Share

Chapter 9

Author: yourlin
last update Last Updated: 2021-09-18 09:34:50

"Ouch!" sambit ko at napahawak ako sa kanang balikat ko kasi parang may bumato rito. Nangingilo ang buto ko. Shems! And my whole body is aching.

"Nanang, nabuhay ang Binibining Liwan! Nanang, buhay ang Binibining Liwan!" sigaw ng boses bata. I opened my eyes but I barely see my sorroundings because, I guess, it's already in the evening. Nang makaupo ako, nagulat na lang ako nang may mga tao na sa harapan ko at medyo maliwanag na rin dahil sa gaserang hawak ng isang babaeng tingin ko ay nasa 20s na rin. May kasama siyang matandang puti na ang buhok at isang batang babae.

"Buhay ka nga," sabi nung matanda na halos maubusan na ng hangin sa katawan. Napahawak siya sa dibdib habang nakatingin sa'kin at agad siyang inalalayan nung babaeng nasa 20s. Lahat sila, nakatraditional dress. Pati ako, ganun din ang soot ko. Medyo bago nga lang tingnan ang soot ko.

"Nanang, malapit na sila," nag-aalala at humahangos na sabi ng lalaking bagong dating.

"Nanang, kailangan na natin siyang maitakas. Hindi siya maaaring maabutan dito ng mga guardia civil," nag-aalalang sabi nung babaeng nasa 20s and I don't even know them but they kept on calling me Binibining Liwan.

"Tumakas na kayo dahil hindi na ako makatatakbo pa nang mabilis," sabi nung matanda at pinagtutulak na iyong dalawang mas batang babae palapit sa'kin. Nagpilitan pa silang tumakas samantalang ako ay gulong-gulo sa mga nangyayari. "Binibining Liwan, tumakas na po kayo," sabi sa akin nung matanda at hinihila na ako paalis sa kama at nilalagyan ng balabal sa ulo. Nakarinig ako ng mga putok ng baril kaya nanlaki ang mga mata ko. "Bilisan niyo na at baka maabutan kayo rito. Hindi nila kayo maaaring makita rito," sabi pa nung matanda.

"Nanang, huwag niyo hong sasabihing nandito si Binibining Liwan. Ako na ang bahalang tumakas sa kanya," sabi nung babaeng nasa 20s at hinila na ako palabas ng bahay na gawa sa pawid. "Binibining Liwan, kailangan niyong makatakas at makalayo sa lugar na ito dahil papatayin nila kayo," paliwanag nung babaeng nasa 20s habang tumatakbo kami sa gitna ng nagtataasang damo. Para kaming nasa masukal na gubat, ang lamig ng hangin, malaki ang bilog na buwan, nagkalat ang mga bituin pero nakakaworry iyong mga putok ng baril. "Akala ho talaga namin ay patay na kayo dahil hindi na kayo humihinga," hinihingal na sabi niya pa.

"Teka, nasaan ba ako? Tsaka sino kayo? Sino ka?" tanong ko.

"Po?" she asked, confused. Pero patuloy pa rin kami sa pagtakbo palayo sa bahay nila.

"Seriously, what's happening?" kinakabahang tanong ko kasi mukhang palapit nang palapit ang putok ng baril. Sila ba iyong mga nakalaban ni Mama? Pero paano naman ako nakarating dito at bakit ganito ang damit namin? I'm so confused!

"Hindi ko po kayo nauunawaan, Binibining Liwan, ngunit wala na po akong oras upang magpaliwanag. Marahil ay naguguluhimnan lamang kayo sa mga nangyayari. Kanina'y hinabol po kayo ng mga Guardia Civil sapagkat napag-alaman ng mga Prayle na inyong sinisira ang kanilang imahe. Naaalala niyo po ba?" she asked but I just shook my head. "Ayun nga po, nabaril nila kayo sa balikat at nahulog kayo sa bangin. Nakita namin ang inyong katawan na naliligo sa sarili niyong dugo kaya minarapat naming kunin ang inyong bangkay bago pa nila kami maunahan. Alam naming susunugin nila ang inyong katawan sa plaza upang masira ang inyong imahe at alaala sa mga mamamayan. Ngunit nalaman nilang nasa amin ang inyong bangkay kung kaya't nais nila kaming pasukin sa bahay. Hindi namin inakala na ika'y mabubuhay pa. Ilang oras na po kayong hindi humihinga---" natigil siya sa pag-sasalita nang may magpaputok sa amin. Pareho kaming napahawak sa tainga at paglingon namin sa likod, nakasunod na iyong mga pulis na may mga baril, hinahabol kami. Sa hindi kalayuan, nasusunog na ang bahay na pinanggalingan namin ng kasama ko. WHAT THE FUCK!? "Binibini, ang aking pamilya," naluluhang sabi niya at nanigas na siya sa kinatatayuan niya. Napalunok ako at hinawakan ang kamay niya.

"Wala na tayong magagawa. Kailangan natin makaalis!" matigas na tugon ko at saka siya hinila papalayo sa mga putang inang taong 'yun. Putik, SINO BA SILA?

"Binibini..." umiiyak na sabi niya. Ang lambot naman ng taong 'to. Sabagay, pamilya niya 'yun e. Gosh, kapag nalaman ko kung sino ang mga taong humahabol sa amin, lagot sila sa'kin. But not now! May baril sila at mukhang gusto talaga nila kaming patayin. "Malaki ho ang utang na loob namin sa inyo. Nang dahil sa'yo ay nasa amin pa rin ang aming lupain. Hindi magawang taasan ng mga Prayle ang singil ng buwis nang dahil sa inyo kaya malaki ang utang na loob sa inyo ng buong bayan. Ngunit sapat na po ang nagawa niyo sa amin. Buhay niyo na ang nakasalalay. Mabuti pa'y lumayo na po kayo sa lugar na ito at huwag na po kayong babalik. Magtago po kayo sa malayong bayan o kaya'y mamuhay nang mapayapa---" natigil siya sa pagsasalita nang bigla siyang nadapa–may dugo siya sa likod, malapit sa puso. "D-dalhin niyo na po ito. B-bilisan---" hindi niya na natapos pa ang sinasabi niya kasi nalagutan na siya ng hininga habang inaabot sa akin ang isang maliit na bag.

"Hoy, sandali lang! Gumising ka! Don't die!" sigaw ko. Hinawakan ko ang leeg niya at pinakiramdaman kung may pulso siya pero wala na. Gosh! Ano bang nangyayari?

"Síguela!" (Habulin niyo siya!) sigaw nung isang lalaki na pulis at malapit na sila sa'kin. Pinaputukan nila ako kaya napatakip ako ng tainga. Nakakataranta! Kinuha ko iyong bag na inaabot sa'kin nung babae at tumakbo na palayo sa kanila kahit nanghihina pa ako at ang sakit pa ng buong katawan ko. Pota! Mapapamura ka na lang talaga kapag minsang nagising ka tapos ganito ang bubungad sa'yo.

Hindi ko na alam kung saan na ako nakarating sa katatakbo ko pero natitisod ako sa soot kong mahabang palda. Gosh, wala yata akong panty? Nalaglag ba? Potek, ayoko naaaa!

Nakarating ako sa gilid ng kalsada at naghanap ng masasakyan pero walang dumadaan. Nakakita akong bagon na nakakabit sa baka at nasa gilid lang ito ng kalsadang pinatag lang na lupa. 'Yung lupa, may mga damo pa. Parang nasa kasuluk-sulukan na ako ng bansa.

