Nilingon ni Klaire ang pamilyar na boses na ‘yon at nakita ang kambal na anak na patakbong palapit sa kaniya. Her eyes widened in surprise. Niyakap ni Callie ang kaniyang hita at masayang nag-angat ng tingin sa kaniya. Napangiti siya sa tuwa. Hindi na siya nagpigil pa at niyakap ang anak. “What are you two doing here?” kuryoso niyang tanong sa dalawa at saka inayos ang mga takas na buhok ni Callie. “We want to thank you for taking care of my sister when she was sick, pretty Tita. So, we are inviting you for dinner,” sagot ni Clayton at saka kinindatan siya. Naningkit ang mga mata niya sa sinabi ng anak. Pilyong-pilyo ang mga hitsura nito at animo’y may balak. Mukhang miss na miss na nga siya ng mga ito dahil gagawin nila ang lahat makasama lamang siya…“Nagpunta pa talaga kayo para doon,” aniya sa malambing na boses. “I’m happy that I was able to help your little sister, little mister.”“Daddy has agreed, pretty Tita. Matatapos na po ba ang work mo? We can go have dinner together
Sa isang 5-star restaurant, Patuloy ang pag-oobserba ni Alejandro kay Klaire habang tinitingnan nito ang menu. Giliw na giliw naman ang mga bata habang tinitingnan ang ina nila. Kung anu-ano ang pumapasok sa isip ni Alejandro. He felt that Klaire was playing games with him, acting like she didn’t know that these children were actually their children… pero may munting tinig din ang nagsasabi sa kaniya na baka hindi nga kilala ni Klaire ang mga bata. Pero paano mangyayari ‘yon? Tinawag ni Klaire ang waiter at saka nagsimulang mag-order ng mga pagkain. Kumunot ang noo ni Alejandro nang mapansin na puro mga paborito nina Nico at Natasha ang winika nito. He was a little suspicious, and couldn’t help but stare at his ex-wife for a long time, trying to find an answer from her face. Napansin ni Clayton ang seryosong pag-oobserba ng Daddy nila sa kanilang Mommy. Agad nitong nahulaan kung anong nasa isip ng Daddy nila kaya naman ay inunahan na niya ang isip nito. “Pretty Tita, how did yo
Sa rooftop, maraming mga elitistang tao ang naroon at ini-enjoy ang kanilang mga inumin. Malamig ang panggabing hangin pero hindi alintana ng mga ito dahil nananabik silang mapanood ang fireworks display. Nang makarating sila doon ay mabilis na nagpababa ang kambal. Tuwang-tuwa ang mga ito sa malawak na rooftop at hindi maiwasang tumingin sa panggabing langit. Nagkatinginan sina Klaire at Alejandro. Parehong kakaiba ang nararamdaman ng dalawa, hindi malaman kung kokomprotahin ang isa’t isa o hahayaan na lamang muna ang oras. Klaire could feel the bats and butterflies inside her stomach. Binabagabag siya na walang sinasabing kahit ano si Alejandro patungkol sa mga bata, pero hindi niya rin maiwasang maging masaya dahil nakakasama niya nang malaya sina Clayton at Callie. Isang kwestiyon sa kaniya kung talaga bang ninakaw ng lalaki ang mga anak niya… o baka may iba pang kwento maliban sa gusto niyang paniwalaan? Hindi niya alam… “Do you feel cold?” tanong ni Alejandro nang makita si
Kinabukasan, Ang buong Lab 2 Team ay nakaharap sa CEO ng kumpanya. Ito ang araw na ipe-presenta ni Klaire ang optimized perfume formula sa harap ni Alejandro para makuha ang opinyon at matamis nitong “oo” para ilabas ang perfume sa mercado at ilaban sa international perfume competition. Tila ba nanlalamig ang mga ka-miyembro niya lalo na’t naroon si Alejandro, nakaupo sa dulo ng desk at seryosong nakatingin kay Klaire na nasa harapan para magpresenta. “We can start,” sabi nito sa malamig na boses. Huminga nang malalim si Klaire at saka pinakita sa mga taong naroon ang mga dalawang test tube. “This is the original perfume of the company.” Tinaas niya ang kanang kamay na may hawak ng isang test tube. “And this is the optimized perfume. I improved the ingredients to make it top quality.”“Let me smell the optimized one,” wika ni Alejandro. Tumango si Klaire at lumapit sa lalabi. Binigay niya rito ang test tube ng optimized perfume. Bago buksan ang test tube ay matamang tiningnan n
