"Hindi nagriring ang phone ni Misty. Parang naka-off," nag-aalalang sabi ni Jack sa'kin at kausap ko siya sa phone. Parang kahapon lang, pinag-uusapan namin ang tungkol sa mga post ni Third tapos patawa-tawa pa siya then ngayon, hindi na namin siya mahagilap. Tumawag sa'min ang Mom ni Misty kanina lang at sabi niya, bigla na lang daw umalis si Misty, umiiyak. Baka raw puntahan kami. Sabi nila, tawagan namin sila kapag nakita namin.
"Saan natin siya hahanapin?" nag-aalalang tanong ko. Ayaw na rin namin tawagan pa si Trina kasi pauwi na siya sa province nila. Baka icancel niya pa.
"I dunno. Tinawagan ko ang jowa niya, hindi rin daw alam. Hinahanap niya na." nagpapanic na si Jack at ganun din ako. Ano ba kasing pinanggagagawa ng batang 'yun?
Nandito ako ngayon sa foodpark at kasama ko si Torn kanina kasi continuation ng tutorial namin. Umalis siya saglit kasi bibili raw siya ng iced coffee namin kaya ngayon ko lang nakita ang missed calls ni Jack. Kinabahan ako sa dami ng missed calls niya e. Mukhang nawawala pa si Misty at ayaw niyang magpahanap.
Tinago ko na agad sa bag ang gitara ko habang kausap pa rin si Jack. I have to find Misty. Kinakabahan ako, baka dinamay na rin siya ng mga may galit sa pamilya ko.
"I'll call you later," sabi ko kay Jack sabay patay ng tawag. Nandito na si Torn kaya agad ko siyang hinarap. Kung kailan naman kasi hapon na at mainit, saka naman magpapahanap. Hay naku, Lemon. Ayaw nga magpahanap! "Torn, I have to leave. My friend is missing. She needs me," mabilis na sabi ko dahilan para mag-alala rin siya.
"I'll come with you," wika niya.
Umiling ako at kinuha ang isang iced coffee. Hindi niya naman 'to mauubos dalawa. "No need. I have to do this alone," inangat ko amg coffee. "Thanks for this! See you tomorrow, 9am!" mabilis na sabi ko at tumakbo na palabas ng foodpark. I dunno where to find her so I called her Mom again to asked what Misty said before she left. But she said na umiiyak ito nang umalis kasi sinabihan nilang huwag nang magpapakita kay Anthony, jowa niya. So nalaman na pala nila. Ibig sabihin, hindi naman nakidnap si Misty. Medyo nakahinga ako doon ng maluwag. Kaso baka kung anong gawin niya.
I called Jack na magkita kami sa ice cream parlor na palaging pinupuntahan ni Misty kapag stress siya kaya nasa taxi na ako ngayon. Hindi ako mapakali habang nasa byahe. Panay ang tingin ko sa labas ng taxi kasi baka makita ko siya. "Para po!" sabi ko agad kay Sir sabay bigay nung 500 kasi iyon ang una kong nakuha. "Keep the change po," mabilis akong lumabas kasi I don't have time to wait pa. I saw Misty walking sa gilid ng kalsada malapit sa river. Elevated iyong kalsada at nasa baba siya nito. I saw her na naupo sa damuhan habang nakatingin sa tubig. Ang lalim ng iniisip niya nang tumabi ako sa kanya. "You made us worried," natatawang sabi ko kaya napalingon siya sa'kin. Nagulat siya. Mukhang hindi niya ako rito napansin. "You want me to leave?" tanong ko pa. Baka kasi gusto niyang mapag-isa. Ang tahimik ng lugar. Mahangin din at medyo mainit. Kaso ang lungkot ng katabi ko. Namamaga pa ang mga mata niya.
"Bakit kasi kailangan naming madamay sa away nila?" natatawang tanong niya. "Ang tagal na nun. Ilang eleksyon na ang nagdaan," dagdag niya. Hinayaan ko lang siyang ilabas lahat ng hinanakit niya. Ang dami niyang dinadala sa dibdib niya. Isa rin pala 'tong mapagkimkim. Sabagay, hindi madaling magsabi ng problema. Lalo na kung walang makakaintindi sa kanya. Kahit naman single kaming tatlo, maiintindihan namin sila ni Mac. Susuportahan ba namin sila kung hindi?
"Gusto mo, kausapin ko ang Mom and Dad mo? They'll understand if we explain," mahinahong sabi ko.
Umiling siya at nagpunas ng luha. "Ayaw naman nilang makinig. Palagi na lang sila ang nasusunod. Gusto nilang gawin lahat para sa'kin pero hindi nila ako hinahayaang gawin ang makapagpapasaya sa'kin." Tinapik ko ang likod niya kaya lalo siyang naiyak. Agad ko siyang binitawan. "Huwag mo na kasi akong aluin. Lalo akong naiiyak e," reklamo niya kaya napangiwi ako dahilan para matawa siya. "Drama ko." sumimangot siya kaya tinakpan ko ang mukha niya.
"Let's fix your problem right away!" tumayo ako at hinila siya patayo. Ayaw niya pa sanang sumama sa'kin pero wala siyang nagawa kasi mas malaki at mas malakas ako kaysa sa kanya. Nagtungo kami sa bahay nila at nakalimutan kong itext si Jack na kasama ko na si Misty. For sure, naghahanap pa rin siya, sila ni Anthony. Bahala na nga.
"Misty!" sambit ni Tita sabay yakap kay Misty. Agad namang nagsilabasan ang tatlo pang kapatid ni Misty na nakababata sa kanya. Wala ang Dad niya, baka nasa work. Nag-aalala sila kay Misty. Ganito rin siguro sina Mama at Papa kapag may nangyari sa'king masama. I have to protect myself. I don't want them to worry like this for me. "Pinag-alala mo kami! Huwag mo nang uulitin 'yun ha," dagdag ni Tita.
"Alin po? 'Yung paglilihim ko o 'yung paglayas ko?" medyo naiinis na tanong ni Misty.
Naging seryoso ang mukha ni Tita kaya bago pa siya magsalita, humarang na ako. Family problem 'to, hindi dapat ako nandito. "Excuse me lang po. Pero sana, kung ano man po ang problema ng magulang, huwag na po sanang madamay ang anak. Alis na po ako," mahinahong sabi ko. Lumabas na ako at hindi na sila hinintay pang makapagsalita. So paano ako lalabas sa village na 'to? Walang dumadaang sasakyan. Lalakad na lang ako palabas ng gate. Malapit lang naman.
Huminga ako nang malalim at nagsimula na maglakad. Dinadama ko pa ang init ng araw na nakakapaso nang makita ko si Fourth na lumabas sa isang bahay. I know he is Fourth kasi nakasalamin siya at maayos din ang suklay ng buhok. Dito pala siya nakatira. Napangiti ako at kakawayan ko sana siya nang makita kong lumabas din sa bahay na iyon si Ysa. Nawala ang ngiti sa mukha ko. Nakapambahay kasi si Ysa at panlakad naman kay Fourth. So does that mean that he's visiting her here. They look both happy and laughing. Maya-maya pa, hinawakan ni Fourth ang mga kamay ni Ysa at hinalikan ito sa noo. Then later on, sa lips na. Rinig na rinig ko kung paano nababasag ang mga lamang loob ko habang unti-unting nagiging luha at lumabas sa mga mata ko.
Nagsimula na akong maglakad palayo sa kanila. Ayokong makita ako ni Fourth. Alam niya pa naman na may gusto ako sa kanya. Tama na 'yung sakit. Ayokong kaawaan ang sarili ko. Alam ko naman na wala talaga siyang pakialam sa akin. Alam ko naman na wala lang ako sa kanya. Alam kong may gusto siyang iba. But I didn't knew that he's committed with someone else na pala. No one knows though. We thought that Fourth is single.
"Lemon!"
Napalingon ako sa tumawag then there I saw Fourth inside of his car. I forced to smile despite of this pain inside me. "Oy, Fourth. I thought we should start ignoring each other."
Natawa siya at binuksan ang pinto sa passenger's seat. "Pero ang init. Baka masunog ka kakalakad mo," aniya. Sus, okay lang, kaysa naman madurog ako kasama ka.
"No need. Thank you na lang," I said then I started walking again. Pinatakbo niya nang mabagal ang kotse para makasunod sa'kin.
