Home / Urban / Realistic / Student X FEAR / Chapter 9: Blessing or Curse

Share

Chapter 9: Blessing or Curse

Chapter 9

“PARA SAAN ang buhay?”

Sa araw-araw na pag mulat ng mga mata ko, hindi puwedeng hindi sumagi sa isipan ko ang mga katagang iyan. Para saan nga ba? Para iparanas sa’yo ang hirap at pait nito? Ngunit bakit ang ibang nakikita ko ay magaan ang buhay? May mararangyang damit, kotse, kumportableng tirahan, at higit sa lahat- may kumpletong pamilya.

Hindi kagaya ko na pagkagising pa lang ay dama na agad ang matigas na lapag na tinutulugan. Walang unan, walang kumot, walang kahit ano maliban sa isang mahabang karton na nakasapin sa malamig na semento.

“Mabuti naman at maaga ka ng nagising ngayon. Nadala ka na ba sa galit ni Boss kahapon?” Siya agad ang nakita ko pagkagising. Ang mukha nitong palaging nakasimangot at ang boses nitong sing-lamig ng Antartika. “Ayan, almusal mo.” Binato niya ang isang piraso ng monay na puro amag na. Tumama ito sa mukha ko. Ang sakit. Mas lalong nagalit ang mga pasa at sugat ko.

Kinuha ko ito. Nang mapansin niya ang kakaibang tingin ko sa inaalok ni
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status