Home / Romance / Shut Up and Take Me / 1- Tarnished reputation

Share

Shut Up and Take Me
Shut Up and Take Me
Author: Samantha Emanuelle

1- Tarnished reputation

last update Huling Na-update: 2023-11-14 09:02:39

"What did you do, Mia?"

Kitang-kita ni Mia ang nag-aapoy na galit sa mga mata ng amang si Vincent. Mahigpit ang pagkakakuyom ng mga palad nitong nakapatong sa lamesa.

 "I— I don't know, Dad. It just happened. I did not do anything," tugon niya.

"Alam mo ba kung ano ang posibleng mangyari sa kompanya natin dahil sa ginawa mo?"

Mia was shocked when her father slammed his fists on the table hard.

He walked towards her. "I trusted you with this company! I supported you! Ang akala ko ay ipagpapatuloy mo ang mga nasimulan ko. Ikaw pa pala ang posibleng tumapos ng lahat."

"Dad, I'm sorry! Wala talaga akong alam sa nangyari."

"Sigurado ka bang wala kang alam?" Bumalik si Vincent sa lamesa nito upang kunin ang isang envelope. He handed it to her.

Larawan ng isang pamilyar na babae ang bumungad kay Mia pagkahugot niya ng laman ng envelope na iyon.

"That woman is Sandra Fletcher, the daughter of one of the panelists in The Global Hotel Awards. Of course we didn't know that until now. I was informed just this morning. Nagpunta siya sa isa sa hotels natin para ma-experience ang five-star service ng ating kompanya. But what did she get? Disappointment! She claimed that you have been rude to her."

Napaisip si Mia at saka niya naalala ang guest na nakasagutan niya three days ago. "Dad, I can explain. Pakinggan n'yo muna ako," wika niya.

Vincent sighed. "Okay. Explain, Mia."

Mia composed herself. "Okupado na ang kwartong gusto niya. Yet she demanded to get that room against all odds. Kung sinunod ko siya, it would be unfair to the other guests. It will tarnish our company's reputation. We don't want that to happen, right? Dad, palagi mong sinasabi sa akin na ang reputasyon ng hotel ang pinakamahalaga sa lahat. Sa Blacksmith Hotels, pantay-pantay ang lahat."

"But this time, it's different," tugon ni Vincent. "At sana ipinaubaya mo na lang sa general manager ng hotel ang trabaho niya. Hindi ka na lang sana nakialam. Do I have to remind you na ikaw na ang CEO ng kompanyang 'to?"

"I was there, Dad. I had to interfere. Kung mahalaga sa atin ang guests, mahalaga rin ang mga empleyado natin. Nakikita kong binabastos na ng babaeng iyon ang empleyado natin, kaya kinailangan ko nang makialam lalo na at alam kong wala siya sa katwiran. Above all, I didn't know that she was an 'important' person. E di sana nagpagawa siya ng reservation para nakuha niya ang room na kaniyang gusto. Kaya kahit na nalaman ko pa kung sino siya ng araw na iyon, gano'n pa rin ang magiging desisyon ko. She won't still get the room."

"In the span of three days, mula sa five-star, bumaba sa two-star ang rating ng Blacksmith Hotels. Sabihin mo sa akin ngayon kung nakatulong ba ang paninindigan mo sa kompanya natin." Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Vincent. "Kapag bumagsak ang Blacksmith Hotels, you will be held accountable, Mia. And I don't care if you are my daughter. You will have to pay the consequences."

Nangilid ang mga luha ni Mia. But she held her head up high. Naniniwala siyang wala siyang ginawang mali kaya hindi siya dapat umiyak. "At ano'ng gagawin ninyo sa akin, Dad? Itatakwil ninyo ako? Iiwan n'yo ulit ako kagaya ng pag-iwan n'yo sa akin noon?"

Hindi umimik si Vincent. Napalunok ito.

"I looked up to you, Dad. Kahit iniwan mo noon ang inay para sa ibang babae, hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa inyo. Kahit na ginawa mo akong anak sa labas nang magpakasal ka sa babae mo, hindi pa rin ako nagalit sa inyo dahil sa sobrang paghanga ko sa inyo." Nagtiim ang kaniyang mga bagang. "Bata pa lang ako, alam ko na kung ano ang gusto kong maging. Gusto kong maging kagaya mo na isang kilala at matagumpay na negosyante. Hinangaan ko ang talino at prinsipyo mo. Pero ngayon, napagtanto ko na mali pala ako ng pinaniwalaan." Nailing siya. "You are selfish, Dad! You've always been."

