Napangiti si Avaluan nang irapan siya ni Stephanie. Inaasahan na niya ang naging reaksyon ng dalaga bago pa man niya ito lapitan. Sa hindi malamang dahilan ay nage-enjoy siyang panoorin ang pagbabago ng kaniyang ekspresyon sa tuwing nakikita siya nito.
“You again?” tanong ni Stephanie.
“Grabe, ah?” Naupo siya sa tabi nitong stool. “Ang rude mo talaga.”
Hindi nagsalita si Stephanie at tinungga lang ang kaniyang hawak.
Humarap si Avaluan sa bartender. “Isang shot ng tequila, please. One for me, and one for my neighbor here.”
Napatingin muna si Enteng kay Stephanie bago sumagot. “Right away, ma’am.”
Humarap si Avaluan kay Stephanie. “Ang aga yata natin ngayon? Boy problem?”
“I can say the same thing to you. And no, I don't have any boy problems. I am every guy’s problem.” Nang dumating ang shot ng tequila ay agad niya ‘yong inabot at tinungga. “Thanks for that.”
Akmang aalis na ito nang pigilan siya ni Avaluan. Napatingin si Stephanie sa kamay nitong humawak sa kaniyang braso na agad naman nitong tinggal.
“Sorry,” ani Avaluan sabay pilit na ngumiti. “Gusto ko lang talaga ng makakausap ngayon. At advice na rin kung papalarin.”
“I can’t give people advice.”
“You can just sit with me and listen,” ani Avaluan na nagkaroon ng pag-asa na magagawa niya itong paupuin ulit. “Hindi mo na kailangang magbigay ng advice kung hindi mo talaga gusto. Drinks on me, too!” Tinaas pa niya ang hawak at pinakita sa dalaga.
Napatingin si Stephanie sa hawak nitong baso bago napataas ang isang kilay. “Do I look like someone who can’t afford my drinks?”
Napaawang ang bibig ni Avaluan at naibaba ang baso habang pinanonood si Stephanie na maglakad palabas ng bar. Napabuntonghininga na lang siya bago naupo sa stool at napatulala sa kawalan.
“Another drink, ma’am?” tanong ni Enteng.
Tumango si Avaluan. “Thank you, Enteng.”
“Gusto ko sanang pakinggan ang problema mo pero kailangan kong magtrabaho.”
Napangiti ito. “Palagi mo na lang akong pinakikinggan. Nakakahiya na ang paulit-ulit kong rant sa ‘yo. Pero, thank you.”
“Wala ‘yon. Sino pa ba ang magtutulungan dito, right?” Inabot niya ang isang baso rito. “Here’s your drink. There’s no better friend than a shot of tequila.”
Nang magsimulang dumating ang mga tao ay hindi na halos makausap ni Avaluan si Enteng. But she’s really thankful dahil kahit papaano, alam niyang may pakialam ang binata sa kaniya at sa nangyayari sa kaniya.
Marami siyang pinsan na malapit sa kaniya at pwede niyang masabihan. Pero sa oras na sabihan niya ang mga ito, hindi sila tatahimik. Sa tuwing may nangyayari sa kaniya at sa tatay niya ay halos magwala ang mga pinsan niya. At ayaw na niyang mangyari ‘yon.
Mas gugustuhin na lang niyang sarilinin ang problema. Ayaw na niyang palakihin pa ang gulo. Tatay pa rin niya ang pinag-uusapan dito. Hindi niya kayang mabuhay sa oras na pati ang tatay niya ay mawala.
Matapos ang ilang shots, napagpasyahan niyang umuwi na. Nakaramdam na rin siya ng hilo kaya kahit na ayaw pa niyang umuwi ay wala na siyang pagpipilian pa.
Ngunit halos mapamura siya nang makita ang pinsan na seryoso nang nakatitig sa kaniya. Ayon sa tindig at ekspresyon nito ay hindi ito natutuwa sa kaniyang nakikita.
Pilit na ngumiti si Avaluan. “Hi, Peter. Good afternoon?” patanong nitong bati dahil hindi niya alam kung anong oras na. Ang alam niya lang ay tirik na tirik na ang araw.
“Good? Walang good sa tanghalian ko, Ava.”
Napaiwas ito ng tingin. “May ginawa na naman ba si Jennica?” pagtukoy nito sa kapatid ng binata. Alam niyang hindi magandang idamay ang pinsan sa usapan pero ayaw niyang mapunta sa kaniya ang paksa. Ngunit mukhang hindi siya nagtagumpay.
“Alam kong alam mo kung bakit ganito ang reaksyon ko. Ava—” Napabuntonghininga siya bago nagpatuloy. “ —it’s fuck!ng twelve in the afternoon, ‘tapos lasing na lasing ka na. What the h3ll are you up to?”
