Bakit sa puso ko sinisigaw ang character ni Sean? Hmm.. Anyway, nasaan na po kayo? You went silent no'ng aalis na si Noelle ah. HAHA. Ayaw niyo po ba siyang umalis? So dito lang po muna. Need ko pa kasi mag review, need ko makakuha cert para pwede makapunta ng Thailand. hehe. Bukas po ulit, Mwah!
“Please know that you’ll always be our daughter,” huling salita na narinig ko mula kay papa bago ako lumayo ng konti sa kanila ni ate Nikolay. Nag-iiyakan at nagyayakapan pa sila. Maiiyak lang ako habang nakikinig sa kanila. Ayaw kong makinig sa kahit ano mang pag-uusap nila. Kaya lumayo ako ng konti. Habang naghihintay ako dito sa tabi, lumapit naman sa akin ang isang lalaki na naka bonnet. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakamask ito. Hindi ko nalang pinansin at ibinalik ang attention kina mama. Nang makita na palapit na sila sa akin, agad na akong tumayo. “It’s time,” ani ni tita Cha kaya tumango ako. Oras na para iwan ko ang Pinas at lahat ng sakit na nandito. Lumapit pa ako kina mama para magpaalam lalo na kay papa. Papa is always a strong man pero lately, lagi ko siyang nakikita na malungkot at minsan ay umiiyak. Dahil siguro sa nangyayari sa amin magkakapatid. Kung kaya ko lang kontrolin ang nararamdaman ni Noah ate Nikolay, ginawa ko na sana. Bibigyan ko sila ng
“Sino iyon? Kilala mo ba?” nagtatakang tanong ni tita at tumabi pa talaga siya sa akin para lang matanong ako. “Ahh medyo po,” hindi ko siguradong sagot. Kilala ko si Sean pero hindi masiyado dahil nagtagpo lang naman ang landas namin sa bar. “Ano bang ginagawa ni Mielo at ang tagal?” inis na sabi ni tita. Natawa lang ako sa reaction niya dahil sure akong kawawa si tito mamaya. “Oh ayan na pala siya,” aniya nang makita ang sasakyan ni tito palapit sa gawi namin. Siya namang paglabas ni ate Nikolay mula sa pag bathroom break niya. I’d like to think na dahil naiihi siya kaya siya pumunta ng bathroom pero hindi magsisinungaling ang mata niya. Mugto ito at halatang umiiyak. “Tara na,” sabi ni tita sa amin at hindi nagkomento sa mukha ni ate. Alam kong alam niya na galing din si ate sa pag-iyak. Pagkapasok namin ng sasakyan, agad kaming humaIik sa pisngi ni tito at pinagalitan naman siya ni tita Cha. Para lang silang mga teenager sa lagay nila e. Malaki din ang age gap ni tita at
“Hi ate, Noelle, kuya Sean is here,” bungad sa aki ni Sofia nang makarating ako galing school. Nanlaki ang mata ko at nagmamadaling pumunta sa kaniya. “Sean!” Ngumiwi siya sa boses ko. Si tita Cha ay natawa. “Bakit na naman?” aniya “Payag ka na?” sabi ko. Nakagat niya ang pang ibabang labi niya. “Please Sean.. Keep this as a secret,” halos lumuhod na ako sa harapan niya para lang huwag niyang sabihin sa totoong ama niya kung nasaan ako. Agad niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko kung paano gawin iyon ni Rio. Kumabog ang puso ko. Si Rio ang naisip ko kaagad. “Sabi ko naman sa ‘yo na illegitimate child ako. Bakit mo naman naisip na magtutuos ang landas namin ng kuya-kuyahan mo?” Napapikit ako at hinila siya palabas ng bahay. 1 month na kami dito sa New York at naiinis pa rin ako sa lalaking ito kasi hindi siya pumapayag sa gusto kong mangyari. Anong gusto kong mangyari? Iyon ay ilihim niya kay Rio o sa kahit na sino sa pamilya niya sa Pinas na nandito ako at magkapit baha
“Nagkita kami ni Nikolay no’ng nakaraan,” sabi ni Sean na hawak pa rin ang Macha niya at nakaakbay sa akin. “Nasa Paris siya kasama ni mommy Cha,” tumingin ako sa kaniya at pinakunutan siya ng noo ng tawagin niyang mommy si tita. Pauwi na kami ng bahay dahil walang magluluto para kay Sofia at Leonor. “Himala at mag-iisang linggo ka na dito sa New York,” sabi ko sa kaniya. Si Sean kasi iyong tipo ng tao na hindi mapirmi sa iisang lugar. No’ng nag security guard siya sa bar ni Mr. Madjos, nagpa-part time pala siya noon. Gusto niya kasing e pursue ang photography and now, in demand ang skills and talents niya lalo pa’t isa siyang Pabelico. Kaya nagtatagpo minsan ang landas nila ni ate Nikolay. Siya isang photographer, si ate isang fashion designer. His personality is jolly and gullible pero kung hindi mo siya kilala, para siyang strikto, antipatiko, at seryoso. The Pabelico blood runs on his veins. Kada gatherings ng pamilya niya, wala akong tinatanong sa kaniya, wala din siyang
