Everisha’s POVTuyo na ang banig na ginawa ni Czedric para sa akin, at nang makita ko ito, hindi ko maiwasang mapangiti. Ang ganda ng pagkakagawa niya—mukhang matibay at ang disenyo ay simple lang pero ginawa niyang parang elegante. Nang ilatag ko ito bilang sapin sa loob ng tent ko, saktong-sakto ang sukat. Ang galing niya talaga.“This is perfect!” bulalas ko habang inaayos ang kumot sa ibabaw ng banig. “You really know your craft, Czedric.”Napadaan siya sa harap ng tent habang bitbit ang ilang tuyong kahoy na gagamitin sana niya para sa bonfire mamaya. Saglit siyang tumigil at tumingin sa akin.“Of course, I do,” sagot niya habang bahagyang nakangiti. “But I’m glad you like it.”Matapos kong ayusin ang tent, napansin kong parang inaantok si Czedric. Nakaupo siya sa harap ng kubo na tila nawalan ng gana sa ginagawa niya. Lumapit ako at tumabi sa kaniya.“Hey, are you okay?” tanong ko habang nakatingin sa kaniya.Umiling siya nang mahina. “Not really. I think I’m coming down with a
Czedric’s POVMukhang gumana talaga ang tsaa mula sa dilaw na luya na pinakuluan ni Everisha kahapon kasi maayos na maayos na ang pakiramdam ko ngayon.Napabuntong-hininga ako habang nakahiga pa rin sa banig. Isang bagay ang tumatak sa isip ko habang pinapanood kong abala siya sa pag-aayos sa harap ng tent niya—hindi ko na kayang magkunwari pa. Natauhan ako nung makita ko kung gaano kabuti ang puso niya habang inaalagaan ako kahapon. Lalo na nung kumbinsihin niyang isama na sa kanila at tutulungan akong makaganti sa mga kalaban ko. Kahit kakakilala palang niya sa akin, handa siyang tumulong. Naisip ko tuloy, paano kung masamang tao ako, paano kung gawan ko siya ng masama, madali siyang mauto at maloko. Iyon ang kahinaan ni Everisha, masyado siyang mabait.“Good morning,” ako ang unang bumati nang makita kong lumabas na siya sa camping tent niya.“Good morning,” matamlay naman niyang sagot habang humihikab pa.Habang nakaupo kami sa isang malaking bato at tinatapos ang aming agahan, na
Czedric’s POVHabang iniihaw ko ang mga nahuling isda kahapon at niluluto ang nilagang gulay, tumambad sa akin si Everisha mula sa camping tent niya. Nakasuot siya ng simpleng T-shirt at shorts, mukhang handa na sa mahabang lakad na haharapin namin mamaya.“Good morning, Czedric,” bati niya habang nag-iinat at lumapit sa akin.“Good morning,” sagot ko habang iniaabot ang tasa ng mainit na tsaa. “I cooked some fish and vegetables. Let’s eat so we can leave early.”Umupo siya sa tabi ko at tahimik kaming kumain habang ang langit ay nagsisimula nang magkulay-kahel. Alam naming pareho na ito na ang huling umaga namin na magkasama dito sa bundok, pero wala ni isa sa amin ang naglakas-loob magsalita tungkol doon.Pagkatapos magligpit, nagsimula na kaming maglakad. Ang bundok ay puno pa rin ng hamog, at ang malamig na hangin ay parang nagbibigay ng paalala na malulungkot na ako bukas kasi wala na si Everisha, uuwi na siya sa kanila. Mag-isa na naman akong mamumuhay sa tuktok ng bundok na ‘to.
