"Talagang dinala mo na ha," natatawang sabi ni Misty nang makita niyang dala ko ang gitara. Naabutan ko silang nandito sa labas ng building namin, nakaupo sa bench. Hindi na rin kami nakauniform kasi wala naman nang klase. May aasikasuhin lang na kaunting requirements then pwede na magbakasyon.
"Of course. Tatambay lang us for the whole day e," natatawang sabi ko. Hindi kasi namin sure kung sisiputin kami ng dean namin. We would like to ask if we can fix our next schedule next sem. Block section kasi kami so magkakaklase pa rin kami next year but we want to fix everything para hindi na kami abutin ng 5 years sa college. Ayaw kasi ni Dean pagsabayin namin ang thesis at OJT kaya ang gusto niya, ihiwalay ito ng sem. And if we do that, kailangan namin ilipat sa 5th year ang OJT. Imimeeting daw kami ni Dean para malaman kung walang conflict sa lahat kasi ang gusto namin, pagsabayin na. Kakayanin naman. Stress nga lang.
"Anong tambay. Hindi natin gagawin 'yun!" pabulong na kontra ni Jack at nagpapanggap na naman siyang straight. Tatanggapin naman namin siya e. Don't mind other people na lang coz they're not important naman. Tatanggapin din siya ng fam niya. "May laro sina Third sa soccer field. Manonood tayo!" nilabas niya ang maliit na banner na may nakalagay na go Thirdy with heart heart pa and nakakadiring stuffs.
"E 'di go! I'm not coming!" I giggled as I get my guitar from its bag then I started to pluck as if nagyayabang ako. See that? Natahimik sila?
"Dalawang araw ka lang nag-aral niyan?" tanong ni Trina kaya ngumiti lang ako at tumango.
"Grabe, bilib na ako sa learning style mo. Paano? Self-study pa yan," bilib na sabi ni Jack kaya napapoker face ako.
"Duh? Hindi naman ako ganun kagaling, Jackson! Someone taught me these past two days," sagot ko. Hindi pa nga ako ganun kagaling. Tuturuan pa ako ni Torn mamayang 3pm so hindi talaga ako p'wedeng manood ng laro ni Third. Sapat na rason na 'yun para hindi isipin nina Jack na nagiging harsh na naman ako kay Third.
"Sino? May music teacher ka pala." puna ni Trina.
"Wala. New found friend lang who volunteered to teach me," nakangiting sabi ko at tumugtog na naman. Puro With a Smile pa lang ang tinutugtog ko kasi ito ang tinuturo sa'kin ni Torn. Next, iba naman. Basta raw makuha ko muna iyong basics. Nagkakasundo kami kasi pareho kaming mahilig sa music at sa pusa. Lol.
"The who? Lalaki ba 'yan?" bulong ni Misty kaya binatukan siya ni Jack. Sumimangot siya at napahawak sa batok niya habang nakatingin ng masama kay Jack. "Tatanong lang e,"
"May jowa ka na kasi. Interesado ka pa sa iba!" pagsusungit ni Jack. Naku, dadatnan yata 'to. Ang sungit ngayon. "Anyway, lalaki ba?" pabulong na tanong sa'kin ni Jack kaya binatukan naman siya ni Misty.
"Ano naman kung lalaki o babae? Ang importante, marunong siya magturo," kalmadong sagot ko habang nakatingin sa gitara.
"Tingin ko, lalaki." sabi ni Trina. "Hindi ka nag-eenglish para hindi hindi namin malaman kung ano ang pronoun niya." napapatawa siya nang kaunti pero hanggang doon lang.
"Tingin ko rin," ani Misty. "Siguro may boyfriend ka na, 'no?"
"Duh, I'm not ready to commit pa nga. Tsaka am I not allowed to have a new friend?" inis na tanong ko. Kung anu-ano pa ang pinagsasasabi nila sa'kin pero agad din iyon nalipat sa mga issue ni Misty. Ang dami niyang issue sa lovelife at pamilya.
Ilang oras kaming naghintay pero hindi pa rin sumipot si Dean. Sabi niya, let's meet at my office later. May maliit na conference room kasi dun.
"Sana, hindi na kami umabot ng 5 years." nagsign of the cross si Jack at saka huminga nang malalim. "Kain na tayo," alok niya. Nakatingin lang kaming tatlo sa kanya kasi ang weird niya. Napailing na lang si Trina. Nandito na kami sa caf para mag-lunch.
"You're going to eat. Just say thank you then eat," sermon ko sa kanya kaya napabusangot siya at pasimpleng tumaas ang isang kilay.
"Pasalamat ka na lang, pinagdadasal ko ang kinabukasan natin," aniya at nagsimula nang kumain. "Tayo rin ang mahihirapan kapag wala tayong ginawa ngayon."
"Wow, ha, coming from you," I laughed. "Speaking of kinabukasan, sino ang President niyo this coming election?"
"Baka si Maria San Juan sa'kin," sagot agad ni Trina. "Mas mabuti kung magreresearch kayo nang maayos sa mga iboboto niyo kasi mga mahihirap ang mas nahihirapan kapag hindi matino ang nasa posisyon."
