Share

Chapter 7

last update Huling Na-update: 2024-01-26 09:31:13

“Magkasama yata kayo ngayon?” bungad ni Enteng nang dumating sina Stephanie at Avaluan nang magkasama.

“Isang shot ng tequila, please,” sabay na sambit nina Stephanie at Avaluan.

Natawa si Enteng. “Two shots para sa mga naggagandahang dilag.”

“Thanks, Enteng,” ani Avaluan. “Maliit na bagay.”

Naupo sila sa stools nang magsalita si Stephanie. “You never call me beautiful, Enteng. What’s with you today?”

“Para kay Avaluan lang kasi talaga ‘yon. Nagkataon lang na magkasama kayo kaya dinamay na kita.”

Tinaasan siya nito ng kilay ngunit hindi nagsalita. Tawa naman nang tawa si Avaluan sa tabi niya kaya ito naman ang tinaasan niya ng kilay.

“Hindi ko alam na conscious ka rin pala sa itsura mo,” ani Avaluan. “Huwag kang mag-alala, palagi na kitang tatawaging maganda para hindi ka na magtampo.”

“I don’t want to be called that. Nagtataka lang ako kung bakit niya ako tinawag na maganda. It’s creepy.”

“Pero maganda ka naman, ah?”

“Whatever. Don’t call me that.”

Nang mapansin ni Stephanie si Enteng na nakatitig sa kanila habang nakangiti ay napangiwi siya. “What’s with that creepy smile?”

“Natutuwa lang ako dahil ang close niyo na. Nakakapagbiruan na kayo nang ganiyan. Parang noong nakaraan lang, sinusungitan mo pa ‘tong si Ava dahil ang kulit-kulit.”

Napairap si Stephanie. “She’s still annoying. Nothing changed.”

Napanguso si Avaluan. “Annoying daw pero palagi akong sinasamahan. Ang sabihin mo, hinahanap-hanap mo na ‘yong kakulitan ko.”

“Of course not!”

“Bakit ka pumayag na sumama sa ‘kin ngayon? Hindi naman ito ang usual time ng pagpunta mo rito?”

“It’s not like I have a choice. Gusto kong uminom. I don’t have any other friends.”

Natawa na lang sina Avaluan at Enteng sa tinuran nito at iniba ang paksa. Mayamaya ay iniwan na sila ni Enteng para dumalo sa ibang customers.

Matagal silang nakatitig lang sa dance floor at nanonood nang magsalita si Stephanie, “He’s hurting you again?” Napatingin siya sa sugat nito sa braso na pilit mang itago ni Avaluan ay nakita pa rin niya.

“I’m fine.”

“You should really do something about your father. Hindi na tama ‘to.”

“Ayos lang talaga ako.”

Humarap siya kay Avaluan. “I remember the last time I saw him hurt you. Binabatukan ka niya, hinahampas ng matigas na bagay, at kung ano-ano pa. He’s a guy. Malakas siya. Isang pagkakamali lang niya, pwede kang malumpo.”

Napabuntonghininga si Avaluan. “Ibahin na lang natin ang usapan. Ayokong pag-usapan ‘yon.”

“Pero magpapatuloy lang ‘to kapag hindi natin pinag-usapan. You need to let him stop hurting you.”

“I said, I’m fine!” bulalas ni Avaluan. Napatingin sa kanila ang ilan na nakarinig sa kanila kaya agad na hininaan ni Avaluan ang kaniyang boses. “Ako na ang bahala sa tatay ko. Just mind your own business.”

Napatitig si Stephanie sa kaniya. “You said you wanted to be close to me.”

“Pero may privacy pa rin ako.” 

Hindi na nagsalita pa si Stephanie at nilagok na lang ang iniinom. 

“Alam mo ba kung bakit gusto kitang maging kaibigan?” tanong ni Avaluan. “Kasi ang buong akala ko, hindi mo pakikialamanan ang tungkol sa tatay ko. Akala ko maiintindihan mo. I guess I’m wrong.”

Tumayo ito at saka umalis nang hindi nililingon si Stephanie. Napahilot na lang siya sa kaniyang sentido matapos ang naging komprontasyon nila. Hindi siya makapaniwalang sa ganoon hahantong ang pag-uusap nila. Parang kanina lang ay nagkakatuwaan pa sila.

Concern lang naman siya sa kalagayan nito. Sa tuwing magkasama sila, naaalala ni Stephanie kung paano ito saktan ng sarili nitong ama. Hindi na ‘yon normal. Kahit na sabihing lasing lang ‘to, bakit paulit-ulit? 

Ibig bang sabihin, palagi siyang sasaktan ng lalaking ‘yon kapag lasing ito? Mukhang araw araw ‘yong lasing. Ibig sabihin ba ay araw araw din siyang sasaktan nito?

