Matapos ang klase nila sa umaga ay nabigla si Stephanie nang lapitan siya halos lahat ng kaniyang mga kaklase. Napaatras pa siya dahil sa sobrang lapit ng iba sa kanila ngunit pinigilan niya ang sarili.“Ang balita naming home-schooled ka raw mula pagkabata,” ani isang babae na may kulay pulang buhok.“Ahm… oo. Ngayon lang ako naka-attend sa isang school na ganito.”“Bakit? Gusto mo bang ma-experience ang buhay sa isang school?” tanong naman ng isang babae na naka-army cut.“Parang—“Hindi na niya natapos ang sasabihin nang sumingit ang isang babae na may makapal na make up sa mukha. “O baka kasi naghirap na kayo kaya sa public school ka na pinag-aral ng mga magulang mo? Mahal ang pagpapa-home-schooling, ‘di ba?” Wala sa mga kaklase niya ang nag-react sa tanong na ‘yon. Miski sila ay gustong malaman kung may katotohanan ba ang bagay na ‘yon.Huminga nang malalim si Stephanie. “Totoo ‘yon. Na-bankrupt ang negosyo ng tatay ko kaya napilitan siyang pag-aralin ako rito.”Tumango-tango ang
Kinabukasan, sinundo ulit niya si Avaluan sa kaniyang trabaho. Sa pagkakataong ‘to ay nagawa niyang makapagpalit ng uniporme bago umalis. Kaya naman suot ang kaniyang suit and tie, hinintay niya sa lobby si Avaluan.Nang matanaw ang kasintahan na papalabas ng elevator ay agad siyang napangiti. Napahinto siya nang makitang tumatawa ito kasama ang isang babae. Nang titigan ito ni Stephanie ay napagtanto niyang iyon ang babaeng nakita niya kahapon na napagkamalan siyang estudyante.Napahinto sa pagtawa si Avaluan nang matanaw si Stephanie. Mabilis itong tumakbo palapit sa kaniya at binigyan ng mahigpit na yakap. Hindi naman nawala ang tingin ni Stephanie sa babae nitong kasama habang yakap si Avaluan.“Kanina ka pa ba naghihintay?” tanong ni Avaluan.“Hindi naman. Kani-kanina lang.”Nang mapagtanto kung kanino nakatingin si Stephanie ay agad na nanlamig si Avaluan. Bago pa man siya makapagsalita ay inunahan na siya nang babae.“We meet again, kiddo,” nakangiting sambit ni Lealie kay Step
Napapikit si Stephanie nang kumirot ang sentido niya. Pagtingin niya sa orasan ay halos mag-aalas dose na ng madaling araw. Nang mapatingin kay Wyeth ay mukhang tapos na rin ito sa ginagawa kaya naman pinauwi na niya ito upang ipagpatuloy bukas ang ginagawa.“It’s getting late,” ani Stephanie. “Maaga pa tayo bukas.”Nag-inat si Wyeth nang makatayo. “May event nga pala bukas ang school. Kailangan kami nang maaga sa gymnasium.”“Good luck with that.”Napabuntonghininga si Wyeth. “Minsan gusto ko na lang din maging estudyante ulit.”Natawa si Stephanie. “Kasalanan mo dahil hindi ka baby face.”Napataas ang kilay nito. “Sorry. Mature lang kasi akong tingnan.”Nagkibit-balikat siya. “Sabi mo.”Naghanda na si Stephanie para magpunta sa Impero Bar. It’s only twelve in the morning. Hindi siya sigurado kung nandoon pa ba si Avaluan, pero gusto niyang surpresahin ito. Isang araw lang silang hindi nagkita ay hindi na siya mapakali.“Ready to pick up your princess?” pang-aasar ni Wyeth.“Yeah. Ho
Chapter 26Pumila si Stephanie sa likod ng mga kaklase niya. Sinundan niya ang mga ito upang makahanap ng upuan sa bleachers kung saan halos mapuno na ng mga estudyante. Nang makahanap sila ay hinintay nilang magsimula ang program.Nakita niya kung saan nakaupo si Wyeth kasama ang iba pang mga guro. Malawak ang ngiti nito habang nakikipag-usap sa isa pang guro kaya hindi niya napansin ang pag-irap sa kaniya ni Stephanie.Parang tuwang-tuwa pa kasi ito sa ginagawa nila. Kung may pagpipilian lang talaga si Stephanie ay umalis na siya rito para gawin ang misyon sa ibang paraan. But sadly, ito na ang paraang ‘yon.“Carl, dito!” bulalas ni Sam sa isang estudyante na naghahanap din ng mauupuan.Hindi na dapat papansinin ni Stephanie ang lalaking tinawag nito, ngunit nang magtama ang tingin nila ay halos mapanganga siya.Carl Esteban, sa isip ni Stephanie. Tila nawala ang pagkabagot niya sa nagsisimula nang programa. Wala siyang ideya kung kaano-ano ni Sam si Carl, pero ito na ang pagkakatao