"Totoo nga ang sabi ni Natalia. Binihisan man kita, umaalingasaw pa rin ang ugali mong squatter." Lalong humigpit ang pagkakakuyom ng mga palad ni Vincent.

"And now you're trying to insult me just because I am telling the truth," tugon ni Mia. "Ipapaalala ko lang ho sa inyo na hindi ko nakuha ang aking posisyon sa kompanyang 'to dahil anak ninyo ako. I worked hard for everything. You know that, Dad." She chuckled. "Ano nga ulit ang sabi n'yo noon? 'She is brave as hell. She has more balls than most men I know.'" She smiled. "Sinabi n'yo iyon, Dad. That was how you described me.

I am a self-made woman. Pinaaral ko ang sarili ko. Ni minsan, ni piso hindi ninyo ako sinuportahan hanggang makatapos ako. Nang pumasok ako sa kompanyang ito, nagsimula ako sa pinakamababang posisyon. Tiniis kong itinago mo akong anak sa lahat sa loob ng pitong taon. Lahat ng mayroon ako, pinaghirapan ko maski ang pagkilala mo sa akin bilang iyong anak."

"How dare you talk to me like that?" Uunday sana ng sampal si Vincent ngunit napigilan niya ang sarili. Mia didn't even flinch. He took a step back. "You know you can still fix this, Mia," wika niya sa mas kalmadong tono. "Tatlong buwan pa bago ang awarding. Makukuha pa ng Blacksmith Hotels ang Best Hotel Award, at makukuha ko pa ang Centennial Hotelier Award. You just have to apologize to that woman."

Mia smirked. "Iyon lang ba talaga ang mahalaga sa inyo, Dad? Iyong mga award?" aniya.

"D*mn it, Mia! Those were not just awards! You know that very well because we think alike. Hindi lahat ng hotel company at hindi lahat ng hotelier nakakakuha ng pagkakataon na ma-nominate at manalo sa pinaka-prestihiyosong award giving body sa buong mundo. Being nominated alone is a significant accomplishment. How much more kapag nakuha natin iyon? Mas makikilala ang Blacksmith Hotels sa buong mundo. At bilang isang hotelier, maisusulat ang pangalan ko sa kasaysayan sa larangan ng negosyo."

"Aanhin mo ang mga parangal kung kapalit naman no'n ang dangal mo't prinsipyo?" tugon ni Mia. "I used to believe that we think alike not until today. I'm sorry, Dad, but that woman won't get an apology from me."

Napapikit sa disappointment si Vincent. "Then, I have to remove you from your position," aniya.

"No need, Dad. I resign." Tumalikod siya at naglakad palayo sa ama.

"Iniinsulto mo ako, Amelia," mariing wika ni Vincent. "Masyado ka nang mayabang. Kahit gaano ka pa katalino at katapang, hindi ka magiging isang Ferrer nang dahil sa akin. You're nothing without me!"

Huminto si Mia sa paglalakad. "Hanggang ngayon pa rin pala hindi ninyo alam kung ano ang gusto ko." She painfully chuckled. "Hindi ko kailanman kinailangan ang apelyido ninyo. Ama ang kailangan ko. Pero mukhang hindi na mangyayari iyon. So, I guess from this day on, I just have to consider myself an orphan."

Nagpatuloy siya sa paglalakad palabas ng office ng kaniyang ama. Sinubukan siyang habulin ni Vincent, ngunit kahit halos pumutok na ang litid nito sa kakatawag sa kaniyang pangalan ay hindi niya na ito nilingon.

