Everisha’s POVHabang nakaupo kami sa mahabang bangko sa labas ng kubo, tahimik naming nilalantakan ang nilagang kamote na bagong hango sa apoy. Dati, ayoko sa ganitong pagkain, pero nung masanay ako, masarap pala. Kahit walang asukal, masarap siya kasi natural na matamis ang kamote. ‘Yun nga lang, mamaya, mag-uutot na naman ako.Ang tunog ng mga ibon sa malapit at ang malamig na ihip ng hangin ang nagbigay ng aliwalas sa hapong iyon, pero ramdam kong may bumabagabag kay Czedric.Kagat-kagat ko ang kamote nang magsalita ako.“Czedric,” bungad ko, tinitigan ko siya habang abala siyang ngumunguya. “Have you ever thought about taking back everything that was stolen from you?” kasi kung magaling siyang mag-english, hindi rin talaga maikakaila na galing siya sa mayamang pamilya.Tumingin siya sa akin habang ang mga kilay niya ay bahagyang nagtaas. “What do you mean?”“I mean,” sabi ko at saka binaba ang hawak kong kamote. “What if someone helps you? Someone who knows how to fight, someone w
Everisha’s POVTanghali na ako nagising, siguro dahil ay napagod ako sa pagtatanim kahapon ng mga bulaklak.Habang gumagawa ng maiinom si Czedric, kumuha ako ng panguhan ng tubig para magdilig ng mga bulaklak na tinanim ko. Kahit medyo malayo ang ilog, ayos lang, inisip ko na nag-e-exercise na lang ako. Pagkatapos kong magdilig, halos tagaktak ang pawis ko, pero okay lang kasi nakita kong sumigla lalo ang mga tanim naming bulaklak dito.Naglaga ng saging na saba si Czedrick at saka siya gumawa ng salabat o ‘yung pinakuluang luya. Habang tumatagal, nasasanay na ako sa mga kinakain namin dito. Ayos lang, ang mahalaga naman ay nakakakain kami minsan ng karne at isda. At lahat ng ito ay libre dito sa bundok. Hindi kailangan dito ng pera para mabuhay, ang kailangan ay tiyaga at ang galing kung paano ka makakahanap ng pagkain.Habang umiinom ako ng mainit na salabat na gawa ni Czedric, naglaro ang imahinasyon ko sa iba’t ibang aktibidad na puwede naming gawin ngayong araw para lang hindi ma
Everisha’s POVTuyo na ang banig na ginawa ni Czedric para sa akin, at nang makita ko ito, hindi ko maiwasang mapangiti. Ang ganda ng pagkakagawa niya—mukhang matibay at ang disenyo ay simple lang pero ginawa niyang parang elegante. Nang ilatag ko ito bilang sapin sa loob ng tent ko, saktong-sakto ang sukat. Ang galing niya talaga.“This is perfect!” bulalas ko habang inaayos ang kumot sa ibabaw ng banig. “You really know your craft, Czedric.”Napadaan siya sa harap ng tent habang bitbit ang ilang tuyong kahoy na gagamitin sana niya para sa bonfire mamaya. Saglit siyang tumigil at tumingin sa akin.“Of course, I do,” sagot niya habang bahagyang nakangiti. “But I’m glad you like it.”Matapos kong ayusin ang tent, napansin kong parang inaantok si Czedric. Nakaupo siya sa harap ng kubo na tila nawalan ng gana sa ginagawa niya. Lumapit ako at tumabi sa kaniya.“Hey, are you okay?” tanong ko habang nakatingin sa kaniya.Umiling siya nang mahina. “Not really. I think I’m coming down with a
Czedric’s POVMukhang gumana talaga ang tsaa mula sa dilaw na luya na pinakuluan ni Everisha kahapon kasi maayos na maayos na ang pakiramdam ko ngayon.Napabuntong-hininga ako habang nakahiga pa rin sa banig. Isang bagay ang tumatak sa isip ko habang pinapanood kong abala siya sa pag-aayos sa harap ng tent niya—hindi ko na kayang magkunwari pa. Natauhan ako nung makita ko kung gaano kabuti ang puso niya habang inaalagaan ako kahapon. Lalo na nung kumbinsihin niyang isama na sa kanila at tutulungan akong makaganti sa mga kalaban ko. Kahit kakakilala palang niya sa akin, handa siyang tumulong. Naisip ko tuloy, paano kung masamang tao ako, paano kung gawan ko siya ng masama, madali siyang mauto at maloko. Iyon ang kahinaan ni Everisha, masyado siyang mabait.“Good morning,” ako ang unang bumati nang makita kong lumabas na siya sa camping tent niya.“Good morning,” matamlay naman niyang sagot habang humihikab pa.Habang nakaupo kami sa isang malaking bato at tinatapos ang aming agahan, na
Czedric’s POVHabang iniihaw ko ang mga nahuling isda kahapon at niluluto ang nilagang gulay, tumambad sa akin si Everisha mula sa camping tent niya. Nakasuot siya ng simpleng T-shirt at shorts, mukhang handa na sa mahabang lakad na haharapin namin mamaya.“Good morning, Czedric,” bati niya habang nag-iinat at lumapit sa akin.“Good morning,” sagot ko habang iniaabot ang tasa ng mainit na tsaa. “I cooked some fish and vegetables. Let’s eat so we can leave early.”Umupo siya sa tabi ko at tahimik kaming kumain habang ang langit ay nagsisimula nang magkulay-kahel. Alam naming pareho na ito na ang huling umaga namin na magkasama dito sa bundok, pero wala ni isa sa amin ang naglakas-loob magsalita tungkol doon.Pagkatapos magligpit, nagsimula na kaming maglakad. Ang bundok ay puno pa rin ng hamog, at ang malamig na hangin ay parang nagbibigay ng paalala na malulungkot na ako bukas kasi wala na si Everisha, uuwi na siya sa kanila. Mag-isa na naman akong mamumuhay sa tuktok ng bundok na ‘to.