"Wala namang matino," Misty mumbled pero hindi namin siya inintindi kahit narinig namin siya. "What if hindi ako bumoto?" tanong niya pa.
"Importante bawat boto," seryosong tugon ni Trina. "P'wede nitong mabago ang resulta ng isang eleksyon at karapatan mo rin iyan. Isa pa, responsibilidad mo rin bilang isang Pilipino."
"And we just turned 18. This is our first time to vote. Aren't you guys excited to vote in National election?" I asked. "Tsaka sabi ni Ate Aida, kapag hindi tayo bumoto ngayon, p'wede tayong matanggal sa list of voters so we have to register again. So hassle kaya so let's just vote na lang and be a responsible citizen."
"Oo na. Nagtatanong lang naman. Wala kasing matinong politiko e," reklamo pa ni Misty.
"Siguro dahil hindi matitino ang binoboto natin. At hindi lahat, bumuboto." ani Trina. "At kung hindi tama ang ginagawa nila, narito naman tayo para itama sila. Iyon nga lang, hindi lahat, nakikinig sa'tin. Hindi masyadong napakikinggan ang boses ng maliliit kasi kakaunti ang nagsasalita. Kung maraming boboses, mapakikinggan tayo. Kaya nga inilalaban namin iyong free tuition sa state colleges para magkaroon ng pagkakataon ang mahihirap na makapag-aral."
"Hindi mo na iyon aabutan," puna ko.
"Ayos lang. Basta 'yung ibang estudyante, hindi na mahirapang abutin lahat ng requirements para maging scholar. May iba kasing hindi na nakakatapos pa dahil sa taas ng required grade na dapat abutin. Pressured na sa school, pressured pa dahil sa scholarship. Hindi naman lahat, full scholar."
"Basta ikaw ang Presidente ko," tugon ni Jack sabay taas ng baso for a cheers kaya natawa na lang kami. Kahit si Trina, natawa na lang dahil sa seryoso ng usapan. Ganito talaga siya, maraming ipinaglalaban. Idol ko na nga siya e. Gusto ko rin sumali sa mga organizations na sinasalihan niya like iyong anakbayan pero sabi ni Mama, salihan ko na raw lahat, huwag lang akong magiging aktibista. When I asked her if I can join a sorority, she said no too. Enebe telege, meme!?
Maya-maya pa, dumating ang ilang soccer player at nakadamit panlaro na sila. Ang isa sa kanila ay si Lui, kaklase namin. "Oy Jack, sama ka sa'min mamaya sa laro? Kulang kami ng isa e," aniya kaya napatingin kaming lahat kay Jack. Jack was shocked.
"A-ako? Hindi, ayoko. 'Di ako marunong. Baka matalo kayo. Wala na ba kayong mahanap na iba?" tanong niya kaya muli kaming tumingin kina Lui.
Umiling sila. "Wala e. Ayaw rin ni de Quatro. Busy raw siya."
"Si Fourth?" I asked. Basta talaga about him, kumikinang ang mga mata ko.
"Oo," sagot ni Lui. "Pero nandun si de Tres, kalaban namin. Manood ka raw," natatawang sabi niya kaya napabusangot ako dahilan para matawa na talaga sila. "Huwag na pala. Baka matalo kami. Mabait naman 'yung tao e. Man hater ka lang," pangungutya niya.
"Baka kasi babae ang gusto," sabi nung isang medyo chubby na matangkad.
"Kung tulad mo lang naman ang lalaki, sige sa babae na lang." nakakainis e. Agad akong pinakalma ni Trina.
"Umalis na lang kayo. Hindi sasali si Jack." saway ni Trina. Baka magkaabutan pa kami rito.
"Joke lang 'yun, Lemon. Sorry na." ani Lui at saka sila umalis ng mga kasama niya. Napahinga ako nang malalim at pilit kinalma ang sarili.
Nagtext na rin ang class representative namin at magpunta raw kami sa conference room ni Dean ng 1pm kaya nang mag-1pm ay lahat kami, nandito na. Bawal malate kasi baka magalit si Dean. May ibang wala pero bahala sila. Ang kailangan lang namin ay malaman kung may conflict ba sa subject ng ibang student. Mabait si Dean. Iniisip niya ang kapakanan namin. Pero strict siya kaya nakakatakot. Namamahiya rin siya ng estudyante pero ginagawa niya lang iyon para maging buo ang loob namin. But because of that, hindi niya rin maiiwasang magkaroon ng haters sa school.
Lumabas na kami sa conference room.
"Grabe, ang saya ko. Gagraduate na tayo next year," impit na tili ni Jack habang magkahawak ang mga kamay niya sa tapat ng dibdib. Nang tapikin siya ni Trina, saka siya kumalma. "Tara, nood na tayo," pag-iiba niya ng usapan at mabilis kaming hinila pababa ng building. Mabait talaga 'yun si Dean. Sabi niya, hindi raw siya makatulog nang maayos kakaisip kung ano ang gagawin sa'min. Baka kasi may hindi makagraduate sa'min kapag nagsabay ang thesis at OJT dahil sa pressure. E 'di mas lalong hindi kami nagsasabay grumaduate. Pero kakayanin namin. Walang babagsak! Sabay-sabay kaming magtatapos.