Sa mga sumunod na araw, iniwasan na siya ni Avaluan. Hindi na rin siya nito pinadadalhan ng mensahe man lang. Madalang na rin itong magpunta sa Impero Bar. Kung nagpupunta man ito ay sinisigurado niyang hindi sila magkikita ni Stephanie.

Sinubsob ni Stephanie ang sarili sa kaniyang misyon. Nagplano silang tatlo nina Froilan at Wyeth upang matapos na ang misyon, pero pagkatapos n’on ay si Avaluan pa rin ang nasa isip niya bago matulog.

Gaya na lamang ngayon. Nakatitig na naman siya sa kisame habang binabalikan ang naging pag-uusap nilang dalawa. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maintindihan kung bakit ito nagalit sa kaniya gayong nag-aalala lang naman siya.

“Ganito ba ang mangyayari sa tuwing mag-aalala ako sa isang tao?” tanong niya sa sarili. “Ngayon na lang ako nag-alala sa ibang tao, parang kasalanan ko pa.”

Napabuntonghininga siya at pinilit na matulog. Ngunit matapos ang pag-ikot-ikot sa kaniyang kama ay napabalikwas na lang siya nang bangon.

“I need a drink.”

Dali-dali siyang nagbihis at nagtungo sa kaniyang sasakyan para dumeretso sa Impero Bar. Madaling araw na at lagpas na sa oras ng pag-inom niya pero alam niyang hindi siya makakatulog hangga’t ganitong gising na gising ang diwa niya.

Pagkarating niya, agad siyang um-order ng tequila. Nabigla pa si Enteng nang makita siya ngunit hindi na lang nagtanong.

“Ava’s here,” tanging sambit ni Enteng sa kaniya sabay nguso sa isang dereksyon.

Mabilis na napalingon si Stephanie ngunit agad ring umiwas ng tingin. Kung kailan iniiwasan niya ay saka naman ito nagpakita. Noong mga nakaraang araw na gusto niya itong makita at makausap ay hindi naman ito mahagilap.

Matapos ang ilang baso, napagpasyahan niyang lumapit kay Avaluan upang makausap ito. Kasama niya ang mga pinsan ngunit wala si Peter. Mukhang patapos na rin sila sa araw na ‘yon. Nang makaharap ang mga ito ay hindi man lang siya tiningnan ni Avaluan. 

“Can we talk?” tanong ni Stephanie.

“Ava,” tawag ni Casper. “Kinakausap ka.”

Hindi na nakaangal pa si Avaluan at tumayo na para sundan si Stephanie sa labas ng bar. Sa parking lot nila naisipang mag-usap, malayo sa maingay na musika sa loob ng bar.

“Ano ‘yon? Parating na si kuya Ralph para sunduin ako kaya pakibilisan.”

“Are you really going to ignore me like this?” tanong ni Stephanie. “Ilang araw mo na ‘kong iniiwasan at hindi kinakausap. I thought you want to be close to me.”

“Sinagot ko na ang tanong na ‘yan. Gusto kong mapalapit sa ‘yo dahil ang buong akala ko, maiintindihan mo ‘yong nangyayari sa ‘kin.”

“Pero malapit na ang loob ko sa ‘yo. If I see something wrong, I’ll do something about it. “That’s what friends are for, right? Or am I wrong? Pasensiya na. I’m new to this friendship thing.”

Hindi nakasagot si Avaluan at nanatili lang na tahimik.

“Nevermind that. You said you wanted to be close to me. What am I supposed to do now? I also want to be close to you.”

Napaangat ang tingin ni Avaluan sa kaniya at napaawang ang bibig. “Anong ibig mong sabihin?”

“Ito ang unang beses na nag-open ako ng sarili ko sa ibang tao. Even Wyeth doesn’t know things about me.”

“Wyeth?”

“He’s a colleague I’ve been working with for almost a decade now. Anyway, nevermind him. Answer my question. What do I do now? Gusto mo bang tapusin na lang ‘to ngayon and act like nothing happened? Kasi sabihin mo na sa ‘kin kung gusto mo na akong lumayo sa ‘yo nang mas maaga bago pa lumalim ‘to.”

Huminga nang malalim si Avaluan. “Sa tingin ko, mali ang pagkakaintindi mo. Hindi kita nilapitan para maging kaibigan. Ang sabi ko gusto kong mapalapit sa ‘yo, hindi para maging kaibigan ko. Alam mo namang babae ang gusto ko, ‘di ba? Pasensiya na kung nagsinungaling ako. I approached you, hindi dahil gusto kitang maging kaibigan. I wanted something from you.”

Napakurap si Stephanie. “That’s what I thought, too.”

Napataas ang kilay ni Avaluan. “Huh?”

