Home / Urban / Realistic / Student X FEAR / Chapter 1: She Who Lost Her Ability

Share

Chapter 1: She Who Lost Her Ability

Chapter 1:

THE POWER of the talismans that first existed thousands of years ago affected forty percent of the human population. This history made a drastic change in humanity’s future.

Matagal nang limot ng panahon ang kasaysayan ng medalyong ito, pero gamit na gamit pa rin ito sa kahit saang sulok ng daigdig.

Karamihan sa mga tinatawag na talisman users ay miyembro ng mga sindikatong kumakalaban sa gobyerno at sangkot sa mga illegal na gawain.

~

Origin’s POV

I HATE HIM! I really do! Kicking me out for that petty reason? That’s unfair!

Ang dami kong reklamo, pero wala rin naman akong choice kun’di ang umalis na lang. Kahit sa huling pagkakataon, hindi ko magawang suwayin ang utos niya, labag man ito sa kalooban ko. Bago ako tuluyang makalayo, sumulyap akong muli sa headquarters namin, ang headquarters na naging tahanan ko na rin.

Mula rito sa black bridge na tinatayuan ko, makikita mo sa malayong kaliwa ang dalawang magkatabing itim na gusali. Kapag nagawi ka rito sa Manila, imposibleng hindi nito maagaw ang atensyon mo. Ito ang pinakamalaking building sa buong siyudad, ang headquarters ng Westside Dragons. It’s twice- no, thrice as big as the other buildings around.

Napatingin ako sa dagat na nasa ilalim ng tulay na inaapakan ko. Ang Manila Bay, ito ang malaking karagatang nagbibigay balanse sa siyudad na puno ng malalaking gusali. This is secretly owned by the Westside Dragons. Simula noon, kami na ang nangangalaga rito bilang malaking parte sa amin ang karagatang ito.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad kahit hindi ko naman alam kung saan ako patungo. Wala ng masiyadong tao sa paligid dahil madaling araw na.

The city lights competing with the moonlight behind Westside’s HQ are seen everywhere. I used to remember how happy I was the first time I saw those, but now, I don’t see it the way it was anymore.

Ano ba kasing nangyari sa talisman ko? Did someone in the group set me up? You know, jealousy because I am the strongest member. Pero kung iisa-isahin mo sila, parang wala namang may kakayanang gumawa no’n. Ability-cancelling, and it’s long-lasting!

Urgh, this is so frustrating! Napagulo na lang ako ng buhok sa ilalim ng hoodie ko.

“Miss, huwag mo namang ganiyanin ang ulo mo! Sayang, ang ganda-ganda mo pa naman!” May tatlong lalaking nag-iinuman sa tabing-dagat. Nakakagat-labi pa ang nasa gitna habang nakatingin sa ‘kin, gross! Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad.

“Wow, ang sungit! Sandali lang Miss, samahan mo muna kami rito!” Hinawakan niya ang braso ko gamit ang magaspang niyang kamay.

“Talisman: Camouflage,” mahinang sambit ko. As usual, walang nangyari.

“Ano raw? Hahaahah!” sabi no’ng isa niyang kasama.

“Talisman: Death Palm!” Bakit nanginginig ang boses ko? I don’t like this!

Nakatingin lang sila sa ‘kin na tila nagtataka na, tapos bigla silang nagtawanan. “Ano raw, talisman? Nababaliw ka na ba, Miss?”

“Hayaan mo na, tol. Baka nabaliw na ‘yan kakanood ng mga pantaserye kaya kung ano-ano ang sinasabi!” Patuloy silang tumatawa.

Yup, marami man ang gumagamit nito, hindi pa rin exposed ang kapangyarihan ng mga talisman sa publiko. May mga normal na taong naniniwala rito, madalas ang mga taong nakakita na nito, at meron din namang hindi, kagaya ng mga mangmang na ‘to.

