"Miss, lasing ka na," nag-aalalang wika ng bartender na tumangging bigyan pa siya ng alak.
"Hindi ba iyon ang point kung bakit may ganitong establishment? Para maglasing ang mga tao, 'di ba?" tugon ni Mia. Pero sa pagkakaalala niya, she had just a few shots. Hindi pa siya lasing. Ang lasing ay iyong susuray-suray na. Nahihilo siya nang kaunti, pero alam niyang hindi pa siya lasing.Pagkaalis niya sa condo unit ni Oliver ay umuwi siya sa mansiyon at umalis din na walang ibang dala kundi ang kaniyang sarili lamang. Isinumpa niyang kailanman ay hindi na siya babalik pa roon.Nagtungo siya sa isang bar upang pansamantalang makalimot. Unang beses niya sa ganoong lugar. Hindi niya naman unang beses na uminom, pero hindi siya sanay uminom."Pero, Miss, babae ka, at mag-isa ka lang na umiinom. Nag-aalala lang ho ako sa inyo. Paano kayo uuwi?""Wala ka nang pakialam do'n, basta bigyan mo pa ako ng alak!" tugon ni Mia. Napalingon siya nang mamalayang may umupo sa tabi ng kaniyang inuupuan. Isang matangkad na lalaking may matipunong pangangatawan ang umukupa roon. Naniningkit man ang kaniyang mga mata sa kalasingan ay malinaw niyang nakikita ang kagwapuhan nito."Whiskey, neat," he ordered.She could hear the man's voice that seemed to resonate throughout her entire being despite the loud music playing inside the club. His voice is deep and d*mn sexy!The bartender served him the whiskey.Mia put her elbow on the service bar and her face on her palm. Hindi niya alam kung bakit biglang parang naging interestado siya sa katabing estranghero. She looked at him like a curious kid. Just when he was about to drink his whiskey, she snatched it from his hand and drank it."You drank my whiskey," kalmadong wika ng lalaki. "And you're drunk already." He threw her a piercing eye.Mia smirked. "Should I pay?" tanong niya. "Blame it on the bartender. He wouldn't serve me another drink.""And he's doing the right thing," tugon ng lalaki. "You should go home. Nasaan ang mga kasama mo? May kasama ka ba?"Umiling si Mia. "Wala akong kasama. Ikaw, gusto mo ba akong samahan?" Mapang-akit siyang ngumiti.The man smirked. "I hope you're aware of what you're saying," he said."Of course, I am aware!" tugon ni Mia. "Kalokohan lang naman iyong sinasabi nilang kapag lasing ka, hindi mo alam ang sinasabi at ginagawa mo. I am fully aware of what's coming out of my mouth, stranger!" Sa isang kisap-mata ay nahablot niya ang kwelyo ng puting damit na suot nito. Sa kaunting lakas ay nagawa niyang mapalapit ang mukha nito sa mukha niya. "I need your company." Her voice almost broke.Napabuntong-hininga ang lalaki. He checked if Mia was carrying anything like a bag or a wallet, but there was none. Tumingin siya sa bartender. "Nakita ko siya nang dumating siya rito kanina. Sumakay lang siya ng taxi," anang bartender.Napabuntong-hininga ang lalaki. "Ako na ang bahala sa kaniya, Bram," wika niya. Wala na 'to sa katinuan. Baka iba pa ang makapulot dito, mapaano pa.""Sige," tugon ng bartender. "Alam ko namang ligtas iyan sa iyo." Ngumiti ito.Dahil sa halatang walang dalang pera si Mia, ang estranghero na lamang ang nagbayad sa lahat ng nainom niya. Naramdaman niya na lamang ang pag-angat niya sa lupa. The stranger carried him like a piece of paper. The next thing she knew, she was inside a car. She was sure it was his car."Saan mo ako dadalhin?" tanong niya sa lalaki."You asked me to keep you company, so," tugon ng lalaki. He started the car and drove.Sobrang bigat na ng mga talukap ng mata ni Mia, at hindi na niya kinaya ang antok. Nailing na lamang ang lalaki nang sumulyap ito ng tingin sa kaniya.Almost half an hour later, the car stopped. Bumaba ang lalaki