Kaugnay na kabanata

  • Shut Up and Take Me   2- Caught red-handed

    Nasapo ni Mia ang dibdib pagkalabas niya ng corporate building. Tumingala siya sa langit. All those seven years she worked hard to be in his father's company have just gone to waste. The confrontation between her and her father made her knees weak and shaky. Hindi niya alam kung paano niya kinayang sagutin nang gano'n ang kaniyang ama. Now, she knows there's no more turning back. Kailangan niyang panindigan ang naging desisyon n'ya ano man ang mangyari.Now, she needs something to calm her. And that is her fiancé, Oliver. Naalala niya ang pinakamasayang gabi ng buhay niya. Iyon ay ang gabi kung kailan ipinakilala siyang anak ni Vincent sa publiko kasabay ng pag-anunsiyo nitong siya na ang bagong CEO ng Blacksmith Hotels. Iyon din ang gabi kung kailan inalok siya ng kasal ni Oliver. Nang gabing iyon ay natupad ang lahat ng kaniyang mga pangarap.Nasapo niya ang kaniyang noo nang maalalang ikakasal na sila ni Oliver in six months. Dahil sa nangyari, siguradong maraming adjustments ang

    Huling Na-update : 2023-11-14
  • Shut Up and Take Me   3- Sinister schemes

    Oliver gathered courage to look at Mia’s eyes. “Matalino ka at magaling. Naging madali para sa iyo ang maabot ang posisyon mo sa kompanya. Habang ako, ilang taong nando’n pa rin sa kung saan ako nagsimula. Natalia can’t do anything for me. Kaya nang makiusap siya sa akin na lapitan ka, hindi na ako nagdalawang-isip,” aniya. “Matutulungan ko si Natalia. Higit sa lahat, matutulungan ko ang aking sarili. You were my largest stepping stone. At hindi ako nagkamali. Because of you, I got promoted. At naniwala akong hindi lang iyon ang mararating ko kung ipagpapatuloy ko ang relasyon natin. Kaya nang gawin kang CEO ni Tito Vincent, nakiusap ako kay Natalia na payagan akong pakasalan ka.”“Dad was so fond of you na parang balak yata niyang ibigay ang lahat ng yaman niya sa iyo,” pagpapatuloy ni Natalia sa wika ni Oliver. “Simula nang dumating ka, initsapwera niya na ako. Kaya pinayagan ko si Oliver na mag-propose sa iyo at pakasalan ka. Kapag kasal na kayo, may access pa rin ako sa lahat ng y

    Huling Na-update : 2023-11-14
  • Shut Up and Take Me   4- Hello, stranger!

    "Miss, lasing ka na," nag-aalalang wika ng bartender na tumangging bigyan pa siya ng alak."Hindi ba iyon ang point kung bakit may ganitong establishment? Para maglasing ang mga tao, 'di ba?" tugon ni Mia. Pero sa pagkakaalala niya, she had just a few shots. Hindi pa siya lasing. Ang lasing ay iyong susuray-suray na. Nahihilo siya nang kaunti, pero alam niyang hindi pa siya lasing.Pagkaalis niya sa condo unit ni Oliver ay umuwi siya sa mansiyon at umalis din na walang ibang dala kundi ang kaniyang sarili lamang. Isinumpa niyang kailanman ay hindi na siya babalik pa roon.Nagtungo siya sa isang bar upang pansamantalang makalimot. Unang beses niya sa ganoong lugar. Hindi niya naman unang beses na uminom, pero hindi siya sanay uminom."Pero, Miss, babae ka, at mag-isa ka lang na umiinom. Nag-aalala lang ho ako sa inyo. Paano kayo uuwi?""Wala ka nang pakialam do'n, basta bigyan mo pa ako ng alak!" tugon ni Mia. Napalingon siya nang mamalayang may umupo sa tabi ng kaniyang inuupuan. Isan

    Huling Na-update : 2023-11-14
  • Shut Up and Take Me   5- Taken

    "You're a virgin," Jacob concluded. Nagbuntong-hininga siya. "You probably need to rest. Lasing ka lang. Kapag sinunod kita, baka bukas pagsisihan mo ito. And worse, you might sue me.". "Give me a piece of paper and a ballpen," utos niya kay Jacob.Nagsalubong ang mga kilay ng binata. "What?" anito."Papel at ballpen! Gagawa ako ng kasulatan na nagsasabing ang mangyayari sa pagitan natin ay consensual. Pipirmahan ko." Mia stared at him. "I lost everything today, Jacob. Hindi ko na alam kung ano pa ang naghihintay sa akin bukas. Ipagkakait mo ba sa akin ang lumigaya kahit sa isang gabi lang?""D*mn! You're really serious." He stared at her. "You don't need to do that. You don't need to do a deed. You don't have to beg. Whoever that man is who made you feel unwanted has made the biggest mistake of his life. You're beautiful, Mia."Her drunk eyes got teary. Bakit gano'n ang epekto sa kaniya ng mga salita ng isang estranghero?"Kung alam mo lang ang nararamdaman ko ngayon habang tiniting

