Pagkatapos niyang mapuna ang mga mata ko, umalis na siya. Hindi ko alam kung anong trip niya. Siya lang kasi ang pumuna ng mata ko. Lol! Imbis na isipin ang taong wala namang pake sa'kin, nag-focus na lang ako sa panonood kina Torn. Buti pa siya, may pakialam sa'kin kahit noong Friday ko lang siya nakilala.
Noong simula ng laban, pansin kong nanggigigil si Third at sobrang seryoso niya. Pinag-iinitan niya si Torn. Naku, kapag may ginawa siyang masama kay Torn, sasapakin ko talaga siya! Sasaktan ko talaga siya nang bongga.
Agad na naghiyawan ang mga tao nang makagoal si Third. Ang lakas na ng kaba ko kasi ang hirap makagoal sa soccer. Whay if hindi makagoal sina Torn? Mapipilitan akong makipagdate kay Third. Ako kasi iyong taong tumutupad sa usapan e. Kaya nga hindi ko na kinuha ang number ni Torn kasi kapag may usapan kami, sure akong sisipot kahit anong mangyari.
Sa sobrang kaba ko, napatingin ako kay Torn na mukhang naaasar na rin. Parang napansin niyang pinag-iinitan siya ni Third. Hindi niya alam kung sino sa kalaban niya ang kinaiinisan ko kasi hindi ko siya pinangalanan. Kinuha ko ang phone ko para itext sina Jack, Misty at Trina pero hindi ko na tinuloy kasi nabasa ko ang text ni Trina na hindi na rin daw sila manonood kasi wala ako. Wala naman daw silang pake kay Third. Naks naman. Nagkasalisihan tuloy kami.
Huminga ako nang malalim at muling tiningnan sina Torn na tumatakbo na papunta sa gitna ng field. Napatayo ako sa kaba kasi ang talim ng tingin sa kanya ni Third. Gosh! Hindi ko inexpect na magaling din si Torn, higit sa inaakala ko pero mas magaling sa kanya si Third. Akala ko, past time niya lang ang soccer.
"GO TORN!" sigaw ko dahilan para mapatingin sila sa'kin. "BEAT THIRD'S TEAM!" dagdag ko kaya bahagyang natawa si Torn at nagthumb's up lang sa'kin. Si Third naman ay napapailing na lang habang natatawa. Wow, natawa pa siya ha!
Nang magsimula na ang laban, mas naging seryoso na sila. Nagtataka na sakanila ang iba nilang teammate. Wala kasi silang alam kung ano ang meron kapag nanalo o natalo sila sa game na 'to.
"Sana manalo kayo, Torn!" I mumbled. Wala pa kasi silang goal. Ang hirap makagoal e. Pero nabuhayan ako nang mas maging maliksi si Torn tsaka ang teammates niya. Mas lumakas ang hiyawan kasi mas nag-init ang laban sa field. Mas dumami rin ang mga nanonood. Walang tao kanina rito sa paligid ko pero ngayon, may iilan na. Naririnig ko ang iba sa kanila na pinag-uusapan si Torn. Ngayon lang daw nila nakita e.
"OMG!" bulalas ko nang sinisipa na ni Torn ang bola papunta sa goal nila. Bawat yata step niya, palakas nang palakas ng heartbeat ko kasi baka maagaw sa kanya ang bola o baka mainjured siya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko if that happened. Pero mukhang hindi naman siya maiinjured kasi mas gumaling siya ngayon. Natalo niya na si Third. "Yes! Wooooohhhh!" sigaw ko nang makagoal siya at tuwang-tuwa ang mga tao kasi tie na ang both team. Jusko! Isa pang goal sana!
"Grabe, ang galing nung new member," puna ng babae sa likuran ko pero hindi ko sila inintindi. Nakangiti lang ako nang malawak. Pero kailangan pa nilang makagoal ulit para manalo talaga kaya kinakabahan pa rin ako.
"Mukhang foreigner ah. Ang tangkad tsaka ang puti. Tapos ang gwapo!" impit na sabi nung isa kaya bahagya akong natawa. Napalingon ako sa kanila at saktong napatingin din sila sa'kin.
"Hi Lemon. Galit ka talaga kay Third 'no?" natatawang sabi niya. "Todo cheer ka sa kabilang team e!"
"Kakampi ko ang mga kalaban niya," tawa ko kaya napailing na lang sila at bumalik na kami sa panonood.
Ilang sandali pa ay muling nakagoal si Torn at panalo na nga sila. Mabilis akong tumakbo pababa ng field para lapitan sina Torn at ang team niya na tuwang-tuwa ngayon kasi ngayon lang nila natalo sina Third. Usually, laging talo ang team na nakakalaban ni Third e.
"Congratulations! Thank you guys!" tuwang-tuwang sabi ko sa kanila.
"You're such a great player in soccer," ani Lui sabay apir kay Torn. "Anyway, thank you for helping us! You wanna come with us? We're going to celebrate," dagdag niya pa at napatingin sa'kin si Torn na pawis na pawis na. Basang-basa ng pawis ang buhok niya. Wala pa naman akong panyo. Hindi ako gumagamit nun e.
"I guess, they're going to a party. Don't worry, you can trust them." nginitian ko siya at tiningnan si Lui. "Bugbog ka sa'kin kapag may ginawa kayong kalokohan sa kanya!" tiim bagang na sabi ko habang nakangiti nang pilit kaya natawa sila ng team niya.
"Takot na lang namin sa'yo, Lemon. Baka sa ospital na kami magising," sabi nung isa kaya tinaasan ko siya ng kilay. The last time kasi na may nantrip sa'kin noong first year college ako, hindi ko sinasadyang bugbugin. Akala ko, isa sa mga nagbibigay ng death threat sa'kin. 'Yun pala, estudyante rin dito na dinare ni Third na kidnapin ako at ikulong sa music room. E simula pa naman nang makatanggap ako ng mga death threats, nag-aattend na ako sa mga martial arts na yan para maipagtanggol ko ang sarili ko. Every vacation lang naman. So this vacation, iyon ulit ang aattendan ko.
"Lemon!" tawag sa'kin ni Third kaya napalingon ako sa kanya. Nawiwili na rin naman si Torn makipag-usap kina Lui at nagkakasundo sila sa kung ano man ang topic nila kaya iniwan ko muna sila para makausap si Third. Kailangan na 'tong tapusin. "Congrats, you won!" aniya sabay lahad ng kamay pero hindi ko iyon hinawakan. Nagcross arms lang ako.
"So titigilan mo na ako."
Ngumisi siya at tumango. "Pasalamat ka, magaling 'yang kaibigan mo. So sasama ba kayo mamaya sa celebration?"
"Nila? Sasama raw si Torn," sagot ko at saka ako napalingon sa kanila. Nagtatawanan na sila. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kahyper. Parang ang dami niyang tinatago sa'kin. Baka soccer player talaga siya, ayaw niya lang sabihin.
"Good. E 'di makakausap ko siya roon," ani Third kaya bigla akong napalingon sa kanya.
"What!? Kasama kayo!?" gulat na tanong ko at tumango lang siya. "Why?"
"Kaibigan ko 'yang mga kinakaibigan ni Torn? So baka maging tropa din kami ng kaibigan mo." ngumisi siya na lalo kong kinainis.
"Akala ko ba, titigilan mo na ako?"
"Ang assuming mo naman, Lemon. Si Torn ang kakaibiganin ko, hindi ikaw. Ikaw ha, siguro crush mo talaga ako!" ngisi niya sabay gulo ng buhok ko pero agad kong kinabig ang braso niya at sisipain ko sana siya nang bigla siyang tumakbo palayo sa'kin habang tumatawa.
"Bwisit ka talagaaaaaa!" sigaw ko.
Hindi na talaga siya magbabago. Napakayabang niya talaga! Iniisip niya talagang lahat ng babae, magugustuhan siya? Sa ugali niyang mapang-asar at nakakasira ng araw? No way!