mula sa kotse at umikot upang buksan ang kabilang pinto para kunin si Mia. Muli nitong kinarga ang dalaga.Nang naramdamang karga na naman siya ng estranghero ay nagmulat ng mata si Mia. "Sa'n tayo pupunta?" tanong niya."Are you afraid now?" ganting tanong ng lalaki. "Sasama-sama ka sa hindi mo kakilala tapos magtatanong ka kung saan ka dadalhin.""Sino'ng nagsabing natatakot ako? Hoy! Hindi marunong matakot ang isang Amelia Alcantara Ferrer!" She said it with full conviction."Ah... So, Amelia pala ang pangalan mo.""Mia, for short," tugon ng dalaga."Okay, Mia." He chuckled."Tinatawanan mo ba ako?" anang dalaga. Nakaramdam siya ng bahagyang pagkaasar."Sino'ng 'di matatawa sa'yo ngayon, Mia?" Binigyang diin ng lalaki ang pangalan niya. "Hindi ka ba naturuan ng mga magulang mo na huwag sumama sa hindi mo kakilala?""Eh 'di magpakilala ka. Problema ba iyon?" Tumaas ang kilay niya.Muling natawa ang lalaki. "You're one hell of a pain in the ass," anito. "I'm Jacob," he said anyway."Jacob, huh!" ani Mia. "Ang gwapo ng pangalan mo. Kasing-gwapo mo."Nailing na lamang si Jacob. Hindi siya makapaniwalang umuwi siyang may bitbit na lasing na babae. Pumunta lang naman sana siya sa bar para mag-unwind. And now, he has to deal with this noisy woman.He reached the front of his house. Kinailangan niyang ibaba muna si Mia upang mabuksan ang pinto ng bahay. Nailing siya nang bigla na lamang humiga si Mia sa semento. Kaagad niya itong binuhat pagkabukas niya ng pinto. Kinarga niya ito deretso sa kaniyang kwarto. Dahan-dahan niya itong inihiga sa kaniyang kama."Stay here. Kukuha lang ako ng pamunas nang mahimasmasan ka naman kahit papaano," bilin niya sa dalaga. Nang akmang hahakbang na siya ay nahawakan ni Mia ang kaniyang kamay."Stay, please!" nagmamakaawang wika ni Mia.Biglang nakaramdam si Jacob ng pagkahabag sa dalaga. And so, he stayed. Nang makita niya si Mia kanina sa bar, naramdaman niyang malungkot ito sa kabila ng mga ngiti nito sa labi habang nakatingin sa kaniya. It showed in her eyes. She's a lonely and hollow soul. "Pwede mong sabihin sa akin kung ano ang problema mo. I won't judge," wika niya."I don't like drama, Jacob. I just need your company," matabang na tugon ng dalaga."I see," tugon ni Jacob."What do you see?""You're holding back.""Holding back from what?""You're holding back from what you're feeling," tugon ni Jacob. "I get it. Ikaw ang tipo na ayaw na makita ang kahinaan. Ikaw iyong tipo ng taong hindi umiiyak sa harap ng ibang tao. Don't be so hard on yourself."Napalunok si Mia. "You don't know me," aniya."Yeah, I don't. But I'm right, right?"Inilihis ni Mia ang kaniyang paningin."You see, Mia, it's okay to show weakness. It's okay to cry. Not showing weakness doesn't make you strong. It just makes things heavier."For the first time in her life, Mia let her tears fall. Ilang beses niyang ikinurap-kurap ang kaniyang mga mata para mapigilan ang mga susunod pang luha. Naramdaman niya ang paglapat ng mga daliri ni Jacob sa kaniyang baba."It's okay..." Jacob whispered. He made her face him. "You can cry, Mia."Sa puntong iyon ay hindi na napigilan ni Mia ang humagulhol. She pulled him close and hugged him tight. "I don't deserve this!" wika niya.Hinaplos ni Jacob ang likuran ng dalaga. "Sige, umiyak ka lang hanggang sa gumaan ang pakiramdam mo," aniya."Buong buhay ko, wala akong ibang ginawa kundi trabahuin ang lahat ng bagay na gusto ko. Wala akong nakuha nang madali. Pero lahat ng pinaghirapan ko nawala sa isang iglap lang. It's so unfair!""Life is unfair, Mia."Kumalas si Mia sa pagkakayakap kay Jacob. "But does it have to be this cruel to me?" aniya.Jacob cupped her face. He gently wiped her