Share

Student X FEAR
Student X FEAR
Author: StillPink

Prologue

Origin

MERON BANG espesyal sa kapanganakan ng isang tao? Iyong iba ay umiiyak pa sa tuwa kapag nagkaroon ng anak sa kanilang sinapupunan, at umiiyak naman sa lungkot kapag namatay ito.

Hindi ako kagaya ng mga mangmang na iyon. Para sa akin, ang kapanganakan ay natural lang naman na nangyayari, paulit-ulit na nga. Araw-araw may nabubuntis at nanganganak sa kahit saang sulok ng daigdig, kagaya ng kamatayan. Ang pagkapanganak ay hindi pa karagdagan ng isang buhay.

Ang totoong kapanganakan ng isang tao ay ‘pag nagkaroon na sila ng silbi at halaga. Kung wala ka no’n, wala kang lugar sa mundong ito. Hindi ka nila tatratuhing tao kun’di isang hayop kung tapak-tapakan. Ganito na lang, gagamitin mo ba ang ballpen kung wala itong tinta?

Iyon ang bagay na matagal ko nang hinahanap sa pagkatao ko- ang aking halaga. Nahanap ko iyon sa pamamagitan ng pagpaslang ng mga tao galing sa utos ng nakatataas na siyang pinagsisilbihan ko. May silbi ako sa kaniya kaya naniniwala ako na dumating na ang tunay na kapanganakan ko.

~

LUCKY! MISSIONS after missions!

There’s nothing more pleasurable than killing, especially those who make an enemy of the mafia.

Hearing the Boss praise me earlier with those words, it’s so sexy! I feel my body heating up from so much excitement.

“You better stop romanticizing that dagger, you creep me out!” sambit ng kasama kong si Bisca na kita sa mukha ang pagkamuhi sa ‘kin. Well, the feeling is mutual, I also don’t like this woman. Pero wala akong magagawa dahil siya ang partner ko.

“Shut up, piggy. Why am I even tasked with you in the first place? Hindi ko na kailangan ng lookout, I’ve succeeded in countless assassinations without anyone’s help.” Tch, ngayon sabay pa kaming pupuriin ni Boss. E kung ako lang mag-isa, I’ll take all the praise. But that wouldn’t be a problem, with my unique powers, I can outshine anyone easily.

“I’m not even fat, kahit ‘yang mata mo may diperensya na. Gusto mo ako na lang ang gumawa ng misyong ito? Baka sirain mo pa, eh.” Ugh, ang hangin talaga.

Ngumisi na lang ako. “Watch and learn, piggy!” Kasabay ng mga salitang iyon ay ang pagtalon ko mula sa mataas na bubong na pinaroroonan namin patungo sa ibaba. Sinipa ko nang malakas ang itim na pinto sa harapan ko, dahilan para kumalas ito at tumalsik sa malayo. Bumungad sa ‘kin ang maraming bodyguards na nakasuot ng black suit. Todo bakod agad sila sa matandang nakaupo sa gitna ng silid, he’s my target, Marshall Lopez, the Chief Executive of a newspaper company who published dirty rumors about Westside Dragons.

“I see, you’re from the Westside, right?” kalmadong tanong ng matanda na parang walang nangyari.

“All actions have consequences, Mr. Lopez. Thou shall accept your fate to be utterly judged by your wrongdoings.” Diretso ang tingin ko sa kaniyang mga mata. Though I love this job, I always put a straight face and dull tone of voice, it’s necessary to cover up one’s emotion in this kind of work.

“Hindi ako tanga, I know you’ll come for me the moment I publish that article. Pero wala akong pagsisisi, I know I did the right job. To expose criminals like you who taints the world!” Dinabog niya ang kahoy na mesang nasa harapan at tumayo. He looked at me with a sharp and determined eyes. “Now, kill me if that’s what satisfies you all! Pero ito ang tatandaan niyo, nakaabot na sa FEAR ang tungkol sa inyo! That’s right, I’m ready to risk my life for the sake of this country!”

FEAR? Hindi ko alam kung tanga ‘to or what, matagal na naming kalaban ang military organization na ‘yon pero kahit minsan ay hindi nila kami napabagsak. Tinakot niya pa ‘ko? Alam ba ng matandang ‘to ang sinasabi niya?

Agad namang umalma ang isang lalaking nakasalamin na mukhang isa sa mga journalist dito. “Pero Sir, hindi pa huli ang lahat! Mag-isa lang siya, marami tayo!”

“That may be the case, pero hindi niyo alam ang kakayanan ng mga tauhan ng Westside. Wala silang mga puso, hindi sila pangkaraniwan.” Tumingin siyang muli sa ‘kin, bigla siyang nagtaka base sa ekspresyon niya. Sh*t, pati ako nagtataka na. Bakit hindi ko pa rin mapalabas ang handprints ko sa katawan nila? Sigurado akong na-markahan ko silang lahat kanina nang patago using my Camouflage ability. This is the first time that my powers didn’t align with my activation. What the hell is happening?

Calm down, Scarlet. This isn’t like you at all. Maybe I overlooked something important, but I’ve already checked all of their abilities. Walang palya. There’s no way my power would not affect them.

“Hoy, ano’ng nangyayari sa ‘yo? Tapusin mo na sila, baka maabutan pa tayo ng pulis!” Narinig ko ang boses ni Bisca mula sa earpiece ko.

“What is this? I don’t sense any power coming from her. Sir, we might be lucky!” sigaw ng lalakeng biglang lumitaw sa likuran ko. May pula at magulo siyang buhok, at ang tatalim ng mga ngipin niya. Agad akong tinutukan ng baril ng lahat ng mga bodyguards. Nakapalibot silang lahat sa ‘kin.

