"Then play a song. That's part of checking a guitar," hamon niya kaya napapoker face ako. Hindi naman kami close ni Torn pero parang matagal na kaming magkakilala dahil sa pag-uusap namin. Ang gaan niya kasing kausap.
"I only know the basic chords," sagot ko.
"That's okay. Just play one," pagpupumilit niya.
"Okay but in one condition," sabi ko at hindi siya sumagot. Hinintay niya lang ang sasabihin ko. "You should play that guitar too," turo ko sa hawak niyang electric guitar.
"But I'm not buying anything."
"Then I'm not playing this now." maglalakad na sana ako papunta sa counter nang magsalita si Torn.
"Okay fine. But you play first," aniya kaya napangisi ako.
"I hope you have one word," I mumbled then started playing the guitar. I played With a Smile by Eraserheads because this is my favorite song. After I played, I looked at Torn and saw his sweet smile, as if I played it so well. "Was that good?" I asked.
"Yes, you're good. Are you sure, you only know the basic chords?" he asked.
"Yea, you know, I don't have a guitar at home. I usually borrow my classmate's guitar whenever they bring theirs to school." natatawang sabi ko. May iilan pa nga na ayaw na akong pahiramin kasi kapag nasimulan ko na tumugtog, bigla na lang daw akong nawawala sa classroom dala ang gitara. The reason why I disappeared was because I don't like to practice in a noisy place. Who wants though? Kaya heto, bumili na ako ng sarili kong gitara. "Oh wait, don't change the topic, Torn. Play that, come on!" pinilit ko pa siyang patugtugin iyong gitarang hawak niya at pumayag naman na siya kahit hindi siya bibili. Kanina pa kasi siya tingin nang tingin ng gitara e. Mukhang marunong siya. No! Crap that! MAGALING SIYA!
Nang matapos siyang tumugtog, halos malaglag ang panga ko dahil sa galing niya. Gusto ko magheadbang bigla. Charot. Nagsitinginan din sa kanya ang mga costumer — malamang, nabigla nang may tumugtog. "Was that good?" natatawang tanong ni Torn habang binabalik ang gitara sa lalagyan nito. Napakamot pa siya ng ulo at mukhang nahihiya siya. Nagsisialisan na rin ang ibang nakakita pero naririnig ko ang bulungan nila na ang galing daw ni Torn.
"Good? Sort of. But you have to practice more, I guess." kinalmahan ko lang ang pagsasalita ko as if I didn't droll when he started playing.
"Thank you. That's what I've been doing at home. But I'm using acoustic than electric," nahihiyang sabi niya at nagsimula na kaming maglakad papunta sa counter. Seriously, he's really shy that's why I can't help myself but to laugh.
"Are you shy?" natatawang tanong ko na pinagtaka niya at hindi man lang siya sumagot. "I mean, don't be shy. I was just kidding you that you have to practice more. You don't need to, Torn. You're as good as rockstar!" sabi ko pa sabay tapik ng balikat niya. Ang tangkad niya e. Nasa 6 feet siguro siya. Ako naman ay nasa 5'8. "Are you a member of a band in Thailand?" tanong ko pa.
Bahagya siyang natawa at umiling. "Too much compliments, Lemon. But I'm not joining a band." sagot niya.
"But why? You have to. If I just have that kind of talent, I will join. As in! Because music for me is my escape. This makes me happy, but this makes me sad as well."
"You wanna learn the different way of playing the guitar?" nakangiting tanong niya kaya agad akong tumango na parang batang excited. Nilapag ko na sa counter ang gitara at binayaran ito.
"I can tutor you if you want?" he asked.
"Seriously?" nakangiting tanong ko habang binabalik ang wallet sa bag ko. Sinakbit ko na rin sa balikat ang strap ng bag ng gitara at saka hinarap si Torn. "We're not friends though. Unless, you want?"
Ngumiti siya at nagkibit-balikat. "Do you like long distance friendship?"
"You mean LDF?" Tanong ko at nagsimula na kaming maglakad palabas ng store. "You're leaving?"
"Yea. I can teach you but in just only a week starting today. My Mom and I went here because she's attending her friend's wedding. And I asked to come because I want to have a short vacation. In fact, this is the first time that I went here in Philippines."
"Vacation? So you're a student?" tanong ko pa at tumango naman siya. "Well, that's kinda obvious. So how old are you now?"
"I'm 18. And you?"
"Same age. I'll be turning 19 this coming December," natatawang sabi ko. Masyado lang talaga akong advance mag-isip. Feeling ko, kapag nagshift na ang taon, malapit na rin ang birthday ko kahit nasa dulo ito mismo ng taon.
"You're also December?" tumango ako. "I was born in December too."
Napalingon ako sa kanya. Naglalakad kami nang mabagal papunta sa kung saan. Malapit na ito sa foodpark e. "Really? We have the same birth month?" excited kong tanong.