“I just told you, sabihin mo lang sa ‘kin kung gusto mo nang lumayo ako sa ‘yo bago pa lumalim ‘to.”

Hindi nakasagot si Avaluan at napatulala lang sa kaniya. Huminga siya nang malalim upang pakalmahin ang sarili. “Ibig mong sabihin…”

“I like you. I like you as a woman, Avaluan. At first, I thought I wanted to be your friend. Pero habang tumatagal at mas napapalapit ako sa ‘yo, I realized that I want to be more than just a friend of yours. I want to protect you.”

Bago pa makasagot si Avaluan ay isang busina na ang nakapagpatigil sa kanila. Nang harapin nila ang sasakyan ay roon lang napagtanto ni Avaluan na ang pinsan na pala niya ‘yon.

“I need to go,” ani Avaluan sabay talikod. Ngunit mayamaya ay napatigil siya bago tumalikod sa kaniya. “You’re probably drunk. Baka hindi mo alam kung ano ang sinasabi mo. Pero kung ganito pa rin ang nararamdaman mo bukas, come to me.”

Napatitig na lang si Stephanie sa papaalis na sasakyan. Nang mawala ito sa paningin niya ay napasandal na lang siya sa isang sasakyan upang suportahan ang sarili. 

Sa hindi malamang dahilan ay biglang nanghina ang mga tuhod niya. Napahawak siya sa kaniyang batok at napatawa nang mapagtanto kung ano ang ginawa niya.

“Did I just confessed my feelings for the first time?” tanong niya sa sarili pagkatapos ay muling natawa.

Dumeretso siya sa kaniyang sasakyan upang umuwi. Imbis na makatulog agad, mas lalo siyang hindi nakatulog dahil sa naging komprontasyon sa pagitan nila ni Avaluan. Ngunit imbis na pagsisihan ay mas lalo pa siyang napapangiti sa tuwing naaalala ang tagpong ‘yon.

Kaya naman kinabukasan ay nangangalo-mata itong dumating sa headquarters, bagay na napansin agad ni Wyeth.

“Okay ka lang?” tanong ng binata.

“Yeah. Just couldn’t sleep properly last night.”

Naupo si Wyeth sa isang bakanteng couch sa loob ng office ni Stephanie. “Stressed out with the mission?” Hindi sumagot si Stephanie. “We have a lot of time. Sa susunod na Sabado pa ang opening ng bagong branch ni Nancy. That’s when we’ll att.ack.”

Nakatitig lang si Stephanie sa harap ng kaniyang laptop at hindi pa rin pinapansin si Wyeth. Doon na napakunot ang noo ng binata at napansin ang kakaibang kilos nito. Sa ilang taon nilang magkakilala, alam na niyang may ibang bagay ang bumabagabag sa kaniya.

“Is everything okay?” tanong ni Wyeth.

Doon na napaangat ang tingin ni Stephanie. “Yeah. Of course. Why wouldn’t it be?”

“First, hindi mo pinapansin ang sinasabi ko. And second, nakatulala ka lang diyan. Not to mention, your eyes are so dark, which rarely happens. Kahit na ang mga misyon natin kung saan gising tayo ng ilang araw, hindi nagkakaganiyan ang mga mata mo.”

Bumuntonghininga si Stephanie. “I’m just thinking of something. Don’t worry about it.”

Sumeryoso ang tingin ni Wyeth. “Just make sure it won’t affect our mission, then.”

“I know how important this is for you. Importante rin ‘to para sa ‘kin. I know what I’m doing. I’ll be fine before you know it.”

Tumango si Wyeth bago iniba ang paksa. Alam ng binata kung gaano kaimportante ang misyong ‘to para kay Stephanie. Ito ang magsasabi kung mananatili ba siya sa organisasyon o ipapatapon sa mas mababang pwesto.

Sa oras na hindi sila magtagumpay rito, ang pinakamataas na posisyong makukuha nila ay sa isang opisina kung saan puro paperworks lang ang ibibigay sa kanila. Magiging malabo na magkaroon sila ulit ng operasyon kung saan derekta silang involve.

Alam din ni Stephanie kung gaano kahalaga ‘to kay Wyeth. Dito na sila pareho nabuhay. At sa oras na hindi nila ‘to mapagtagumpayan ay pareho silang babagsak. Iyon ang ayaw niyang mangyari dahil nakita niya kung paano binigay ni Wyeth ang buong buhay niya sa organisasyong ‘to.

Nagsimula si Wyeth na ilatag ang mga napag-usapan nila nang mga nakaraang araw bago nag-finalize ng gagawin nila. Magkakaroon ng opening ng clothing line si Nancy sa probinsya nila kaya iyon ang gagawin nilang pagkakataon para makausap ito. 