    Huling Na-update : 2023-11-17
  • Shut Up and Take Me   6- Hangover

    Nasapo ni Mia ang ulo. Kumikirot iyon. Nang ibukas niya ang kaniyang mga mata, kaagad niyang napansin na naroroon siya sa isang kwartong hindi pamilyar sa kaniya. Nagulat siya nang pumasok sa kwarto si Jacob."You're awake," wika ng binata.She pulled the sheets and covered her body when she realized her naked body is slightly exposed. Nagbaba siya ng tingin nang maramdamang nag-init ang magkabila niyang pisngi."Nagsisisi ka ba?" tanong ni Jacob.Umiling siya. "No. I'm just not used to waking up naked," tugon niya. "Kinumutan kita kanina bago ako lumabas ng kwarto. Malikot ka siguro kaya naalis." Nagbuntong-hininga ang binata. "Hindi mo naman siguro ako ipapakulong.""Katulad ng sinabi ko kagabi, what happened to us was consensual. Ginusto ko iyon. At salamat dahil pinagbigyan mo ako," kaswal niyang wika."Ginusto ko rin iyon, kaya wala kang dapat ipagpasalamat," tugon ni Jacob. Muli ay nag-init ang magkabilang pisngi ni Mia sa winika ng binata. She did her best to hide it from him

    Huling Na-update : 2023-11-22
  • Shut Up and Take Me   7- Stained

    "I never had a decent breakfast simula nang tumira ako sa mansiyon," wika ni Mia habang namamangha siya sa ginagawang pag-aasikaso sa kaniya ni Jacob. He cooked for her. "Kaya dapat i-enjoy mo ang food mo," tugon ni Jacob. "For sure." Mia smiled."How's your head?""I'm okay. I just need coffee.""Perfect!" Nagtungo si Jacob sa kusina at kinuha ang tinimplang kape. "Sakto lang ang init niyan para mainom mo kaagad," anito. Pagkatapos ay umupo na rin ito upang masaluhan si Mia."Thank you," nakangiting usal ni Mia, "for everything."Jacob nodded. "Kumain ka na. You need energy for the whole day. Malayu-layo ang biyahe natin," tugon niya. "What do you do for a living, Jacob?" biglang tanong ni Mia habang kumakain na sila ng binata."I have a farm in Canada," mabilis na tugon ni Jacob."Farm? Interesting.""Bata pa lang ako, iyon na ang pangarap ko- ang magkaroon ng farm. After my dad got sick, we had to go to Canada para maipagamot siya. We had to leave Lola Anita. I had a happy child

    Huling Na-update : 2023-11-22
  • Shut Up and Take Me   8- Nerdy, goofy transferee

    It's been thirty minutes since they left Bram's house. Habang nagmamaneho ay napatingin si Jacob kay Mia. Tulog ito. Pagod pa yata ito. Napangiti siya nang maalala ang nangyari sa nagdaang gabi. Mia is a very fascinating person. And he can't help but be attracted to her strong personality. But what attracted him more was when she showed her vulnerable side. Suddenly, he felt the urge to protect her. Bumuga siya ng hangin at ibinaling na ang atensiyon sa pagmamaneho. Two hours later..."Mia..." Marahan niyang niyugyog ang balikat ng dalaga. Kaagad namang nagmulat ang mga mata nito. "Kumain muna tayo."Napatingin sa labas si Mia. She looked at her wristwatch. It's almost twelve o'clock in the afternoon. Nagkataong bigla na lang din kumalam ang kaniyang sikmura. Katulad ng ginawa kanina ni Jacob, inasikaso nito ang kanilang pagkain. May baon sila kaya hindi na nila kailangang lumabas at maghanap ng makakainan."Ganito ka ba talaga?" biglang tanong niya sa binata habang kumakain."An