"Ayokong manood!" sabi ko sabay hila ng kamay ko nang makababa na kami sa building.
"But why?" iyak ni Misty.
"May guitar tutorial kami this 3pm. Baka malate na ako." sabi ko pa habang panay tingin sa relo ko.
"Text mo siya na cancel muna." ani Jack.
"I don't have his number and I don't have a plan to get his because he's leaving din soon so babye na muna!" mabilis akong tumalikod para makalayo na sa kanika pero natigilan ako nang makita ko si Third na nagjojogging palapit sa'kin. Mukhang maglalaro nga talaga sila mamaya. Halata ko kung sino si Third at Fourt kahit magkamukha sila. Palangiti kasi si Third. Si Fourth, medyo poker face pero hindi masungit. Nakasalamin din siya.
"Lemon!" sambit ni Third nang makalapit siya sa'kin.
"Hi Third!" bati nina Misty.
"Hi, Jack, Misty, Trina!" kaway ni Third sa kanila at saka siya tumingin sa'kin. Ang tangkad niya rin. Parang nasa 6 feet something. Basta mas matangkad siya kay Torn. "Hi Lemon. Manonood ka mamaya?"
"No. I have my errands e. Bye!" mabilis na sabi ko at tatalikod na sana nang magsalita pa siya.
"Sandali lang. Let's talk first before you leave?" he asked. Napansin kong naging seryoso siya ngayon kumpara sa dati niyang pakikitungo sa'kin. "Pagkatapos nito, hindi na ako mangungulit. Next year kasi, graduating na tayo. Ayoko nang maging istorbo sa'yo." napatingin ako kina Trina at binigyan nila ako ng isang tango bago sila umalis sa harap ko. Huminga ako nang malalim at saka hinarap si Third. Napangiti siya.
"What's that ba? Just be straight to the point. You know naman na ayokong nalilate sa lakad ko," kalmadong tanong ko.
"Okay, I'll be fast. Mamayang 5pm, may laro kami. Kapag natalo kami, titigilan na kita. Magiging natural na lang ang pakikitungo ko sa'yo. Na parang schoolmate ko lang. Pero! Kapag nanalo kami, makikipagdate ka sa'kin?"
"No fucking way!" inis na sabi ko.
Bahagya siyang natawa dahil sa reaksyon ko. "Pag-isipan mo. Maganda naman ang offer ko. Malay mo, matalo kami. Unless, gusto mong hinahabol-habol kita," ngumisi siya kaya mas napasimangot ako.
"Napakayabang mo talaga, ano? Sana matalo kayo!" inis na sigaw ko sa kanya at mabilis na tumalikod sa kanya. Narinig ko pa ang tawa niya.
"Kulang ng isa ang kabilang team. For sure, mahina ang mahahanap nila so mananalo kami!" sigaw niya pa pero nagtakip lang ako ng tainga habang tumatakbo papalabas ng school at mabilis na sumakay sa van. Pinagdrive ako ni Kuya Leo kasi sabi ko, baka gabihin ako sa lakad ko. Mabuti at hindi ko nakita sina Misty kaya nakatakas na ako sa kanila. Hindi na nila ako makukulit pa na manood ng laro nina Third.
Laro lang naman 'yun ng soccer team ng school so nothing's much serious. At hindi ako mahilig sa sports. Manonood na lang ako ng band concert, huwag lang games.
"You look furious," puna ni Torn nang makarating ako sa mini-stage kung saan siya nakaupo. Mukhang kanina pa siya rito naghihintay.
"Someone just ruined my day! Aist! He's a piece of shit on my shoe!" inis na sabi ko at saka ako naupo sa tabi ni Torn. Ang sama ng tingin ko sa paligid. Mabuti na lang at 3pm pa lang so wala pang ibang tao rito.
"Who's him?"
"A shit! He has no name!"
Natawa si Torn. "Come on, spill it. You're about to explode."
Huminga ako nang malalim at kin'wento sa kanya ang napag-usapan namin kanina ni Third. Napapailing na lang si Torn habang dinidiscribe ko si Third. Kung gaano siya nakakabwisit at nakakaasar. Ang assuming niya talaga. Iniisip niya talagang nag-papakipot ako? Excuse me? Makipot lang talaga ang utak niya.
"Just because of a game, you'll be a trophy?" medyo naiiritang tanong ni Torn pero he looks calm pa rin. Nagsasalubong lang ang makakapal niyang kilay kasi mainit ang langit. Kakasilaw.
"Yea! That's why I don't like him because he's like that!" inis na sabi ko.
Tumayo si Torn at humarap sa'kin. "Let's go!" aniya na kinakunot ng noo ko. "Let's beat him," dagdag niya pa.