"Yea. Between Christmas and New Year." nakangiting sagot niya.
"What the! 28?"
"No." umiling siya. "27. So I guess, yours is 28?"
"Yea. You're one day older than me." pareho na lang kaming natawa. Magkasunuran lang pala ang birthday namin. Ang galing? Did I plan for this? No.
"So how can I contact you?" tanong niya naman at saktong may bumundol sa'kin. Sa sobrang lakas, muntik na akong matumba. Mabuti na lang, nahawakan ni Torn ang braso ko. Aba, gago 'yun ah! Hindi man lang nag-sorry. Ni hindi man lang ako nilingon.
"Aba, makabunggo ka sana sa poste!" inis na sigaw ko pero hindi siya lumingon. Dire-diretso lang siya sa paglalakad at mukhang nagmamadali. Nakablack hoody siya at nakapamulsa dito kaya hindi ko siya nakilala.
"You okay?" tanong ni Torn sa'kin kaya muli ko siyang tiningnan.
"Yea yea, I'm okay. I was just pissed because of that creature!" inis na sabi ko. "Anyway, is it okay if we see each other..." naghanap ako ng p'wedeng waiting area at nakita ko ang foodpark. "There? Tomorrow. If that's okay with you?" pag-iiba ko ng usapan.
"Yea, that's okay with me. Actually, we checked in to that hotel." tinuro niya ang mataas na gusali na hindi nalalayo sa foodpark. Ang lapit lang pala. Hindi niya na kailangan pang bumyahe.
"Oh there. So let's meet in the morning, 9:00? Don't worry, I'm not a late comer. I'll come in time." paniniguro ko at nang humakbang ako pagilid, may natapakan akong papel na nakafold. Pinulot ko ito para tingnan. May print kasing Lemon sa papel. Mukhang para sa'kin.
'I'm watching you.'
Threat na naman? Malamang, galing ito doon sa bumunggo sa'kin kanina.
"You okay again?" tanong na naman ni Torn. Tiningnan niya iyong papel na hawak ko agad ko itong tinupi at nilagay sa bulsa ng uniform ko.
"I'm okay. Anyway, you go to your hotel na," pinilit ko nang pinilit si Torn na umuwi na at hindi ko pinahalatang nag-aalala ako. Ayoko lang kasing may madamay na tulad niya in case something happened to me. Sanay naman na akong makatanggap ng death threat lalo na sina Mama at Papa dahil sa nature ng trabaho nila. Hindi na nga nila inirereport pa sa pulis kasi wala naman daw ginagawa. Puro pananakot lang. Minsan, maglalagay ng bomba sa sasakyan pero hindi naman sasabog. Dati, sinabi ko sa kanila na nakatanggap ako kaya takot na si Mama humawak ng mabibigat na kaso. Muntik pa siyang magresign. I know how she loves her job that's why the second time I received a death threat, wala na akong sinabi. Tinago ko na lang. Lahat ng letter na meron ako, tinatago ko na lang.
Iba nga ako kompara sa mga kaedad ko. Sila, love letter ang natatanggap at tinatago. Ako, threat. Nasasanay na rin ako. 14 pa lang ako, nangyayari na 'to. Pero hindi ko pa rin maalis iyong takot. What if mamatay ako nang maaga?
Kaya hindi ako nagbibigay ng personal info kapag hindi ko kilala. Hindi ko na nga rin binigay kay Torn iyong contact number ko. Inalis ko na rin lahat ng social media account ko kasi noon, pati private messages ko, may mga death threats. Ayoko na silang bigyan ng pagkakataong takutin pa ako. Gusto kong kapag nasa bahay na ako, maging mahimbing na ang tulog ko. I want my home to be my safe place.
Dahil hindi alam nina Mama na nakakarecieve ako ng death threats, hinahayaan nila akong makapunta sa mga lugar na gusto kong puntahan long as nag-iingat ako. Always naman. At hinahayaan nila ako magcommute. Dagdag pollution kasi kapag nagpapahatid-sundo pa ako from school to house. Hindi naman ganun kadalas may magpadala sa'kin ng death threats. Minsan, 5 times a year na lang. Minsan, twice a month. Nasasanay na rin ako.
Nakarating ako sa bahay nang maayos. Na hindi nag-aalala. Wala naman kasing nananakit sa'kin. Puro lang sila pananakot. Malapit na akong maimmune.
Nang buksan ko ang pinto ng bahay, nagulat ako nang may pumutok na something malapit sa ulo ko. Agad akong napatakip ng mga tainga ko habang nakapikit nang mariin. Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa gulat. May kaunting ingay akong naririnig at tawanan pero hindi ganun kalakas. Parang nabingi ako.