"You okay?" tanong ni Torn na nasa tabi ko na pala kaya huminga ako nang malalim at pilit na ngumiti bago siya hinarap. Napangiwi siya sa itsura ko.
"Thank you, Torn. Now he's going to stay away from me na so I won't see him again, anymore!" tuwang-tuwang sabi ko kaya napatingin siya sa side ni Third.
"He's serious when it comes to you. Are you sure, he's that guy you mentioned to me earlier?" tanong niya kaya nawala ang tuwa sa'kin. Sumobra yata ang description ko kay Third.
"Just... don't mind him. So if you're coming with them, I'll come too." nakikita kong masaya si Torn kasama sina Lui at mababait naman sina Lui. Si Third lang talaga ang mayabang. Pero hindi sila nananakit ng kalaro nila. Kaya ang sama ko naman kung ipagkakait ko iyon kay Torn. At dahil mukhang iinom sila, kailangan kong sumama kasi hindi taga-rito si Torn. Baka mapahamak siya at baka mapagalitan siya ng Mom niya. Sasama lang ako, hindi ako iinom.
"Saan 'to?" I asked Vico nang dito niya kami dalhin sa loob ng isang village. Siya kasi ang nagdadrive at katabi niya si Kuya Leo na driver ko. Car kasi namin ang ginamit namin. Nakapagshower na sila lahat coz if not, hihimatayin ako sa amoy nila!
"Kina Lui," he said as he pulled over the car. Bumukas na ang pinto pero hinila ko muna si Torn at pinauna sina Vico bumaba. Kaming tatlo nina Kuya Leo na lang ang natitira rito sa loob.
"You seems comfortable with them already so I'm not coming inside. I'll wait for you here. So enjoy, okay?" nakangiting sabi ko habang nakathumb's up.
"Lemon, you don't need to do this. I can handle myself. You're treating me like a baby," natatawang sabi niya. Pero mukha siyang baby e. Lalo na kapag nakangiti siya. Pero nung nakita ko siyang naglalaro kanina at mukhang naiinis na, pati ako, natatakot sa kanya. Parang ibang tao siya. Nagagalit siya e. Ang talim niya tumingin. "Follow us if you want. Don't worry, I'm not going to drink. I'll wait for you inside, okay?" lumabas na siya at napasandal naman ako sa upuan.
"Kuya, you wanna go inside?" tanong ko kay Kuya Leo. Nasa 30s lang siya kaya madali niyang nakasundo kanina sina Vico. Hindi namin kasama sina Third sa sasakyan. Isusuka siya ng sasakyang 'to. Bawal siya dito.
Lumingon sa'kin si Kuya Leo. "Hindi tayo p'wedeng magpaumaga. Lagot tayo kay Ma'am at Sir," paalala niya. Bahagya akong tumango kasi alam ko naman iyon. Nagpaalam kasi ako kay Mama na baka abutin ako ng 11 to 12mn kasi may sasamahan lang akong kaibigan. Celebration ng pagkapanalo nila sa isang game. I said na hindi ako iinom at hindi ako magpapaumaga. Hindi pa siya pumayag. Nagalit pa nga siya pero hindi ko p'wedeng iwan si Torn mag-isa rito kaya pinilit ko si Mama nang pinilit hanggang sa pumayag na siya. "Matulog ka muna. Gigisingin na lang kita kapag alas-onse na," sabi pa ni Kuya Leo makalipas ang ilang minuto.
"Ayos lang po ako," sabi ko. Kanina ko pa pinapanood ang mga sasakyang nagsisidatingan dito kina Lui. Ang dami palang invited na tao rito. Marami ring babae at hindi member ng soccer team. Oo nga pala, open party pala ito sabi ni Lui. Hindi lang celebration ng winning nina Lui kundi celebration din ng pagtatapos ng school year. Grabe, karamihan sa kanila, kilala ko pero hindi ako kilala. Mga taga-school din sila. Member ng cheerleading, iba't-ibang club, nandito rin ang SSC officers. Napasimangot ako. Gusto ko rin pumasok sa loob.
Napaupo ako ng tuwid nang makita kong bumaba sa isang sasakyan si Fourth. Inayos niya pa ang salamin niya bago siya nagsimulang mag-lakad. Simple lang ang soot niya. Black polo shirt at black pants. Bakit ganun siya? I mean, 'yung iba kasing mga pumasok, polo lang. 'Yung mga babae, may nakadress at iba't-ibang style pa. Depende kung ano gusto nila.
"Kuya, I'll be back!" mabilis na sabi ko at hindi ko na siya hinintay pang magsalita. Lumabas agad ako at hinabol si Fourth. "Fourth!" sigaw ko. Nilingon niya ako at napangiti siya nang makita ako. "You're here din pala," sabi ko.
"Yea. Lui invited us. So tingin ko, papunta ka rin sa loob?" he asked. Tumango ako at sabay na kaming naglakad papasok sa ballroom. Ilang pasilyo pa ang nilakaran namin bago kami nakarating sa ballroom. Nag-uusap lang kami habang ako, hinahanap ko kung nasaan si Torn. Ngayon ko lang napansin na ang simple din ng soot ko kumpara sa soot ng mga babae. I'm not ready for this party! Ang usapan, maghihintay lang ako sa van. Huhu. "Okay ka lang?" tanong ni Fourth nang mapansing nakabusangot na ako.
"Yea yea I'm okay! I was just looking for my friend," mabilis na sabi ko. Ang daming tao, ang lakas din ng music at nakakahilo ang party lights. Dagdag pa ang amoy ng alak. Inaantok tuloy ako.
"Sila ba 'yun?" turo ni Fourth sa bandang gilid ng ballroom. Nakita ko sa isang table sina Torn kasama ang team ni Third at Lui. Nagkakatuwaan sila. May ilang babae sa paligid nila pero hindi nila kinakausap. Baka nagkatabi lang. Pero sa kanila nakatingin iyong ibang babae e. Oh well! "Sige na, sasamahan kita," dagdag pa ni Fourth at nagsimula na siyang maglakad habang hawak ang wrist ko. Oh no, heart! Huwag ganun! Baka sumabog ka!
"Huwag na!" sabi ko agad at sinubukan kong hinalin ang kamay ko pero hindi siya nakikinig hanggang sa nakarating na kami sa kinaroroonan nina Third at Torn. Napatingin pa silang lahat sa'min. Mabilis akong binitawan ni Fourth.
"Nandito na pala si Twinny," ani Lui sabay tayo at inabutan ng baso si Fourth. "Inom ka muna, de Quatro," dagdag niya. Kinuha naman ito ni Fourth at ininom - bottom's up! Napangiwi siya sabay lapag ng baso sa mesa.
"Galing ha. Ikaw naman, Lemon!" ani Lui at aabutan din sana ako ng baso nang tumayo si Third at kinuha ang basong hawak ni Lui.
"Akin na nga. Inom na inom na ako," ani Third sabay inom nito kaya napahiyaw na lang sina Lui habang tumatawa.
Magkamukhang-magkamukha talaga sila ni Fourth. Natural, identical twin e. Same height, medyo maputi nga lang si Fourth kaysa kay Third kasi palaging nasa field si Third. Mas mahaba ang buhok ni Third kaysa Fourth. Malinis tingnan si Fourth. Pero 'yung mga mata nilang malalalim, matangos na ilong, manipis na lips at well defined jawline nila, parehong-pareho. Kahit 'yung laki ng katawan nila, pareho. Nakakainis! Naiinis ako kay Third kasi siya ang naaalala ko kapag pinapantasya ko si Fourth. Bakit kasi hindi na lang sila nagkaiba ng mukha?
"You okay?" tanong ni Torn at katabi ko na pala siya rito. Maiingay sila at hindi naman nila ako binibwisit kahit mag-isa lang ako ritong babae. Puro soccer game at player ang pinag-uusapan nila kaya hindi ako makarelate. Kanina ko pa pinagmamasdan mula rito sina Fourth. Umalis na kasi siya para puntahan ang SSC officers. Masaya naman siya habang kasama sina Ysa. Nakakaselos lang kasi close na close sila ni Ysa simula first year college. Sana ako na lang siya.