I don't have enough time to think because my life is in line. I ran going to that cart behind of that cow. May mga laman pala itong gamit at may malaki at makapal na tela na nakacover dito. Pumasok ako sa bagon at nagtalukbong ng tela. Pumikit ako nang mariin habang nagdadasal na sana hindi nila ako makita kung sino man sila. O kung nananaginip man ako, ayoko sa bangungut na ito! Okay na ako dun sa babaeng sumisigaw ng hustisya. At least siya, hindi niya ako sinasaktan. Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarinig na ako ng ingay ng mga lalaki. Noong una, hindi ko maintindihan ang sinasabi nila but after a moment, nalaman kong Spanish language iyon. Ang gagaling nila mag-Kastila. Para silang Spaniards. Seriously, gusto nilang palabasin na nasa Spanish era kami? Pero totoong bumabaril sila. Hindi lang 'to basta panggogoodtime! Pinatay nila iyong babae at sinunog ang bahay nung matanda! They're making me crazy!

Habang nagtatago ako sa loob ng bagon, hindi ko maiwasang mag-overthink dahil sa mga sinabi sa'kin nung babae bago siya namatay. Tinatawag niya akong Liwan at siguradong-sigurado siyang ako nga si Liwan. Tapos may mga guardia civil so ibig sabihin, Spanish era---ito ba ang past life ko? Kasi bago ako malagay sa sitwasyong ito, natatandaan kong may tumamang maliit na injection sa balikat ko at nahirapan akong huminga. Patay na ba ako? But this can't be! Nasa same condominium lang namin ang suspect at nasa taas, bandang gilid lang siya ng unit ni Third. Does it mean na si Third talaga ang target, hindi ako? Delekado ang buhay niya. Kailangan ko siyang mabalikan. Kaso paano? I dunno where am I. O kung totoo mang nasa ibang panahon ako, how can I go back to my life?

Sa kakaisip ko kung paano ako makababalik sa dating ako ay nakatulog na ako sa loob ng bagon kasi pagod na pagod ako at ang sakit ng katawan ko. Nagising na lang ako nang mahulog ako sa lupa kaya napangiwi ako sa sakit. Ang sakit ng balakang ko.

Nandito ako sa gitna ng kalsadang lupa pa rin, hindi nakasemento. Walang kabahay-bahay. Mukhang tanghaling tapat na pero hindi nakakapaso sa balat ang init. Fresh pa nga e. Parang 7am lang. Nakita ko iyong baka na may bagon na tumatakbo na papalayo sa'kin. Pinagmasdan kong mabuti ang paligid. Hindi na ito iyong setting kung saan kami naghabulan ng mga siraulong taong 'yun. I don't even know them but they seem like they are so mad at me to the point that they wanna kill me! Kaunti na lang, maniniwala na akong nasa Spanish era talaga ako.

Huminga ako nang malalim at tumayo na. Pinagpagan ko ang sarili ko. Ang alikabok ko na. Ang bigat naman ng damit na 'to. Kinapa ko ang ano ko at wala nga akong mafeel na may underwear ako. Ayoko na talaga, naiiyak na ako.

Tiningnan ko iyong bag na binigay sa'kin nung babae. Mga lumang pera ito na puro barya. Ang lalaki at ang kakapal nila. May iba't-ibang hugis din ito. May pabulaklak pa. Natawa ako at napailing. "Ang cute naman nila. Seriously, kaunti na lang, I'll believe you na," sabi ko habang nakatingin sa baryang pabulaklak.

Sinara ko na ang bag at tiningnan ang paligid. Walang katao-tao rito. "Hey there! If there's a hidden camera here, I just want to have a shout-out!" sigaw ko habang natatawa. Kagagawan ba 'to ng hiredkillers? Bakit hindi pa nila ako pinatay? Tsaka bakit nandadamay sila ng ibang tao? "'Maaaaa! 'Paaaaaa! Thiiiiiiirrrd!" sigaw ko pa habang naiiyak na at nagsimula na maglakad. I dunno where I am, really. Patay na ba talaga ako? Third, help.

Ilang oras pa akong ngumangawa habang naglalakad sa kalsadang ito. Hindi ko alam kung papunta ako saan kasi wala namang kabahay-bahay rito. Wala akong makitang mga tao. Napatingin ako sa likuran ko nang may marinig akong tumatakbong kabayo–karwahe pala. Mabilis ang takbo nito. Dahil paranoid ako, mabilis akong nagtalukbong ng balabal sa mukha para hindi nila ako makilala. Lalo pa't sinabi nung babae na may kasalanan daw akong ginawa sa mga Prayle. Hays! Bakit ba ako naniniwala sa kanya? But why not? She died–they died just to save me. I should believe them.

Nakahinga ako nang maluwag nang malampasan na ako ng karwahe. Paano ako uuwi nito kung hindi ako magtitiwala sa iba? Kailangan kong humingi ng tulong sa ibang tao.

Ilang sandali pa'y natigilan ako sa paglalakad nang makita ko ulit na nakahinto iyong karwaheng dinaanan ako. Sa labas nun ay may tatlong kalalakihan na nakatakip ang mukha at may hawak na itak. Pinalilibutan nila ang karwahe. What's this? Am I witnessing a crime?

Mabilis akong nagtago sa isang puno na nandito sa gilid ng kalsada at pinanood kung ano ang mangyayari. Baka madamay pa ako e. Magulo na nga ang buhay ko, dadagdagan ko pa ba?

Hinila pababa ng isang lalaking may takip sa mukha iyong driver ng karwahe at pati iyong pasahero nito na lalaki din. Hindi ko sila makita masyado kasi malayo sila. Mukhang kinukuha ng mga lalaki ang gamit ng pasahero. Aba! Hindi naman p'wede 'to! Kung lalaban ako, p'wede rin naman akong tulungan nung driver at pasahero makipaglaban. Bahala na nga! Tinulungan nga ako nung babae na makatakas tapos ako pa 'tong hindi tutulong sa kapwa ko.

Naghanap ako ng malaking kahoy rito sa kakahuyan at pinutol ito sa dalawa. I know arnis naman. Nag-aral talaga ako ng martial arts kasi paranoid ako. Dumaan ako sa damuhan para hindi mapansin nung mga lalaki na may ibang tao rito. Nakatalikod sa'kin ang driver at pasahero. Kilala kaya nila ako? Just to make sure, ginawa kong facemask ang balabal ko at tinali ang buhok. Ang haba naman ng buhok ko---what the fuck? This is not mine! Aist! I don't have time to wander!

Huminga ako nang malalim at tahimik na sumugod kasi busy sila maghakot ng mga gamit habang iyong isang lalaki ay binabantayan ang dalawang biktima. Pinalo ko ang ulo nung bantay dahilan para mawalan siya ng malay. Nakita ako nung dalawang lalaking naghahakot ng gamit kaya nilusob nila ako gamit ang itak. Nang ihahampas niya na sa'kin ang itak, mabilis kong sinipa ang kamay niya kaya napaikot ako at nahulog niya naman ang itak. Agad kong pinalo iyong isang tatagain din sana ako. Tinamaan ko siya sa kamay kaya nabitawan niya rin ang itak. Nang pupulutin na nila ang mga itak nila, sinipa ko ang ulo nung isa sabay ikot sa ere at pinalo ang likod nung isa pa. Tinulungan naman ako nung matangkad na pasahero at sinuntok iyong dalawang lalaki hanggang sa mawalan ito ng malay. Bago pa ako mapansin nung pasahero at driver, agad akong tumakbo papunta sa damuhan.

"Binibini! Señora!" tawag sa'kin nung lalaki pero hindi ako lumingon kasi hindi ako sure kung kalaban siya o kakampi. Hindi ko rin sila nakita e. Buti na rin 'yun. Sana, hindi rin nila ako nakita. Basta gusto ko na lang makalayo. Inabot ako ng gabi kakalakad. To be honest, naligaw na nga ako. Lol! Paano pa ako makakauwi nito?