"Come on, Lemon. Magkakasunburn ka," dagdag niya. "Gusto mo bang patayin ako ng kapatid ko kapag nalaman niyang pinabayaan lang kita?"
"He's moving on. He won't do that," seryosong sabi ko. Hindi ko na kayang magpanggap na ayos lang. Bakit kailangan niya pang ipaalala si Third? Talagang kambal nga sila. Kapag nakita ko ang isa, kakabit na nila ang isa pa. Palagi silang konektado sa isa't-isa.
"Pero binilin ka niya sa'kin. Actually, sa lahat ng kaibigan niya," seryosong sabi niya rin kaya napalingon ako sa kanya. "Sige na, kahit hanggang sa labas lang ng village kung gusto mo. Malayo pa lalakarin mo."
Ang kulit niya. Mukhang hindi niya ako titigilan kaya sumakay na ako. Hanggang sa labas lang naman ng village. Nagbook na agad ako ng grab para hindi na ako maghintay doon nang matagal.
"Bakit ka pala nandito?" he asked.
"I visited Misty. Ikaw?" tanong ko kahit alam ko naman na kung bakit. Gusto ko lang manggaling mismo sa kanya. At para mawala na rin sa sistema ko ang sinabi niya na binilin ako ni Third sa iba. Like hello? Bakit ako na naman iniisip niya? Seems like I'm the bad person here.
"Ysa..." aniya kaya bahagya akong napatingin sa kanya. Hindi siya makatingin sa'kin. Napangiti ako. Ayaw niya talaga akong saktan? Dahil ba sinabi ni Third?
"Just say that you're together now," sabi ko kaya saglit siyang napalingon. "I saw it though," bulong ko pa.
Silence. Hindi niya yata inaasahan na magiging diretso ako ngayon.
"Sorry... kami na nga," he said after a moment.
"Don't be! After this, I'll be busy as hell so I'll have the chance to forget," ngumiti ako at binuksan na ang pinto. Hininto niya na rin ang sasakyan otherwise, tatalon ako rito. "Thank you but please next time, let's just ignore each other." agad kong sinara ang pinto at pumasok sa isang grab. Doon na ako naiyak. Iniyak ko na lahat bago pa ako makauwi sa bahay. Ayokong magdala ng heartache doon.
"Tissue?" sabi ni Sir driver kaya kinuha ko ito.
"Thank you po," umiiyak na sabi ko.
Nang makarating ako sa bahay, okay na ulit ang panlabas kong anyo. Tinext ko na rin si Jack na nasa kanila na si Misty at hindi ko na nareplyan ang iba niya pang text kasi dumapa na ako sa kama at nakatulog habang tahimik na lumuluha. Siguro, iisipin niyo na ang drama ko. Ang OA ko. Pero nasasaktan ako e. We can't invalidate someone's feeling because that's not ours. We're not the one who's hurting. We're not the affected persona.
Alam kong close na noon pa sina Ysa pero hindi ko inakalang may something sa kanila. Para kasing magkaibigan lang sila. Hindi sila naglalandian sa harap ng mga tao kaya nagulat ako sa nalaman ko.
'Wala akong kasalanan! Wala kayong karapatang ako'y paratangan! Huwag niyo akong husgahan! Ito'y kasalanang hindi ko alam! Wala akong kasalanan! Hangad ko'y katarungan!'
Napabalikwas ako sa kama habang humahangos. Pinagpapawisan din ako ng malamig. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa lakas ng heartbeat nito. Siya na naman? Napanaginipan ko na naman siya but this time, may nakikita na ako, malabo nga lang. She's wearing a black clothes. Ang labo niya pa sa panaginip ko. Sino ba siya? Bakit ako nakokonsensya?
Napatingin ako sa pinto nang makarinig ako ng katok.
"Lemon, dinner na," tugon ni Ate Aida. "Hindi makakasabay sina Ma'am Sir."
Tumayo na ako at saka huminga nang malalim bago lumabas. Baka gutom lang 'to. Nakapagtataka lang na nasa panaginip ko ang babaeng 'yun samantalang hindi pamilyar sa'kin ang boses niya. Hindi ko pa siya napapanood sa TV. Hindi ko siya iniisip. Kaya bakit ko siya napapanaginipan?
"Umiyak ka," puna ni Ate Aida kaya natauhan ako at napatingin sa kanya. Nasa dining table na pala ako at pinaghahandaan nila ako ng pagkain. "Ayaw mo mag-law? Napilitan ka lang?"
Kumunot ang noo ko. Ano bang pinagsasasabi niya? "Gusto ko po. Baka kasi bagong gising po ako?" I said in a sarcastic tone.
"Sus! Hindi ka naman ganyan kapag bagong gising. Imposibleng broken hearted kasi wala ka namang lovelife," dagdag niya habang nilalagyan ng tubig ang baso ko. 'Yun na nga po e, wala akong lovelife kasi brokenhearted ako dahil kay Fourth.
"Ate Aida ha, nakakaisa na po kayo," natatawang sabi ko at nagsimula nang kumain. Ayaw kong ipahalata sa kanila na may prob ako. Kaya ko naman 'to mag-isa. Sosolohin ko na lang. "Anyway, may tanong po ako. What if may napapanaginipan kayong babaeng sumisigaw pero hindi niyo po siya kilala, ano kayang ibig sabihin nun?"
"Baka multong humihingi ng tulong? Minsan, sa panaginip sila nagpaparamdam e," aniya. Naupo siya sa tabi ko at pinatong ang mga siko sa mesa habang nakatingin sa'kin. "Bakit? Nananaginip ka? Dapat siguro, ipabless ulit itong bahay niyo."
Napangiti ako. "Sige po."
After I ate, lumabas ako ng bahay para magpahangin dala ang gitara ko para makapagrelax. Hindi rin kasi ako pinapatulog ng mga iniisip ko. Si Third, ako pa rin ang iniisip niya. Bakit ba siya ganito sa'kin? Never naman ako nagpakita sa kanya ng motibo. Si Fourth, bakit ang insensitive niya? Naniniwala talaga siyang ayos lang kay Third? Masasaktan pa rin 'yun. Besides, he has his Ysa already. Nasasaktan and at the same time, nagiguilty ako kapag magkasama kami. Tapos dumagdag pa sa isipin ko iyong napapanaginipan ko. Dalawang beses ko na siyang napanaginipan. Multo ba talaga siya? I dunno her.
Kinaumagahan, 8am pa lang ay nasa foodpark na ako. Maaga kasi akong nagising kaya maaga na rin akong nag-ayos at bumyahe. Mag-isa ako rito sa mini-stage, pinagmamasdan ang tahimik na lugar. Walang katao-tao. Dahil wala pa naman si Torn, napagpasyahan kong mag-CR muna. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Namamaga ang mga mata ko kaya mukha akong bagong gising. Itim na itim ang kilay ko kaya hindi bagay sa'kin ang magkilay pa. Lalong kumakapal. Maliit lang ang ilong ko na matangos. Mana may Mama. Medyo malaki ang lips ko, parang lips ni Miss Catriona. Matangkad daw ako, pang-miss universe. P'wede raw akong sumali dun. Sana tinanong muna nila kung gusto ko bago nila sabihing sayang ako.
Naghilamos ako at huminga nang malalim sabay ngiti. Oras na naman para magpanggap sa harap ng mga tao. Nagsuklay ako at tinali ito. Abot bewang ang buhok ko na straight. Medyo makapal din ito kaya nabibigatan ako kapag nakatali. Kaso no choice kundi itali kasi mahangin sa labas.
Nang lumabas ako, saktong nandito na rin si Torn. Agad akong ngumiti nang lumapit sa kanya. Napatingin siya sa soot ko. Nakadress kasi ako na white at white shoes din habang bitbit ko ang gitara. "Why? Do you have a problem with this?" tanong ko habang pinapakita sa kanya ang dress ko na above the knee.
Umiling siya at ngumiti. "It just that, this is the first time you wear a dress." kinuha niya ang gitara ko at siya na ang nagbitbit nito. Naglakad na kami papuntang mini-stage. "You okay? You look like you're not Lemon," puna niya pagkaupo namin sa mini-stage.
"Maybe because of lack of sleep. Misty made us worried yesterday e." kinuha ko ang gitara at nagsimula na magstrum.
"So how is she?"
"She's now okay. We'll talk to her maybe tomorrow because she needs time to fix her own problem. If she needs our help, she'll contact us immediately."
"So how are you?"
"I'll be okay..." I mumbled.
