Share

Chapter 4

5 years lataer...

Habang nalalapit ang pagdating ng eroplanong sinasakyan ni Thea sa Pilipinas ay hindi niya maiwasan ang makaramdam ng kaba. Nagbabalik ang mga alaalang pilit niyang kinakalimutan ngunit kahit anong gawin niya ay hindi niyang magawang kalimutan. Five years ago ay ipinagtabuyan siya ng kanyang mga magulang na parang hayop. Five years ago ay natuklasan niya na niloko lang pala siya ng taong inaakala niyang matalik niyang kaibigan at ng lalaking pinakamamahal niya.

Five years ago, pagkatapos umalis ni Thea sa condo unit ni Joyce matapos niyang matuklasan ang ginawang panloloko nito sa kanya kasama ang kanyang fiance ay itinuloy niya ang pag-alis patungong Amerika. Baon sa kanyang dibdib ang matinding poot sa mga taong nanloko sa kanya at naging dahilan para magkasira siya at ng kanyang mga magulang. Ipinangako niya sa sarili na magpapayaman siya at sa pagbabalik niya ay paghihigantihan niya ang tatlong taong may malaking kasalanan sa kanya. At ngayon ay nagbabalik na nga siya sa bansang may mapait niyang mga alaala ngunit tila hindi mangyayari ang kanyang ipinangako bago siya umalis. Ang paghigantihan ang mga nagkasala sa kanya. Hindi naman kasi natupad ang ipinangako niya sa kanyang sarili na magpapayaman siya sa Amerika. Dahil ang totoo ay sobrang naghirap siya sa ibang bansa. Halos pasukin niya ang lahat ng uri nang trabaho para lamang mabuhay niya ang kanyang sarili nang maubos ang kakarampot na pera na inilakip ng kanyang magulang sa loob ng kanyang maleta. Ngunit kahit naghirap siya sa umpisa ay masasabi naman niyang naging masaya siya kahit paano nang dumating sa buhay niya ang dalawang mga kayamanan niya.

Saglit na naudlot ang pag-iisip ni Thea nang bigla na lamang may kumalabit sa kanyang kamay na isang maliit na kamay ng isang bata. Nakangiting nilingon niya ang may-ari ng maliit na kamay ng bata na si Trace; ang isa kanyang fraternal twins.

"Yes, honey? Are you not comfortable in your seat?" malambing na tanong ni Thea sa kanyang 4 years old na panganay. Si Trace kasi ang unang lumabas bago si Mavi kaya ito ang naging panganay.

Sina Trace at Mavi ay ang bunga ng isang gabing pagkakamali ni Thea, five years ago. Ngunit sa halip na magalit siya sa kanyang mga anak ay minahal niya ang kamabal. Sa kanila siya humuhugot ng lakas ng loob para harapin ang bukas sa ibang bansa.

Three weeks pa lamang si Thea sa Amerika nang nalaman niyang nagdadalantao siya. At nang mag-pa ultrasound siya ay natuklasan niyang kambal pala ang magiging anak niya. Masyadong maselan ang naging pagbubuntis niya sa kambal. Palaging masakit ang kanyang ulo, nahihilo at nasusuka siya tuwing umaga kahit na lagpas na siya sa buwan ng pagkakaroon ng morning sickness.

Dahil sa biglaang pagbubuntis ni Thea ay hindi natuloy ang balak niyang paghahanap ng trabaho para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Hindi kasi kaya ng kanyang katawan at sa katunayan ay masyado siyang pumayat noon habang ipinagbubuntis niya sina Trace at Mavi. Laking-pasasalamat niya na napakabait ng landlady nang tinitirahan niyang apartment kaya nang maubos ang kanyang pera ay ito ang pansamantalang bumuhay sa kanya. At pagkatapos naman niyang manganak ay ipinasok siya nito bilang receptionist sa hotel kung saan ito nagtatrabaho bilang manager. Nang magkaroon na siya ng trabaho ay unti-unti niyang nabayaran ang pagkakautang niya kay Mrs. Singson.

