Nagkatingin ang mag-inang si Klaire at Clayton nang sabihin iyon ni Alejandro. Hawak nito ang pagkain at inangat ang kutsara para subuan siya. Klaire felt uncomfortable and so she shook her head. “I can do it myself.” Sa isip ni Klaire, hindi naman sila mag-asawa para subuan siya ni Alejandro. That gesture was too intimate! Lumunok siya nang madilim siyang tingnan ng lalaki. Nagtaas siya ng kilay. “Kaya ko, okay?”She freed up a hand to take the spoon in Alejandro’s hand. Pero inilayo lamang nito iyon sa kaniya, tila ba ayaw siyang pagbigyan. “Just open your mouth,” ani Alejandro sa matigas na boses. Gusto pa sana niyang tumanggi, pero seryoso ang mga titig ni Alejandro sa kaniya. Sa huli ay nahihiya niyang ibinuka ang bibig upang masubuan ng lalaki. Nang sulyapan niya ang anak na si Clayton ay ngingiti-ngiti lamang ito at para bang natutuwa pa na sinusubuan siya ng Daddy Alejandro nila. Ilang minuto lamang din ay natapos siyang subuan nito. Karga-karga pa rin niya si Callie h
Kinabukasan, Magaling na si Callie. Nakaupo ito sa dulo ng kama at malikot na hinihila ang blouse ni Klaire, gustong makipaglaro. The doctor came over and checked up on her. “Magaling na ang bata. Wala naman signs ng complication ayon sa tests niya. Pwede na siyang lumabas ng ospital.” Nilingon ni Alejandro si Luke. “Go and complete the discharge procedures.”Dahil maayos na ang lagay ng anak ay nagpasya si Klaire na umuwi na. “Your daughter is better now. Uuwi na ako,” aniya. Hinawakan ni Callie ang kamay niya dahilan para balingan niya ito ng tingin. Inabot nito ang notebook at pen at saka nagsulat. [Pretty Tita, you took care of me yesterday. I want to spend time with you. Can I see you next time?]Matapos basahin ang sinulat ng anak ay nginitian niya ito. “I think that’s possible, I work in your father’s company,” wika niya. Nagningning ang mga mata ni Callie at saka nagsulat ulit. [Can I go to Daddy’s company and meet you there?]Ngumiti lamang si Klaire at saka tiningn
Dalawang araw ang lumipas. Naging subsob sa trabaho si Alejandro dahil nalalapit na ang annual party na gagawin ng kumpanya nila. In the midst of his busy schedule, Luke went to his office to give him the final list of the invited guests for the annual party. “Boss, ito na po ang listahan ng mga potensyal na taong iimbitahan natin para sa annual party. Tingnan niyo po at sabihin niyo lang kung may kailangang baguhin,” pormal na wika ni Luke sabay abot sa kaniya ng ilang papel. Agad na tinigil ni Alejandro ang pagtitipa sa kaniyang laptop upang tingnan ang listahan. Kumunot ang noo niya nang makita ang pangalan ni Klaire sa pagitan ng dalawang may-ari ng Bloom Perfume Company. “Do we need to invite Klaire?” may alinlangan niyang tanong. “Shouldn’t we focus on inviting her bosses?”“Naisip ko lang, Boss, na dapat ay naroon din siya dahil malaki ang naging ambag niya sa proyekto ng kumpanya natin at ng Bloom Perfume. Isa pa, siya ngayon ang nangunguna sa pagsasa-ayos ng mga perfume f
