Czedric’s POVHabang iniihaw ko ang mga nahuling isda kahapon at niluluto ang nilagang gulay, tumambad sa akin si Everisha mula sa camping tent niya. Nakasuot siya ng simpleng T-shirt at shorts, mukhang handa na sa mahabang lakad na haharapin namin mamaya.“Good morning, Czedric,” bati niya habang nag-iinat at lumapit sa akin.“Good morning,” sagot ko habang iniaabot ang tasa ng mainit na tsaa. “I cooked some fish and vegetables. Let’s eat so we can leave early.”Umupo siya sa tabi ko at tahimik kaming kumain habang ang langit ay nagsisimula nang magkulay-kahel. Alam naming pareho na ito na ang huling umaga namin na magkasama dito sa bundok, pero wala ni isa sa amin ang naglakas-loob magsalita tungkol doon.Pagkatapos magligpit, nagsimula na kaming maglakad. Ang bundok ay puno pa rin ng hamog, at ang malamig na hangin ay parang nagbibigay ng paalala na malulungkot na ako bukas kasi wala na si Everisha, uuwi na siya sa kanila. Mag-isa na naman akong mamumuhay sa tuktok ng bundok na ‘to.
Everisha’s POVPagdilat ng mga mata ko, wala na si Czedric sa tabi ko. Sobrang tahimik na ng paligid, tanging ang huni ng mga ibon at ang hangin na dumarampi sa aking mukha ang naririnig ko. Tumagilid ako at tiningnan ang buong paligid, naghanap ng kahit anong senyales na baka nandiyan pa siya. Pero wala. Ni isang bakas ng kaniyang mga galos o mga gamit na iniwan ay wala na talaga. Tumayo ako ng mabilis, tumakbo sa paligid at saka siya tinatawag.“Czedric! Czedric!” sigaw ko habang nanginginig ang boses ko. Pero walang sumasagot. Para akong nawawala sa isang mundo kung saan ako lang ang natira.Tumigil ako habang ang mga luha ko ay kusa na lang pumatak. Naiyak ako nang husto. Sa kabila ng lahat ng nangyari sa amin, sa kabila ng pagkakasama namin sa bundok, hindi ko pa rin kayang tanggapin na hindi ko siya napilit na sumama sa akin. Lalo na ngayong nagsimula ko nang malaman na hindi lang siya basta isang tao sa buhay ko. May mga bagay na hindi ko maamin sa sarili ko—pero sigurado ako,
Czedric’s POVNung magising ako nang umagang iyon, akala ko ay pareho lang ng mga ibang araw. Ang hangin, ang tahimik na paligid, ang mga huni ng ibon. Pero nang dumilat ang mga mata ko, agad na sumingit sa aking isipan ang isang pangalan: si Everisha.“Good morning, Everisha,” hindi ko naiwasang masabi, kahit na ako lang mag-isa na lang ako rito sa bundok ngayon. Tumahimik ako nang ilang segundo, at sa puntong iyon, tumigil ang lahat. Ang katahimikan ay sumapaw sa aking buong katawan nang maalala kong wala na nga pala talaga si Everisha sa bundok na ito. Bigla akong tumigil sa kinatatayuan ko, napakamot sa ulo, at nag-isip, siguro ay masaya na siya ngayon kasi masarap na ang tulugan niya, baka nga pag-uwi niya kahapon sa bahay niya ay masasarap na pagkain na ang kinain niya.Minsan, parang ang hirap tanggapin na hindi ko na siya kasama. Tanging ang amoy na lang ng kagubatan at ang malamig na hangin ang sumasalubong sa akin ngayon dito. Wala nang sasagot ng good morning sa akin. Wala
Everisha’s POVSa wakas, hindi na malamig na lupa ang hinihigaan ko. Hindi na kailangan ng makapal na kumot o makiramdam sa bawat kaluskos ng kalikasan. Nandito na ako ngayon sa kuwarto ko, sa malambot at malaki kong kama. Naka-aircon, presko ang paligid, at sobrang luwag pa. Para akong nasa ulap habang nakahiga, tulog na tulog, at para bang binubura ng bawat pahinga ko ang lahat ng pagod ko mula sa bundok.“Good morning, Everisha,” bati ng yaya ko nang maamoy ko ang mabangong aroma ng kape at bagong lutong sinangag. Bumaba ako ng hagdan, suot pa ang aking silk na pajama. Nagulat ako sa dami ng pagkain sa mesa—fried rice, tapa, itlog, at mga sariwang prutas. Napangiti ako habang tinitingnan ang mga masasarap na pagkain na nakahanda.Hindi ko napigilang mapabuntong-hininga. “Wow, I missed this. Kanin at masasarap na ulam. Salamat, Yaya!”Habang kumakain, inisip ko ang mga nakalipas na araw. Hindi ko pa rin makalimutan ang simple ngunit nakakabusog na almusal na niluto ni Czedric—mga nah
