“Target’s approaching,” ani Wyeth.Inayos ni Stephanie ang kaniyang sarili bago nagsimulang maglakad papasok sa events place.Mayroong designer’s event sa isang sikat na hotel ngayon at dahil isa sa mga mahihilig si Stephanie sa iba’t ibang klase ng clothing lines, nagkaroon siya ng invitation.Wala siyang hilig magpunta sa mga ganitong event. Masyadong maraming tao at ang iba pa sa kanila ay masyadong sosyal para sa kaniya. Ngunit dahil pupunta ngayon si Nancy sa event na ‘to ay kailangan niya ring magpunta.Ngayon na nila balak isagawa ang plano nilang pag-kid.nap sa CEO ng D’Amico clothing line. At dahil nakipagkilala na siya rito ay tiyak na bahagyang gumaan na ang loob nito sa kaniya.Ngunit hindi pa rin sila pwedeng magpakampante lalo na at ang dami pa ring bodyguards ang nakapalibot sa kaniya ngayong gabi. Bukod pa roon, mahigpit din ang seguridad sa buong events place.Kailangan nilang maging maingat sa magiging kilos nila. Kay Stephanie nakasalalay ang tagumpay ng operasyon n
Warning: Bed scenePagkarating na pagkarating ni Stephanie sa Impero Bar ay agad nahanap ng kaniyang mga mata si Avaluan. Kasalukuyan itong nakikipaghuntahan sa mga pinsan niya kaya hindi agad napansin ang presensiya niya.Dahan-dahan siyang lumapit dito dahil bigla siyang nakaramdam ng hiya ngayong nakita niya sina Casper. Sa hindi malamang dahilan ay natakot siya sa magiging reaksyon ng mga ito sa oras na malaman ang tungkol sa kanila ni Avaluan.“Hi, Stephanie!” pambungad na bati ni Peter na may malawak na ngiti.Sabay-sabay silang napatingin sa bagong dating kaya napaiwas na lang ng tingin si Stephanie. Pero nagulat siya nang biglang lumapit si Avaluan sa kaniya at niyakap ito nang mahigpit. Para bang wala siyang pakialam kung nakatingin sa kanila ang mga pinsan niya.“Akala ko hindi na kita maaabutan,” ani Avaluan. “How’s work?”“Yeah. I thought so, too.”Humiwalay si Avaluan sa yakap at kunot-noo itong tiningnan. “I guess work’s not good.”Umiling lang si Stephanie at muli siyan
Nang makarating si Stephanie sa kaniyang office ay napahilot siya sa kaniyang sentido. Nagawa niyang kalimutan ang problema niya panandalian nang makasama si Avaluan kagabi, pero ito at bumalik na naman.Doon niya napagtantong kahit anong pag-iwas niya ay hindi mawawala ang problema niya hangga’t hindi niya ginagawan ng paraan para masolusyonan. Napansin naman ni Wyeth ang pag-aalala niya at agad na nahulaan ang nasa isip nito. “You’re thinking too much, again, Steph,” ani niya. “I can’t help it. Hangga’t hindi ko nasisigurado, patuloy ko ‘yong aalalahanin.”Mahina itong natawa. “Kaya nga habang busy ka kagabi ay inaksaya ko na ang oras ko para tingnan ang tungkol sa sinabi ni Nancy.”Napataas ang kilay ni Stephanie. “How’d you know I was busy?”“Ayoko na lang magsalita, at huwag mo nang itanong.” Napataas ang dalawang kilay ni Wyeth. “Anyway, I didn’t find much like what Nancy said. Miski si Froilan ay nahirapang hanapin ang lahat patungkol sa kaniya pero mayroon naman kaming nahan