"Hoy, Lemon! Ayos ka lang? Nagulat ka ba?" natatawang tanong ni Jack nang hawakan niya ako sa balikat ko. Isa-isa kong tiningnan kung sino ang nandito. Sina Jack, Misty at Trina pala na mga kaibigan ko sa college. Nagkalat din ang confetti na pinasabog nila. Unti-unting kumalma ang puso ko nang makita ko silang nakangiti sa'kin pero may pagtataka dahil sa inakto ko. "Congratulations ulit!" masayang bati ni Misty sabay hila sa'kin papunta sa sala at may kaunting mga pagkain doon na mukhang dala nila. Hindi ko pa rin mabawi ang gulat ko. Natakot ako. Akala ko, may bumaril sa'kin.
"Nagulat ka talaga 'no. Ang OA mo dun," natatawang sabi ni Jack kaya napapoker face na ako at tiningnan siya nang masama.
"Seriously, what are you doing here ba?" inis na tanong ko. "At anong congratulations? For what, aber?" agad kong kinuha ang isang cupcake na kulay blue at pinapak ito. Para man lang mabusog ako sa panggogoodtime nila.
"Gusto lang talaga naming mag-overnight dito. Gumagawa lang kami ng excuse," seryosong sagot ni Trina sabay kain ng pizza. Hindi healthy ang handa nila ha!
"What kind of excuse? And why they let you in here?" tanong ko pa.
"Grabe, parang ayaw mo kaming nandito ha. Tara na nga!" umaktong nagtatampo si Misty sabay ligpit ng mga pagkaing nandito sa sala pero mabilis ko siyang pinigilan.
"Stop it, nga. I was just asking. Ginulat niyo 'ko e!" I shouted a little.
"Well well well balong malalim. Pinayagan kami ni Tita kasi sabi namin, ikaw ang may pinakamataas na GWA sa klase kaya kailangan natin mag-celebrate. So here we are na nga! Katatapos lang ng hellweek so we need to relax." sagot ni Jack sabay kumpas ng dalawang kamay para ituro kaming lahat na nandito. "Anyway, kailan ka pa nagkagitara?" tanong niya kaya napatingin ako sa gitarang katabi ko.
"Ngayon lang. We can go out tomorrow, Saturday naman ah." ang aarte talaga nitong tatlong 'to. Buti, pinayagan sila ng parents nila magpunta rito. Si Misty pa naman, strict much ang parents. Nakasched ng 9am ang usapan namin ni Torn kasi iniisip ko na baka biglang magyaya sina Jack pero nauna na pala rito.
"Dito ni Jack gusto para raw makapagpakatotoo siya. Tsaka may date bukas si Misty," sagot ni Trina. Bahagya akong napatango at iniba na ang usapan. Hindi pa kasi naga-out si Jack. Kapag may ibang tao, nagpapanggap siyang straight. Ako ang nahihirapan para sa kanya pero hindi ko naman siya p'wedeng piliting mag-out kasi hindi ko naman pagkatao iyon. At mukhang mahirap nga naman talaga mag-out. Hindi natin alam kung ano ang magiging reaction ng mga tao. Kung may magbabago ba after? Nakakatakot kasi ang pagbabago.
Si Misty naman, hindi pa rin legal ang relationship with her boyfriend. 'Yung parents kasi ni Anthony at parents ni Misty ay may past alitan. Nagkalaban sila sa politika sa lugar nila at hanggang ngayon, magkagalit pa rin. Hindi ko alam kung bakit ang hilig nilang magtanim ng galit. Hindi uso ang move on? I dunno rin what's their past problem but I hope that they ended it ASAP kasi nadadamay sina Misty.
Napagpasyahan naming magpunta sa garden at doon na lang kami nagpicnic. Naglatag lang kami ng mga comforter at naglagay ng mga unan. So here we are, nakahiga sa ilalim ng kalawakan. Kung anu-ano lang ang pinag-uusapan namin.
"Hoy, itali niyo agad!" sabi ko nang makita kong tinapon lang ni Jack sa isang tabi iyong supot ng junk food. Napasimangot siya pero sinunod niya pa rin ako. Masyado kasi akong mahigpit sa kanila when it comes to cleanliness. Kapag kumakain kami sa caf, hindi ko sila hinahayaang umalis sa mesa na hindi namin inaayos iyong table. Ang pangit kasing iwan ang mesang magulo. Tsaka para mapadali na rin ang trabaho ng crew.
"Ikaw, masyado ka nang naiimpluwensyahan ni Fourth, ha!" inis na sabi ni Jack at nilagay niya na sa isang tabi ang mga supot ng pinagkainan namin. Tinatali namin ang mga supot para hindi liparin ng mga hangin in case na kumalat ito sa daan kapag ginulo ng mga pusang panay halukay ng b****a sa b****ahan. At para hindi rin agad mapuno ang b****ahan. But much better if we reduce using plastics kasi sobrang tagal nitong mabulok. Kung susunugin naman, dagdag air pollution pa. Ang init-init na ng panahon today, 'no!
