Everisha’s POVTahimik kong sinundan ng tingin si Czedric habang abala siya sa paghahanda ng kung anong tila pagkain. Ang kubo niya ay simpleng-simple, walang anumang modernong bagay na makikita. Kahit na parang imposible, mukhang kaya niyang mabuhay mag-isa rito sa bundok. Pero paano niya kinaya?“So…” bungad ko habang nakaupo sa sahig ng kubo niya. Hindi ko na natiis ang tanong na kanina ko pa gustong itanong. “How do you survive here? Like, what do you eat? How do you… bathe? And—” napatigil ako, napaisip kung paano ko sasabihin ang susunod.Nakita kong napangiti siya habang hinihiwa ang isang piraso ng prutas gamit ang kutsilyo. “You mean, how do I poop?” tanong niya, diretsahan pero may halong biro sa boses.Napalunok ako at napangiwi. “Yeah… that too,” sagot ko nang mahina.Umupo siya sa harapan ko, hawak ang hiwa-hiwang prutas na inilahad niya sa akin. Tumanggi ako, pero nilapag niya ito sa lamesa sa pagitan namin bago sumagot.“It’s not as bad as you think,” sabi niya nang kal
Everisha’s POVHabang naglalakad kami ni Czedric papunta sa kung saan man niya ako balak dalhin, hindi ko maiwasang mapansin ang kabuuan ng paligid. Ang hangin ay malamig talaga, sariwa, at may kakaibang halimuyak ng mga dahon at lupa. Ang mga puno ay napakataas, ang mga ugat nito ay tila lumalabas sa lupa na parang sinasabi sa akin na ito ang kanilang teritoryo. Ang plano ay camping, pero tila ang plano ni Lord sa akin ay mahaba-habang camping dito sa Abula-bula mountain.“Where are we going?” tanong ko habang nililingon ang likuran ko, umaasang baka bigla akong makakita ng helicopter na dumarating para sagipin na ako.“To the stream,” sagot niya nang walang alinlangan sa boses. “You’ll need water, and I’ll show you where to get it.”Wala akong nasabi. Napilitan na lang akong sumunod sa kaniya habang ang ingay ng mga dahon sa ilalim ng sapatos ko ay parang tumatambol sa pandinig ko. Sa bawat paglalakad, nararamdaman ko ang bigat ng sitwasyon. Ang lahat ng alam kong paraan ng pamumuha
Everisha’s POVNagising ako sa malamig na simoy ng hangin at sa tunog ng mga ibon na tila nag-aawitan sa paligid. Sa isang saglit, nakalimutan kong nasa gitna ako ng bundok na ‘to. Inisip ko, nasa bahay na ako, nakahiga sa malaki at malambot kong kama, nasa malamig na kuwarto at gigising ng may masarap na almusal. Pagmulat ng mga mata ko, bumalik ang katotohanan. Ang mga dingding na gawa sa kahoy, ang kisame na gawa sa dahon, at ang simpleng kutson na hiram lang sa kalikasan. Hindi ito panaginip. Nasa bundok pa rin talaga ako.“You’re awake,” boses ni Czedric ang bumasag sa katahimikan.Nakaupo siya sa isang bangko malapit sa pintuan ng kubo. Ang liwanag ng araw ay tumama sa mukha niya na nagbibigay-diin sa matitigas na linya ng kaniyang panga at sa tila laging malungkot niyang mga mata.“Yeah,” sagot ko, sabay bangon mula sa higaan. “I think I slept better than I expected.”“That’s good,” sabi niya habang naghahanda ng kung anong tila almusal. “You’ll need energy for today.”“Energy?