Everisha’s POVPagdilat ng mga mata ko, wala na si Czedric sa tabi ko. Sobrang tahimik na ng paligid, tanging ang huni ng mga ibon at ang hangin na dumarampi sa aking mukha ang naririnig ko. Tumagilid ako at tiningnan ang buong paligid, naghanap ng kahit anong senyales na baka nandiyan pa siya. Pero wala. Ni isang bakas ng kaniyang mga galos o mga gamit na iniwan ay wala na talaga. Tumayo ako ng mabilis, tumakbo sa paligid at saka siya tinatawag.“Czedric! Czedric!” sigaw ko habang nanginginig ang boses ko. Pero walang sumasagot. Para akong nawawala sa isang mundo kung saan ako lang ang natira.Tumigil ako habang ang mga luha ko ay kusa na lang pumatak. Naiyak ako nang husto. Sa kabila ng lahat ng nangyari sa amin, sa kabila ng pagkakasama namin sa bundok, hindi ko pa rin kayang tanggapin na hindi ko siya napilit na sumama sa akin. Lalo na ngayong nagsimula ko nang malaman na hindi lang siya basta isang tao sa buhay ko. May mga bagay na hindi ko maamin sa sarili ko—pero sigurado ako,
Czedric’s POVNung magising ako nang umagang iyon, akala ko ay pareho lang ng mga ibang araw. Ang hangin, ang tahimik na paligid, ang mga huni ng ibon. Pero nang dumilat ang mga mata ko, agad na sumingit sa aking isipan ang isang pangalan: si Everisha.“Good morning, Everisha,” hindi ko naiwasang masabi, kahit na ako lang mag-isa na lang ako rito sa bundok ngayon. Tumahimik ako nang ilang segundo, at sa puntong iyon, tumigil ang lahat. Ang katahimikan ay sumapaw sa aking buong katawan nang maalala kong wala na nga pala talaga si Everisha sa bundok na ito. Bigla akong tumigil sa kinatatayuan ko, napakamot sa ulo, at nag-isip, siguro ay masaya na siya ngayon kasi masarap na ang tulugan niya, baka nga pag-uwi niya kahapon sa bahay niya ay masasarap na pagkain na ang kinain niya.Minsan, parang ang hirap tanggapin na hindi ko na siya kasama. Tanging ang amoy na lang ng kagubatan at ang malamig na hangin ang sumasalubong sa akin ngayon dito. Wala nang sasagot ng good morning sa akin. Wala
Everisha’s POVSa wakas, hindi na malamig na lupa ang hinihigaan ko. Hindi na kailangan ng makapal na kumot o makiramdam sa bawat kaluskos ng kalikasan. Nandito na ako ngayon sa kuwarto ko, sa malambot at malaki kong kama. Naka-aircon, presko ang paligid, at sobrang luwag pa. Para akong nasa ulap habang nakahiga, tulog na tulog, at para bang binubura ng bawat pahinga ko ang lahat ng pagod ko mula sa bundok.“Good morning, Everisha,” bati ng yaya ko nang maamoy ko ang mabangong aroma ng kape at bagong lutong sinangag. Bumaba ako ng hagdan, suot pa ang aking silk na pajama. Nagulat ako sa dami ng pagkain sa mesa—fried rice, tapa, itlog, at mga sariwang prutas. Napangiti ako habang tinitingnan ang mga masasarap na pagkain na nakahanda.Hindi ko napigilang mapabuntong-hininga. “Wow, I missed this. Kanin at masasarap na ulam. Salamat, Yaya!”Habang kumakain, inisip ko ang mga nakalipas na araw. Hindi ko pa rin makalimutan ang simple ngunit nakakabusog na almusal na niluto ni Czedric—mga nah
Everisha’s POVHindi ko akalaing magiging simula ng isang malaking palaisipan ang araw na ito. Pagkagising ko pa lang, abala na ang papa ko, si Papa Everett, sa opisina sa bahay namin. Nagulat pa nga ako nang tawagin niya ako habang nagkakape ako sa sala.“Everisha, I need to ask you something about the guy who helped you in the mountains,” sabi niya habang seryosong-seryoso siya..Napakunot ang noo ko. “Why, Pa? What’s wrong?”“I just got curious. You said this man practically saved your life. What’s his name again?” tanong niya.Naalala ko ang pangalan ni Czedric. Para bang nakatatak iyon sa isip ko mula nang una niyang ipakilala ang sarili niya sa akin.“Czedric Borromeo po, opo, iyon nga,” sagot ko na parang hindi pa sure. Napatingin ang papa ko sa akin na halatang nagulat. Bakit kaya?“Borromeo? Are you sure?” tanong niya ulit.Tumango ako. “Yes, Pa. Bakit?”Lumapit si Papa sa shelf sa tabi ng kaniyang mesa at kinuha ang isang lumang album. Binuksan niya ito sa isang pahina na ma