Everisha’s POVHindi ko akalaing magiging simula ng isang malaking palaisipan ang araw na ito. Pagkagising ko pa lang, abala na ang papa ko, si Papa Everett, sa opisina sa bahay namin. Nagulat pa nga ako nang tawagin niya ako habang nagkakape ako sa sala.“Everisha, I need to ask you something about the guy who helped you in the mountains,” sabi niya habang seryosong-seryoso siya..Napakunot ang noo ko. “Why, Pa? What’s wrong?”“I just got curious. You said this man practically saved your life. What’s his name again?” tanong niya.Naalala ko ang pangalan ni Czedric. Para bang nakatatak iyon sa isip ko mula nang una niyang ipakilala ang sarili niya sa akin.“Czedric Borromeo po, opo, iyon nga,” sagot ko na parang hindi pa sure. Napatingin ang papa ko sa akin na halatang nagulat. Bakit kaya?“Borromeo? Are you sure?” tanong niya ulit.Tumango ako. “Yes, Pa. Bakit?”Lumapit si Papa sa shelf sa tabi ng kaniyang mesa at kinuha ang isang lumang album. Binuksan niya ito sa isang pahina na ma
Everisha’s POVIlang linggo na ang nakalipas mula nang makabalik ako sa lungsod, ngunit hindi pa rin maalis sa isip ko ang huling sandali ko sa bundok kasama si Czedric. Paulit-ulit kong inaalala ang mga sinabi niya, ang bawat galaw niya, at ang tahimik na kumpiyansa na tila may pinapasan siyang mundo na hindi niya sinasabi.“Everisha, we’ll go back,” biglang sabi ng papa ko isang umaga habang nag-aalmusal kami.Napatingin ako sa kanya. “Really, Pa? You mean it?”Tumango siya habang may hawak na tasa ng kape. “Yes. I’ve already arranged for a private helicopter. This time, I’m making sure it’s safe and fully operational. We’re leaving tomorrow. Naisip ko kasi na payagan ka na sa gusto mong mangyari. Utang natin ang buhay mo sa kaniya kasi naligtas at nakabalik ka ng buhay nang dahil sa kaniya kaya susuklian natin iyon. Tutulungan na natin siya.”“Salamat papa, mabait na tao si Czedric. Sure akong mababaitan din po kayo sa kaniya.”Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o matakot. Na
Czedric’s POVAng hangin sa bundok ay malamig at presko. Tulad ng nakagawian ko, nagluluto ako ng tanghalian gamit ang maliit kong kalan. Amoy na amoy ko na ang ginisang gulay na may konting hinimay na isda, isang simpleng pagkain na naging pangkaraniwan ko na sa lugar na ito.Ilang araw na ang nakakalipas nung umalis si Everisha dito. Bawat araw, bawat gabi, nasanay na akong nagsasabi ng good morning at good night. Kahit wala na siya, para akong tanga na kapag gigising ay nagsasabi ako ng good morning, Everisha at good night, Everisha. Iniisip ko na lang na nasa tabi ko pa rin si Everisha at kasama pa rin dito sa bundok.Habang hinahalo ko ang niluluto ko, napatingin ako sa kalangitan.Isang tunog ng makina ang pumuno sa paligid—isang hindi pamilyar na ingay na tila sumira sa katahimikan ng bundok. Napalingon ako at nakita ang isang malaking helicopter na paparating.“Si Everisha,” bulong ko sa sarili ko, kasabay ng mabilis na tibok ng puso ko. Hindi ko mapigilan ang ngiti sa labi ko.