Saglit na napatitig si Avaluan sa kaniya bago tipid na ngumiti. “Hindi ako magkakaganito kung hindi ako handang mahalin ka nang buo,” ani niya.Hindi nagsalita si Stephanie.“Binalaan na ako ni kuya Casper tungkol sa ‘yo. Bago pa man kita kulitin, marami na siyang sinabi sa ‘kin. He told me how dangerous you are, and how bad you are for me. Pero nasaan pa rin ba ako ngayon? Nandito pa rin ako sa tabi mo.”“Maybe you should have listened to your cousin.” Napabuntonghininga si Avaluan at akmang magsasalita nang unahan siya ni Stephanie. “Listen, I’m worse than you think I am. I am more dangerous than you think.”“How dangerous? Papa.tayin mo ba ‘ko at ibebenta ang lamang loob ko?” natatawang tanong niya pero hindi nagawang tumawa ni Stephanie sa naging biro niya.Umiling si Stephanie. “I don’t do that.”“Then, I’m fine! Ano pa bang mas mapanganib do’n? Kung hindi mo naman ako papa.tayin, ano pa ang mas masama roon?”“Yes, you’re right. I can’t ki.ll you. There’s no way I can harm you in
For the next days, tinuon ni Stephanie ang kaniyang atensyon sa trabaho. Ngunit kahit anong gawin niyang pagtatago ay pansin pa rin ‘yon ni Wyeth. Sa ilang taon nilang pagsasama, alam na alam na ni Wyeth kung may bumabagabag ba sa isip ni Stephanie. Alam niya kung may problema ‘to o kung may iniinda ito. At pagkapasok pa lang nito ng meeting room kanina ay iyon agad ang napansin niya.“Let’s take a break,” ani Wyeth.“No need. Patapos na tayo. We can’t afford to waste any more time.” Akmang kukuhanin ang panibagong mga papel na naglalaman ng impormasyon nang unahan siya ni Wyeth.“Don’t push yourself, Stephanie. Alam kong may bumabagabag sa ‘yo. Hindi mo kakayaning magtrabaho nang 100 percent kapag hindi mo ‘yon pinagtuunan ng pansin. Take a rest.”Saglit lang niyang tiningnan si Wyeth. Nang mapagtantong hindi ito magpapatalo ay huminga na lang siya nang malalim bago sumalampak sa upuan niya. Sumandal siya roon at saka pumikit bago muling bumuntonghininga.Ilang sandali pa ay nagsali
“I swear in my life, Nancy,” ani Stephanie. “If you harm her in any way, I’m going to ki.ll you right here, right now!”Ang tanging nagpipigil na lamang ngayon sa dalaga na sugurin ang babaeng kaharap ay ang kapakanan ni Avaluan. Hindi pa rin kasi niya nakikita ito at hindi siya sigurado kung nasa mabuti ba siyang kalagayan.Ngunit sa oras na bigyan siya ni Froilan at Wyeth ng hudyat na ligtas na si Avaluan, wala na siyang pakialam sa kung ano ang mangyayari kay Nancy at sa mga tauhan nito.Nasa isa silang construction site. Walang ibang gamit sa paligid kung hindi ang mga semento at hollow blocks na ginagamit ng mga construction worker. Halos patapos na rin ang konstruksyon sa paligid kaya ang ilang mga silid ay may pinto na.Hinuha ni Stephanie, nasa isang silid si Avaluan ngayon. Ang malaking tanong na lang ay kung nasaan ito at kung ligtas ba siya.Napatingin siya kay Nancy nang magsalita ito. “Calm down, tigress. Nasa mabuting kalagayan ang iyong iniirog.” Natawa pa siya nang ban
Napatulala si Avaluan matapos marinig ang tungkol kay Stephanie mula kay Casper. Halo-halong emosyon ang naramdaman niya at hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin sa pinsan.“I can’t disclose any information other than that,” sambit ni Casper. “And now that you know about her, I’m sure the organization will start eyeing and investigating you. That’s the reason why I asked you if you’re ready for this information.”Huminga nang malalim si Avaluan. “Naiintindihan ko na kung bakit. Isa siyang ma.fioso kaya siya pumapa.tay. At ginagawa niya ‘yon dahil iyon ang utos ng mafia lord niyo. Ang ibig sabihin din nito, kagaya ka rin niya.”“Yeah, I am.”Napasinghal si Avaluan. “Sabay tayong lumaki. Sabay pa tayong naliligo noong mga bata tayo, ‘tapos ngayon ko lang malalaman na isa kang ma.fioso. Na pumapa.tay ka rin?”“Welcome to my world, ‘insan.”Napasabunot si Avaluan sa kaniyang buhok. “Hindi ako makapaniwala.”“Ano na ngayon ang balak mo?”“Anong ano na ang balak ko? Hindi ko naman ‘yan