Marami pa silang sinasabi, pero hindi ko na maintindihan. Tanging ang malakas na kabog ng puso ko na lang ang naririnig ko. Tumingin ako sa paligid para tingnan kung may mga tao pa.

Tumalim ang tingin ko sa isang kasama nila na nagtapon ng basura niya sa dagat. Kinuyom ko ang kamao ko. “Pulutin mo yung kalat mo.”

“Huh? E wala na, natapon ko na. Ano’ng gusto mo, languyin ko ‘yon?”

“Ikaw na lang ang kumuha, Miss. Hubarin mo ‘yang damit mo at tumalon ka sa dagat, hahaha!”

“Pinalayas ‘ata ‘yan sa kanila kasi baliw at alagain, eh! Hindi ka na ba nila mahal? Ganiyan talaga ‘pag pabigat, pinapaalis na lang!”

“Ano, galit ka na ba, ha?” Pinipitik niya ang noo ko habang tumatawa. Kinuha ko ang dalawang daliri nito at binali. Halos mabingi na ako sa lakas ng sigaw nito.

“Ang ayoko sa lahat yung pinagkakaisahan ako,” bulong ko. Naglabas ng maliliit na kutsilyo ang mga kasama niya at sumugod sa ‘kin. The next thing I saw are their bodies lying down on the ground with their hearts pierced. Hawak-hawak ko na pala ang dagger na puno ng malalansa nilang dugo.

Nanginginig kong tinignan ang kamay ko na nabitawan ang patalim na hawak. “I..killed someone!” I burst into tears as my body fell to the ground. “Boss, I’m sorry I acted without your orders! Sorry, sorry!”

“Dad, help me, please! I lost everything!” I cover my head as I shiver in fear.

“You’re nothing different from a rotten corpse if you don’t have anything to prove, Origin.”

I couldn’t stop crying that night. All I can hear is my Dad’s voice. I cried, and cried, and cried. All I literally do is cry.

After that, I felt something snap. Just like a thin string inside me.

I started to feel numb.

Ni hindi ko alam kung anong oras na, kung anong araw na. Ang alam ko lang ay umaga at gabi. All I did was wander around places I’m not even familiar with. I don’t eat or drink, and can’t feel any hunger.

Right now, I ended up in the slums of a faraway city. May mga nag-iinuman sa bandang kanan, sa kaliwa naman ay may nagsusuntukan. I paid them no mind and kept walking.

“Oh, sino ‘tong yagit na ‘to? Ngayon ko lang siya nakita rito ah!” I walked past him, as if he’s a wind. Lumapit siya sa ‘kin at hinatak nang malakas ang braso ko. “Alam mo, sobrang nagagalit ako kapag dinededma ako ng taong binibigyan ko ng atensyon.” His grip is so tight, it hurts. Pero nanatili akong walang emosyon at nakatingin sa kawalan. Ni hindi ko alam kung ano ang hitsura niya, o kung ilan sila.

Patulak niyang binitawan ang braso ko na nagpatalsik sa ‘kin sa poste, natanggal ang hoodie ko kaya lumabas ang buhok ko. “Sa inyo na ‘yang babaeng ‘yan, wala naman siyang pakinabang, hindi rin maganda.”

“Sandali, Boss! Parang kilala ko ‘yang babae! Tignan mo yung kulay ng buhok niya, hindi ba ganiyan din ang kulay ng buhok ng notorious na Scarlet Beast ng Westside Dragons?”

“Huh?” Lumapit siya sa ‘kin at hinatak ang mukha ko palapit sa kaniya. Do’n ko nakita ang hitsura niya. Dilaw ang buhok nito at maraming piercings sa mukha, malaki rin ang katawan niya at may eyepatch sa kaliwang mata. I know this guy, he’s the leader of that ambitious gang who tried to fight Westside.

“Imposible.” Ngumisi ito at binitawan ako. “Kung siya nga iyon, edi sana kanina pa tayo patay. E itong babaeng ‘to, parang walang pakialam kung anong gagawin sa kaniya!”

