Jacob smiled when she saw Mia's twinkling eyes habang iginagala nito ang mga mata sa paligid. "Ang ganda rito, ano?" aniya sa dalaga. Sa sobrang pagkamangha ay ngiti lang ang itinugon ni Mia."Jacob!"Napalingon ang binata nang marinig ang isang pamilyar na boses. "Manong Vic!" nakangiting tugon niya. "Ba't hindi ka man lang nagsabi na darating ka ngayong araw?" tugon ni Vic. Katiwala ito ni Anita sa farm."Maaabala pa ho kayo. Alam kong mag-iisip kayong paghandaan ako.""Natural! Ilang taon kang hindi nakauwi rito.""Ayos lang ho iyon, Mang Vic," tugon niya. "Ang Lola?"Nagbuntong-hininga si Vic. "Nasa bahay n'yo. Sa tuwing makikita ako ay itinataboy ako. Hindi niya ako nakikilala, Jacob. Pero may mga araw naman na naaalala niya ako," anito.Bumagsak ang mga balikat ni Jacob. "Makilala niya ho kaya ako?" nag-aalalang wika niya."Oo naman. Walang ibang bukambibig iyon kundi ikaw. Sabik na sabik na ngang makita ka. Paulit-ulit ang tanong doon sa tagapangalaga niya kung kailan ka ba da
"Kain lang nang kain, hija" nakangiting wika ni Anita kay Mia. "Paboritong ulam iyan ni Jacob. Noong bata pa siya, madalas niyang hilingin sa akin na ipagluto ko siya ng sinigang."Ngumiti si Jacob. "Marami pa po kayong naaalala tungkol sa akin," aniya."Basta tungkol sa paborito kong apo," tugon ni Anita."Mananaba ho yata ako rito sa sarap ninyong magluto," wika ni Mia."Huwag kang matakot tumaba. Maganda ka naman," tugon ni Anita.Napangiti ang dalaga. Hindi na niya matandaan ang huling beses na nag-enjoy siya sa pagkain lalo na at masayang kasalo ang mag-lola."Mukhang may pinagmanahan ka sa pambobola, ah," wika ni Mia kay Jacob habang naghuhugas ito ng pinagkainan nila. Nagpresenta siyang siya na ang gagawa nito, ngunit hindi pumayag si Jacob dahil bisita raw siya. Hindi raw uso sa kanila ang kasambahay dahil lahat ng gawaing-bahay ay magaan lamang lalo na at nag-iisa na lamang sa malaking bahay si Anita. Ang nag-aalaga kay Anita ay siya na rin mismo ang nag-aasikaso sa ibang gaw
"Mia!" Maya't maya ang tawag ni Jacob sa dalaga. Kinakabahan siyang baka lumayo ito. Nagkataon namang nakasalubong niya si Vic. "Nakita n'yo ho ba si Mia?" tanong niya rito. "Nasa manggahan," tugon ni Vic.Tinapik niya ito sa balikat. "Salamat ho," tugon niya at saka siya nagmamadaling tumakbo patungo sa manggahan. Napangiti siya nang makita si Mia na nakaupo sa isa sa mga manggang sadyang nakahiga ang katawan. "Alam mo bang iyan ang paboritong pwesto ko rito sa manggahan?" wika niya. Napalingon sa kaniya ang dalaga. "Bakit ka naman biglang umalis? Ang sabi ng Lola, samahan kita, 'di ba?""Ba't ka pa pumunta rito? 'Di ba ang sabi ko naman, kaya kong mamasyal mag-isa? Hindi naman ako mawawala rito kahit gaano pa kalawak ang farm na ito."Lumapit si Jacob sa dalaga at umupo sa tabi nito. "Nagsiselos ka ba?" aniya.Natawa si Mia. "Okay ka lang ba?" aniya."Nagsiselos ka raw, eh. Iyon ang sabi ni Isabel.""Oh, my God! Where did you get that idea?" tugon niya. "Naaasar lang ako do'n sa ba
"Sorry po, Sir Jacob," wika ni Isabel. "Saglit ko lang ho iniwan si Lola Anita. Hindi ko naman ho alam na may balak siyang magluto. Ang totoo ho niyan ay hindi na namin talaga siya pinapayagan na kumilos nang walang nakabantay dahil nga pwedeng mangyari ang ganito."Tumango si Jacob. "Okay lang, Isabel. Wala kang kasalanan. Dapat inalam ko ang lahat tungkol sa kondisyon ni Lola. Sisiguraduhin kong hindi na ito mangyayari.""Hindi ba natin siya dadalhin sa ospital?" nag-aalalang tanong ni Mia habang inaalo ang matanda na bahagya pang nanginginig."Nurse ho ako, Ma'am Mia," wika ni Isabel. "Kailangan lang ni Lola ng pahinga. Pinainom ko na rin siya ng gamot. Mayamaya lang ay kakalma na siya."Bumuntong-hininga si Mia.Bahagyang nasunog ang kusina ng malaking bahay. Nakalimutan ni Anita na isara ang stove na ginamit nito sa pagluluto. Nakita raw ni Vic ang usok na nanggagaling sa bahay kaya tumakbo siya patungo roon. Naabutan niya si Anita na natataranta sa pagpatay ng apoy. Mabuti na la