Warning: Bed sceneBago makarating sa headquarters ay pinatigil ni Stephanie ang sasakyan sa Impero Bar.“Susunduin ba kita?” tanong ni Wyeth. Ngunit wala siyang sagot na nakuha mula sa dalaga.Napabuntonghininga na lang siya bago umalis. Naiintindihan naman niya kung bakit ganito ang naging reaksyon ng kaniyang boss. Hindi niya sinabi ang nangyayari dito kaya ganoon na lang ang naging reaksyon ni Stephanie sa mga nalaman.Sa kabilang banda, um-order naman si Stephanie ng madalas niyang inumin. Hindi pa rin siya nagsasalita at patuloy lang na tumitig sa kawalan habang pinauulit-ulit ang mga pangyayari kanina.“That je.rk, Wyeth,” bulong niya sa sarili. Naiinis siya sa kaniyang kanang kamay dahil nagmukha siyang tanga kanina. Siya lang ang hindi nakaaalam sa nangyayari. Ang mas nakapagpainit pa ng kaniyang ulo ay hindi man lang sinubukan ni Wyeth na ipaliwanag sa kaniya ang lahat. Hinayaan siya ni Wyeth na magmukhang tanga sa harap ng mafia lord.Napatingin siya nang may nagbaba ng ba
Chapter 30Mas lalong naging busy si Stephanie sa pag-aasikaso matapos ang naging misyon nila. Sinigurado nilang mananagot ang lahat ng mga sangkot sa pagbebenta ng ilegal na droga kabilang ang mga guro.Napalitan na rin ng mga bagong guro at namumuno ang paaralan. Marami ring mga kampanya ang nabuo sa loob na naghihikayat sa mga estudyante na sumali sa iba’t ibang aktibidad. Isa itong paraan laban sa ilegal na gawain.Bukod roon, ilang gabi ring pinag-isipan ni Stephanie kung ano pang tulong ang magagawa niya. Kaya naman sa biyaya rin ng mafia lord ay nagsimula siya sa pagbibigay ng scholarship kina Carlo at ilan pa sa mga atleta ng paaralan.Bilang huling araw niya sa paaralan bilang estudyante, sumali siya sa foundation week. Naglibot siya sa buong lugar kasama sina Sam at ang mga naging kaibigan niya.Kahit na saglit lang niyang nakasama ang mga ito ay napalapit na rin ang loob niya rito. Nasabi na niya sa mga itong lilipad siya sa ibang bansa upang ipagpatuloy ang pag-aaral niya.
Chapter 29“You’re right,” ani Wyeth. “Walang saysay ‘tong operasyon na ‘to kung may isa sa kanila ang mapahamak.”“I’ll leave the mastermind to you.”Napatingin sa kaniya si Wyeth. “Are you sure?”Tinaasan siya ng kilay ni Stephanie. “You scared?”Mahinang natawa si Wyeth. “Alam mong hindi ko tatanggihan ‘yan pero naisip lang kita. Aren’t you itching for some action?”Saglit na napatulala si Stephanie. Of course, gusto niya ng aksyon. Huling aksyon pa niya ay noong kay Nancy. Ngayong binansagan na siyang Mafia Queen, hindi na ulit niya ‘yon naranasan.“Not this time,” sabi ni Stephanie. “Gusto kong masiguradong magiging ligtas sina Carlo at ang mga kasama niya.”Tumango na lang si Wyeth nang may ngisi sa mga labi. Wala namang kaso sa kaniya kung siya ang haharap sa mastermind. Ang kailangan na lang niyang siguraduhin ay kung paano niya mahuhuli ito nang walang aberyang nangyayari. Dahil kapag nagkataon ay mapapagalitan siya ni Stephanie. Alam niyang malaki ang tiwala sa kaniya ni St