Nilingon ni Klaire ang pamilyar na boses na ‘yon at nakita ang kambal na anak na patakbong palapit sa kaniya. Her eyes widened in surprise. Niyakap ni Callie ang kaniyang hita at masayang nag-angat ng tingin sa kaniya. Napangiti siya sa tuwa. Hindi na siya nagpigil pa at niyakap ang anak. “What are you two doing here?” kuryoso niyang tanong sa dalawa at saka inayos ang mga takas na buhok ni Callie. “We want to thank you for taking care of my sister when she was sick, pretty Tita. So, we are inviting you for dinner,” sagot ni Clayton at saka kinindatan siya. Naningkit ang mga mata niya sa sinabi ng anak. Pilyong-pilyo ang mga hitsura nito at animo’y may balak. Mukhang miss na miss na nga siya ng mga ito dahil gagawin nila ang lahat makasama lamang siya…“Nagpunta pa talaga kayo para doon,” aniya sa malambing na boses. “I’m happy that I was able to help your little sister, little mister.”“Daddy has agreed, pretty Tita. Matatapos na po ba ang work mo? We can go have dinner together
Sa isang 5-star restaurant, Patuloy ang pag-oobserba ni Alejandro kay Klaire habang tinitingnan nito ang menu. Giliw na giliw naman ang mga bata habang tinitingnan ang ina nila. Kung anu-ano ang pumapasok sa isip ni Alejandro. He felt that Klaire was playing games with him, acting like she didn’t know that these children were actually their children… pero may munting tinig din ang nagsasabi sa kaniya na baka hindi nga kilala ni Klaire ang mga bata. Pero paano mangyayari ‘yon? Tinawag ni Klaire ang waiter at saka nagsimulang mag-order ng mga pagkain. Kumunot ang noo ni Alejandro nang mapansin na puro mga paborito nina Nico at Natasha ang winika nito. He was a little suspicious, and couldn’t help but stare at his ex-wife for a long time, trying to find an answer from her face. Napansin ni Clayton ang seryosong pag-oobserba ng Daddy nila sa kanilang Mommy. Agad nitong nahulaan kung anong nasa isip ng Daddy nila kaya naman ay inunahan na niya ang isip nito. “Pretty Tita, how did yo
Sa rooftop, maraming mga elitistang tao ang naroon at ini-enjoy ang kanilang mga inumin. Malamig ang panggabing hangin pero hindi alintana ng mga ito dahil nananabik silang mapanood ang fireworks display. Nang makarating sila doon ay mabilis na nagpababa ang kambal. Tuwang-tuwa ang mga ito sa malawak na rooftop at hindi maiwasang tumingin sa panggabing langit. Nagkatinginan sina Klaire at Alejandro. Parehong kakaiba ang nararamdaman ng dalawa, hindi malaman kung kokomprotahin ang isa’t isa o hahayaan na lamang muna ang oras. Klaire could feel the bats and butterflies inside her stomach. Binabagabag siya na walang sinasabing kahit ano si Alejandro patungkol sa mga bata, pero hindi niya rin maiwasang maging masaya dahil nakakasama niya nang malaya sina Clayton at Callie. Isang kwestiyon sa kaniya kung talaga bang ninakaw ng lalaki ang mga anak niya… o baka may iba pang kwento maliban sa gusto niyang paniwalaan? Hindi niya alam… “Do you feel cold?” tanong ni Alejandro nang makita si
Kinabukasan, Ang buong Lab 2 Team ay nakaharap sa CEO ng kumpanya. Ito ang araw na ipe-presenta ni Klaire ang optimized perfume formula sa harap ni Alejandro para makuha ang opinyon at matamis nitong “oo” para ilabas ang perfume sa mercado at ilaban sa international perfume competition. Tila ba nanlalamig ang mga ka-miyembro niya lalo na’t naroon si Alejandro, nakaupo sa dulo ng desk at seryosong nakatingin kay Klaire na nasa harapan para magpresenta. “We can start,” sabi nito sa malamig na boses. Huminga nang malalim si Klaire at saka pinakita sa mga taong naroon ang mga dalawang test tube. “This is the original perfume of the company.” Tinaas niya ang kanang kamay na may hawak ng isang test tube. “And this is the optimized perfume. I improved the ingredients to make it top quality.”“Let me smell the optimized one,” wika ni Alejandro. Tumango si Klaire at lumapit sa lalabi. Binigay niya rito ang test tube ng optimized perfume. Bago buksan ang test tube ay matamang tiningnan n
