Chapter 30Mas lalong naging busy si Stephanie sa pag-aasikaso matapos ang naging misyon nila. Sinigurado nilang mananagot ang lahat ng mga sangkot sa pagbebenta ng ilegal na droga kabilang ang mga guro.Napalitan na rin ng mga bagong guro at namumuno ang paaralan. Marami ring mga kampanya ang nabuo sa loob na naghihikayat sa mga estudyante na sumali sa iba’t ibang aktibidad. Isa itong paraan laban sa ilegal na gawain.Bukod roon, ilang gabi ring pinag-isipan ni Stephanie kung ano pang tulong ang magagawa niya. Kaya naman sa biyaya rin ng mafia lord ay nagsimula siya sa pagbibigay ng scholarship kina Carlo at ilan pa sa mga atleta ng paaralan.Bilang huling araw niya sa paaralan bilang estudyante, sumali siya sa foundation week. Naglibot siya sa buong lugar kasama sina Sam at ang mga naging kaibigan niya.Kahit na saglit lang niyang nakasama ang mga ito ay napalapit na rin ang loob niya rito. Nasabi na niya sa mga itong lilipad siya sa ibang bansa upang ipagpatuloy ang pag-aaral niya.
WARNING! SPG! Consists of sensitive issues such as physical ab.u.se, mu.rd.er, explicit scenes, and harmful words that are not suitable for young and not open-minded readers. Read at your own risk.Matapos sind!han ang kaniyang sigarilyo, nagtungo si Stephanie sa balcony upang magpahangin. Maraming bituin sa madilim na kalangitan, indikasyon na hindi uulan ngayong gabi.Muling humith!t si Stephanie sa kaniyang sigarilyo bago ‘yon tinapon sa ashtray. Muli niyang sinipat ang lalaking ngayon ay nakahilata sa kama na kanina lang ay mainit nilang pinagsasaluhan.Kasalukuyang nakabukas ang mga mata nito habang walang-buhay na nakatingin sa kawalan. Nakalaylay ang braso nito sa gilid ng kama kung saan tumutulo ang sarili nitong du.go. Hindi na nag-abala pa si Stephanie na takpan ang hubad na katawan ng lalaki dahil ayaw niyang mas lalo pang madumihan ang kaniyang suot. Kaya naman dinukot niya ang kaniyang cellphone sa bulsa at nagtipa ng isang numero. “Mission done,” ani niya. “I need some
Pagkababa sa kaniyang pulang sasakyan, dumeretso si Stephanie sa loob ng headquarters. Binati siya ng gwardiya na nagbabantay sa entrance bago siya nagpatuloy patungong elevator. Pasara na sana ang elevator nang may marinig siyang sumigaw ng pangalan niya.“Steph, hold the door for me!”Ngunit imbis na pahintuin ang pinto sa pagsara ay pinanood niya lang ang lalaki na tumakbo. Bago magsara, nagawang iharang ng lalaki ang kaniyang braso ngunit halos mapangiwi naman siya sa sakit.Imbis na kumustahin ay napangisi na lang si Stephanie sa nangyari. “Mukhang bumabagal ka na, Wyeth. I’ll need you at the gym later at 7PM.”Nanlaki ang mga mata ni Wyeth habang nakaawang bibig. “P-Pero…”“Mula sa entrance hanggang sa elevator, you should have reached approximately three seconds. But it took you five whole seconds instead. Masyado yata akong naging maluwag sa ‘yo nitong mga nakaraan.”Pilit itong tumawa. “Masyado ka namang detalyado, Steph.”“I’ll send you a new set of regimen to finish everyda
Napangiti si Avaluan nang irapan siya ni Stephanie. Inaasahan na niya ang naging reaksyon ng dalaga bago pa man niya ito lapitan. Sa hindi malamang dahilan ay nage-enjoy siyang panoorin ang pagbabago ng kaniyang ekspresyon sa tuwing nakikita siya nito.“You again?” tanong ni Stephanie.“Grabe, ah?” Naupo siya sa tabi nitong stool. “Ang rude mo talaga.”Hindi nagsalita si Stephanie at tinungga lang ang kaniyang hawak.Humarap si Avaluan sa bartender. “Isang shot ng tequila, please. One for me, and one for my neighbor here.”Napatingin muna si Enteng kay Stephanie bago sumagot. “Right away, ma’am.”Humarap si Avaluan kay Stephanie. “Ang aga yata natin ngayon? Boy problem?”“I can say the same thing to you. And no, I don't have any boy problems. I am every guy’s problem.” Nang dumating ang shot ng tequila ay agad niya ‘yong inabot at tinungga. “Thanks for that.”Akmang aalis na ito nang pigilan siya ni Avaluan. Napatingin si Stephanie sa kamay nitong humawak sa kaniyang braso na agad nam
