Kinaumagahan ay tuloy pa rin ang trabaho ko. Ang pinagkaiba lang, naging maayos na ang pakikitungo sa'kin ni Lino. Hindi na siya biglang nagsusungit o biglang nang-ssnob.
"Sasama ka na?" nakangiting tanong ni Berto nang makita akong kasama si Lino pababa ng bahay.
Ngumiti ako at tumango. "Baka raw kasi lasing ka pa," natatawang sabi ko kaya natawa rin siya.
Napailing na lang si Lino habang natatawa rin at sumakay na kami sa karwahe. May check up kasi ngayon si Padre Roque at gusto ko na ring humingi ng dispensa lalo pa't nang bumisita si Manong Pedro kay Josefa kahapon, sinabi niyang hindi na raw pinalayas sa bahay iyong mga pinalalayas ni Padre Roque. Kapitbahay kasi nila ang mga iyon at malapit na kaibigan na rin ni Lola Juana. Sila ang nandiyan kapag walang ibang kasama si Lola Juana sa bahay.
"Ayos ka lang?" tanong ni Lino habang naglalakad kami papasok sa monesterio.
Tumango ako at pinilit na ngumiti para hindi niya mahalatang kinakabahan ako.
Hindi nila ako nakilala kahit pa nakaharap na nila ako so I guess, this disguising really helps me to hide. I just need to act in character as Mon–Ramon Concepcion. Kaya siguro hindi nila ako nakilala agad kasi hindi pa nila ako nakakasama nang matagal bilang Mon. Pero sina Lino, Berto, Maria at Josefa? Oh no!Iniwan ko si Miranda sa daang iyon at sinabing baka hinahanap na ako ni Lino. Patakbo akong bumalik sa monesterio at pawisan na rin ako dahil sa pinaghalong pagod at kaba na baka mamukhaan ni Lino kung sino ang nasa drawing na hawak ng mga Kastilang iyon. Nagkalat sa plaza ang mga Guardia Civil at maski mga Prayle ay nagsilabasan pero hindi ko nakita si Padre Roque. Nandito pa rin ang karwahe ni Lino at mukhang hindi pa tapos ang check-up. Sana walang taga-rito ang makakilala sa 'kin."Berto," tawag ko nang marating ko ang karwahe niya dahilan para magulat siya sa biglang pagsulpot ko. "Matagal pa ba si Lino?" Umakto ako na parang normal lang sa akin ang la
"P-pasensya na, h-hindi kita makita, e," kinakabahang sagot ko. "Tsaka bakit ka ba naglalasing? Bitawan mo na kaya ako?""Mon..." mahinang sabi niya at sa palagay ko, nakasimangot siya ngayon. Ano bang nangyayari sa kanya? "Wala akong maunawaan." bumuntong-hininga siya at mas humigpit pa lalo ang pagkakahawak niya sa wirst ko kaya napangiwi ako at hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa'kin. "Ang payat mo," natatawang sabi niya kaya kumunot ang noo ko.Gosh! Baka mahalata niyang babae ako. Lalaki siya at doktor pa. Madali niyang mahahalata kung babae o lalaki ang kaharap niya base sa hubog ng katawan nito kaya minabuti ko na magsoot ng maluluwag na long-sleeved shirts and pants gaya ni Torn para hindi niya mahalata ang katawan ko."Babae ka ba?" mahinang tanong niya kaya nanlaki ang mga mata ko.Gosh ulit! Bahagya siyang natawa at bigla na siyang napahiga at tuluyan na akong nabitawan kaya umatras ako palayo sa kanya sabay hawak sa wrist ko na masakit na.