tears. "Naniniwala akong hindi mo deserve kung ano man ang nangyari sa iyo. But things pass. Magiging okay rin ang lahat.""Sinasabi mo lang iyan kasi wala ka sa sitwasyon ko. At hindi mo alam kung ano ang pinagdadaanan ko.""I am not invalidating your feelings, Mia. That's why I'm listening. Sabihin mo sa akin ang lahat kung makakatulong iyon para mapagaan ang nararamdaman mo.""Hindi gagaan ang pakiramdam ko, Jacob, kahit sabihin ko pa ang buong kasaysayan ng buhay ko sa'yo.""Kung gano'n, paano kita matutulungan?"Isang maikling katahimikan ang namayani sa pagitan nilang dalawa. Now that she lost all and she's let down her walls, what's left of her?"Take what's left of me," nangingilid ang mga luhang tugon niya. She saw confusion in Jacob's eyes. "Take me...""You're a virgin," Jacob concluded. Nagbuntong-hininga siya. "You probably need to rest. Lasing ka lang. Kapag sinunod kita, baka bukas pagsisihan mo ito. And worse, you might sue me.". "Give me a piece of paper and a ballpen," utos niya kay Jacob.Nagsalubong ang mga kilay ng binata. "What?" anito."Papel at ballpen! Gagawa ako ng kasulatan na nagsasabing ang mangyayari sa pagitan natin ay consensual. Pipirmahan ko." Mia stared at him. "I lost everything today, Jacob. Hindi ko na alam kung ano pa ang naghihintay sa akin bukas. Ipagkakait mo ba sa akin ang lumigaya kahit sa isang gabi lang?""D*mn! You're really serious." He stared at her. "You don't need to do that. You don't need to do a deed. You don't have to beg. Whoever that man is who made you feel unwanted has made the biggest mistake of his life. You're beautiful, Mia."Her drunk eyes got teary. Bakit gano'n ang epekto sa kaniya ng mga salita ng isang estranghero?"Kung alam mo lang ang nararamdaman ko ngayon habang tiniting
Nasapo ni Mia ang ulo. Kumikirot iyon. Nang ibukas niya ang kaniyang mga mata, kaagad niyang napansin na naroroon siya sa isang kwartong hindi pamilyar sa kaniya. Nagulat siya nang pumasok sa kwarto si Jacob."You're awake," wika ng binata.She pulled the sheets and covered her body when she realized her naked body is slightly exposed. Nagbaba siya ng tingin nang maramdamang nag-init ang magkabila niyang pisngi."Nagsisisi ka ba?" tanong ni Jacob.Umiling siya. "No. I'm just not used to waking up naked," tugon niya. "Kinumutan kita kanina bago ako lumabas ng kwarto. Malikot ka siguro kaya naalis." Nagbuntong-hininga ang binata. "Hindi mo naman siguro ako ipapakulong.""Katulad ng sinabi ko kagabi, what happened to us was consensual. Ginusto ko iyon. At salamat dahil pinagbigyan mo ako," kaswal niyang wika."Ginusto ko rin iyon, kaya wala kang dapat ipagpasalamat," tugon ni Jacob. Muli ay nag-init ang magkabilang pisngi ni Mia sa winika ng binata. She did her best to hide it from him
"I never had a decent breakfast simula nang tumira ako sa mansiyon," wika ni Mia habang namamangha siya sa ginagawang pag-aasikaso sa kaniya ni Jacob. He cooked for her. "Kaya dapat i-enjoy mo ang food mo," tugon ni Jacob. "For sure." Mia smiled."How's your head?""I'm okay. I just need coffee.""Perfect!" Nagtungo si Jacob sa kusina at kinuha ang tinimplang kape. "Sakto lang ang init niyan para mainom mo kaagad," anito. Pagkatapos ay umupo na rin ito upang masaluhan si Mia."Thank you," nakangiting usal ni Mia, "for everything."Jacob nodded. "Kumain ka na. You need energy for the whole day. Malayu-layo ang biyahe natin," tugon niya. "What do you do for a living, Jacob?" biglang tanong ni Mia habang kumakain na sila ng binata."I have a farm in Canada," mabilis na tugon ni Jacob."Farm? Interesting.""Bata pa lang ako, iyon na ang pangarap ko- ang magkaroon ng farm. After my dad got sick, we had to go to Canada para maipagamot siya. We had to leave Lola Anita. I had a happy child