Isang suntok ang natanggap ng lalaki mula kay Stephanie nang tumawa ito. Ngunit imbis na indahin ang ginawa ng dalaga ay mas lalo pa siyang natawa. Dahil doon ay ilang suntok at sipa pa ang natanggap niya.Napahilata ito sa sahig nang itulak ni Stephanie. Napaubo na siya ng dugo at halos hindi na makilala ang mukha sa dami ng sugat at mga pasa. Hindi na rin siya makahinga nang maayos dahil sa barado nitong ilong kung saan umaagos ang dugo.Bahagyang lumayo si Stephanie habang pinapakalma ang sarili. Halos tatlong oras na silang naroon ngunit wala pa rin silang makuha galing sa lalaki. May ilan ding mga lalaki ang nakahilata sa saihg malapit sa kinatatayuan niya ngunit mga wala na itong buhay.Napabuntonghininga si Wyeth at siya na ang lumapit sa lalaki upang kausapin ito. “Uulitin ko, sino ang boss niyo?”Sinubukang ibuka ng lalaki ang kaniyang isang mata. “U-Uulitin ko rin, wala akong alam.”Pilit na ngumiti si Wyeth bago tumayo. At sa kaniyang pagtayo ay ang malakas niyang pagtapak
“Standby,” ani Stephanie sa kaniyang earpiece. “I can see them from here. They’re loading a black van.”“Roger,” sagot ni Wyeth.Pinanood ni Stephanie ang mga lalaking nagkakarga ng mga bag sa isang itim na van. Kasalukuyan siyang nasa ikalimang palapag habang naghihintay ng tamang tyempo para sumugod.Hindi pa sila sigurado kung ilan ang kasama nila. Kailangan nilang malaman ang kinalalagyan ng bawat grupo upang maiwasan ang aberya. Kahit na handa sila sa kahit anong mangyari, mas gusto pa rin nila ang magkaroon ng isang maayos na operasyon.Habang nililibot ang tingin sa buong compound ay napahinto ‘yon sa isang sulok. Naningkit ang mga mata ni Stephanie nang makita ang isang pamilyar na bulto ng tao. Noong una ay hindi niya dapat pagtutuonan ng pansin. Ngunit nang mapagtantong sinasaktan ito ng isa pang lalaki ay kumunot ang kaniyang noo.Tinatanggap lang ng babae ang pananakit na ginagawa sa kaniya ng isang lalaki. Nakayuko lang ito at hinaharang ang mga braso sa kaniyang ulo bila
“We’ve found out her location,” ani Wyeth pagkarating na pagkarating ni Stephanie sa headquarters.Agad na lumapit ang dalaga sa kaniya at tiningnan ang monitor ng computer kung saan naka-project ang isang footage ng CCTV. Saglit pa niya ‘yong tinitigan nang mamukhaan ang babae.“Nancy?” wala sa sariling sambit niya.“You know her?”Nagsimula siyang magtipa at binasa ang mga impormasyon na nakalap ni Froilan tungkol sa babae. “Not personally. Pero mayroon siyang isang sikat na clothing line sa bansa. Is she our suspect?”“She’s the boss herself, Steph.”Hindi na nagsalita pa si Stephanie at tinapos na ang pagbabasa. Matapos siya sa ginagawa ay napasandal siya sa upuan at napabuntonghininga. Hinilot niya ang kaniyang sentido nang kumirot ‘yon sa tagal niyang nakatitig sa harap ng screen.“I didn’t know she’s also a mafio.so,” ani Stephanie. “And a boss at that. WIth this piece of information, there’s still a question we need an answer to.” Napatingin siya kay Wyeth. “Is she the big bos
“Magkasama yata kayo ngayon?” bungad ni Enteng nang dumating sina Stephanie at Avaluan nang magkasama.“Isang shot ng tequila, please,” sabay na sambit nina Stephanie at Avaluan.Natawa si Enteng. “Two shots para sa mga naggagandahang dilag.”“Thanks, Enteng,” ani Avaluan. “Maliit na bagay.”Naupo sila sa stools nang magsalita si Stephanie. “You never call me beautiful, Enteng. What’s with you today?”“Para kay Avaluan lang kasi talaga ‘yon. Nagkataon lang na magkasama kayo kaya dinamay na kita.”Tinaasan siya nito ng kilay ngunit hindi nagsalita. Tawa naman nang tawa si Avaluan sa tabi niya kaya ito naman ang tinaasan niya ng kilay.“Hindi ko alam na conscious ka rin pala sa itsura mo,” ani Avaluan. “Huwag kang mag-alala, palagi na kitang tatawaging maganda para hindi ka na magtampo.”“I don’t want to be called that. Nagtataka lang ako kung bakit niya ako tinawag na maganda. It’s creepy.”“Pero maganda ka naman, ah?”“Whatever. Don’t call me that.”Nang mapansin ni Stephanie si Enten