Sumabay kami ni Lino kay Josefa papunta sa kanila kaya mas maaga kong nabisita si Lola Juana. Nakita ko ring nandun sa bahay nila iyong pamilyang pinalalayas noon ni Padre Roque. Buti naman at hindi niya na itinuloy."Kumakain po ba kayo sa tamang oras?" tanong ni Lino pagkatapos niyang tingnan ang kalagayan ni Lola Juana. Hindi ko in-expect na isasabay niya na ang pagcheck-up kay Lola Juana. Hindi ko naman maipagkakaila na mabait si Lino."Opo, Doktor Fuentes. Ngunit hindi rin marami ang aking kinakain sapagkat sumasakit ang aking tiyan," nakangiting sabi ni Lola Juana.Grabe, may sakit na nga siya pero nagagawa niya pa ring ngumiti. Nandito kami sa labas ng bahay nila, nakaupo sa bangko na gawa sa kahoy. Inabutan namin si Lola Juana rito, nagpapahangin habang nagwawalis ng bakuran si Manang Hiyas. Ngayon ay nasa loob siya kasama si Josefa. Si Manong Pedro naman ay nasa sakahan daw."Antabayanan niyo po ang inyong pagkain upang hindi mauwi sa ulcer," ani
Iba ang ipinaglalaban nila ni Miranda sa ipinaglalaban ng kapamilya niya. Ang hirap siguro sa pamilya nila kapag napag-uusapan ang tungkol sa political issues. Palaging may debate pero walang nakikinig.Ang hirap kasi sa tao, gobyerno ang pinagsisilbihan--hindi ang bayan at mamamayan nito. Ganito ang nangyayari kapag mas mahal ng nasa posisyon ang kanyang upuan kaysa sa bayang kanyang pinagsisilbihan. Kahit umaaray na ang kanyang nasasakupan, patuloy silang magbibingi-bingihan, masunod lamang ang mga nasa mas matataas na posisyon para ang kanilang posisyon ay maprotektahan."Kuya Agustino," rinig kong sambit ni Miranda kaya napaharap kami sa kanya and I saw Lino behind her. Napangiti ako nang makita silang dalawa. Naalala ko tuloy sina Fourth at Ysa. Dati, napakabitter ko pa sa kanila pero habang tumatagal, napapansin kong bagay naman pala sila. "Anong ginagawa mo rito?" tanong pa ni Miranda."Pinasusundo ka ng ating Ama sapagkat mapanganib pa sa ating lugar," a
Tahimik akong nagpunta sa kusina para tulungan si Berto na magluto ng makakain. May mga gulay pa naman dito. Mamaya na lang daw siya bibili ng karpa at ang tahimik niya rin. Baka kasi nagtatampo siya."Pasensya na talaga, hindi kami nakabili," sabi ko at nakaupo na lang ako sa isang upuang nandito sa kusina habang pinapanood si Berto maghalo ng niluluto niyang gulay na hindi ko alam kung ano pero masarap ang amoy.Ngumiti siya nang bahagya at inalis na sa pugon iyong kawali at tinakpan ito. "Mamaya na lamang ako bibili," aniya kaya bahagya akong tumango at ngumiti.Nagpapanggap pa rin akong lalaki sa harapan ni Berto kasi sinabi ni Lino na walang ibang makakaalam ng sekreto ko, kahit pa si Berto. Kung kakaunti ang nakakaalam, kaunti rin ang chance na may iba pang makaalam nitong tinatago ko kaya mas mabuti nang si Lino na lang ang may alam. Sa kaunting panahong nakilala ko siya, hindi naman siya tsismoso."Sama ako," sabi ko kaya bahagya siyang natawa. Ka
Nang hindi na sila kumibo, saka ko lang siya tinulungan. Mukhang malala ang pagkakasprain niya kasi kada-galaw ko ng paa niya, umaaray siya. Pati tuloy ako, kinakabahan. But I know how to do this."Masakit pa?" I asked when I'm done fixing her foot. Hinihingal pa siya at pinagpapawisan. Akala mo, nakipagsex during daytime. Gosh!Umiling siya habang tinitingnan ang paa niya na namumula pa rin. Ginalaw-galaw ko ito kaya napangiti siya at saka tumingin sa ‘kin. Binitawan ko na ito at saka tumayo. Tinulungan siya ng kasama niya na isoot iyong sandal niya at saka sila tumayo habang nakangiti. Bagay naman pala sa kanya ang nakangiti, e."Magkano ba ang dapat kong ibayad sa iyo?" tanong nung babaeng masungit na Catalina ang name, based on what I've heard. P'wede namang thank you lang, mahirap ba 'yun sabihin?Umiwas ako ng tingin at umiling habang pinapagpagan ang mga kamay ko. "Hindi ako naniningil. Mag-iingat na lang kayo sa susunod," sabi ko at saka siy