Inabot na ako ng gabi at naihi na rin ako sa damuhan. LMAO! Kumukuha na lang ako ng mga prutas na nakikita ko sa daan. Karamihan, saging. Busog na ako. Nandito ako ngayon sa tuktok ng burol, nakasandal sa isang malaking puno habang nakatingin sa full moon and stars. Sa baba ng burol ay may maliit na bayan. I'm not sure if I am safe to go there. Naniniwala na talaga akong nasa Spanish era ako kasi kakaunti ang bahay sa baba plus walang kuryente. Puro sulo ang nasa daan. Ang liit lang ng bayan na ito. May simbahan, sa hindi kalayuan ay malaking gusali na may flag ng Spain. Tapos may open field na parang plaza. Then the rest, mga kabahayan na. May malalaki at maliit na bahay. May gawa sa bato at may gawa sa kahoy. Dito na ako inabot ng gabi kaya memorized ko na ang mapa nila. Ang daming naglilibot na guardia civil. Natatakot ako.

"Mapanganib para sa isang Binibini ang nag-iisa sa ganitong lugar," wika ng boses lalaki kaya nagulat ako. Agad akong nagpunas ng luha pero hindi ako lumingon sa kanya. I dunno him, baka kalaban siya. Kaboses niya 'yung lalaki kanina. "Umiiyak ka?" he asked. Umiling ako. "Nais mo bang mapag-isa?" tanong niya pa.

Tumikhim ako at iniba ang boses. "Iwan mo na ako," tugon ko. "Siguradong ayaw mong makakita ng taong nagbibigti." mabuti na rin sigurong patay na ako sa panahon ko para hindi na malagay sa alanganin ang buhay ni Third. Nadadamay lang naman siya sa'kin e. Miss ko na siya. Sana, ayos lang siya. Sana hindi siya nasasaktan nang sobra dahil sa nangyari lalo pa't nawalan ako ng hininga habang nakadagan sa kanya. I can't imagine his pain. I'm sorry, Third. At mas mabuti nang mamatay na rin ako rito kasi baka may madamay na naman tulad ng pamilyang 'yun kapag nagtagal pa ako sa mundong 'to. Kahit saan ako magpunta, komplekado ang buhay ko. Nakakasakit lang ako ng tao.

"Kasalanan iyon sa Diyos, Binibini. Kung may problema ka, baka maaari kitang matulungan," sabi niya pa kaya natigilan ako sa pagooverthink. Diyos? Baka kaya ako nagkakaganito kasi hindi ko na siya naaalala? Hindi enough reason na busy ako para makalimut. Lalo akong naluha. Pinatong ko ang ulo ko sa mga tuhod ko at humikbi. I'm so sorry for forgetting, You my Lord. Are You giving me another chance to live that's why You brought me here? What should I do? "Binibini---"

"Leave! Just leave!" singhal ko habang nakayuko pa rin. "Salamat sa pagpapaalala pero gusto kong mapag-isa!"

"Sana'y huwag mong ituloy ang iyong binabalak. Malaki ang utang na loob ko sa iyo. Alam kong ikaw ang nagligtas sa amin kanina kaya maraming salamat," sabi niya pa pero hindi na lang ako kumibo. Malalim ang boses niya. Mukhang madali ko siyang matatandaan kapag narinig ko.

Wala na akong narinig sa kanya pagkatapos nun. Mukhang umalis na siya. Ilang minuto pa ang lumipas bago ako nakapag-isip ng maayos. This is my chance to have a new life. Maybe I can use this chance to be the better me. Maybe I just have to see the brighter side.

I know now what to do...

Sa burol na ako nagpalipas ng gabi. Kinaumagahan, maaga akong napunta sa bayang nakikita ko mula sa burol. Bumili ako ng mga kakailanganin ko para sa plano ko. I'm just wearing my facemask all the time and this time, super sure na ako na nasa Spanish era nga ako. Pero hindi pa rin ako makapaniwala. Baka mahabang panaginip lang 'to. Baka mahaba lang ang tulog ko. But everything is vivid.

Bumalik ako sa burol kasi sure ako na walang tao rito. Huminga ako nang malalim at pumikit. "I need to do this to live," sambit ko. Ilang beses pa akong huminga nang malalim bago sinimulang gupitin ang buhok ko. Hahaba rin naman 'to. Hindi ako magaling gumupit pero kailangan ko 'tong gawing. Ipapaayos ko na lang siguro sa barber shop but for now, I need to look like a man just to be able to hide from those guardia civil. Pagkatapos kong maggupit ay sinoot ko na rin iyong panlalaking damit na binili ko tsaka iyong sandal na parang sandal ni Torn. Shocks! Ganitong-ganito ang pormahan niya noon. Maluwang na long sleeves, maluwang na pantalon, flat sandal na may malalaking strap at apple cut na panlalaki. With bangs pa sa gilid. Sheez! Mukha akong ewan! Well, sabi ni Third, mukha naman daw akong lalaki kung walang buhok. Namimiss ko na ang mayabang na 'yun.

May pera pa akong natitira. Malaking pera pala ang binigay sa'kin nung babae. Base sa mga binili ko kanina, nacompute ko na kung magkano ito. Kung pagkain lang ang bibilhin ko, tatagal ako ng tatlong linggo. Pero no need naman na bumili ng pagkain. Ang daming fruits sa paligid e. Mabubuhay ako rito kahit walang pera but I need to do something. I want to have a job para makabili akong bahay. Oh well, this will be a big adjustment for me especially when it comes to my language.

Naglakad-lakad ulit ako sa bayan at nagpaayos na ng gupit. Natawa pa sa'kin yung gugupit. Lol. Dumaan din ako sa simbahan. This time, wala na akong soot na facemask. I prayed that He will guide me throughout this new life and new environment. I dunno kung hanggang kailan ako magpapanggap na lalaki. Basta hanggang sa malaman kong ligtas ang lugar na 'to para sa akin.

"Tulungan ko na po kayo," sabi ko dun sa matandang babae na may bitbit na bayong na may mga lamang gulay at niyog. Binabaan ko rin ang boses ko para magboses lalaki ako. Gosh, ang arte-arte ko tapos aakto akong lalaki. Kung may nakakakilala sa'kin dito, o baka kapag nakita ako nina Jack, pagtatawanan lang ako nun. Huhu miss ko na mga kaibigan ko.

"Salamat, Iho," sabi nung matanda kaya napangiti ako at nagsimula na kaming maglakad. "Hindi ka taga-rito," puna niya.

"Opo, bago lang po ako rito," nakangiting sabi ko. Gusto kong matawa sa actions ko. Gosh, Lemon!

"Ako nga pala si Lola Juana," pakilala niya. Medyo kuba na siya, naniningkit amg mga mata, morena, payat at kulubot na ang balat. Hanggang bewang ko lang siya pero kapag tuwid ang tayo niya, hanggang dibdib ko siya. Buti na lang, nagawan ko ng paraan para hindi mahalata ang dibdib ko. Bigla akong namula nang maalala ko si Third. Shit, that make-out. Ang hilig niya sa dibdib ko. "Iho," sabi nung matanda at doon ko lang namalayan na hindi na pala ako umiimik. Nandito na rin kami sa tapat ng isang bahay na gawa sa kahoy at elevated din ito. May silong sila.

"Lola," tawag ng isang babaeng bagong labas sa bahay. Nagmano siya kay Lola Juana at yumuko naman siya sa'kin. Hanggang balikat ko siya, morena rin, bilugan ang mga mata at mahaba ang makakapal niya buhok. Nakakimona silang lahat. "Maraming salamat, Ginoo," sabi niya habang nakangiti nang matamis sabay kuha nung bitbit kong bayong. Inabot ko naman ito at saka hinarap si Lola Juana.

"Lola, alis na po ako."

"Naku, mamaya na. Maghahanda ako ng tanghalian. Sabayan mo na kami," aniya habang hinihila ako papasok ng bahay. Gosh, ang hospitable niya naman. Wala na akong nagawa kundi sumama kasi mapilit si Lola Juana at iyong babaeng hindi ko kilala. Pinaupo nila ako sa dining area at binigyan ng kape na ngayon ko lang natikman. Naghahanda na sila ng lulutuin. Namiss ko bigla ang pabreakfast ni Third. Ang sarap niya kaya magluto. Sabi nina Trina, ginagawa lang daw 'yun ni Third para hindi ako magsettle sa unhealthy food. "Ano ang pangalan mo, Iho?" tanong ni Lola.

