Everisha’s POVHabang iniinom ko ang sabaw ng buko na hinanda ni Czedric, napansin ko ang simpleng ngiti niya habang abala sa pag-aayos ng mga halamang ugat na tinanim niya malapit sa kubo. Ilang araw na rin mula nang ma-stranded ako rito, at kahit paano, nasasanay na rin ako.Pero may isang bagay na hindi ko kayang tiisin, ang diet ko na puro prutas at gulay.“Czedric,” bungad ko habang pinagmamasdan siyang nagkakalikot ng palakol na gawa sa matibay na kahoy at talim ng bato.“Yes?” tanong niya nang hindi man lang nilingon, abala kasi ito sa ginagawa niya.“Do you think we can eat something else? Like… meat or fish?” diretsahan kong tanong habang nakapamewang, umaasang makukuha niya ang ibig kong sabihin.Napatingin siya sa akin habang bahagyang nakakunot ang noo. “You’re tired of fruits already?”Tumango ako. “Yes, and the leaves. I feel like a goat,” sagot ko sabay kindat para medyo mas magaan ang dating. Pero seryoso ako! Kung makakain lang siguro ako ng chicken drumstick o kahit a
Everisha’s POVMaagang-maaga pa lang ay gising na ako. Wala akong orasan, wala na rin kasing battery ang phone ko kaya hindi na magamit. Tinignan ko ang kalangitan paglabas ko ng camping tent ko, sa tingin ko ay baka alas singko at ala sais palang ng umaga. Medyo mahimbing pa ang tulog ni Czedric sa maliit na kubo niya. Naisip ko, bakit hindi ko naman siya gulatin ngayong umaga? Palagi na lang siyang ang bida sa mga survival adventures namin. Ngayong umaga, ako naman. Kahit baguhan ako, alam kong kaya kong magpakitang gilas sa kaniya.Hindi na rin ako nakakapag-gym kaya iisipin kong ito na lang ang exercise ko ngayong umaga.Habang inaayos ko ang buhok ko gamit ang daliri at kinukuha ang tsinelas na ipit-ipit ng tent ko, biglang pumasok sa isip ko: Ano kayang pakiramdam ng makahuli ng isda? Kaya ko kaya?Umalis na ako sa kubo at camping tent ko para pumunta sa target ko, pagdating doon, nakita ko ang maliit na ilog malapit sa waterfalls. Ang linaw ng tubig, at kitang-kita ko ang mga i
Czedric’s POVNapansin kong kanina pa nagrereklamo si Everisha tungkol sa likod niyang masakit dahil sa tent na laging ang lupa lang ang sapin. Natural lang naman, hindi siya sanay sa ganoong kondisyon. Kaya naisip kong ipakita sa kaniya ang isang bagay na siguradong ikakabilib niya, ang paggawa ng banig.Nang dumating ang oras ng hapon, sinama ko siya sa isang bahagi ng bundok kung saan tumutubo ang puno ng buri. Ang mga dahon nito ang ginagamit ko para gumawa ng banig.“Czedric, what are we doing here?” tanong ni Everisha habang iniangat ang kamay niya para protektahan ang mukha niya mula sa mga sanga. “Don’t tell me you’re going to make me climb that tree.”Tumawa tuloy ako. Mainam talaga na umaalis kami sa kubo para makapaglibang, nang hindi rin siya nalulungkot. “Relax. Hindi ka naman kailangan umakyat. Ako na bahala. Panoorin mo lang ako para matuto ka.”Tinuro ko ang mga dahon ng buri na mataas at malalapad. Tumalon ako, hinila ang isa at mabilis na pinutol ito. “Ganito lang ‘y