Everisha’s POVPagdilat ng mga mata ko, isang panibagong umaga na naman ang sumalubong sa akin. Pero sa halip na mapayapang simoy ng hangin ang magdala ng aliw sa akin, bumungad ang bigat sa dibdib ko. Wala pa rin akong ibang maisip kundi kung paano makakabalik sa dati kong buhay. Hindi ko kayang tanggapin na habang buhay na lang akong magliliwaliw sa bundok na ito, malayo sa lahat ng nakasanayan ko.Tiyak kasi na nag-aalala na ang mga magulang ko, ang mga kaibigan ko. Pati ang mga business na kailangan kong attend-an ng meeting, nauntol dahil sa pagkawala ko.Hindi ako mabubuhay dito, hindi kaya ang buhay na ginagawa rito ni Czedric.Pagkatapos naming mag-agahan, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Kailangan kong malaman kung may pag-asa pa akong makaalis dito.“Czedric,” panimula ko habang nagliligpit siya ng pinagkainan. “Can you take me down the mountain? I can’t stay here forever.”Napatingin siya sa akin habang seryoso ang mukha. Naghintay ako ng sagot, pero halata sa mata niya
Everisha’s POVAgad kong naalala ang sinabi ko kahapon kay Czedric—kailangan naming hanapin ang maleta ko. May mga gamit ako roon na makakatulong sa amin habang wala pa kaming maayos na plano kung paano makakababa ng bundok. Habang kinakain namin ang umagang agahan—isang simpleng pagkain na gawa sa mga ligaw na prutas at tuyong karne na nakuha ni Czedric mula sa kung saan—nagsimula akong magtanong.“Do you think we can find my suitcase?” tanong ko sa kanya habang hinuhugasan niya ang kamay gamit ang tubig mula sa kawayan.Tumingin siya sa akin habang bahagyang nakakunot ang noo. “I’m not sure, but we can try. Do you remember where it might have landed?”Sumandal ako sa isang kahoy na upuan at pilit inalala ang nangyari. “The last thing I remember before the crash was grabbing it tightly. It might have fallen somewhere near where I jumped off.”Tumango siya na parang nag-iisip. “Alright. Let’s check that area first.”Matapos ang ilang saglit, nag-ayos na kami para simulan ang paghahana
Czedric’s POVMatapos ang halos sampung taon na nakalipas, ngayon lang ulit ako nakaramdam ng pagiging tao ulit. Ang pagligo gamit ang sabon at shampoo ay tila isang ritwal na matagal nang nawala sa buhay ko. Habang tumutulo ang malamig na tubig mula sa talon at bumubula ang sabon sa balat ko, hindi ko maiwasang mapangiti. Ang bango ko na, hindi na nakakahiyang tumabi kay Everisha kapag tanghali, hapon o gabi na. Kaya rin siguro napilitan siyang hanapin ang maleta at camping tent niya, hindi na niya siguro matiis ang amoy kong parang pulubi, ako kasi ay sanay na, siya na galing sa city at baguhan lang dito ay hindi pa. Pero tiyak na sakaling maubos ang sambon at shampoo, magiging magkaamoy din kami.“Ang bango naman nito,” bulong ko sa sarili ko habang hinuhugasan ang buhok ko gamit ang shampoo na dala ni Everisha. Matagal-tagal na rin mula nang huli kong maranasan ang makaamoy ng sabon at shampoo. Ang dami nang pagkakataong iniisip ko kung posible pa bang bumalik ang normal kong buha