I heard him chuckled. "You'll be!" ginulo niya ang buhok ko kaya bahagya akong lumayo sa kanya. "So are you ready for tonight?"
Kumunot ang noo ko at tiningnan siya. "Just say it, Torn. I don't like surprises. You want sex?" diretsong tanong ko dahilan para manlaki ang mga mata niya pero agad ding naningkit.
"Seriously, Lemon? You think I'm that kind of guy?" bahagya siyang natawa pero nanatiling nakapoker face ang mukha ko. "I'll tell you later. This will be one of your unforgettable moments. But this time, with me," ngumiti siya sabay kindat kaya tumaas ang kilay ko. Crush ba ako nito? Charot. Pero kinakabahan takaga ako. Natawa siya kasi poker face pa rin ako. "Stop thinking about sex. We're too young for that. Maybe when we're both 23," he laughed. Binatukan ko siya sabay pingot ng tainga niya habang tawa lang siya nang tawa.
Aba, malay ko ba. 'Yun naman ang habol ng ibang lalaki sa babae. Kapag nakuha na nila, nawawala na sila na parang magnanakaw. Ginagawang sex object ang babae. Nakakapota, sarap putulan ng ano e! Pero hindi naman yata ganun si Torn.
Buong araw, tinuruan lang ako ni Torn ng different way on how to play the guitar pero may halong pang-aasar kaya hindi ko maiwasang saktan siya. Nagiging green tuloy ang mind ko habang nag-sstrum. But somehow, I'm happy that he's here. Nakakalimutan ko iyong mga masasakit na nakita ko kahapon. Kahit hindi ko sinabi kay Torn kung bakit mukha akong malungkot kanina, nagawa niya pa ring alisin iyon sa akin. So I'm thankful that I met him in just a very short period of time.
"Let's have some coffee?" tanong ko kay Torn at pumayag naman siya. I need caffeine e. Inaantok na ako. Tsaka malapit na rin mag-5pm. I texted Kuya Leo na magpapasundo ako rito sa foodpark kasi gagabihin ako.
Habang naglalakad kami, napadaan kami sa plaza at nakita kong binababa na ang flag natin. So tumigil muna kami ni Torn sa paglalakad habang ako ay nakalagay ang kanang kamay sa kaliwang dibdib bilang pagpupugaw sa national flag natin. Pansin kong hindi tumitigil sa paglalakad ang mga tao. May ilang nakahinto, pero may ilang walang pake. I dunno why this is happening.
"So nice to meet a patriot," ani Torn kaya napalingon ako sa kanya at naglakad na rin papunta sa isang coffee shop malapit dito.
"No, I'm not. I can't consider myself as patriot. I just respect it because our flag deserves that, had been through a lot e." ngumiti ako kaya napangiti rin siya. Patriot for me is a big word. Sila iyong mga ipinaglalaban ang bayan at mga Pilipino. Na handang ibuwis ang buhay para sa mga Pililino. At hindi pa ako umaabot sa ganung punto. Baka si Trina, p'wede pa. I should tell her that I admire her because of that.
"Are we now friends?" tanong ni Torn out of the blue kaya napatingin ako sa kanya. Nandito na kami sa loob ng shop at hindi ko maiwasang mapayuko kapag may tumitingin sa'min, lalo na kay Torn. Malapit na kasing gumabi kaya nagsisilabasan na naman ang mga tao. For sure, pupunta sila sa foodpark kasi may bandang tutugtog doon later.
"I guess so but you don't like LDF," tugon ko.
"Who said that?" kunot-noong tanong niya. Ayan na naman 'yung nakakatakot niyang kilay.
"Kidding. But what do you think? Are we friends now?"
"Maybe yes? But you're not giving me any contact details," reklamo niya. Oo nga pala, wala pa kaming kahit na anong contact sa isa't-isa. Kahit number man lang. Napatunayan ko naman na mapagkakatiwalaan ko si Torn pero marami pa rin akong hindi alam sa kanya. Parang ang dami niya pang tinatago sa'kin. Sa unang tingin, para siyang anghel pero minsan, para siyang ewan.
"I don't have social media account," sabi ko kaya nagtaka siya. Natawa ako nang kaunti. "Maybe because of the trauma? This is the first time that I'm going to tell this to someone," I said.
"Just say it if you feel comfortable," paalala niya.
"I am, Torn. But I'm not comfortable of giving my contact details to anybody that I just met. You're nice and a good person. The fault is in me. I have this trauma that even my parents doesn't know about this," paliwanag ko. Tahimik lang siya habang nakikinig. Sinabi ko sa kanya na kaya wala akong social media at hindi ako nagbibigay masyado ng mga personal information ay dahil sa mga death threats na natatanggap ko noon online. I told him everything despite of this trust issue that I have. At hindi naman ako nagsisi na sinabi ko sa kanya iyong mga kinakatakutan ko kasi gumaan na ang loob ko. At naiintindihan niya rin pala ako. I dunno how but he made me feel that I am understood.
"Tomorrow morning is your flight, right? Where's your Mom?" I asked. I already met his Mom. Nitong Monday lang, noong nalasing ako. Noong hinatid muna namin si Torn sa hotel niya. Sabi kasi ni Kuya Leo, kailangan muna raw mawala ang amoy ng alak sa'kin kasi lagot ako sa magulang ko. Lagot kami. Kaya ayun, pinatambay muna ako ni Torn sa kanila at nameet ko ang Mom niya. She's nice but a little bit shy. Hindi siya madaldal. Sayang, ang daldal ko pa naman. Ang dami kong chikka.
"At the wedding. Today's the wedding of her friend," aniya kaya natigilan ako sa paglalakad. Papunta na kasi kami sa park dahil 6pm na. Sabi ni Kuya Leo ay papunta na rin daw siya sa foodpark. Baka after an hour pa yun.
"What? Why didn't you told me?" gulat na tanong ko. "I should have cancelled this so that you can be able to attend her friend's wedding."
Bahagya siyang natawa at nagsimula na namang maglakad. Agad ko siyang hinabol. "I told you, this is my short vacation. Mom let me do anything that I want before we go back to Thailand."
"But the wedding? You're not here for that?"
"I'm here for you, okay? Let's just enjoy our last day together!" ngumiti siya at hinila na ako papunta sa foodpark. "I wanna try everything," dagdag niya habang tinitingnan ang mga nakabukas na foodstalls. Pati ako, napanganga dahil sa pagkamangha. Ang dami palang nagtitinda rito. Ang daming food. Ang daming tao, mga matatanda, middle age at mga bata. May mga light din sa puno na para bang pasko rito palagi. May tugtugan na rin somewhere. Ang saya pala ng park na 'to kapag gabi. Sa k'wento ko lang kasi naririnig ang tungkol dito. Madalas tumambay rito sina Jack e.
"You should try everything!" pag-uulit ko sa sinabi ni Torn. Hinila ko siya papunta sa ihawan. May barbeque, isaw, dugo, yung betamax ba at iba-iba pa na hindi ko na alam ang pangalan. Kinuha ko iyong isaw at pinaihaw na. Everything here should be ihaw e. Next na lang iyong sa proven and kwek-kwek. I heard someone called it neon balls. Lol! Mukha naman kasing neon. Wala pa naman akong maririnig na tinawag 'yung dragon balls. HAHAHA!
"What you call this?" tanong ni Torn habang nakaturo sa isaw na luto na at isusubo ko na sa kanya.
"Tsk! Later na! Just eat this first!" pilit na sabi ko kaya ngumiwi pa siya sabay kagat sa isaw. Opps! I forgot na isawsaw sa sauce HAHAHA ngumuya na siya habang napapangiwi kaya mabilis akong kumuha ng sauce at sinawsaw 'yung isaw na natitira sa stick. "Eat this pa!"
"But it taste---" hindi niya na natapos pa ang sasabihin niya kasi sinubo ko agad sa kanya iyong isaw na sinawsaw ko na sa sauce. Ang sama na ng tingin niya sa'kin. Tumutulo na ang sauce sa gilid ng labi niya kaya natawa na lang ako.
Pinunasan ko gamit ang kamay ko iyong kalat sa bibig niya. "You're such a kiddo. So how was it? Yummy, right?" tawa ko.