Hindi ako makapagsalita dahil sa narinig ko, mabuti na lang at nagawa ni Agustino."Bangkay? Saan po nakuha?" kabadong tanong naman ni Agustino."Diyan sa may gilid ng batis, bali-bali ang katawan, walang saplot, nangangamoy na rin at hindi na makilala sapagkat nabasag ang kanyang mukha," naiiyak na sabi niya kaya nagkatinginan kami ni Agustino.Oh no! That's not me! Ibang babae iyong nakuha nila. May krimeng naganap dito and no one even noticed that!"Bakit naman siya tatalon sa bangin nang walang saplot?" kunot-noong tanong sa ‘kin ni Agustino pero napatingin kami kay Lola nang magsalita siya."Ginahasa ang dalaga. Mabuti pa'y pagsabihan ninyo ang mga kakilala niyong dalaga na huwag lalabas sa gabi," aniya.Parang sinaksak naman ang puso ko dahil sa sinabi niya. Fuck him kung sino man siya, huhulihin ko siya and I'll kill him!"Nahuli po ba iyong nanggahasa?" tanong ko pero tiningnan muna ako ni Lola bago sinabing hindi at sak
Nang magising ako, nasa loob na ako ng k'warto ko at umaga na rin. Naririnig ko pa ang huni ng mga ibon sa labas pero nakasarado pa rin ang bintana. Napahawak ako sa ulo ko, hindi na ito masakit. Nang tumingin ako sa gawing kanan ko ay nakita ko si Lino na nakaubob sa kama ko at natutulog."Lino," sabi ko sabay kalabit sa balikat niya. Mukhang siya na rin ang nagdala sa ‘kin dito.Marahan niyang inangat ang tingin niya at medyo namumula ang mga mata niya. Ang gulo rin ng buhok niya. "Mon," he said in his low voice then he sat properly. Naupo na rin ako at medyo nawala na iyong pananakit ng katawan ko. Iyong binti at braso ko na lang. "Kamusta?" he asked."Hindi na masakit iyong ulo ko," sabi ko sabay hampas nang marahan sa ulo ko na agad niyang pinigilan dahilan para mahawakan niya ang kamay ko."Huwag mong gagalawin ang iyong ulo," seryosong sabi niya habang marahang ibinababa ang kamay ko. "Kung iyong pahihintulutan, maaari kitang dalhin sa Espany
"Sino kaya iyon?" bulong ni Agustino sa sarili niya. Natawa ako nang palihim at tiningnan ko si Berto na tahimik. Mukhang siya lang ang may alam sa matinong panliligaw dito, e. Si Lino? Mukhang hindi marunong. "Berto," tawag ko kaya napatingin na siya sa ‘kin. "Paano ba manligaw sa isang dalagang Filipina?" diretsong tanong ko kaya kumunot ang noo nina Lino at Agustino. Para naman sa kanila ang tanong na 'to kaya makinig sila. Si Lino kasi, kakaiba ang alam niyang panliligaw. Nakakatukso. "May nais ka bang ligawan, Mon?" Miranda asked. "Wala. Mukhang kailangan ng tulong ni Agustino, e," natatawang sabi ko kaya umaliwalas ang mukha nila at nagsimula na kaming magplano maliban kay Lino na mukhang hindi sasama sa ‘min. Nakikinig lang siya, e. Pati tuloy si Miranda, naeexcite sa gagawin namin. Gusto niyang sumama pero sabi ni Agustino, para lang daw ito sa mga binata sabay kindat sa ‘kin. Napa-ehem tuloy si Lino at ang sama na naman ng tingin niya kay Agu