Lumagos sa kusina si Jacob at nakita sina Mia at Isabel na abalang-abala sa pagluluto ng kani-kaniyang putahe. Nanlilimahid na ang mga ito sa pawis. "Ang bango naman!" wika niya."Ay, Sir Jacob!" nagulat na bulalas ni Isabel. "Amoy pa lang, masarap na, 'no? Ano pa kaya kapag kinain n'yo na?" May landi sa tuno ng boses nito.Napataas ang kilay ni Mia. Effortless talaga si Isabel sa pag-inis sa kaniya. "Walang kasama si Lola?" tanong niya kay Jacob."Gising na siya. Naghihintay na lang na tawagin para kumain. Excited na siyang kumain ng mga niluto ninyo," tugon ng binata.Kumuha si Isabel ng isang lutong lumpia. Tinuhog niya iyon ng tinidor at tsaka hinipan. Pagkatapos ay lumapit siya kay Jacob. "Tikman n'yo po, Sir Jacob. Tiyak kong makakalimutan mo ang iyong pangalan," anito.Para hindi mapahiya ang dalaga, tinikman ni Jacob ang lumpia. "Hmm. Masarap! Marunong ka palang magluto, Isabel," aniya."Syempre ho. Pwedeng-pwede nang mag-asawa," tugon ni Isabel."Jacob, come here," wika naman
"Oliver!"Napukaw ang isip ni Oliver sa lakas ng boses ni Natalia. She slammed the table, too."What's happening to you?" wika ni Natalia. "Kasama kita, pero parang wala ka rito. It's our anniversary, but I feel like I'm celebrating alone." Buong araw siyang abala sa pag-aasikaso ng kanilang dinner date, at ang tanging kailangan niya ay ang atensiyon ng nobyo."I'm sorry," tugon ni Oliver.Nagsalubong ang mga kilay ni Natalia. "Ano, iniisip mo na naman si Mia?" aniya."No. Of course not! Kulang lang ako sa tulog.""Kulang sa tulog? Bakit, ano ba'ng pinaggagagawa mo?"Umiling si Oliver. "Let's just eat. Come on. Pasensyahan mo na ako. Babawi na lang ako sa iyo later," aniya."You're getting on my nerves, Oliver. Huwag ka nang magkaila na iniisip mo pa rin ang Mia na iyon. Ano? Have you fallen for her for real?" Sunod-sunod ang kaniyang paghinga dahil sa pagsikip ng kaniyang dibdib."Are you sure you really want to talk about this?" His face turned serious. "Yes, Oliver. I want to talk
"Please let me do this," wika ni Mia kay Jacob. "Kaunting bagay lang ito kompara sa mga ginagawa mo para sa akin. Please!" Lumabi siya. "Bahala ka. Kapag 'di mo ako pinayagang maghugas ng pinggan, mahihiya na akong kumain."Napangiti si Jacob. "Okay," aniya. "Baka lang kasi pagod ka dahil nagluto ka.""Hindi ako pagod," tugon ni Mia. Ngumiti siya. Sa wakas ay hinayaan na siya ni Jacob. Napalingon siya nang marinig ang boses ni Isabel. "Bakit hindi pa siya umaalis? Gabi na. Saan ba siya umuuwi?""Sinasamahan niya si Lola sa kwarto," tugon ni Jacob. "Sinabi sa akin ni Mang Vic na simula nang ma-diagnose ng stage 5 dementia si Lola, in-advise na kailangan lagi siyang may kasama. Kaya naghanap kaagad sila ng caregiver para kay Lola. Luckily, nahanap nila si Isabel. She's a registered nurse. She's the best caregiver they could find for Lola. Single siya kaya wala pa siyang masyadong hustle sa buhay kaya pumayag siyang magtrabaho rito nang stay-in. She lives thirty minutes away from here."