"Buti na 'yun, good influence siya." kontra ni Trina kaya tumango-tango ako habang nakangiti nang todo. Halos maningkit na ang mga mata ko kasi natutuwa ako na siya ang pinag-uusapan namin ngayon. He's my crush e. Mwehehehe!
"Paano naman ni Third?" tanong ni Misty kaya nawala agad ang mga ngiti ko sa mukha. Hays. "Ang tagal niya na gustong manligaw sa'yo ha." dagdag niya pa.
"Why don't you just give it a try kasi!" ani Jack. Okay, ang sama na talaga ng feslak ko ngayon. Ayoko siyang pag-usapan.
"I don't like him nga. And I'm not yet ready to commit. Tsaka ang yabang niya." nakabusangot na ang mukha ko at mas lalo akong nagugutom kaya panay na naman ang kain ko. Medyo narurumihan na nga ang uniform ko kasi hindi pa ako nakakapagpalit ng damit simula nang makauwi ako samantalang sina Jack, Misty at Trina ay nakabihis na. Parang pambahay na nila ang soot nila. May mga dala silang bag na iniwan lang namin sa sala. Wala namang mangingialam dun kasi may CCTV. Mahuhuli rin.
"Baka ganun lang talaga ang ugali niya. Hindi mo pa nga nakikilala. Palakaibigan lang 'yung tao" kalmadong sabi ni Trina.
"Oo nga. Mabait naman siya e. Tsaka kung mayabang, hindi niya kami papansinin, 'no." ani Jack.
"Why not? You guys are nice naman, ah! And don't bugaw me nga doon." naiinis na sabi ko.
"You know conyo friend, hindi ka namin binubugaw. Gusto lang naming maging mabait ka dun sa tao. Halatang pinagtataguan mo e. Nakakahalata rin siya, ayaw niya lang ipahalata." ani Misty. "Magpakatotoo ka nga. Ayaw mo pa magcommit o gusto mo makipagcommit sa iba?"
Huminga ako nang malalim at pilit kinalma ang sarili. Mauubusan ako ng dugo sa mga 'to. "Okay, listen up, guys! Nakakainis lang kasi. Hindi pa talaga ako handa magcommit." ang dami ko pang dapat isipin lalo na 'yang mga death threats na 'yan. "Kasi marami pa akong plano sa buhay. Hindi sila kasali dun. Second, I like Fourth but I don't want to commit. He's just one of my inspiration to be a good person tsaka kakambal siya ni Third. Nagiging sensitive lang ako sa mararamdaman nilang dalawa. Third, ayan, si Third! Nayayabangan ako sa kanya. Sabihan ba naman akong tomboy just because I don't like him? So kapag ayaw sa lalaki, tomboy agad? Can't he realize that I just don't like him?" naiinis na sabi ko.
"Oh..." sabay-sabay nilang sabi at tumahimik na sa pangungulit sa'kin. Wala namang masama sa pagiging tomboy, 'no, same as walang masama sa pagiging babae, lalaki o bakla. Ang sa'kin lang, namimisinterpret niya iyong pagkatao ko dahil lang wala akong gusto sa kanya o ayaw ko sa kanya. Palibhasa, nasanay siyang nakukuha niya lahat ng babaeng nagugustuhan niya. Kaya ayoko sa kanya. Baka isa lang ako sa mga collections niya in case na bigyan ko siya ng chance. Noooo way! Para lang namang ako si Jack. Naooffend din si Jack kapag iniisip ng mga lalaki na gusto sila ng mga bakla. Like duh? Ang kakapal naman ng apog niyo! Hindi naman kagusto-gusto.
"I'll just take a nap," I mumbled as I closed my eyes. I'm so sleepy na kasi tapos sila, ang dami pang natitirang energy para magdaldalan. Buong week yata akong puyat dahil sa exams and other requirements. Iniisip kasi nila, matataas ang grades ko, nageexcel ako sa class. But before I get those, jusko! Hindi nila alam kung ano ang hirap na pinagdadaanan ko sa pag-aaral. Palagi akong puyat, puro kape, hindi makagala with friends. Music lang talaga ang escape ko. Kapag nadidrain na ako sa kakaaral, lumalabas ako ng k'warto at nagpupunta sa piano room para tumugtog. By that, narerelax na ang isip ko.
'Wala akong kasalanan! Wala kayong karapatang ako'y paratangan! Huwag niyo akong husgahan! Ito'y kasalanang hindi ko alam! Wala akong kasalanan! Hangad ko'y katarungan!'
"Lemon? Lemon?"
Nagising ako sa yugyog nina Jack, Misty at Trina. Habol hininga ako kaya napahawak ako sa dibdib ko.
"Binabangugot ka yata," ani Trina pero hindi ako nakakibo.
Bakit ang linaw ng boses niya sa isip ko? Was she asking for justice? Was she shouting at me? Ako ba? Pakiramdam ko, ako ang sinasabihan niya. Nakaramdam ako bigla ng... konsensya?
To be continued...