"Because of the sauce, but yea! Let's wash your hand." hinila niya ako papunta sa labas ng CR para makapaghugas ng kamay. May hugasan kasi dito. Pagkatapos ay nagtry pa kami ng ibang pagkain at game na game naman siya except sa balot na muntik niya nang isuka. Nasusuka pa naman ako kapag may naririnig akong naduduwal o nakikitang sumusuka. Badtrip naman 'tong si Torn.
"You okay?" tawa niya habang binubuksan ang water bottle.
"Just drink it!" inis na sabi ko kaya mas natawa lang siya pero hindi niya talaga nabubuksan ang bottle. Nanghihina yata ang grip niya kakatawa.
"But I can't open this," aniya habang pilit binubuksan ang bote. Inagaw ko ito sa kanya at ako na ang nagbukas sabay bigay sa kanya. Ang dali lang namang buksan e. Duh! Tawa lang siya nang tawa. Nawalan na tuloy ako ng gana mag-foodtrip. Baka ako pa ang masuka. "One thing that I can't do; open the bottle," tawa niya.
Naglakad-lakad muna kami ni Torn para matunawan. Napadaan kami sa maliit na playground ng mga bata at ang saya nilang panoorin. Hindi ko 'to naranasan. Iyong makikipaglaro sa'kin ang parents ko. Busy kasi sila lagi pero hindi ako nagrereklamo. Palagi nilang sinasabi sa'kin na hindi dapat ako maging makasarili. Na hindi lang ako ang tao sa mundo. Kailangan ko ring isipin ang iba. Kung nasasaktan na ba sila sa mga actions ko o kung sila ang nahihirapan. Hindi p'wedeng ako lang lagi. Dapat, sila rin. Sila, mga tao sa paligid ko. Kaya siguro hindi ko na rin pinilit noon ang sarili ko na magustuhan ni Fourth kasi may ibang masasaktan. Kung sana, hindi ako narinig ni Third nang umamin ako, baka less ang sakit na nararamdaman niya ngayon.
"Are you ready?" Torn asked kaya napatingin ako sa kanya. Nakangiti lang siya na parang sinasabi niyang everything is okay. Nakakatuwa naman ang taong 'to. Kaya niyang pagaanin ang loob ko with those smile. Pati kasi mga mata niya, kumikinang. "Don't worry, I won't leave you. Just trust me," dagdag niya na pinagtaka ko. Next thing I know, hawak niya na ang kamay ko at nandito na pala kami sa tapat ng mini-stage. Marami na ang taong nakatayo at naghihintay na tumugtog ang banda. Nag-aayos na rin ang banda sa stage. Napaawang ang bibig ko kasi naexcite ako bigla. This is the first time that I will be watching a live band. "You like it?" tanong ni Torn at tumango ako na parang batang excited na sa mga mangyayari. Malapit kami sa stage.
Nang magsimula ang tugtog, parang drum na tinatambol ang puso ko dahil sa lakas ng sound system. Napapasabay rin kaming audience sa kanta ng banda. The Day You Said Goodnight by Hale ang kanta. Nagwiwave kami ng kamay sa ere habang kumakanta. Hindi talaga binibitawan ni Torn ang kamay ko.
May dalawa pa silang kinanta bago nagsalita sa mic. "Magandang gabi," bati ng vocalist at bumati rin kami pabalik. "So let's have an open mic. We're going to pick from the audience and sing here on stage," sabi niya kaya lumakas ang mga bulungan sa paligid namin. Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Torn sa kamay ko kaya napalingon ako sa kanya.
"You!" turo ko kay Torn na kinakunot ng noo niya. "Sing for us. You're a good singer, Torn. Come on---" natigil ako sa pagsasalita nang itaas niya ang kamay naming dalawa. Oh no.
"Us! We're going to perform," nakangiting sabi niya sa vocalist pero sa'kin siya nakatingin. Parang naduduwal ako bigla sa kaba.
"Including me?" gulat na tanong ko sabay turo sa sarili ko.
"Okay, come up on stage!" sabi ng vocalist.
"Yes, including you," sabi ni Torn sabay hila sa'kin papunta sa stage.
"Hala, I don't want!" kinakabahang sabi ko habang hinihila ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya pero ang higpit ng hawak niya sa'kin. Kaya pala hindi niya ako binibitawan kanina. Dahil pala rito. Oh no! Ito pala ang kapalit ng paglalaro niya para sa'kin. Aaaaaaahhh!
"Hi," bati ko sa audience. Halata namang kinakabahan ako kahit pa nasa likod ko lang si Torn. Binigay niya na sa'kin ang gitara ko kaya sinakbit ko na ito sa balikat. Si Torn naman ay humiram ng piano. So magpeperform talaga kami. It's real! Huminga ako nang malalim at tiningnan si Torn na nginitian lang ako. Parang hindi siya kinakabahan na maraming taong nakatingin sa'min ngayon. Gago ba siya? Aist! Dinamay pa ako. "What song?" mahinang tanong ko. Hindi ko naman alam ang mga kantang alam niya.
"With a smile," sagot niya kaya muli akong humarap sa audience. Ako talaga ang kakanta. Lintik na 'yan! Pagbigyan na nga. Para na rin sa kanya 'to. Last day niya na sa Pilipinas e. Buti nga, ito lang. Hindi sex! Afhdfhfkshfs forget about that!
"So sige na nga, you know naman na napilitan lang ako," natatawang sabi ko. "Aalis na kasi siya. Baka hindi na kami magkita," we don't have any means of communication e.
"Awww..." natawa ako sa reaction ng audience. Nalungkot sila? Why naman? Huwag ganun. I'm happy that I met him so there's no reason to be sad. We had the best moments with each other so that's enough reason to smile.
"Don't be sad," nakangiting sabi ko at nagsimula na mag-strum. Nang marealize nila kung ano ang tinutugtog namin ni Torn, napangiti na sali.
This is With a Smile by Eraserheads.
Napapasabay sila sa kanta kaya napangiti ako at ganun din si Torn. This is what we want, to be one of the audience. Humarap ako kay Torn bago kumanta at medyo nabigla ako nang sabayan niya ako. May mic pala sa harapan niya.
Nakakatuwa na nakikisabay sila sa pagkanta namin. I didn't imagine that I'll be loving the feeling of this kind of experience.
"Sometimes, I feel like I want to disappear," sabi ko. Tapos na kami ni Torn kumanta. Nagthank you lang kami at mabilis kaming tumakbo palayo sa stage na iyon kasi hiyang-hiya na talaga ako. That was my first performance on stage where no one knows me. I already performed in school but that's a different case. Torn said that I did great.
"Wanna go somewhere no one knows you?" tanong ni Torn kaya tumango ako habang natatawa. Naglalakad-lakad kami rito malapit sa garden ng foodpark. Hindi matao rito kasi karamihan ay nasa event area ng foodpark.
"Yea yea where I can do everything and be who I want to be," excited na sabi ko pa at natawa rin siya.
"We're on the same page," aniya. "I wanna be who I am. I wanna go somewhere no one knows me," mahinang sabi niya.
Nawala iyong tawa ko. Napalitan ng simpleng ngiti. "And you're here. Aside from your Mom, no one knows who are you."
Ngumiti siya sa'kin at tumango nang bahagya. "Thank you for making this short vacation a wonderland. You met the real me without knowing what I am," aniya na kinakunot ng noo ko habang nakangiti.
"What are you?" I asked pero natawa lang siya nang bahagya at ginulo na naman ang buhok ko.
"Don't ask, Lemon. I want us to stay like this. And if ever you discovered something about me, I hope that you will still treat and see me the way you treat me today."
"Ha? Obviously, you're hiding something." tumigil kami sa paglalakad at humarap sa isa't-isa. Ang lamig ng hangin pero ininda ko na lang iyon. Parang ang daming tinatago ni Torn e.
"I am. And soon, I hope someday, we meet again?"
"I hope that the next time we meet again, You'll be the real you," pagtatama ko.
Natawa siya. "But this is the real me."
"What are you?"
"You'll know soon. And when you go to Thailand, I don't think I can make that a wonderland for you."
"So unfair?"
"Yea so you want us to have a communication?" tanong niya at hindi ako nakakibo. Nagsimula na naman siyang maglakad. Palabas na kami ng foodpark at sa labas ng foodpark ay hindi na matao. Mula sa labas, aakalain mong walang tao sa likod ng mga establishments na ito. "I'll tell you my I* account. Message me there if you made an account," dagdag niya kaya bahagya akong natawa.
Kinuha ko na ang gitara ko na kanina niya pa bitbit. "So you're really assuming that I'll make one just for you?"
