Malakas na tugtog, papalit-palit na ilaw ng mga bombilya na masakit sa mga mata, bumabaha ng alak at pagkain at higit sa lahat ay maiingay na mga kababaihan ang nasa loob ng condo unit ni Joyce. At kabilang na sa mga kababaihang naroon sa loob ay ang soon-to-be-bride na si Althea o mas kilala sa tawag na Thea. Para kasi sa kanya ang bridal shower na in-organisa ng kanyang pinsan slash matalik na kaibigan na si Joyce. Sa ingay nila ay mabuti na lamang naka-soudproof ang lahat ng mga unit sa condo na iyon dahil kung hindi ay malamang kanina pa sila pinuntahan ng management ng condo para sawayin o di kaya papaghiwa-hiwalayin. Kaya magsigawan at magpalakas man ng tugtog sa unit ni Joyce ay hinding-hindi maririnig ng kahit na sino mula sa labas.
"Woohhh!!! Nag-eenjoy ka ba, Thea?" nakangiting sigaw na patanong ni Joyce. Masyado kasing maingay kaya hindi sila magkakarinigan kapag mahina lamang ang boses nila.
"Siyempre naman!" mabilis na sagot ni Thea sa kanyang pinsan. "Salamat sa effort mo sa pagbibigay sa akin ng bridal shower, Joyce. Ikaw talaga ang pinaka-da best na pinsan at best friend sa balat ng lupa," sinserong pasasalamat ni Thea sa pinsan.
"Walang anuman, Thea. Ito naman talaga ang nararapat sa'yo," maluwang ang pagkakangiti na sagot nito sa kanya.
"Congrats, Insan! Ang suwerte mo kay Neil. Mabait na, guwapo at mayaman pa. Total package kumbaga," nakangiting bati naman kay Thea ng pinsan niyang si Cory. Halatado sa boses nito ang inggit sa kanya. Sa pagkakaalam niya kasi ay may lihim itong gusto kay Neil ngunit hindi naman ito pinapatulan ng kanyang fiance. Honest at loyal sa kanya ang binata kaya mas lalo niya itong minahal. Kaya tama si Cory sa pagsasabing masuwerte siya kay Neil.
"Huwag kang mag-alala, Cory. Balang araw ay makikita mo rin ang iyong Mr. right," nakangiting pagpapalakas niya ng loob sa pinsan. Nagkibit-balikat lamang si Cory at tinungga na lamang ang lamang alak ng baso nito.
"Masunurin lamang si Neil sa mga magulang niya kaya siya magpapakasal sa'yo,Thea. Kung hindi lang kagustuhan ng mga magulang niya na pakasalan ka ay natitiyak ko na hinding-hindi niya pakakasalan ang isang manang na kagaya mo," biglang sabat ni Veronica, ang mataray na pinsan ni Thea at siyang pinakamaganda raw sa kanilang magpipinsan. Hindi niya alam kung bakit naroon sa bridal shower para sa kanya ang pinsan niyang ito gayong hindi naman niya ito kasundo.
"Puwede bang pumikit ka na lang, Veronica? Kung hindi mo kayang tingnan na masaya si Ate Thea dahil ikakasal siya sa isang lalaking perpekto ay pumikit ka na lang, okay?" kantiyaw ni Simone na siyang pinakabata sa kanilang magpipinsan tapos kasunod naman siya. Kaka-debut lang nito last month kaya pinayagan ito ng mga magulang nito na um-attend sa kanyang bridal shower.
"Excuse me? Ikaw ba ng kinakausap ko, pare na mula sa ibang planeta?" nakataas ang kilay na sikmat ni Veronica kay Simone pagkatapos ay nakangising sinuyod pa nito ng nang-iinsultong tingin ang huli. Sa lahat kasi ng magpipinsan ay si Simone lamang ang hindi nakasuot ng dress. Sa halip na dress ang suot nito ay magkapartner na jersey ang pinili nitong isuot. Katuwiran nito ay hindi nito kailangang magpaganda dahil magpipinsan lang naman daw sila na nasa loob ng condo unit ni Joyce.