Matapos kumain sa restaurant ay nagtungo sila sa sikat na club na pagmamay-ari ni Logan Aguerror. Dahil isa sa mga madalas na VIP customer si Alejandro ay binigay sa kanila ang best VIP room. His employees didn’t restrain themselves. Maingay ang buong kwarto at nagsasaya ang buong team ng Lab 2. May mga kumakanta ng karaoke at may mga nag-iinom. Madalang pumunta sa mga gano’ng lugar si Klaire kaya hindi niya alam kung sino ang sasabayan sa mga empleyadong kasama. She just sat there, clapped her hands to cheer her co-workers and watched quietly. Samantalang wala namang nagkukusang makipag-usap kay Alejandro. Iwas pa rin ang mga miyembro ng Lab 2 sa kanilang CEO dahil na rin sa seryoso nitong ugali. Tanging si Olga lamang ang may lakas ng loob na kausapin at subukin ito. “Sir, gusto mo ba makipaglaro sa amin?” bulalas ni Olga, may pagkalasing na. “You guys want to play?” Nagtaas ng kilay si Alejandro. Tumango si Olga. “Sali ka na, sir! Pagalingan kumanta. Ang maka-100 na scor
ISANG malakas na suntok ang natamo ni Laurence mula sa ama ni Julia. Kahit na nasa mid 50’s na ito ay makikitaan pa rin ito ng lakas, hindi nasisindak sa kahit na ano at walang kinatatakutan. Marahil dahil na rin isa ito sa mga lider ng organisasyon na lihim na gumagawa ng ilegal na negosyo sa bansa. Julia’s family name was quite famous but they shined more in the underground business. Bagay na nililihim ng mga Acosta. “Isang bagay lang ang gusto kong gawin mo pero hindi mo ba nagawa? Alam mo ba kung gaano pinag-uusapan ang auction na ‘yon? It was supposed to be our medium to attract investors–na kapag nalaman nilang nag-acquire tayo ng business property ay kusa silang lalapit sa atin ngunit anong ginawa mo? Nagpatalo ka sa isang Consunji? Wala kang bay@g!” Dumagundong sa malaking mansyon ang galit ng isang Julian Acosta, na pinipigilan ni Julia na makalapit pa kay Laurence. Natatakot siyang baka tuluyang mabugbog ang mapapangasawa. Dinilaan ni Laurence ang dugo sa gilid ng kaniyan
HINDI maipinta ang mukha ni Laurence nang marinig ang mga sinabi niya. Halos magdiwang ang puso ni Callie dahil alam niyang natamaan niya ang ego ng dating asawa. Isa pa ay totoo naman ang sinasabi niya. Julia wouldn’t try to harm herself if she loved her baby. “L-Laurence, huwag kang makikinig sa kaniya. She’s brainwashing you para pag-awayin tayo,” iyak ni Julia. Ngumisi lamang si Callie at saka ikinawit ang kamay sa matipunong braso ni Vincenzo. “Love, I think we’re done here,” malambing niyang wika sa asawa at nag-angat ng tingin dito. “Let’s go home and celebrate our wins.” Tumango naman si Vincenzo at marahang hinaplos ang pisngi niya. Natural na natural ang pagpapanggap nito sa harap ng maraming tao na kahit si Callie ay nabibigla sa mga akto nito. Bahagya siyang napakurap nang maramdaman ang pag-iinit ng pisngi. “Alright, love,” ani Vincenzo at binalingan ng tingin si Laurence. “But I’m not done with the both of you. I’ll see to it that you’ll receive the CCTV footage on