Nagkibit-balikat siya pero hindi siya sumagot. Lumalalim na ang gabi. Napatingala ako sa langit at nakita ang moon. Sa tabi nito ay mga stars na parang ilog, nakahilera lang kasi sila. Hindi kalat. Napangiti ako sa naisip ko. "Can you still remember the music that I played in piano the first time that we met?" I asked. Napatingin ako sa kanya at ganun din siya.
"Moon river?" he asked. Tumango ako at tinuro ang langit.
"Look at that. The moon beside the stars that river a like. Sounds like moon river, right?" natatawang sabi ko. Ang babaw lang talaga ng kaligayahan ko. Hays.
"Moon river... that will be the password," sambit ni Torn kaya napatingin na naman ako sa kanya. "If you did your any account, just message me moon river so that I can be able to identify you," dagdag niya.
"Seriously? Why do you need to identify who I am? Seems like a lot of people are messaging you," nakangising sabi ko kaya natawa siya.
"Just do what I said." tugon niya.
"Yea yea so what's your I* account, twitter account, f******k account, bank account."
"Crazy," sambit niya sabay gulo na naman ng buhok ko. "Just search Tornrite," aniya kaya napatingin ako sa right side ko dahilan para matawa siya.
"Lemon, I have to leave. Just remember what I said, okay?"
"Okay, Torn right!" natatawang sabi ko.
"But before that..." natigil siya at napalunok. "Can I have a hug?"
"You're making this hard for me," I frowned sabay yakap sa kanya nang mahigpit at niyakap niya rin ako ng mas mahigpit. "Saying goodbye is hard. Let's don't cry tonight," sabi ko pa sabay tapik ng balikat niya at bumitaw na sa pagkakayakap.
"I'll miss you though," sambit niya.
Napangiti ako at kumaway na habang naglalakad paatras. "I'll miss you too but we have to part our ways now. See you someday?"
"Yea, someday, Lemon," paalam niya. Kumaway na rin siya at naglakad na patawid ng kalsada.
"Thank you, Torn! You did a lot for me e," sigaw ko pa kaya natawa na lang siya habang kumakaway.
"Thank you, too, Lemon! It was so nice to meet you." sigaw niya rin at para kaming mga tangang nagsisigawan sa magkabilang gilid ng kalsada. Natawa na lang kami pareho habang kumakaway sa isa't-isa.
Nang makalayo na siya, huminga ako nang malalim at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa strap ng gitara. Ang lungkot naman ng araw na 'to. Mas malungkot pa sa nalaman ko kahapon. Nakakalungkot pala mawalan ng kaibigan na nakakasundo natin sa maraming bagay. Me and Torn both like music and cat. Tapos ang gaan niya pang kausap. Nasasabayan niya rin ang pagiging hyper ko at lalong-lalo na ang pagiging tahimik ko. 'Yung iba kasi, naiintimidate sa silence ko.
Torn right amp. Maybe soon... but not now.
Naglakad na ako papunta sa pinagparkingan ng van ni Kuya Leo. Van talaga ang dala niya. Ayaw niyang gamitin iyong kotseng isa. Natatakot daw kasi siyang magasgasan niya kasi bago pa raw at mas mahal kaysa van. E makigasolina nga ang van. Hay ewan.
Habang naglalakad ako, nakaramdam ako ng kaba bigla at mukhang may nakasunod sa'kin. More like may nanonood sa mga galaw ko. Natandaan ko tuloy iyong letter na natanggap ko last week lang. 'Yung I'm watching you. Sa kaba ko, binilisan ko pa ang paglalakad. Wala pa namang tao sa side na 'to kasi nakasara na ang mga establishments. Sa likod nito ay foodpark.
Natigilan ako sa paglalakad nang may lumabas na dalawang lalaki sa isang van na itim. May cover ang mukha nila kaya mas natakot ako dahilan para tumakbo ako palayo pero agad din nila akong naabutan. "HEEEL---" hindi ko na natapos pa ang pagsigaw ko kasi tinakpan nila ng panyo ang bibig at ilong ko kaya nahihirapan akong huminga plus nakayakap siya sa likod ko so hindi ko siya masipa.
Bahagya akong yumuko at mabilis na inuntog ang ulo ko sa mukha niya dahilan para mabitawan niya ako. Nakaramdam ako ng hilo pero mabilis kong nahawakan ang paa ng isang lalaki na sisipain dapat ako. Tinulak ko ang paa niya palayo sabay sipa sa in between niya. Alam niyo na 'yun. Hinarap ko agad iyong isang lalaki na ang sama na ng tingin sa'kin at mukhang dumudugo na ang ilong. Nilapag ko sa lupa ang dala kong gitara at bumwelo para kalabanin siya kahit hilong-hilo na ako. Dahil yata 'to sa pinaamoy nila sa'kin. Susugod na sana ako nang may sumigaw na lalaki somewhere pero bago ko pa siya nakita, nagblack out na ang paningin ko.
Nagising akong nasa loob ng isang van kasi may tumatapik ng pisngi ko. Pakiramdam ko namamaga na ang mukha ko. "Ay jusko!" gulat na sabi ko nang makita ko si Third. Mabilis akong naupo sa tabi niya. Nakahiga pala kasi ako kanina sa lap niya. Jusko naman!
"Kamusta ka na?" nag-aalalang tanong niya. Napahawak ako sa likod ng ulo ko kasi ang sakit talaga. Kasalukuyang tumatakbo ang van at si Kuya Leo ang nagdadrive.
"Why are you here ba?" inis na tanong ko at doon ko lang naalala na muntik na pala akong makidnap. Shit! "Oh no, Kuya Leo! Don't tell this to Mama and Papa!" gulat na sabi ko.
"Bakit?" tanong nilang dalawa.
Tinarayan ko lang si Third. "Basta po. Please, I don't want them to worry. This is just a part of someone's plan to scare my parents. And I don't want them to be scared. Let's not make someone's plan effective, please?"
Hinawakan ni Third ang magkabilang braso ko at pinaharap sa kanya. "Are you insane?" inis na tanong niya. "Muntik ka nang mapahamak kanina, Lemon!"
Kinabig ko palayo sa'kin ang mga braso niya. "And so? They are just threatening us and I won't let them do that!" inis na sabi ko.
"Pero tama siya, Lemon. Kailangan mo 'tong sabihin kina Ma'am para alam nila ang gagawin nila." nag-aalalang sabi naman ni Kuya Leo.
"But Kuya Leo, you know naman what happened before. Mama almost quit her job and I know how she loves her job!" diin na sabi ko.
"She loves you too, Lemon! And she won't like it if something bad happened on you!" diin na sabi ni Third at mukhang nanggigigil talaga siya. Ngayon ko lang din napansin na namamaga ang left cheekbone niya.
"No, Third. Hindi niyo ako naiintindihan. People need her. And I don't want to be selfish."
"You're being selfish now. You don't want us to save you," mahina pero may diin na sabi niya. Punong-puno na naman ng emosyon ang mga mata niya kaya napaiwas ako ng tingin. Sinasaktan niya lang talaga ako. Pareho sila ni Fourth. "Hindi mo ba alam na masasaktan din kami kapag napahamak ka?"
"Stop it, Third. Akala ko ba, iiwasan mo na ako?" inis na sabi ko. "Wala ka palang isang salita," bulong ko.
Bahagya siyang natawa. "'Yun pa talaga ang inisip mo? Muntik ka nang mapahamak. Magseryoso ka naman!"
Hinarap ko siya kasi naiinis na ako. "I'm serious, Third! How can you forget about me if you'll do this everytime? Stop living with that pain!"
"I'll endure this pain just to make sure you're safe."
Silence. Naluluha na naman ako dahil sa mga pinapakita niya sa'kin. Hindi ko deserve 'yang pakikitungo niya sa'kin. Kung patuloy niya akong lalapitan, hindi siya makakausad palayo sa'kin. Araw-araw ko lang siyang itutulak palayo hanggang sa matumba siya at hindi na ako malapitan. Pero paano kung ikamatay niya ang pagkakabagsak niya? What if hindi siya makabangon? Kaso hindi ko siya p'wedeng panatilihin sa buhay ko. Delekado.
"Wala talagang simpatya 'yang kalamansi na 'yan, 'no Kuya?" natatawang tanong ni Third kay Kuya Leo kaya agad na tumaas ang kilay ko at nagcross arms. Nandito na kami ngayon sa bahay dito sa sala. Wala sina Mama at Papa. Si Papa may duty. Si Mama, nasa La Union.