"You know soccer?" I asked.
Nagkibit-balikat siya. "Sort of. I play in school sometimes."
Natawa ako nang bahagya. Sometimes lang? E soccer player si Third e. Tsaka sure ba si Torn sa alok niya? Soot niya pa rin iyong usual outfit niya e. Bahala na nga.
"Let's go!" hinila ko na siya pasakay ng van at agad ko siyang pinakilala kay Kuya Leo. Nang makarating kami sa school, nagmadali kaming magpunta sa soccer field at hinanap ko kung nasaan sina Lui. Sa kanila ko pasasalihin si Torn. Hindi ko nakita sina Jack kaya wala akong katulong maghanap kay Lui.
"Lui!" hingal na tawag ko sa kanya nang makita ko sila ng team niya na nandito sa kabilang side ng feild. Nasa kabila naman sina Third. Medyo marami na rin ang tao sa paligid. Wala na kasing klase kaya nakakagala na sila. "Kompleto na ba kayo?" tanong ko pa.
Napatingin siya kay Torn na nasa likuran ko. "Hindi pa e. Bakit?" kunot-noong tanong niya.
"May isasali ako sa inyo." hinila ko si Torn para iharap kay Lui at napatingin na rin sa'min ang iba niyang kateam. "He is Torn. He's my friend from Thailand and he can play soccer. Make sure that you beat Third's team." nilingon ko si Torn. "He is Lui and his teammate. You'll play with them," sabi ko.
"Musta, Pare? Basta galingan natin ha," nakangiting sabi ni Lui at nakipag-shake hands pa siya kay Torn. Tinapik ko si Lui kaya napatingin na naman siya sa'kin.
"He can't understand Filipino. Speak in English," paliwanag ko. Tumango-tango sila at hinila na si Torn para makapag-meeting na. Pinagpalit din nila ito ng damit. T-shirt and shorts, kapareho ng soot nila. White ang uniform nina Lui at black naman kina Third. Bagay pala kay Torn ang ganung damit. Tsaka malaki din pala ang katawan niya at ang muscles niya sa legs. Hindi lang nahahalata kasi palaging pants at long sleeves na maluluwang ang soot niya.
"Good luck! I'll watch you over here!" sabi ko kay Torn sabay turo sa bandang likod ng bench na gamit nila. Mauupo lang ako sa damuhan. Palubog kasi ang soccer field kaya p'wedeng upuan ang damuhan sa gilid para makanood ng game. And in all fairness, maraming nanonood ngayon. May ibang panay cheer pa. Nasaan kaya sina Jack, Misty at Trina para naman maipakilala ko sa kanila mamaya si Torn.
"Sinong hanap mo?"
Napalingin ako sa nagsalita at saktong naupo na siya sa tabi ko. OMG! Tatalon na yata ang puso ko? Oh nooooo! I'm gonna pass out!
"Wala. Friends ko lang," nakangiting sagot ko. Tinatago ko ang feelings ko for him kasi ayokong mailang siya sa'kin. Hindi kasi kami magkaibigan. Nakilala ko lang siya nang maging representative siya ng isang klase sa college ng legal management at ngayon, tumakbo siya sa SSC election at nanalo naman siya bilang President. Then nagkausap kami nang mag-sorry siya dahil sa inakto sa'kin ni Third noon. Binato kasi ako ni Third ng bola na may putik tapos ako ang sinisi niya. Kasalanan ko raw kasi pagala-gala ako samantalang hindi naman soccer field ang parking lot. Simula nun, nagkagusto na ako kay Fourth kasi ang bait niya. At nasuklam na ako kay Third kasi ang sama niya!
"Alam mo na ba ang plano ni Third?" ani Fourth kaya tumango ako. Mukhang alam niya rin. "Tayo lang ang nakakaalam nun. Kaya ba sinali mo 'yung kaibigan mo?" pagtukoy niya kay Torn.
"Yea. But I don't know if they can beat Third. You know naman na magaling talaga siya." pinanghihinaan talaga ako ng loob pero gumagawa pa rin ako ng way para matalo sila.
"Yea," natatawang sabi ni Fourth. "Lalo pa't ikaw ang makukuha niya kapag nanalo sila."
Ako naman ang natawa. "Sabi ni Lui, niyaya ka nilang sumali sa kanila e. Bakit hindi ka sumali? As far as I know, you're good in soccer din."
"Kakalabanin ko si Third? Alam naman natin kung gaano niya kagustong makadate ka. Wala ring alam sina Lui sa plano ni Third," sagot niya. Tumango ako nang bahagya at medyo nalungkot. Well, I understand naman na kakambal niya si Third at hindi niya ako ipagtatanggol dun.
"But I don't like him," i whispered.
"And I don't want to meddle in other's personal business," sagot niya naman.
Natahimik na lang ako sabay hinga nang malalim kasi magsisimula na ang laro. Others lang pala ako para sa kanya e. Hindi naman masakit.