Ilang sandali pang nag-usap-usap dito sa labas ng simbahan sina Lino at pinagtitinginan pa sila ng mga tao hanggang sa dumating si Padre Roque. Kinabahan na naman ako at puro iwas tingin lang ako sa kanya. Kamukha niya lang naman ang Pari ng Salvacion. Hindi siya iyon so I must calm myself but I can't. He's scaring me and Agustino and Berto noticed that."Mabuti pa'y mauna na lamang kami sa karwahe," tugon ni Berto kay Agustino."Sasamahan ko na kayo," ani Agustino pero umiling ako."Hindi na. Baka hanapin ka nila. Kami na lang---" hindi ko na natapos ang sinasabi ko kasi napatingin na rito ang Prayle at lumapit pa siya sa ‘kin. Ramdam kong namumutla na ako. Iba 'yung trauma ni Liwan, pati ako naaapektuhan."Nandito pala ang aking tagapagligtas," nakangiting sabi ni Padre Roque kaya pilit akong ngumiti.Ayokong gumawa ng away rito lalo pa't nakasunod kay Padre Roque sina Lino at family Valencia and family Villaluna."Masyado kayong aba
Kinaumagahan, maaga na naman kaming gumising para makaattend sa paunang misa. Kasama ko mamaya sina Lino, Berto, Señor Magnus at Señor Galicia. Sina Josefa at Maria ay uuwi sa kanila dahil family day naman nila today."Anong nangyari sa iyong labi, Lino?" tanong ni Señor Magnus na katabi ngayon ni Lino at nandito kami sa hapag-kainan.Medyo madilim pa dahil magbubukangliwayway pa lang pero halata na namin ang itsura ng bawat isa. Lalo na si Lino na parang lumuliwanag ang mukha ngayon dahil maaliwalas ito. Mukhang kompleto ang tulog niya kahit alam kong ilang oras na lang ang natitira nung umalis siya sa k'warto ko."Nakagat lamang po, Ama," natatawang sabi ni Lino sabay tingin sa ‘kin nang nakangiti kaya agad akong umiwas ng tingin. Umiinit na naman ang mukha ko. Tsk!"Kamusta pala ang iyong pakiramdam, Mon?" tanong ni Señor Magnus sa ‘kin kaya napatingin naman ako sa kanya. "Kahapon ay nawalan ka ng malay-tao. Hind
Bahagya siyang ngumiti pero may lungkot sa mga mata niya. "Mas nanaisin ko pang matalo kaysa hayaan kang mapahamak."Naalala ko, bago ako mawalan ng malay ay narinig ko pa siyang tinawag ako. Mukhang iniwan niya 'yung kalaban niya para sa ‘kin at ngayon, inaako niya ang kanyang pagkatalo."Ngunit hindi ako naniniwalang ako lamang ang umiibig dito, Liwan."Bigla na namang bumilis ang heartbeat ko at natatakot ako na baka marinig niya ito. Ang tahimik kasi ng paligid maliban sa kuliglig na mukhang tatalunin na ng heartbeat ko."H-hindi ba't sinabi kong huwag kang aasa?" nauutal na sabi ko. Gosh! Bakit ba ako nauutal? At kinakabahan?Napangiti siya at napailing nang mabagal. "Aking napagtanto na hindi mo naman gagawin iyon kung wala kang nararamdaman para sa ‘kin," natatawang sabi niya na kinakunot ng noo ko."Alin?" kinakabahang sabi ko."Nakalimutan mo na ba?""Ang alin nga?" Ayoko sa lahat, 'yung binibitin ako. Batu
Napasinghap ako habang natatawa na may halong pagkainis. "Wow, gagawin niyo pa akong trophy! Bahala kayo sa buhay niyo!" inis na sabi ko sabay lakad nang mabilis palayo sa kanila. I even heard them calling my name so I ran as fast as I could hanggang sa mailigaw ko na sila. Nagtago lang ako sa likod ng isang tindahan na gawa sa bato. Tindahan ito ng magagandang damit at kakaunti ang tao rito kumpara sa ibang tindahan. Mukhang mayayaman lang ang nagpupunta rito. Napahawak ako sa dibdib ko dahil hiningal ako. Hindi talaga physically fit si Liwanag. Kulang siya sa excercise. Kaya hindi siya nakapalag agad sa Prayle na iyon, e. Speaking of Prayle, I saw Padre Roque with his kapwa Prayle at Alpares na naglilibot sa plaza kaya mas minabuti kong magtago lang sa likod ng tindahan habang pinagmamasdan sila. Lahat ng nadadaanan nilang tao, binabati sila. They even bow their head to show respect. How in the hell they can give respect to a trash? "Mon!" rinig kong sambit