May pagka-boyish man ang pinsan ni Thea na si Simone ay gusto naman niya ang ugali nito. Sa lahat ng mga pinsan niya maliban kay Joyce ay tanging si Simone ang pinaka-kasundo niya. Siguro dahil hindi sila nagkakalayo ng edad. Isang taon lang kasi ang tanda ni Thea kay Simone. Kung mag-aayos lamang si Simone katulad ng isang normal na dalaga ay masasabi ni Thea na ito ang pinakamaganda sa kanilang magpipinsan at hindi si Veronica. Palaayos lamang si Veronica ngunit hindi naman talaga ito ganoon kaganda. Siguro dahil puro lalaki ang mga kapatid ni Simone kaya hindi maiwasang mahawa ito sa kilos ng mga nakakatanda nitong kapatid na lalaki.
"Guys, huwag na kayong mag-away! Nandito tayo para magsaya at hindi para mag-away, okay?" malakas ang boses na awat ni Joyce sa nagkakairingan nilang mga pinsan. Itinaas nito sa ere ang hawak na baso. "Magsaya na lamang tayong lahat! Cheers tayo para kay Althea!"
"Cheers!!!" sabay-sabay na sigaw ng magpipinsan.
"Huwag tayong magpakalasing dahil may inuman pa mamaya. Remember, mamayang gabi na ang engagement party nina Thea at Neil," paalala ng pinsan nilang si Cheska.
Tama si Cheska. Hindi dapat sila magpakalasing dahil pupunta pa sila mamaya sa engagement party ni Thea at Neil. Pagkatapos nila sa party rito ay didiretso na sila sa venue kung saan magaganap ang engagement party. At hindi na makapaghintay si Thea na matapos na sila dahil gustong-gusto na niyang magtungo sa party na para sa kanila ni Neil. Gustong-gusto na niyang malaman ng lahat na malapit na siyang ikasal sa binatang iniibig niya.
Nasa unang taon pa lamang sa high school si Thea ay crush na niya si Neil na noon ay graduating naman sa high school. Malapit na magkaibigan ang mga pamilya nila kaya madalas silang magkita na dalawa. At noong nagdesisyon ang mga magulang nila na ipagkasundo sila ni Neil na ipakasal sa isa't pagdating ng tamang panahon ay hindi siya tumutol. Sa halip ay labis ang tuwa na kanyang naramdaman. Imagine? Ikakasal siya sa lalaking matagal na niyang gusto? Ang suwerte naman niya.
Natuwa si Thea nang wala siyang marinig na pagtutol mula kay Neil nang malaman nito ang naging desisyon ng mga magulang nito. Sa halip ay niligawan pa siya na agad naman niyang sinagot pagkatapos lamang ng isang Linggong panliligaw nito sa kanya. Katuwiran niya ay bakit pa niya patatagalin ang panliligaw ng binata gayong gusto rin naman niya ito at ikakasal pa nga sila pagdating ng tamang panahon. Kaya naging magkasintahan sila ni Neil sa loob ng dalawang taon hanggang sa ipinasya nga ng mga magulang nila na ipakasal na silabg dalawa para sa binabalak na merger ng kompanya ng kanilang mga magulang. At ngayon nga na malapit na silang ikasal ay para siyang nakalutang sa cloud nine. Excited na siya na tawaging Mrs. Althea Alcantara-Soriano.
Nakakatatlong shots pa nga lang ng alak si Thea ay nakaramdam na siya ng matinding pagkahilo. Palibhasa kasi hindi siya sanay uminom ng alak. Ayaw kasi ng mga magulang niya na masanay siyang uminom ng maraming alak kaya kapag may party silang pinupuntahan ay isang shot lamang ang pinapayagan ng kanyang mommy na inumin siya. Ayan tuloy, mahina masyado ang tolerance ng katawan niya sa alak.