Everisha’s POVIlang linggo na ang nakalipas mula nang makabalik ako sa lungsod, ngunit hindi pa rin maalis sa isip ko ang huling sandali ko sa bundok kasama si Czedric. Paulit-ulit kong inaalala ang mga sinabi niya, ang bawat galaw niya, at ang tahimik na kumpiyansa na tila may pinapasan siyang mundo na hindi niya sinasabi.“Everisha, we’ll go back,” biglang sabi ng papa ko isang umaga habang nag-aalmusal kami.Napatingin ako sa kanya. “Really, Pa? You mean it?”Tumango siya habang may hawak na tasa ng kape. “Yes. I’ve already arranged for a private helicopter. This time, I’m making sure it’s safe and fully operational. We’re leaving tomorrow. Naisip ko kasi na payagan ka na sa gusto mong mangyari. Utang natin ang buhay mo sa kaniya kasi naligtas at nakabalik ka ng buhay nang dahil sa kaniya kaya susuklian natin iyon. Tutulungan na natin siya.”“Salamat papa, mabait na tao si Czedric. Sure akong mababaitan din po kayo sa kaniya.”Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o matakot. Na
Samira POVHalos sumisirit pa ang init ng kape nang bitbitin ko ang tray at maglakad papunta sa dining hall. Maaga pa, pero punong-puno na agad ng tao ang mansiyon. Ang ingay ng mga usapan, halakhak at pabulong na sumbatan. Nakakairita lang talaga kasi kulang na kulang ang tulog ko, kapag ganito pa naman, nakakainit talaga ng ulo. Ang bigat ng talukap ng mga mata ko at parang may humihila sa akin pababa sa bawat hakbang ko. Para akong magco-collapse, gusto ko pang mahiga talaga.“Samira,” may malamig na boses ang tumawag sa akin.Napatingin ako sa likuran ko. Si Sir Vic. Agad akong tumigil at para magalang na tumango sa kaniya. Pero sa isang iglap, bago pa ako makapag-react, hinawakan niya ang aking braso at mabilis niya akong hinila papunta sa isang sulok ng mansiyon, malayo sa ingay at mga mata ng mga tao.Nagulat ako. “Sir, bago po?”His sharp eyes bore into mine. “Did you even sleep?”Napakurap ako. Hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong niya. Halos alas tres na ng madaling
Samira POVMasyado pang maaga nang magising ako, pero hindi ito sapat para pakalmahin ang inis na nararamdaman ko sa buwisit na mayordomang ito. Halos alas-diyes na ako nagising dahil sa puyat ko dahil sa pagbabantay sa burol ng demonyitang si Donya Ria. Hindi rin naman nakapagtataka, alas tres na ng madaling araw nang tuluyan kaming makatulog ni Manang Cora. Pero ang buwisit na si Manang Luz, hindi man lang naisip na bigyan kami ng kahit kaunting konsiderasyon, hayop talaga siya. Ginising pa rin kami nang maaga, para lang siguraduhin na maghapon kaming magpapakapagod sa burol ng demonyitang si Donya Ria na wala naman akong pakialam. Kung hindi lang ako nagpipigil, baka sinapok ko na siya kanina.Tulad ng inaasahan ko, dagsa ang mga bisita sa burol ni Donya Ria. Tuloy kaming mga kasambahay sa kaliwa’t kanang pag-aasikaso sa bisita, nagpapakain, nag-aalok ng kape, nagliligpit ng mga pinagkainan. Ang ilan sa kanila, mukhang taos-pusong nagluluksa, pero alam kong karamihan ay narito lang