"Tubig," ani Trina nang abutan niya ako ng tubig at nandito kami ngayon sa kusina. Sina Jack at Misty naman ay nasa guest room na at doon na lang daw kami matutulog. Naghirap pa kaming maghakot ng mga gamit na ginamit namin sa labas so medyo nawala iyong antok ko. Buti na rin 'yun. Baka bangungutin na naman ako. Ang bigat sa dibdib e. Tsaka ayaw rin naming istorbohin pa sina Ate Aida, kasambahay namin, kasi tulog na sila."Tara na?" sabi ko kay Trina nang makainom na ako at maglalakad na sana ako paalis nang magsalita pa siya."Sinong nagbigay nito?" seryosong tanong niya sabay pakita ng papel na may pangalan ko. Iyon 'yung papel na hinulog nung bumangga sa'kin. Sa sobrang kaba ko, mabilis kong sinubukang agawin iyong papel pero agad niyang nailayo sa'kin. Napakaseryoso talaga ni Trina. Siya iyong tipong hindi mabiro. Hindi mapaglihiman. Lahat, nahahalata niya. Dahil din sa kanya kaya nag-eenjoy ako mag-aral kasi mahilig talaga siya mag-ar
"Talagang dinala mo na ha," natatawang sabi ni Misty nang makita niyang dala ko ang gitara. Naabutan ko silang nandito sa labas ng building namin, nakaupo sa bench. Hindi na rin kami nakauniform kasi wala naman nang klase. May aasikasuhin lang na kaunting requirements then pwede na magbakasyon."Of course. Tatambay lang us for the whole day e," natatawang sabi ko. Hindi kasi namin sure kung sisiputin kami ng dean namin. We would like to ask if we can fix our next schedule next sem. Block section kasi kami so magkakaklase pa rin kami next year but we want to fix everything para hindi na kami abutin ng 5 years sa college. Ayaw kasi ni Dean pagsabayin namin ang thesis at OJT kaya ang gusto niya, ihiwalay ito ng sem. And if we do that, kailangan namin ilipat sa 5th year ang OJT. Imimeeting daw kami ni Dean para malaman kung walang conflict sa lahat kasi ang gusto namin, pagsabayin na. Kakayanin naman. Stress nga lang."Anong tambay. Hindi nati
Pagkatapos niyang mapuna ang mga mata ko, umalis na siya. Hindi ko alam kung anong trip niya. Siya lang kasi ang pumuna ng mata ko. Lol! Imbis na isipin ang taong wala namang pake sa'kin, nag-focus na lang ako sa panonood kina Torn. Buti pa siya, may pakialam sa'kin kahit noong Friday ko lang siya nakilala. Noong simula ng laban, pansin kong nanggigigil si Third at sobrang seryoso niya. Pinag-iinitan niya si Torn. Naku, kapag may ginawa siyang masama kay Torn, sasapakin ko talaga siya! Sasaktan ko talaga siya nang bongga. Agad na naghiyawan ang mga tao nang makagoal si Third. Ang lakas na ng kaba ko kasi ang hirap makagoal sa soccer. Whay if hindi makagoal sina Torn? Mapipilitan akong makipagdate kay Third. Ako kasi iyong taong tumutupad sa usapan e. Kaya nga hindi ko na kinuha ang number ni Torn kasi kapag may usapan kami, sure akong sisipot kahit anong mangyari. Sa sobrang kaba ko, napatingin ako kay Torn na mukhang naaasar na rin. Parang napansin niyang pi
"Hindi nagriring ang phone ni Misty. Parang naka-off," nag-aalalang sabi ni Jack sa'kin at kausap ko siya sa phone. Parang kahapon lang, pinag-uusapan namin ang tungkol sa mga post ni Third tapos patawa-tawa pa siya then ngayon, hindi na namin siya mahagilap. Tumawag sa'min ang Mom ni Misty kanina lang at sabi niya, bigla na lang daw umalis si Misty, umiiyak. Baka raw puntahan kami. Sabi nila, tawagan namin sila kapag nakita namin. "Saan natin siya hahanapin?" nag-aalalang tanong ko. Ayaw na rin namin tawagan pa si Trina kasi pauwi na siya sa province nila. Baka icancel niya pa. "I dunno. Tinawagan ko ang jowa niya, hindi rin daw alam. Hinahanap niya na." nagpapanic na si Jack at ganun din ako. Ano ba kasing pinanggagagawa ng batang 'yun? Nandito ako ngayon sa foodpark at kasama ko si Torn kanina kasi continuation ng tutorial namin. Umalis siya saglit kasi bibili raw siya ng iced coffee namin kaya ngayon ko lang nakita ang missed calls ni Jack. Kinabahan ako