Czedric’s POVMainit ang tanghali nang bumalik ako sa kubo dala ang ilang sanga’t kahoy na gagamitin para sa bonfire mamayang gabi. Nakasanayan at gusto kasi ni Everisha na bago kami matulog, nagpapa-init kami sa bonfire, para na rin may liwanag sa paligid kapag gabi.Pero nang makarating ako ulit sa kubo, napansin kong wala si Everisha.“Where is she this time?” tanong ko sa sarili ko habang iniayos ang mga kahoy. Tumingin-tingin ako sa paligid ng kubo. Wala.Bigla kong naisip, baka nasa ilog siya. Lately, mukhang paborito niyang tambayan iyon, lalo na’t malapit lang sa waterfalls.“She’s probably fishing again,” bulong ko habang natatawa na para bang naging favorite na niya ang isda.Kung ganoon nga, siguradong magkakagulo na naman ang mga isda sa kakulitan niya.Dahan-dahan akong naglakad papunta sa ilog, iniisip na baka magulat siya kung bigla akong sumulpot agad. Nagdala pa ako ng mga puno’t baging, baka sakaling kailanganin namin mamaya sa campfire.Pagdating ko malapit sa ilog,
Everisha’s POVMaaga akong nagising nang umagang iyon. Hindi pa rin ako sanay sa ingay ng mga kuliglig at huni ng ibon, pero today, tila stress ako sa pag-aakalang totoo ang panaginip ko, akala ko totoong nakauwi na ako. Akala ko totoong nasa kuwarto na ako, nakahiga sa malambot na kama, akala ko totoong nasa dining area na kami ng mansiyon at kumakain ng maraming masasarap na pagkain.Napabuntong-hininga na lang ako. Sa tingin ko, parang bumabalik sa dati ang sakit kong ‘yon, pero dahil sanay na ako, alam ko na kung paano ito mawawala. Gagawa ako ng paraan para mawala ito.Paglingon ko, napansin kong wala si Czedric sa kubo niya.“Hmm, probably off hunting again,” bulong ko habang nag-aayos ng buhok.Paglabas ko ng tent, naglakad-lakad ako, naisip kong kilalanin ang ibang lugar dito, habang naglalakad ako, tumambad sa akin ang mga ligaw na bulaklak na nagkalat sa gilid ng daan. May dilaw, pula, at lila. Maliliit man ang iba, sobrang ganda naman nilang pagmasdan. At sa tingin ko, naka
Everisha’s POVHabang nakaupo kami sa mahabang bangko sa labas ng kubo, tahimik naming nilalantakan ang nilagang kamote na bagong hango sa apoy. Dati, ayoko sa ganitong pagkain, pero nung masanay ako, masarap pala. Kahit walang asukal, masarap siya kasi natural na matamis ang kamote. ‘Yun nga lang, mamaya, mag-uutot na naman ako.Ang tunog ng mga ibon sa malapit at ang malamig na ihip ng hangin ang nagbigay ng aliwalas sa hapong iyon, pero ramdam kong may bumabagabag kay Czedric.Kagat-kagat ko ang kamote nang magsalita ako.“Czedric,” bungad ko, tinitigan ko siya habang abala siyang ngumunguya. “Have you ever thought about taking back everything that was stolen from you?” kasi kung magaling siyang mag-english, hindi rin talaga maikakaila na galing siya sa mayamang pamilya.Tumingin siya sa akin habang ang mga kilay niya ay bahagyang nagtaas. “What do you mean?”“I mean,” sabi ko at saka binaba ang hawak kong kamote. “What if someone helps you? Someone who knows how to fight, someone w
Everisha’s POVTanghali na ako nagising, siguro dahil ay napagod ako sa pagtatanim kahapon ng mga bulaklak.Habang gumagawa ng maiinom si Czedric, kumuha ako ng panguhan ng tubig para magdilig ng mga bulaklak na tinanim ko. Kahit medyo malayo ang ilog, ayos lang, inisip ko na nag-e-exercise na lang ako. Pagkatapos kong magdilig, halos tagaktak ang pawis ko, pero okay lang kasi nakita kong sumigla lalo ang mga tanim naming bulaklak dito.Naglaga ng saging na saba si Czedrick at saka siya gumawa ng salabat o ‘yung pinakuluang luya. Habang tumatagal, nasasanay na ako sa mga kinakain namin dito. Ayos lang, ang mahalaga naman ay nakakakain kami minsan ng karne at isda. At lahat ng ito ay libre dito sa bundok. Hindi kailangan dito ng pera para mabuhay, ang kailangan ay tiyaga at ang galing kung paano ka makakahanap ng pagkain.Habang umiinom ako ng mainit na salabat na gawa ni Czedric, naglaro ang imahinasyon ko sa iba’t ibang aktibidad na puwede naming gawin ngayong araw para lang hindi ma