"Brown pala ang mga mata mo?" puna ni Fourth kaya napalingon ako sa kanya at doon ko lang napansin na nakatingin siya sa'kin. Napakurap ako nang mabilis dahilan para bahagya siyang matawa. Ngayon lang kasi may nakahalata na brown ang mata ko. O baka ngayon lang may pumuna. Either the two, pinapalakas niya pa rin ang heartbeat ko!
To be continued...
Pagkatapos niyang mapuna ang mga mata ko, umalis na siya. Hindi ko alam kung anong trip niya. Siya lang kasi ang pumuna ng mata ko. Lol! Imbis na isipin ang taong wala namang pake sa'kin, nag-focus na lang ako sa panonood kina Torn. Buti pa siya, may pakialam sa'kin kahit noong Friday ko lang siya nakilala. Noong simula ng laban, pansin kong nanggigigil si Third at sobrang seryoso niya. Pinag-iinitan niya si Torn. Naku, kapag may ginawa siyang masama kay Torn, sasapakin ko talaga siya! Sasaktan ko talaga siya nang bongga. Agad na naghiyawan ang mga tao nang makagoal si Third. Ang lakas na ng kaba ko kasi ang hirap makagoal sa soccer. Whay if hindi makagoal sina Torn? Mapipilitan akong makipagdate kay Third. Ako kasi iyong taong tumutupad sa usapan e. Kaya nga hindi ko na kinuha ang number ni Torn kasi kapag may usapan kami, sure akong sisipot kahit anong mangyari. Sa sobrang kaba ko, napatingin ako kay Torn na mukhang naaasar na rin. Parang napansin niyang pi
"Hindi nagriring ang phone ni Misty. Parang naka-off," nag-aalalang sabi ni Jack sa'kin at kausap ko siya sa phone. Parang kahapon lang, pinag-uusapan namin ang tungkol sa mga post ni Third tapos patawa-tawa pa siya then ngayon, hindi na namin siya mahagilap. Tumawag sa'min ang Mom ni Misty kanina lang at sabi niya, bigla na lang daw umalis si Misty, umiiyak. Baka raw puntahan kami. Sabi nila, tawagan namin sila kapag nakita namin. "Saan natin siya hahanapin?" nag-aalalang tanong ko. Ayaw na rin namin tawagan pa si Trina kasi pauwi na siya sa province nila. Baka icancel niya pa. "I dunno. Tinawagan ko ang jowa niya, hindi rin daw alam. Hinahanap niya na." nagpapanic na si Jack at ganun din ako. Ano ba kasing pinanggagagawa ng batang 'yun? Nandito ako ngayon sa foodpark at kasama ko si Torn kanina kasi continuation ng tutorial namin. Umalis siya saglit kasi bibili raw siya ng iced coffee namin kaya ngayon ko lang nakita ang missed calls ni Jack. Kinabahan ako
"Can't sleep?" rinig kong tanong ni Third kaya napalingon ako sa kanya. Ngumiti siya at saka tumabi sa'kin. Nandito kami sa gilid ng pool, nakaupo sa damuhan at 2am na rin. Hindi ako makatulog kasi napapanaginipan ko na naman iyong babaeng sumisigaw ng katarungan. Parang false accusation. Kaya kinuha ko na lang ang gitara ko at tumambay dito sa labas. Nakakarelax ang kalangitan. "Ikaw rin?" tanong ko. "Yea..." Silence. Gustong-gusto ko talaga kapag ganitong tahimik. Finally, peace of mind. Kahit katabi ko si Third, hindi naman nakakaramdam ng awkwardness. Maybe because he needs this silence too. I started to pluck but I didn't sing. I just let the music enveloped us under this starry night. "Finally..." sambit ni Third kaya natigil ako at napatingin sa kanya. He laughed a little. "Finally... got the chance to listen to your music," he said in a low voice. Tumaas ang kilay ko. "You heard me already playing piano, Eleazar Dela Sierra de
"'Ma, I have something to tell you po." huminga ako nang malalim. I am talking with her on the phone. "Third is now my boyfriend po." pumikit ako nang mariin kasi baka magalit siya. All she wants for me is to focus on my studies. But she knows Third. He's not a distraction and a bad influence. "Finally," bumuntong-hininga siya kaya napangiti ako. "After this pandemic, I wanna meet him at home. And Lemon, sex is allowed but use protection---" "'Ma!" inis na sabi ko kaya natawa na lang siya. Botong-boto talaga siya kay Third kasi nakikitang mahal na mahal ako nito. Pero hindi ko sinasabi kay Third na gustong-gusto siya ni Mama kasi baka magyabang na naman. "Anyway, tell us if you need anything, okay? Or if you have any problem." Mama asked so I nodded kahit hindi niya naman ako nakikita. "Lemon, I'm warning you. I want you to be honest with me." "Yes, 'Ma. Tell Papa to take care of himself too. I don't want that millions of peso so tell him to stay aliv