Hindi sumagot si Ava.
Nawala ang pagkakakunot ng noo ni Peter nang may napagtanto. “Ah… it’s your fuck!ng father, isn’t it?”
“Peter, tatay ko pa rin ‘yon. Huwag mo siyang pagsalitaan ng ganiyan.”
“Your fuck!ng father is an ab.u.ser, Ava. Kahit na tatay, kapatid, nanay o kung ano mo pa man ‘yan, hindi magbabago ang tingin ko sa kaniya. Kung hindi dahil sa ‘yo, baka ako pa mismo ang nagdala sa kaniya sa kulungan.”
Huminga nang malalim si Avaluan. Para bang nawala na ang pagkalasing niya dahil sa pinsan. “Uuwi na ‘ko kung ‘yan lang ang sasabihin mo.”
“I’m taking you home.”
“No, thanks. I’m taking a cab.” Nagsimula na itong maglakad patungo sa waiting shed.
“Huwag nang matigas ang ulo mo, Ava. Ihahatid na kita.”
“I said, no!” bulalas ni Avaluan. “Hindi ako sasama sa ‘yo at sasakay sa kotse mo para marinig ang ilang minuto mong paninira sa tatay ko.”
Kinagat ni Peter ang ibabang labi para pigilan ang sarili na magsalita. Gusto niyang sabihin na hindi paninira ang ginagawa niya sa tatay nito. Sinasabi niya lang kung ano ang totoo. Pero alam niyang sa oras na sabihin niya ‘yon ay mas lalong hindi sasama sa kaniya ang pinsan. Nakainom ang pinsan niya at hindi ligtas para sa mga kababaihan ang umuwi nang mag-isa.
“Hindi ako magsasalita,” ani Peter. “Promise. Titigilan ko na basta sumama ka na sa ‘kin at ihahatid kita sa inyo.”
Napabuntonghininga si Avaluan bago dumeretso sa parking at sumakay sa kotse ng pinsan niya. Gaya ng sabi ni Peter ay tahimik lang siya buong byahe. Miski si Avaluan ay hindi nagsasalita hanggang sa makarating sila sa bahay.
Pagdating nila ay bumaba rin si Peter upang ihatid ang pinsan hanggang sa loob ng bahay. Gaya ng inaasahan ay nakaupo na naman si Ryan, ang tatay ni Avaluan, sa terrace nila. May bote ng alak sa kaniyang harapan at ilang mga walang laman na nagkalat sa lapag.
Nang makita sina Peter at Avaluan na paparating ay mabilis itong tumayo habang pasuray-suray.
“Saan ka na naman nanggaling na bata ka? Kanina pa kita hinahanap!” bulalas ni Ryan.
Hindi sumagot si Avaluan kaya si Peter ang gumawa. “Bakit mo siya hinahanap? Wala ka na namang pambili ng alak mo, ‘no?”
“Peter,” pabulong na saway ni Avaluan sa pinsan.
“Aba’t—! Ano bang pakialam mo, bata? Hindi ikaw ang kinakausap ko, at wala kang pakialam kung humingi ako sa kaniya ng pambili. Pinapatira ko siya sa bahay ko kaya dapat lang na gawin niya ang parte niya!”
Halos umusok naman ang ilong ni Peter dahil sa narinig. Kung hindi dahil kay Avaluan ay baka nasapak na naman niya ito.
“Salamat sa paghatid, Peter. Ako na ang bahala rito.”
“Pero, Ava—”
“Please, Peter. Mas lalo lang siyang magwawala. Ako na ang bahala rito.”
Ilang segundo pa niyang tinitigan ang pinsan bago bumuntonghininga. Tumalikod siya at umalis nang hindi nagpapaalam. Ilang beses muna niyang binomba ang kaniyang sasakyan bago pinaharurot ‘yon, dahilan para mas lalo mapamura sa inis si Ryan.
“Ang yabang talaga ng batang ‘yon! Porke may sarili ng sasakyan, bomba na nang bomba. Perwisyo sa mga kapitbahay!” Matapos sumigaw ay naglakad siya pabalik sa inuupuan niya kanina. “Ano pang tinutunganga mo riyan? Bumili ka na. Bilis!”
Bumuntonghininga si Avaluan bago tumalikod. Ngunit bago pa siya makaalis ay muli niyang narinig ang boses ng ama. “Aba, teka! Ano ‘yong narinig ko?” Tumayo ito at lumapit kay Avaluan. “Sininghalan mo ba ‘ko? Umaangal ka na ngayon?”