"Yea, I'm okay!" nakangiting sabi ko na kinakunot ng noo niya.
"You sure? You don't look okay, Lemon. You're not drinking anything. I'll get you a drink." aniya kaya umiling lang ako. "You wanna leave us now?"
"Don't mind me. I'll just go to a restroom," paalam ko pero hindi pa ako nakakatayo nang magsalita naman si Lui.
"Ano mo ba talaga siya, ha, Lemon?" nakangising tanong ni Lui dahilan para mapatingin ako sa katabi niyang si Third. Pare-pareho na silang tipsy maliban kay Torn na hindi masyadong umiinom. "Grabe ka makabantay e," tawa niya pa.
"Hindi kasi siya taga-rito. Tsaka malaki ang utang na loob ko sa kanya kaya ayokong mapahamak siya sa inyo." sagot ko in tagalog para hindi maintindihan ni Torn ang pinag-uusapan namin. Naging busy na rin siya sa katabi niyang si Dan. May pinapanood silang video sa phone ni Dan. Soccer game yata. Hays, addict!
"Sa'min talaga," tawa ni Lui. "Anong utang na loob ba 'yan? Share naman classmate."
Napasulyap ako kay Third na agad na umiwas ng tingin kaya napalunok ako. Is he hurting? Bakit nakokonsensya ako? Buti nga 'yun na iwasan niya na ako para hindi na siya magsayang ng pagod at oras sa'kin. Simula kasi ng pagtripan niya ako, hindi na siya nagkagirlfriend. Wala akong pake kung totoong gusto niya ako o hindi. Mas mahihirapan lang siya kapag naging kami kasi hindi ko pa feel magcommit. At mapapahamak lang siya sa'kin. Baka madamay pa siya sa mga death threats sa'kin.
"CR lang ako," mahinang sabi ko at agad na tumayo.
"Feel at home, Lemon!" sigaw ni Lui pero hindi ko na lang siya inintindi. Lasing lang siya. Ang ingay nila kapag nalalasing. 'Yung isa nilang kasama, umiiyak na kasi kakabreak lang pala sa jowa. Bakit hindi nila iyon aluin? Puro sila soccer.
"Lemon!" ani Torn na bigla na lang hinawakan ang braso ko. Nakalabas na kami sa ballroom kaya hindi na matao rito. Tahimik na rin. "You wanna leave?" he asked.
Ngumiti ako at umiling. "I just want to use the restroom," sagot ko kaya binitawan niya na ako. "Don't mind me. I'm okay. Just enjoy the night with them."
"You can't hide from me, Lemon. I saw you how you stared to Third's twin," seryosong sabi niya kaya nawala na iyong mga ngiti sa mukha ko. Huminga ako nang malalim at tumango. Nagsimula akong maglakad nang mabagal at sumunod naman si Torn sa'kin.
"But we can't be together. I don't like Third but I don't want to murder his heart using his brother," kalmadong sagot ko.
"I understand. But why didn't you gave him a chance?" he asked. Bahagya akong natawa at napatingin sa kanya. "Okay, I'm sorry. I asked them about you and Third. And they knew who I am so don't worry. They know that I'll be leaving soon." alam naman na pala nina Lui, nagtanong pa sila kung ano ko si Torn. Iniisip ba nila na magsisinungaling akong may something sa'min ni Torn para saktan pa lalo si Third? Tama na 'yung usapan namin. Iiwasan niya na ako at mukhang ginagawa niya naman na. Hindi niya na ako kinausap kanina. "Aside from you like his brother, why didn't you gave him a chance?" tanong pa ni Torn kasi hindi ako sumagot.
Huminga ako nang malalim at naupo sa upuang nandito sa tapat ng piano. Tinapik ko ang tabi ko para maupo si Torn at sumunod naman siya. Nasa kaliwa ko lang siya, pareho kaming nakatingin sa malayo. Malaki ang bahay nina Lui kaya nakakatakot dito mag-isa kasi baka maligaw ako. Hindi ako pamilyar sa lugar e.
"I'm not yet ready to commit. I have a lot of plans. He's not part of it. No one is part of it. And I don't want someone to be part of it," kalmadong sabi ko at pareho na kaming natahimik hanggang sa nakita namin si Fourth na naglalakad palabas ng ballroom kasama si Ysa. Pareho silang nakangiti at mukhang busy sila sa isa't-isa kaya hindi nila kami napansin dito. Lumabas sila ng bahay kaya napabuntong-hininga na naman ako. Tinapik ako ni Torn sa balikat kaya pareho kaming natawa.
"I just like him. I don't love him yet," sambit ko.
"I know. You'll be okay, soon." ngumiti siya at tumango naman ako.
"Let's have us a drink. Wait," aniya kaya tumango na lang ako at umalis na naman siya. Ang boring naman. Parang ang lungkot ng araw na 'to bigla. Inaantok na ako kasi lumalalim na ang gabi. Umikot ako ng upo at humarap sa piano. Sabi ni Lui, feel at home daw kaya binuksan ko ang takip ng piano at nagsimulang tumugtog ng Can You Feel The Love Tonight para magkaroon ng buhay ang paligid ko.
Hindi pa ako nagtatagal sa pagtugtog nang may tumabi sa bandang kanan ko. Ang bilis naman ni Torn? Pero hindi ko muna siya inintindi kasi nag-eenjoy pa ako sa music. Narerelax talaga ako pero hindi ko maiwasang maluha kasi... I can't feel the love tonight.
Nang matapos, saka ako pumikit at huminga nang malalim. Nagpunas din ako ng luha.
"Ang galing mo pala," ani Fourth kaya gulat akong napalingon sa kanya. Muntik pa akong mahulog sa kinauupuan ko pero nahawakan niya kaagad ang bewang ko at hinila palapit sa kanya para hindi ako mahulog. "Bakit?" pagtataka niya.
Nanlalaki ang mga mata ko dahil akala ko, siya si Torn. Si Fourth pala. Shemay! Tahimik ang paligid namin kaya natatakot ako na baka naririnig niya ang heartbeat ko. Nagulat talaga ako sa kanya e. Tapos iyong pagkakahawak niya pa sa bewang ko plus the distance between us. And the way he stared on my eyes.
Tumikhim ako kaya dahan-dahan niya na akong binitawan. Mabilis akong umiwas ng tingin sa kanya. Ang awkward naman. Amoy alak pa siya. "Nasaan na 'yung kasama mo kanina rito?" tanong niya kaya nabasag ang katahimikan.
"Si Torn?" I asked at tumango naman siya. Akala ko, hindi niya kami napansin kanina kasi busy siya with Ysa. "Bumalik sa loob," sagot ko. Para kaming ewan na nakaupo habang nakaharap sa piano, hindi naman tumutugtog. "I thought you already left. I saw you with Ysa kanina e," sabi ko pa.
Napangiti siya. "Hinatid ko lang palabas. Sabay kami ni Third uuwi," aniya kaya bahagya akong napatango. "Nagpapakalasing kasi. Baka hindi makaabot sa bahay." bahagya siyang natawa kaya pinilit kong matawa kahit wala namang nakakatawa. Kasalanan ko kung bakit niya 'yun ginagawa ngayon. "Ano bang ginawa mo sa kanya at nagkakaganun siya sa'yo?"
"Sorry..." sambit ko. Sinisisi niya na ba ako? Please Fourth, huwag. Masakit. "He'll forgot about me din soon," dagdag ko.
"I hope so too. Let's just help him to move on," mahinang tugon niya kaya napatingin ako sa kanya. "Huwag ka nang magpapakita sa kanya. Huwag na rin tayong magpansinan para hindi siya maghinanakit," sabi niya pa at doon na ako natahimik habang nakatulala sa mga mata niya. Bakit ganun? Naiiyak ako. Pigilan mo, Lemon! Baka makahalata siya.