Nagising si Mia sa marahang pagkatok sa pinto ng kaniyang kwarto. Alas sais na ng umaga. Dali-dali siyang bumangon upang buksan ang pinto. "Jacob!" nakangiting bulalas niya nang ang gwapong mukha ng binata ang bumungad sa kaniya.Nanlaki ang mga mata niya nang biglang magbaba ng tingin si Jacob. Nakalimutan niyang manipis na satin dress lang ang kaniyang suot. Kaagad siyang nagtago sa likod ng pinto."I have some t-shirts and pants here for you," wika ni Jacob. "These are mine. Makakapal ang tela ng mga ito kaya kahit wala kang panloob ay hindi mahahalata." Iniabot niya iyon sa dalaga na malugod naman nitong tinanggap."S-salamat," wika ni Mia. "Aalis na ba tayo?"Jacob nodded. "Are you hungry already? Sa labas na lang tayo mag-agahan. Lola is still asleep. Pagbalik natin, baka gising na siya. Tapos aalis na tayo papunta sa beach.""Okay. Salamat ulit, Jacob. Lalabas na lang ako kapag tapos na akong magbihis."Jacob nodded and left. Nailing at natawa siya habang ipini-play sa kaniyang
It was a beautiful sunny day and everything was peaceful, especially for Vincent... Isang buwan pagkatapos ng insidente kung saan ipinadukot ni Natalia si Mia at si Marco ay lumubha lalo ang sakit ni Vincent. Hindi umalis sa tabi nito si Mia. Hanggang sa huling sandali ay hindi ipinadama ni Mia na nag-iisa ito. Sa kabila ng lahat ng nangyari, pumanaw nang mapayapa si Vincent. At ngayon nga ay ang araw na inihatid na ito sa huli nitong hantungan.Hindi nakapunta ro'n si Natalia. Natalia lost her sanity. Hindi na nito kinaya ang lahat at tuluyan na itong bumigay. Sa kasalukuyan ay ginagamot ito sa isang mental health facility. "It's my fault," lumuluhang wika ni Diana. "Kinonsente ko ang lahat ng kapritso niya. Akala ko sa pamamagitan no'n ay nagiging isa akong mabuting ina sa kaniya. Now, look at what happened to her." Humagulgol ito."Lahat naman tayo may natutunan sa lahat ng nangyari. Iyon naman ang mahalaga," tugon ni Mia. "Ngayon, ikaw na lang ang mayro'n si Natalia. She needs y
"God d*mn you, Oliver!" frustrated na sigaw ni Natalia. "You betrayed me!" She panicked at the truth that she would go behind bars. Nasa labas na ang mga pulis at naghihintay ng go signal upang arestuhin siya."This is for your own sake," tugon ni Oliver. "Maniwala ka sa akin, Natalia, hindi man kagaya ng dati, may natitira pang pagmamahal sa puso ko para sa iyo. Kaya hindi ako papayag na gumawa ka ng isang krimen.""Fvck! Sino ba ang nagsabi sa iyo na nandito ako?" wika ni Natalia. Natigilan siya nang maalala si Sandra. Sakto namang pumasok ito sa kwarto. "You b*tch!" turo niya rito. "Nagkamali akong pinagkatiwalaan kita. Duwag ka talaga!""I'm sorry, Natalia, you're just doing too much," tugon ni Sandra. "I just realized na wala naman akong mapapala. Jacob will just hate me even more. And he will never be mine.""Mga duwag!" sigaw ni Natalia. "Sa tingin ninyo, papayag akong basta-basta lang akong makulong?" aniya. In a blink of an eye, nakatakbo siya patungo sa kung saan niya inilap