“Hindi po ako umaangal. Pagod lang po ako kaya—”
Hindi na niya naituloy pa ang sinasabi dahil isang malakas na sampal na ang natamo niya mula sa kaniya. Napasinghap siya at napahawak sa namamanhid na labi.
“Wala ka talagang utang na loob, ‘no? Hoy! Pinapatira kita rito sa bahay ko. Sa bahay ko! Anong karapatan mong singhalan ako? Bakit? May napatunayan ka na ba? Kaya mo na bang buhayin ang sarili mo? Eh ‘di umalis ka na! Kaya mo na palang mabuhay mag-isa, eh.”
“Hindi po,” halos pabulong na sagot nito.
“Hindi naman pala. Ano ‘yang pagsinghal-singhal mo? Ha!”
Yumuko na lang si Avaluan at tinanggap ang mga sinasabi nito. Hindi siya nagsalita at sumang-ayon lang sa kaniya hanggang sa kumalma ito. Nang bumalik na si Ryan sa inuupuan niya ay saka lang umalis si Avaluan.
Imbis na bumili ng alak gaya ng sinabi niya ay nagtungo siya sa bukid na pag-aari ng pamilya ni Kise, isa sa mga pinsan niya. Natanaw niya mula sa malayo ang mga trabahador na nakababad sa ilalim ng tirik na tirik na araw.
Dederetso na sana siya sa bahay nina Kise nang matanaw niya ang pamilyar nitong bulto na kasama ang mga trabahador nila. Alam niyang tumutulong ito madalas sa bukirin nila, pero hindi niya inaasahang magtatrabaho ito katanghaliang tapat.
Bago niya tawagin ang pangalan ng pinsan ay tinuro na siya ng isa sa mga trabahador. Napalingon sa kaniya ang pinsan kaya kumaway na lang si Avaluan. Imbis na kumaway pabalik ay mabilis na iniwan ni Kise ang ginagawa upang lapitan siya. Napanguso si Avaluan at dumeretso sa bahay nina Kise.
“Pumasok si Paulle?” pagtukoy ni Avaluan sa kapatid ni Kise.
“Hinatid ko kanina pa. Teka at kukuha lang ako ng juice.”
Sumunod siya sa loob upang tulungan itong kumuha ng pitsel at mga baso. “Ikaw? Wala kang pasok?”
“Monday to Thursday lang ang pasok ko. Ikaw?”
Nang makalabas, tinawag nila ang mga trabahador na uminom din ng tinimpla nilang juice.
“Wala rin akong pasok ngayon.”
Nang maiwan silang dalawa sa terrace ay roon na nagsimulang magtanong si Kise. “‘Yong tatay mo na naman ba?”
Bahagyang napaawang ang bibig ni Avaluan nang makita may hawak na itong first aid. “May sugat ka ba?”
“Hindi ako.”
Nagsimula si Kise na gamutin ang sugat ni Avaluan sa labi. Doon niya lang napansin na may sugat siya nang humapdi ‘yon. Hindi na lang siya sumagot at hinayaan itong gamutin ang labi niya.
Nang matapos sila ay napansin ni Avaluan na wala ito sa mood. “Okay ka lang?” tanong niya kay Kise.
Bumuntonghininga ito. “Hindi ako okay.”
“May nangyari ba sa inyo ni Keisha?”
Napatingin si Kise sa kaniya. “Hindi ‘to tungkol sa ‘min ni Keisha. Tungkol ‘to sa ‘yo.” Tumaas ang boses niya. “Ilang taon na ang nakakalipas, ate Ava. Bakit nagtitiis ka pa rin sa lalaking ‘yon?”
Bumuga ng hangin si Kise bago nagpatuloy. “Alam kong magagalit ka na naman dahil hindi ko nirerespeto si Ryan. Pero alam mong hindi ko siya kayang respetuhin dahil sa ginagawa niya sa ‘yo at kay tita. Magmula noong pumanaw si tito Patrick at pinakilala ni tita ‘yang lalaking ‘yan, wala ng magandang bagay ang nangyari sa inyo.”
“Pero siya ang nagbibigay ng masisilungan sa ‘min.”
“Kaya ka rin namin bigyan ng masisilungan, ate, nang walang hinihinging kapalit. Ganoon ang pamilya. Pero parang hindi pamilya ang tingin niya sa inyo. Sinasaktan niya kayo!” Huminga ulit nang malalim si Kise para pakalmahin ang sarili.
“Pero hindi namin siya kayang iwan.” Napakagat sa ibabang labi si Avaluan upang pigilan ang sarili na maiyak. “Kami na lang ang meron siya at mahal siya ni mama.”