Miro POVPagkarating ko sa hacienda, masaya akong lumapit sa mga tito ko. May masaya kasi akong balitang kailangan sabihin sa kanila. May dala akong pizza at coffee na gustong-gusto nilang merienda.Pagpasok ko sa malaking training hall, nadatnan ko si Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryx na nag-uusap. Nang makita nila ako, agad akong sinalubong ni Tito Zuko. “Miro, anong balita?” tanong niya na tila excited akong makausap. Alam kasi nila na sa tuwing pupunta ako rito ay may mahalaga akong kailangan o mahalagang sasabihin.Ngumiti ako bago nagsalita. “Samira and I... we’re finally working together.”Napatingin sa akin ang tatlo kong tito, nagkatinginan sila na parang masaya para sa amin ni Samira.“Well, it’s about time. You two were always the strongest among our trainees,” sabi ni Tito Sorin.“That’s not all,” dugtong ko. “We killed Donya Ria.”Nagpalitan ng tingin ang tatlo at kita ko sa mga mata nila ang pagkagulat sa sinabi ko. “Are you serious? Kayong dalawa ang pumatay kay Donya
Samira POVHinihintay kong mag-umaga para mapalitan ako, pero dahil wala pa namang kailangan gawin, pumunta muna ako sa kuwarto ko para I-check ang phone ko. Tinignan ko kung may message si Miro, pero wala naman kaya mukhang wala siyang update sa akin sa ginagawa niya sa labas. Pagkatapos nun ay naglakad na ako palabas ng kuwarto at nakita kong nakaupo pala sa may lamesa si Manang Cora. Akala ko ay natulog na siya, gising pa pala. Nang makita niya ako, itinuro niya ang upuang katapat niya.“Come, sit with me,” mahina niyang sabi. Kita ko sa mata niya na inaantok na siya.Umupo ako sa tapat niya, ramdam ko ang malamig na hangin na dumadaloy mula sa bukas na aircon. Hindi niya ako agad kinausap. Sa halip, sinipat niya ako mula ulo hanggang paa, tila ba tinatantiya ang mga susunod niyang sasabihin. Hanggang sa magtanong na siya.“Ikaw ba ang may gawa nito?” tanong niya ng diretso at walang pag-aalinlangan.Napakunot ang noo ko. “What do you mean, Manang?”“Did you kill Donya Ria?”Naniga
Samira POVLahat ay abala na, lalo na kaming lahat ng mga kasambahay. Kaming lahat ang kumikilos para gawing maayos ang burol ni Donya Ria. Sa utos ni Manang Luz na mayordoma, inalis namin ang malalaking upuan at sofa sa malaking living area. Doon ilalagay ang puting kabaong na napapalibutan ng mamahaling mga bulaklak. Isang marangyang paglalagak ng isang babae na minsang naging reyna ng tahanang ito. Pero ngayon, lalamunin na ng lupa. Hanggang ilang araw na lang siyang magiging mayaman at kilala sa mundong ito, pagkatapos nun, lalamunin na siya ng lupa.Ang satisfying panuoring umiyak nila Vic, Via, Lolo Lito at Lola Emilia. Tanging si Don Vito lang ang seryoso, ni isang patak ng luha ay wala. Sabagay, bakit pa ba ako magtataka e, marami siyang babae sa buhay niya. Para ngang wala lang sa kaniya ang pagkamatay ng asawa niya, parang pabor pa sa kaniya kasi magiging malaya na siya sa pambababae niya.Tahimik akong nagtatrabaho, ngunit sa loob-loob ko, tuwang-tuwa talaga ako. Wala ni is