“It’s very unusual for assassins not to kill us immediately, I’m always watching. You’ve really lost your powers, huh?” natatawang wika nito, hanggang sa hindi na niya napigilan at humalakhak na nang malakas. “This is so fun! Just by the sight of you having your desperate moment gives me so much satisfaction! Sir, ano’ng gagawin natin dito?” Nagbigay-daan sila para sa matanda, tinignan niya ‘ko na parang kinikilatis ang buong pagkatao ko.

“This must be a sign from God. If we could eliminate someone from the side of the evil, kahit isa lang siya, we will do it with our head held high.”

“You heard him. Now, say your last words, Assassin.”

Ngumisi ako at tumawa. “That’s my line, buffoon!” Nilabas ko ang katana na mula sa loob ng kimono ko.

In just a glimpse, all of their heads were separated from their bodies. Naiwan na lang ang matanda na nakatingin sa ‘kin, dahan-dahan itong umaatras habang nanginginig. “Do you think I’m just relying on my talisman? I’m not hailed as a Master Assassin for nothing,” I said under the black mask covering my mouth.

“Talisman: Lightning Arrows!” Bago pa man lumapat ang katana ko sa kaniya ay agad niyang ipinaulan sa ‘kin ang mga palaso na gawa sa kidlat. Sheesh, parang wala lang, naiwasan ko lahat. Dumiretso na ako sa paghiwa ng ulo niya na tumalsik pataas.

Nakita ko ang malaking anino mula sa likuran ko. It was the red-head guy earlier, he’s aiming to attack me with his lame sword, pero bago pa man ako makakilos ay biglang nabutas ang noo niya, tumagos ang bala mula sa sniper ni Bisca. Tumumba na rin siya sa sahig. Sa kabila ng ‘yon, gumagalaw pa rin siya. He’s f*cking resisting.

“You..killed my family! Hindi pa ako puwedeng mamatay, ipaghihiganti ko sila, tangina!” Ang ingay niya, nakakairita ang boses kaya sinaksak ko na ang puso niya. Tuluyan na itong nawalan ng hininga.

“I hate being humiliated like that, y’know. Tch, disgusting blood stains.” Pinunasan ko ang mukha at damit kong puro talsik ng mga dugo. Hays, bigay pa naman ni Boss ang black hooded kimono dress na ‘to, sabi niya bagay daw sa ‘kin kaya ito ang lagi kong suot.

Piece of cake. I don’t even need my ability to accomplish my tasks. I’m sure he will be proud of me!

“BOSS, YOU called for me?”

“My dear Riri, I want to congratulate you on your two successful missions for this day. As expected of Westside’s number one assassin. You never fail.”

“It’s all my pleasure to do a job well done for you, Boss.”

I should be happy dahil pinuri niya ako, but there’s something different here. Bakit ganito ang simoy ng hangin? Iba rin ang aura niya, I’ve never felt so much tension being summoned into his office. At isa pa, hindi siya humaharap sa ‘kin, all I can see is his silhouette from a big window in front of us.

“Riri...” His voice is different from usual, it’s serious and intimidating. “Do you remember the main idea on page eight of our book?”

“Defeat is a big disgrace to the Dragon King,” seryosong sagot ko.

“Tama, alam mong wala sa diksyunaryo ko ang matalo. Kaya hangga’t maaga ay tinatanggal ko sa mafia ang taong puwedeng mag-sanhi no’n.”

“What do you-“

“Get out of here, Origin. Starting from now, you are no longer a member of the mafia. You lost your powers, didn’t you? Bisca told me about what happened, which turned out to be true, dahil wala na nga talaga akong nararamdamang kapangyarihan mula sa ‘yo.”

Ngayon ko na lang ulit narinig na tinawag niya ako sa buong pangalan ko!

“I will find a way about this, please, huwag niyo po akong aalisin! I love this job, I love serving you! At isa pa, hindi ko kailangan ng ability para magawa ang trabaho ko. I successfully killed all of them earlier using one of my weapons inside my clothes! You even praised me for that talent, right?!” sigaw ko. Nananatili siyang nakatalikod.

He vented out a huge, deep sigh. “How naive. Do you think all of that is enough? Despite your skills, you’re still a kid. Mas advanced na ang kalaban natin ngayon, hindi na kagaya ng mga nakasanayan mo. Sorry, but only someone with a special ability fits your job.”

“Why are you so certain about that? Wala pang isang araw ang nakalilipas simula nang mawala ‘to, we can find a way, Boss! We can have my talisman checked inside my heart, or contact Dad!”

“I believe it’s just a waste of time. Your failure is the last thing your Dad wants to hear.”

“Failure? Hindi naman ako natalo, at hindi ako magpapatalo! Bakit, lahat ba ng member dito ay talisman user? Bakit si Riez, si Luthor? Ang dami-dami nila! You even said that nothing matters as long as the task was a complete success!”

“Hindi mo ba ako narinig? Kailangan ko pa bang ulitin ang mga ipinaliwanag ko? You’re smarter than that, Origin,” he said with a straight cold voice.

He’s not a man of his words!

Ngumisi ako. “T-talaga lang ha? Hindi ka ba nababahala na baka ikalat ko ang sikreto ng grupong ito? You know my brain holds many secrets about Westside Dragons; it may lead to your downfall, you know.”

“Ohhh, are you provoking me?” I felt shivers down my spine when he finally turned around and looked at me with his red, glowing eyes and said,

“I dare you, Origin Laurier."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status