Czedric’s POVPagbukas ng malaking gate ng mansiyon, para akong napako sa kinatatayuan ko. Ang mansiyon ay hindi lang basta malaki—tila isa itong palasyo na nakatayo sa gitna ng malawak na lupain. Yes, kasing laki lang din ito ng dating bahay namin, pero masasabi kong tila mas malaki ata ang amin.May fountain sa harap at mga landscaped garden na parang hindi tinatalaban ng kahit isang dahon ng taglagas.“Czedric, this will be your home for now,” sabi ni Tito Everett habang binababa ang aking mga gamit mula sa sasakyan na tila naka-set na talagang mangyari. Nagulat ako na agad niya akong napamili ng mga damit, sapatos at kung ano-ano pang need ko. Talagang mayaman din ang pamilya ni Everisha. Nakakatuwa na naglaan talaga ang ama ni Everisha ng oras para tulungan ako.Tahimik akong tumango, ngunit sa loob-loob ko, hindi pa rin ako makapaniwala na sa dinami-dami ng nangyari sa buhay ko, magigising ako sa ganitong sitwasyon.Pagpasok namin, sinalubong kami ng malamig ngunit mabangong han
Ada POVHindi ko alam kung ilang beses na akong napagalitan nang hindi ko namamalayan. Minsan nasa mansiyon ako, minsan nasa flower farm ni Mama Franceska, pero wala talaga ako sa sarili. Para akong naglalakad sa loob ng isang panaginip na hindi ko kayang gisingin ang sarili ko.Kahit anong gawin ko, kahit anong ingay sa paligid ko, iisa lang ang umiikot sa utak ko.Ang sinabi ni Raya.Hindi pa rin ako makapaniwala na may anak na si Mishon sa iba.Parang paulit-ulit kong naalala iyon, sa isip ko, sa panaginip ko, kahit sa katahimikan ng gabi.Napansin iyon nina Mama Franceska at Papa Ronan.“A-ada, anak, are you okay?” tanong ni Mama Franceska habang tinitingnan ako habang abala siya sa mga bagong bulaklak sa farm niya.Hindi ko alam kung paano ako sasagot nang maayos. Pumupunta ako sa flower farm para kahit pa paano ay malibang ako sa mga magagandang bulaklak dito.“I’m just stressed with work. There’s too much of it, sunod-sunod po kasi, ngayon lang wala.”“Then don’t accept everyth
Mishon POVTatlong araw na ah.Tatlong araw na akong abala sa grape farms at winery na ipinapatayo ko sa Pilipinas. Tatlong araw na rin akong hindi nakakatanggap ng kahit isang message mula kay Ada.Noong una, inisip ko lang na busy siya. Alam kong marami siyang commitments, lalo na sa modeling at endorsements niya. Pero habang lumilipas ang oras, parang may bumabagabag sa akin.Hindi na ito normal.Kahit gaano siya ka-busy, lagi siyang may oras para sa akin. Kahit mabilis na tawag o isang simpleng Goodnight message sa chat, hindi siya pumapalya.Pero ngayon? Wala. Kahit isa. Kaya naman nag-aalala na rin talaga ako.Nagri-ring ang phone ko, pero hindi iyon galing kay Ada. Mabilis ko pa ring sinagot, umaasang baka may kinalaman ito sa mga negosyo ko rito."Mishon, we need your approval for the winery storage expansion."Tumingin ako sa malawak na lupain sa harapan ko, kung saan abala ang mga tauhan ko sa pagtatayo ng bagong wine storage facility."Give me the full report," sagot ko.Bi
