Hindi makapaniwala si Thea sa narinig mula sa kanyang kasamahan sa trabaho. Imposibleng maging kamukha ng boss niya ang anak niyang si Trace dahil hindi naman ito ang taong naka-one-night-stand niya five years ago. Isang lalaking bayaran na nanggaling pa sa gay bar ang nakasiping niya nang gabing iyon kaya natitiyak niyang hindi si Mr. Nathan Oxford ang ama ng kambal niya."Hay naku, Thea. Kapag makita mo si boss at pinagtabi mo sila ng anak mong si Trace ay iisipin ng lahat na mag-ama sila. Kuhang-kuha kasi ng bata ang lahat ng features ni boss," hindi rin makapaniwalang pahayag ni Lila."Mom? Are we going to meet daddy?" biglang tanong ni Trace kaya nabaling dito ang tingin niya. Mas madaldal ito kaysa kay Mavi na tahimik lamang sa kinauupuan nito habang nilalaro ang horsey-horsey nitong laruan."Daddy has no time to meet us, Trace. Di ba sinabi ko na sa inyo that he has a lot of works to do?" mahina ang boses na sagot ni Thea sa kanyang anak. Nakaramdam siya ng mahinang kudlit at a
Akala ni Thea ay matutuklasan na ni Joyce na nakabalik na siya sa Pilipinas ngunit ilang hakbang na lang yata ang layo nito sa kanya ay bigla itong pinigilan ni Neil."C'mon, Joyce. Alam ko ang iniisip mo. Imposibleng si Thea iyan na pinsan mo. For sure nasa Amerika pa rin ang babaeng iyon ngayon at baka namamalimos na sa lansangan. At sa tindi ng kahihiyan na inabot niya nang gabing iyon ay natitiyak ko na wala na siyang mukha na maihaharap pa sa mga kamag-anak ninyo at lalong-lalo na sa mga magulang niya. Natitiyak ko na hinding-hindi na niya gugustuhing makabalik pa rito sa Pilipinas. Baka nga nagbigti na iyon sa Amerika dahil sa sobrang sama ng loob," kausap ni Neil kay Joyce. Kahit na lihim na nagngingit ang kalooban ni Thea dahil sa mga sinabi ni Neil patungkol sa kanya ay gusto pa rin niya itong pasalamatan ng lihim dahil kung hindi sa mga sinabi nito ay hindi hihinto sa paglapit sa kanya si Joyce. Kahit paano ay napigilan nito na mabuko siya ng kanyang pinsan."Tama ka, maha
Sinadya ni Thea na huwag pumasok sa trabaho nang araw na iyon dahil may lakad siya. At ang lakad niya ay walang iba kundi ang puntahan at kausapin niya si Nathan Oxford nang sa gayon ay maisagawa niya ang kanyang binabalak na plano. Kahit anong gawing pagtutol at pagpayo ni Lila ay hindi ito pinakinggan ni Thea. Buo ang loob ni Thea para gawin ang kanyang binabalak. Ito lamang ang tanging paraan para mabilis siyang makaangat sa buhay. Kaya nang araw na iyon ay pinuntahan niya si Nathan Oxford sa opisina nito sa tenth floor ng Oxford Hotel para kausapin na tanging dala-dala ang mga litrato ng kanyang anak na si Trace. Ngunit kung kailan nasa tapat na siya ng opisina ng boss niya ay saka pa biglang dinaga ang kanyang dibdib. Ngunit inisip niya ang nakangising mukha ni Joyce at ang mapanghusga nitong mga tingin kaya muli niyang nilakasan ang kanyang loob at kumatok sa pintuan ng tatlong beses."Come in," ang baritonong boses na sagot ng tao mula sa loob. Huminga muna ng malalim si Thea
Malakas na tugtog, papalit-palit na ilaw ng mga bombilya na masakit sa mga mata, bumabaha ng alak at pagkain at higit sa lahat ay maiingay na mga kababaihan ang nasa loob ng condo unit ni Joyce. At kabilang na sa mga kababaihang naroon sa loob ay ang soon-to-be-bride na si Althea o mas kilala sa tawag na Thea. Para kasi sa kanya ang bridal shower na in-organisa ng kanyang pinsan slash matalik na kaibigan na si Joyce. Sa ingay nila ay mabuti na lamang naka-soudproof ang lahat ng mga unit sa condo na iyon dahil kung hindi ay malamang kanina pa sila pinuntahan ng management ng condo para sawayin o di kaya papaghiwa-hiwalayin. Kaya magsigawan at magpalakas man ng tugtog sa unit ni Joyce ay hinding-hindi maririnig ng kahit na sino mula sa labas."Woohhh!!! Nag-eenjoy ka ba, Thea?" nakangiting sigaw na patanong ni Joyce. Masyado kasing maingay kaya hindi sila magkakarinigan kapag mahina lamang ang boses nila."Siyempre naman!" mabilis na sagot ni Thea sa kanyang pinsan. "Salamat sa effort m