Everisha’s POVPagdilat ng mga mata ko, wala na si Czedric sa tabi ko. Sobrang tahimik na ng paligid, tanging ang huni ng mga ibon at ang hangin na dumarampi sa aking mukha ang naririnig ko. Tumagilid ako at tiningnan ang buong paligid, naghanap ng kahit anong senyales na baka nandiyan pa siya. Pero wala. Ni isang bakas ng kaniyang mga galos o mga gamit na iniwan ay wala na talaga. Tumayo ako ng mabilis, tumakbo sa paligid at saka siya tinatawag.“Czedric! Czedric!” sigaw ko habang nanginginig ang boses ko. Pero walang sumasagot. Para akong nawawala sa isang mundo kung saan ako lang ang natira.Tumigil ako habang ang mga luha ko ay kusa na lang pumatak. Naiyak ako nang husto. Sa kabila ng lahat ng nangyari sa amin, sa kabila ng pagkakasama namin sa bundok, hindi ko pa rin kayang tanggapin na hindi ko siya napilit na sumama sa akin. Lalo na ngayong nagsimula ko nang malaman na hindi lang siya basta isang tao sa buhay ko. May mga bagay na hindi ko maamin sa sarili ko—pero sigurado ako,
Czedric’s POVNung magising ako nang umagang iyon, akala ko ay pareho lang ng mga ibang araw. Ang hangin, ang tahimik na paligid, ang mga huni ng ibon. Pero nang dumilat ang mga mata ko, agad na sumingit sa aking isipan ang isang pangalan: si Everisha.“Good morning, Everisha,” hindi ko naiwasang masabi, kahit na ako lang mag-isa na lang ako rito sa bundok ngayon. Tumahimik ako nang ilang segundo, at sa puntong iyon, tumigil ang lahat. Ang katahimikan ay sumapaw sa aking buong katawan nang maalala kong wala na nga pala talaga si Everisha sa bundok na ito. Bigla akong tumigil sa kinatatayuan ko, napakamot sa ulo, at nag-isip, siguro ay masaya na siya ngayon kasi masarap na ang tulugan niya, baka nga pag-uwi niya kahapon sa bahay niya ay masasarap na pagkain na ang kinain niya.Minsan, parang ang hirap tanggapin na hindi ko na siya kasama. Tanging ang amoy na lang ng kagubatan at ang malamig na hangin ang sumasalubong sa akin ngayon dito. Wala nang sasagot ng good morning sa akin. Wala
Everisha’s POVSa wakas, hindi na malamig na lupa ang hinihigaan ko. Hindi na kailangan ng makapal na kumot o makiramdam sa bawat kaluskos ng kalikasan. Nandito na ako ngayon sa kuwarto ko, sa malambot at malaki kong kama. Naka-aircon, presko ang paligid, at sobrang luwag pa. Para akong nasa ulap habang nakahiga, tulog na tulog, at para bang binubura ng bawat pahinga ko ang lahat ng pagod ko mula sa bundok.“Good morning, Everisha,” bati ng yaya ko nang maamoy ko ang mabangong aroma ng kape at bagong lutong sinangag. Bumaba ako ng hagdan, suot pa ang aking silk na pajama. Nagulat ako sa dami ng pagkain sa mesa—fried rice, tapa, itlog, at mga sariwang prutas. Napangiti ako habang tinitingnan ang mga masasarap na pagkain na nakahanda.Hindi ko napigilang mapabuntong-hininga. “Wow, I missed this. Kanin at masasarap na ulam. Salamat, Yaya!”Habang kumakain, inisip ko ang mga nakalipas na araw. Hindi ko pa rin makalimutan ang simple ngunit nakakabusog na almusal na niluto ni Czedric—mga nah
Czedric’s POVMaagang-maaga pa lang, halos hindi ko pa nga naaayos ang sarili ko nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto ko.“Czedric!” Sigaw ni Tito Everett. Galit na galit ang boses niya at ramdam ko agad na may mabigat siyang pakay. Hindi ito ang normal na si Tito Everett na palaging kalmado at maayos magdala ng emosyon.Napamulagat ako at halos mahulog sa kama. "T-Tito? Anong nangyari?" tanong ko kahit alam ko na kung ano ang tinutukoy niya.“You joined a singing contest?” aniya, na halos bumalot sa buong silid ang boses niya.Napabuntong-hininga ako, hindi alam kung paano magsisimula. Pero bago pa ako makapagsalita, bigla niyang isinara ang pinto at tumayo sa harapan ko.Alam ko na agad, siguro nga ay tama ang hinala ko. Nasabi na agad ni Everisha sa kaniya ang nangyari sa singing contest kagabi.“Do you realize what you’ve done, Czedric? Hindi ba’t malinaw ang sinabi ko? No public appearances. No unnecessary risks. Pero sumali ka sa isang singing contest! Sa public stage pa ta