Pero traydor ang mga luha ko e. Bumagsak na lang sila bigla kaya bahagya akong natawa habang nagtataka si Fourth. "Sorry, nabigla lang." agad kong pinunasan ang mga luha ko at muli siyang tiningnan. "Tutal puputulin na rin naman na natin ang ugnayan natin, aaminin ko na kung bakit nilalayuan ko siya." lumunok ako at huminga nang malalim. "I like you, Fourth." nagulat siya sa sinabi ko. Nakatitig lang siya sa mga mata ko. "Pero hanggang doon lang. I don't have a plan to commit with you. I don't want to hurt Third even more. So yea, let's cut our connections here," nakangiting paliwanag ko para hindi mahalatang nasasaktan ako. Tumayo na ako at mabilis na lumabas ng bahay. Sa kakalakad ko, nakarating ako sa poolside. Naupo ako sa damuhan habang nakatingin sa pool. Walang katao-tao rito, tahimik at malamig ang paligid. I need this to calm down kasi naluluha pa rin ako. Akala ko, nahihirapan na ako dahil sa ginawa ko kay Third. Mas mahihirapan pa pala ako dahil sa gagawin sa'kin ni Fourth. But it's okay though. We're both doing this for Third.
"Drink?"
Napatingala ako at natawa nang kaunti nang makita ko si Third na inaabutan ako ng isang bote ng alak. I dunno what's this kasi hindi naman ako umiinom. But I guess, I need this. Kinuha ko ito at tiningnan muna. Naupo sa kanan ko si Third. Hindi pa siya ganun kalasing. Tipsy lang. Ang lakas niya naman sa alak?
"Wala ka palang isang salita. Akala ko ba iiwasan mo na ako?" natatawang tanong ko. "Baka may pampatulog 'to ha," dagdag ko.
Natawa siya at ininuman iyong boteng hawak ko at binalik din ulit sa'kin. "Grabeng trust issue," naiinis pero natatawang sabi niya. "Hindi ako ganun kagago," tawa niya. "May gusto lang akong linawin sa'yo."
"What's that ba?" uminom na ako at napangiwi dahil sa pait. Shems! Baka naman malasing ako dito?
"Kung gusto mo siya, wala namang problema sa'kin," aniya dahilan para kabahan ako. Sinong siya? Si Torn?
"You know naman na I don't like him and he's leaving din soo---"
"Si Fourth..."
Naghari ang katahimikan sa paligid namin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. So alam niya na pala.
"Narinig ko kayo kanina. Thank you for thinking about me. I appreciate it, Lemon. But I want you to be happy as well so---"
"Shut up!" pagpigil ko agad sa kanya. Naiiyak na ako e. Ayoko ng drama! Lalo niya lang akong pinapahirapan. "You heard naman na I'm not ready to commit pa nga. How many times do I have to tell you that?" nakakainis na kasi. Paulit-ulit na lang ako sa commitment na 'yan.
"Baka kasi takot ka lang," bulong niya.
Hindi ako agad nakasagot. Totoo naman kasi siya. Takot akong mandamay ng ibang tao. Masyado pang complicated ang buhay ko at ayokong manghatak ng iba para idamay. "Maybe yes. But this is not the right time to tell you why. Let's just... forget each other."
"I'll try though," he muttered. He stood up so I look at him while he's looking at me too. "Be happy, Lemon. Just... be happy." ngumiti siya kaya bahagya akong tumango. Nagsimula na siyang maglakad papalayo sa'kin. Huminga ako nang malalim kasi ang bigat sa pakiramdam. Ang bigat nung mga mata niya. Ang daming tinatago. Bakit hindi niya pa sabihin sa'kin lahat para mailabas niya na? Para hindi niya kinikimkim? Sisihin niya na lang kasi ako hindi iyong kaligayahan ko pa ang inuuna niya. Ang gago niya talaga!
"Pakayabang. Feeling mo kaya mo na lahat?" inis na bulong ko habang nakatingin sa boteng binigay niya sa'kin. Mabilis ko itong tinungga at nang maubos ko ay napahilata na lang ako sa damuhan. Bigla akong nahilo. Umiikot ang mga puno at langit sa harapan ko. Gosh! "Toooornnn!" sigaw ko pero parang walang nakakarinig sa'kin. Sigaw ako nang sigaw hanggang sa dumating na siya.
"Lemon, what are you doing here?" mabilis niya akong tinulungan makatayo. Umakbay ako sa kanya at hawak niya ako sa kabilang bewang habang tinutulungan maglakad papasok ng bahay.
"I feel dizzy," I said. Nakita ko si Lui pagkapasok namin at may kasama siyang ibang babae. Mukhang hindi pa sila lasing ah.
"What happened to Lemon, 'Tol?" gulat na tanong ni Lui. Maka'Tol naman 'to, akala mo, ang tagal na nilang magkakilala ni Torn. Hays!
"She's drunk! And dizzy..." nakangiwing sabi ni Torn habang nakatingin sa'kin kaya bahagya akong natawa at hinampas ang mukha niya na kinagulat nila. "Why?" he asked.
"Baby mo mukha mo," I muttered na mas kinakunot ng mga noo nila.
"She's really drunk. We have a guest room here. She can use that." tinuro ni Lui iyong second floor pero agad akong umiling.
"Noooo! I wanna go home!" inis na sabi ko. Baka kung sino pang lumapit sa'kin dun. Natatakot na ako sa kambal na 'yun. Puro sakit na lang nakukuha ko! Aalisin ko na sana ang pagkakaakbay ko kay Torn kasi uuwi na ako pero hinila niya ako bigla palapit sa kanya dahilan para makabunggo ako sa kanya. Pucha, sakit sa ilong.
"Ah yea, Kuya Leo's waiting outside," aniya sabay buhat sa'kin. Grabe, anong tingin niya sa'kin? Papel? Ganun ba ako kagaan?
Mabilis kaming lumabas ng bahay at pinasok niya na ako sa van. Nagtanong pa si Kuya Leo kung anong nangyari sa'kin. "Syempre, nalasing. Alangan namang nakipagsuntukan. Kuya Leo talaga," natatawang sabi ko sabay higa sa upuan. Napakamot na lang si Torn sa batok niya. Pati si Kuya Leo, napapailing.
Hindi ko na alam kung anong sunod na nangyari kasi nakatulog na ako. Nagising na lang ako nang gisingin ako ni Kuya Leo. Nandito pa rin ako sa van at katabi ni Kuya si Torn na may hawak na kape. "Magkape ka muna. Lagot ako nito sa Mama mo e," ani Kuya Leo. Napahawak ako sa noo ko at dahan-dahang naupo. Nasa tapat kami ng isang coffe shop. Tiningnan ko ang relo ko, 11pm pa lang. Akala ko, mag-uumaga na. Ang daming nangyari e.
Kinuha ko ang kapeng inaabot sa'kin ni Torn, "Thank you." humigop muna ako ng kaunti kaya nainitan na ang tiyan ko pati lalamunan ko. Gosh, ganun pala ang nalalasing. Parang nalutang. Nagkakape rin sina Torn at Kuya Leo. Pampakaba lalo. "Torn," tawag ko sa kanya kaya nilingon niya ako rito sa likod. "We'll drive you home now. Your Mom might be worried now."
"I already texted her that I'll be late. Don't worry about me. Think about yourself first." seryosong sabi niya kaya napangiti ako. Nag-iibang tao talaga siya kapag nagiging seryoso. I didn't know na isang stranger pa ang mag-aasikaso sa'kin sa first lasing moment ko. Hay naku naman, Lemon. Buti hindi siya masamang tao. Kung oo, patay na ako ngayon. Don't do this again, girl!
Medyo nawala naman na ang tama ko nang makainom ako ng kape na mapait kaya hinatid na namin ni Kuya Leo si Torn bago kami umuwi kasi hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa taong 'yun. He was my responsibility that time so I have to be responsible.
"What was that game again?" tanong ni Mama sa'kin kaya napatingin ako sa kanya. Umaga na at kasabay ko sila ni Papa ngayon kumain. Mamayang hapon pa kasi ang shift ni Papa sa ospital. Si Mama naman, may meeting this 8am so nakabihis na siya.