Miro POVNang sumagot si Samira sa video call ko, napatayo ako mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama. Hindi ko inasahan na papayag siyang makipag-video call, lalo na at hindi siya basta-basta nakikipag-usap nang ganito. Pero heto siya ngayon, nakatingin sa akin sa screen ng cellphone ko, malamlam ang mga mata pero bakas sa mukha ang saya kasi safe na siya, wala na si Donya Ria, napatay na namin ito.“Miro, I appreciate what you did,” mahinang sabi niya. “You got the job done.”Napangisi ako. First time kong marinig ang boses niya tapos nagpapasalamat pa. Sa totoo lang, napansin kong maganda pala siya kapag seryoso, hindi mataray at hindi mukhang suplada. Nakikita ko tuloy na parang mabait naman siya.“I told you, I don’t fail.” Nilapat ko ang likod sa pader ng room ko at pinaglaruan ang kutsilyong hawak ko. “Now that she’s gone, sure akong malulungkot ng husto ang demonyong si Don Vito. Pero, the question is, what’s next?”Nagtagal siya ng ilang segundo bago sumagot sa akin. “We move fo
Miro POVTanghaling tapat nang makarating ako sa condo. Wala akong klase ngayon dahil biglang kinansela ni Professor ang lecture namin, may emergency meeting daw. Sa isang banda, okay na rin. Kulang ako sa tulog. Kagabi pa ako lutang sa higaan at hindi mapakali. Siguro dahil bago pa lang ako dito sa condo at hindi pa sanay sa bagong tulugan, hindi ako nakagawa ng maayos na tulog.Humiga ako sa kama at ipinikit ang mga mata ko. Pero sa halip na antukin, nagising ang diwa ko nang patingin ko sa social media, isang malaking balita ang nabasa ko.“Donya Ria Monteverde, asawa ng negosyanteng si Don Vito Monteverde, comatose matapos ang isang aksidente sa sariling mansiyon!”Napakurap ang mga mata ko. Binasa kong muli ang balita. Nadulas daw si Donya Ria, nabagok ang ulo at ngayon ay nasa ospital, comatose.Hindi aksidente ‘to.Alam ko kung sino ang may kagagawan nito. Sure akong si Samira. Siya lang naman ang may matinding galit kay Don Vito at sa pamilya nito. Alam kong may balak siyang m
Samira POVNapuno ng sigaw ko ang buong bahay.“Help! Someone, please help!”Nagmadali akong lumuhod sa tabi ni Donya Ria, pero hindi dahil sa pag-aalala. ginagampanan ko lang ang papel ko sa palabas na ito. Sa loob-loob ko, alam kong wala nang silbi ang kahit anong gawin nila. Masyado nang maraming dugo ang umagos sa sahig.Nagsimula nang magsilabasan ang ibang kasambahay na gaya ko, ang ilan ay napatakip pa ng bibig nang makita ang duguang ulo ni Donya Ria. Ang ingay ng mga hakbang nila sa sahig ay parang dumagundong sa aking pandinig. Mabilis silang lumapit habang ang takot nila at pagkabigla ay kitang-kita sa kanilang mga mukha.“Anong nangyari?!” sigaw ni Manang Luz habang namumutla agad ang mukha.Kailangan kong lumabas na inosente ako. Sinigurado kong nanginginig ang boses ko habang sumagot. “Nadapa po siya! Papunta na siya sa kuwarto niya nang bigla siyang nadulas at bumagsak!” Tumingin ako sa kanila na parang litong-lito habang pilit pinapakita ang pekeng pagkabahala sa mata
Samira POVHindi ko alam kung anong trip ni Sir Vic at bigla niya akong pinatawag habang nag-aasikaso kami ng almusal sa kusina. Malapit na kaming matapos, pero heto ako ngayon, naglalakad papunta sa garden dahil sa utos niya na sumunod ako doon.Pagdating ko roon, may nakita akong kubo. Nakaupo si Sir Vic sa isang mahabang bangko, naka-de kuwatro at mukhang kampanteng-kampante. Nang makita niya ako, ngumiti siya.“You should rest,” sabi niya at saka tinatapik ang espasyo sa tabi niya. “You deserve it.”Napangiwi ako. Kung puwede lang siyang murahin, ginawa ko na. Alam kong nilalandi niya ako. Halata naman sa kilos niya. Pero hindi ako tanga. Hindi ako madaling madadala sa kabaitan ng mga tulad niya. Sa huli, baka kasing-demonyo lang din siya ng ama niyang si Don Vito.“I’m fine, Sir Vic,” sagot ko nang walang emosyon. “May kailangan po ba kayo?”Tinitigan niya ako. Sa unang pagkakataon, napansin ko ang linya sa pagitan ng mga kilay niya na para bang may bumabagabag sa kaniya.“Your f