    Huling Na-update : 2023-11-23
  • Shut Up and Take Me   9- The farm

    Jacob smiled when she saw Mia's twinkling eyes habang iginagala nito ang mga mata sa paligid. "Ang ganda rito, ano?" aniya sa dalaga. Sa sobrang pagkamangha ay ngiti lang ang itinugon ni Mia."Jacob!"Napalingon ang binata nang marinig ang isang pamilyar na boses. "Manong Vic!" nakangiting tugon niya. "Ba't hindi ka man lang nagsabi na darating ka ngayong araw?" tugon ni Vic. Katiwala ito ni Anita sa farm."Maaabala pa ho kayo. Alam kong mag-iisip kayong paghandaan ako.""Natural! Ilang taon kang hindi nakauwi rito.""Ayos lang ho iyon, Mang Vic," tugon niya. "Ang Lola?"Nagbuntong-hininga si Vic. "Nasa bahay n'yo. Sa tuwing makikita ako ay itinataboy ako. Hindi niya ako nakikilala, Jacob. Pero may mga araw naman na naaalala niya ako," anito.Bumagsak ang mga balikat ni Jacob. "Makilala niya ho kaya ako?" nag-aalalang wika niya."Oo naman. Walang ibang bukambibig iyon kundi ikaw. Sabik na sabik na ngang makita ka. Paulit-ulit ang tanong doon sa tagapangalaga niya kung kailan ka ba da

    Huling Na-update : 2023-11-23

Pinakabagong kabanata

  • Shut Up and Take Me   50- Endings and new beginnings

    It was a beautiful sunny day and everything was peaceful, especially for Vincent... Isang buwan pagkatapos ng insidente kung saan ipinadukot ni Natalia si Mia at si Marco ay lumubha lalo ang sakit ni Vincent. Hindi umalis sa tabi nito si Mia. Hanggang sa huling sandali ay hindi ipinadama ni Mia na nag-iisa ito. Sa kabila ng lahat ng nangyari, pumanaw nang mapayapa si Vincent. At ngayon nga ay ang araw na inihatid na ito sa huli nitong hantungan.Hindi nakapunta ro'n si Natalia. Natalia lost her sanity. Hindi na nito kinaya ang lahat at tuluyan na itong bumigay. Sa kasalukuyan ay ginagamot ito sa isang mental health facility. "It's my fault," lumuluhang wika ni Diana. "Kinonsente ko ang lahat ng kapritso niya. Akala ko sa pamamagitan no'n ay nagiging isa akong mabuting ina sa kaniya. Now, look at what happened to her." Humagulgol ito."Lahat naman tayo may natutunan sa lahat ng nangyari. Iyon naman ang mahalaga," tugon ni Mia. "Ngayon, ikaw na lang ang mayro'n si Natalia. She needs y

  • Shut Up and Take Me   49- Realizations

    "God d*mn you, Oliver!" frustrated na sigaw ni Natalia. "You betrayed me!" She panicked at the truth that she would go behind bars. Nasa labas na ang mga pulis at naghihintay ng go signal upang arestuhin siya."This is for your own sake," tugon ni Oliver. "Maniwala ka sa akin, Natalia, hindi man kagaya ng dati, may natitira pang pagmamahal sa puso ko para sa iyo. Kaya hindi ako papayag na gumawa ka ng isang krimen.""Fvck! Sino ba ang nagsabi sa iyo na nandito ako?" wika ni Natalia. Natigilan siya nang maalala si Sandra. Sakto namang pumasok ito sa kwarto. "You b*tch!" turo niya rito. "Nagkamali akong pinagkatiwalaan kita. Duwag ka talaga!""I'm sorry, Natalia, you're just doing too much," tugon ni Sandra. "I just realized na wala naman akong mapapala. Jacob will just hate me even more. And he will never be mine.""Mga duwag!" sigaw ni Natalia. "Sa tingin ninyo, papayag akong basta-basta lang akong makulong?" aniya. In a blink of an eye, nakatakbo siya patungo sa kung saan niya inilap