"Are you okay, Thea?" nag-aalalang tanong kay Thea ni Joyce nang mapansin nito na bahagya na siyang gumigiwang sa kinatatayuan niya.
"Nahihilo ako, Joyce. Puwede bang magpahinga muna ako saglit sa loob ng kuwarto mo?" sagot ni Thea sa pinsan habang nakahawak ang mga kamay niya sa kanyang ulo.
"Mabuti pa nga na magpahinga ka muna. Pero huwag dito sa aking unit dahil tiyak naa hindi ka makakapagpahinga ng maayos dahil sa sobrang ingay namin. Kung gusto mo ay may kaibigan ako na may unit din dito. Wala siya rito nagbabakasyon sa ibang bansa at iniwan niya sa akin ang susi ng unit niya dahil baka raw dumating ang kapatid niyang babae sa susunod na araw. Puwedeng dodmon ka magpahinga para walang istorbo sa'yo," pagmamagandang-loob ni Joyce. Tumango lamang si Thea dahil talagang nahihilo na siya at kailangan niyang makapagpahinga.
Si Joyce na ang nagpaalam sa kanya sa nga pinsan niya dahil hindi na niya makuhang makapagsalita. Nakapikit na rin ang kanyang mga mata dahil umiikot lamang ang pakiramdam niya kapag iminumulat niya ang kanyang mga mata. Nakakapagtaka. Hindi naman ganoon katapang ang alak na inihanda ni Joyce sa kanilang magpipinsan subalit ang pakiramdam niya ay umiinom siya ng hard na alak. Pagkatapos magpaalam ni Joyce ay sinamahan na siya papunta sa unit ng kaibigan na tinutukoy nito. Pagkapasok nila sa unit ng kaibigan ni Joyce ay agad na nahiga si Thea sa kama at ipinikit ang mga mata. Ngunit ilang segundo lamang ay iminulat niya ang kanyang mga mata. At kahit umiikot ang kanyang paningin ay nakita pa niya ang pinsan niya na hinihila papunta sa tagiliran ng bintana ang makapal kurtina.
"Ano ang ginagawa mo, Joyce?" tanong ni Thea sa pinsan bago muling ipinikit ang kanyang mga mata.
"Inaayos ko lang ang kurtina para makapasok ang preskong hangin dito sa loob," narinig ni Thea na sagot ni Joyce. "Magpahinga ka na lamang muna rito at babalikan na lamang kita kapag tapos na ang party," kausap pa nito sa kanya. Tumango na lamang siya rito bilang sagot sa sinabi nito. Mayamaya lamang ay narinig niya ang mga yabag nito palabas ng kuwartong kinaroroonan niya.
Bago naman tuluyang lumabas ng kuwarto ay isang matagumpay na ngiti ang iniwan ni Joyce pagkatapos ay tuluyang isinara na ang pintuan. Mamayang gabi ay may magandang palabas na mangyayari sa engagement party nina Thea at Neil. At hindi na ito makapaghintay na masaksihan ang palabas na iyon.
Samantala, nakakailang minuto pa lamang si Thea na nakahiga sa kama nang makaramdam siya ng sobrang init sa kanyang katawan. Naiinitan siya ngunit tila kakaibang init ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang epekto sa kanyang katawan ng alak na nainom niya. Dahil mag-isa lamang si Thea sa kuwarto ay walang pakundangang naghubad siya ng kanyang dress at tanging underwear lamang ang itinira niya sa kanyang katawan. Pero kahit naghubad na siya ng damit ay hindi man lang nabawasan kahit na kaunti ang init na kanyang nararamdaman.
Sa sobrang init na nararamdaman ni Thea ay nagpabiling-biling siya sa higaan habang umuungol ng mahina. Mayamaya ay bigla niyang naramdaman ang pagdantay ng isang mainit na bagay sa kanyang binti. Hindi niya napigilan ang mapaungol nang ang mainit na bagay na dumantay sa kanyang binti ay gumapang paitaas sa kanyang mga hita. Hindi niya alam kung bakit ngunit pakiramdam niya ay ang bagay na iyon lamang ang makakapawi sa init na kanyang nararamdaman.