Everisha’s POVTuyo na ang banig na ginawa ni Czedric para sa akin, at nang makita ko ito, hindi ko maiwasang mapangiti. Ang ganda ng pagkakagawa niya—mukhang matibay at ang disenyo ay simple lang pero ginawa niyang parang elegante. Nang ilatag ko ito bilang sapin sa loob ng tent ko, saktong-sakto ang sukat. Ang galing niya talaga.“This is perfect!” bulalas ko habang inaayos ang kumot sa ibabaw ng banig. “You really know your craft, Czedric.”Napadaan siya sa harap ng tent habang bitbit ang ilang tuyong kahoy na gagamitin sana niya para sa bonfire mamaya. Saglit siyang tumigil at tumingin sa akin.“Of course, I do,” sagot niya habang bahagyang nakangiti. “But I’m glad you like it.”Matapos kong ayusin ang tent, napansin kong parang inaantok si Czedric. Nakaupo siya sa harap ng kubo na tila nawalan ng gana sa ginagawa niya. Lumapit ako at tumabi sa kaniya.“Hey, are you okay?” tanong ko habang nakatingin sa kaniya.Umiling siya nang mahina. “Not really. I think I’m coming down with a
Czedric’s POVMaagang-maaga pa lang, halos hindi ko pa nga naaayos ang sarili ko nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto ko.“Czedric!” Sigaw ni Tito Everett. Galit na galit ang boses niya at ramdam ko agad na may mabigat siyang pakay. Hindi ito ang normal na si Tito Everett na palaging kalmado at maayos magdala ng emosyon.Napamulagat ako at halos mahulog sa kama. "T-Tito? Anong nangyari?" tanong ko kahit alam ko na kung ano ang tinutukoy niya.“You joined a singing contest?” aniya, na halos bumalot sa buong silid ang boses niya.Napabuntong-hininga ako, hindi alam kung paano magsisimula. Pero bago pa ako makapagsalita, bigla niyang isinara ang pinto at tumayo sa harapan ko.Alam ko na agad, siguro nga ay tama ang hinala ko. Nasabi na agad ni Everisha sa kaniya ang nangyari sa singing contest kagabi.“Do you realize what you’ve done, Czedric? Hindi ba’t malinaw ang sinabi ko? No public appearances. No unnecessary risks. Pero sumali ka sa isang singing contest! Sa public stage pa ta
Everisha’s POVPagkarating ko sa mansiyon, ramdam ko ang pagod mula sa buong araw na pag-judge sa singing contest. Hindi ko naman talaga balak sumali sa ganitong aktibidad, pero nang mag-text ang dati kong kaklase na si Claire, hindi ko siya matanggihan.“Ikaw lang ang naisip kong pinaka-credible," sabi niya. At dahil iyon ang unang beses na may tumawag sa akin na "credible," pumayag na rin ako.Isa pa, nag-donate na rin ako ng mga makeup product ko para sa mga taong mananalo o sa sasali kaya tuwang-tuwa ang kaklase ko.Hindi ko akalaing ang simpleng contest na iyon ang magpapabalik ng isang taong gumugulo sa isip ko nung nakaraan pa.Pagpasok ko sa kuwarto, ibinagsak ko ang bag ko sa gilid at naupo sa kama. Napatingin ako sa malaking salamin sa harap ng vanity table ko. Kakaibang ngiti ang bumungad sa akin—isang ngiti na parang may halong kaba at ligaya.Kanina, habang nasa panel ng judges, nagulat ako nang tawagin ng emcee ang pangalan ng susunod na contestant.“Next contestant, CD