Ngunit alam nilang front lang ang clothing line na ‘to para sa pinakaplano nila sa lugar na ‘to. Naging halimbawa na lang ang nangyari noong mga naunang operasyon nila kung saan nagbebenta ito ng mga ilegal na bagay gaya na lang ng dro.ga.

Matapos ang naging misyon nila, pinadala nila ang mga ilegal na bagay na ‘yon sa headquarters ng ma.fia lord. Mukhang gusto talaga nitong paalisin at mawala si Nancy dahil teritoryo ito ni Silvestre Morgan, ang ma.fia lord ng Morgan Organization.

“Nagtataka lang ako,” ani Wyeth. “Bakit kailangang sa ‘tin ibigay ng ma.fia lord ang misyon ‘to. If he badly wants to secure his territory, he can send someone more powerful than us. He has his seven disciples to do his job for him.”

Napailing si Stephanie. “I don’t know either. Maybe they all have their own missions right now, and no one’s available.”

Naningkit ang mga mata ni Wyeth. “Or he wants you to be one of his disciples.”

“I wish.”

Natawa si Wyeth. “Alam kong seven disciples ang tawag sa kanila pero nagbabaka sakali lang naman ako. Everything’s possible.”

Napaisip din si Stephanie. There’s a huge possibility na i-promote siya sa mas mataas na posisyon. Pero hindi sumagi sa isip niya na mapabilang sa notorious seven disciples. Masyado pa siyang bata para sa posisyong ‘yon.

At wala pa siyang napapatunayan.

Kaugnay na kabanata

  • Stephanie, the Mafia Queen   Chapter 8

    Habang naglalakad palabas ng campus, napatigil si Avaluan nang makita ang isang pamilyar na bulto ng babae. Napatingin pa siya sa sasakyan na sinasandalan nito upang makumpirma kung tama ba ang nakikita niya.Imbis na matuwa ay bigla siyang kinabahan sa presensiya ni Stephanie. Napakatikas ng tindig nito kaya hindi niya maiwasang hindi ma-intimidate. Para bang napakalayo nito at ang hirap abutin.Nang mapatingin sa kaniya si Stephanie ay para bang gusto niyang mapaluhod. Biglang nanghina ang mga tuhod niya dahil sa napakalamig nitong tingin. Huminga na lang siya nang malalim upang pakalmahin ang sarili.“I’ve been waiting for an hour,” ani Stephanie na mas lalong ikinabilis ng tibok ni Avaluan. “But it’s fine. It’s worth the wait since I already saw you.”Napaangat ang tingin ni Avaluan. Kinailangan niya pang ipaulit ang sinabi nito upang masiguradong tama ang narinig niya.“You said to come to you if I still feel the same. Here I am.” Napangisi ito sa kaniya.Doon na napangiti si Ava

    Huling Na-update : 2024-01-30
  • Stephanie, the Mafia Queen   Chapter 9

    Nakayukong pumasok si Avaluan sa bahay. Hindi niya matingnan ang kaniyang stepdad matapos ang nangyaring tagpo kanina. Natatakot siyang baka bigla na naman itong magwala at saktan siya.Kahit na araw araw siyang bug.bugin nito ay hindi ibig sabihin no’n na hindi na siya nasasaktan. Sa tuwing dadapo ang palad o kamao nito sa kaniyang mukha ay para siyang mawawalan ng malay.Ngunit laking gulat niya nang hindi ito galit. Bagkus ay mahinahon pa ito nang magtanong. “Paano mo nakilala ang babaeng ‘yon?”Nilaro niya ang kaniyang mga daliri. “Sa Impero Bar po.”Sinamaan siya ng tingin nito. “Bar?” Napasinghal si Ryan. “At pa-bar-bar ka na lang ngayon. Imbis na umuwi ka nang maaga at tumulong dito sa bahay, nagagawa mo pang mag-bar? Pareho kayo ng nanay mo. Hindi mapirmi sa bahay!”Hindi nagsalita si Avaluan gaya ng palagi nitong ginagawa. Nakinig lang ito sa mga sinasabi niya. Ngunit hindi niya inaasahang hindi nito titigilan si Stephanie.“Mag-iingat ka sa babaeng ‘yon.” Nakatitig siya sa b

    Huling Na-update : 2024-02-01
  • Stephanie, the Mafia Queen   Chapter 10

    “Target’s approaching,” ani Wyeth.Inayos ni Stephanie ang kaniyang sarili bago nagsimulang maglakad papasok sa events place.Mayroong designer’s event sa isang sikat na hotel ngayon at dahil isa sa mga mahihilig si Stephanie sa iba’t ibang klase ng clothing lines, nagkaroon siya ng invitation.Wala siyang hilig magpunta sa mga ganitong event. Masyadong maraming tao at ang iba pa sa kanila ay masyadong sosyal para sa kaniya. Ngunit dahil pupunta ngayon si Nancy sa event na ‘to ay kailangan niya ring magpunta.Ngayon na nila balak isagawa ang plano nilang pag-kid.nap sa CEO ng D’Amico clothing line. At dahil nakipagkilala na siya rito ay tiyak na bahagyang gumaan na ang loob nito sa kaniya.Ngunit hindi pa rin sila pwedeng magpakampante lalo na at ang dami pa ring bodyguards ang nakapalibot sa kaniya ngayong gabi. Bukod pa roon, mahigpit din ang seguridad sa buong events place.Kailangan nilang maging maingat sa magiging kilos nila. Kay Stephanie nakasalalay ang tagumpay ng operasyon n