Lumapit sa ‘kin ang isa niyang kasamahan at tinignan ang likod ko. “Boss, mukhang siya nga! May pa-ekis na peklat din siya sa likod!” They all gathered and looked. Someone suddenly locked my arms from behind. Nasa harapan ko ang lalaking tinatawag nilang Boss.

“Kung ikaw nga ‘yon, nakapagtataka kung paano ka naging palaboy. Para kang sirang manika na tinapon, hindi alam kung paano kikilos. Ganiyan yata talaga ang kahihinatnan ng taong nabuhay lamang para magsilbi sa isang tao.” Inilabas niya ang kutsilyo at itinapat sa mata ko sabay ngisi. “Huwag kang mag-alala. Ako ang magiging bagong Boss mo, sabihin mo sa ‘kin kung nasaan ang kayamanan ng Westside, at i-aahon kita sa sitwasyon mo. Kung ayaw mo..” Konting galaw na lang ay babaon na ang patalim niya sa kaliwang mata ko. “Quits na tayo. Bukod sa sinaktan ng Westside ang mga tao ko, kinuha niyo pa ang isang mata ko.”

“Sige lang,” sagot ko. “Wala naman na akong karapatang mabuhay. Iyon na lang ang pinanghahawakan ko, nawala pa.”

Bumuntong hininga na lang ito at humipak ng sigarilyo. “Marami pa tayong gagawin, ayokong magsayang ng oras sa taong wala naman akong makukuha. Sa itsura nito, mukhang hindi na bibigay ‘yan kahit torture-in. ” Kinuha niya ang baril mula sa kaniyang likuran at kinasa. “You want to die so bad, huh?” Tinutok niya ito sa noo ko. I didn’t even flinch a bit.

Laking gulat ko nang makarinig ng maraming putok ng baril, nagsitumbahan silang lahat, nagtalsikan ang mga dugo nila.

“How boring! Hindi pa talaga kayo natuto, ano?” I heard a familiar voice from behind. Lumakas agad ang simoy ng hangin, kaya alam ko na kung sino ‘to. Hinipan niya pa ang dulo ng rifle niya at hinawi ang buhok.

“Bisca..you?” Seryoso ang mukha niya. She clenched her teeth as she got closer to me. “Anong ginagawa mo rito?”

Hinatak niya ang damit ko palapit sa kaniya. “Ano’ng ginagawa mo sa buhay mo, you b*tch?! Papatayin mo ba ang sarili mo?!” She’s raging in anger, but behind the anger she’s emitting..

I can see uneasiness in her eyes.

“May rason pa ba para mabuhay ako?”

Ngumisi siya. “Malay ko sa ‘yo. Basta maaangatan na kita, malapit na akong maging Administrative! Lahat ng misyon ko ay successful, habang ikaw, nagmumukmok dito!” Hindi ako sumagot, umiwas lang ako ng tingin habang nakasimangot.

Sinampal niya nang malakas ang kanang pisngi ko. I am left speechless. “Hanggang d’yan ka na lang ba, Ms. Scarlet?” Upon hearing those words, I came to a realization.

Hanggang dito na nga lang ba talaga?

“It’s not so like you to die at the hands of some delulu gangs. Ano na lang ang sasabihin ng iba sa ‘kin kung malaman nila na ganito kababaw ang partner ko? Yuck, huwag mo nga akong ipahiya! Kung gusto mong mamatay, gawin mo sa paraang may tulong ka sa Westside! That’s the sign of real loyalty! Don’t tell me, you betrayed the Boss?”

“Alam mong ako ang huling taong gagawa niyan.”

“Then move your f*cking a*s out here and live!”

She didn’t use flowery, motivating words. But for some reason, I felt the drive to live. This is the first time I’ve actually felt something ever since that day.

I felt annoyed at her...and at myself, for being like this.

