Another update later
"Anong nangyari sa mukha mo?" tanong ni Sean nang papuntahin ko siya sa office at naabutan ang mukha kong sabog. Nawindang kasi ako sa sinabi ni Rio. Wala siya ngayon kasi lumabas kaya hindi sila nagpang abot ni Sean. "Sean, Sean..." tawag ko. Hindi ko na talaga paano papakalmahin itong puso kong nababaliw na yata. "Noelle... Noelle... Bakit?" "Sean," paano ko ba sisimulan. "Noelle," Sinamaan ko siya nang tingin. "Ano ba? Bakit ka gaya gaya?" reklamo ko. Iniinis na naman ako ng loko. "Puro ka lang din naman Sean Sean Sean. Oo na. Gwapo na ako. Ano ba kasing sasabihin mo?" Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga para kumalma pero agad na nalukot ang mukha ni Sean. "Ano ba iyan Noelle. Pinapunta mo lang ba ako dito para bugahan ng mabaho mong hininga?" "Sean, umayos ka. Hayop ka talaga kahit kailan." Hinawakan niya ang ilong niya at nakangiwing lumapit sa akin. "Sean, iyang pinsan mo... May saltik na sa utak!" Sumbong ko sa kaniya. "O tapos?" walang gana na
"Where do you want us to date, baby?""Rio ano... Noelle ang p-pangalan k-ko..." Nauutal na sabi ko. Bakit ba siya panay sabi ng baby? Kumunot ang noo ko. "I know but I wanted to call you that," sabi niya. Sumimangot ako. "Kahit saan ayos lang sa akin," sabi ko nalang. "Okay," sabi niya. Agad niyang iginilid ang sasakyan kaya ako at napasilip sa gilid. Nakarating na kami? Una siyang bumaba sa sasakyan tapos agad niya akong pinangbukasan ng pintuan. Kinuha niya ang kamay ko at pinagsiklop niya iyon. Pumasok kami sa loob ng resto at magkahawak ang kamay namin. Kaya lahat ng taong napatingin sa amin ay agad na napababa ang tingin sa kamay naming magkahawak. "Rio," nawala ang ngiti sa labi ko nang matandaan ang mukha ng babaeng nasa harapan namin ngayon. Ito si Arvelyn, ang babaeng nagsabi na groomer si Rio. "Kamusta ka na?" nakangiting sabi niya. Bumaling siya sa akin. Bumaba ang mata niya sa kamay namin ni Rio. Nakita ko ang pagkawala ng ngiti niya."Kasama mo pala ang kap
Nasa bahay ako nina mama Kapilan dahil dito ako dinala ni Rio. Nandito din pala si Noah at naabutan ko siyang umiinom ng cocktail habang nginisihan ako. May beer at gin din palang kasama. Galit ko siyang pinuntahan at binatukan. “Kainis ka! Bakit hindi mo ‘ko pinuntahan?” “Anong silbi ng sasakyan mo kung susunduin kita?” “Hindi ka ba makaintindi na sira nga?” “Bakit nasira e kebago-bago no’n,” Naiinis ko siyang tinapunan nang tingin. “Isa pa, anong silbi niya kung susunduin kita?” nginuso niya si Rio. Tumingin ako kay Rio at naabutan siyang nakatitig sa akin. “Ano bang sinabi mo sa kaniya?” “Sabi ko pinuntahan mo ang boyfriend mo sa New York kaya hindi ka nagpaalam sa kaniya.” Inis na tinadyakan ko si Noah. Ito namang si Rio, kung maka react akala mo naman single pa. Tumalikod ako sa kanila dahil hahanapin ko si mama Kapilan or else mababaliw ako sa kanilang dalawa. “Saan ka pupunta?” nagulat ako sa boses ni Rio na nasa gilid ko na. “Sa loob. Bakit? Bawal?” Kumunot ang
“Baby, can you bring this to Mrs. Griffin.” Utos ni Rio habang nasa loob kami ng opisina niya. Tumayo ako at kinuha ang pinabibigay niyang sealed envelope. “What’s this?” tanong ko pero mukhang hindi niya narinig dahil nakadungaw lang siya sa mga ginagawa niya. Nagbikibit balikat lang ako at dinala kay Mrs. Griffin ang pinapabigay niya. Lately, sobrang busy ni Rio. Halos hindi na nga siya makakain dahil sa dami ng ginagawa niya. Napapansin ko rin ang mga pag-uunat niya. Tipong pagod na pagod talaga siya sa ginagawa. Palihim akong nag order ng pagkain para makakain siya dahil anong oras na. Nang dumating ang inorder ko, agad akong lumapit sa kaniya. “Kainin mo muna ito,” sabi ko. Mukha siyang nagulat sa presensya ko at bago pa siya maka react, ako na ang nagkusa na ilagay ang pagkain sa table niya at itinabi ko muna ang papeles sa harapan niya. “Masama ang magpagutom Rio,” “Ayos lang kasi aalagaan mo naman ako,” Sinamaan ko siya nang tingin pero ngumiti lang siya. Kinuha niya