Nang umakyat sa kanyang tiyan ang bagay na iyon ay agad na hinuli ni Thea at dinala sa kanyang leeg at inihaplos pababa sa kanyang dibdib. Pakiramdam niya ay lalong uminit ang kanyang pakiramdam. Para siyang sinisilaban sa nagliliyab na apoy ngunit hindi naman siya napapaso at nasasaktan. Sa halip ay kakaibang sarap ang kanyang nararamdaman at ngayon lamabg siya nakaramdam ng ganitong klaseng pakiramdam. Mayamaya lamang ay naramdaman ni Thea na bigla na lamang may malambot at mainit na bagay ang sumakop sa kanyang mga labi.
No! hiyaw ni Thea sa kanyang utak nang sa wakas ay nalaman niya kung ano ang nangyayari. May lalaking humahalik sa kanya at ang mainit na bagay na unang dumantay sa kanyang binti ay kamay pala ng isang lalaki. At ngayon ang mga kamay ng kung sino mang pangahas na lalaking ito ay naglalakbay na sa kanyang buong katawan. Humahaplos at pumipisil sa kanyang maubok na dibdib. Isang malakas na ungol ang kumawala sa kanyang mga labi nang ang mga labi ng lalaking kaulayaw niya ngayon ang siyang pumalit sa mga kamay nitong nasa dibdib niya.
Gustong itulak ni Thea ang pangahas na lalaki dahil alam ng kanyang utak kung ano ang mangyayari kapag hindi niya ito pinigilan sa ginagawa nito sa kanyang katawan ngunit ayaw namang makisama ng kanyang mga kamay at pakiramdam. Kahit na naghuhumiyaw ang kanyang utak sa pagtutol ay gustong-gusto naman ng kanyang katawan ang ginagawa ng lalaki. At walang nagawa si Thea kundi ang magpadaig sa kagustuhan ng kanyang katawan kaysa sa kanyang isip. Tuluyan na siyang nagpaubaya at nagpaangkin sa hindi nakikilalang lalaki na kanyang kaniig. Pakiramdam niya ay dinala siya ng lalaki sa pangalawang langit nang tuluyan na nitong pag-isahin ang kanilang mga katawan. Bagama't sa una ay nakaramdam siya ng sakit na tila ba may napunit sa kanyang kaibuturan ay nahalinhan naman iyon ng walang hanggang sarap na sa buong buhay niya ay ngayon lang niya nalasap.
Pagkatapos ng mainit na sandali na pinagsaluhan nila ng lalaking estranghero ay parehong nakatulog si Thea ang kasama niyang lalaki. Pagkalipas ng dalawang oras na pagtulog ay nagising siya ngunit wala na ang kakaibang init na kanyang naramdaman kanina. Nang maalala niya ang nangyari ay agad siyang napamulat ng mga mata at nanlalaki ang mga matang napatitig siya sa hubad na likuran ng lalaking nakadapa at hanggang ngayon ay mahimbing pa rin na natutulog sa kama. Gusto niyang paghahambalusin ang lalaki dahil sa ginawa nito sa kanya ngunit naalala niyang walang pagtutol na namutawi sa kanyang mga labi habang inaangkin siya nito. Umiiyak na hinagilap niya ang mga nagkalat niyang damit sa ibaba ng kama at nagmamadaling isinuot iyon. Bago siya tuluyang umalis ay muli niyang tinapunan ng tingin ang lalaking nakadapa sa kama at ang pulang mantsa sa kubre kama na patunay na nakuha nito ang kanyang iniingatang pagkababae. Kalahati lamang ng mukha ng lalaki ang kanyang nakikita kaya magkasalubong man sila sa daan ay hindi niya ito makikilala. At lihim niyang idinalangin na sana ay hindi na muling mag-krus ang landas nila ng lalaking ito.