Tumitingin-tingin siya sa paligid “Pero tandaan mo ‘to, huwag mong basta ilabas ‘yang buhok mo! Kilala ka ng iilang gangs dito! Tapos..”

“Fine, fine. Hindi ko kailangan ng lecture mo, mas mataas pa rin ang posisyon ko sa ‘yo, piggy!”

Ngumisi siya. “Finally back to your senses, eh?”

“Bakit ka ba nandito, na-miss mo ako?” Nanlaki ang mata niya at namula ang mukha nang sabihin ko iyon. “N-nagkataon lang na may pinuntahan ako rito at nakaamoy ako ng gulo! Don’t get ahead of yourself, b*tch!” Tumalikod siya. “H-hmp, bahala ka na d’yan, marami pa akong missions galing kay Boss!” Naglakad na ito palayo.

“Bisca!” pagtawag ko, huminto siya, pero hindi siya lumingon sa ‘kin. “Thank you!” sigaw ko.

She continued walking without looking back. Nagtaka ako nang makita ko na tinuturo niya ang likod niya habang naglalakad palayo. Nakatunog na ako kaya agad kong kinapa ang likod ko at nakuha ang maliit na papel na nakadikit sa damit ko.

“Westside is boring without you, better come back, b*tch! I’ll be waiting.” Ang panget ng sulat.

Hindi ko napigilang mapangiti at matangahan sa ginawa niya. That girl finds it hard to express her real feelings properly.

At dahil do’n, nakaramdam na ako ng gutom at tumumbang muli. Oo nga pala, ilang araw na akong walang kain.

~

DALAWANG ARAW na ang nakalilipas simula no’n. Hindi pa rin bumabalik ang ability ko. I still got nowhere to go.

To survive in this world, I did something that has become the definition of my whole being- to kill.

But this time, no one commands me to do it but my own instinct to survive. Kaya may nakakain ako, nakakapagpalit ako ng damit, at nakakakuha ng pera. For my shelter, wala pa rin. Kaya kong magkaro’n ng matutuluyan kung gugustuhin ko, but I prefer sleeping outside. Sa mga bubong pa madalas. Gusto ko kasi may monitor ako sa mga nangyayari sa labas. Who knows kung may makita akong makakatulong sa ‘kin sa pagbalik ng ability ko.

The danger is not my problem because I am the danger. Sa ngayon, naglalakad ako sa kalsada na parang normal na tao. I’m wearing a pink baggy dress, long sleeve ito. I stole this from a clothing shop yesterday. Mabuti at hindi nila ako nahuli, nailigtas sila sa kamatayan.

“Ah, I want some desserts.” Napatingin ako sa malayong kaliwa, nakita ko ang matandang lalaki na nagtitinda ng ice cream. Should I kill him? I badly want that ice cream.

Napahinto ako sa isang stall ng mga prutas sa kaliwa ko nang marinig ang usapan ng dalawang babaeng nagtitinda. Nagkunwari akong tumitingin ng mga mansanas.

“Waaah, it’s Greendale’s anniversary today! My dream school! Nakakainggit naman sila, sana makapasok din ako do’n balang araw!” rinig kong sabi ng isang teenager na babae.

“Ang tsismis e mahirap daw makapasa d’yan. Pili lang talaga ang estudyanteng nakakapasok,” tugon ng isa pa niyang kasama. “Ang suwerte nga ng pinsan mo at natanggap siya!”

Greendale University, an autonomous university owned by Theodore Archibald. Sa harap ng masa, isa itong prestigous university kung saan piling estudyante lang ang nakakapasok dahil sa high standards nito. It’s either mayaman o matalino ka, but in reality, ito ang paaralang itinayo para itago ang umuusbong na bagong henerasyon ng talisman users.

It’s their anniversary today, huh? Thanks for letting me know, girls!

Aside from FEAR, Archibald’s one of Westside’s sworn enemies. I don’t know the full details, pero malaki ang galit niya sa mafia. Many of our members were imprisoned and tortured under his orders. How brave of him to show himself in public, talagang wala siyang takot sa buhay niya, ah?