"Can't sleep?" rinig kong tanong ni Third kaya napalingon ako sa kanya. Ngumiti siya at saka tumabi sa'kin. Nandito kami sa gilid ng pool, nakaupo sa damuhan at 2am na rin. Hindi ako makatulog kasi napapanaginipan ko na naman iyong babaeng sumisigaw ng katarungan. Parang false accusation. Kaya kinuha ko na lang ang gitara ko at tumambay dito sa labas. Nakakarelax ang kalangitan. "Ikaw rin?" tanong ko. "Yea..." Silence. Gustong-gusto ko talaga kapag ganitong tahimik. Finally, peace of mind. Kahit katabi ko si Third, hindi naman nakakaramdam ng awkwardness. Maybe because he needs this silence too. I started to pluck but I didn't sing. I just let the music enveloped us under this starry night. "Finally..." sambit ni Third kaya natigil ako at napatingin sa kanya. He laughed a little. "Finally... got the chance to listen to your music," he said in a low voice. Tumaas ang kilay ko. "You heard me already playing piano, Eleazar Dela Sierra de
"'Ma, I have something to tell you po." huminga ako nang malalim. I am talking with her on the phone. "Third is now my boyfriend po." pumikit ako nang mariin kasi baka magalit siya. All she wants for me is to focus on my studies. But she knows Third. He's not a distraction and a bad influence. "Finally," bumuntong-hininga siya kaya napangiti ako. "After this pandemic, I wanna meet him at home. And Lemon, sex is allowed but use protection---" "'Ma!" inis na sabi ko kaya natawa na lang siya. Botong-boto talaga siya kay Third kasi nakikitang mahal na mahal ako nito. Pero hindi ko sinasabi kay Third na gustong-gusto siya ni Mama kasi baka magyabang na naman. "Anyway, tell us if you need anything, okay? Or if you have any problem." Mama asked so I nodded kahit hindi niya naman ako nakikita. "Lemon, I'm warning you. I want you to be honest with me." "Yes, 'Ma. Tell Papa to take care of himself too. I don't want that millions of peso so tell him to stay aliv
"Ouch!" sambit ko at napahawak ako sa kanang balikat ko kasi parang may bumato rito. Nangingilo ang buto ko. Shems! And my whole body is aching."Nanang, nabuhay ang Binibining Liwan! Nanang, buhay ang Binibining Liwan!" sigaw ng boses bata. I opened my eyes but I barely see my sorroundings because, I guess, it's already in the evening. Nang makaupo ako, nagulat na lang ako nang may mga tao na sa harapan ko at medyo maliwanag na rin dahil sa gaserang hawak ng isang babaeng tingin ko ay nasa 20s na rin. May kasama siyang matandang puti na ang buhok at isang batang babae."Buhay ka nga," sabi nung matanda na halos maubusan na ng hangin sa katawan. Napahawak siya sa dibdib habang nakatingin sa'kin at agad siyang inalalayan nung babaeng nasa 20s. Lahat sila, nakatraditional dress. Pati ako, ganun din ang soot ko. Medyo bago nga lang tingnan ang soot ko."Nanang, malapit na sila," nag-aalala at humahangos na sabi ng lalaking bagong dating."Nanang, kailangan n
Oras ng siesta at hindi pa naman ako kailangan ni Lino kaya niyaya muna ako ni Berto magpunta sa market para raw bumili ng ilang kakailanganin nila. Para na rin akong nakahanap ng kaibigan sa katauhan ni Berto. Magka-height lang kami tapos ang daldal niya rin kaya nagkakasundo kami."Kaya matagal na kaming magkaibigan. Sana'y hindi lang din katrabaho ang tingin mo sa'min. Ituring mo kaming kaibigan na rin para maging magaan ang buhay," nakangiting sabi ni Berto habang tumitingin ng gunting. Matagal na pala kasing nagtatrabaho si Berto kina Lino, bata pa lang daw sila. Nagkahiwalay lang sila nang mag-aral ng medisina si Lino sa Europa at nang bumalik, nagtrabaho ito ng ilang buwan sa Maynila hanggang sa napagdesisyunan nitong magtungo rito dahil nakausap nila doon ang dating alcalde mayor ng bayang 'to. Wala ritong doktor kaya naisip nilang maglakbay papunta rito. Ninong ni Lino ang dating alcalde mayor kung kaya't imbis daw na pabantayan ang bahay sa ibang tao, pinahiram na l