Chapter 28Nakatitig si Stephanie sa pisara habang nagtuturo ang kanilang guro. Wala siyang naiintindihan sa sinasabi nito dahil na rin sa lalim ng nasa isip niya.Nagdadalawang-isip siya kung susunduin si Avaluan mamaya gaya ng nakagawian o hindi dahil sa naging alitan nila kagabi. Alam niyang kailangan ng kasintahan niya ng oras para mag-isip-isip pero ayaw naman niyang pagtagalin pa ang namamagitan sa kanila.Matapos ang klase, inaya siya nina Sam na kumain sa labas ngunit nahihiya siyang tumanggi. Hindi naman nagtanong sina Sam kung bakit kaya umalis na rin siya. Imbis na dumeretso sa harap ng building ay sa isang tabi muna siya pumarada. Napaaga rin kasi ang dating niya kaya paniguradong mayamaya pa lalabas ang mga empleyado.Pinaglalaruan ni Stephanie ang isang sigarilyo sa kaniyang kanang kamay habang nakasandal sa hood ng kotse niya. Mabuti na lang at nakapagpalit na rin siya ng damit kaya walang sumisita sa kaniya.Ilang minuto pa ang nakalipas ay nakita niya rin ang ilang m
Chapter 27“Ngayon lang kita nakita, ah?” ani Carl. “Paano mo nakilala si Sam?” Bahagyang lumapit sa kaniya si Carl upang marinig niya dahil sa sobrang ingay ng mga bisita ni Sam.“Ah… magkaklase kami. Transferee kasi ako kaya ngayon mo lang ako nakita.” Muli siyang kumuha ng inumin at tinungga ‘yon. Kailangan niyang gawing pagkakataon ito para mapalapit sa lalaki.Tumango si Carl. “I see. ‘Buti naman at nakasama ka ngayon? Hindi ba strict ang parents mo?”“Hindi naman. Basta hatid-sundo ako ng driver namin at alam nila kung saan ako pupunta.”“Iba talaga kapag rich kid. May driver.”Mahinang natawa si Stephanie. “Marunong akong mag-commute.”“Wala akong sinasabi, ah?” natatawang sambit nito.Napairap na lang si Stephanie. “Hindi ako gaya ng mga napapanood niyo sa TV na spoiled. Hindi rin ganoon ka-strict ang parents ko kahit dati pa.”“I heard home-schooled ka. Anong pakiramdam?”“Paano mo nalaman?”Nagkibit-balikat ito. “Sam told me.”“Pinag-uusapan niyo ‘ko?” Pinaningkitan niya ito
Chapter 26Pumila si Stephanie sa likod ng mga kaklase niya. Sinundan niya ang mga ito upang makahanap ng upuan sa bleachers kung saan halos mapuno na ng mga estudyante. Nang makahanap sila ay hinintay nilang magsimula ang program.Nakita niya kung saan nakaupo si Wyeth kasama ang iba pang mga guro. Malawak ang ngiti nito habang nakikipag-usap sa isa pang guro kaya hindi niya napansin ang pag-irap sa kaniya ni Stephanie.Parang tuwang-tuwa pa kasi ito sa ginagawa nila. Kung may pagpipilian lang talaga si Stephanie ay umalis na siya rito para gawin ang misyon sa ibang paraan. But sadly, ito na ang paraang ‘yon.“Carl, dito!” bulalas ni Sam sa isang estudyante na naghahanap din ng mauupuan.Hindi na dapat papansinin ni Stephanie ang lalaking tinawag nito, ngunit nang magtama ang tingin nila ay halos mapanganga siya.Carl Esteban, sa isip ni Stephanie. Tila nawala ang pagkabagot niya sa nagsisimula nang programa. Wala siyang ideya kung kaano-ano ni Sam si Carl, pero ito na ang pagkakatao
Napapikit si Stephanie nang kumirot ang sentido niya. Pagtingin niya sa orasan ay halos mag-aalas dose na ng madaling araw. Nang mapatingin kay Wyeth ay mukhang tapos na rin ito sa ginagawa kaya naman pinauwi na niya ito upang ipagpatuloy bukas ang ginagawa.“It’s getting late,” ani Stephanie. “Maaga pa tayo bukas.”Nag-inat si Wyeth nang makatayo. “May event nga pala bukas ang school. Kailangan kami nang maaga sa gymnasium.”“Good luck with that.”Napabuntonghininga si Wyeth. “Minsan gusto ko na lang din maging estudyante ulit.”Natawa si Stephanie. “Kasalanan mo dahil hindi ka baby face.”Napataas ang kilay nito. “Sorry. Mature lang kasi akong tingnan.”Nagkibit-balikat siya. “Sabi mo.”Naghanda na si Stephanie para magpunta sa Impero Bar. It’s only twelve in the morning. Hindi siya sigurado kung nandoon pa ba si Avaluan, pero gusto niyang surpresahin ito. Isang araw lang silang hindi nagkita ay hindi na siya mapakali.“Ready to pick up your princess?” pang-aasar ni Wyeth.“Yeah. Ho