Madalang lang siya magpakita sa publiko kaya mahirap siyang hagilapin. Pero mukhang hindi na ko mamomroblema. According to Westside’s Intelligence Agent, he’s always present in his school’s anniversary which turned out to be today!

Ako ang papatay sa lalaking matagal nang pino-problema ni Boss. I will show him that Scarlet Beast is still powerful, even without her ability.

~

NANDITO AKO ngayon sa loob ng Greendale, wearing one of their student’s uniform. Halos pareho kami ng body type kaya parang sa ‘kin talaga ito, tamang-tama ang sukat. I slit her throat earlier in the women’s bathroom to get my hands on this.

Madali lang naman akong nakapasok sa school na ‘to. Nasa loob ng isang malawak na gubat ang school, tapos pagdating mo pa ay may mataas na bakod rito, inakyat ko iyon gamit ang mga weapons ko. It’s like a child’s play.

Nakakapagtaka rin at the same time dahil parang ang luwag ng security nila. Kaya mas mapapaisip ka kung tama bang magpahulog kung bitag man ito.

Napangisi na lang ako. Whatever it is, papatayin ko lang din naman sila. I have to bring that man’s head to the Boss no matter what. That’s enough proof that I am still useful.

The thought of him never giving this task to me before is giving me more reason to do this. Pakiramdam ko kasi, sobrang baba ng tingin niya sa ‘kin.

Makikita mo agad katabi ng stage ang malaking fountain na may rebulto sa itaas, maraming estudyante ang nagbabato ng coins dito at mukhang nag-wi-wish. Malaki ang Greendale, it looks like a white mansion with its name and logo embedded on the center top of the building.

Nakikihalubilo ako sa mga estudyanteng nakatayo sa open field, nakikinig sila sa babaeng kumakanta sa stage.

“Now, let’s hear from our beloved president, Theodore Archibald!” Finally, after fifteen minutes of waiting, lumabas na rin. He has dark brown eyes and hair, a typical man you would describe as tall, dark, and handsome. It’s him, from the flesh!

Theodore Archibald, age twenty-five, almost same age kami. At a young age, he became a billionaire who established his own university. He intends to protect and shape youngsters with supernatural abilities, I bet he’s just using them as his pawns para mas lumakas ang puwersa niya sa mafia.

Mamamatay ka muna bago mangyari iyon, Archibaldie.

Bago ko siya patayin, kailangan ko ring malaman sa kaniya kung bakit biglaan akong nawalan ng ability. Baka makatulong sa ‘kin ang lalaking ito dahil sigurado akong marami siyang alam patungkol sa mga ganitong bagay. I’ll make him beg for his f*cking life.

But this is not the perfect place of assassination, kailangan kong humanap ng magandang tsempo.

Patago ko siyang sinundan nang matapos na ang pagsasalita niya sa harap. Nakakainip dahil maraming activities ang ginagawa. So far, wala naman akong nakitang suspicious sa mga ginagawa niya . Three hours din ang itinagal bago siya sumakay sa puti at magarbo niyang sasakyan. Maraming men in black sa paligid niya, ang iba ay sa hiwalay na sasakyan sumakay, nakapalibot ito sa sasakyang pinaroroonan niya. Nasa bubong ako at sinusundan sila.

Makalipas ang mahabang oras, napagod na ako kakatakbo kaya sinaksak ko na sa tagiliran ang lalaking nakaupo sa motor niya, nasa eskinita ito kaya walang nakakita sa ginawa ko. Sinakyan ko na ang motor at palihim silang sinundan. Tinanggal ko ang uniform at sinuot na ang kimono dress na bigay sa ‘kin ni Boss. I’m hiding this under my clothes.