Habang nagtatrabaho si Thea ay kumuha siya ng magbabantay sa kanyang kambal. Isang mabait na matandang dalaga na isa ring Pilipino ang nahanap niya para magbantay sa mga anak niya. Kahit paano ay naging maginhawa na ang naging pamumuhay niya sa Amerika nang magkaroon siya ng trabaho. Ngunit hindi sapat ang trabaho niyang receptionist para siya yumaman nang sa gayon ay makapaghiganti siya sa kanyang pagbabalik. Kaya nga lingid sa mga magulang at kamag-anakan niya ang pagbalik niya sa Pilipinas. Baka hindi magustuhan ng mga magulang niya ang kanyang pagbabalik lalo pa at may bitbit pa siyang anak mula sa lalaking sumira ng kanyang engagement party. Natitiyak din niya na pagtatawanan, iinsultuhin at pagtataasan siya ng kilay ng mga kamag-anakan niya kapag nalaman nilang nagkaroon siya ng anak sa lalaking naka-one-night-stand niya five years ago. Kaya mabuti pang ilihim na lamang niya sa lahat ang kanyang pagdating total hindi naman niya natupad ang ipinangako niya sa sarili na magpapayaman siya sa Amerika para sa pagbabalik niya ay makapaghiganti siya. Ngunit kailanman ay hindi iyon nawawala sa kanyang puso. At malay niya na baka sa sariling bansa ay bigla siyang yumaman.

"Mom, matagal pa po ba tayong darating sa Pilipinas?" inosenteng tanong ni Trace kay Thea pagkatapos ay ngumiti. "Masakit na po ang puwit ko sa kakaupo sa upuan,eh," nahihiyang reklamo nito sa kanya.

Napangiti ng matamis si Thea sa kanyang anak. Natutuwa siyang marinig na matatas magsalita ng Tagalog ang kanyang mga anak. Kapag siya kasi ang kausap nila ay Tagalog ang wika na ginagamit niya para matuto silang magsalita ng Tagalog at hindi sila mahirapan sakaling sa Pilipinas na sa muling tumira. Natutuwa rin siyang makita na matured mag-isip ang mga anak niya. Hindi sila katulad ng ibang mga bata na masyadong bata pa ang pag-iisip sa edad na four. Sina Trace at Mavi ay hindi. Para na silang matanda kung magsalita at mag-isip kahit na four years old pa lamang sila. Sa katapusan na ang fifth birthday ng kanyang kambal kaya kailangan niyang makahanap agad ng trabaho bago pa maubos ang kanyang ipon. 

"Malapit na, Honey. Huwag kang mainip. Makikita mo rin ang bansa kung saan isinilang ang mommy mo," nakangiting sagot ni Thea habang ginugulo ang buhok ng anak. Si Mavi naman ay masarap ang tulog sa kinauupuan kaya tahimik ito. Mamaya na lamang niya ito gigisingin kapag lumapag na sila sa airport.

"Yehey! Malapit na tayo sa Pilinas! Sa wakas ay makikita ko na ang daddy namin ni Mavi na isang bilyonaryo," natutuwang bulalas ni Trace habang pumapalakpak pa. Nakalarawan sa inosenteng mukha ang magkahalong saya at excitement sa pag-iisip na makikita na rin nito sa wakas ang sinasabi niyang ama nila na isang imahinasyon lamang.

Kung natuwa si Trace dahil makikita na nito ang ama ay bigla namang naglaho ang matamis na ngiti sa mga labi ni Thea. Hindi niya alam kung paano niya sasabihin na ang amang bilyonaryo na iniisip ng kanyang mga anak ay hindi totoo at gawa-gawa lamang niya. Ngayon ay pinagsisisihan na niya kung bakit itinatak niya sa isip ng mga anak niya na isang bilyonaryo ang ama nila.

Dahil ayaw maalala ni Thea ang lalaking nakabuntis sa kanya kapag nagtatanong sa kanya ang mga anak niya tungkol sa kanilang ama kaya sinabi niya na isang bilyonaryo sa Pilipinas ang ama nila. At kaya hindi nila ito kasama ay dahil masyadong busy lamang ito sa mga negosyo nito. Sinabi rin niya na pagbalik nila sa Pilipinas ay makakasama at makikilala na nila ang kanilang ama. Hindi akalain ni Thea na kailangan na niyang harapin ang kasinungalingang hinabi niya sa kanyang mga anak. Kailangan niyang sabihin sa kambal ang totoo. Dahil saan naman siya maghahanap ng bilyonaryong lalaki para magpanggap bilang kanyang asawa at ama ng kanyang mga anak?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status