MABILIS na sumagi sa isipan ni Callie ang kwento ng kaniyang Mommy, kung paano ito na-frame up ng karibal na si Sophia na sinadyang magpatihulog sa hagdan, na nagresulta sa pagkamuhi ng mga tao sa kaniyang ina sa loob nang mahabang taon.Adrenaline rushed through her veins. Not wanting to have the same fate as her Mom’s, she immediately grabbed Julia’s arm and pulled her up, preventing the woman from falling downstairs. Malakas ang tibok ng kaniyang puso nang mahigit ang babae at hinila ito palayo sa hagdan. “Nababaliw ka na ba?!” singhal niya habang mahigpit na hawak ang braso nito. Ramdam niya ang matinding galit na nanunuot sa kaniyang kaibuturan. “Ano sa tingin mo ang iniisip mo? Magpapatihulog ka sa hagdan? Hindi mo naisip ang baby sa sinapupunan mo?” “You were trying to hurt me!” sigaw ni Julia at nagsimulang maglikot ang mga mata, nagpalinga-linga at nagbabaka sakaling may mga matang nakakita sa ginagawa sa kaniya ni Callie. “You are trying to kill my baby!” Napailing si Cal
AGAD na iniiwas ni Callie ang tingin sa nanunubok na mga mata ni Vincenzo nang magsalita ang host ng auction. Ilang saglit pa ay nagsimula na ang aktibidad at kita sa mga mayayamang naroon ang kasiyahan sa pagbi-bid sa mga real estate property na binibenta ng mga mayayamang angkan. Dumating ang waiter at nag-abot ng drinks sa kanilang table. Kinuha ni Callie ang wineglass at sinimsiman ang alak niyon. She couldn’t help but frown as she observed the people inside the event hall. Kung mag-bid ay animo’y barya lamang ang ilang daang milyon sa mga ito. Napansin niya ang kalmadong si Vincenzo sa kaniyang tabi. Kumpara kanina na para bang nakikipaglaro ito sa kaniya, ngayon naman ay tahimik itong nagmamatiyag–sisilay ang multong ngiti sa labi at kung minsan ay mapapailing. “Why aren’t we bidding yet?” kuryoso niyang tanong sa asawa. “I’m waiting for your ex-husband and his lover to bid,” sagot nito at bahagyang tinagilid ang ulo. “Seven hundred million pesos,” rinig nilang wika ng isan
HALOS papalubog na ang araw nang makarating sina Callie at Vincenzo sa New World Manila Hotel kung saan gaganapin ang nasabing pinaka-inaabangang at pinakamalaking land auction. Ang mga mayayamang pamilya o clan, respetadong negosyante at mga pulitiko ang karaniwang nagbebenta ng mga real estate properties sa aktibidad na ito. Pagkapasok pa lamang sa event hall kung saan gaganapin ang auction ay ramdam na agad ni Vincenzo ang malalagkit na tingin ng mga lalaking negosyanteng naroon sa kaniyang asawa, habang wala namang ka-ide-ideya si Callie na tila namamangha pa sa lugar. Nauuna si Callie sa paglalakad, naghahanap ng bakanteng mesa kung saan sila maaaring maupo nang biglang harangin ito ng isang matandang lalaki na sa tingin ni Vincenzo ay nasa mid 50’s na. Malapad ang ngiti ng lalaki nang magsalita, “Sinasabi ko na nga ba’t hindi ako nagkamali ng pagpunta rito. Are you alone, Miss—” “She’s with her husband,” agad na turan ni Vincenzo at lumapit sa likuran ni Callie. He held Cal
“Anak ka pala ng isang mayamang pamilya!” gulat na pahayag ng kaibigang si Monique nang muli siyang pumasok sa Consunji Mall. “Grabe ang ganda-ganda mo sa TV, Callie. Para kang reyna ng boss natin sa kasal niyo!”Sa pagpasok pa lang kaninang umaga sa Mall ay marami ng empleyado ang gulat at masayang makita siya. Hindi na nagtataka pa si Callie lalo na’t naging headline sa balita ang nangyaring kasalan nila ni Vincenzo. Alam na rin niyang sa pagkakataong ‘yon ay hindi na niya maitatago pa ang totoong identidad sa mga taong nakasama niya sa trabaho, lalo na kay Monique na kaibigan niya. Matipid na nginitian ni Callie ang kaibigan. “Nagulat ka ba? Pasensya ka na kung naglihim ako ha.” Mabilis na tumango si Monique, ang mga mata ay puno ng tuwa. “Malamang, magugulat talaga ako! Kunwari ka pang hindi kilala ng boss natin, ‘yon pala ay mapapangasawa mo na.” Tumawa ito. “Speechless nga rin iyong supervisor natin saka iyong mga alipores niyang may inis sa iyo. Malamang ay nagngingitngit na