    Huling Na-update : 2024-02-02
  • Stephanie, the Mafia Queen   Chapter 11

    Warning: Bed scenePagkarating na pagkarating ni Stephanie sa Impero Bar ay agad nahanap ng kaniyang mga mata si Avaluan. Kasalukuyan itong nakikipaghuntahan sa mga pinsan niya kaya hindi agad napansin ang presensiya niya.Dahan-dahan siyang lumapit dito dahil bigla siyang nakaramdam ng hiya ngayong nakita niya sina Casper. Sa hindi malamang dahilan ay natakot siya sa magiging reaksyon ng mga ito sa oras na malaman ang tungkol sa kanila ni Avaluan.“Hi, Stephanie!” pambungad na bati ni Peter na may malawak na ngiti.Sabay-sabay silang napatingin sa bagong dating kaya napaiwas na lang ng tingin si Stephanie. Pero nagulat siya nang biglang lumapit si Avaluan sa kaniya at niyakap ito nang mahigpit. Para bang wala siyang pakialam kung nakatingin sa kanila ang mga pinsan niya.“Akala ko hindi na kita maaabutan,” ani Avaluan. “How’s work?”“Yeah. I thought so, too.”Humiwalay si Avaluan sa yakap at kunot-noo itong tiningnan. “I guess work’s not good.”Umiling lang si Stephanie at muli siyan

    Huling Na-update : 2024-02-03
  • Stephanie, the Mafia Queen   Chapter 12

    Nang makarating si Stephanie sa kaniyang office ay napahilot siya sa kaniyang sentido. Nagawa niyang kalimutan ang problema niya panandalian nang makasama si Avaluan kagabi, pero ito at bumalik na naman.Doon niya napagtantong kahit anong pag-iwas niya ay hindi mawawala ang problema niya hangga’t hindi niya ginagawan ng paraan para masolusyonan. Napansin naman ni Wyeth ang pag-aalala niya at agad na nahulaan ang nasa isip nito. “You’re thinking too much, again, Steph,” ani niya. “I can’t help it. Hangga’t hindi ko nasisigurado, patuloy ko ‘yong aalalahanin.”Mahina itong natawa. “Kaya nga habang busy ka kagabi ay inaksaya ko na ang oras ko para tingnan ang tungkol sa sinabi ni Nancy.”Napataas ang kilay ni Stephanie. “How’d you know I was busy?”“Ayoko na lang magsalita, at huwag mo nang itanong.” Napataas ang dalawang kilay ni Wyeth. “Anyway, I didn’t find much like what Nancy said. Miski si Froilan ay nahirapang hanapin ang lahat patungkol sa kaniya pero mayroon naman kaming nahan

    Huling Na-update : 2024-02-04
  • Stephanie, the Mafia Queen   Chapter 13

    Saglit na napatitig si Avaluan sa kaniya bago tipid na ngumiti. “Hindi ako magkakaganito kung hindi ako handang mahalin ka nang buo,” ani niya.Hindi nagsalita si Stephanie.“Binalaan na ako ni kuya Casper tungkol sa ‘yo. Bago pa man kita kulitin, marami na siyang sinabi sa ‘kin. He told me how dangerous you are, and how bad you are for me. Pero nasaan pa rin ba ako ngayon? Nandito pa rin ako sa tabi mo.”“Maybe you should have listened to your cousin.” Napabuntonghininga si Avaluan at akmang magsasalita nang unahan siya ni Stephanie. “Listen, I’m worse than you think I am. I am more dangerous than you think.”“How dangerous? Papa.tayin mo ba ‘ko at ibebenta ang lamang loob ko?” natatawang tanong niya pero hindi nagawang tumawa ni Stephanie sa naging biro niya.Umiling si Stephanie. “I don’t do that.”“Then, I’m fine! Ano pa bang mas mapanganib do’n? Kung hindi mo naman ako papa.tayin, ano pa ang mas masama roon?”“Yes, you’re right. I can’t ki.ll you. There’s no way I can harm you in