Ngumiti ako. "Mon na lang po," sagot ko. Ayokong gamitin ang Liwan kasi matutunton ako rito. Gusto kong gamitin ang Mon kasi iyon na lang ang nagpapaalala sa'kin sa totoo kong pagkatao.

"Ang simple ng pangalan mo," nahihiyang sabi nung babae kaya bahagya akong natawa. Tamad kasi si Third kaya Mon ang tawag sa'kin. "Bago ka lang sa aming bayan?" tanong niya pa kaya tumango ako. "Isa kang mestizo. Marahil ay mayaman ang iyong pamilya," dagdag niya.

"Hindi naman," sabi ko. Sa pagkakaalam ko, hindi inaalipin dito ang mga may dugong Kastila so kung tingin nila, mestiza ako, anong magiging trabaho ko? May banko na ba ngayon? CPA naman ako e.

"Nasaan ang iyong mga magulang?" tanong ni ate mo girl na 'di naman nagpapakilala pero panay pacute sa'kin. Akala niya ba, papatulan ko siya? No way!

"Wala na," nasa taong 2020 sila. So wala talaga sila rito.

"Pasensya na," mahinang sabi niya kaya bahagya akong ngumiti.

"Hindi ka ba kasama ng doktor na kararating lamang kahapon?" tanong ni Lola Juana. Umiling ako. "Dumarami na ang bagong salta sa ating bayan. Senyales na umaasenso ito," nakangiting sabi niya pa. Naku, Lola, no choice lang talaga ako!

"Plano ko hong mamasukan sa tahanan ng doktor na iyon. Naghahanap sila ng tagapagsilbi. Tiyak na maraming susubok," sabi nung babae. Bigla akong nabuhayan sa sinabi niya. P'wede rin kaya ako? Kahit anong trabaho, papasukin mo na. May alam naman ako sa trabaho ng Doctor. Tinuruan ako ni Papa ng ilang basic at ganun din si Third. Well, iba ang natututunan ko kay Third.

"Maaari ba akong mamasukan din?" tanong ko kaya bahagya silang nagulat. "Nais ko lamang makahanap ng mapagkakaabalahan." baka makahalata silang hindi talaga ako taga-rito e. Hindi sila tatanggap ng mestiza sa trabaho.

"Ngunit hindi ka tatanggapin bilang tagapagsilbi," sabi ni ate girl.

"Ngunit kung may alam ka sa medisina, baka maaari," sabi naman ni Lola Juana.

Ngumiti ako. "Susubukan ko po," I said. Sana makapasok.

During lunch ay nakipagk'wentuhan pa ako sa kanila at nalaman ko na rin ang pangalan ni ate girl. Siya pala si Josefa. Magkasama rin kaming naglakad papunta sa bahay na sinasabi niya. Dahil bagong lipat ang Doctor, nangangailangan sila ng maraming tauhan. Wala raw kasing doctor sa bayang ito kaya nagpapasalamat sila na meron na.

"Nandito na tayo," sabi ni Josefa habang nakangiti. Malaki ang bahay na gawa sa bato, may malaking bakuran, malaking gate, may grand staircase pa papunta sa main entrance ng bahay at mukhang may basement din. May 1st floor at basement lang ito pero masasabi ko pa ring malaki ang bahay kasi malawak ang lupain. "Dating alcalde mayor ang nakatira rito ngunit matapos ang kanyang tungkulin ay umalis na siya at nagtungong Maynila upang sundan ang kanyang pamilya. Naroroon na kasi ang kanyang pamilya at ang mga anak upang mag-aral."

"Magandang hapon. Anong kailangan niyo?" tanong ng lalaking nakasombrero at may hawak na manok na buhay pa.

"Magandang hapon," bati ko. "Nais sana naming mamasukan sa bahay na ito. Balita namin ay nangangailangan kayo ng karagdagang tagapagsilbi?" I asked.

Napangiti siya. "Ako nga pala si Berto," pakilala niya. "Hindi ako siguradong matatanggap kang tagapagsilbi ngunit may pinag-aralan ka ba? Maaaring matanggap kang asistente ng Doktor."

Napangiti ako. May course na ba silang accounting dito? Lol. "Nakapagtapos ako ng kolehiyo at kasalukuyang kumukuha ng kursong abogasya," paliwanag ko kaya napaawang ang bibig niya. Pati si Josefa ay nagulat.

"Mabuti pa'y pumasok na kayo sa loob," aniya sabay bukas ng gate kaya nakapasok na rin kami sa wakas. Masyadong malaki ang bahay para sa isang doctor lang. Baka may pamilya rin siya rito.

Nang makarating ako sa sala, marami na kaagad kalalakihan ang nakapila. Lahat sila, nakacoat, nakabihis at maayos ang sapatos. Napangiwi ako nang makita ko ang sarili ko. Gosh! Mukha silang mga doctor samantalang ako, mukhang artistang nagbabakasyon. Pinagtitinginan nila ako at may panghuhusga sa mga mata nila. Wala na rito si Josefa kasi sa kusina raw siya susubukan. May training ba rito? After three months tapos hindi pa natututo, tanggal na? O baka contractual dito. After 6 months ang end of contract, hindi man lang nareregular kaya walang ibang benefits na nakukuha ang employees. Mga para-paraan talaga ng mga employers.

May lumabas sa isang silid at muli niyang sinoot ang sombrero. Nginitian niya iyong lalaking sunod na iinterviewhin. "Tingin ko'y matatanggap akong asistente," mayabang niyang sabi sa mga taong nandito sa sala. Sus, hindi pa pala sinasabing tanggap siya, nagyayabang na siya. Malamang ang response sa kanya, we will just call you. "Nag-aral pa ako ng sining at literatura sa Santo Tomas," aniya. Muntik na akong matawa pero pinigilan ko. Anong kinalaman nun sa medicine? Sabagay, ako nga, walang pinag-aralan dito. Lol.

Patuloy lang sa pagtawag iyong isang lalaki at patuloy pa rin ang interview. May mga dumarating pa nga.

"Ginoong---" natigil siya sa pagsasalita habang nakatingin sa'kin.

"Concepcion po," sabi ko kaya napangiti siya at pinapasok na ako sa silid. Sa loob ng silid ay may isa pang silid. Iyon na ang mismong office niya. Gosh, kapag hindi ako natanggap dito, magnenegosyo na lang ako. Magpapayaman ako rito, bahala kayo! Mag-aaral ulit ako ng law. Binuksan ko na ang pinto. "Magandang hap---" pagkasara ko ng pinto ay natigilan ako bigla. Pati hininga ko, nahold back ko rin nang makita ko siya.

"Magandang hapon din," bati niya sabay tingin sa'kin. Whut? Kaboses niya 'yung niligtas ko kahapon. Pati rin siya, natigilan nang makita ako. Kamukha niya si Third tapos doktor din siya. Pero may bigote nga lang siya at may malalaking kulot na buhok. Gosh, 'yung kaba ko, naging triple. "M-maupo ka," aniya sabay turo sa upuang nasa tapat ng table niya. Kahit nanginginig ang mga paa ko, sinubukan ko pa ring maglakad. Gago? Bakit may kamukha siya rito? This is not Third because if he is, I'm so sure, hundred percent, that he will recognized me. "Anong pangalan mo?" tanong niya at nakatingin lang siya nang diretso sa mga mata ko. Hindi niya p'wedeng mahalatang kinakabahan ako. Confidence, Lemon! Huminga ako nang malalim at naupo nang tuwid.

"Ramon Concepcion po," sagot ko. I just want to use my name Mon so that I still have my own in this life. I'm not going to use Liwan. Baka matagpuan pa ako ng mga gustong pumatay sa'kin. "But you can call me Mon," dagdag ko na kinakunot ng noo niya. "P'wede niyo akong tawaging Mon."