Matapos kumain sa restaurant ay nagtungo sila sa sikat na club na pagmamay-ari ni Logan Aguerror. Dahil isa sa mga madalas na VIP customer si Alejandro ay binigay sa kanila ang best VIP room. His employees didn’t restrain themselves. Maingay ang buong kwarto at nagsasaya ang buong team ng Lab 2. May mga kumakanta ng karaoke at may mga nag-iinom. Madalang pumunta sa mga gano’ng lugar si Klaire kaya hindi niya alam kung sino ang sasabayan sa mga empleyadong kasama. She just sat there, clapped her hands to cheer her co-workers and watched quietly. Samantalang wala namang nagkukusang makipag-usap kay Alejandro. Iwas pa rin ang mga miyembro ng Lab 2 sa kanilang CEO dahil na rin sa seryoso nitong ugali. Tanging si Olga lamang ang may lakas ng loob na kausapin at subukin ito. “Sir, gusto mo ba makipaglaro sa amin?” bulalas ni Olga, may pagkalasing na. “You guys want to play?” Nagtaas ng kilay si Alejandro. Tumango si Olga. “Sali ka na, sir! Pagalingan kumanta. Ang maka-100 na scor
Alejandro’s eyes darkened as he looked at her. Lasing na nga ito, nagagawa pang magpakapilya sa kaniyang harapan. “Who’s Clayton?” Nagtaas siya ng kilay. “Is he the father of your kids?” Humalakhak si Klaire at saka umiling. Halata sa mga mata nito na natutuwa ito sa kaniya. His jaw clenched. Kung hindi asawa ay ano nito ang Clayton na binanggit nito? “Then who is he?” tanong niya. “Are you making fun of me?”“Bakit ba curious ka masyado?” Tumigil sa pagtawa si Klaire at saka naniningkit ang mga matang tiningnan siya. “You don’t care about these important people in my life. Sarili mo lang ang mahalaga sa iyo. Tsk!” Umigting ang kaniyang panga sa narinig. Alam niyang lasing ito kaya nasasabi ang mga gano’ng bagay at hindi na dapat niya patulan. Kaya lamang ay may katalasan ang mga salitang binitiwan nito… Nang nasa kotse na ay tahimik na lamang si Klaire. Panay ang sinok nito at kapag napapatangin siya rito ay nakapikit ang mga mata, tila ba natutulog habang nakasandal sa may bint
Kinabukasan ay maagang bumangon si Alejandro. Naupo siya sa sala at tahimik na nagbasa ng dyaryo. Ilang saglit pa ay bumaba na ang mga anak niya at binati siya. “Daddy, aren’t you going to work today?”“It’s Saturday, son. I’ll stay here. Darating ang tutor niyo mamaya hindi ba?”Tumango naman si Clayton. “Yes, Daddy.” Tumango rin siya. “Okay, let’s have breakfast first?”“Sige po, Daddy!”Magtatanghali nang dumating ang tutor ng kambal. Kahit pa na pumapasok na ang dalawa sa kindergarten ay gusto ni Alejandro na may tutor ang mga ito para kung sakali man na nahihirapan sila sa school ay mayroon pa ring tutor na gagabay sa kanila. Ang dalawang bata ay binigyan ng quiz ng kanilang tutor. Alejandro intentionally walked over and took a look at Callie’s handwriting. Alam ng dalawang bata na inoobserbahan sila ng Daddy nila kaya naman hindi naiwasan ng mga ito na kabahan, lalo na si Callie. Did Daddy discover something?Unang natapos sa pagsusulat si Clayton at lihim na sinulyapan si C
Hello po sa aking mga readers, Unang-una sa lahat pasensya na po kung hindi po ako nakakapag-update. Medyo busy lang po ngayong February kasi ikakasal po ako. Huwag po kayong mag-alala dahil simula March 1 ay tuloy-tuloy na po ulit ang update ko. Aayusin ko rin po ang plot ng story para po maging mas kaabang-abang. Pasensya na po talaga at maraming salamat sa 154 comments. Hindi ko inaasahan na ganitong atensyon ang ibibigay niyo sa story na ito, kaya lubos po akong nagpapasalamat lalo na at baguhang writer po ako sa Goodnovel. Sana magkita-kita po tayo sa March 1. Pagbigyan niyo na po ang inyong bride na author, isang beses lang po ako ikakasal. Salamat po sa inyo!