"Who told you ba kasi na makipagsuntukan ka dun?" taas kilay na tanong ko. Siya pala iyong lalaking nakita ko bago ako mawalan ng malay.
"Lemon, ikaw nga rito! 'Di ba, tinuruan ka ng Papa mo maglinis ng sugat." binigay sa'kin ni Kuya Leo iyong first aid kit, pati cotton kaya napaawang ang bibig ko.
"Kuya, ikaw po kaya ang nagvolunteer na gamutin siya." inis na sabi ko.
"Kaya mo na 'yan. Natatae na ako!" sigaw niya habang tumatakbo papunta sa CR. Napadabog na lang ako at sinamaan ng tingin si Third na nagpipigil ng tawa ngayon. Batuhin ko siya ng first aid kit e!
Tumayo ako sa harap niya at nilagyan ng alcohol ang cotton. Dinamihan ko talaga para mas mahapdi. "Hindi ka naman galit sa'kin?" natatawang tanong ni Third kaya lalo akong napabusangot at dinikit sa sugat niya ang cotton dahilan para mapangiwi siya at mapaatras. Nakasandal na siya sa sofa habang nakatayo ako sa harap niya. Ayokong tumabi sa kanya 'no! Baka kung ano na naman ang sabihin niya. "Dahan-dahan naman, Lemon! Ang sakit!"
"Aba, was that my fault? Tinutulungan ka na nga!" inis na sabi ko pa at saka dinikit ulit sa sugat niya ang cotton. Napapapikit siya sa hapdi kaya hindi ko maiwasang matawa. Takot talaga siya. Pero hindi siya natakot sa mga kidnappers ko. Aist! Tinukod ko ang tuhod ko sa sofa at ang kanang kamay sa sandalan, katabi ng ulo niya, para makalapit ng kaunti sa kanya. Ang layo niya na kasi e. Baka maout of balance pa ako. Bakit kasi ganito siya maupo? "Ang laki mong tao, takot ka sa maliit na cotton na 'to?" natatawang tanong ko kaya napadilat siya at napatingin sa'kin. Nagulat siya nang makita ako at mukhang naistatwa sa kinauupuan niya. More like, kinahihigaan niya na. "Seriously, do I look like a mumu?" I mumbled as I continued to clean his cut on his cheekbone. Napahawak siya sa dibdib niya habang nakatitig sa'kin pero tahimik lang siya habang inaayos ko ang trabaho ko and infairness naman, mukhang masaya maging doctor. At buti naman, natahimik na siya.
"Kailan pa 'to nangyayari sa'yo?" tanong ni Third kaya napatingin ako sa kanya. "'Yung mga pananakot sa'yo," paglilinaw niya.
"Don't ask too much. It's not my responsibility to answer your questions," sagot ko at pinagpatuloy ulit ang ginagawa ko. Tahiin ko kaya ito? Kaso baka magkamali ako. Kailangan niyang pagpunta sa ospital after this.
"Kaya ba ayaw mo ng commitment? Kasi dahil dito?" tanong niya pa dahilan para maidiin ko ang cotton sa sugat. Napangiwi siya sa sakit sabay hawak sa kamay ko para pigilan ako. Bakit kasi wala rito sina Ate Aida? Aist! Tulog na pala sila!
"Ang bigat ng kamay mo. Hindi ka p'wedeng mag-Doctor!" nakangiwing sabi niya kaya pinitik ko ang noo niya dahilan para tingnan niya ako nang masama pero agad ding umiwas.
"Kung tulad mo talaga ang pasyente, makakapatay ako!" inis na sabi ko.
"Bakit? Natumbok ko ba?" pangungutya niya kaya ididikit ko na naman sana ang cotton sa sugat niya pero agad niya ring napigilan ang kamay ko. "Dahan-dahan naman Lemon. Ang brutal mo," reklamo niya.
"Umayos ka kasi. Puro ka tanong!" inis na sabi ko at saka umayos ng tayo kasi napansin kong muntik na akong pumatong sa kanya kanina. Kunting likot na lang, paktay na!
"Oo na po," aniya kaya umayos na rin siya ng pagkakaupo niya. Huminga ako nang malalim at tiningnan na muna siya nang matalim habang siya ay parang... nagpapacute ba 'to? Tusukin ko 'yang mata niya e.
"Ang pangit mo," inis na sabi at saka pinagpatuloy ang paglagay ng betadine. Hindi naman na siya kumibo pa kaya natapos ko na ang paglagay ng bandage. Niligpit ko na ang first aid kit. "Uwi na. Bawal ang taong walang isang salita dito!" sabi ko sa kanya.
Tumayo na siya. "Ano naman kung walang isang salita. Ang mahalaga, ligtas ka," ngumiti siya at tinapik ang ulo ko. "Hindi ka selfish, Lemon. Kaya lalo kitang minamahal e,"
"Ha!? Layas na nga!" inis na sabi ko at sisipain ko sana siya nang makalayo agad siya sa'kin. Pasalamat siya, may hawak akong first aid kit. Kung hindi, papantayin ko 'yang blush on niya.
Pero hindi ko ba alam. Natutuwa ako kasi feeling ko, bumalik kami sa dati. Bakit naman ako natutuwa dun? Gosh! Huwag ka ngang ngumiti, Lemon!
"Third, dito ka na magpalipas ng gabi. Baka kung ano pa mangyari sa'yo sa daan!" tawag ni Kuya Leo at bigla tuloy akong kinabahan. For sure, nakilala nila si Third. Baka balikan nila. Tapos lumalalim na ang gabi ngayon. Baka mapano pa siya.
"Pinapalayas na po ako, Kuya!" tawa ni Third at lalabas na sana siya sa pinto nang magsalita ako.
"No! Stay here!" sambit ko na may halong pag-aalala.
To be continued...
"Can't sleep?" rinig kong tanong ni Third kaya napalingon ako sa kanya. Ngumiti siya at saka tumabi sa'kin. Nandito kami sa gilid ng pool, nakaupo sa damuhan at 2am na rin. Hindi ako makatulog kasi napapanaginipan ko na naman iyong babaeng sumisigaw ng katarungan. Parang false accusation. Kaya kinuha ko na lang ang gitara ko at tumambay dito sa labas. Nakakarelax ang kalangitan. "Ikaw rin?" tanong ko. "Yea..." Silence. Gustong-gusto ko talaga kapag ganitong tahimik. Finally, peace of mind. Kahit katabi ko si Third, hindi naman nakakaramdam ng awkwardness. Maybe because he needs this silence too. I started to pluck but I didn't sing. I just let the music enveloped us under this starry night. "Finally..." sambit ni Third kaya natigil ako at napatingin sa kanya. He laughed a little. "Finally... got the chance to listen to your music," he said in a low voice. Tumaas ang kilay ko. "You heard me already playing piano, Eleazar Dela Sierra de
"'Ma, I have something to tell you po." huminga ako nang malalim. I am talking with her on the phone. "Third is now my boyfriend po." pumikit ako nang mariin kasi baka magalit siya. All she wants for me is to focus on my studies. But she knows Third. He's not a distraction and a bad influence. "Finally," bumuntong-hininga siya kaya napangiti ako. "After this pandemic, I wanna meet him at home. And Lemon, sex is allowed but use protection---" "'Ma!" inis na sabi ko kaya natawa na lang siya. Botong-boto talaga siya kay Third kasi nakikitang mahal na mahal ako nito. Pero hindi ko sinasabi kay Third na gustong-gusto siya ni Mama kasi baka magyabang na naman. "Anyway, tell us if you need anything, okay? Or if you have any problem." Mama asked so I nodded kahit hindi niya naman ako nakikita. "Lemon, I'm warning you. I want you to be honest with me." "Yes, 'Ma. Tell Papa to take care of himself too. I don't want that millions of peso so tell him to stay aliv
"Ouch!" sambit ko at napahawak ako sa kanang balikat ko kasi parang may bumato rito. Nangingilo ang buto ko. Shems! And my whole body is aching."Nanang, nabuhay ang Binibining Liwan! Nanang, buhay ang Binibining Liwan!" sigaw ng boses bata. I opened my eyes but I barely see my sorroundings because, I guess, it's already in the evening. Nang makaupo ako, nagulat na lang ako nang may mga tao na sa harapan ko at medyo maliwanag na rin dahil sa gaserang hawak ng isang babaeng tingin ko ay nasa 20s na rin. May kasama siyang matandang puti na ang buhok at isang batang babae."Buhay ka nga," sabi nung matanda na halos maubusan na ng hangin sa katawan. Napahawak siya sa dibdib habang nakatingin sa'kin at agad siyang inalalayan nung babaeng nasa 20s. Lahat sila, nakatraditional dress. Pati ako, ganun din ang soot ko. Medyo bago nga lang tingnan ang soot ko."Nanang, malapit na sila," nag-aalala at humahangos na sabi ng lalaking bagong dating."Nanang, kailangan n