It's been thirty minutes since they left Bram's house. Habang nagmamaneho ay napatingin si Jacob kay Mia. Tulog ito. Pagod pa yata ito. Napangiti siya nang maalala ang nangyari sa nagdaang gabi. Mia is a very fascinating person. And he can't help but be attracted to her strong personality. But what attracted him more was when she showed her vulnerable side. Suddenly, he felt the urge to protect her. Bumuga siya ng hangin at ibinaling na ang atensiyon sa pagmamaneho. Two hours later..."Mia..." Marahan niyang niyugyog ang balikat ng dalaga. Kaagad namang nagmulat ang mga mata nito. "Kumain muna tayo."Napatingin sa labas si Mia. She looked at her wristwatch. It's almost twelve o'clock in the afternoon. Nagkataong bigla na lang din kumalam ang kaniyang sikmura. Katulad ng ginawa kanina ni Jacob, inasikaso nito ang kanilang pagkain. May baon sila kaya hindi na nila kailangang lumabas at maghanap ng makakainan."Ganito ka ba talaga?" biglang tanong niya sa binata habang kumakain."An
Jacob smiled when she saw Mia's twinkling eyes habang iginagala nito ang mga mata sa paligid. "Ang ganda rito, ano?" aniya sa dalaga. Sa sobrang pagkamangha ay ngiti lang ang itinugon ni Mia."Jacob!"Napalingon ang binata nang marinig ang isang pamilyar na boses. "Manong Vic!" nakangiting tugon niya. "Ba't hindi ka man lang nagsabi na darating ka ngayong araw?" tugon ni Vic. Katiwala ito ni Anita sa farm."Maaabala pa ho kayo. Alam kong mag-iisip kayong paghandaan ako.""Natural! Ilang taon kang hindi nakauwi rito.""Ayos lang ho iyon, Mang Vic," tugon niya. "Ang Lola?"Nagbuntong-hininga si Vic. "Nasa bahay n'yo. Sa tuwing makikita ako ay itinataboy ako. Hindi niya ako nakikilala, Jacob. Pero may mga araw naman na naaalala niya ako," anito.Bumagsak ang mga balikat ni Jacob. "Makilala niya ho kaya ako?" nag-aalalang wika niya."Oo naman. Walang ibang bukambibig iyon kundi ikaw. Sabik na sabik na ngang makita ka. Paulit-ulit ang tanong doon sa tagapangalaga niya kung kailan ka ba da
"Kain lang nang kain, hija" nakangiting wika ni Anita kay Mia. "Paboritong ulam iyan ni Jacob. Noong bata pa siya, madalas niyang hilingin sa akin na ipagluto ko siya ng sinigang."Ngumiti si Jacob. "Marami pa po kayong naaalala tungkol sa akin," aniya."Basta tungkol sa paborito kong apo," tugon ni Anita."Mananaba ho yata ako rito sa sarap ninyong magluto," wika ni Mia."Huwag kang matakot tumaba. Maganda ka naman," tugon ni Anita.Napangiti ang dalaga. Hindi na niya matandaan ang huling beses na nag-enjoy siya sa pagkain lalo na at masayang kasalo ang mag-lola."Mukhang may pinagmanahan ka sa pambobola, ah," wika ni Mia kay Jacob habang naghuhugas ito ng pinagkainan nila. Nagpresenta siyang siya na ang gagawa nito, ngunit hindi pumayag si Jacob dahil bisita raw siya. Hindi raw uso sa kanila ang kasambahay dahil lahat ng gawaing-bahay ay magaan lamang lalo na at nag-iisa na lamang sa malaking bahay si Anita. Ang nag-aalaga kay Anita ay siya na rin mismo ang nag-aasikaso sa ibang gaw
"Mia!" Maya't maya ang tawag ni Jacob sa dalaga. Kinakabahan siyang baka lumayo ito. Nagkataon namang nakasalubong niya si Vic. "Nakita n'yo ho ba si Mia?" tanong niya rito. "Nasa manggahan," tugon ni Vic.Tinapik niya ito sa balikat. "Salamat ho," tugon niya at saka siya nagmamadaling tumakbo patungo sa manggahan. Napangiti siya nang makita si Mia na nakaupo sa isa sa mga manggang sadyang nakahiga ang katawan. "Alam mo bang iyan ang paboritong pwesto ko rito sa manggahan?" wika niya. Napalingon sa kaniya ang dalaga. "Bakit ka naman biglang umalis? Ang sabi ng Lola, samahan kita, 'di ba?""Ba't ka pa pumunta rito? 'Di ba ang sabi ko naman, kaya kong mamasyal mag-isa? Hindi naman ako mawawala rito kahit gaano pa kalawak ang farm na ito."Lumapit si Jacob sa dalaga at umupo sa tabi nito. "Nagsiselos ka ba?" aniya.Natawa si Mia. "Okay ka lang ba?" aniya."Nagsiselos ka raw, eh. Iyon ang sabi ni Isabel.""Oh, my God! Where did you get that idea?" tugon niya. "Naaasar lang ako do'n sa ba