Pagkalabas ni Thea sa condo unit na pinagdalhan sa kanya ni Joyce ay nagmamadali siyang bumaba ng building at pumasok sa loob ng kanyang nakaparadang kotse. Saka niya ibinuhos ang kanyang nararamdaman. Galit na pinaghahampas niya ang manibela at dashboard ng kotse niya. Ano na ang gagawin niya ngayon? Paano niya ipapaliwang sa mga magulang niya ang nangyari sa kanya? At higit sa lahat ay paano niya ipapaliwanag kay Neil kapag matuklasan nito sa kanilang honeymoon na hindi na siya isang birhen?
Nang makarating si Thea sa bahay nila ay nag-uumpisa na ang party. Agad siyang sinalubong ng kanyang mga magulang."Bakit ngayon ka lang, Thea? Saan ka ba nanggaling? Alam mo ba na kanina pa naghihintay sa'yo ang mapapangasawa mo at ang pamilya niya pati na rin ang mga bisita mo?" agad na usisa kay Thea ng kanyang inang si Aura nang salubungin siya sa may gate kasama ang kanyang ama. Kanina pa siguro hindi mapakali ang mga ito sa paghihintay sa kanya kaya sa may gate na nag-abang sa kanyang pagdating.Hindi makasagot si Thea na gulong-gulo ang isip nang mga sandaling iyon. Natatakot siyang sabihin sa kanyang mga magulang ang pagkakamaling nagawa niya. Nag-aalala siya na baka itakwil siya sa oras na malaman nila ang nangyari.Mula sa isang may sinasabing pamilya si Thea. Lahat ng mga kamag-anak niya ay puro mayayaman. Malaki rin ang pagpapahalaga ng angkan nila sa kanilang reputasyon kaya ang nangyari sa kanya ay isang salik. Isang latak na maaaring makasira sa malinis na reputasyon s
Parang sinasakal ang pakiramdam ni Thea habang nakasalampak siya sa damuhan at nakatingala kay Neil na madilim pa sa bagyo ang anyo dahil sa matinding galit sa kanya."Paano mo ito nagawa sa akin, Thea? Iginalang kita dahil akala ko ay isa kang matinong babae ngunit nagkamali pala ako. Isa ka pa lang masamang babae na hindi nararapat na pag-alayan ko ng aking pangalan," galit na sigaw ni Neil habang dinuduro si Thea.Umiiyak na tumayo si Thea at muling nilapitan si Neil. "Hindi ko sinasadya ang nangyari, Neil. Hindi ko alam kong paano nangyari na may lalaking pumasok sa kuwartong pinagdalhan sa akin ni Joyce," umiiyak na paliwanag ni Thea. "Kung ganoon ay totoo talaga na nangyari ang mga nasa larawan," komento ng tita ni Thea na si Venice at ina naman ni Veronica. "Nakakahiya ang anak mo, Aura! Nakikipagrelasyon pala siya sa ibang lalaki at may nangyari na pala sa kanila habang naghahanda siya sa nalalapit nilang kasal ni Neil. Ipinagmamalaki niyo pa namang mag-asawa ang napakabait a
5 years lataer...Habang nalalapit ang pagdating ng eroplanong sinasakyan ni Thea sa Pilipinas ay hindi niya maiwasan ang makaramdam ng kaba. Nagbabalik ang mga alaalang pilit niyang kinakalimutan ngunit kahit anong gawin niya ay hindi niyang magawang kalimutan. Five years ago ay ipinagtabuyan siya ng kanyang mga magulang na parang hayop. Five years ago ay natuklasan niya na niloko lang pala siya ng taong inaakala niyang matalik niyang kaibigan at ng lalaking pinakamamahal niya.Five years ago, pagkatapos umalis ni Thea sa condo unit ni Joyce matapos niyang matuklasan ang ginawang panloloko nito sa kanya kasama ang kanyang fiance ay itinuloy niya ang pag-alis patungong Amerika. Baon sa kanyang dibdib ang matinding poot sa mga taong nanloko sa kanya at naging dahilan para magkasira siya at ng kanyang mga magulang. Ipinangako niya sa sarili na magpapayaman siya at sa pagbabalik niya ay paghihigantihan niya ang tatlong taong may malaking kasalanan sa kanya. At ngayon ay nagbabalik na nga