Everisha’s POVHabang iniinom ko ang sabaw ng buko na hinanda ni Czedric, napansin ko ang simpleng ngiti niya habang abala sa pag-aayos ng mga halamang ugat na tinanim niya malapit sa kubo. Ilang araw na rin mula nang ma-stranded ako rito, at kahit paano, nasasanay na rin ako.Pero may isang bagay na hindi ko kayang tiisin, ang diet ko na puro prutas at gulay.“Czedric,” bungad ko habang pinagmamasdan siyang nagkakalikot ng palakol na gawa sa matibay na kahoy at talim ng bato.“Yes?” tanong niya nang hindi man lang nilingon, abala kasi ito sa ginagawa niya.“Do you think we can eat something else? Like… meat or fish?” diretsahan kong tanong habang nakapamewang, umaasang makukuha niya ang ibig kong sabihin.Napatingin siya sa akin habang bahagyang nakakunot ang noo. “You’re tired of fruits already?”Tumango ako. “Yes, and the leaves. I feel like a goat,” sagot ko sabay kindat para medyo mas magaan ang dating. Pero seryoso ako! Kung makakain lang siguro ako ng chicken drumstick o kahit a
Everisha’s POVMaagang-maaga pa lang ay gising na ako. Wala akong orasan, wala na rin kasing battery ang phone ko kaya hindi na magamit. Tinignan ko ang kalangitan paglabas ko ng camping tent ko, sa tingin ko ay baka alas singko at ala sais palang ng umaga. Medyo mahimbing pa ang tulog ni Czedric sa maliit na kubo niya. Naisip ko, bakit hindi ko naman siya gulatin ngayong umaga? Palagi na lang siyang ang bida sa mga survival adventures namin. Ngayong umaga, ako naman. Kahit baguhan ako, alam kong kaya kong magpakitang gilas sa kaniya.Hindi na rin ako nakakapag-gym kaya iisipin kong ito na lang ang exercise ko ngayong umaga.Habang inaayos ko ang buhok ko gamit ang daliri at kinukuha ang tsinelas na ipit-ipit ng tent ko, biglang pumasok sa isip ko: Ano kayang pakiramdam ng makahuli ng isda? Kaya ko kaya?Umalis na ako sa kubo at camping tent ko para pumunta sa target ko, pagdating doon, nakita ko ang maliit na ilog malapit sa waterfalls. Ang linaw ng tubig, at kitang-kita ko ang mga i
Czedric's POVPagdilat ng aking mga mata, unti-unti akong nag-adjust sa maliwanag na ilaw ng kwarto. Amoy na amoy ko ang disinfectant, tanda na nasa ospital ako. Napabuntong-hininga ako. Buhay pa ako. Tagumpay kaming lahat. Pero pakiramdam ko, ang bigat ng katawan ko—parang pinagbagsakan ng daigdig.Napansin ko ang dalawang pamilyar na mukha sa gilid ng kama. Si Edric, ang kapatid kong sumalo sa akin kanina at si Marco, ang pinsan naming parating nakaalalay sa amin. Pareho silang nakangiti nang mapansin nilang gising na ako.“Finally, bro,” sabi ni Edric. May bahagyang ginhawa sa boses niya na parang binagsakan ng bato ang balikat niyang matagal niyang kinikimkim. “You're awake.”“Kumusta?” mahinang tanong ko habang ramdam ang pagod sa boses ko. Halos lumabas lang ito bilang bulong.“You're fine now,” ani Marco. “We made it, Czedric. Tapos na ang lahat. Nabawi na natin ang lahat—lahat ng pera, ari-arian, pati mga negosyo. They're back where they belong—sa inyo ng kapatid mo.”Napaluno
Czedric POVTahimik akong nakatingin sa malayo habang papalapit kami sa private resort. Ang tension sa loob ng sasakyan ay sobrang bigat, parang humihigpit ang paligid sa bawat segundo. Nakita ko ang kamay ni Everisha na bahagyang nanginginig habang hawak ang baril. Si Marco naman ay nakatitig sa mapa, tinitiyak ang bawat detalye. Si Edric at Mishon ay tahimik, pero kita sa mga mata nila ang kaseryosohan sa magaganap na huling laban.“Everyone ready?” tanong ni Marco.“Always,” sagot ni Edric, sabay sulyap kay Everisha na ngumiti nang bahagya bilang sagot.Napabuntong-hininga ako. Hindi ito ang oras para magpaka-distracted, pero ang pag-aalala ko para kay Everisha ay masyadong malakas. At si Edric—alam kong kapwa ko siya maaasahan, pero hindi ko maiwasang isipin kung ano ang magiging reaksyon niya kapag may masamang nangyari kay Everisha.Pagdating namin sa resort, nagpaikot muna kami sa harapan. Tahimik ang paligid, pero alam kong hindi iyon nangangahulugang ligtas kami.Pagbukas pa