"Sorry po, Sir Jacob," wika ni Isabel. "Saglit ko lang ho iniwan si Lola Anita. Hindi ko naman ho alam na may balak siyang magluto. Ang totoo ho niyan ay hindi na namin talaga siya pinapayagan na kumilos nang walang nakabantay dahil nga pwedeng mangyari ang ganito."Tumango si Jacob. "Okay lang, Isabel. Wala kang kasalanan. Dapat inalam ko ang lahat tungkol sa kondisyon ni Lola. Sisiguraduhin kong hindi na ito mangyayari.""Hindi ba natin siya dadalhin sa ospital?" nag-aalalang tanong ni Mia habang inaalo ang matanda na bahagya pang nanginginig."Nurse ho ako, Ma'am Mia," wika ni Isabel. "Kailangan lang ni Lola ng pahinga. Pinainom ko na rin siya ng gamot. Mayamaya lang ay kakalma na siya."Bumuntong-hininga si Mia.Bahagyang nasunog ang kusina ng malaking bahay. Nakalimutan ni Anita na isara ang stove na ginamit nito sa pagluluto. Nakita raw ni Vic ang usok na nanggagaling sa bahay kaya tumakbo siya patungo roon. Naabutan niya si Anita na natataranta sa pagpatay ng apoy. Mabuti na la
It was a beautiful sunny day and everything was peaceful, especially for Vincent... Isang buwan pagkatapos ng insidente kung saan ipinadukot ni Natalia si Mia at si Marco ay lumubha lalo ang sakit ni Vincent. Hindi umalis sa tabi nito si Mia. Hanggang sa huling sandali ay hindi ipinadama ni Mia na nag-iisa ito. Sa kabila ng lahat ng nangyari, pumanaw nang mapayapa si Vincent. At ngayon nga ay ang araw na inihatid na ito sa huli nitong hantungan.Hindi nakapunta ro'n si Natalia. Natalia lost her sanity. Hindi na nito kinaya ang lahat at tuluyan na itong bumigay. Sa kasalukuyan ay ginagamot ito sa isang mental health facility. "It's my fault," lumuluhang wika ni Diana. "Kinonsente ko ang lahat ng kapritso niya. Akala ko sa pamamagitan no'n ay nagiging isa akong mabuting ina sa kaniya. Now, look at what happened to her." Humagulgol ito."Lahat naman tayo may natutunan sa lahat ng nangyari. Iyon naman ang mahalaga," tugon ni Mia. "Ngayon, ikaw na lang ang mayro'n si Natalia. She needs y
"God d*mn you, Oliver!" frustrated na sigaw ni Natalia. "You betrayed me!" She panicked at the truth that she would go behind bars. Nasa labas na ang mga pulis at naghihintay ng go signal upang arestuhin siya."This is for your own sake," tugon ni Oliver. "Maniwala ka sa akin, Natalia, hindi man kagaya ng dati, may natitira pang pagmamahal sa puso ko para sa iyo. Kaya hindi ako papayag na gumawa ka ng isang krimen.""Fvck! Sino ba ang nagsabi sa iyo na nandito ako?" wika ni Natalia. Natigilan siya nang maalala si Sandra. Sakto namang pumasok ito sa kwarto. "You b*tch!" turo niya rito. "Nagkamali akong pinagkatiwalaan kita. Duwag ka talaga!""I'm sorry, Natalia, you're just doing too much," tugon ni Sandra. "I just realized na wala naman akong mapapala. Jacob will just hate me even more. And he will never be mine.""Mga duwag!" sigaw ni Natalia. "Sa tingin ninyo, papayag akong basta-basta lang akong makulong?" aniya. In a blink of an eye, nakatakbo siya patungo sa kung saan niya inilap