“Mahal…” Mahinang natawa si Kise. “Minsan hindi ko talaga maintindihan ‘yang pagmamahal ni tita sa lalaking ‘yon.”
Natahimik sila matapos ‘yon. Nakatanaw lang sila sa malawak na kabukiran nina Kise. Sa maghapon na ‘yon, hindi siya iniwan ni Kise. Kahit na hindi nag-uusap ay naroon lang sila. Hindi na rin bumalik si Kise sa pagtulong sa bukid para may kasama siya.
Gusto na sana niyang umuwi dahil sa tingin niya ay nakakasagabal na siya sa pinsan. Pero si Kise na rin mismo ang pumigil sa kaniya.
“Huwag ka munang umuwi at baka gising pa ‘yon. Hayaan mo muna siyang makatulog para hindi ka na niya ulit saktan. Doon ka muna sa loob at gawin kung anong gusto mo. Susunduin ko lang sina Paulle at Keisha.”
Tumango lang si Avaluan bago pumasok sa loob. Naupo lang siya sa sala at binuksan ang telebisyon habang hinihintay sila. Ngunit wala roon ang kaniyang atensyon. Naisip niya kung gaano siya kaswerte at kamalas sa pamilya.
Ang malas nila dahil maagang nawala ang kaniyang ama. Ang malas nila dahil ang bagong pag-ibig na nahanap ng kaniyang ina ay iyong sinasaktan pa sila. Ngunit ang swerte rin nila kahit papaano dahil malaki ang pamilya nila sa father side at sobrang close pa nilang lahat ng magpi-pinsan.
Napabuntonghininga si Avaluan. Sa kabila ng mga nangyari at inaalala niya, natatawa na lang siya sa sarili dahil may oras pa siya para isipin ang babaeng nakilala niya sa bar.
Hindi naman na bago sa kaniya ang nararamdaman. Attracted talaga siya sa mga babae noon pa lang. Hindi niya ‘yon pinapansin noon pero lately, sa tuwing nakikita niya ang dalaga sa bar ay bumibilis ang tibok ng puso niya. Nae-excite siya sa isiping makikita niya ulit ang dalaga.
Ngunit grabe naman ang sakit na dulot ng atraksyon na ‘yon noong mga oras na i-reject siya nito noong gusto niya ng makakausap.
Isang suntok ang natanggap ng lalaki mula kay Stephanie nang tumawa ito. Ngunit imbis na indahin ang ginawa ng dalaga ay mas lalo pa siyang natawa. Dahil doon ay ilang suntok at sipa pa ang natanggap niya.Napahilata ito sa sahig nang itulak ni Stephanie. Napaubo na siya ng dugo at halos hindi na makilala ang mukha sa dami ng sugat at mga pasa. Hindi na rin siya makahinga nang maayos dahil sa barado nitong ilong kung saan umaagos ang dugo.Bahagyang lumayo si Stephanie habang pinapakalma ang sarili. Halos tatlong oras na silang naroon ngunit wala pa rin silang makuha galing sa lalaki. May ilan ding mga lalaki ang nakahilata sa saihg malapit sa kinatatayuan niya ngunit mga wala na itong buhay.Napabuntonghininga si Wyeth at siya na ang lumapit sa lalaki upang kausapin ito. “Uulitin ko, sino ang boss niyo?”Sinubukang ibuka ng lalaki ang kaniyang isang mata. “U-Uulitin ko rin, wala akong alam.”Pilit na ngumiti si Wyeth bago tumayo. At sa kaniyang pagtayo ay ang malakas niyang pagtapak
“Standby,” ani Stephanie sa kaniyang earpiece. “I can see them from here. They’re loading a black van.”“Roger,” sagot ni Wyeth.Pinanood ni Stephanie ang mga lalaking nagkakarga ng mga bag sa isang itim na van. Kasalukuyan siyang nasa ikalimang palapag habang naghihintay ng tamang tyempo para sumugod.Hindi pa sila sigurado kung ilan ang kasama nila. Kailangan nilang malaman ang kinalalagyan ng bawat grupo upang maiwasan ang aberya. Kahit na handa sila sa kahit anong mangyari, mas gusto pa rin nila ang magkaroon ng isang maayos na operasyon.Habang nililibot ang tingin sa buong compound ay napahinto ‘yon sa isang sulok. Naningkit ang mga mata ni Stephanie nang makita ang isang pamilyar na bulto ng tao. Noong una ay hindi niya dapat pagtutuonan ng pansin. Ngunit nang mapagtantong sinasaktan ito ng isa pang lalaki ay kumunot ang kaniyang noo.Tinatanggap lang ng babae ang pananakit na ginagawa sa kaniya ng isang lalaki. Nakayuko lang ito at hinaharang ang mga braso sa kaniyang ulo bila