Czedric POVMatagal ko nang alam na hahantong kami sa ganitong punto, pero iba pa rin ang bigat na nararamdaman ko habang tahimik na nakaupo sa loob ng bulletproof na sasakyan. Tumitingin ako sa bintana habang umaandar ang kotse, pinagmamasdan ang tanawin ng mga bundok at kalangitan na tila tahimik ngunit puno ng tensyon.“Czedric, nakikinig ka ba?” tanong ni Marco na nasa tabi ko at mukhang seryoso.“Ha?” sagot ko habang umiwas ng tingin mula sa bintana.“I said,” ulit niya, “Raegan and Jonas are practically on their knees. Ilang linggo nang umaatras ang mga tauhan nila. Hindi ko alam kung anong mas nakakainis—ang mga taong sumuporta sa kanila pero bigla na lang bumaliktad, o ang katotohanang matagal bago nangyari ito.”Napatingin ako kay Marco. Kita sa mukha niya ang bahagyang saya, pero mas nangingibabaw ang pagod.“Takot na silang madamay,” dagdag niya. “Sino ba naman ang hindi matatakot, eh halos ubos na ang mga tauhan nila dahil sa atin?”Ang mga huling linggo ay parang mahabang
Everisha POV Pagkatapos ng matagumpay naming misyon, ramdam ko ang gaan ng paligid habang naglalakad pabalik ng villa. Parang ang bigat ng buong happn ay biglang nawala, at kahit pagod ang katawan namin, masaya ang puso ko. Pagdating namin sa bahay, sinalubong kami nina Mama at Papa sa hardin ng villa. Ang bango ng litson ang unang tumama sa ilong ko, kasunod ang halimuyak ng iba’t ibang pagkain na nakahain sa mesa. Siguradong nabalita na agad sa kanila nila Marco o Czedric ang nangyari kaya masarap ang hapunan namin. “Naghanda kami ng kaunting salo-salo para sa inyo,” sabi ni Papa habang yakap-yakap ako. “Deserve niyong lahat ang masarap na hapunan.” Napangiti ako habang tinitingnan ang bawat isa sa amin. Ang tagumpay ng laban ay hindi lamang dahil sa galing ng isa, kundi dahil sa sama-sama naming pagkilos. Sa ilalim ng mga ilaw na nakasabit sa paligid ng hardin, umupo kami sa isang mahabang mesa. Ang tunog ng mga halakhak at kwentuhan ay sumasabay sa kaluskos ng mga dahon na hin
Czedric POVPagdating namin sa hideout ng mga assassin na tauhan ni Raegan, hindi ko maiwasang makaramdam ng tensyon. Hindi dahil sa naduduwag kundi dahil inaalala ko pa rin si Everisha. Iniisip ko kung kaya ba niya talaga?Kahit pa sinasabi ni Marco na hindi pa bihasa ang karamihan sa kanila, hindi ko kayang mag-relax. Masyadong mahalaga ang laban na ito. Isa itong hakbang para maubos na ang mga tauhan ni Raegan na patuloy na nagpapahirap sa amin.Lahat kami ay nakasuot ng maskara, bawat isa sa amin handa nang kumilos. Ang bawat galaw namin ay planado. Si Marco ang nanguna, sinusuri ang paligid. Si Edric, laging nasa tabi ni Everisha, tila ba personal niyang misyon na protektahan ito anuman ang mangyari. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko na alam kung ang tensyon ba ng laban o ang selos ang bumabagabag sa akin. Pero misyon ko rin na tignan din sa lahat ng oras si Everisha para ma-protektahan din siya.Pinasok namin ang hideout mula sa gilid, sa isang sirang pader na hindi nila nabigy