Kinabukasan, sinundo ulit niya si Avaluan sa kaniyang trabaho. Sa pagkakataong ‘to ay nagawa niyang makapagpalit ng uniporme bago umalis. Kaya naman suot ang kaniyang suit and tie, hinintay niya sa lobby si Avaluan.Nang matanaw ang kasintahan na papalabas ng elevator ay agad siyang napangiti. Napahinto siya nang makitang tumatawa ito kasama ang isang babae. Nang titigan ito ni Stephanie ay napagtanto niyang iyon ang babaeng nakita niya kahapon na napagkamalan siyang estudyante.Napahinto sa pagtawa si Avaluan nang matanaw si Stephanie. Mabilis itong tumakbo palapit sa kaniya at binigyan ng mahigpit na yakap. Hindi naman nawala ang tingin ni Stephanie sa babae nitong kasama habang yakap si Avaluan.“Kanina ka pa ba naghihintay?” tanong ni Avaluan.“Hindi naman. Kani-kanina lang.”Nang mapagtanto kung kanino nakatingin si Stephanie ay agad na nanlamig si Avaluan. Bago pa man siya makapagsalita ay inunahan na siya nang babae.“We meet again, kiddo,” nakangiting sambit ni Lealie kay Step
Matapos ang klase nila sa umaga ay nabigla si Stephanie nang lapitan siya halos lahat ng kaniyang mga kaklase. Napaatras pa siya dahil sa sobrang lapit ng iba sa kanila ngunit pinigilan niya ang sarili.“Ang balita naming home-schooled ka raw mula pagkabata,” ani isang babae na may kulay pulang buhok.“Ahm… oo. Ngayon lang ako naka-attend sa isang school na ganito.”“Bakit? Gusto mo bang ma-experience ang buhay sa isang school?” tanong naman ng isang babae na naka-army cut.“Parang—“Hindi na niya natapos ang sasabihin nang sumingit ang isang babae na may makapal na make up sa mukha. “O baka kasi naghirap na kayo kaya sa public school ka na pinag-aral ng mga magulang mo? Mahal ang pagpapa-home-schooling, ‘di ba?” Wala sa mga kaklase niya ang nag-react sa tanong na ‘yon. Miski sila ay gustong malaman kung may katotohanan ba ang bagay na ‘yon.Huminga nang malalim si Stephanie. “Totoo ‘yon. Na-bankrupt ang negosyo ng tatay ko kaya napilitan siyang pag-aralin ako rito.”Tumango-tango ang
Chapter 22“What?” hindi makapaniwalang tanong ni Stephanie. “You want us to disguise as students?” Napatingin pa siya kay Wyeth na siyang katabi niya upang kumpirmahin kung tama ba ang narinig niya. Iling lang ang naging tugon nito.“Actually,” ani Silvestre, “ikaw lang. Wyeth will disguise himself as one of the instructors there. He’s too old to be a student.”“Well masyado na rin akong matanda para um-attend pa ng klase at umaktong parang isang estudyante.”“The school can only accept one instructor.” Naupo si Silvestre sa kaniyang work desk upang ipakitang tapos na ang diskusyon at wala nang magagawa si Stephanie upang mabago ‘yon. “Iyon ang kondisyon ng principal.”Habang pabalik sa headquarters ay hindi pa rin maiwasan ni Stephanie ang pag-init ng ulo niya dahil sa naging desisyon ni Silvestre. Sinubukan niyang baguhin ‘yon pero hindi maipagkakailang ito pa rin ang may pinakamataas na ranggo sa kanila at hindi madaling baliin ang utos nito.Hindi pa rin siya isang ganap ng Mafia