Ada POVHabang palabas ako ng mansyon, may napansin akong babae sa tapat ng gate namin. Nakasakay na ako sa kotse ko, pero hindi ko maiwasang mapatingin sa kaniya. Tila may hinihintay siya, mukhang matagal na siyang naroon dahil panay ang silip niya sa paligid.Naawa ako. Naisip ko rin kasi na baka fan ko.Kawawa naman kung gano’n. Mainit pa naman ngayon.Kaya bago tuluyang lumayo ang sasakyan ko, pinahinto ko ito at binuksan ang bintana."Miss, may kailangan ka ba?" tanong ko nang malumanay ang boses. Mukha siyang pinay kaya nagtagalog na rin ako.Pagkakita niya sa akin, biglang nabuhayan ang mukha niya.Maganda siya. Sexy. Mukhang mabait din."Hello po. Mabuti po at nakita niyo po ako. We need to talk… about Mishon po."Nagulat ako. Agad niyang nakuha ang atensyon ko.Dapat ay papunta na ako sa shooting para sa collab project ko sa isang luxury jewelry brand, pero hindi ko magawang balewalain ang sinabi niya.Bakit tungkol kay Mishon? Pero doon palang ay may kutob na ako na baka bad
Mishon POVGabi na nang umalis ako mula sa mansyon ng Ate Everisha ko. Dapat siguro doon na lang ako natulog. Pero hindi iyon ang nangyari kasi pinilit ko pang umuwi, kahit alam kong medyo may tama na ako sa ininom kong alak.Ngayon, kung kailan nasa biyahe na ako ay saka ko nararamdaman ang epekto nito habang nagmamaneho. Yung pangingin ko ay medyo lumalabo na parang umiikot na ang paligid sa daan.Bakit ba kasi ang tigas ng ulo ko? Sana pala ay hindi na ako nagpapigil sa ate ko.Dahan-dahan na lang akong nagmaneho sa tahimik na kalsada. Kahit malabo ang isip ko, sinusubukan kong huwag masyadong bumilis ang pagda-drive para safe pa rin akong makauwi.Maya-maya, habang naka-focus ako sa pagmamaneho, biglang napadilat ako nang may makita akong dalawang motor na humarang sa harapan ko.Shit, sino ang mga ito?Dalawang lalaking naka-bonet ang bumaba mula sa motor. Hindi ko kita ang mukha nila.Shit.This doesn’t look good. Umatras ako.Buwisit, sinubukan kong umatras, pero hindi ko magaw
Ada POVHabang tahimik akong nag-aalmusal, biglang nag-echo sa buong mansyon ang sigaw ni Verena mula sa sala. Napakunot ang noo ko. Ano na namang drama nito?Mabilis akong tumayo at tinakbo ang sala habang handa sa kung anong eksena niya doon.Pagdating ko sa sala, naabutan kong nakaluhod si Verena sa harap ng laptop niya, maluha-luha na parang may pinagdarasal."Verena! What happened?!"Napatingin siya sa akin habang nanginginig ang mga kamay niya."Ate Ada… oh my God! This is it! I got the collaboration! The luxury bag deal in Paris!"Napanganga ako. Mabilis akong lumapit at sumilip sa screen niya. Binasa ko ang email at nakita kong tama nga siya. Napakalaki ng offer. Halos umabot sa milyon sa peso ang bayad para lang sa collaboration na ito."This is amazing, Verena! Congratulations!" sigaw ko habang niyayakap ko siya."Help me reply! I need to accept this now!"Tumango ako at agad kaming nagtrabaho. Ni-reply-an namin ang email, inayos ang details at siniguradong maayos ang kasund
Mishon POVPagkagising ko ng umaga, isa lang ang nasa isip ko—ang grapes farm at winery project ko dito sa Pilipinas.Handa na agad ang almusal pagkagising ko, nandoon na rin sa hapagkainan ang lahat, mabuti na lang pala at sakto lang ang gising ko.“Good morning,” bati ko sa lahat.“Aba, akala namin masasanay ka sa oras ng Paris, mabuti naman at nakasabay ka sa amin ng almusal,” sabi ni Mama Misha na una kong nilapitan para halikan sa pisngi.“Oo nga, inaasahan pa naman namin na mamayang hapon pa ang gising mo,” sabi na rin ni Papa Everett na naka-uniform na at mukhang kakain lang ng almusal at mamaya papasok na rin.“Gusto ko kasing maranasang mag-almusal kasama kayo at matagal-tagal na ulit ang uwi ko ulit ng Pilipinas,” sagot ko pagkatapos kong ikutin ang lahat para ibeso. Sina Ate Everisha at Czedric lang ang hindi bineso. Pero ang cute na si Czeverick ang pinudpod ko ng halik sa pisngi kasi napa-cute.Ang sarap kasi may mga fried pusit, fried fish at mga pinoy almusal ang nakah