May kalayuan ang bahay ng lalaking ito. Ilang tulay at tunnel na ang nadaanan namin, dumaan na rin kami sa ilang bukiran. Wala nang masyadong tao at mga sasakyan sa dinadaanan namin kaya iniwan ko na sa damuhan ang motor at tumakbo na ulit nang patago. Baka mapansin pa nila ako, eh.

Finally, mukhang nandito na. F*ck, ang layo. Probinsya na ata ‘to, eh. Huminto sila sa isang malaki at modernong mansyon, wala siyang kapitbahay. Gubat ang paligid nito kagaya ng Greendale. Mukhang may fetish ang lalaking ‘to sa mga gubat.

Nakita ko silang pumasok sa malaking pintuan kasama ang mga guards niya. Todo bakod sila sa kaniya, hindi ko na siya halos makita. Buti na lang at matataas ang puno rito.

Okay, hindi ako magpapabulok dito kakaantay. Papasukin ko ang bahay nila at magpapanggap bilang isang maid. If only I have my Camouflage and Death Palm, this would be much easier.

“I think that’s a bad idea, Miss Assassin.” Muntik na akong malaglag sa puno nang marinig ang walang tonong boses na iyon, hinipan pa niya ang tenga ko. It’s a not-so-tall-but-taller-than-me guy wearing Greendale’s uniform! Sino ‘tong kumag na ‘to? Ni hindi ko siya naramdaman simula pa kanina!

I jumped at him, attempting to slit his throat using my dagger, pero agad itong nakatalon paatras. I silently exchanged attacks with him.

“As expected of an assassin, walang kaingay-ingay mo akong nilalabanan.”

Is this guy humiliating me? Bukod sa walang ekspresyon ang mukha niya, nakahawak lang siya sa magkabilang bulsa niya habang umiiwas sa mga atake ko. Bigla kong napansin ang maliit na laruang nakalagay sa bulsa ng polo niya. It’s a small brown bear. Hindi ko alam kung isip bata ito o mangkukulam.

“You shouldn’t be fighting me right now, you know? I’m here to save your life, masked woman.” He grabs my hand, twists it backward, and pins me on the tree. His grip is so strong, I couldn’t break free!

“Kung sa akin lang hindi ka na manalo, kalimutan mo na ang pangarap mong patayin si President Archibald.”

Getting caught by someone is so not me. I don’t know if he’s just that strong, or I just got distracted by his enticing, manly features.

“Shut up. Nilalason lang ng presidente niyo ang mga utak niyo!”

“Hmmm? I don’t know about that. Pero alam mo bang delikado ang binabalak mo? Are you even thinking?”

Masama ang tingin ko sa walang ekspresyon niyang mukha. “He’s too exposed for an important person and a mortal enemy of the criminals. Hindi man lang ba sumagi sa isip mo ang posibilidad na sinasadya niya iyon? Listen, you don’t know President Archibald. What you’re doing is pure suicide.”

“At bakit mo naman sinasabi ‘to sa kalaban mo? Hindi ba mas tanga ang ginagawa mo?”

“I’m here to make a deal,” he bluntly answered.

“Deal?”

“I will turn you in to the Special Police. For a notorious criminal like you who lost her ability, hindi ka madaling makakatakas sa kanila kahit sabihin pa nating marunong kang lumaban. Hindi ka lang nila ikukulong, they would also use you as a living information and travel inside your brain. Ibig sabihin, lahat ng sikreto mo at ng organisasyong kinabibilangan mo ay lalabas.”

T-this guy saw right through me...! And he’s not just bluffing, totoo ang sinasabi niyang gagawin sa ‘kin ng Special Police Force. Alam naming lahat ‘yan sa underworld.

“Huwag kang mag-alala, may option ka pa. Iyan lang naman ang gagawin ko kung hindi ka papayag sa deal ko.”

“Hurry up and spill it, I don’t like wasting time.”

“Yup, yup. What an impatient girl.” Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko.

“Enroll at Greendale and join the Student Council. In exchange, I’ll help you reclaim your lost power.”

Student...WHAT?!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status