    Huling Na-update : 2024-02-05
  • Stephanie, the Mafia Queen   Chapter 14

    For the next days, tinuon ni Stephanie ang kaniyang atensyon sa trabaho. Ngunit kahit anong gawin niyang pagtatago ay pansin pa rin ‘yon ni Wyeth. Sa ilang taon nilang pagsasama, alam na alam na ni Wyeth kung may bumabagabag ba sa isip ni Stephanie. Alam niya kung may problema ‘to o kung may iniinda ito. At pagkapasok pa lang nito ng meeting room kanina ay iyon agad ang napansin niya.“Let’s take a break,” ani Wyeth.“No need. Patapos na tayo. We can’t afford to waste any more time.” Akmang kukuhanin ang panibagong mga papel na naglalaman ng impormasyon nang unahan siya ni Wyeth.“Don’t push yourself, Stephanie. Alam kong may bumabagabag sa ‘yo. Hindi mo kakayaning magtrabaho nang 100 percent kapag hindi mo ‘yon pinagtuunan ng pansin. Take a rest.”Saglit lang niyang tiningnan si Wyeth. Nang mapagtantong hindi ito magpapatalo ay huminga na lang siya nang malalim bago sumalampak sa upuan niya. Sumandal siya roon at saka pumikit bago muling bumuntonghininga.Ilang sandali pa ay nagsali

    Huling Na-update : 2024-02-07
  • Stephanie, the Mafia Queen   Chapter 15

    “I swear in my life, Nancy,” ani Stephanie. “If you harm her in any way, I’m going to ki.ll you right here, right now!”Ang tanging nagpipigil na lamang ngayon sa dalaga na sugurin ang babaeng kaharap ay ang kapakanan ni Avaluan. Hindi pa rin kasi niya nakikita ito at hindi siya sigurado kung nasa mabuti ba siyang kalagayan.Ngunit sa oras na bigyan siya ni Froilan at Wyeth ng hudyat na ligtas na si Avaluan, wala na siyang pakialam sa kung ano ang mangyayari kay Nancy at sa mga tauhan nito.Nasa isa silang construction site. Walang ibang gamit sa paligid kung hindi ang mga semento at hollow blocks na ginagamit ng mga construction worker. Halos patapos na rin ang konstruksyon sa paligid kaya ang ilang mga silid ay may pinto na.Hinuha ni Stephanie, nasa isang silid si Avaluan ngayon. Ang malaking tanong na lang ay kung nasaan ito at kung ligtas ba siya.Napatingin siya kay Nancy nang magsalita ito. “Calm down, tigress. Nasa mabuting kalagayan ang iyong iniirog.” Natawa pa siya nang ban

    Huling Na-update : 2024-02-10

Pinakabagong kabanata

  • Stephanie, the Mafia Queen   Chapter 30

    Chapter 30Mas lalong naging busy si Stephanie sa pag-aasikaso matapos ang naging misyon nila. Sinigurado nilang mananagot ang lahat ng mga sangkot sa pagbebenta ng ilegal na droga kabilang ang mga guro.Napalitan na rin ng mga bagong guro at namumuno ang paaralan. Marami ring mga kampanya ang nabuo sa loob na naghihikayat sa mga estudyante na sumali sa iba’t ibang aktibidad. Isa itong paraan laban sa ilegal na gawain.Bukod roon, ilang gabi ring pinag-isipan ni Stephanie kung ano pang tulong ang magagawa niya. Kaya naman sa biyaya rin ng mafia lord ay nagsimula siya sa pagbibigay ng scholarship kina Carlo at ilan pa sa mga atleta ng paaralan.Bilang huling araw niya sa paaralan bilang estudyante, sumali siya sa foundation week. Naglibot siya sa buong lugar kasama sina Sam at ang mga naging kaibigan niya.Kahit na saglit lang niyang nakasama ang mga ito ay napalapit na rin ang loob niya rito. Nasabi na niya sa mga itong lilipad siya sa ibang bansa upang ipagpatuloy ang pag-aaral niya.

  • Stephanie, the Mafia Queen   Chapter 29

    Chapter 29“You’re right,” ani Wyeth. “Walang saysay ‘tong operasyon na ‘to kung may isa sa kanila ang mapahamak.”“I’ll leave the mastermind to you.”Napatingin sa kaniya si Wyeth. “Are you sure?”Tinaasan siya ng kilay ni Stephanie. “You scared?”Mahinang natawa si Wyeth. “Alam mong hindi ko tatanggihan ‘yan pero naisip lang kita. Aren’t you itching for some action?”Saglit na napatulala si Stephanie. Of course, gusto niya ng aksyon. Huling aksyon pa niya ay noong kay Nancy. Ngayong binansagan na siyang Mafia Queen, hindi na ulit niya ‘yon naranasan.“Not this time,” sabi ni Stephanie. “Gusto kong masiguradong magiging ligtas sina Carlo at ang mga kasama niya.”Tumango na lang si Wyeth nang may ngisi sa mga labi. Wala namang kaso sa kaniya kung siya ang haharap sa mastermind. Ang kailangan na lang niyang siguraduhin ay kung paano niya mahuhuli ito nang walang aberyang nangyayari. Dahil kapag nagkataon ay mapapagalitan siya ni Stephanie. Alam niyang malaki ang tiwala sa kaniya ni St