Chapter 27“Ngayon lang kita nakita, ah?” ani Carl. “Paano mo nakilala si Sam?” Bahagyang lumapit sa kaniya si Carl upang marinig niya dahil sa sobrang ingay ng mga bisita ni Sam.“Ah… magkaklase kami. Transferee kasi ako kaya ngayon mo lang ako nakita.” Muli siyang kumuha ng inumin at tinungga ‘yon. Kailangan niyang gawing pagkakataon ito para mapalapit sa lalaki.Tumango si Carl. “I see. ‘Buti naman at nakasama ka ngayon? Hindi ba strict ang parents mo?”“Hindi naman. Basta hatid-sundo ako ng driver namin at alam nila kung saan ako pupunta.”“Iba talaga kapag rich kid. May driver.”Mahinang natawa si Stephanie. “Marunong akong mag-commute.”“Wala akong sinasabi, ah?” natatawang sambit nito.Napairap na lang si Stephanie. “Hindi ako gaya ng mga napapanood niyo sa TV na spoiled. Hindi rin ganoon ka-strict ang parents ko kahit dati pa.”“I heard home-schooled ka. Anong pakiramdam?”“Paano mo nalaman?”Nagkibit-balikat ito. “Sam told me.”“Pinag-uusapan niyo ‘ko?” Pinaningkitan niya ito
Chapter 28Nakatitig si Stephanie sa pisara habang nagtuturo ang kanilang guro. Wala siyang naiintindihan sa sinasabi nito dahil na rin sa lalim ng nasa isip niya.Nagdadalawang-isip siya kung susunduin si Avaluan mamaya gaya ng nakagawian o hindi dahil sa naging alitan nila kagabi. Alam niyang kailangan ng kasintahan niya ng oras para mag-isip-isip pero ayaw naman niyang pagtagalin pa ang namamagitan sa kanila.Matapos ang klase, inaya siya nina Sam na kumain sa labas ngunit nahihiya siyang tumanggi. Hindi naman nagtanong sina Sam kung bakit kaya umalis na rin siya. Imbis na dumeretso sa harap ng building ay sa isang tabi muna siya pumarada. Napaaga rin kasi ang dating niya kaya paniguradong mayamaya pa lalabas ang mga empleyado.Pinaglalaruan ni Stephanie ang isang sigarilyo sa kaniyang kanang kamay habang nakasandal sa hood ng kotse niya. Mabuti na lang at nakapagpalit na rin siya ng damit kaya walang sumisita sa kaniya.Ilang minuto pa ang nakalipas ay nakita niya rin ang ilang m
Chapter 29“You’re right,” ani Wyeth. “Walang saysay ‘tong operasyon na ‘to kung may isa sa kanila ang mapahamak.”“I’ll leave the mastermind to you.”Napatingin sa kaniya si Wyeth. “Are you sure?”Tinaasan siya ng kilay ni Stephanie. “You scared?”Mahinang natawa si Wyeth. “Alam mong hindi ko tatanggihan ‘yan pero naisip lang kita. Aren’t you itching for some action?”Saglit na napatulala si Stephanie. Of course, gusto niya ng aksyon. Huling aksyon pa niya ay noong kay Nancy. Ngayong binansagan na siyang Mafia Queen, hindi na ulit niya ‘yon naranasan.“Not this time,” sabi ni Stephanie. “Gusto kong masiguradong magiging ligtas sina Carlo at ang mga kasama niya.”Tumango na lang si Wyeth nang may ngisi sa mga labi. Wala namang kaso sa kaniya kung siya ang haharap sa mastermind. Ang kailangan na lang niyang siguraduhin ay kung paano niya mahuhuli ito nang walang aberyang nangyayari. Dahil kapag nagkataon ay mapapagalitan siya ni Stephanie. Alam niyang malaki ang tiwala sa kaniya ni St
Chapter 30Mas lalong naging busy si Stephanie sa pag-aasikaso matapos ang naging misyon nila. Sinigurado nilang mananagot ang lahat ng mga sangkot sa pagbebenta ng ilegal na droga kabilang ang mga guro.Napalitan na rin ng mga bagong guro at namumuno ang paaralan. Marami ring mga kampanya ang nabuo sa loob na naghihikayat sa mga estudyante na sumali sa iba’t ibang aktibidad. Isa itong paraan laban sa ilegal na gawain.Bukod roon, ilang gabi ring pinag-isipan ni Stephanie kung ano pang tulong ang magagawa niya. Kaya naman sa biyaya rin ng mafia lord ay nagsimula siya sa pagbibigay ng scholarship kina Carlo at ilan pa sa mga atleta ng paaralan.Bilang huling araw niya sa paaralan bilang estudyante, sumali siya sa foundation week. Naglibot siya sa buong lugar kasama sina Sam at ang mga naging kaibigan niya.Kahit na saglit lang niyang nakasama ang mga ito ay napalapit na rin ang loob niya rito. Nasabi na niya sa mga itong lilipad siya sa ibang bansa upang ipagpatuloy ang pag-aaral niya.