Nakaupo na kami ni Sean sa round table. Kanina pa ako pinapakilala ni mama at papa sa mga kaibigan nila. Kanina pa ako nag ikot ikot at ngumingiti. Mag iisang oras na yata. Pagod na ang paa ko. Pero kanina pa rin ako naiilang dahil ramdam ko ang pag sunod ng mata sa akin ni Rio. Ilang beses ng nagsalubong ang paningin namin at ako na ang unang nag iiwas. Hindi naman siya bothered na tinitignan ko siya. In fact, pagnagsasalubong ang mata namin dalawa ay nakikita ko ang pag-angat ng kilay niya o di kaya minsan ang sulok ng labi niya. "Ma, si Noah?" "Umalis siya kanina anak. Pero pabalik na ngayon ang kapatid mo." Sabi ni mama. "Ah okay. Upo lang muna ako malapit kay Sean, ma." Sabi ko kay mama. At iyon nga, tabi kami ngayon sa round table na ito. Sa gilid, naroon naman si Rio. Nako-conscious ako kasi kanina pa niya ako tinitignan. Napapaisip tuloy ako kung may mali ba sa mukha ko. Hindi ko rin nakita si Nichole at anak nila. Hindi niya ba iyon kasama? Ay bahala siy
"Ma, saan kayo ni papa?" tanong ko. Nasa sala na kami at parehong pagod. Si Noah ay hinatid ang girlfriend niya. Tapos na kasi ang party at buti naman dahil kanina ko pa gustong magpahinga. "Gustong maka iskor ng papa mo anak. Sa taas lang kami." Agad akong napangiwi sa sinabi ni mama. "Babe, ikaw nagsabi na gusto mo." Sabi ni papa. "Tei, sabi mo kanina ka pa na ho-horny!" "Ma, pa, ang tanda niyo na! At isa pa, umalis na nga kayo. Ang SPG niyo ah!" Reklamo ko. "Ano naman? May asim pa naman itong mama mo ah?" sabi ni mama at natatawa si papa sa kaniya. Agad kong tinakpan ang tenga ko at bumalik nalang sa sofa. Jusko! Ayaw kong marinig. Please lang. Stop that ma! Nang makaupo ako, narinig ko ang mahinang tawa ng lalaki sa tabi ko. Bago ko makalimutan, nandito pa pala si Rio. Agad nanlaki ang mata ko nang makita siya at tatayo na sana nang makita ang biglang pagtayo rin niya. Lumapit siya sa akin. Ako naman ay nabibingi na sa sobrang kaba. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Wa
"Sean, tabi tayo," sabi ko kay Sean habang lumalapit ako sa kaniya. Pero agad ng nalukot ang mukha niya nang makita ako. "Noelle, hindi pa ako nakakaporma sa ate Nikolay mo pero tingin ko ay pinaglalamayan na ako." "Pinagsasabi mo diyan?" kunot noong tanong ko. Nasa may pool kami dahil plinano ni mama na mag family bonding kami. Narito nga sina mama Kapilan at papa Grant. Si Noah naman ay umalis pero babalik rin daw kaagad. So basically, ako, si Rio, at mga magulang lang namin ang nandito. Tas saling pusa lang si Sean. "Noelle, look, hindi pa ako nakakapunta ng North Korea. Pero pakiramdam ko, bago ako maka punta doon, tigok na ako dahil sa pinsan ko." Sumilip ako sa gilid at nakita si Rio na masamang nakatingin sa amin ni Sean. Tipong, galit talaga at umiigting ang panga. Nanayo bigla ang balahibo ko. "Huwag mo akong iwan dito. Ayos lang naman kung mamatay ka," biro ko. Agad niya akong sinamaan nang tingin. "Wala ka talagang kwenta. Sabi mo ilalapit mo 'ko sa ate mo e b
Hindi na ako nagsalita matapos no'n. Nang mapansin niya ang pananahimik ko ay agad na niyang pinaandar ang sasakyan papaalis. Nandito na naman siya sa mga matatamis niyang salita. Titibok na naman ang puso ko tapos in the latter part, wawasakin niya rin. "Bakit mo iniwan ang anklet?" tanong niya no'ng ilang minuto na kaming nanahimik. Nakita ba niya sa kwarto? Or nakita ni Noah at sinabi sa kaniya? "Bakit ko naman dadalhin?" Isinandal ko ang ulo ko sa bintana. "I asked you that day Noelle what's wrong pero hindi ka nagtanong." Kumunot ang noo ko. "If you're man enough, kahit hindi ko na itanong, kusa mong sasabihin." Natahimik siya sa sinabi ko. Bakit? Totoo hindi ba? Napatingin ako sa cellphone ko ng mag vibrate ito. A message from Sean telling me, "Aja!" Ganito kabigat ang usapan namin ni Rio tas may mag cha-chat sa'yo bigla ng Aja, anong tamang gawin para ma salvage ko itong gonggong na ito? Loko loko talaga itong bwesit na Sean. Nakakainis. "Kunin mo 'ko dito kay