"Natalia, please, tama na!" nagmamakaawang wika ni Mia. "Pakawalan mo na kami ng anak ko. Bakit mo ba 'to ginagawa? Natalia, hindi mo ako kaagaw kay Dad, lalong-lalo na sa kompanya. Bumalik ako sa Pilipinas hindi para bumalik sa mansiyon o sa kompanya. Kung nagpupunta man ako sa mansiyon, iyon ay dahil gusto ko lang makasama si Daddy. Kaunti na lang ang panahon niya. Hindi ba sa ganitong mga panahon, dapat nagtutulungan tayo?""Pwe!" bulalas ni Natalia. "Iyan na ang pinakanakakadiring narinig ko mula sa iyo. I will never do anything with you! Never!"Patuloy ang pagbagsak ng mga luha ni Mia. "Kung papatayin mo talaga ako, huwag naman sana sa harap ng anak ko. Kahit iyon na lang, Natalia. Maawa ka sa anak ko," aniya."At bakit kita susundin? Hindi ako papayag na hindi madamay ang anak mo. I will make sure that he will see you die. Dadalhin niya ang alaala na makita kang m*matay hanggang sa huli niyang hininga. I will make sure na pati siya hindi magiging masaya. He will leave this plac
Nababalisa na si Bianca. Kanina niya pa tinatawagan si Mia, ngunit hindi niya ito ma-kontak. Gusto niya sanang kumustahin kung ano ang nangyari sa pagpunta nito at ni Marco kay Jacob. Excited pa man din siya. Ilang beses niya pang sinubukang tawagan ito hanggang sa magpasya siyang tawagan si Jacob."Ano?" bulalas niya nang sabihin ni Jacob na hindi naman dumating sa malaking bahay ang mag-ina nito. "Binibiro mo ba ako, Jacob? She was supposed to arrive there kanina pa. Umalis sila ng inaanak ko kaninang alas nwebe. Ano'ng oras na?" Tumingin siya sa kaniyang wristwatch. "Diyos ko! Alas kwarto na!""They're not here!" mariing wika ni Jacob na labis na rin ang kaba. "You should have called me earlier.""Malay kong hindi sila darating diyan. Ang akala ko, sa mga oras na ito, masaya na kayong nagba-bonding. Akala ko, sobrang busy lang ni Mia kaya hindi niya ako matawagan," ani Bianca. "So, ano, tatawag na ba ako ng pulis?""Yes, please. I'm gonna go for a drive. Magbabakasakali akong nasa
"Relax, Mia!" nangingiting wika ni Bianca sa kaibigan. Natataranta kasi ito habang naghahanda papaalis. "Pasensya ka na, B., ha? Kailangan muna nating i-delay ang opening ng Marco's Kitchen. I really need to do this," wika ni Mia."Ano ka ba! Kung may kapangyarihan lang ako, ipina-teleport na kita ro'n. And you will land straight in the arms of Jacob." Aktong niyakap niya ang sarili habang kinikilig."Baliw ka talaga!" natatawang wika ni Mia."Mas baliw ka," tugon ni Bianca. "Baliw sa pag-ibig."Natawa na lamang at nailing si Mia sa kaibigan. Nang tapos na siyang naghanda ay kaagad na silang umalis ni Marco."We will surprise your daddy," excited na wika ni Mia sa anak. "He doesn't know that we're going there. And we will stay there for a while.""How long, Mommy?" nangniningning ang mga matang tanong ni Marco."For as long as you want."Napanganga si Marco. "Thank you, Mommy! You're the best!" Ngumiti lang si Mia.Ilang minuto pa ang lumipas... Biglang nag-preno si Mia nang biglang
Matamang tinititigan ni Vincent ang anak na si Mia. Dumating ito mga ilang minuto na ang nakararaan ngunit nananatili itong tahimik at walang imik. "Pwede mong sabihin sa akin kung ano ang tumatakbo sa isipan mo. May problema ba, anak?" tanong niya rito.Pinilit ngumiti ni Mia. "I'm okay, Dad. Hindi ko na ho kayo dapat binibigyan pa ng ibang alalahanin," tugon niya."It's okay. Tell me," ani Vincent. "Gusto kong maramdamang ama mo ako. Gusto kitang tulungan. Sabihin mo sa akin, ano ba ang gumugulo sa isipan mo?" Nagbuntong-hininga si Mia. "I still love Jacob, Dad," sa wakas ay tugon niya."Mahal ka rin ba niya?"Tumango si Mia habang nangingilid ang mga luha. "So, what's the matter? Then you should be together again," ani Vincent."Dad, paano ka?" "Anong paano ako?""He can't forgive you, Dad. Anong klaseng relasyon ang magiging relasyon namin kung hindi kayo okay?"Nagbuntong-hininga si Vincent. "Love is between two people, Amalia. And nothing should come between them," wika niya.