Nang makarating si Thea sa bahay nila ay nag-uumpisa na ang party. Agad siyang sinalubong ng kanyang mga magulang."Bakit ngayon ka lang, Thea? Saan ka ba nanggaling? Alam mo ba na kanina pa naghihintay sa'yo ang mapapangasawa mo at ang pamilya niya pati na rin ang mga bisita mo?" agad na usisa kay Thea ng kanyang inang si Aura nang salubungin siya sa may gate kasama ang kanyang ama. Kanina pa siguro hindi mapakali ang mga ito sa paghihintay sa kanya kaya sa may gate na nag-abang sa kanyang pagdating.Hindi makasagot si Thea na gulong-gulo ang isip nang mga sandaling iyon. Natatakot siyang sabihin sa kanyang mga magulang ang pagkakamaling nagawa niya. Nag-aalala siya na baka itakwil siya sa oras na malaman nila ang nangyari.Mula sa isang may sinasabing pamilya si Thea. Lahat ng mga kamag-anak niya ay puro mayayaman. Malaki rin ang pagpapahalaga ng angkan nila sa kanilang reputasyon kaya ang nangyari sa kanya ay isang salik. Isang latak na maaaring makasira sa malinis na reputasyon s
Parang sinasakal ang pakiramdam ni Thea habang nakasalampak siya sa damuhan at nakatingala kay Neil na madilim pa sa bagyo ang anyo dahil sa matinding galit sa kanya."Paano mo ito nagawa sa akin, Thea? Iginalang kita dahil akala ko ay isa kang matinong babae ngunit nagkamali pala ako. Isa ka pa lang masamang babae na hindi nararapat na pag-alayan ko ng aking pangalan," galit na sigaw ni Neil habang dinuduro si Thea.Umiiyak na tumayo si Thea at muling nilapitan si Neil. "Hindi ko sinasadya ang nangyari, Neil. Hindi ko alam kong paano nangyari na may lalaking pumasok sa kuwartong pinagdalhan sa akin ni Joyce," umiiyak na paliwanag ni Thea. "Kung ganoon ay totoo talaga na nangyari ang mga nasa larawan," komento ng tita ni Thea na si Venice at ina naman ni Veronica. "Nakakahiya ang anak mo, Aura! Nakikipagrelasyon pala siya sa ibang lalaki at may nangyari na pala sa kanila habang naghahanda siya sa nalalapit nilang kasal ni Neil. Ipinagmamalaki niyo pa namang mag-asawa ang napakabait a
5 years lataer...Habang nalalapit ang pagdating ng eroplanong sinasakyan ni Thea sa Pilipinas ay hindi niya maiwasan ang makaramdam ng kaba. Nagbabalik ang mga alaalang pilit niyang kinakalimutan ngunit kahit anong gawin niya ay hindi niyang magawang kalimutan. Five years ago ay ipinagtabuyan siya ng kanyang mga magulang na parang hayop. Five years ago ay natuklasan niya na niloko lang pala siya ng taong inaakala niyang matalik niyang kaibigan at ng lalaking pinakamamahal niya.Five years ago, pagkatapos umalis ni Thea sa condo unit ni Joyce matapos niyang matuklasan ang ginawang panloloko nito sa kanya kasama ang kanyang fiance ay itinuloy niya ang pag-alis patungong Amerika. Baon sa kanyang dibdib ang matinding poot sa mga taong nanloko sa kanya at naging dahilan para magkasira siya at ng kanyang mga magulang. Ipinangako niya sa sarili na magpapayaman siya at sa pagbabalik niya ay paghihigantihan niya ang tatlong taong may malaking kasalanan sa kanya. At ngayon ay nagbabalik na nga
Nakahanap si Thea ng mauupahan at hindi gaanong mahal na apartment. Isang Linggo siyang nag-asikaso at namili ng mga gamit nila sa bahay nila pagkatapos ay nagpasa siya ng resume sa ilang mga hotel na hiring ng receptionist. Idinadasal niya na sana ay may tumanggap sa kanya para magkaroon agad siya ng trabaho. Mahirap na at baka maubos ang savings niya tapos wala siyang trabaho. Saan na lamang silang mag-iina pupulutin lalo pa at malapit nang mag-aral ang kanyang mga anak. Kapag makahanap siya ng trabaho ay kukuhanin niyabg yaya ang pamangkin ng may-ari ng apartment. Naghahanap daw kasi ng mapapasukan ang pamangkin nitong si Mercy kaya sinabihan niya na sa kanya na lamang ito pumasok.Makalipas ang isang Linggo ay tatlong hotel ang kumuntak sa kanya dahil natanggap ang resume na ipinasa niya sa kanila. At ang napili niyang hotel na pagtrabahuhan ay ang Oxford Hotel na hindi lang kilala sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa rin. Ito ang pinakamalaki at pinakamagandang hotel sa bansa