"Soccer po," sagot ko kaya bahagya siyang napatango. Inaantok pa ako.
"You're about to graduate. What's your plan after graduation?" Papa asked.
"Small celebration po muna," ngumiti ako kaya bahagya siyang natawa.
"May pinagmanahan," ani Papa habang nakatingin kay Mama.
Napairap si Mama at tiningnan ako. "Seriously, Lemon. After board exam, you want to work already or take your post grad course?"
Napaisip ako. Wala pa kasi sa plano ko. Katatapos lang ng exams and all tapos ito agad? Hindi pa nga relax ang utak ko dahil sa mga nangyari kagabi.
Teka lang! Nangangamoy fried fish. Ang sarap. Naghanap ako sa mesa at meron pala sa tapat ko. Puro itlog kasi ang nakikita ko. Sarap kaya. "Gonna take law po, 'Ma," sabi ko sabay kain ng fried tilapia. Huhu nagutom ako bigla. Bibihira lang ako makatikim nito sa bahay. Ewan ko ba kung bakit.
"You have to start reviewing now for Philsat," tugon ni Mama kaya napatingin ako sa kanya.
"You don't like med?" tanong ni Papa kaya umiling ako kasi may laman pa ang bibig ko. Ang hirap kalabanin ng mga kalaban ko kung scalpel ang hawak ko. Ako pa ang makukulong.
"I'll give you your reviewer later," tugon ni Mama.
"Pero mas okay po kung makapagfocus muna ako sa thesis, OJT and board exam." baka kasi hindi ako makagraduate kakaisip ko ng philsat. Excited much naman si Mama. Napatango na lang siya at huminga nang malalim.
"Tell us if something strange happening on you, Lemon. We don't like guessing games," ani Mama. But that's your job, 'Ma. Charot. They're using facts as basis. They don't just guess everything.
"Yes po," sagot ko.
"Stay safe, Lemon." tugon ni Papa kaya bahagya lang akong tumango.
Sorry if I have to lie and to hide everything. I just want you guys not to worry about me because I can still handle everything. Just do your job and I will take care of myself too. Ayong makonsensya sila habang tumutulong sa mga tao. People need them. Hindi lang ako ang responsibility nila.
Nagpunta na ako sa k'warto ko para mag-basa-basa ng law books na pinahiram sa'kin ni Mama. Bakasyon naman daw. Ito na muna ang pampalipas oras ko sa bahay. Ang boring naman kasi sa bahay.
From: Misty
"You will be completely forgotten... soon."Kumunot ang noo ko nang mabasa ko ang text niya. Anong hugot na naman 'to? Break na ba sila? Gosh!
To: Misty
What happened ba?From: Jack
Anyare kay Misty? Nagsend din ba sa'yo?To: Jack
Yea. Puntahan natin?From: Jack
Nasa Preso shop raw siya. Coffee shop 'yun malapit sa Presello hotel.To: Jack
I'll be there ASAPMabilis akong nagbihis. Simple clothes lang, kung ano ang nakuha mo sa wardrobe ko. The usual flat sandal like Torn's, loose maong pants and fitted shirt na nakatuck in sa pants ko. Agad kong tinali ang buhok ko, konting pulbos then boom! Paalis na ako. Nagpunta pa ako sa office ni Papa na nandito sa bahay para magpaalam na aalis muna ako. May problema ang isang kaibigan, I said.
Nagcommute lang ako at hindi pa isang oras ay nasa coffee shop na ako malapit sa Presello hotel kung saan nakacheck in si Torn. Pagkarating ko, nakita ko sina Jack, Misty at Trina na nakatulala lang sa table kaharap ang inorder nila. They look serious and weird. Naupo ako sa tabi ni Trina kasi doon lang may vacant seat. Magkatabi si Jack and Misty.
"So what happened ba, Misty?" I asked agad.
May kinalikot sa phone si Misty at pinakita ito sa'kin.
Tweet from @detres
You will be completely forgotten... soon.Tumaas ang kilay ko at bago pa ako makapagsalita, nauna na sila. "What happened ba, Lemon?" the asked.
"What!?" gulat na tanong ko habang masama ang tingin sa kanila at mas masama kay Misty. "I thought it was yours! Nagmadali pa naman akong pumunta rito!" tiningnan ko si Trina. "Nakisali ka pa,"
"Pinilit nila ako. Kinuha nila cellphone ko," sagot niya. Kaya pala siya lang ang hindi nagtext sa'kin. Gosh! Napatingin ako sa relo ko at quarter to nine na pala. Ang aga nila mantrip ha!
"So what happened nga?" tanong pa ni Jack.
"I dunno? Pakialam ko ba kay Third?" inis na tanong ko.
"Oo nga, ano nga bang pake niya dun? Kay Fourth lang naman siya may pake," pagtataray ni Misty. Si Trina naman ay nakacross arms lang habang nakasandal sa upuan niya at pinakikinggan kami. "Tingnan mo 'to," sabi pa ni Misty at may pinakita sa'king post from I*. Picture ni Third na lasing na lasing. At ang caption, 'kakalimutan na raw pero panay hanap ng lemon sa bar'
"Gaga?" tanong ko sa kanila habang nakakunot-noo. Nang tingnan ko sila, nakatingin lang sila sa'kin habang nakataas ang isang kilay. "Pati ikaw?" tanong ko kay Trina at tumango naman siya. Napasapo ako sa noo. "Oo na, it was his fault din naman. When we talked yesterday, he told me about the game that you didn't watched. He said na kapag talo sila, titigilan niya na ako then kapag nanalo, makikipagdate ako sa kanya. You know na what happened. Natalo sila," nakangising k'wento ko. Tinatago ko na lang sa ngising 'to ang totoo para hindi nila mahalatang naaapektuhan din naman ako sa mga nangyayari. Dito siguro ako magaling, sa pagpapanggap.
"So enough na talaga? P'wede ka na lumandi kay Fourth?" hindi siguradong tanong ni Jack kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"You think na ganun ako kasama?" inis na sabi ko. Nakakainis kasi na pinapunta nila ako rito nang biglaan. Hindi man lang nila ako pinainom kahit tubig man lang. "I told you, I'm not ready to commit. Mama gave me a lot of readings already for the Philsat and I'm taking law after board exam."
Napaawang ang bibig nila. "Boriiiiing!" sabay-sabay nilang sabi except Trina.
"Puro aral ka na lang ba?" Misty asked.
"Hayaan niyo siya. Pagkatapos niyan, human rights naman ang ipaglalaban niya," ani Trina kaya napangiti ako at tinapik siya sa balikat.
"I love you talaga," I told her kaya napasimangot siya. "And besides, Fourth told me to cut our connections if I want Third to forget about me. So hindi na kami magpapansinan next year, " paliwanag ko kaya napabusangot sila.
"Ang dami namang ganap kahapon," ani Misty.
"Paano natalo sina Third?" tanong ni Trina. "'Di ba, ang galing niya sa soccer?"
"May nakuha raw na magaling na player sina Lui," ani Misty kaya pasimple akong nakiinom ng kape niya. Nauuhaw talaga ako.
"Kung ako ang kinuha nila, talo talaga sila. Sino ba 'yung guy?" tanong ni Jack habang nakatingin sa phone ni Misty. May hinahanap sila dun e.
"Order lang ako. Bitin e," sabi ko sabay pakita ng baso ni Misty na wala nang laman. Napaawang ang bibig niya at nanlaki ang mga mata kaya tumayo na ako at mabilis na nagpunta sa counter habang tumatawa. Tinatawag niya pa ako at palitan ko raw ang kape niya.
Nang bumalik ako sa table namin, pinagpipyestahan na nila ang picture nina Torn kasama ang team ni Third at Lui. "What's that?" I asked.
"Ito pala 'yung tumulong sa'yo e. Nakita mo silang naglaro?" tanong ni Misty habang pinapakita sa'kin ang picture nina Torn na nasa ballroom ni Lui. Hindi pa sila lasing nito. Ang sasaya pa ng mukha e. Maliliit ang itsura so medyo malabo din ang mukha nila. Basta nakangiti sila.
