HAHAHAHAHAHA.
“Kakauwi mo lang dito pero gusto mong diyan ka titira sa lolo at lola mo?” taas kilay na sabi ni mama. Si lolo at lola ay natatawa sa tabi ko. Naglalambing akong lumapit sa kaniya para lang payagan ako. E kasi naroon si Rio sa bahay. Ayaw ko doon. “NASAAN SI NOELLE?” malayo pa lang naririnig ko na ang boses ni Noah. “Uwi ng bahay!” Sabi niya nang makita niya ako. Humaba ang nguso ko. “Nandoon si Rio at naiinis ako sa kaniya!” “At bakit? Inaano ka ba ni kuya?” kunot noong tanong niya. Si mama sa tabi ko ay natatawa. Bakit ba hindi na sila kontra kay Rio e samantalang noon ayaw nila? “Noah,” reklamo ko. “Uwi Noelle at huwag matigas ang ulo! Aba! Kararating mo lang pero gusto mo ng umalis kaagad?” Kagat labi akong tumayo at naunang lumabas. Nakakainis talaga minsan itong Noah na ito. Sila na ang nagpaalam kay lola at lolo. Sinundan ako ni Noah sa labas ng bahay at agad na inakbayan. “Kahit kailan, pasaway ka talagang bata ka.” “Hindi na ako bata Noah,” sabi ko. “Pwede ng lig
"Pwede ba Rio, tigil tigilan mo 'ko?" naiinis na sabi ko sa kaniya habang nagmamadaling umupo sa upuan para kumain. Narinig ko ang mahinang tawa niya sa likuran. Para na akong timang dito na namula dahil sa sinabi niya. Gago. Anong bubuntisin? E bakit namumula ka imbes na matakot ha Noelle? Kastigo ko sa sarili. Pumunta naman siya sa harapan at nakita ko na namang ang mukha niyang nakangiti. "Huwag ka ngang ngumiti," medyo naiinis na sabi ko. "Okay, Noelle." Napapikit ako ng maging tunog iyon na puno ng lambing sa labi niya. "Nakakainis." Bulong bulong ko at kumain. Si Rio sa harapan ay hindi na yata nawala ang ngiti sa labi niya at kanina ko pa napapansin ang panakaw nakaw niyang tingin. Tinataasan ko na nga ng kilay kapag nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin pero wala naman siyang reaction. Iniirapan ko na't lahat kada nagtatagpo ang mata namin dalawa pero wala pa ring nagbago. Nang matapos kami sa pagkain ay agad siyang naligo. "Manuod ka muna ng TV," sabi niya. Hindi
"Anong nangyari sa mukha mo?" tanong ni Sean nang papuntahin ko siya sa office at naabutan ang mukha kong sabog. Nawindang kasi ako sa sinabi ni Rio. Wala siya ngayon kasi lumabas kaya hindi sila nagpang abot ni Sean. "Sean, Sean..." tawag ko. Hindi ko na talaga paano papakalmahin itong puso kong nababaliw na yata. "Noelle... Noelle... Bakit?" "Sean," paano ko ba sisimulan. "Noelle," Sinamaan ko siya nang tingin. "Ano ba? Bakit ka gaya gaya?" reklamo ko. Iniinis na naman ako ng loko. "Puro ka lang din naman Sean Sean Sean. Oo na. Gwapo na ako. Ano ba kasing sasabihin mo?" Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga para kumalma pero agad na nalukot ang mukha ni Sean. "Ano ba iyan Noelle. Pinapunta mo lang ba ako dito para bugahan ng mabaho mong hininga?" "Sean, umayos ka. Hayop ka talaga kahit kailan." Hinawakan niya ang ilong niya at nakangiwing lumapit sa akin. "Sean, iyang pinsan mo... May saltik na sa utak!" Sumbong ko sa kaniya. "O tapos?" walang gana na
"Where do you want us to date, baby?""Rio ano... Noelle ang p-pangalan k-ko..." Nauutal na sabi ko. Bakit ba siya panay sabi ng baby? Kumunot ang noo ko. "I know but I wanted to call you that," sabi niya. Sumimangot ako. "Kahit saan ayos lang sa akin," sabi ko nalang. "Okay," sabi niya. Agad niyang iginilid ang sasakyan kaya ako at napasilip sa gilid. Nakarating na kami? Una siyang bumaba sa sasakyan tapos agad niya akong pinangbukasan ng pintuan. Kinuha niya ang kamay ko at pinagsiklop niya iyon. Pumasok kami sa loob ng resto at magkahawak ang kamay namin. Kaya lahat ng taong napatingin sa amin ay agad na napababa ang tingin sa kamay naming magkahawak. "Rio," nawala ang ngiti sa labi ko nang matandaan ang mukha ng babaeng nasa harapan namin ngayon. Ito si Arvelyn, ang babaeng nagsabi na groomer si Rio. "Kamusta ka na?" nakangiting sabi niya. Bumaling siya sa akin. Bumaba ang mata niya sa kamay namin ni Rio. Nakita ko ang pagkawala ng ngiti niya."Kasama mo pala ang kap