Napangiti siya. "May mga dala ka bang papeles mo tulad ng sertipikasyon ng pinag-aralan mo?"

"Iyon po ang wala ako sapagkat nanggaling pa ako sa ibang bayan. Nasunugan po kami roon kasama ng aking pamilya. Ako lamang ang wala sa bahay kung kaya't nakaligtas ako. Minarapat kong lumipat sa ibang bayan upang makalimutan ang nangyari. Mabigat sa kalooban ang mga nangyari kaya ayaw ko nang maalala pa," pagsisiningaling ko. Well, totoo namang may nasunog at wala na akong pamilya kasi malayo na ako sa panahon nila. Ni hindi ko nga alam kung anong taon ngayon.

"Nakakahabag naman ang nangyari sa iyo," mahinang sabi niya habang nakatingin nang mabuti sa mga mata ko. Parang may inaalam siya. "Kung isa kang dalaga, malamang isa kang magandang Binibini," pabulong na sabi niya kaya napalunok ko. Gosh, wala akong Adam's apple. Pero hayaan na. May mga lalaki rin namang hindi halata ang Adam's apple. Ano bang pinagsasasabi nito? Siya lang ang nakapansin sa mukha ko. Para talaga siyang si Third. Ang landi!

Bahagya akong natawa. "Kailangan ko bang ikatuwa iyan, Señor?"

Napaiwas siya ng tingin at napakimat-kimat. Sumandal siya sa upuan niya at huminga nang malalim. Napansin niya yata ang ikinilos niya. "May naalala lamang ako. Tawagin mo na lamang akong Lino," sabi niya kaya bahagya akong tumango. "Ilang taon ka na?"

"Bente dos, po."

Ngumiti na naman siya. Kamukha niya talaga si Third. I miss him so much. Hindi ako sanay na hindi siya nakakausap sa loob ng isang araw e. "Huwag ka na mag-po. Hindi naman nakakalayo ang ating edad. Bente quatro lamang ako," aniya kaya napatango ako. "Ano ang maitutulong mo sa akin bilang asistente?" aww, asistente ang peg ko rito.

Ngumiti ulit ako. "Hindi man ako tapos ng medisina ngunit may alam ako sa panggagamot ng mga sakit. Simula sa paglinis ng sugat hanggang sa pagtahi nito. At pag-alam ng mga sakit base sa mga sintomas nito. May tatlong lenggwahe rin akong nalalaman maliban sa Tagalog." hindi pa pala Fililino ang national language namin sa panahong to. "Marunong ako ng wikang Ingles, Latin at Espanyol." buti na lang, mahilig akong magbasa at pag-aralan ang mga languages na 'yun. Si Papa kasi, half Spanish at nasa Spain din ang mga magulang niya so required ako mag-aral ng espanyol para matuwa naman sila sa'kin. At Latin, dahil ang daming Latin word sa law. Kaya high school pa lang ako, pinag-aaralan ko na ang Latin kasi gusto ko talagang maging katulad ni Mama.

Napangisi siya. "Puto te scire multus." (Sa tingin ko'y marami kang nalalaman.)

Gosh! Sinusubok niya ba ako sa Latin? "Lustus amo ut lego." (Mahilig lamang magbasa)

"Sed quid existis studere?" (Ano ang iyong pinag-aralan?)

"Contabilidad," tama ba? Spanish? I dunno anymore!

Kumunot ang noo niya pero agad ding umayos. "Saan ka nag-aral?" nahalata niya yatang I'm bluffing.

"Sa Santo Tomas." natatawa ako sa sarili ko. Hindi naman ako dun nag-aral. Taga-UP ako. Huhu.

"Sabi ni Berto, kasalukuyan ka raw nag-aaral ng abogasya?"

Tumango ako. "Oo. Ngunit tumigil ako dahil sa mga nangyari. Kung makakaipon ako'y nais kong makabalik sa pag-aaral."

"Kaya nais mong magtrabaho rito?"

"Isa iyon sa rason. Nais ko ring maging abala para hindi maalala ang mga kaganapan. Isa pa, maraming naitutulong ang isang doktor sa mga tao. Nais ko ring tumulong," paliwanag ko.

Napangiti siya at tumango nang marahan. "Nais kong matuto ng wikang Ingles, Señor Mon."

Napangiti at tumango. "Anong ibig niyong sabihin?" mabagal na tanong ko.

"Tanggap ka na. Kailan ka maaaring mag-simula?" natatawang sabi niya at pareho kaming masaya ngayon. OMG! Third, pati ba naman kamukha mo, ang bait sa'kin! Gosh!

"Ngayon na, Doktor Lino," sabi ko agad.

"Sige, sabihan mo silang may nakuha na akong asistente," tugon niya. Tumayo agad ako at nakipagshake hands sa kanya. Ang lambot ng kamay niya. After that, nagtungo na ako sa pinto pero hindi pa man ako nakakalabas, nagsalita na naman siya. "Lino na lang ang itawag mo sa'kin... Mon. Nawa'y maging magkaibigan din tayo tulad ng kay Berto." mukhang friendly talaga siya.

"Sige... Lino," nakangiting sabi ko at tuluyan nang lumabas habang nakangiti. Ang saya naman matanggap sa trabaho tapos mabait pa ang boss. Kamukha pa ni Third. Kaso bakit ganun siya makatingin sa'kin? Is he gay? Kasi lalaki ako sa paningin niya pero iba siya tumingin. Well, okay lang 'yan. At least pinaghalong Third and Jack ang boss ko.

"Magandang hapon, mga Senior." bati ko sa mga kalalakihang nandito. Napatayo sila habang nakatingin sa'kin. "May nakuha nang asistente ang Doktor. Pasensya na ngunit makakauwi na po kayong lahat," dagdag ko.

"Sino?" sabi nung isang matandang may balbas at bigote. Sure ba siyang gusto niya magasistente? Mukhang mataas ang pinag-aralan niya e.

"A---" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko kasi biglang nagbukas ang pinto ng office ni Lino.

"Mon---" natigilan din siya kasi nakatingin kaming lahat sa kanya. "Magandang hapon, mga Ginoo. Paumanhin ngunit may napili na akong asistente." tumingin siya sa'kin. "May kailangan pa pala akong sabihin sa iyo. Sumunod ka sa loob," tugon niya kaya bahagya akong tumango at mabilis naman siyang pumasok sa office niya. Oh no! Sumunod agad ako papasok at nakaupo agad siya sa upuan niya. "May isa lamang akong kondisyon," panimula niya. "May pamilya ka ba?"

Umiling ako. Nawalan nga ng pamilya, 'di ba? Kung hindi ko 'to boss, napilosopo ko na 'to. "Wala na sila," sagot ko.

Bahagya siyang tumango. "Dahil bilang doktor, kailangan kong maging handa sa lahat ng oras. Kung kaya't kailangan mong dito manuluyan." whut? Stay in? Siguro para madaling mautusan kapag may mga biglaang lakad.

"Sige po. Tutal kararating ko lang din naman kahapon. Wala pa akong nahahanap na matitirahan ko," nakangiting sabi ko kaya napatango siya. Wow, parang kanina, pangiti-ngiti pa siya pero ngayon, ang serious niya na. Nahalata niya yatang nababading siya sa'kin kanina. Hmm Third ha! Char!

Lumabas na ako sa office niya kasi may kailangan pa raw siyang icheck. Baka raw kasi may nasira sa mga kagamitan niya. Ayaw niya ba ng tulong? 'Di ko naman siya nanakawan.

"Wala ka bang mga gamit?" tanong sa'kin ni Berto habang naglalakad kami papunta sa magiging k'warto ko. Hindi niya na hawak ang manok niya.