"Natalia, please, tama na!" nagmamakaawang wika ni Mia. "Pakawalan mo na kami ng anak ko. Bakit mo ba 'to ginagawa? Natalia, hindi mo ako kaagaw kay Dad, lalong-lalo na sa kompanya. Bumalik ako sa Pilipinas hindi para bumalik sa mansiyon o sa kompanya. Kung nagpupunta man ako sa mansiyon, iyon ay dahil gusto ko lang makasama si Daddy. Kaunti na lang ang panahon niya. Hindi ba sa ganitong mga panahon, dapat nagtutulungan tayo?""Pwe!" bulalas ni Natalia. "Iyan na ang pinakanakakadiring narinig ko mula sa iyo. I will never do anything with you! Never!"Patuloy ang pagbagsak ng mga luha ni Mia. "Kung papatayin mo talaga ako, huwag naman sana sa harap ng anak ko. Kahit iyon na lang, Natalia. Maawa ka sa anak ko," aniya."At bakit kita susundin? Hindi ako papayag na hindi madamay ang anak mo. I will make sure that he will see you die. Dadalhin niya ang alaala na makita kang m*matay hanggang sa huli niyang hininga. I will make sure na pati siya hindi magiging masaya. He will leave this plac
Nababalisa na si Bianca. Kanina niya pa tinatawagan si Mia, ngunit hindi niya ito ma-kontak. Gusto niya sanang kumustahin kung ano ang nangyari sa pagpunta nito at ni Marco kay Jacob. Excited pa man din siya. Ilang beses niya pang sinubukang tawagan ito hanggang sa magpasya siyang tawagan si Jacob."Ano?" bulalas niya nang sabihin ni Jacob na hindi naman dumating sa malaking bahay ang mag-ina nito. "Binibiro mo ba ako, Jacob? She was supposed to arrive there kanina pa. Umalis sila ng inaanak ko kaninang alas nwebe. Ano'ng oras na?" Tumingin siya sa kaniyang wristwatch. "Diyos ko! Alas kwarto na!""They're not here!" mariing wika ni Jacob na labis na rin ang kaba. "You should have called me earlier.""Malay kong hindi sila darating diyan. Ang akala ko, sa mga oras na ito, masaya na kayong nagba-bonding. Akala ko, sobrang busy lang ni Mia kaya hindi niya ako matawagan," ani Bianca. "So, ano, tatawag na ba ako ng pulis?""Yes, please. I'm gonna go for a drive. Magbabakasakali akong nasa
"Relax, Mia!" nangingiting wika ni Bianca sa kaibigan. Natataranta kasi ito habang naghahanda papaalis. "Pasensya ka na, B., ha? Kailangan muna nating i-delay ang opening ng Marco's Kitchen. I really need to do this," wika ni Mia."Ano ka ba! Kung may kapangyarihan lang ako, ipina-teleport na kita ro'n. And you will land straight in the arms of Jacob." Aktong niyakap niya ang sarili habang kinikilig."Baliw ka talaga!" natatawang wika ni Mia."Mas baliw ka," tugon ni Bianca. "Baliw sa pag-ibig."Natawa na lamang at nailing si Mia sa kaibigan. Nang tapos na siyang naghanda ay kaagad na silang umalis ni Marco."We will surprise your daddy," excited na wika ni Mia sa anak. "He doesn't know that we're going there. And we will stay there for a while.""How long, Mommy?" nangniningning ang mga matang tanong ni Marco."For as long as you want."Napanganga si Marco. "Thank you, Mommy! You're the best!" Ngumiti lang si Mia.Ilang minuto pa ang lumipas... Biglang nag-preno si Mia nang biglang
Matamang tinititigan ni Vincent ang anak na si Mia. Dumating ito mga ilang minuto na ang nakararaan ngunit nananatili itong tahimik at walang imik. "Pwede mong sabihin sa akin kung ano ang tumatakbo sa isipan mo. May problema ba, anak?" tanong niya rito.Pinilit ngumiti ni Mia. "I'm okay, Dad. Hindi ko na ho kayo dapat binibigyan pa ng ibang alalahanin," tugon niya."It's okay. Tell me," ani Vincent. "Gusto kong maramdamang ama mo ako. Gusto kitang tulungan. Sabihin mo sa akin, ano ba ang gumugulo sa isipan mo?" Nagbuntong-hininga si Mia. "I still love Jacob, Dad," sa wakas ay tugon niya."Mahal ka rin ba niya?"Tumango si Mia habang nangingilid ang mga luha. "So, what's the matter? Then you should be together again," ani Vincent."Dad, paano ka?" "Anong paano ako?""He can't forgive you, Dad. Anong klaseng relasyon ang magiging relasyon namin kung hindi kayo okay?"Nagbuntong-hininga si Vincent. "Love is between two people, Amalia. And nothing should come between them," wika niya.