  • Stephanie, the Mafia Queen   Chapter 28

    Chapter 28Nakatitig si Stephanie sa pisara habang nagtuturo ang kanilang guro. Wala siyang naiintindihan sa sinasabi nito dahil na rin sa lalim ng nasa isip niya.Nagdadalawang-isip siya kung susunduin si Avaluan mamaya gaya ng nakagawian o hindi dahil sa naging alitan nila kagabi. Alam niyang kailangan ng kasintahan niya ng oras para mag-isip-isip pero ayaw naman niyang pagtagalin pa ang namamagitan sa kanila.Matapos ang klase, inaya siya nina Sam na kumain sa labas ngunit nahihiya siyang tumanggi. Hindi naman nagtanong sina Sam kung bakit kaya umalis na rin siya. Imbis na dumeretso sa harap ng building ay sa isang tabi muna siya pumarada. Napaaga rin kasi ang dating niya kaya paniguradong mayamaya pa lalabas ang mga empleyado.Pinaglalaruan ni Stephanie ang isang sigarilyo sa kaniyang kanang kamay habang nakasandal sa hood ng kotse niya. Mabuti na lang at nakapagpalit na rin siya ng damit kaya walang sumisita sa kaniya.Ilang minuto pa ang nakalipas ay nakita niya rin ang ilang m

  • Stephanie, the Mafia Queen   Chapter 27

    Chapter 27“Ngayon lang kita nakita, ah?” ani Carl. “Paano mo nakilala si Sam?” Bahagyang lumapit sa kaniya si Carl upang marinig niya dahil sa sobrang ingay ng mga bisita ni Sam.“Ah… magkaklase kami. Transferee kasi ako kaya ngayon mo lang ako nakita.” Muli siyang kumuha ng inumin at tinungga ‘yon. Kailangan niyang gawing pagkakataon ito para mapalapit sa lalaki.Tumango si Carl. “I see. ‘Buti naman at nakasama ka ngayon? Hindi ba strict ang parents mo?”“Hindi naman. Basta hatid-sundo ako ng driver namin at alam nila kung saan ako pupunta.”“Iba talaga kapag rich kid. May driver.”Mahinang natawa si Stephanie. “Marunong akong mag-commute.”“Wala akong sinasabi, ah?” natatawang sambit nito.Napairap na lang si Stephanie. “Hindi ako gaya ng mga napapanood niyo sa TV na spoiled. Hindi rin ganoon ka-strict ang parents ko kahit dati pa.”“I heard home-schooled ka. Anong pakiramdam?”“Paano mo nalaman?”Nagkibit-balikat ito. “Sam told me.”“Pinag-uusapan niyo ‘ko?” Pinaningkitan niya ito

  • Stephanie, the Mafia Queen   Chapter 26

    Chapter 26Pumila si Stephanie sa likod ng mga kaklase niya. Sinundan niya ang mga ito upang makahanap ng upuan sa bleachers kung saan halos mapuno na ng mga estudyante. Nang makahanap sila ay hinintay nilang magsimula ang program.Nakita niya kung saan nakaupo si Wyeth kasama ang iba pang mga guro. Malawak ang ngiti nito habang nakikipag-usap sa isa pang guro kaya hindi niya napansin ang pag-irap sa kaniya ni Stephanie.Parang tuwang-tuwa pa kasi ito sa ginagawa nila. Kung may pagpipilian lang talaga si Stephanie ay umalis na siya rito para gawin ang misyon sa ibang paraan. But sadly, ito na ang paraang ‘yon.“Carl, dito!” bulalas ni Sam sa isang estudyante na naghahanap din ng mauupuan.Hindi na dapat papansinin ni Stephanie ang lalaking tinawag nito, ngunit nang magtama ang tingin nila ay halos mapanganga siya.Carl Esteban, sa isip ni Stephanie. Tila nawala ang pagkabagot niya sa nagsisimula nang programa. Wala siyang ideya kung kaano-ano ni Sam si Carl, pero ito na ang pagkakatao