  • Shut Up and Take Me   48- Hot pursuit

    "Natalia, please, tama na!" nagmamakaawang wika ni Mia. "Pakawalan mo na kami ng anak ko. Bakit mo ba 'to ginagawa? Natalia, hindi mo ako kaagaw kay Dad, lalong-lalo na sa kompanya. Bumalik ako sa Pilipinas hindi para bumalik sa mansiyon o sa kompanya. Kung nagpupunta man ako sa mansiyon, iyon ay dahil gusto ko lang makasama si Daddy. Kaunti na lang ang panahon niya. Hindi ba sa ganitong mga panahon, dapat nagtutulungan tayo?""Pwe!" bulalas ni Natalia. "Iyan na ang pinakanakakadiring narinig ko mula sa iyo. I will never do anything with you! Never!"Patuloy ang pagbagsak ng mga luha ni Mia. "Kung papatayin mo talaga ako, huwag naman sana sa harap ng anak ko. Kahit iyon na lang, Natalia. Maawa ka sa anak ko," aniya."At bakit kita susundin? Hindi ako papayag na hindi madamay ang anak mo. I will make sure that he will see you die. Dadalhin niya ang alaala na makita kang m*matay hanggang sa huli niyang hininga. I will make sure na pati siya hindi magiging masaya. He will leave this plac

  • Shut Up and Take Me   47- Cry for help

    Nababalisa na si Bianca. Kanina niya pa tinatawagan si Mia, ngunit hindi niya ito ma-kontak. Gusto niya sanang kumustahin kung ano ang nangyari sa pagpunta nito at ni Marco kay Jacob. Excited pa man din siya. Ilang beses niya pang sinubukang tawagan ito hanggang sa magpasya siyang tawagan si Jacob."Ano?" bulalas niya nang sabihin ni Jacob na hindi naman dumating sa malaking bahay ang mag-ina nito. "Binibiro mo ba ako, Jacob? She was supposed to arrive there kanina pa. Umalis sila ng inaanak ko kaninang alas nwebe. Ano'ng oras na?" Tumingin siya sa kaniyang wristwatch. "Diyos ko! Alas kwarto na!""They're not here!" mariing wika ni Jacob na labis na rin ang kaba. "You should have called me earlier.""Malay kong hindi sila darating diyan. Ang akala ko, sa mga oras na ito, masaya na kayong nagba-bonding. Akala ko, sobrang busy lang ni Mia kaya hindi niya ako matawagan," ani Bianca. "So, ano, tatawag na ba ako ng pulis?""Yes, please. I'm gonna go for a drive. Magbabakasakali akong nasa

  • Shut Up and Take Me   46- Abducted

    "Relax, Mia!" nangingiting wika ni Bianca sa kaibigan. Natataranta kasi ito habang naghahanda papaalis. "Pasensya ka na, B., ha? Kailangan muna nating i-delay ang opening ng Marco's Kitchen. I really need to do this," wika ni Mia."Ano ka ba! Kung may kapangyarihan lang ako, ipina-teleport na kita ro'n. And you will land straight in the arms of Jacob." Aktong niyakap niya ang sarili habang kinikilig."Baliw ka talaga!" natatawang wika ni Mia."Mas baliw ka," tugon ni Bianca. "Baliw sa pag-ibig."Natawa na lamang at nailing si Mia sa kaibigan. Nang tapos na siyang naghanda ay kaagad na silang umalis ni Marco."We will surprise your daddy," excited na wika ni Mia sa anak. "He doesn't know that we're going there. And we will stay there for a while.""How long, Mommy?" nangniningning ang mga matang tanong ni Marco."For as long as you want."Napanganga si Marco. "Thank you, Mommy! You're the best!" Ngumiti lang si Mia.Ilang minuto pa ang lumipas... Biglang nag-preno si Mia nang biglang

  • Shut Up and Take Me   45- The deal

    Matamang tinititigan ni Vincent ang anak na si Mia. Dumating ito mga ilang minuto na ang nakararaan ngunit nananatili itong tahimik at walang imik. "Pwede mong sabihin sa akin kung ano ang tumatakbo sa isipan mo. May problema ba, anak?" tanong niya rito.Pinilit ngumiti ni Mia. "I'm okay, Dad. Hindi ko na ho kayo dapat binibigyan pa ng ibang alalahanin," tugon niya."It's okay. Tell me," ani Vincent. "Gusto kong maramdamang ama mo ako. Gusto kitang tulungan. Sabihin mo sa akin, ano ba ang gumugulo sa isipan mo?" Nagbuntong-hininga si Mia. "I still love Jacob, Dad," sa wakas ay tugon niya."Mahal ka rin ba niya?"Tumango si Mia habang nangingilid ang mga luha. "So, what's the matter? Then you should be together again," ani Vincent."Dad, paano ka?" "Anong paano ako?""He can't forgive you, Dad. Anong klaseng relasyon ang magiging relasyon namin kung hindi kayo okay?"Nagbuntong-hininga si Vincent. "Love is between two people, Amalia. And nothing should come between them," wika niya.