Mishon POVNgayong araw na ang alis ko dito sa Paris para umuwi muna pa-Pilipinas.Ito ang unang beses na uuwi ako sa Pilipinas habang naka-stay sa Parisna, kaya excited ako pero may halong lungkot—lalo na dahil hindi ako ihahatid ni Ada sa airport."I’ll just cry if I see you leave, so I’ll stay here." ‘Yon ang sabi niya kanina habang niyayakap ako nang mahigpit.Natawa na lang ako at hinaplos ang buhok niya. "I’ll be back soon, babe. Don’t miss me too much.""No promises."Kahit hindi siya sumama sa airport, alam kong suportado niya ang pag-uwi ko. At higit sa lahat, pinagkakatiwalaan ko siya.Nakadalawa naman siya ng sunod sa akin sa kama nitong mga nagdaang araw kasi sure akong kahit pa paano ay naging masaya siya bago ako umuwi. Heto nga at parang pagod na pagod at inaantok ako, masyado si Ada. Nung masanay na siya sa pakikipaglaro sa akin sa kama, nawili na, siya pa minsan ang nag-aaya kaya natatawa na ang ako sa tuwing bigla-bigla ay mag-aaya siya.Habang wala ako, nakaatang ki
Ada POVDati, hindi ko akalain na magiging ganito kasarap ang pakiramdam ng tumulong sa iba. Ngayon, habang tinitingnan ko ang excited na mukha ni Yanna, alam kong isa ito sa mga bagay na gusto kong ipagpatuloy—ang makita ang mga pinsan kong unti-unting naaabot ang mga pangarap niya.May Nakapansin na kay Yanna, kaya masaya ako.Kahapon lang, nag-photoshoot kaming tatlo nila Yanna at Verena sa isang simpleng shoot lang na ginawa namin para magpapansin sa social media at sa mga possible endorsers.At hindi lang basta napansin si Yanna—may nag-email na mismo sa kanya!Pagdating ko sa flower farm ni Mama Franceska, nakita kong tumakbo palapit sa akin si Yanna, hawak-hawak ang cellphone niya. Kitang-kita ko ang saya sa mukha niya na parang bata na nanalo sa isang contest."Ada! Ada! Look! I got an email!" sigaw niya habang humahangos sa pagtakbo.Napangiti ako at inabot ang phone niya. Pagbukas ko ng email, nakita ko ang offer para kay Yanna.Isang shampoo brand ang gustong gawing model s
Mishon POV Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Habang nakatayo ako sa gitna ng Tani Wine Shop, napapalibutan ng mga bakanteng shelves at walang natirang kahit isang bote ng wine, nanginginig ang kamay ko—hindi dahil sa kaba, kundi sa sobrang saya. Ubos. Sold out! Halos hindi ako makapaniwala. Kanina lang, puno ang shop ng mga bisita, celebrities, wine lovers at curious customers. Siksikan. Maingay. Masaya. Lahat din ay nagkakagulo sa pagtikim. Ngayon, ay halos parang dinilaan ng sawa ang buong lugar. Wala nang laman ang mga display racks, wala nang natirang stock sa storage at kahit ang staff ko ay hindi makapaniwala. Bigla akong napahawak sa ulo at napatawa. "Oh my god… We did it," bulong ko sa sarili ko. Napatigil ang lahat ng staff ko sa ginagawa nila at napatingin sa akin. Hindi ko na napigilan—napasigaw ako sa sobrang saya. "WE DID IT!" Nagpalakpakan ang lahat, may ilan pang napatalon sa tuwa. May mga yumakap sa isa’t isa, at ang