"Sino kaya iyon?" bulong ni Agustino sa sarili niya. Natawa ako nang palihim at tiningnan ko si Berto na tahimik. Mukhang siya lang ang may alam sa matinong panliligaw dito, e. Si Lino? Mukhang hindi marunong. "Berto," tawag ko kaya napatingin na siya sa ‘kin. "Paano ba manligaw sa isang dalagang Filipina?" diretsong tanong ko kaya kumunot ang noo nina Lino at Agustino. Para naman sa kanila ang tanong na 'to kaya makinig sila. Si Lino kasi, kakaiba ang alam niyang panliligaw. Nakakatukso. "May nais ka bang ligawan, Mon?" Miranda asked. "Wala. Mukhang kailangan ng tulong ni Agustino, e," natatawang sabi ko kaya umaliwalas ang mukha nila at nagsimula na kaming magplano maliban kay Lino na mukhang hindi sasama sa ‘min. Nakikinig lang siya, e. Pati tuloy si Miranda, naeexcite sa gagawin namin. Gusto niyang sumama pero sabi ni Agustino, para lang daw ito sa mga binata sabay kindat sa ‘kin. Napa-ehem tuloy si Lino at ang sama na naman ng tingin niya kay Agu
Ilang sandali pang nag-usap-usap dito sa labas ng simbahan sina Lino at pinagtitinginan pa sila ng mga tao hanggang sa dumating si Padre Roque. Kinabahan na naman ako at puro iwas tingin lang ako sa kanya. Kamukha niya lang naman ang Pari ng Salvacion. Hindi siya iyon so I must calm myself but I can't. He's scaring me and Agustino and Berto noticed that."Mabuti pa'y mauna na lamang kami sa karwahe," tugon ni Berto kay Agustino."Sasamahan ko na kayo," ani Agustino pero umiling ako."Hindi na. Baka hanapin ka nila. Kami na lang---" hindi ko na natapos ang sinasabi ko kasi napatingin na rito ang Prayle at lumapit pa siya sa ‘kin. Ramdam kong namumutla na ako. Iba 'yung trauma ni Liwan, pati ako naaapektuhan."Nandito pala ang aking tagapagligtas," nakangiting sabi ni Padre Roque kaya pilit akong ngumiti.Ayokong gumawa ng away rito lalo pa't nakasunod kay Padre Roque sina Lino at family Valencia and family Villaluna."Masyado kayong aba
Kinaumagahan, maaga na naman kaming gumising para makaattend sa paunang misa. Kasama ko mamaya sina Lino, Berto, Señor Magnus at Señor Galicia. Sina Josefa at Maria ay uuwi sa kanila dahil family day naman nila today."Anong nangyari sa iyong labi, Lino?" tanong ni Señor Magnus na katabi ngayon ni Lino at nandito kami sa hapag-kainan.Medyo madilim pa dahil magbubukangliwayway pa lang pero halata na namin ang itsura ng bawat isa. Lalo na si Lino na parang lumuliwanag ang mukha ngayon dahil maaliwalas ito. Mukhang kompleto ang tulog niya kahit alam kong ilang oras na lang ang natitira nung umalis siya sa k'warto ko."Nakagat lamang po, Ama," natatawang sabi ni Lino sabay tingin sa ‘kin nang nakangiti kaya agad akong umiwas ng tingin. Umiinit na naman ang mukha ko. Tsk!"Kamusta pala ang iyong pakiramdam, Mon?" tanong ni Señor Magnus sa ‘kin kaya napatingin naman ako sa kanya. "Kahapon ay nawalan ka ng malay-tao. Hind
Bahagya siyang ngumiti pero may lungkot sa mga mata niya. "Mas nanaisin ko pang matalo kaysa hayaan kang mapahamak."Naalala ko, bago ako mawalan ng malay ay narinig ko pa siyang tinawag ako. Mukhang iniwan niya 'yung kalaban niya para sa ‘kin at ngayon, inaako niya ang kanyang pagkatalo."Ngunit hindi ako naniniwalang ako lamang ang umiibig dito, Liwan."Bigla na namang bumilis ang heartbeat ko at natatakot ako na baka marinig niya ito. Ang tahimik kasi ng paligid maliban sa kuliglig na mukhang tatalunin na ng heartbeat ko."H-hindi ba't sinabi kong huwag kang aasa?" nauutal na sabi ko. Gosh! Bakit ba ako nauutal? At kinakabahan?Napangiti siya at napailing nang mabagal. "Aking napagtanto na hindi mo naman gagawin iyon kung wala kang nararamdaman para sa ‘kin," natatawang sabi niya na kinakunot ng noo ko."Alin?" kinakabahang sabi ko."Nakalimutan mo na ba?""Ang alin nga?" Ayoko sa lahat, 'yung binibitin ako. Batu
Napasinghap ako habang natatawa na may halong pagkainis. "Wow, gagawin niyo pa akong trophy! Bahala kayo sa buhay niyo!" inis na sabi ko sabay lakad nang mabilis palayo sa kanila. I even heard them calling my name so I ran as fast as I could hanggang sa mailigaw ko na sila. Nagtago lang ako sa likod ng isang tindahan na gawa sa bato. Tindahan ito ng magagandang damit at kakaunti ang tao rito kumpara sa ibang tindahan. Mukhang mayayaman lang ang nagpupunta rito. Napahawak ako sa dibdib ko dahil hiningal ako. Hindi talaga physically fit si Liwanag. Kulang siya sa excercise. Kaya hindi siya nakapalag agad sa Prayle na iyon, e. Speaking of Prayle, I saw Padre Roque with his kapwa Prayle at Alpares na naglilibot sa plaza kaya mas minabuti kong magtago lang sa likod ng tindahan habang pinagmamasdan sila. Lahat ng nadadaanan nilang tao, binabati sila. They even bow their head to show respect. How in the hell they can give respect to a trash? "Mon!" rinig kong sambit