Nasa bahay ako nina mama Kapilan dahil dito ako dinala ni Rio. Nandito din pala si Noah at naabutan ko siyang umiinom ng cocktail habang nginisihan ako. May beer at gin din palang kasama. Galit ko siyang pinuntahan at binatukan. “Kainis ka! Bakit hindi mo ‘ko pinuntahan?” “Anong silbi ng sasakyan mo kung susunduin kita?” “Hindi ka ba makaintindi na sira nga?” “Bakit nasira e kebago-bago no’n,” Naiinis ko siyang tinapunan nang tingin. “Isa pa, anong silbi niya kung susunduin kita?” nginuso niya si Rio. Tumingin ako kay Rio at naabutan siyang nakatitig sa akin. “Ano bang sinabi mo sa kaniya?” “Sabi ko pinuntahan mo ang boyfriend mo sa New York kaya hindi ka nagpaalam sa kaniya.” Inis na tinadyakan ko si Noah. Ito namang si Rio, kung maka react akala mo naman single pa. Tumalikod ako sa kanila dahil hahanapin ko si mama Kapilan or else mababaliw ako sa kanilang dalawa. “Saan ka pupunta?” nagulat ako sa boses ni Rio na nasa gilid ko na. “Sa loob. Bakit? Bawal?” Kumunot ang
“Baby, can you bring this to Mrs. Griffin.” Utos ni Rio habang nasa loob kami ng opisina niya. Tumayo ako at kinuha ang pinabibigay niyang sealed envelope. “What’s this?” tanong ko pero mukhang hindi niya narinig dahil nakadungaw lang siya sa mga ginagawa niya. Nagbikibit balikat lang ako at dinala kay Mrs. Griffin ang pinapabigay niya. Lately, sobrang busy ni Rio. Halos hindi na nga siya makakain dahil sa dami ng ginagawa niya. Napapansin ko rin ang mga pag-uunat niya. Tipong pagod na pagod talaga siya sa ginagawa. Palihim akong nag order ng pagkain para makakain siya dahil anong oras na. Nang dumating ang inorder ko, agad akong lumapit sa kaniya. “Kainin mo muna ito,” sabi ko. Mukha siyang nagulat sa presensya ko at bago pa siya maka react, ako na ang nagkusa na ilagay ang pagkain sa table niya at itinabi ko muna ang papeles sa harapan niya. “Masama ang magpagutom Rio,” “Ayos lang kasi aalagaan mo naman ako,” Sinamaan ko siya nang tingin pero ngumiti lang siya. Kinuha niya
We parted ways. Hinatid ni Rio si Kathleen sa bahay nila. Gusto niya akong sumama pero ayaw ko dahil ayaw kong makita si Nichole. Kaya heto at nag o-overthink ako sasakyan ko habang pauwi sa amin. Hindi sinabi sa akin ni Rio bakit daddy sa kaniya nang daddy ang anak ni Nichole pero kung ano man iyon, I’m just praying hindi iyon nakakasakit sa puso. May sasakyang nag overtake sa akin bagay na ikinakunot ng noo ko. Ang yabang! Nasabi ko sa sarili. Mas binillisan ko pa ang pagpapatakbo at sinabayan ang sasakyang iyon. Nang tignan ko sino ang nagmamaneho, nakita ko si Noah na ngumisi sa akin at sa tabi niya ay si Daniel na siyang nagpalaki ng husto ng mata ko. “Oh my God!” Nasabi ko. “Long time no see, Noelle,” nakangiting sabi niya. Parang tumalon sa tuwa ang puso ko nang makita siya. “Noah, igilid mo,” I shouted pero ang loko-loko kong kapatid ay pinaharurot ang sasakyan niya palayo sa akin. Nagpupuyos ako sa inis habang sinusundan ang baliw na Noah na iyon. Alam niyang narin
“Rio, galit ka ba?” hindi siya kumibo. Diretso lang ang tingin niya sa unahan. Nasa sasakyan niya kami, nakasakay. Pakiramdam ko ay galit siya na hindi ko alam. “Rio,” tawag ko ulit. “I waited Noelle.” Nagtaka at nagulat ako sa sinabi niya. “Hinintay kong ikaw naman tumawag sa akin pero bakit hindi mo ginawa?” puno ng hinanakit na sabi niya. Nakagat ko ang pang ibabang labi ko. “Mahirap bang tawagan ako?” ramdam ang pagtatampo at hinanakit sa boses niya. “Ang hirap naman magpalambing sa ‘yo.” Galit talaga siya. Nagbaba tingin ako. “Akala ko kasi busy ka- “Iyan ka e. Puro ka akala. Feeling mo lahat ng akala mo ay tama. Naghintay ako. Ilang oras akong nahintay na tawagan o e text mo ‘ko kasi ako nalang lagi ang gumagawa no’n sa ‘yo. Ako ang laging nagpapapansin sa’yo. Pero gumabi nalang, hindi mo ginawa Noelle.” Natulala at natigilan ako. “Para bang ayos lang sa ‘yo na hindi tayo mag-usap. Bakit ganoon? Bakit ayos ka lang samantalang ako halos mabaliw na?” Hindi ako makareac