Dahil wala rin kaming magawa sa bahay, niyaya na lang ako ni Berto, Maria at Josefa na manood daw kami ng tanghalan sa labas at marami pang palaro. May mga Guardia Personal na rin namang nagbabantay sa bahay na pinadala ni Señor Manuel Valencia lalo pa't maraming tao sa bayan. Baka mapano pa ang kanyang mga kaibigan. Kaso umalis sina Lino nang silang tatlo lang.Mga pasaway.Wala nga silang dalang karwahe at ganun din kami nina Berto. Higit isang kilometro pero hindi bababa sa dalawa ang layo ng bahay ni Señor Galicia sa sentro ng bayan kaya hindi rin kami nahihirapang maglakad lalo pa't mas mahirap maghanap ng kalesa kaysa makakita ng mga taong naglalakad."Doon tayo, Mon! Bilis!" excited na sabi ni Maria at agad akong hinila kaya hinila ko rin si Josefa at hila rin ni Josefa si Berto habang papunta kami malapit sa bulwagan at sa gitna ay may malaking espasyo.Sa espasyong iyon ay may mga nagsasayaw na nakabaro't saya na makukulay. Lively r
"Tila naging maganda na ang iyong pakiramdam, Mon," puna ni Miranda na nilapitan ako rito sa labas ng bahay.Nasa sala sina Señor Manuel, Señor Galicia, Señor Magnus, Señora Rosana at Lino na umiinom ng tea ngayon. Nandun din si Berto at Agustino at kanina, nandun din kami ni Miranda pero nagpasintabi ako na hindi naman nila napansin kasi busy silang lahat. Maliban kay Lino na gusto sanang sumunod kaso pinigilan ako.Magtatanong lang 'yun kung kamusta ako at sinabi ko na sa kanya na gusto ko lang magpahangin sa labas dala itong tea ko."Bakit nandito ka sa labas? Baka hanapin ka dun," sabi ko at bahagyang sinilip sina Lino na nasa loob. I can't hear what they were talking about but based on their looks, seryoso na iyon."Abala sila sa isa't-isa. Hindi nila napansin na umalis ako," natatawang sabi niya habang nakatakip ang panyo sa bibig.One thing I learned during my stay here was, women used to cover their mouth wheneve
Masyadong kakaiba para sa akin lahat ng nangyayari dito pero natutuwa ako kasi nang mapadpad ako sa panahong 'to, naramdaman ko kung gaano kasaya ang maging Pilipino. Fiesta ngayon at sobrang dami ng tao sa paligid. Tapos makukulay pa ang bandiritas na nakasabit sa itaas ng dinadaanan namin. May kaba sa ‘kin na baka isa sa kanila ang nakalaban ni Liwanag pero hindi maikakailang ang saya nilang tingnan.Lahat nakangiti, halos magkakakilala, nagbabatian. Wala kasi silang hawak na gadgets na nakakaagaw ng atensyon nila. Hindi sila mga nakayuko habang may kausap na iba. But of course, cellphones and other gadgets were made for communication purposes naman."Nais mo bang bumaba?" tanong ni Lino sa ‘kin nang makita akong sumisilip sa kurtina ng karwahe. May kurtina na kasi ito para raw hindi makita ang nakasakay sa loob. Which is me. "Maraming magtatanghal mamaya."Napalingon na ako sa kanya at nakangiti siya ngayon habang nakatingin sakin. Naalala ko tulo
Hindi pa ako tuluyang nakakalayo kay Josefa nang mahabol niya kaagad ako."May sasabihin lamang ako sa iyo, Mon," nahihiyang sabi niya na kinakunot ng noo ko. "Napansin ko kasing may hindi tama sa iyong mga kilos bilang isang Binibini.""Ano 'yun?"Ngumiti siya na parang nahihiya. "Marahil ay isa rin sa iyong nakalimutan. Hindi dapat diretsong tumingin ang isang Binibini o Binata sa isa't-isa kung walang namamagitan sa kanila dahil hindi iyon katanggap-tanggap. Hindi tayo maaaring hawakan ng binata kung hindi natin sila asawa. At... iyang mga paa mo, kitang-kita.""Bawal ba 'yun?" natatawang tanong ko. Napakaconservative naman nila."Oo, Mon," tumatangong sagot niya. "Iyon ang natutunan ko kay Señorita Catalina noong ako'y naninilbihan pa sa kanya."Oh no! Naalala ko iyong paghawak ko sa paa ni Catalina noong natapilok siya. LMAO. Kaya pala ganun niya na lang ako paluin ng pamaypay niyang malaki. Gosh! Medyo natawa ako at napailing da