"No," sabi ko at saka sumandal sa upuan.
"Oo nga pala, tinakasan mo kami," bulong ni Jack kaya napangisi ako. Akala mo lang 'yun.
"Magthank you ka rito. Saviour mo pala e. Siya lang daw ang nakagoal sa team ni Lui." ani Misty.
"Ang g'wapo 'no? Ano kayang pangalan? Tanungin na lang natin si Lui," sabi ni Jack. Pasimple kong kinuha ang cellphone ko at tinext si Lui na huwag sabihin kahit kanino na kilala ko si Torn o kilala ako ni Torn. "Tagal magreply. Baka may hang over pa," dagdag niya kaya natawa ako nang bahagya. Ginagamit niya ang phone ni Misty.
"Hindi mo talaga kilala?" tanong ni Misty kaya umiling ako.
"Parang hindi taga-school natin," sabi ni Trina.
"Oo nga e. Bakit hindi siya sumali sa soccer team?" tanong ni Misty sabay tingin sa phone. Napasimangot siya at ganun din si Jack. "Ayaw sabihin. Invading of privacy raw."
Natawa ako nang bahagya. "Anong alam nila sa privacy?" kung makapaginvade sila ng privacy ko, wagas e. Pero at least, natutunan nila iyon sa ganitong pagkakataon. Akala ko, ipapahamak ako ni Lui. Siguro alam niya naman kung gaano kamesirable ng nangyari kagabi sa bahay niya. Tsaka kaibigan niya rin si Third so ayaw niya rin na pinag-uusapan ang kaibigan niya.
Napaupo ako ng tuwid nang makita ko si Torn na naglalakad sa labas at mukhang papunta siya sa foodpark. Malapit na pala mag-9am. Pero wala naman kaming usapan ngayon ah. "Sandali lang, I'll call papa. Hindi pala ako nakapagpaalam," mabilis na sabi ko habang nagpapanggap na nagtitipa ng number sa cellphone. Mabilis akong lumabas ng shop at nagtago. Dumaan ako sa kabilang pedestrian lane para makatawid papunta sa foodpark. Sa exit na ako dumaan kasi kung sa entrance, makikita ako nina Trina.
"Torn!" I saw him sitting on the mini-stage. Tumakbo ako palapit sa kanya.
"Hi," bati niya. Ngumit ako at tumabi sa kanya. "How are you?"
"I'm okay. I thought we didn't talk for today's tutorial?"
"I just want a silent place and fresh air," aniya habang nakangiti kaya napangiti rin ako.
"Am I disturbing you?" stupid, Lemon? You think that he'll say yes to offend you?
"No," he said as I expected.
"I'll be leaving after but I want to thank you first because of what you did yesterday. We need to do that so that Third and I can be able to focus on our own career in the future," paliwanag ko.
"I know. Letting go is part of loving." ngumiti siya at tumingin sa malayo. Naniningkit siya ngayon kasi nasisilaw sa langit. Ang liwanag kasi. "Sometimes, we have to let go of something... to get something. We can't have everything. In order to forget, we have to let go first."
"Did you already fell in love?" tanong ko. Para kasing ang dami niyang pinanghuhugutan ngayon. Ganito siguro siya kapag may hang over. Pero kaunti lang naman ang ininom niya kahapon. Hindi nga siya nalasing.
"No," sagot niya sabay tingin sa'kin. "Letting go is not just for romantic love. Sometimes, we can use it to our dreams."
"So you already let go of your dreams just to get something?"
Ngumiti siya at nagkibit-balikat. Lalong pumupungay ang mga mata niya ngayon. Mahaba rin pala ang pilik mata niya. "Not my dreams. But I don't regret anything because what I did is for my Mom. I love her and I will do everything just to make her happy,"
Gusto ko sanang itanong kung nasaan ang Dad niya pero mukhang masyado na iyon personal. Baka lumampas na ako sa boundary namin. "She's so lucky."
Napangiti siya at ginulo ang buhok ko dahilan para ako naman ang mapasimangot. "Anyway, I didn't helped you just for nothing. You have to do something," he laughed
Kumunot ang noo ko at sakto namang nagtext si Jack. Hinahanap na nila ako. Kailangan ko na silang balikan. "What should I do?" I asked.
Ngumisi siya at kinabahan naman ako. "I'll tell you on Friday night," he smirked.
Last day na nila sa Friday dito sa Pilipinas. Ano bang ipapagawa niya at kinabahan ako bigla?
To be continued...
"Hindi nagriring ang phone ni Misty. Parang naka-off," nag-aalalang sabi ni Jack sa'kin at kausap ko siya sa phone. Parang kahapon lang, pinag-uusapan namin ang tungkol sa mga post ni Third tapos patawa-tawa pa siya then ngayon, hindi na namin siya mahagilap. Tumawag sa'min ang Mom ni Misty kanina lang at sabi niya, bigla na lang daw umalis si Misty, umiiyak. Baka raw puntahan kami. Sabi nila, tawagan namin sila kapag nakita namin. "Saan natin siya hahanapin?" nag-aalalang tanong ko. Ayaw na rin namin tawagan pa si Trina kasi pauwi na siya sa province nila. Baka icancel niya pa. "I dunno. Tinawagan ko ang jowa niya, hindi rin daw alam. Hinahanap niya na." nagpapanic na si Jack at ganun din ako. Ano ba kasing pinanggagagawa ng batang 'yun? Nandito ako ngayon sa foodpark at kasama ko si Torn kanina kasi continuation ng tutorial namin. Umalis siya saglit kasi bibili raw siya ng iced coffee namin kaya ngayon ko lang nakita ang missed calls ni Jack. Kinabahan ako
"Can't sleep?" rinig kong tanong ni Third kaya napalingon ako sa kanya. Ngumiti siya at saka tumabi sa'kin. Nandito kami sa gilid ng pool, nakaupo sa damuhan at 2am na rin. Hindi ako makatulog kasi napapanaginipan ko na naman iyong babaeng sumisigaw ng katarungan. Parang false accusation. Kaya kinuha ko na lang ang gitara ko at tumambay dito sa labas. Nakakarelax ang kalangitan. "Ikaw rin?" tanong ko. "Yea..." Silence. Gustong-gusto ko talaga kapag ganitong tahimik. Finally, peace of mind. Kahit katabi ko si Third, hindi naman nakakaramdam ng awkwardness. Maybe because he needs this silence too. I started to pluck but I didn't sing. I just let the music enveloped us under this starry night. "Finally..." sambit ni Third kaya natigil ako at napatingin sa kanya. He laughed a little. "Finally... got the chance to listen to your music," he said in a low voice. Tumaas ang kilay ko. "You heard me already playing piano, Eleazar Dela Sierra de
"'Ma, I have something to tell you po." huminga ako nang malalim. I am talking with her on the phone. "Third is now my boyfriend po." pumikit ako nang mariin kasi baka magalit siya. All she wants for me is to focus on my studies. But she knows Third. He's not a distraction and a bad influence. "Finally," bumuntong-hininga siya kaya napangiti ako. "After this pandemic, I wanna meet him at home. And Lemon, sex is allowed but use protection---" "'Ma!" inis na sabi ko kaya natawa na lang siya. Botong-boto talaga siya kay Third kasi nakikitang mahal na mahal ako nito. Pero hindi ko sinasabi kay Third na gustong-gusto siya ni Mama kasi baka magyabang na naman. "Anyway, tell us if you need anything, okay? Or if you have any problem." Mama asked so I nodded kahit hindi niya naman ako nakikita. "Lemon, I'm warning you. I want you to be honest with me." "Yes, 'Ma. Tell Papa to take care of himself too. I don't want that millions of peso so tell him to stay aliv