Nakahanap si Thea ng mauupahan at hindi gaanong mahal na apartment. Isang Linggo siyang nag-asikaso at namili ng mga gamit nila sa bahay nila pagkatapos ay nagpasa siya ng resume sa ilang mga hotel na hiring ng receptionist. Idinadasal niya na sana ay may tumanggap sa kanya para magkaroon agad siya ng trabaho. Mahirap na at baka maubos ang savings niya tapos wala siyang trabaho. Saan na lamang silang mag-iina pupulutin lalo pa at malapit nang mag-aral ang kanyang mga anak. Kapag makahanap siya ng trabaho ay kukuhanin niyabg yaya ang pamangkin ng may-ari ng apartment. Naghahanap daw kasi ng mapapasukan ang pamangkin nitong si Mercy kaya sinabihan niya na sa kanya na lamang ito pumasok.Makalipas ang isang Linggo ay tatlong hotel ang kumuntak sa kanya dahil natanggap ang resume na ipinasa niya sa kanila. At ang napili niyang hotel na pagtrabahuhan ay ang Oxford Hotel na hindi lang kilala sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa rin. Ito ang pinakamalaki at pinakamagandang hotel sa bansa
Tila wala sa kanyang sarili si Thea habang nagtatrabaho. Paano ba naman kasi siya makakapag-focus sa trabaho niya,eh, sobrang kinakabog ang kanyang dibdib? Anumang oras ay ini-expect niya na ipapatawag siya sa office ng kanilang boss para magpaliwanag sa nangyari kanina. Sa sobrang kaba na makaharap niya ang boss nila ay bigla siyang pumasok sa kotse niya hindi pa man tuluyang nakakababa si Mr. Oxford sa kanyang kotse. At bago pa siya magawang katukin ng driver nito ay nagmamadaling ini-atras niya ang kanyang kotse at agad na umalis sa bahagi ng parking area na iyon. May isa pa namang parking lot para sa mga empleyado ngunit dahil nagmamadali siya kaya mas pinili niya ang parkingan na ito na mas malapit. Ngunit kung alam lamang niya na makakabangga niya ang kotse ng may-ari ng Oxford Hotel ay pinagtiyagaan na lang sana niya ang parkingan na mas malayo. Hindi naman na-late si Thea sa pagpasok kaninang umaga dahil isang minuto pa bago siya mag-time in ngunit hindi nga siya na-late ay b
Hindi makapaniwala si Thea sa narinig mula sa kanyang kasamahan sa trabaho. Imposibleng maging kamukha ng boss niya ang anak niyang si Trace dahil hindi naman ito ang taong naka-one-night-stand niya five years ago. Isang lalaking bayaran na nanggaling pa sa gay bar ang nakasiping niya nang gabing iyon kaya natitiyak niyang hindi si Mr. Nathan Oxford ang ama ng kambal niya."Hay naku, Thea. Kapag makita mo si boss at pinagtabi mo sila ng anak mong si Trace ay iisipin ng lahat na mag-ama sila. Kuhang-kuha kasi ng bata ang lahat ng features ni boss," hindi rin makapaniwalang pahayag ni Lila."Mom? Are we going to meet daddy?" biglang tanong ni Trace kaya nabaling dito ang tingin niya. Mas madaldal ito kaysa kay Mavi na tahimik lamang sa kinauupuan nito habang nilalaro ang horsey-horsey nitong laruan."Daddy has no time to meet us, Trace. Di ba sinabi ko na sa inyo that he has a lot of works to do?" mahina ang boses na sagot ni Thea sa kanyang anak. Nakaramdam siya ng mahinang kudlit at a