Czedric’s POVHabang nagtitipon kami sa mahabang hapag-kainan ng mansiyon, ramdam ko ang init ng samahan. Si Tito Everett ang nagplano ng salo-salo, kasama sina Tita Marie at Tita Jaye, para raw may makasama akong kumain paminsan-minsan. Isang simpleng dahilan, pero alam kong nasa likod noon ang kagustuhan nilang iparamdam na may pamilya pa rin ako kahit wala na sina Mama, Papa at mga kapatid ko. Ayos na nga sana, kaya lang dapat sinasama na nila dito si Everisha. Pero alam kong bawal at ayaw ni Tito Everett na madamay si Everisha sa gulong mayroon ang buhay ko.Masaya ang hapunan—mga kuwento, tawanan, at usapan tungkol sa mga nagiging progreso ko sa training.“So, Czedric,” simula ni Tito Everett habang hinihiwa ang steak sa plato niya. “How’s your stamina training going? Kaya mo na bang maglakad ng tatlong oras straight sa bundok?”Nung ihatid ko kasi si Everisha sa ibaba ng bundok, talagang every one hour at humihinto kami. Mahirap kasi, nakakahingal at sobrang nakakapagod. Lalo na
Czedric’s POVNang dumating ang message ni Everisha sa cellphone ko, napako ako sa kinatatayuan ko. Paulit-ulit kong binasa ang mga salita niya. “Hi. I noticed you liked my photo. May I ask, are you Czedric Borromeo? Have you come down from Abula-Bula Mountain?”Aksidente lang iyon—isang pagkakamali na tila nagbigay ng daan para makausap ko siya, kahit papaano. Mabuti na lang talaga at hindi ko nilagay ang buong pangalan ko at ng picture ko rin. At least, kahit pa paano ay hindi siya sure na ako nga ito. Pero magaling siya kasi nahulaan niya agad na ako ‘to. Minsan, naiisip ko tuloy na mukhang miss na miss na niya talaga ako. Eh, sino nga bang hindi, ako nga nung makita siya sa event sa bahay nila ay maluha-luha ako sa tuwa kasi sa wakas ay nakita ko na siya ulit.May kakaibang saya sa puso ko. Sa dami ng pinagdaanan ko, hindi ko inaasahan na magkakaroon pa ako ng pagkakataong maramdaman ito muli—ang koneksyon ko kay Everisha.Pero alam ko sa sarili ko na hindi ko pa puwedeng sabihin
Everisha’s POVSa mga ordinaryong araw ko bilang CEO ng M&E Cosmetic Company, halos lagi kong nakakayang mag-multitask. Sa dami ng kailangang asikasuhin—meetings, financial reports, at mga bagong produktong kailangang aprubahan—nasasanay na akong mag-manage ng lahat ng iyon nang walang sagabal. Pero ngayon, tila hindi ko magawang mag-concentrate.Habang sinisilip ko ang aking social media account sa pagitan ng isang proposal review, napansin kong may nag-like ng isang lumang litrato ko. Simpleng candid shot iyon na kuha nung nakaraang event sa mansiyom. Pero ang pangalan ng nag-like ang kumuha ng atensyon ko: CD Borromeo.Agad akong naintriga. CD Borromeo? Wala akong ibang kilalang Borromeo maliban kay...“Si Czedric?” bulong ko sa sarili ko habang binubuksan ang profile ng taong ito.Pagbukas ko, nagulat ako. Walang kahit anong post, walang profile picture, walang anumang impormasyon. Parang isang ghost account. Pero ang initials na CD, at ang apelyidong Borromeo ay tila may ibig sab
Czedric’s POV Pinunasan ko ang pawis sa noo ko, habang ramdam ko pa rin ang pagod mula sa unang bahagi ng training. Kahit medyo makulimlim ang araw, pakiramdam ko ay para akong nasa ilalim ng tirik na araw. Ngayon, iba ang kasama kong nagtuturo sa akin— si Tita Jaye, ang bestfriend ng mama ni Everisha. Ibang klase siya sa unang tingin pa lang. Mukhang seryoso ang masungit, pero nung lumaon, mukha namang mabait. “Alright, Czedric,” sabi niya habang hawak ang isang itim na Glock. Tumayo siya sa harapan ko, maliksi ang kilos niya kahit halatang sanay sa ganitong sitwasyon. “Have you ever held a gun before?” “Not really,” sagot ko habang pilit na hindi ipakita ang kaba sa boses ko. “Good. That means you’re a blank slate,” dagdag niya sabay tingin nang direkta sa akin. Para bang binabasa niya ang iniisip ko. “First rule of using a gun: respect it. It’s not just a weapon—it’s a responsibility. Kapag hawak mo ‘to, buhay ng iba ang nasa kamay mo.” Tumango ako habang pilit na inuunawa a