Dahil wala rin kaming magawa sa bahay, niyaya na lang ako ni Berto, Maria at Josefa na manood daw kami ng tanghalan sa labas at marami pang palaro. May mga Guardia Personal na rin namang nagbabantay sa bahay na pinadala ni Señor Manuel Valencia lalo pa't maraming tao sa bayan. Baka mapano pa ang kanyang mga kaibigan. Kaso umalis sina Lino nang silang tatlo lang.Mga pasaway.Wala nga silang dalang karwahe at ganun din kami nina Berto. Higit isang kilometro pero hindi bababa sa dalawa ang layo ng bahay ni Señor Galicia sa sentro ng bayan kaya hindi rin kami nahihirapang maglakad lalo pa't mas mahirap maghanap ng kalesa kaysa makakita ng mga taong naglalakad."Doon tayo, Mon! Bilis!" excited na sabi ni Maria at agad akong hinila kaya hinila ko rin si Josefa at hila rin ni Josefa si Berto habang papunta kami malapit sa bulwagan at sa gitna ay may malaking espasyo.Sa espasyong iyon ay may mga nagsasayaw na nakabaro't saya na makukulay. Lively r
"Tila naging maganda na ang iyong pakiramdam, Mon," puna ni Miranda na nilapitan ako rito sa labas ng bahay.Nasa sala sina Señor Manuel, Señor Galicia, Señor Magnus, Señora Rosana at Lino na umiinom ng tea ngayon. Nandun din si Berto at Agustino at kanina, nandun din kami ni Miranda pero nagpasintabi ako na hindi naman nila napansin kasi busy silang lahat. Maliban kay Lino na gusto sanang sumunod kaso pinigilan ako.Magtatanong lang 'yun kung kamusta ako at sinabi ko na sa kanya na gusto ko lang magpahangin sa labas dala itong tea ko."Bakit nandito ka sa labas? Baka hanapin ka dun," sabi ko at bahagyang sinilip sina Lino na nasa loob. I can't hear what they were talking about but based on their looks, seryoso na iyon."Abala sila sa isa't-isa. Hindi nila napansin na umalis ako," natatawang sabi niya habang nakatakip ang panyo sa bibig.One thing I learned during my stay here was, women used to cover their mouth wheneve
Masyadong kakaiba para sa akin lahat ng nangyayari dito pero natutuwa ako kasi nang mapadpad ako sa panahong 'to, naramdaman ko kung gaano kasaya ang maging Pilipino. Fiesta ngayon at sobrang dami ng tao sa paligid. Tapos makukulay pa ang bandiritas na nakasabit sa itaas ng dinadaanan namin. May kaba sa ‘kin na baka isa sa kanila ang nakalaban ni Liwanag pero hindi maikakailang ang saya nilang tingnan.Lahat nakangiti, halos magkakakilala, nagbabatian. Wala kasi silang hawak na gadgets na nakakaagaw ng atensyon nila. Hindi sila mga nakayuko habang may kausap na iba. But of course, cellphones and other gadgets were made for communication purposes naman."Nais mo bang bumaba?" tanong ni Lino sa ‘kin nang makita akong sumisilip sa kurtina ng karwahe. May kurtina na kasi ito para raw hindi makita ang nakasakay sa loob. Which is me. "Maraming magtatanghal mamaya."Napalingon na ako sa kanya at nakangiti siya ngayon habang nakatingin sakin. Naalala ko tulo
Hindi pa ako tuluyang nakakalayo kay Josefa nang mahabol niya kaagad ako."May sasabihin lamang ako sa iyo, Mon," nahihiyang sabi niya na kinakunot ng noo ko. "Napansin ko kasing may hindi tama sa iyong mga kilos bilang isang Binibini.""Ano 'yun?"Ngumiti siya na parang nahihiya. "Marahil ay isa rin sa iyong nakalimutan. Hindi dapat diretsong tumingin ang isang Binibini o Binata sa isa't-isa kung walang namamagitan sa kanila dahil hindi iyon katanggap-tanggap. Hindi tayo maaaring hawakan ng binata kung hindi natin sila asawa. At... iyang mga paa mo, kitang-kita.""Bawal ba 'yun?" natatawang tanong ko. Napakaconservative naman nila."Oo, Mon," tumatangong sagot niya. "Iyon ang natutunan ko kay Señorita Catalina noong ako'y naninilbihan pa sa kanya."Oh no! Naalala ko iyong paghawak ko sa paa ni Catalina noong natapilok siya. LMAO. Kaya pala ganun niya na lang ako paluin ng pamaypay niyang malaki. Gosh! Medyo natawa ako at napailing da