"Ouch!" sambit ko at napahawak ako sa kanang balikat ko kasi parang may bumato rito. Nangingilo ang buto ko. Shems! And my whole body is aching."Nanang, nabuhay ang Binibining Liwan! Nanang, buhay ang Binibining Liwan!" sigaw ng boses bata. I opened my eyes but I barely see my sorroundings because, I guess, it's already in the evening. Nang makaupo ako, nagulat na lang ako nang may mga tao na sa harapan ko at medyo maliwanag na rin dahil sa gaserang hawak ng isang babaeng tingin ko ay nasa 20s na rin. May kasama siyang matandang puti na ang buhok at isang batang babae."Buhay ka nga," sabi nung matanda na halos maubusan na ng hangin sa katawan. Napahawak siya sa dibdib habang nakatingin sa'kin at agad siyang inalalayan nung babaeng nasa 20s. Lahat sila, nakatraditional dress. Pati ako, ganun din ang soot ko. Medyo bago nga lang tingnan ang soot ko."Nanang, malapit na sila," nag-aalala at humahangos na sabi ng lalaking bagong dating."Nanang, kailangan n
Oras ng siesta at hindi pa naman ako kailangan ni Lino kaya niyaya muna ako ni Berto magpunta sa market para raw bumili ng ilang kakailanganin nila. Para na rin akong nakahanap ng kaibigan sa katauhan ni Berto. Magka-height lang kami tapos ang daldal niya rin kaya nagkakasundo kami."Kaya matagal na kaming magkaibigan. Sana'y hindi lang din katrabaho ang tingin mo sa'min. Ituring mo kaming kaibigan na rin para maging magaan ang buhay," nakangiting sabi ni Berto habang tumitingin ng gunting. Matagal na pala kasing nagtatrabaho si Berto kina Lino, bata pa lang daw sila. Nagkahiwalay lang sila nang mag-aral ng medisina si Lino sa Europa at nang bumalik, nagtrabaho ito ng ilang buwan sa Maynila hanggang sa napagdesisyunan nitong magtungo rito dahil nakausap nila doon ang dating alcalde mayor ng bayang 'to. Wala ritong doktor kaya naisip nilang maglakbay papunta rito. Ninong ni Lino ang dating alcalde mayor kung kaya't imbis daw na pabantayan ang bahay sa ibang tao, pinahiram na l
"Pakiramdam ko, may problema talaga siya," sabi ko kay Berto at nandito kami sa kwadra. Kararating lang namin sa bahay from bahay nina Lola Juana at pinakakain ni Berto iyong dalawang kabayo."Kulang lamang si Lino sa tulog," ani Berto habang nagbibigay ng damo sa kabayo. "Pagpasensyahan mo na. Isa pa, sumunod ka na lang sa mga inuutos niya. Kapakanan lang naman natin ang iniisip niya. Huwag mo ring kalabanin ang mga Prayle. Hindi mo yata alam ang pinapasok mo," naiiling na sabi niya at mukhang siya naman ang hindi natutuwa sa ginawa ko. Akala ko pa naman, magugustuhan niya ang pagtatanggol ko sa mga Pilipino kasi iyon naman talaga ang dapat naming gawin."Hindi ko kasi talaga nagustuhan ang nakita ko. Nakakapang-init ng dugo," inis na sabi ko habang nakakunot ang noo. I breathe deeply and tried to calm down myself. "Anyway, puntahan ko lang siya. Baka magalit na naman," sabi ko at mabilis na umalis sa kulungan ng mga kabayo. Malaki talaga ang bahay na ito. Buti na lan
Kinaumagahan ay sinabihan ako ni Lino na mag-ayos kasi nagpadala ng imbitasyon kahapon ang Alcalde Mayor. Birthday pala nito. Sasama ako kasi for sure na wala doon si Padre Roque kasi nagpapahinga siya. Sa wakas, makakapag-party na rin ako. Before lunch ay nag-aayos na kami. Magpapamisa muna raw kasi sa simbahan at doon kami didiretso para makilala agad namin ang Alcalde Mayor. Kung sa bahay kasi nila, for sure marami ng bisita roon kaya mahihirapan kaming makausap siya. Hay! I just want to make myself as busy as fuck just to avoid loneliness and sadness. I miss my family, my friends and my boyfriend so much. How long should I suffer from this kind of life just to make them safe? Bakit kasi ginagamit ako ng mga kalaban ni Mama? Ang duduwag naman nila. "Buenas dias, Señor Manuel Valencia," bati ni Lino sa lalaking matangkad, mataba ang tiyan, maputi, bilugan ang mga mata, manipis ang kilay pero nakikita ko pa naman, matangos din ang ilong at double chin na siya. Nakakaintimid