Halos manakit ang bibig ni Callie sa walang tigil na kangingiti nang matamis sa harap ng mga media na dumalo sa wedding reception ng kasal nila ni Vincenzo. She wanted the whole nation to know that she was happy to have the most expensive wedding in the country. Alam niyang lalabas ang mga kaganapan ng kanilang kasal sa internet at mga dyaryo kaya kahit na may kabang nararamdaman sa pagbabago ng timpla sa kaniya ni Vincenzo ay pinilit niyang magmukhang pinakamasayang asawa. Halos tatlong oras din ang tinakbo ng wedding reception at pagkatapos niyon ay isa-isa nang nag-aalisan ang mga kilalang bisita.Huminga siya nang malalim at sinabayan si Vincenzo sa paglalakad palapit sa pamilya Fuentabella. Tumikhim ang kaniyang Daddy, tiningnan siya at saka seryosong bumaling sa kaniyang asawa. Asawa…. Hindi pa rin siya makapaniwala na kinasal siya sa ikalawang pagkakataon.Tiningnan niya ang asawang si Vincenzo na may maliit na ngiting ginawad sa kaniyang Daddy Alejandro.“I won’t ask for a
Sa simbahan, Hindi mapakali ang pamilya Fuentabella maging ang mga taong naroon. Paano ba naman ay hindi pa dumadating ang bridal car na siyang maghahatid kay Callie sa lugar. Maging ang mga bisitang naroon upang saksihan ang pag-iisang dibdib nito kay Vincenzo Pierre Consunji ay nagtataka at nagbubulung-bulungan. Sa gilid ng altar ay nakatayo si Vincenzo. Bahagyang kunot ang noo habang iniisip na baka nagbago na ang isip ng babaeng pakakasalan niya. Sa gilid niya ay nakatindig ang amang si Manuel na iiling-iling bago sinabing, “That woman was brazen to lecture me days ago. Hindi naman pala desidido na magpakasal sa iyo.” Kinuyom ni Vincenzo ang kaniyang kamao. Bahagyang nagtagis ang kaniyang bagang sa pag-iisip na hindi na sisipot pa si Callie. His gaze went to Sammy’s direction—the flower girl of their small entourage. Kung hindi magpapakasal sa kaniya si Callie ay talagang mawawala sa kaniya ang batang dugo't laman ng yumao niyang kapatid. Dahil sa pag-iisip na ’yon ay na
Araw ng Sabado, Abala ang buong pamilya Fuentabella sa araw ng kasal ni Callie. Magaganda ang dekorasyon sa tanyag na simbahan na paggaganapan ng seremoniya, at inimbitahan ang mga bigating personalidad, maging ang nangungunang media upang isa-telebisyon ang kasal. The Fuentabella and Consunji family were so hands on with everything. Wala nang iba pang gagawin si Callie kung hindi ang maghanda, at magmartsa sa simbahan. Callie was in her suite, looking very fresh and happy in her preparation robe. Ito na ang araw na pinakahihintay niya. Magpapakasal na sila ni Vincenzo at isakakatuparan ang mga plano nila. She couldn’t wait to strike back. Alam niyang makararating kay Laurence ang araw na ito at sisiguraduhin niyang siya ang panalo. Pagkatapos make up-an at ayusin ang buhok niya ay pinalabas niya na ang mga stylist na naroon. Pinagmasdan niya ang magarbong wedding gown na nakasuot sa mannequin. Hindi mawala ang ngiti niya habang tinitingnan kung gaano ito kaganda. It was a design s