"Ouch!" sambit ko at napahawak ako sa kanang balikat ko kasi parang may bumato rito. Nangingilo ang buto ko. Shems! And my whole body is aching."Nanang, nabuhay ang Binibining Liwan! Nanang, buhay ang Binibining Liwan!" sigaw ng boses bata. I opened my eyes but I barely see my sorroundings because, I guess, it's already in the evening. Nang makaupo ako, nagulat na lang ako nang may mga tao na sa harapan ko at medyo maliwanag na rin dahil sa gaserang hawak ng isang babaeng tingin ko ay nasa 20s na rin. May kasama siyang matandang puti na ang buhok at isang batang babae."Buhay ka nga," sabi nung matanda na halos maubusan na ng hangin sa katawan. Napahawak siya sa dibdib habang nakatingin sa'kin at agad siyang inalalayan nung babaeng nasa 20s. Lahat sila, nakatraditional dress. Pati ako, ganun din ang soot ko. Medyo bago nga lang tingnan ang soot ko."Nanang, malapit na sila," nag-aalala at humahangos na sabi ng lalaking bagong dating."Nanang, kailangan n
Oras ng siesta at hindi pa naman ako kailangan ni Lino kaya niyaya muna ako ni Berto magpunta sa market para raw bumili ng ilang kakailanganin nila. Para na rin akong nakahanap ng kaibigan sa katauhan ni Berto. Magka-height lang kami tapos ang daldal niya rin kaya nagkakasundo kami."Kaya matagal na kaming magkaibigan. Sana'y hindi lang din katrabaho ang tingin mo sa'min. Ituring mo kaming kaibigan na rin para maging magaan ang buhay," nakangiting sabi ni Berto habang tumitingin ng gunting. Matagal na pala kasing nagtatrabaho si Berto kina Lino, bata pa lang daw sila. Nagkahiwalay lang sila nang mag-aral ng medisina si Lino sa Europa at nang bumalik, nagtrabaho ito ng ilang buwan sa Maynila hanggang sa napagdesisyunan nitong magtungo rito dahil nakausap nila doon ang dating alcalde mayor ng bayang 'to. Wala ritong doktor kaya naisip nilang maglakbay papunta rito. Ninong ni Lino ang dating alcalde mayor kung kaya't imbis daw na pabantayan ang bahay sa ibang tao, pinahiram na l
"Pakiramdam ko, may problema talaga siya," sabi ko kay Berto at nandito kami sa kwadra. Kararating lang namin sa bahay from bahay nina Lola Juana at pinakakain ni Berto iyong dalawang kabayo."Kulang lamang si Lino sa tulog," ani Berto habang nagbibigay ng damo sa kabayo. "Pagpasensyahan mo na. Isa pa, sumunod ka na lang sa mga inuutos niya. Kapakanan lang naman natin ang iniisip niya. Huwag mo ring kalabanin ang mga Prayle. Hindi mo yata alam ang pinapasok mo," naiiling na sabi niya at mukhang siya naman ang hindi natutuwa sa ginawa ko. Akala ko pa naman, magugustuhan niya ang pagtatanggol ko sa mga Pilipino kasi iyon naman talaga ang dapat naming gawin."Hindi ko kasi talaga nagustuhan ang nakita ko. Nakakapang-init ng dugo," inis na sabi ko habang nakakunot ang noo. I breathe deeply and tried to calm down myself. "Anyway, puntahan ko lang siya. Baka magalit na naman," sabi ko at mabilis na umalis sa kulungan ng mga kabayo. Malaki talaga ang bahay na ito. Buti na lan
Kinaumagahan ay sinabihan ako ni Lino na mag-ayos kasi nagpadala ng imbitasyon kahapon ang Alcalde Mayor. Birthday pala nito. Sasama ako kasi for sure na wala doon si Padre Roque kasi nagpapahinga siya. Sa wakas, makakapag-party na rin ako. Before lunch ay nag-aayos na kami. Magpapamisa muna raw kasi sa simbahan at doon kami didiretso para makilala agad namin ang Alcalde Mayor. Kung sa bahay kasi nila, for sure marami ng bisita roon kaya mahihirapan kaming makausap siya. Hay! I just want to make myself as busy as fuck just to avoid loneliness and sadness. I miss my family, my friends and my boyfriend so much. How long should I suffer from this kind of life just to make them safe? Bakit kasi ginagamit ako ng mga kalaban ni Mama? Ang duduwag naman nila. "Buenas dias, Señor Manuel Valencia," bati ni Lino sa lalaking matangkad, mataba ang tiyan, maputi, bilugan ang mga mata, manipis ang kilay pero nakikita ko pa naman, matangos din ang ilong at double chin na siya. Nakakaintimid
"Ayos ka lang?" tanong ni Agustino na nandito na pala sa tapat ko. Napansin niya yatang hindi maganda ang timpla ng mukha ko."Oo. Hinihintay ko lang matapos si Berto tapos aalis na rin kami," nakangiting sabi ko sa kanya.Napangiti siya at bahagyang tumango. "Masaya ako na may kaibigan na kaming hindi mapanghusga," aniya kaya bahagya akong natawa. Was he reffering about Miranda being an activist?"Basta kung anong plano niyo, sama ako," natatawang biro ko na para kaming bubuo ng rebelyon dito."Sige, babalitaan kita," tawa niya naman sabay tapik sa balikat ko then bigla naming narinig na tumikhim si Lino at ang seryoso niya na naman. Parang kanina lang, ang saya niya with Miranda ah!"Magpapaalam na kami," ani Lino kaya ngumiti at tumango lang si Agustino sabay tingin sa'kin."Mag-iingat kayo," ani Agustino.Ngumiti ako at tumango. "Salamat sa masayang selebrasyon.""Hali ka na, Mon," seryosong sabi ni Lino at naglakad na pala
"Sino kaya iyon?" bulong ni Agustino sa sarili niya. Natawa ako nang palihim at tiningnan ko si Berto na tahimik. Mukhang siya lang ang may alam sa matinong panliligaw dito, e. Si Lino? Mukhang hindi marunong. "Berto," tawag ko kaya napatingin na siya sa ‘kin. "Paano ba manligaw sa isang dalagang Filipina?" diretsong tanong ko kaya kumunot ang noo nina Lino at Agustino. Para naman sa kanila ang tanong na 'to kaya makinig sila. Si Lino kasi, kakaiba ang alam niyang panliligaw. Nakakatukso. "May nais ka bang ligawan, Mon?" Miranda asked. "Wala. Mukhang kailangan ng tulong ni Agustino, e," natatawang sabi ko kaya umaliwalas ang mukha nila at nagsimula na kaming magplano maliban kay Lino na mukhang hindi sasama sa ‘min. Nakikinig lang siya, e. Pati tuloy si Miranda, naeexcite sa gagawin namin. Gusto niyang sumama pero sabi ni Agustino, para lang daw ito sa mga binata sabay kindat sa ‘kin. Napa-ehem tuloy si Lino at ang sama na naman ng tingin niya kay Agu
Ilang sandali pang nag-usap-usap dito sa labas ng simbahan sina Lino at pinagtitinginan pa sila ng mga tao hanggang sa dumating si Padre Roque. Kinabahan na naman ako at puro iwas tingin lang ako sa kanya. Kamukha niya lang naman ang Pari ng Salvacion. Hindi siya iyon so I must calm myself but I can't. He's scaring me and Agustino and Berto noticed that."Mabuti pa'y mauna na lamang kami sa karwahe," tugon ni Berto kay Agustino."Sasamahan ko na kayo," ani Agustino pero umiling ako."Hindi na. Baka hanapin ka nila. Kami na lang---" hindi ko na natapos ang sinasabi ko kasi napatingin na rito ang Prayle at lumapit pa siya sa ‘kin. Ramdam kong namumutla na ako. Iba 'yung trauma ni Liwan, pati ako naaapektuhan."Nandito pala ang aking tagapagligtas," nakangiting sabi ni Padre Roque kaya pilit akong ngumiti.Ayokong gumawa ng away rito lalo pa't nakasunod kay Padre Roque sina Lino at family Valencia and family Villaluna."Masyado kayong aba