"Sino kaya iyon?" bulong ni Agustino sa sarili niya. Natawa ako nang palihim at tiningnan ko si Berto na tahimik. Mukhang siya lang ang may alam sa matinong panliligaw dito, e. Si Lino? Mukhang hindi marunong. "Berto," tawag ko kaya napatingin na siya sa ‘kin. "Paano ba manligaw sa isang dalagang Filipina?" diretsong tanong ko kaya kumunot ang noo nina Lino at Agustino. Para naman sa kanila ang tanong na 'to kaya makinig sila. Si Lino kasi, kakaiba ang alam niyang panliligaw. Nakakatukso. "May nais ka bang ligawan, Mon?" Miranda asked. "Wala. Mukhang kailangan ng tulong ni Agustino, e," natatawang sabi ko kaya umaliwalas ang mukha nila at nagsimula na kaming magplano maliban kay Lino na mukhang hindi sasama sa ‘min. Nakikinig lang siya, e. Pati tuloy si Miranda, naeexcite sa gagawin namin. Gusto niyang sumama pero sabi ni Agustino, para lang daw ito sa mga binata sabay kindat sa ‘kin. Napa-ehem tuloy si Lino at ang sama na naman ng tingin niya kay Agu
Ilang sandali pang nag-usap-usap dito sa labas ng simbahan sina Lino at pinagtitinginan pa sila ng mga tao hanggang sa dumating si Padre Roque. Kinabahan na naman ako at puro iwas tingin lang ako sa kanya. Kamukha niya lang naman ang Pari ng Salvacion. Hindi siya iyon so I must calm myself but I can't. He's scaring me and Agustino and Berto noticed that."Mabuti pa'y mauna na lamang kami sa karwahe," tugon ni Berto kay Agustino."Sasamahan ko na kayo," ani Agustino pero umiling ako."Hindi na. Baka hanapin ka nila. Kami na lang---" hindi ko na natapos ang sinasabi ko kasi napatingin na rito ang Prayle at lumapit pa siya sa ‘kin. Ramdam kong namumutla na ako. Iba 'yung trauma ni Liwan, pati ako naaapektuhan."Nandito pala ang aking tagapagligtas," nakangiting sabi ni Padre Roque kaya pilit akong ngumiti.Ayokong gumawa ng away rito lalo pa't nakasunod kay Padre Roque sina Lino at family Valencia and family Villaluna."Masyado kayong aba
Kinaumagahan, maaga na naman kaming gumising para makaattend sa paunang misa. Kasama ko mamaya sina Lino, Berto, Señor Magnus at Señor Galicia. Sina Josefa at Maria ay uuwi sa kanila dahil family day naman nila today."Anong nangyari sa iyong labi, Lino?" tanong ni Señor Magnus na katabi ngayon ni Lino at nandito kami sa hapag-kainan.Medyo madilim pa dahil magbubukangliwayway pa lang pero halata na namin ang itsura ng bawat isa. Lalo na si Lino na parang lumuliwanag ang mukha ngayon dahil maaliwalas ito. Mukhang kompleto ang tulog niya kahit alam kong ilang oras na lang ang natitira nung umalis siya sa k'warto ko."Nakagat lamang po, Ama," natatawang sabi ni Lino sabay tingin sa ‘kin nang nakangiti kaya agad akong umiwas ng tingin. Umiinit na naman ang mukha ko. Tsk!"Kamusta pala ang iyong pakiramdam, Mon?" tanong ni Señor Magnus sa ‘kin kaya napatingin naman ako sa kanya. "Kahapon ay nawalan ka ng malay-tao. Hind
Bahagya siyang ngumiti pero may lungkot sa mga mata niya. "Mas nanaisin ko pang matalo kaysa hayaan kang mapahamak."Naalala ko, bago ako mawalan ng malay ay narinig ko pa siyang tinawag ako. Mukhang iniwan niya 'yung kalaban niya para sa ‘kin at ngayon, inaako niya ang kanyang pagkatalo."Ngunit hindi ako naniniwalang ako lamang ang umiibig dito, Liwan."Bigla na namang bumilis ang heartbeat ko at natatakot ako na baka marinig niya ito. Ang tahimik kasi ng paligid maliban sa kuliglig na mukhang tatalunin na ng heartbeat ko."H-hindi ba't sinabi kong huwag kang aasa?" nauutal na sabi ko. Gosh! Bakit ba ako nauutal? At kinakabahan?Napangiti siya at napailing nang mabagal. "Aking napagtanto na hindi mo naman gagawin iyon kung wala kang nararamdaman para sa ‘kin," natatawang sabi niya na kinakunot ng noo ko."Alin?" kinakabahang sabi ko."Nakalimutan mo na ba?""Ang alin nga?" Ayoko sa lahat, 'yung binibitin ako. Batu
Napasinghap ako habang natatawa na may halong pagkainis. "Wow, gagawin niyo pa akong trophy! Bahala kayo sa buhay niyo!" inis na sabi ko sabay lakad nang mabilis palayo sa kanila. I even heard them calling my name so I ran as fast as I could hanggang sa mailigaw ko na sila. Nagtago lang ako sa likod ng isang tindahan na gawa sa bato. Tindahan ito ng magagandang damit at kakaunti ang tao rito kumpara sa ibang tindahan. Mukhang mayayaman lang ang nagpupunta rito. Napahawak ako sa dibdib ko dahil hiningal ako. Hindi talaga physically fit si Liwanag. Kulang siya sa excercise. Kaya hindi siya nakapalag agad sa Prayle na iyon, e. Speaking of Prayle, I saw Padre Roque with his kapwa Prayle at Alpares na naglilibot sa plaza kaya mas minabuti kong magtago lang sa likod ng tindahan habang pinagmamasdan sila. Lahat ng nadadaanan nilang tao, binabati sila. They even bow their head to show respect. How in the hell they can give respect to a trash? "Mon!" rinig kong sambit