Oras ng siesta at hindi pa naman ako kailangan ni Lino kaya niyaya muna ako ni Berto magpunta sa market para raw bumili ng ilang kakailanganin nila. Para na rin akong nakahanap ng kaibigan sa katauhan ni Berto. Magka-height lang kami tapos ang daldal niya rin kaya nagkakasundo kami."Kaya matagal na kaming magkaibigan. Sana'y hindi lang din katrabaho ang tingin mo sa'min. Ituring mo kaming kaibigan na rin para maging magaan ang buhay," nakangiting sabi ni Berto habang tumitingin ng gunting. Matagal na pala kasing nagtatrabaho si Berto kina Lino, bata pa lang daw sila. Nagkahiwalay lang sila nang mag-aral ng medisina si Lino sa Europa at nang bumalik, nagtrabaho ito ng ilang buwan sa Maynila hanggang sa napagdesisyunan nitong magtungo rito dahil nakausap nila doon ang dating alcalde mayor ng bayang 'to. Wala ritong doktor kaya naisip nilang maglakbay papunta rito. Ninong ni Lino ang dating alcalde mayor kung kaya't imbis daw na pabantayan ang bahay sa ibang tao, pinahiram na l
"Pakiramdam ko, may problema talaga siya," sabi ko kay Berto at nandito kami sa kwadra. Kararating lang namin sa bahay from bahay nina Lola Juana at pinakakain ni Berto iyong dalawang kabayo."Kulang lamang si Lino sa tulog," ani Berto habang nagbibigay ng damo sa kabayo. "Pagpasensyahan mo na. Isa pa, sumunod ka na lang sa mga inuutos niya. Kapakanan lang naman natin ang iniisip niya. Huwag mo ring kalabanin ang mga Prayle. Hindi mo yata alam ang pinapasok mo," naiiling na sabi niya at mukhang siya naman ang hindi natutuwa sa ginawa ko. Akala ko pa naman, magugustuhan niya ang pagtatanggol ko sa mga Pilipino kasi iyon naman talaga ang dapat naming gawin."Hindi ko kasi talaga nagustuhan ang nakita ko. Nakakapang-init ng dugo," inis na sabi ko habang nakakunot ang noo. I breathe deeply and tried to calm down myself. "Anyway, puntahan ko lang siya. Baka magalit na naman," sabi ko at mabilis na umalis sa kulungan ng mga kabayo. Malaki talaga ang bahay na ito. Buti na lan
Kinaumagahan ay sinabihan ako ni Lino na mag-ayos kasi nagpadala ng imbitasyon kahapon ang Alcalde Mayor. Birthday pala nito. Sasama ako kasi for sure na wala doon si Padre Roque kasi nagpapahinga siya. Sa wakas, makakapag-party na rin ako. Before lunch ay nag-aayos na kami. Magpapamisa muna raw kasi sa simbahan at doon kami didiretso para makilala agad namin ang Alcalde Mayor. Kung sa bahay kasi nila, for sure marami ng bisita roon kaya mahihirapan kaming makausap siya. Hay! I just want to make myself as busy as fuck just to avoid loneliness and sadness. I miss my family, my friends and my boyfriend so much. How long should I suffer from this kind of life just to make them safe? Bakit kasi ginagamit ako ng mga kalaban ni Mama? Ang duduwag naman nila. "Buenas dias, Señor Manuel Valencia," bati ni Lino sa lalaking matangkad, mataba ang tiyan, maputi, bilugan ang mga mata, manipis ang kilay pero nakikita ko pa naman, matangos din ang ilong at double chin na siya. Nakakaintimid
"Ayos ka lang?" tanong ni Agustino na nandito na pala sa tapat ko. Napansin niya yatang hindi maganda ang timpla ng mukha ko."Oo. Hinihintay ko lang matapos si Berto tapos aalis na rin kami," nakangiting sabi ko sa kanya.Napangiti siya at bahagyang tumango. "Masaya ako na may kaibigan na kaming hindi mapanghusga," aniya kaya bahagya akong natawa. Was he reffering about Miranda being an activist?"Basta kung anong plano niyo, sama ako," natatawang biro ko na para kaming bubuo ng rebelyon dito."Sige, babalitaan kita," tawa niya naman sabay tapik sa balikat ko then bigla naming narinig na tumikhim si Lino at ang seryoso niya na naman. Parang kanina lang, ang saya niya with Miranda ah!"Magpapaalam na kami," ani Lino kaya ngumiti at tumango lang si Agustino sabay tingin sa'kin."Mag-iingat kayo," ani Agustino.Ngumiti ako at tumango. "Salamat sa masayang selebrasyon.""Hali ka na, Mon," seryosong sabi ni Lino at naglakad na pala
"Wala namang espesyal sa pamilya ko. Mag-isa lang akong anak. Palaging abala ang magulang ko. Siguro noong bata pa ako, hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko sila madalas makita sa bahay. Pero nang lumaki ako, naiintindihan ko na na hindi lang ako ang tao sa mundo. May kailangan silang isipin at asikasuhing importanteng bagay," nakangiting sabi ko."Ngunit importante rin namang makita nila ang iyong paglaki upang magabayan ka nang maayos," ani Lino."Nagabayan naman ako nang maayos at palagi silang nandiyan kapag may nangyayaring importanteng bagay para sa'kin. Kakaunti ang oras namin para sa isa't-isa kaya kung may pagkakataon, ginagawa naming espesyal ang araw na iyon." hindi pa rin sila nagkulang sa paggabay sa'kin."Mabuti kung ganun. Ngunit ang lungkot naman ng buhay mo kung ganoon," bulong niya kaya bahagya akong natawa. Kahit siya'y natawa rin. "Mag-isa ka lamang sa bahay, walang makausap.""Meron naman kaming kasambahay. Tinuturing ko silang m
"Sino kaya iyon?" bulong ni Agustino sa sarili niya. Natawa ako nang palihim at tiningnan ko si Berto na tahimik. Mukhang siya lang ang may alam sa matinong panliligaw dito, e. Si Lino? Mukhang hindi marunong. "Berto," tawag ko kaya napatingin na siya sa ‘kin. "Paano ba manligaw sa isang dalagang Filipina?" diretsong tanong ko kaya kumunot ang noo nina Lino at Agustino. Para naman sa kanila ang tanong na 'to kaya makinig sila. Si Lino kasi, kakaiba ang alam niyang panliligaw. Nakakatukso. "May nais ka bang ligawan, Mon?" Miranda asked. "Wala. Mukhang kailangan ng tulong ni Agustino, e," natatawang sabi ko kaya umaliwalas ang mukha nila at nagsimula na kaming magplano maliban kay Lino na mukhang hindi sasama sa ‘min. Nakikinig lang siya, e. Pati tuloy si Miranda, naeexcite sa gagawin namin. Gusto niyang sumama pero sabi ni Agustino, para lang daw ito sa mga binata sabay kindat sa ‘kin. Napa-ehem tuloy si Lino at ang sama na naman ng tingin niya kay Agu
Ilang sandali pang nag-usap-usap dito sa labas ng simbahan sina Lino at pinagtitinginan pa sila ng mga tao hanggang sa dumating si Padre Roque. Kinabahan na naman ako at puro iwas tingin lang ako sa kanya. Kamukha niya lang naman ang Pari ng Salvacion. Hindi siya iyon so I must calm myself but I can't. He's scaring me and Agustino and Berto noticed that."Mabuti pa'y mauna na lamang kami sa karwahe," tugon ni Berto kay Agustino."Sasamahan ko na kayo," ani Agustino pero umiling ako."Hindi na. Baka hanapin ka nila. Kami na lang---" hindi ko na natapos ang sinasabi ko kasi napatingin na rito ang Prayle at lumapit pa siya sa ‘kin. Ramdam kong namumutla na ako. Iba 'yung trauma ni Liwan, pati ako naaapektuhan."Nandito pala ang aking tagapagligtas," nakangiting sabi ni Padre Roque kaya pilit akong ngumiti.Ayokong gumawa ng away rito lalo pa't nakasunod kay Padre Roque sina Lino at family Valencia and family Villaluna."Masyado kayong aba