Kinaumagahan, maaga na naman kaming gumising para makaattend sa paunang misa. Kasama ko mamaya sina Lino, Berto, Señor Magnus at Señor Galicia. Sina Josefa at Maria ay uuwi sa kanila dahil family day naman nila today."Anong nangyari sa iyong labi, Lino?" tanong ni Señor Magnus na katabi ngayon ni Lino at nandito kami sa hapag-kainan.Medyo madilim pa dahil magbubukangliwayway pa lang pero halata na namin ang itsura ng bawat isa. Lalo na si Lino na parang lumuliwanag ang mukha ngayon dahil maaliwalas ito. Mukhang kompleto ang tulog niya kahit alam kong ilang oras na lang ang natitira nung umalis siya sa k'warto ko."Nakagat lamang po, Ama," natatawang sabi ni Lino sabay tingin sa ‘kin nang nakangiti kaya agad akong umiwas ng tingin. Umiinit na naman ang mukha ko. Tsk!"Kamusta pala ang iyong pakiramdam, Mon?" tanong ni Señor Magnus sa ‘kin kaya napatingin naman ako sa kanya. "Kahapon ay nawalan ka ng malay-tao. Hind
Bahagya siyang ngumiti pero may lungkot sa mga mata niya. "Mas nanaisin ko pang matalo kaysa hayaan kang mapahamak."Naalala ko, bago ako mawalan ng malay ay narinig ko pa siyang tinawag ako. Mukhang iniwan niya 'yung kalaban niya para sa ‘kin at ngayon, inaako niya ang kanyang pagkatalo."Ngunit hindi ako naniniwalang ako lamang ang umiibig dito, Liwan."Bigla na namang bumilis ang heartbeat ko at natatakot ako na baka marinig niya ito. Ang tahimik kasi ng paligid maliban sa kuliglig na mukhang tatalunin na ng heartbeat ko."H-hindi ba't sinabi kong huwag kang aasa?" nauutal na sabi ko. Gosh! Bakit ba ako nauutal? At kinakabahan?Napangiti siya at napailing nang mabagal. "Aking napagtanto na hindi mo naman gagawin iyon kung wala kang nararamdaman para sa ‘kin," natatawang sabi niya na kinakunot ng noo ko."Alin?" kinakabahang sabi ko."Nakalimutan mo na ba?""Ang alin nga?" Ayoko sa lahat, 'yung binibitin ako. Batu
Napasinghap ako habang natatawa na may halong pagkainis. "Wow, gagawin niyo pa akong trophy! Bahala kayo sa buhay niyo!" inis na sabi ko sabay lakad nang mabilis palayo sa kanila. I even heard them calling my name so I ran as fast as I could hanggang sa mailigaw ko na sila. Nagtago lang ako sa likod ng isang tindahan na gawa sa bato. Tindahan ito ng magagandang damit at kakaunti ang tao rito kumpara sa ibang tindahan. Mukhang mayayaman lang ang nagpupunta rito. Napahawak ako sa dibdib ko dahil hiningal ako. Hindi talaga physically fit si Liwanag. Kulang siya sa excercise. Kaya hindi siya nakapalag agad sa Prayle na iyon, e. Speaking of Prayle, I saw Padre Roque with his kapwa Prayle at Alpares na naglilibot sa plaza kaya mas minabuti kong magtago lang sa likod ng tindahan habang pinagmamasdan sila. Lahat ng nadadaanan nilang tao, binabati sila. They even bow their head to show respect. How in the hell they can give respect to a trash? "Mon!" rinig kong sambit
Dahil wala rin kaming magawa sa bahay, niyaya na lang ako ni Berto, Maria at Josefa na manood daw kami ng tanghalan sa labas at marami pang palaro. May mga Guardia Personal na rin namang nagbabantay sa bahay na pinadala ni Señor Manuel Valencia lalo pa't maraming tao sa bayan. Baka mapano pa ang kanyang mga kaibigan. Kaso umalis sina Lino nang silang tatlo lang.Mga pasaway.Wala nga silang dalang karwahe at ganun din kami nina Berto. Higit isang kilometro pero hindi bababa sa dalawa ang layo ng bahay ni Señor Galicia sa sentro ng bayan kaya hindi rin kami nahihirapang maglakad lalo pa't mas mahirap maghanap ng kalesa kaysa makakita ng mga taong naglalakad."Doon tayo, Mon! Bilis!" excited na sabi ni Maria at agad akong hinila kaya hinila ko rin si Josefa at hila rin ni Josefa si Berto habang papunta kami malapit sa bulwagan at sa gitna ay may malaking espasyo.Sa espasyong iyon ay may mga nagsasayaw na nakabaro't saya na makukulay. Lively r
"Tila naging maganda na ang iyong pakiramdam, Mon," puna ni Miranda na nilapitan ako rito sa labas ng bahay.Nasa sala sina Señor Manuel, Señor Galicia, Señor Magnus, Señora Rosana at Lino na umiinom ng tea ngayon. Nandun din si Berto at Agustino at kanina, nandun din kami ni Miranda pero nagpasintabi ako na hindi naman nila napansin kasi busy silang lahat. Maliban kay Lino na gusto sanang sumunod kaso pinigilan ako.Magtatanong lang 'yun kung kamusta ako at sinabi ko na sa kanya na gusto ko lang magpahangin sa labas dala itong tea ko."Bakit nandito ka sa labas? Baka hanapin ka dun," sabi ko at bahagyang sinilip sina Lino na nasa loob. I can't hear what they were talking about but based on their looks, seryoso na iyon."Abala sila sa isa't-isa. Hindi nila napansin na umalis ako," natatawang sabi niya habang nakatakip ang panyo sa bibig.One thing I learned during my stay here was, women used to cover their mouth wheneve
Masyadong kakaiba para sa akin lahat ng nangyayari dito pero natutuwa ako kasi nang mapadpad ako sa panahong 'to, naramdaman ko kung gaano kasaya ang maging Pilipino. Fiesta ngayon at sobrang dami ng tao sa paligid. Tapos makukulay pa ang bandiritas na nakasabit sa itaas ng dinadaanan namin. May kaba sa ‘kin na baka isa sa kanila ang nakalaban ni Liwanag pero hindi maikakailang ang saya nilang tingnan.Lahat nakangiti, halos magkakakilala, nagbabatian. Wala kasi silang hawak na gadgets na nakakaagaw ng atensyon nila. Hindi sila mga nakayuko habang may kausap na iba. But of course, cellphones and other gadgets were made for communication purposes naman."Nais mo bang bumaba?" tanong ni Lino sa ‘kin nang makita akong sumisilip sa kurtina ng karwahe. May kurtina na kasi ito para raw hindi makita ang nakasakay sa loob. Which is me. "Maraming magtatanghal mamaya."Napalingon na ako sa kanya at nakangiti siya ngayon habang nakatingin sakin. Naalala ko tulo
Hindi pa ako tuluyang nakakalayo kay Josefa nang mahabol niya kaagad ako."May sasabihin lamang ako sa iyo, Mon," nahihiyang sabi niya na kinakunot ng noo ko. "Napansin ko kasing may hindi tama sa iyong mga kilos bilang isang Binibini.""Ano 'yun?"Ngumiti siya na parang nahihiya. "Marahil ay isa rin sa iyong nakalimutan. Hindi dapat diretsong tumingin ang isang Binibini o Binata sa isa't-isa kung walang namamagitan sa kanila dahil hindi iyon katanggap-tanggap. Hindi tayo maaaring hawakan ng binata kung hindi natin sila asawa. At... iyang mga paa mo, kitang-kita.""Bawal ba 'yun?" natatawang tanong ko. Napakaconservative naman nila."Oo, Mon," tumatangong sagot niya. "Iyon ang natutunan ko kay Señorita Catalina noong ako'y naninilbihan pa sa kanya."Oh no! Naalala ko iyong paghawak ko sa paa ni Catalina noong natapilok siya. LMAO. Kaya pala ganun niya na lang ako paluin ng pamaypay niyang malaki. Gosh! Medyo natawa ako at napailing da