Hiniling ni Jacob na hayaan muna siyang mag-isa sa bahay kaya umalis si Marites. Nang mga oras na iyon ay nais niyang uminom at maglasing. Kung kailan akala niya ay okay na ang lahat ay saka naman parang unti-unti na namang gumuguho ang pangarap niya.Napalingon siya sa pinto nang makarinig ng mga pagkatok. Sa pag-aakalang si Mia iyon na nagbago ang isip at bumalik ay halos patakbo siyang nagtungo patungo roon. Ngunit nang buksan niya ang pinto ay malaking pagkadismaya ang kaniyang naramdaman."What are you doing here?" matabang na tanong niya kay Sandra."Paying you a visit," mabilis na tugon ng dalaga. Tuloy-tuloy na itong pumasok sa bahay.Napabuntong-hininga si Jacob. "Ano'ng kailangan mo?" aniya."Won't you even offer me something to drink or anything?" ani Sandra. She smiled. "I missed you, Jacob. Bakit hindi mo na ako dinadalaw?""I'm busy," wala sa loob na tugon ng binata. "Sobrang busy mo naman at pati pagtawag hindi mo magawa.""I'm really busy."Nagtiim ang mga bagang ni S
Panay ang irap ni Mia habang tinutukso siya ng kaibigang si Bianca. "Aminin mo na kasi. Halata naman na may feelings ka pa para sa ex mo," ani Bianca. "Mula nang manggaling ka ro'n, nag-iba na ang kislap ng mga mata mo. Naging shining, shimmering, splendid na.""Ewan ko sa 'yo, Bianca. Lubayan mo na ako, at busy ako," tugon ni Mia."Kidding aside, wala namang masama kung magkakabalikan kayo. Lalo na kung mahal pa ninyo ang isa't isa. Huwag ka nang mag-deny. Kilala kita."Napabuntong-hininga si Mia. "Hindi iyon gano'n kasimple. Oo nga, pinatawad ko na si Dad, at pinatawad ko na rin si Jacob. But that doesn't mean na hindi na komplikado ang mga bagay sa pagitan naming dalawa. Maigi nang casual lang ang relasyon namin. Para na lang sa anak namin," aniya. "Sa ngayon, masaya na ako para kay Marco. Sapat na sa akin 'yon.""But what if he pursues you? Will you give him another chance?""Sa ngayon, naka-focus ako sa business natin at sa pag-aalaga kay Dad," tugon ni Mia. "Hindi ko alam kung
"Mommy, where are we going?" tanong ni Marco sa inang abalang nagmamaneho."Mommy is going to make your dream come true, anak," nakangiting tugon ni Mia. "But first, you have to sleep. Malayo pa ang biyahe natin. Mapapagod ka. Rest for now, and then I will wake you up when we get there. Kailangan mo ng maraming energy kapag ando'n na tayo.""Which dream, Mommy? I have a lot of dreams. But my biggest dream is to meet my daddy," tugon ni Marco.Hindi tumugon si Mia. She pat his head instead. "Go sleep na, baby," aniya. Marco sighed. Sumunod rin naman ito.Pagkalabas ni Mia sa kotse ay humigop siya ng hangin sa baga at ibinuga iyon. Wala na talagang sasarap pa sa hangin ng lugar na iyon. It's been five years at ang laki ng ipinagbago ng farm. Maganda na ito noon, ngunit mas maganda pa ito ngayon. Umikot siya upang buksan ang pinto sa kabila upang pababain si Marco."Where are we, Mommy?" nagtatakang tanong ni Marco. Mia took his little hand."What did mommy tell you earlier?""That you'r