  • Shut Up and Take Me   44- Debt of gratitude

    Hiniling ni Jacob na hayaan muna siyang mag-isa sa bahay kaya umalis si Marites. Nang mga oras na iyon ay nais niyang uminom at maglasing. Kung kailan akala niya ay okay na ang lahat ay saka naman parang unti-unti na namang gumuguho ang pangarap niya.Napalingon siya sa pinto nang makarinig ng mga pagkatok. Sa pag-aakalang si Mia iyon na nagbago ang isip at bumalik ay halos patakbo siyang nagtungo patungo roon. Ngunit nang buksan niya ang pinto ay malaking pagkadismaya ang kaniyang naramdaman."What are you doing here?" matabang na tanong niya kay Sandra."Paying you a visit," mabilis na tugon ng dalaga. Tuloy-tuloy na itong pumasok sa bahay.Napabuntong-hininga si Jacob. "Ano'ng kailangan mo?" aniya."Won't you even offer me something to drink or anything?" ani Sandra. She smiled. "I missed you, Jacob. Bakit hindi mo na ako dinadalaw?""I'm busy," wala sa loob na tugon ng binata. "Sobrang busy mo naman at pati pagtawag hindi mo magawa.""I'm really busy."Nagtiim ang mga bagang ni S

  • Shut Up and Take Me   43- Hold back

    Panay ang irap ni Mia habang tinutukso siya ng kaibigang si Bianca. "Aminin mo na kasi. Halata naman na may feelings ka pa para sa ex mo," ani Bianca. "Mula nang manggaling ka ro'n, nag-iba na ang kislap ng mga mata mo. Naging shining, shimmering, splendid na.""Ewan ko sa 'yo, Bianca. Lubayan mo na ako, at busy ako," tugon ni Mia."Kidding aside, wala namang masama kung magkakabalikan kayo. Lalo na kung mahal pa ninyo ang isa't isa. Huwag ka nang mag-deny. Kilala kita."Napabuntong-hininga si Mia. "Hindi iyon gano'n kasimple. Oo nga, pinatawad ko na si Dad, at pinatawad ko na rin si Jacob. But that doesn't mean na hindi na komplikado ang mga bagay sa pagitan naming dalawa. Maigi nang casual lang ang relasyon namin. Para na lang sa anak namin," aniya. "Sa ngayon, masaya na ako para kay Marco. Sapat na sa akin 'yon.""But what if he pursues you? Will you give him another chance?""Sa ngayon, naka-focus ako sa business natin at sa pag-aalaga kay Dad," tugon ni Mia. "Hindi ko alam kung

  • Shut Up and Take Me   42- All forgiven

    "Mommy, where are we going?" tanong ni Marco sa inang abalang nagmamaneho."Mommy is going to make your dream come true, anak," nakangiting tugon ni Mia. "But first, you have to sleep. Malayo pa ang biyahe natin. Mapapagod ka. Rest for now, and then I will wake you up when we get there. Kailangan mo ng maraming energy kapag ando'n na tayo.""Which dream, Mommy? I have a lot of dreams. But my biggest dream is to meet my daddy," tugon ni Marco.Hindi tumugon si Mia. She pat his head instead. "Go sleep na, baby," aniya. Marco sighed. Sumunod rin naman ito.Pagkalabas ni Mia sa kotse ay humigop siya ng hangin sa baga at ibinuga iyon. Wala na talagang sasarap pa sa hangin ng lugar na iyon. It's been five years at ang laki ng ipinagbago ng farm. Maganda na ito noon, ngunit mas maganda pa ito ngayon. Umikot siya upang buksan ang pinto sa kabila upang pababain si Marco."Where are we, Mommy?" nagtatakang tanong ni Marco. Mia took his little hand."What did mommy tell you earlier?""That you'r

DMCA.com Protection Status