Hiniling ni Jacob na hayaan muna siyang mag-isa sa bahay kaya umalis si Marites. Nang mga oras na iyon ay nais niyang uminom at maglasing. Kung kailan akala niya ay okay na ang lahat ay saka naman parang unti-unti na namang gumuguho ang pangarap niya.Napalingon siya sa pinto nang makarinig ng mga pagkatok. Sa pag-aakalang si Mia iyon na nagbago ang isip at bumalik ay halos patakbo siyang nagtungo patungo roon. Ngunit nang buksan niya ang pinto ay malaking pagkadismaya ang kaniyang naramdaman."What are you doing here?" matabang na tanong niya kay Sandra."Paying you a visit," mabilis na tugon ng dalaga. Tuloy-tuloy na itong pumasok sa bahay.Napabuntong-hininga si Jacob. "Ano'ng kailangan mo?" aniya."Won't you even offer me something to drink or anything?" ani Sandra. She smiled. "I missed you, Jacob. Bakit hindi mo na ako dinadalaw?""I'm busy," wala sa loob na tugon ng binata. "Sobrang busy mo naman at pati pagtawag hindi mo magawa.""I'm really busy."Nagtiim ang mga bagang ni S
Panay ang irap ni Mia habang tinutukso siya ng kaibigang si Bianca. "Aminin mo na kasi. Halata naman na may feelings ka pa para sa ex mo," ani Bianca. "Mula nang manggaling ka ro'n, nag-iba na ang kislap ng mga mata mo. Naging shining, shimmering, splendid na.""Ewan ko sa 'yo, Bianca. Lubayan mo na ako, at busy ako," tugon ni Mia."Kidding aside, wala namang masama kung magkakabalikan kayo. Lalo na kung mahal pa ninyo ang isa't isa. Huwag ka nang mag-deny. Kilala kita."Napabuntong-hininga si Mia. "Hindi iyon gano'n kasimple. Oo nga, pinatawad ko na si Dad, at pinatawad ko na rin si Jacob. But that doesn't mean na hindi na komplikado ang mga bagay sa pagitan naming dalawa. Maigi nang casual lang ang relasyon namin. Para na lang sa anak namin," aniya. "Sa ngayon, masaya na ako para kay Marco. Sapat na sa akin 'yon.""But what if he pursues you? Will you give him another chance?""Sa ngayon, naka-focus ako sa business natin at sa pag-aalaga kay Dad," tugon ni Mia. "Hindi ko alam kung
"Mommy, where are we going?" tanong ni Marco sa inang abalang nagmamaneho."Mommy is going to make your dream come true, anak," nakangiting tugon ni Mia. "But first, you have to sleep. Malayo pa ang biyahe natin. Mapapagod ka. Rest for now, and then I will wake you up when we get there. Kailangan mo ng maraming energy kapag ando'n na tayo.""Which dream, Mommy? I have a lot of dreams. But my biggest dream is to meet my daddy," tugon ni Marco.Hindi tumugon si Mia. She pat his head instead. "Go sleep na, baby," aniya. Marco sighed. Sumunod rin naman ito.Pagkalabas ni Mia sa kotse ay humigop siya ng hangin sa baga at ibinuga iyon. Wala na talagang sasarap pa sa hangin ng lugar na iyon. It's been five years at ang laki ng ipinagbago ng farm. Maganda na ito noon, ngunit mas maganda pa ito ngayon. Umikot siya upang buksan ang pinto sa kabila upang pababain si Marco."Where are we, Mommy?" nagtatakang tanong ni Marco. Mia took his little hand."What did mommy tell you earlier?""That you'r