We parted ways. Hinatid ni Rio si Kathleen sa bahay nila. Gusto niya akong sumama pero ayaw ko dahil ayaw kong makita si Nichole. Kaya heto at nag o-overthink ako sasakyan ko habang pauwi sa amin. Hindi sinabi sa akin ni Rio bakit daddy sa kaniya nang daddy ang anak ni Nichole pero kung ano man iyon, I’m just praying hindi iyon nakakasakit sa puso. May sasakyang nag overtake sa akin bagay na ikinakunot ng noo ko. Ang yabang! Nasabi ko sa sarili. Mas binillisan ko pa ang pagpapatakbo at sinabayan ang sasakyang iyon. Nang tignan ko sino ang nagmamaneho, nakita ko si Noah na ngumisi sa akin at sa tabi niya ay si Daniel na siyang nagpalaki ng husto ng mata ko. “Oh my God!” Nasabi ko. “Long time no see, Noelle,” nakangiting sabi niya. Parang tumalon sa tuwa ang puso ko nang makita siya. “Noah, igilid mo,” I shouted pero ang loko-loko kong kapatid ay pinaharurot ang sasakyan niya palayo sa akin. Nagpupuyos ako sa inis habang sinusundan ang baliw na Noah na iyon. Alam niyang narin
“Rio, galit ka ba?” hindi siya kumibo. Diretso lang ang tingin niya sa unahan. Nasa sasakyan niya kami, nakasakay. Pakiramdam ko ay galit siya na hindi ko alam. “Rio,” tawag ko ulit. “I waited Noelle.” Nagtaka at nagulat ako sa sinabi niya. “Hinintay kong ikaw naman tumawag sa akin pero bakit hindi mo ginawa?” puno ng hinanakit na sabi niya. Nakagat ko ang pang ibabang labi ko. “Mahirap bang tawagan ako?” ramdam ang pagtatampo at hinanakit sa boses niya. “Ang hirap naman magpalambing sa ‘yo.” Galit talaga siya. Nagbaba tingin ako. “Akala ko kasi busy ka- “Iyan ka e. Puro ka akala. Feeling mo lahat ng akala mo ay tama. Naghintay ako. Ilang oras akong nahintay na tawagan o e text mo ‘ko kasi ako nalang lagi ang gumagawa no’n sa ‘yo. Ako ang laging nagpapapansin sa’yo. Pero gumabi nalang, hindi mo ginawa Noelle.” Natulala at natigilan ako. “Para bang ayos lang sa ‘yo na hindi tayo mag-usap. Bakit ganoon? Bakit ayos ka lang samantalang ako halos mabaliw na?” Hindi ako makareac
Kinabukasan, dumating si Dan. Hindi ko siya pinansin kahit pa kanina pa siya nagpapansin. Narito rin si Sean ngunit wala sa akin ang attention niya, na kay ate Nikolay. “Sofia, nakita mo si Noah?” “No ate. Hindi ko alam kung nasaan siya.” Tumango-tango ako at nag excuse. Saan na kaya ang kapatid kong ‘yon? “Good morning Noelle,” ani ni Dan pero hindi ko siya sinagot. Inignora ko lang siya. Hindi ko alam bakit nandito siya. At hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa niya kahapon. Paglabas ko ng pool, nagulat ako nang makita si Rio na kausap ang mga magulang ko. Anong pinag-uusapan nila? Agad akong lumapit, excited na makalapit kay Rio ngunit naramdaman niya yata ang presensya ko dahil lumingon na siya kaagad sa akin. “Baby, you can’t scare me like that,” aniya sa harapan ng magulang ko habang natatawa. Poker face si papa habang si mama naman at nakatitig lang kay Rio. Mukhang balewala naman iyon kay Rio. Samantalang ako, pinanlakihan siya ng mata. Hinawakan pa nga niya ako s
"What are you cooking?" tanong ni Rio sa likuran. Nakapalit na siya ng damit niya at kakaligo lang niya. "Ginagaya ko iyong niluto ni mama Kapilan," sabi ko habang kinukuha na iyong chicken na nag golden brown na. "Hmm.. Wife material," komento niya sa tabi ko. Tinaasan ko siya ng kilay. "Kailan ba tayo aalis?" sabi ko patukoy sa camping na sinabi niya. "Sa Sabado," aniya. Thursday pa naman ngayon so may oras pa para maghanda. "Hmm.." Aniya ng tumahimik ako. "Huwag mo muna ako kulitin. Matatapos na ito," sabi ko. Nakita kong tumaas ang sulok ng labi niya. Hindi siya nagsalita pero halata mong nagtatampo. Ano ba naman itong si Rio. Parang bata. "Okay," matabang na sabi niya at malungkot na bumalik sa upuan. Nang mag golden brown na ang dalawang huling niluto ko, agad ko ng pinatay ang apoy. Natatawa kong pinanood si Rio na salubong ang kilay habang nakatingin sa cellphone niya. "Luto na po," sabi ko. Tumingin siya sa akin at agad ring ibinalik ang paningin sa cellphone