Everisha POV Isang maaliwalas na umaga ang bumungad sa amin sa villa. Kakatapos ko lang mag-almusal at nagdesisyon akong magpunta sa garden para magpaaraw. Ako ang naunang nagising kaya ako na rin ang nagpasyang magluto ng almusal. May mga stock na kami kasi ng pagkain dahil namilo na kagabi sina Marco at Czedric. Nagluto ako ng fried rice at tapa. Nagluto na rin ako sarsiadong tilapia kasi nami-miss ko na ‘yun. Nagagawa ko tuloy gumawa sa kusina dahil wala kaming kasambahay ngayon sa villa. Natututo kami ngayong kumilos ng walang mga alalay at para sa akin, okay lang kasi minsan ay maganda na may ginagawa kami sa bahay. Nakaka-stress lang ang mga naiwang trabaho sa mga company namin kasi gabi-gabi, kausap namin ang mga executive assistant at mga secretary namin para asikasuhin muna ang lahat habang nagtatago kami. Pagkaluto, nauna na akong nag-almusal kasi hinahabol ko ang unang sikat ng araw. Kailangan kong maging malakas kasi may labanan na magaganap mamayang hapon. First sabak k
Czedric POVAng hapon ay punong-puno ng tensyon sa villa nila Everisha. Sa pagdating ni Marco, bitbit ang bagong balita tungkol kay Raegan at Jonas, ramdam ko na parang bumigat pa ang sitwasyon. Habang nakaupo kami sa malaking mesa sa sala, inilatag ni Marco ang bawat detalye ng kanyang nalaman."Raegan's men are growing in number," sabi ni Marco, seryoso ang mukha habang iniisa-isa ang impormasyon na nasagap niya. "They’re no longer just fifty. There are seventy assassins being trained in one of their hideouts. If we wait too long, they’ll be unstoppable."Napatingin ako kay Marco habang ramdam ang bigat ng binitawan niyang balita. Alam kong tama siya. Hindi puwedeng patagalin pa ang sitwasyong ito. Kailangan nang madaliin ang lahat kasi masyado nang marami ang nadadamay.“Kailangan natin silang sugurin bago pa sila maging mas malakas,” sabi ni Edric na malalim ang boses niya na tila ba naghahanda na para sa laban.Napatingin kami kay Tito Everett at sa kanyang asawa. Alam naming lah
Czedric POVSa paglapit ko sa gate ng villa, damang-dama ko ang kaba sa aking dibdib. Ang pamilyang Tani—sina Everisha, ang kanyang mga magulang, at isa pang lalaking hindi ko pa kilala—ay nakatayo sa may pintuan, halatang inaabangan ang pagdating ko. Ang kanilang mga ngiti ay tila isang malugod na pagtanggap sa akin, pero may kung anong kakaiba sa presensya ng lalaking kasama nila.Habang papalapit ako, mas nagiging malinaw ang mga detalye ng mukha niya. Bigla akong napatigil sa paglalakad. Tumigil din ang mundo ko sa isang iglap. Ang mga mata niya, ang kanyang postura at ang kanyang ekspresyon—parang pamilyar lahat ng iyon sa akin.“Edric?” mahinang tanong ko na halos hindi ko marinig ang sarili ko.Hindi siya sumagot agad. Sa halip, tumitig siya sa akin, na parang iniisip kung dapat ba niyang kumpirmahin ang hinala ko.Nang makita ko siyang bahagyang tumango, parang may kung anong sumabog sa loob ng dibdib ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Ang mga luha ko ay kusang bumagsak
Czedric POVPagmulat ko ng mata, ramdam ko ang katahimikan sa buong paligid. Ang tunog ng mga ibon sa labas ng bintana ang nagsilbing alarm clock ko, at ang malamig na hangin ng umaga ang bumati sa akin. Nasa farm pa rin ako, at tulad ng dati, tila ang kalikasan ang nagbibigay ng sigla sa akin tuwing umaga.Agad akong bumangon mula sa simpleng banig na inilatag ko kagabi. Sa pagtingin ko sa paligid, napansin kong wala na si Marco. May iniwan siyang sulat sa lamesa na agad kong binuksan.Czedric,Maaga akong umalis. Pinatawag kami ni Raegan. Kailangan kong pumunta para mangalap ng impormasyon. Bantayan mo ang sarili mo habang wala ako. Balik ako agad kapag may nakuha akong balita.—MarcoNapabuntong-hininga ako matapos basahin ang sulat. “That guy never rests,” bulong ko sa sarili ko.Bagama’t sanay na akong mag-isa, iba pa rin ang pakiramdam na wala si Marco sa paligid. Isa siya sa mga pinakakatiwalaan kong tao, at alam kong malaki ang ginagampanan niyang papel sa laban namin.Dahil w