"Tulad ng sinabi ko kay Lino, nasunugan ako. Kaya wala akong natirang mga gamit. Bago lang ako rito kaya naghahanap din talaga ako ng trabaho para magkapera na rin," nakangiting sabi ko. Gusto kong magkaroon ulit ng mga kaibigan. Sabi ni Third, hindi na raw ako nagpapapasok ng bagong tao sa buhay ko dahil sa trust issues ko. Hindi siya natutuwa sa mga ginagawa ko e. Kung malalaman niya bang sinusubukan kong makipagkaibigan ulit, matutuwa na ba siya?

"Ganun ba? Kalunos-lunos naman ang nangyari sa'yo," aniya kaya tumango ako. "Kahapon nga'y muntik na rin kaming mawalan ng mga gamit dahil sa mga bandido. Nag-aalala si Lino na baka may nasira sa mga kagamitan niya sa panggagamot."

"Bakit muntik na?" pagtataka ko. Oh no! Sila ba talaga iyong niligtas ko?

"Muntik lang sapagkat may isang Binibining nagligtas sa amin. Hindi namin siya nakilala sapagkat mabilis siyang umalis. Kagabi, nakita ni Lino iyong Binibini na gustong magpakamatay," sabi niya pa. So sila nga! Buti na lang nakamask ako kahapon at hindi ko siya nilingon sa burol.

"Paano niya nalaman na ang Binibining iyon nga iyong nagligtas sa inyo?" I asked.

"Kapareho raw ng damit at ang pagkakatali ng buhok."

"Nagpakamatay ba iyong Binibini?"

"Hindi," nakangiting sabi niya.

"Paano niya nalaman?"

"Pinaaalis siya nung Binibini kagabi ngunit hindi siya umalis. Nagtago lamang siya upang mabantayan ito. Ngunit nang makita niyang mag-uumaga na, umalis na raw siya. Nasiguro niya naman na hindi na magpapakamatay ang Binibini. Ngunit ngayon, napapaisip pa rin siya kung nasaan na iyong Binibini. Bigla na lang daw kasing nawala." tumigil kami sa paglalakad at binuksan niya ang pinto ng isang k'warto. "Ito na pala ang magiging silid mo, Mon. Huwag kang mag-alala, bago umalis ang dating may-ari ng bahay ay nalinis na ito nang mabuti."

"Salamat," sabi ko at saka siya umalis.

Sinara ko agad ang pinto pagkapasok ko at naupo sa kama. Doon lang ako nakahinga nang maluwag. Shems! Binantayan niya ako kagabi just to make sure that I'm safe and not going to commit suicide? Maliban sa kamukha niya si Third, naaalala ko sa mga kilos niya si Third. Palagay na agad ang loob ko sa kanya.

"Long as I'm here... and even if I die, I'll make sure that you're safe." – Third

Ikaw ba 'to, Third? Hindi ka naman siguro namatay matapos kong mamatay, 'no? Please, no.

To be continued…

Related chapters

  • She Only Live Twice   Chapter 10

    Oras ng siesta at hindi pa naman ako kailangan ni Lino kaya niyaya muna ako ni Berto magpunta sa market para raw bumili ng ilang kakailanganin nila. Para na rin akong nakahanap ng kaibigan sa katauhan ni Berto. Magka-height lang kami tapos ang daldal niya rin kaya nagkakasundo kami."Kaya matagal na kaming magkaibigan. Sana'y hindi lang din katrabaho ang tingin mo sa'min. Ituring mo kaming kaibigan na rin para maging magaan ang buhay," nakangiting sabi ni Berto habang tumitingin ng gunting. Matagal na pala kasing nagtatrabaho si Berto kina Lino, bata pa lang daw sila. Nagkahiwalay lang sila nang mag-aral ng medisina si Lino sa Europa at nang bumalik, nagtrabaho ito ng ilang buwan sa Maynila hanggang sa napagdesisyunan nitong magtungo rito dahil nakausap nila doon ang dating alcalde mayor ng bayang 'to. Wala ritong doktor kaya naisip nilang maglakbay papunta rito. Ninong ni Lino ang dating alcalde mayor kung kaya't imbis daw na pabantayan ang bahay sa ibang tao, pinahiram na l

    Last Updated : 2021-09-18
  • She Only Live Twice   Chapter 11

    "Pakiramdam ko, may problema talaga siya," sabi ko kay Berto at nandito kami sa kwadra. Kararating lang namin sa bahay from bahay nina Lola Juana at pinakakain ni Berto iyong dalawang kabayo."Kulang lamang si Lino sa tulog," ani Berto habang nagbibigay ng damo sa kabayo. "Pagpasensyahan mo na. Isa pa, sumunod ka na lang sa mga inuutos niya. Kapakanan lang naman natin ang iniisip niya. Huwag mo ring kalabanin ang mga Prayle. Hindi mo yata alam ang pinapasok mo," naiiling na sabi niya at mukhang siya naman ang hindi natutuwa sa ginawa ko. Akala ko pa naman, magugustuhan niya ang pagtatanggol ko sa mga Pilipino kasi iyon naman talaga ang dapat naming gawin."Hindi ko kasi talaga nagustuhan ang nakita ko. Nakakapang-init ng dugo," inis na sabi ko habang nakakunot ang noo. I breathe deeply and tried to calm down myself. "Anyway, puntahan ko lang siya. Baka magalit na naman," sabi ko at mabilis na umalis sa kulungan ng mga kabayo. Malaki talaga ang bahay na ito. Buti na lan

    Last Updated : 2021-09-18
  • She Only Live Twice   Chapter 12

    Kinaumagahan ay sinabihan ako ni Lino na mag-ayos kasi nagpadala ng imbitasyon kahapon ang Alcalde Mayor. Birthday pala nito. Sasama ako kasi for sure na wala doon si Padre Roque kasi nagpapahinga siya. Sa wakas, makakapag-party na rin ako. Before lunch ay nag-aayos na kami. Magpapamisa muna raw kasi sa simbahan at doon kami didiretso para makilala agad namin ang Alcalde Mayor. Kung sa bahay kasi nila, for sure marami ng bisita roon kaya mahihirapan kaming makausap siya. Hay! I just want to make myself as busy as fuck just to avoid loneliness and sadness. I miss my family, my friends and my boyfriend so much. How long should I suffer from this kind of life just to make them safe? Bakit kasi ginagamit ako ng mga kalaban ni Mama? Ang duduwag naman nila. "Buenas dias, Señor Manuel Valencia," bati ni Lino sa lalaking matangkad, mataba ang tiyan, maputi, bilugan ang mga mata, manipis ang kilay pero nakikita ko pa naman, matangos din ang ilong at double chin na siya. Nakakaintimid

    Last Updated : 2021-09-18
  • She Only Live Twice   Chapter 13

    "Ayos ka lang?" tanong ni Agustino na nandito na pala sa tapat ko. Napansin niya yatang hindi maganda ang timpla ng mukha ko."Oo. Hinihintay ko lang matapos si Berto tapos aalis na rin kami," nakangiting sabi ko sa kanya.Napangiti siya at bahagyang tumango. "Masaya ako na may kaibigan na kaming hindi mapanghusga," aniya kaya bahagya akong natawa. Was he reffering about Miranda being an activist?"Basta kung anong plano niyo, sama ako," natatawang biro ko na para kaming bubuo ng rebelyon dito."Sige, babalitaan kita," tawa niya naman sabay tapik sa balikat ko then bigla naming narinig na tumikhim si Lino at ang seryoso niya na naman. Parang kanina lang, ang saya niya with Miranda ah!"Magpapaalam na kami," ani Lino kaya ngumiti at tumango lang si Agustino sabay tingin sa'kin."Mag-iingat kayo," ani Agustino.Ngumiti ako at tumango. "Salamat sa masayang selebrasyon.""Hali ka na, Mon," seryosong sabi ni Lino at naglakad na pala