  • Stephanie, the Mafia Queen   Chapter 25

    Napapikit si Stephanie nang kumirot ang sentido niya. Pagtingin niya sa orasan ay halos mag-aalas dose na ng madaling araw. Nang mapatingin kay Wyeth ay mukhang tapos na rin ito sa ginagawa kaya naman pinauwi na niya ito upang ipagpatuloy bukas ang ginagawa.“It’s getting late,” ani Stephanie. “Maaga pa tayo bukas.”Nag-inat si Wyeth nang makatayo. “May event nga pala bukas ang school. Kailangan kami nang maaga sa gymnasium.”“Good luck with that.”Napabuntonghininga si Wyeth. “Minsan gusto ko na lang din maging estudyante ulit.”Natawa si Stephanie. “Kasalanan mo dahil hindi ka baby face.”Napataas ang kilay nito. “Sorry. Mature lang kasi akong tingnan.”Nagkibit-balikat siya. “Sabi mo.”Naghanda na si Stephanie para magpunta sa Impero Bar. It’s only twelve in the morning. Hindi siya sigurado kung nandoon pa ba si Avaluan, pero gusto niyang surpresahin ito. Isang araw lang silang hindi nagkita ay hindi na siya mapakali.“Ready to pick up your princess?” pang-aasar ni Wyeth.“Yeah. Ho

  • Stephanie, the Mafia Queen   Chapter 24

    Kinabukasan, sinundo ulit niya si Avaluan sa kaniyang trabaho. Sa pagkakataong ‘to ay nagawa niyang makapagpalit ng uniporme bago umalis. Kaya naman suot ang kaniyang suit and tie, hinintay niya sa lobby si Avaluan.Nang matanaw ang kasintahan na papalabas ng elevator ay agad siyang napangiti. Napahinto siya nang makitang tumatawa ito kasama ang isang babae. Nang titigan ito ni Stephanie ay napagtanto niyang iyon ang babaeng nakita niya kahapon na napagkamalan siyang estudyante.Napahinto sa pagtawa si Avaluan nang matanaw si Stephanie. Mabilis itong tumakbo palapit sa kaniya at binigyan ng mahigpit na yakap. Hindi naman nawala ang tingin ni Stephanie sa babae nitong kasama habang yakap si Avaluan.“Kanina ka pa ba naghihintay?” tanong ni Avaluan.“Hindi naman. Kani-kanina lang.”Nang mapagtanto kung kanino nakatingin si Stephanie ay agad na nanlamig si Avaluan. Bago pa man siya makapagsalita ay inunahan na siya nang babae.“We meet again, kiddo,” nakangiting sambit ni Lealie kay Step

  • Stephanie, the Mafia Queen   Chapter 23

    Matapos ang klase nila sa umaga ay nabigla si Stephanie nang lapitan siya halos lahat ng kaniyang mga kaklase. Napaatras pa siya dahil sa sobrang lapit ng iba sa kanila ngunit pinigilan niya ang sarili.“Ang balita naming home-schooled ka raw mula pagkabata,” ani isang babae na may kulay pulang buhok.“Ahm… oo. Ngayon lang ako naka-attend sa isang school na ganito.”“Bakit? Gusto mo bang ma-experience ang buhay sa isang school?” tanong naman ng isang babae na naka-army cut.“Parang—“Hindi na niya natapos ang sasabihin nang sumingit ang isang babae na may makapal na make up sa mukha. “O baka kasi naghirap na kayo kaya sa public school ka na pinag-aral ng mga magulang mo? Mahal ang pagpapa-home-schooling, ‘di ba?” Wala sa mga kaklase niya ang nag-react sa tanong na ‘yon. Miski sila ay gustong malaman kung may katotohanan ba ang bagay na ‘yon.Huminga nang malalim si Stephanie. “Totoo ‘yon. Na-bankrupt ang negosyo ng tatay ko kaya napilitan siyang pag-aralin ako rito.”Tumango-tango ang

  • Stephanie, the Mafia Queen   Chapter 22

    Chapter 22“What?” hindi makapaniwalang tanong ni Stephanie. “You want us to disguise as students?” Napatingin pa siya kay Wyeth na siyang katabi niya upang kumpirmahin kung tama ba ang narinig niya. Iling lang ang naging tugon nito.“Actually,” ani Silvestre, “ikaw lang. Wyeth will disguise himself as one of the instructors there. He’s too old to be a student.”“Well masyado na rin akong matanda para um-attend pa ng klase at umaktong parang isang estudyante.”“The school can only accept one instructor.” Naupo si Silvestre sa kaniyang work desk upang ipakitang tapos na ang diskusyon at wala nang magagawa si Stephanie upang mabago ‘yon. “Iyon ang kondisyon ng principal.”Habang pabalik sa headquarters ay hindi pa rin maiwasan ni Stephanie ang pag-init ng ulo niya dahil sa naging desisyon ni Silvestre. Sinubukan niyang baguhin ‘yon pero hindi maipagkakailang ito pa rin ang may pinakamataas na ranggo sa kanila at hindi madaling baliin ang utos nito.Hindi pa rin siya isang ganap ng Mafia

DMCA.com Protection Status