“We’ve found out her location,” ani Wyeth pagkarating na pagkarating ni Stephanie sa headquarters.Agad na lumapit ang dalaga sa kaniya at tiningnan ang monitor ng computer kung saan naka-project ang isang footage ng CCTV. Saglit pa niya ‘yong tinitigan nang mamukhaan ang babae.“Nancy?” wala sa sariling sambit niya.“You know her?”Nagsimula siyang magtipa at binasa ang mga impormasyon na nakalap ni Froilan tungkol sa babae. “Not personally. Pero mayroon siyang isang sikat na clothing line sa bansa. Is she our suspect?”“She’s the boss herself, Steph.”Hindi na nagsalita pa si Stephanie at tinapos na ang pagbabasa. Matapos siya sa ginagawa ay napasandal siya sa upuan at napabuntonghininga. Hinilot niya ang kaniyang sentido nang kumirot ‘yon sa tagal niyang nakatitig sa harap ng screen.“I didn’t know she’s also a mafio.so,” ani Stephanie. “And a boss at that. WIth this piece of information, there’s still a question we need an answer to.” Napatingin siya kay Wyeth. “Is she the big bos
“Magkasama yata kayo ngayon?” bungad ni Enteng nang dumating sina Stephanie at Avaluan nang magkasama.“Isang shot ng tequila, please,” sabay na sambit nina Stephanie at Avaluan.Natawa si Enteng. “Two shots para sa mga naggagandahang dilag.”“Thanks, Enteng,” ani Avaluan. “Maliit na bagay.”Naupo sila sa stools nang magsalita si Stephanie. “You never call me beautiful, Enteng. What’s with you today?”“Para kay Avaluan lang kasi talaga ‘yon. Nagkataon lang na magkasama kayo kaya dinamay na kita.”Tinaasan siya nito ng kilay ngunit hindi nagsalita. Tawa naman nang tawa si Avaluan sa tabi niya kaya ito naman ang tinaasan niya ng kilay.“Hindi ko alam na conscious ka rin pala sa itsura mo,” ani Avaluan. “Huwag kang mag-alala, palagi na kitang tatawaging maganda para hindi ka na magtampo.”“I don’t want to be called that. Nagtataka lang ako kung bakit niya ako tinawag na maganda. It’s creepy.”“Pero maganda ka naman, ah?”“Whatever. Don’t call me that.”Nang mapansin ni Stephanie si Enten
Habang naglalakad palabas ng campus, napatigil si Avaluan nang makita ang isang pamilyar na bulto ng babae. Napatingin pa siya sa sasakyan na sinasandalan nito upang makumpirma kung tama ba ang nakikita niya.Imbis na matuwa ay bigla siyang kinabahan sa presensiya ni Stephanie. Napakatikas ng tindig nito kaya hindi niya maiwasang hindi ma-intimidate. Para bang napakalayo nito at ang hirap abutin.Nang mapatingin sa kaniya si Stephanie ay para bang gusto niyang mapaluhod. Biglang nanghina ang mga tuhod niya dahil sa napakalamig nitong tingin. Huminga na lang siya nang malalim upang pakalmahin ang sarili.“I’ve been waiting for an hour,” ani Stephanie na mas lalong ikinabilis ng tibok ni Avaluan. “But it’s fine. It’s worth the wait since I already saw you.”Napaangat ang tingin ni Avaluan. Kinailangan niya pang ipaulit ang sinabi nito upang masiguradong tama ang narinig niya.“You said to come to you if I still feel the same. Here I am.” Napangisi ito sa kaniya.Doon na napangiti si Ava