    Last Updated : 2021-09-18
  • She Only Live Twice   Chapter 14

    "Wala namang espesyal sa pamilya ko. Mag-isa lang akong anak. Palaging abala ang magulang ko. Siguro noong bata pa ako, hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko sila madalas makita sa bahay. Pero nang lumaki ako, naiintindihan ko na na hindi lang ako ang tao sa mundo. May kailangan silang isipin at asikasuhing importanteng bagay," nakangiting sabi ko."Ngunit importante rin namang makita nila ang iyong paglaki upang magabayan ka nang maayos," ani Lino."Nagabayan naman ako nang maayos at palagi silang nandiyan kapag may nangyayaring importanteng bagay para sa'kin. Kakaunti ang oras namin para sa isa't-isa kaya kung may pagkakataon, ginagawa naming espesyal ang araw na iyon." hindi pa rin sila nagkulang sa paggabay sa'kin."Mabuti kung ganun. Ngunit ang lungkot naman ng buhay mo kung ganoon," bulong niya kaya bahagya akong natawa. Kahit siya'y natawa rin. "Mag-isa ka lamang sa bahay, walang makausap.""Meron naman kaming kasambahay. Tinuturing ko silang m

    Last Updated : 2021-09-18
  • She Only Live Twice   Chapter 15

    Kinaumagahan ay tuloy pa rin ang trabaho ko. Ang pinagkaiba lang, naging maayos na ang pakikitungo sa'kin ni Lino. Hindi na siya biglang nagsusungit o biglang nang-ssnob."Sasama ka na?" nakangiting tanong ni Berto nang makita akong kasama si Lino pababa ng bahay.Ngumiti ako at tumango. "Baka raw kasi lasing ka pa," natatawang sabi ko kaya natawa rin siya.Napailing na lang si Lino habang natatawa rin at sumakay na kami sa karwahe. May check up kasi ngayon si Padre Roque at gusto ko na ring humingi ng dispensa lalo pa't nang bumisita si Manong Pedro kay Josefa kahapon, sinabi niyang hindi na raw pinalayas sa bahay iyong mga pinalalayas ni Padre Roque. Kapitbahay kasi nila ang mga iyon at malapit na kaibigan na rin ni Lola Juana. Sila ang nandiyan kapag walang ibang kasama si Lola Juana sa bahay."Ayos ka lang?" tanong ni Lino habang naglalakad kami papasok sa monesterio.Tumango ako at pinilit na ngumiti para hindi niya mahalatang kinakabahan ako.

    Last Updated : 2021-09-18
  • She Only Live Twice   Chapter 16

    Hindi nila ako nakilala kahit pa nakaharap na nila ako so I guess, this disguising really helps me to hide. I just need to act in character as Mon–Ramon Concepcion. Kaya siguro hindi nila ako nakilala agad kasi hindi pa nila ako nakakasama nang matagal bilang Mon. Pero sina Lino, Berto, Maria at Josefa? Oh no!Iniwan ko si Miranda sa daang iyon at sinabing baka hinahanap na ako ni Lino. Patakbo akong bumalik sa monesterio at pawisan na rin ako dahil sa pinaghalong pagod at kaba na baka mamukhaan ni Lino kung sino ang nasa drawing na hawak ng mga Kastilang iyon. Nagkalat sa plaza ang mga Guardia Civil at maski mga Prayle ay nagsilabasan pero hindi ko nakita si Padre Roque. Nandito pa rin ang karwahe ni Lino at mukhang hindi pa tapos ang check-up. Sana walang taga-rito ang makakilala sa 'kin."Berto," tawag ko nang marating ko ang karwahe niya dahilan para magulat siya sa biglang pagsulpot ko. "Matagal pa ba si Lino?" Umakto ako na parang normal lang sa akin ang la

    Last Updated : 2021-09-18
  • She Only Live Twice   Chapter 17

    "P-pasensya na, h-hindi kita makita, e," kinakabahang sagot ko. "Tsaka bakit ka ba naglalasing? Bitawan mo na kaya ako?""Mon..." mahinang sabi niya at sa palagay ko, nakasimangot siya ngayon. Ano bang nangyayari sa kanya? "Wala akong maunawaan." bumuntong-hininga siya at mas humigpit pa lalo ang pagkakahawak niya sa wirst ko kaya napangiwi ako at hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa'kin. "Ang payat mo," natatawang sabi niya kaya kumunot ang noo ko.Gosh! Baka mahalata niyang babae ako. Lalaki siya at doktor pa. Madali niyang mahahalata kung babae o lalaki ang kaharap niya base sa hubog ng katawan nito kaya minabuti ko na magsoot ng maluluwag na long-sleeved shirts and pants gaya ni Torn para hindi niya mahalata ang katawan ko."Babae ka ba?" mahinang tanong niya kaya nanlaki ang mga mata ko.Gosh ulit! Bahagya siyang natawa at bigla na siyang napahiga at tuluyan na akong nabitawan kaya umatras ako palayo sa kanya sabay hawak sa wrist ko na masakit na.

    Last Updated : 2021-09-18

Latest chapter

  • She Only Live Twice   Epilogue

    "Sino kaya iyon?" bulong ni Agustino sa sarili niya. Natawa ako nang palihim at tiningnan ko si Berto na tahimik. Mukhang siya lang ang may alam sa matinong panliligaw dito, e. Si Lino? Mukhang hindi marunong. "Berto," tawag ko kaya napatingin na siya sa ‘kin. "Paano ba manligaw sa isang dalagang Filipina?" diretsong tanong ko kaya kumunot ang noo nina Lino at Agustino. Para naman sa kanila ang tanong na 'to kaya makinig sila. Si Lino kasi, kakaiba ang alam niyang panliligaw. Nakakatukso. "May nais ka bang ligawan, Mon?" Miranda asked. "Wala. Mukhang kailangan ng tulong ni Agustino, e," natatawang sabi ko kaya umaliwalas ang mukha nila at nagsimula na kaming magplano maliban kay Lino na mukhang hindi sasama sa ‘min. Nakikinig lang siya, e. Pati tuloy si Miranda, naeexcite sa gagawin namin. Gusto niyang sumama pero sabi ni Agustino, para lang daw ito sa mga binata sabay kindat sa ‘kin. Napa-ehem tuloy si Lino at ang sama na naman ng tingin niya kay Agu

  • She Only Live Twice   Chapter 58

    Ilang sandali pang nag-usap-usap dito sa labas ng simbahan sina Lino at pinagtitinginan pa sila ng mga tao hanggang sa dumating si Padre Roque. Kinabahan na naman ako at puro iwas tingin lang ako sa kanya. Kamukha niya lang naman ang Pari ng Salvacion. Hindi siya iyon so I must calm myself but I can't. He's scaring me and Agustino and Berto noticed that."Mabuti pa'y mauna na lamang kami sa karwahe," tugon ni Berto kay Agustino."Sasamahan ko na kayo," ani Agustino pero umiling ako."Hindi na. Baka hanapin ka nila. Kami na lang---" hindi ko na natapos ang sinasabi ko kasi napatingin na rito ang Prayle at lumapit pa siya sa ‘kin. Ramdam kong namumutla na ako. Iba 'yung trauma ni Liwan, pati ako naaapektuhan."Nandito pala ang aking tagapagligtas," nakangiting sabi ni Padre Roque kaya pilit akong ngumiti.Ayokong gumawa ng away rito lalo pa't nakasunod kay Padre Roque sina Lino at family Valencia and family Villaluna."Masyado kayong aba