Kinaumagahan, maaga na naman kaming gumising para makaattend sa paunang misa. Kasama ko mamaya sina Lino, Berto, Señor Magnus at Señor Galicia. Sina Josefa at Maria ay uuwi sa kanila dahil family day naman nila today."Anong nangyari sa iyong labi, Lino?" tanong ni Señor Magnus na katabi ngayon ni Lino at nandito kami sa hapag-kainan.Medyo madilim pa dahil magbubukangliwayway pa lang pero halata na namin ang itsura ng bawat isa. Lalo na si Lino na parang lumuliwanag ang mukha ngayon dahil maaliwalas ito. Mukhang kompleto ang tulog niya kahit alam kong ilang oras na lang ang natitira nung umalis siya sa k'warto ko."Nakagat lamang po, Ama," natatawang sabi ni Lino sabay tingin sa ‘kin nang nakangiti kaya agad akong umiwas ng tingin. Umiinit na naman ang mukha ko. Tsk!"Kamusta pala ang iyong pakiramdam, Mon?" tanong ni Señor Magnus sa ‘kin kaya napatingin naman ako sa kanya. "Kahapon ay nawalan ka ng malay-tao. Hind
Bahagya siyang ngumiti pero may lungkot sa mga mata niya. "Mas nanaisin ko pang matalo kaysa hayaan kang mapahamak."Naalala ko, bago ako mawalan ng malay ay narinig ko pa siyang tinawag ako. Mukhang iniwan niya 'yung kalaban niya para sa ‘kin at ngayon, inaako niya ang kanyang pagkatalo."Ngunit hindi ako naniniwalang ako lamang ang umiibig dito, Liwan."Bigla na namang bumilis ang heartbeat ko at natatakot ako na baka marinig niya ito. Ang tahimik kasi ng paligid maliban sa kuliglig na mukhang tatalunin na ng heartbeat ko."H-hindi ba't sinabi kong huwag kang aasa?" nauutal na sabi ko. Gosh! Bakit ba ako nauutal? At kinakabahan?Napangiti siya at napailing nang mabagal. "Aking napagtanto na hindi mo naman gagawin iyon kung wala kang nararamdaman para sa ‘kin," natatawang sabi niya na kinakunot ng noo ko."Alin?" kinakabahang sabi ko."Nakalimutan mo na ba?""Ang alin nga?" Ayoko sa lahat, 'yung binibitin ako. Batu
Napasinghap ako habang natatawa na may halong pagkainis. "Wow, gagawin niyo pa akong trophy! Bahala kayo sa buhay niyo!" inis na sabi ko sabay lakad nang mabilis palayo sa kanila. I even heard them calling my name so I ran as fast as I could hanggang sa mailigaw ko na sila. Nagtago lang ako sa likod ng isang tindahan na gawa sa bato. Tindahan ito ng magagandang damit at kakaunti ang tao rito kumpara sa ibang tindahan. Mukhang mayayaman lang ang nagpupunta rito. Napahawak ako sa dibdib ko dahil hiningal ako. Hindi talaga physically fit si Liwanag. Kulang siya sa excercise. Kaya hindi siya nakapalag agad sa Prayle na iyon, e. Speaking of Prayle, I saw Padre Roque with his kapwa Prayle at Alpares na naglilibot sa plaza kaya mas minabuti kong magtago lang sa likod ng tindahan habang pinagmamasdan sila. Lahat ng nadadaanan nilang tao, binabati sila. They even bow their head to show respect. How in the hell they can give respect to a trash? "Mon!" rinig kong sambit
Dahil wala rin kaming magawa sa bahay, niyaya na lang ako ni Berto, Maria at Josefa na manood daw kami ng tanghalan sa labas at marami pang palaro. May mga Guardia Personal na rin namang nagbabantay sa bahay na pinadala ni Señor Manuel Valencia lalo pa't maraming tao sa bayan. Baka mapano pa ang kanyang mga kaibigan. Kaso umalis sina Lino nang silang tatlo lang.Mga pasaway.Wala nga silang dalang karwahe at ganun din kami nina Berto. Higit isang kilometro pero hindi bababa sa dalawa ang layo ng bahay ni Señor Galicia sa sentro ng bayan kaya hindi rin kami nahihirapang maglakad lalo pa't mas mahirap maghanap ng kalesa kaysa makakita ng mga taong naglalakad."Doon tayo, Mon! Bilis!" excited na sabi ni Maria at agad akong hinila kaya hinila ko rin si Josefa at hila rin ni Josefa si Berto habang papunta kami malapit sa bulwagan at sa gitna ay may malaking espasyo.Sa espasyong iyon ay may mga nagsasayaw na nakabaro't saya na makukulay. Lively r
"Tila naging maganda na ang iyong pakiramdam, Mon," puna ni Miranda na nilapitan ako rito sa labas ng bahay.Nasa sala sina Señor Manuel, Señor Galicia, Señor Magnus, Señora Rosana at Lino na umiinom ng tea ngayon. Nandun din si Berto at Agustino at kanina, nandun din kami ni Miranda pero nagpasintabi ako na hindi naman nila napansin kasi busy silang lahat. Maliban kay Lino na gusto sanang sumunod kaso pinigilan ako.Magtatanong lang 'yun kung kamusta ako at sinabi ko na sa kanya na gusto ko lang magpahangin sa labas dala itong tea ko."Bakit nandito ka sa labas? Baka hanapin ka dun," sabi ko at bahagyang sinilip sina Lino na nasa loob. I can't hear what they were talking about but based on their looks, seryoso na iyon."Abala sila sa isa't-isa. Hindi nila napansin na umalis ako," natatawang sabi niya habang nakatakip ang panyo sa bibig.One thing I learned during my stay here was, women used to cover their mouth wheneve
Masyadong kakaiba para sa akin lahat ng nangyayari dito pero natutuwa ako kasi nang mapadpad ako sa panahong 'to, naramdaman ko kung gaano kasaya ang maging Pilipino. Fiesta ngayon at sobrang dami ng tao sa paligid. Tapos makukulay pa ang bandiritas na nakasabit sa itaas ng dinadaanan namin. May kaba sa ‘kin na baka isa sa kanila ang nakalaban ni Liwanag pero hindi maikakailang ang saya nilang tingnan.Lahat nakangiti, halos magkakakilala, nagbabatian. Wala kasi silang hawak na gadgets na nakakaagaw ng atensyon nila. Hindi sila mga nakayuko habang may kausap na iba. But of course, cellphones and other gadgets were made for communication purposes naman."Nais mo bang bumaba?" tanong ni Lino sa ‘kin nang makita akong sumisilip sa kurtina ng karwahe. May kurtina na kasi ito para raw hindi makita ang nakasakay sa loob. Which is me. "Maraming magtatanghal mamaya."Napalingon na ako sa kanya at nakangiti siya ngayon habang nakatingin sakin. Naalala ko tulo
Hindi pa ako tuluyang nakakalayo kay Josefa nang mahabol niya kaagad ako."May sasabihin lamang ako sa iyo, Mon," nahihiyang sabi niya na kinakunot ng noo ko. "Napansin ko kasing may hindi tama sa iyong mga kilos bilang isang Binibini.""Ano 'yun?"Ngumiti siya na parang nahihiya. "Marahil ay isa rin sa iyong nakalimutan. Hindi dapat diretsong tumingin ang isang Binibini o Binata sa isa't-isa kung walang namamagitan sa kanila dahil hindi iyon katanggap-tanggap. Hindi tayo maaaring hawakan ng binata kung hindi natin sila asawa. At... iyang mga paa mo, kitang-kita.""Bawal ba 'yun?" natatawang tanong ko. Napakaconservative naman nila."Oo, Mon," tumatangong sagot niya. "Iyon ang natutunan ko kay Señorita Catalina noong ako'y naninilbihan pa sa kanya."Oh no! Naalala ko iyong paghawak ko sa paa ni Catalina noong natapilok siya. LMAO. Kaya pala ganun niya na lang ako paluin ng pamaypay niyang malaki. Gosh! Medyo natawa ako at napailing da