Nakayukong pumasok si Avaluan sa bahay. Hindi niya matingnan ang kaniyang stepdad matapos ang nangyaring tagpo kanina. Natatakot siyang baka bigla na naman itong magwala at saktan siya.Kahit na araw araw siyang bug.bugin nito ay hindi ibig sabihin no’n na hindi na siya nasasaktan. Sa tuwing dadapo ang palad o kamao nito sa kaniyang mukha ay para siyang mawawalan ng malay.Ngunit laking gulat niya nang hindi ito galit. Bagkus ay mahinahon pa ito nang magtanong. “Paano mo nakilala ang babaeng ‘yon?”Nilaro niya ang kaniyang mga daliri. “Sa Impero Bar po.”Sinamaan siya ng tingin nito. “Bar?” Napasinghal si Ryan. “At pa-bar-bar ka na lang ngayon. Imbis na umuwi ka nang maaga at tumulong dito sa bahay, nagagawa mo pang mag-bar? Pareho kayo ng nanay mo. Hindi mapirmi sa bahay!”Hindi nagsalita si Avaluan gaya ng palagi nitong ginagawa. Nakinig lang ito sa mga sinasabi niya. Ngunit hindi niya inaasahang hindi nito titigilan si Stephanie.“Mag-iingat ka sa babaeng ‘yon.” Nakatitig siya sa b
“Target’s approaching,” ani Wyeth.Inayos ni Stephanie ang kaniyang sarili bago nagsimulang maglakad papasok sa events place.Mayroong designer’s event sa isang sikat na hotel ngayon at dahil isa sa mga mahihilig si Stephanie sa iba’t ibang klase ng clothing lines, nagkaroon siya ng invitation.Wala siyang hilig magpunta sa mga ganitong event. Masyadong maraming tao at ang iba pa sa kanila ay masyadong sosyal para sa kaniya. Ngunit dahil pupunta ngayon si Nancy sa event na ‘to ay kailangan niya ring magpunta.Ngayon na nila balak isagawa ang plano nilang pag-kid.nap sa CEO ng D’Amico clothing line. At dahil nakipagkilala na siya rito ay tiyak na bahagyang gumaan na ang loob nito sa kaniya.Ngunit hindi pa rin sila pwedeng magpakampante lalo na at ang dami pa ring bodyguards ang nakapalibot sa kaniya ngayong gabi. Bukod pa roon, mahigpit din ang seguridad sa buong events place.Kailangan nilang maging maingat sa magiging kilos nila. Kay Stephanie nakasalalay ang tagumpay ng operasyon n
Warning: Bed scenePagkarating na pagkarating ni Stephanie sa Impero Bar ay agad nahanap ng kaniyang mga mata si Avaluan. Kasalukuyan itong nakikipaghuntahan sa mga pinsan niya kaya hindi agad napansin ang presensiya niya.Dahan-dahan siyang lumapit dito dahil bigla siyang nakaramdam ng hiya ngayong nakita niya sina Casper. Sa hindi malamang dahilan ay natakot siya sa magiging reaksyon ng mga ito sa oras na malaman ang tungkol sa kanila ni Avaluan.“Hi, Stephanie!” pambungad na bati ni Peter na may malawak na ngiti.Sabay-sabay silang napatingin sa bagong dating kaya napaiwas na lang ng tingin si Stephanie. Pero nagulat siya nang biglang lumapit si Avaluan sa kaniya at niyakap ito nang mahigpit. Para bang wala siyang pakialam kung nakatingin sa kanila ang mga pinsan niya.“Akala ko hindi na kita maaabutan,” ani Avaluan. “How’s work?”“Yeah. I thought so, too.”Humiwalay si Avaluan sa yakap at kunot-noo itong tiningnan. “I guess work’s not good.”Umiling lang si Stephanie at muli siyan
Chapter 30Mas lalong naging busy si Stephanie sa pag-aasikaso matapos ang naging misyon nila. Sinigurado nilang mananagot ang lahat ng mga sangkot sa pagbebenta ng ilegal na droga kabilang ang mga guro.Napalitan na rin ng mga bagong guro at namumuno ang paaralan. Marami ring mga kampanya ang nabuo sa loob na naghihikayat sa mga estudyante na sumali sa iba’t ibang aktibidad. Isa itong paraan laban sa ilegal na gawain.Bukod roon, ilang gabi ring pinag-isipan ni Stephanie kung ano pang tulong ang magagawa niya. Kaya naman sa biyaya rin ng mafia lord ay nagsimula siya sa pagbibigay ng scholarship kina Carlo at ilan pa sa mga atleta ng paaralan.Bilang huling araw niya sa paaralan bilang estudyante, sumali siya sa foundation week. Naglibot siya sa buong lugar kasama sina Sam at ang mga naging kaibigan niya.Kahit na saglit lang niyang nakasama ang mga ito ay napalapit na rin ang loob niya rito. Nasabi na niya sa mga itong lilipad siya sa ibang bansa upang ipagpatuloy ang pag-aaral niya.