Czedric’s POVSa totoo lang, hindi ko inaasahan na ganito katindi ang mararamdaman ko. Matagal na akong hindi nakakaramdam ng selos, pero ngayon, heto para akong na-broken bigla. Basta, masakit, mabigat, at parang sinasakal ako. Habang nakikita ko si Everisha na yakap-yakap ng isang lalaki, para bang binagsakan ako ng langit at lupa. Sino siya? At bakit ganoon sila ka-close?Hindi niya nabanggit na may boyfriend na siya. Kung makayakap pa ito sa kaniya ay parang na-miss niya ng husto si Everisha. Tinignan ko si Everisha, kitang-kita ko ang masayang pagngiti niya rito na parang natuwa rin siya na nakita niya ang lalaking ‘yon.“Hindi puwede ito,” bulong ko sa sarili ko habang pilit kong pinipigilan ang sarili kong lumapit sa kanila. Pero ano ang magagawa ko? Pinangakuan ko si Tito Everett na hindi ko dapat ilalagay sa alanganin ang kasunduan namin. Kaya imbes na makialam, pinili kong umalis na lang.Pinaandar ko ang motor ko at mabilis na umalis mula sa mansiyon nila Everisha. Hindi ko
Everisha’s POVKanina pa ako rito sa may garden, nakatingin sa mga bulaklak habang hinihintay sina Ada, Rica at Piyel. Magpi-picture-an daw kasi kami dito, kaya lang ang tatlo, nasa powder room, nagre-retouch ng mga mukha kaya sinabi kong hintayin ko na lang sila at mauna na ako rito sa garden.Sa gitna ng kasiyahan sa wedding anniversary ng mga magulang ko, hindi ko maiwasang mapansin ang isang lalaking nakaupo sa may garden namin. Simple ang kasuotan niya—isang itim na jacket, cap, at face mask. Nakaupo siya sa isang sulok, tila iniwasan ang mataong bahagi ng selebrasyon.Agad akong nagtaka. May kung anong pamilyar sa tindig niya, sa paraan ng kanyang pagkilos habang bahagya siyang nakayuko, para bang ayaw makihalubilo. Sino kaya siya? At bakit parang may malapit na koneksyon siya sa akin?Habang iniisip ko ang sagot, biglang parang hinihila ang mga paa ko papalapit sa kaniya. Gusto ko siyang lapitan, makausap, alamin kung sino siya. Pero bago pa ako makalapit sa kanya, may biglang
Czedric’s POVNagulat ako nang biglang dumating si Tito Everett sa mansiyon. Hindi ito madalas pumunta rito kasi busy siya sa work niya, kaya alam kong may mahalaga siyang sasabihin. Nang ngumiti siya sa akin, ramdam ko na parang may magandang balita siyang dala.“Czedric, I have a proposition for you,” bungad niya. Tumayo ako mula sa aking kinauupuan at magalang na tumango.“Yes po, Tito Everett?” tanong ko.Inilapag niya ang hawak na folder sa lamesa at tumingin sa akin nang seryoso. “It’s our wedding anniversary today. Misha and I want you to join us at home. But there’s one condition—you must not let Everisha recognize you.”Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko inaasahan na bibigyan niya ako ng pagkakataong makapunta sa bahay nila. “Really? I can see Everisha?”Tumango siya pero mabilis na nagdagdag ng paalala. “Yes, but only from a distance. No removing your face mask or cap, kahit nasa loob o labas ka ng bahay. Understood?”Sa kabila ng mahigpit na kondisyon, hindi ko mapigilang ma