Akala ni Thea ay matutuklasan na ni Joyce na nakabalik na siya sa Pilipinas ngunit ilang hakbang na lang yata ang layo nito sa kanya ay bigla itong pinigilan ni Neil."C'mon, Joyce. Alam ko ang iniisip mo. Imposibleng si Thea iyan na pinsan mo. For sure nasa Amerika pa rin ang babaeng iyon ngayon at baka namamalimos na sa lansangan. At sa tindi ng kahihiyan na inabot niya nang gabing iyon ay natitiyak ko na wala na siyang mukha na maihaharap pa sa mga kamag-anak ninyo at lalong-lalo na sa mga magulang niya. Natitiyak ko na hinding-hindi na niya gugustuhing makabalik pa rito sa Pilipinas. Baka nga nagbigti na iyon sa Amerika dahil sa sobrang sama ng loob," kausap ni Neil kay Joyce. Kahit na lihim na nagngingit ang kalooban ni Thea dahil sa mga sinabi ni Neil patungkol sa kanya ay gusto pa rin niya itong pasalamatan ng lihim dahil kung hindi sa mga sinabi nito ay hindi hihinto sa paglapit sa kanya si Joyce. Kahit paano ay napigilan nito na mabuko siya ng kanyang pinsan."Tama ka, maha
Sinadya ni Thea na huwag pumasok sa trabaho nang araw na iyon dahil may lakad siya. At ang lakad niya ay walang iba kundi ang puntahan at kausapin niya si Nathan Oxford nang sa gayon ay maisagawa niya ang kanyang binabalak na plano. Kahit anong gawing pagtutol at pagpayo ni Lila ay hindi ito pinakinggan ni Thea. Buo ang loob ni Thea para gawin ang kanyang binabalak. Ito lamang ang tanging paraan para mabilis siyang makaangat sa buhay. Kaya nang araw na iyon ay pinuntahan niya si Nathan Oxford sa opisina nito sa tenth floor ng Oxford Hotel para kausapin na tanging dala-dala ang mga litrato ng kanyang anak na si Trace. Ngunit kung kailan nasa tapat na siya ng opisina ng boss niya ay saka pa biglang dinaga ang kanyang dibdib. Ngunit inisip niya ang nakangising mukha ni Joyce at ang mapanghusga nitong mga tingin kaya muli niyang nilakasan ang kanyang loob at kumatok sa pintuan ng tatlong beses."Come in," ang baritonong boses na sagot ng tao mula sa loob. Huminga muna ng malalim si Thea

Malakas na tugtog, papalit-palit na ilaw ng mga bombilya na masakit sa mga mata, bumabaha ng alak at pagkain at higit sa lahat ay maiingay na mga kababaihan ang nasa loob ng condo unit ni Joyce. At kabilang na sa mga kababaihang naroon sa loob ay ang soon-to-be-bride na si Althea o mas kilala sa tawag na Thea. Para kasi sa kanya ang bridal shower na in-organisa ng kanyang pinsan slash matalik na kaibigan na si Joyce. Sa ingay nila ay mabuti na lamang naka-soudproof ang lahat ng mga unit sa condo na iyon dahil kung hindi ay malamang kanina pa sila pinuntahan ng management ng condo para sawayin o di kaya papaghiwa-hiwalayin. Kaya magsigawan at magpalakas man ng tugtog sa unit ni Joyce ay hinding-hindi maririnig ng kahit na sino mula sa labas."Woohhh!!! Nag-eenjoy ka ba, Thea?" nakangiting sigaw na patanong ni Joyce. Masyado kasing maingay kaya hindi sila magkakarinigan kapag mahina lamang ang boses nila."Siyempre naman!" mabilis na sagot ni Thea sa kanyang pinsan. "Salamat sa effort m