Chapter 29“You’re right,” ani Wyeth. “Walang saysay ‘tong operasyon na ‘to kung may isa sa kanila ang mapahamak.”“I’ll leave the mastermind to you.”Napatingin sa kaniya si Wyeth. “Are you sure?”Tinaasan siya ng kilay ni Stephanie. “You scared?”Mahinang natawa si Wyeth. “Alam mong hindi ko tatanggihan ‘yan pero naisip lang kita. Aren’t you itching for some action?”Saglit na napatulala si Stephanie. Of course, gusto niya ng aksyon. Huling aksyon pa niya ay noong kay Nancy. Ngayong binansagan na siyang Mafia Queen, hindi na ulit niya ‘yon naranasan.“Not this time,” sabi ni Stephanie. “Gusto kong masiguradong magiging ligtas sina Carlo at ang mga kasama niya.”Tumango na lang si Wyeth nang may ngisi sa mga labi. Wala namang kaso sa kaniya kung siya ang haharap sa mastermind. Ang kailangan na lang niyang siguraduhin ay kung paano niya mahuhuli ito nang walang aberyang nangyayari. Dahil kapag nagkataon ay mapapagalitan siya ni Stephanie. Alam niyang malaki ang tiwala sa kaniya ni St
Chapter 28Nakatitig si Stephanie sa pisara habang nagtuturo ang kanilang guro. Wala siyang naiintindihan sa sinasabi nito dahil na rin sa lalim ng nasa isip niya.Nagdadalawang-isip siya kung susunduin si Avaluan mamaya gaya ng nakagawian o hindi dahil sa naging alitan nila kagabi. Alam niyang kailangan ng kasintahan niya ng oras para mag-isip-isip pero ayaw naman niyang pagtagalin pa ang namamagitan sa kanila.Matapos ang klase, inaya siya nina Sam na kumain sa labas ngunit nahihiya siyang tumanggi. Hindi naman nagtanong sina Sam kung bakit kaya umalis na rin siya. Imbis na dumeretso sa harap ng building ay sa isang tabi muna siya pumarada. Napaaga rin kasi ang dating niya kaya paniguradong mayamaya pa lalabas ang mga empleyado.Pinaglalaruan ni Stephanie ang isang sigarilyo sa kaniyang kanang kamay habang nakasandal sa hood ng kotse niya. Mabuti na lang at nakapagpalit na rin siya ng damit kaya walang sumisita sa kaniya.Ilang minuto pa ang nakalipas ay nakita niya rin ang ilang m
Chapter 27“Ngayon lang kita nakita, ah?” ani Carl. “Paano mo nakilala si Sam?” Bahagyang lumapit sa kaniya si Carl upang marinig niya dahil sa sobrang ingay ng mga bisita ni Sam.“Ah… magkaklase kami. Transferee kasi ako kaya ngayon mo lang ako nakita.” Muli siyang kumuha ng inumin at tinungga ‘yon. Kailangan niyang gawing pagkakataon ito para mapalapit sa lalaki.Tumango si Carl. “I see. ‘Buti naman at nakasama ka ngayon? Hindi ba strict ang parents mo?”“Hindi naman. Basta hatid-sundo ako ng driver namin at alam nila kung saan ako pupunta.”“Iba talaga kapag rich kid. May driver.”Mahinang natawa si Stephanie. “Marunong akong mag-commute.”“Wala akong sinasabi, ah?” natatawang sambit nito.Napairap na lang si Stephanie. “Hindi ako gaya ng mga napapanood niyo sa TV na spoiled. Hindi rin ganoon ka-strict ang parents ko kahit dati pa.”“I heard home-schooled ka. Anong pakiramdam?”“Paano mo nalaman?”Nagkibit-balikat ito. “Sam told me.”“Pinag-uusapan niyo ‘ko?” Pinaningkitan niya ito
Chapter 26Pumila si Stephanie sa likod ng mga kaklase niya. Sinundan niya ang mga ito upang makahanap ng upuan sa bleachers kung saan halos mapuno na ng mga estudyante. Nang makahanap sila ay hinintay nilang magsimula ang program.Nakita niya kung saan nakaupo si Wyeth kasama ang iba pang mga guro. Malawak ang ngiti nito habang nakikipag-usap sa isa pang guro kaya hindi niya napansin ang pag-irap sa kaniya ni Stephanie.Parang tuwang-tuwa pa kasi ito sa ginagawa nila. Kung may pagpipilian lang talaga si Stephanie ay umalis na siya rito para gawin ang misyon sa ibang paraan. But sadly, ito na ang paraang ‘yon.“Carl, dito!” bulalas ni Sam sa isang estudyante na naghahanap din ng mauupuan.Hindi na dapat papansinin ni Stephanie ang lalaking tinawag nito, ngunit nang magtama ang tingin nila ay halos mapanganga siya.Carl Esteban, sa isip ni Stephanie. Tila nawala ang pagkabagot niya sa nagsisimula nang programa. Wala siyang ideya kung kaano-ano ni Sam si Carl, pero ito na ang pagkakatao