Dahil wala rin kaming magawa sa bahay, niyaya na lang ako ni Berto, Maria at Josefa na manood daw kami ng tanghalan sa labas at marami pang palaro. May mga Guardia Personal na rin namang nagbabantay sa bahay na pinadala ni Señor Manuel Valencia lalo pa't maraming tao sa bayan. Baka mapano pa ang kanyang mga kaibigan. Kaso umalis sina Lino nang silang tatlo lang.Mga pasaway.Wala nga silang dalang karwahe at ganun din kami nina Berto. Higit isang kilometro pero hindi bababa sa dalawa ang layo ng bahay ni Señor Galicia sa sentro ng bayan kaya hindi rin kami nahihirapang maglakad lalo pa't mas mahirap maghanap ng kalesa kaysa makakita ng mga taong naglalakad."Doon tayo, Mon! Bilis!" excited na sabi ni Maria at agad akong hinila kaya hinila ko rin si Josefa at hila rin ni Josefa si Berto habang papunta kami malapit sa bulwagan at sa gitna ay may malaking espasyo.Sa espasyong iyon ay may mga nagsasayaw na nakabaro't saya na makukulay. Lively r
"Tila naging maganda na ang iyong pakiramdam, Mon," puna ni Miranda na nilapitan ako rito sa labas ng bahay.Nasa sala sina Señor Manuel, Señor Galicia, Señor Magnus, Señora Rosana at Lino na umiinom ng tea ngayon. Nandun din si Berto at Agustino at kanina, nandun din kami ni Miranda pero nagpasintabi ako na hindi naman nila napansin kasi busy silang lahat. Maliban kay Lino na gusto sanang sumunod kaso pinigilan ako.Magtatanong lang 'yun kung kamusta ako at sinabi ko na sa kanya na gusto ko lang magpahangin sa labas dala itong tea ko."Bakit nandito ka sa labas? Baka hanapin ka dun," sabi ko at bahagyang sinilip sina Lino na nasa loob. I can't hear what they were talking about but based on their looks, seryoso na iyon."Abala sila sa isa't-isa. Hindi nila napansin na umalis ako," natatawang sabi niya habang nakatakip ang panyo sa bibig.One thing I learned during my stay here was, women used to cover their mouth wheneve
Masyadong kakaiba para sa akin lahat ng nangyayari dito pero natutuwa ako kasi nang mapadpad ako sa panahong 'to, naramdaman ko kung gaano kasaya ang maging Pilipino. Fiesta ngayon at sobrang dami ng tao sa paligid. Tapos makukulay pa ang bandiritas na nakasabit sa itaas ng dinadaanan namin. May kaba sa ‘kin na baka isa sa kanila ang nakalaban ni Liwanag pero hindi maikakailang ang saya nilang tingnan.Lahat nakangiti, halos magkakakilala, nagbabatian. Wala kasi silang hawak na gadgets na nakakaagaw ng atensyon nila. Hindi sila mga nakayuko habang may kausap na iba. But of course, cellphones and other gadgets were made for communication purposes naman."Nais mo bang bumaba?" tanong ni Lino sa ‘kin nang makita akong sumisilip sa kurtina ng karwahe. May kurtina na kasi ito para raw hindi makita ang nakasakay sa loob. Which is me. "Maraming magtatanghal mamaya."Napalingon na ako sa kanya at nakangiti siya ngayon habang nakatingin sakin. Naalala ko tulo
Hindi pa ako tuluyang nakakalayo kay Josefa nang mahabol niya kaagad ako."May sasabihin lamang ako sa iyo, Mon," nahihiyang sabi niya na kinakunot ng noo ko. "Napansin ko kasing may hindi tama sa iyong mga kilos bilang isang Binibini.""Ano 'yun?"Ngumiti siya na parang nahihiya. "Marahil ay isa rin sa iyong nakalimutan. Hindi dapat diretsong tumingin ang isang Binibini o Binata sa isa't-isa kung walang namamagitan sa kanila dahil hindi iyon katanggap-tanggap. Hindi tayo maaaring hawakan ng binata kung hindi natin sila asawa. At... iyang mga paa mo, kitang-kita.""Bawal ba 'yun?" natatawang tanong ko. Napakaconservative naman nila."Oo, Mon," tumatangong sagot niya. "Iyon ang natutunan ko kay Señorita Catalina noong ako'y naninilbihan pa sa kanya."Oh no! Naalala ko iyong paghawak ko sa paa ni Catalina noong natapilok siya. LMAO. Kaya pala ganun niya na lang ako paluin ng pamaypay niyang malaki. Gosh! Medyo natawa ako at napailing da