  • She Only Live Twice   Chapter 57

    Kinaumagahan, maaga na naman kaming gumising para makaattend sa paunang misa. Kasama ko mamaya sina Lino, Berto, Señor Magnus at Señor Galicia. Sina Josefa at Maria ay uuwi sa kanila dahil family day naman nila today."Anong nangyari sa iyong labi, Lino?" tanong ni Señor Magnus na katabi ngayon ni Lino at nandito kami sa hapag-kainan.Medyo madilim pa dahil magbubukangliwayway pa lang pero halata na namin ang itsura ng bawat isa. Lalo na si Lino na parang lumuliwanag ang mukha ngayon dahil maaliwalas ito. Mukhang kompleto ang tulog niya kahit alam kong ilang oras na lang ang natitira nung umalis siya sa k'warto ko."Nakagat lamang po, Ama," natatawang sabi ni Lino sabay tingin sa ‘kin nang nakangiti kaya agad akong umiwas ng tingin. Umiinit na naman ang mukha ko. Tsk!"Kamusta pala ang iyong pakiramdam, Mon?" tanong ni Señor Magnus sa ‘kin kaya napatingin naman ako sa kanya. "Kahapon ay nawalan ka ng malay-tao. Hind

  • She Only Live Twice   Chapter 56

    Bahagya siyang ngumiti pero may lungkot sa mga mata niya. "Mas nanaisin ko pang matalo kaysa hayaan kang mapahamak."Naalala ko, bago ako mawalan ng malay ay narinig ko pa siyang tinawag ako. Mukhang iniwan niya 'yung kalaban niya para sa ‘kin at ngayon, inaako niya ang kanyang pagkatalo."Ngunit hindi ako naniniwalang ako lamang ang umiibig dito, Liwan."Bigla na namang bumilis ang heartbeat ko at natatakot ako na baka marinig niya ito. Ang tahimik kasi ng paligid maliban sa kuliglig na mukhang tatalunin na ng heartbeat ko."H-hindi ba't sinabi kong huwag kang aasa?" nauutal na sabi ko. Gosh! Bakit ba ako nauutal? At kinakabahan?Napangiti siya at napailing nang mabagal. "Aking napagtanto na hindi mo naman gagawin iyon kung wala kang nararamdaman para sa ‘kin," natatawang sabi niya na kinakunot ng noo ko."Alin?" kinakabahang sabi ko."Nakalimutan mo na ba?""Ang alin nga?" Ayoko sa lahat, 'yung binibitin ako. Batu

  • She Only Live Twice   Chapter 55

    Napasinghap ako habang natatawa na may halong pagkainis. "Wow, gagawin niyo pa akong trophy! Bahala kayo sa buhay niyo!" inis na sabi ko sabay lakad nang mabilis palayo sa kanila. I even heard them calling my name so I ran as fast as I could hanggang sa mailigaw ko na sila. Nagtago lang ako sa likod ng isang tindahan na gawa sa bato. Tindahan ito ng magagandang damit at kakaunti ang tao rito kumpara sa ibang tindahan. Mukhang mayayaman lang ang nagpupunta rito. Napahawak ako sa dibdib ko dahil hiningal ako. Hindi talaga physically fit si Liwanag. Kulang siya sa excercise. Kaya hindi siya nakapalag agad sa Prayle na iyon, e. Speaking of Prayle, I saw Padre Roque with his kapwa Prayle at Alpares na naglilibot sa plaza kaya mas minabuti kong magtago lang sa likod ng tindahan habang pinagmamasdan sila. Lahat ng nadadaanan nilang tao, binabati sila. They even bow their head to show respect. How in the hell they can give respect to a trash? "Mon!" rinig kong sambit

  • She Only Live Twice   Chapter 54

    Dahil wala rin kaming magawa sa bahay, niyaya na lang ako ni Berto, Maria at Josefa na manood daw kami ng tanghalan sa labas at marami pang palaro. May mga Guardia Personal na rin namang nagbabantay sa bahay na pinadala ni Señor Manuel Valencia lalo pa't maraming tao sa bayan. Baka mapano pa ang kanyang mga kaibigan. Kaso umalis sina Lino nang silang tatlo lang.Mga pasaway.Wala nga silang dalang karwahe at ganun din kami nina Berto. Higit isang kilometro pero hindi bababa sa dalawa ang layo ng bahay ni Señor Galicia sa sentro ng bayan kaya hindi rin kami nahihirapang maglakad lalo pa't mas mahirap maghanap ng kalesa kaysa makakita ng mga taong naglalakad."Doon tayo, Mon! Bilis!" excited na sabi ni Maria at agad akong hinila kaya hinila ko rin si Josefa at hila rin ni Josefa si Berto habang papunta kami malapit sa bulwagan at sa gitna ay may malaking espasyo.Sa espasyong iyon ay may mga nagsasayaw na nakabaro't saya na makukulay. Lively r

  • She Only Live Twice   Chapter 53

    "Tila naging maganda na ang iyong pakiramdam, Mon," puna ni Miranda na nilapitan ako rito sa labas ng bahay.Nasa sala sina Señor Manuel, Señor Galicia, Señor Magnus, Señora Rosana at Lino na umiinom ng tea ngayon. Nandun din si Berto at Agustino at kanina, nandun din kami ni Miranda pero nagpasintabi ako na hindi naman nila napansin kasi busy silang lahat. Maliban kay Lino na gusto sanang sumunod kaso pinigilan ako.Magtatanong lang 'yun kung kamusta ako at sinabi ko na sa kanya na gusto ko lang magpahangin sa labas dala itong tea ko."Bakit nandito ka sa labas? Baka hanapin ka dun," sabi ko at bahagyang sinilip sina Lino na nasa loob. I can't hear what they were talking about but based on their looks, seryoso na iyon."Abala sila sa isa't-isa. Hindi nila napansin na umalis ako," natatawang sabi niya habang nakatakip ang panyo sa bibig.One thing I learned during my stay here was, women used to cover their mouth wheneve

  • She Only Live Twice   Chapter 52

    Masyadong kakaiba para sa akin lahat ng nangyayari dito pero natutuwa ako kasi nang mapadpad ako sa panahong 'to, naramdaman ko kung gaano kasaya ang maging Pilipino. Fiesta ngayon at sobrang dami ng tao sa paligid. Tapos makukulay pa ang bandiritas na nakasabit sa itaas ng dinadaanan namin. May kaba sa ‘kin na baka isa sa kanila ang nakalaban ni Liwanag pero hindi maikakailang ang saya nilang tingnan.Lahat nakangiti, halos magkakakilala, nagbabatian. Wala kasi silang hawak na gadgets na nakakaagaw ng atensyon nila. Hindi sila mga nakayuko habang may kausap na iba. But of course, cellphones and other gadgets were made for communication purposes naman."Nais mo bang bumaba?" tanong ni Lino sa ‘kin nang makita akong sumisilip sa kurtina ng karwahe. May kurtina na kasi ito para raw hindi makita ang nakasakay sa loob. Which is me. "Maraming magtatanghal mamaya."Napalingon na ako sa kanya at nakangiti siya ngayon habang nakatingin sakin. Naalala ko tulo

  • She Only Live Twice   Chapter 51

    Hindi pa ako tuluyang nakakalayo kay Josefa nang mahabol niya kaagad ako."May sasabihin lamang ako sa iyo, Mon," nahihiyang sabi niya na kinakunot ng noo ko. "Napansin ko kasing may hindi tama sa iyong mga kilos bilang isang Binibini.""Ano 'yun?"Ngumiti siya na parang nahihiya. "Marahil ay isa rin sa iyong nakalimutan. Hindi dapat diretsong tumingin ang isang Binibini o Binata sa isa't-isa kung walang namamagitan sa kanila dahil hindi iyon katanggap-tanggap. Hindi tayo maaaring hawakan ng binata kung hindi natin sila asawa. At... iyang mga paa mo, kitang-kita.""Bawal ba 'yun?" natatawang tanong ko. Napakaconservative naman nila."Oo, Mon," tumatangong sagot niya. "Iyon ang natutunan ko kay Señorita Catalina noong ako'y naninilbihan pa sa kanya."Oh no! Naalala ko iyong paghawak ko sa paa ni Catalina noong natapilok siya. LMAO. Kaya pala ganun niya na lang ako paluin ng pamaypay niyang malaki. Gosh! Medyo natawa ako at napailing da

DMCA.com Protection Status