Napapikit si Stephanie nang kumirot ang sentido niya. Pagtingin niya sa orasan ay halos mag-aalas dose na ng madaling araw. Nang mapatingin kay Wyeth ay mukhang tapos na rin ito sa ginagawa kaya naman pinauwi na niya ito upang ipagpatuloy bukas ang ginagawa.“It’s getting late,” ani Stephanie. “Maaga pa tayo bukas.”Nag-inat si Wyeth nang makatayo. “May event nga pala bukas ang school. Kailangan kami nang maaga sa gymnasium.”“Good luck with that.”Napabuntonghininga si Wyeth. “Minsan gusto ko na lang din maging estudyante ulit.”Natawa si Stephanie. “Kasalanan mo dahil hindi ka baby face.”Napataas ang kilay nito. “Sorry. Mature lang kasi akong tingnan.”Nagkibit-balikat siya. “Sabi mo.”Naghanda na si Stephanie para magpunta sa Impero Bar. It’s only twelve in the morning. Hindi siya sigurado kung nandoon pa ba si Avaluan, pero gusto niyang surpresahin ito. Isang araw lang silang hindi nagkita ay hindi na siya mapakali.“Ready to pick up your princess?” pang-aasar ni Wyeth.“Yeah. Ho
Kinabukasan, sinundo ulit niya si Avaluan sa kaniyang trabaho. Sa pagkakataong ‘to ay nagawa niyang makapagpalit ng uniporme bago umalis. Kaya naman suot ang kaniyang suit and tie, hinintay niya sa lobby si Avaluan.Nang matanaw ang kasintahan na papalabas ng elevator ay agad siyang napangiti. Napahinto siya nang makitang tumatawa ito kasama ang isang babae. Nang titigan ito ni Stephanie ay napagtanto niyang iyon ang babaeng nakita niya kahapon na napagkamalan siyang estudyante.Napahinto sa pagtawa si Avaluan nang matanaw si Stephanie. Mabilis itong tumakbo palapit sa kaniya at binigyan ng mahigpit na yakap. Hindi naman nawala ang tingin ni Stephanie sa babae nitong kasama habang yakap si Avaluan.“Kanina ka pa ba naghihintay?” tanong ni Avaluan.“Hindi naman. Kani-kanina lang.”Nang mapagtanto kung kanino nakatingin si Stephanie ay agad na nanlamig si Avaluan. Bago pa man siya makapagsalita ay inunahan na siya nang babae.“We meet again, kiddo,” nakangiting sambit ni Lealie kay Step
Matapos ang klase nila sa umaga ay nabigla si Stephanie nang lapitan siya halos lahat ng kaniyang mga kaklase. Napaatras pa siya dahil sa sobrang lapit ng iba sa kanila ngunit pinigilan niya ang sarili.“Ang balita naming home-schooled ka raw mula pagkabata,” ani isang babae na may kulay pulang buhok.“Ahm… oo. Ngayon lang ako naka-attend sa isang school na ganito.”“Bakit? Gusto mo bang ma-experience ang buhay sa isang school?” tanong naman ng isang babae na naka-army cut.“Parang—“Hindi na niya natapos ang sasabihin nang sumingit ang isang babae na may makapal na make up sa mukha. “O baka kasi naghirap na kayo kaya sa public school ka na pinag-aral ng mga magulang mo? Mahal ang pagpapa-home-schooling, ‘di ba?” Wala sa mga kaklase niya ang nag-react sa tanong na ‘yon. Miski sila ay gustong malaman kung may katotohanan ba ang bagay na ‘yon.Huminga nang malalim si Stephanie. “Totoo ‘yon. Na-bankrupt ang negosyo ng tatay ko kaya napilitan siyang pag-aralin ako rito.”Tumango-tango ang
Chapter 22“What?” hindi makapaniwalang tanong ni Stephanie. “You want us to disguise as students?” Napatingin pa siya kay Wyeth na siyang katabi niya upang kumpirmahin kung tama ba ang narinig niya. Iling lang ang naging tugon nito.“Actually,” ani Silvestre, “ikaw lang. Wyeth will disguise himself as one of the instructors there. He’s too old to be a student.”“Well masyado na rin akong matanda para um-attend pa ng klase at umaktong parang isang estudyante.”“The school can only accept one instructor.” Naupo si Silvestre sa kaniyang work desk upang ipakitang tapos na ang diskusyon at wala nang magagawa si Stephanie upang mabago ‘yon. “Iyon ang kondisyon ng principal.”Habang pabalik sa headquarters ay hindi pa rin maiwasan ni Stephanie ang pag-init ng ulo niya dahil sa naging desisyon ni Silvestre. Sinubukan niyang baguhin ‘yon pero hindi maipagkakailang ito pa rin ang may pinakamataas na ranggo sa kanila at hindi madaling baliin ang utos nito.Hindi pa rin siya isang ganap ng Mafia