabi sa kaniya na baka hindi nga kilala ni Klaire ang mga bata. Pero paano mangyayari ‘yon? Tinawag ni Klaire ang waiter at saka nagsimulang mag-order ng mga pagkain. Kumunot ang noo ni Alejandro nang mapansin na puro mga paborito nina Nico at Natasha ang winika nito. He was a little suspicious, and couldn’t help but stare at his ex-wife for a long time, trying to find an answer from her face. Napansin ni Clayton ang seryosong pag-oobserba ng Daddy nila sa kanilang Mommy. Agad nitong nahulaan kung anong nasa isip ng Daddy nila kaya naman ay inunahan na niya ang isip nito. “Pretty Tita, how did yo
Sa rooftop, maraming mga elitistang tao ang naroon at ini-enjoy ang kanilang mga inumin. Malamig ang panggabing hangin pero hindi alintana ng mga ito dahil nananabik silang mapanood ang fireworks display. Nang makarating sila doon ay mabilis na nagpababa ang kambal. Tuwang-tuwa ang mga ito sa malawak na rooftop at hindi maiwasang tumingin sa panggabing langit. Nagkatinginan sina Klaire at Alejandro. Parehong kakaiba ang nararamdaman ng dalawa, hindi malaman kung kokomprotahin ang isa’t isa o hahayaan na lamang muna ang oras. Klaire could feel the bats and butterflies inside her stomach. Binabagabag siya na walang sinasabing kahit ano si Alejandro patungkol sa mga bata, pero hindi niya rin maiwasang maging masaya dahil nakakasama niya nang malaya sina Clayton at Callie. Isang kwestiyon sa kaniya kung talaga bang ninakaw ng lalaki ang mga anak niya… o baka may iba pang kwento maliban sa gusto niyang paniwalaan? Hindi niya alam… “Do you feel cold?” tanong ni Alejandro nang makita si