Everisha’s POVPagkarating ko sa mansiyon, ramdam ko ang pagod mula sa buong araw na pag-judge sa singing contest. Hindi ko naman talaga balak sumali sa ganitong aktibidad, pero nang mag-text ang dati kong kaklase na si Claire, hindi ko siya matanggihan.“Ikaw lang ang naisip kong pinaka-credible," sabi niya. At dahil iyon ang unang beses na may tumawag sa akin na "credible," pumayag na rin ako.Isa pa, nag-donate na rin ako ng mga makeup product ko para sa mga taong mananalo o sa sasali kaya tuwang-tuwa ang kaklase ko.Hindi ko akalaing ang simpleng contest na iyon ang magpapabalik ng isang taong gumugulo sa isip ko nung nakaraan pa.Pagpasok ko sa kuwarto, ibinagsak ko ang bag ko sa gilid at naupo sa kama. Napatingin ako sa malaking salamin sa harap ng vanity table ko. Kakaibang ngiti ang bumungad sa akin—isang ngiti na parang may halong kaba at ligaya.Kanina, habang nasa panel ng judges, nagulat ako nang tawagin ng emcee ang pangalan ng susunod na contestant.“Next contestant, CD
Czedric’s POVHabang nagtitipon kami sa mahabang hapag-kainan ng mansiyon, ramdam ko ang init ng samahan. Si Tito Everett ang nagplano ng salo-salo, kasama sina Tita Marie at Tita Jaye, para raw may makasama akong kumain paminsan-minsan. Isang simpleng dahilan, pero alam kong nasa likod noon ang kagustuhan nilang iparamdam na may pamilya pa rin ako kahit wala na sina Mama, Papa at mga kapatid ko. Ayos na nga sana, kaya lang dapat sinasama na nila dito si Everisha. Pero alam kong bawal at ayaw ni Tito Everett na madamay si Everisha sa gulong mayroon ang buhay ko.Masaya ang hapunan—mga kuwento, tawanan, at usapan tungkol sa mga nagiging progreso ko sa training.“So, Czedric,” simula ni Tito Everett habang hinihiwa ang steak sa plato niya. “How’s your stamina training going? Kaya mo na bang maglakad ng tatlong oras straight sa bundok?”Nung ihatid ko kasi si Everisha sa ibaba ng bundok, talagang every one hour at humihinto kami. Mahirap kasi, nakakahingal at sobrang nakakapagod. Lalo na
Czedric’s POVNang dumating ang message ni Everisha sa cellphone ko, napako ako sa kinatatayuan ko. Paulit-ulit kong binasa ang mga salita niya. “Hi. I noticed you liked my photo. May I ask, are you Czedric Borromeo? Have you come down from Abula-Bula Mountain?”Aksidente lang iyon—isang pagkakamali na tila nagbigay ng daan para makausap ko siya, kahit papaano. Mabuti na lang talaga at hindi ko nilagay ang buong pangalan ko at ng picture ko rin. At least, kahit pa paano ay hindi siya sure na ako nga ito. Pero magaling siya kasi nahulaan niya agad na ako ‘to. Minsan, naiisip ko tuloy na mukhang miss na miss na niya talaga ako. Eh, sino nga bang hindi, ako nga nung makita siya sa event sa bahay nila ay maluha-luha ako sa tuwa kasi sa wakas ay nakita ko na siya ulit.May kakaibang saya sa puso ko. Sa dami ng pinagdaanan ko, hindi ko inaasahan na magkakaroon pa ako ng pagkakataong maramdaman ito muli—ang koneksyon ko kay Everisha.Pero alam ko sa sarili ko na hindi ko pa puwedeng sabihin
Everisha’s POVSa mga ordinaryong araw ko bilang CEO ng M&E Cosmetic Company, halos lagi kong nakakayang mag-multitask. Sa dami ng kailangang asikasuhin—meetings, financial reports, at mga bagong produktong kailangang aprubahan—nasasanay na akong mag-manage ng lahat ng iyon nang walang sagabal. Pero ngayon, tila hindi ko magawang mag-concentrate.Habang sinisilip ko ang aking social media account sa pagitan ng isang proposal review, napansin kong may nag-like ng isang lumang litrato ko. Simpleng candid shot iyon na kuha nung nakaraang event sa mansiyom. Pero ang pangalan ng nag-like ang kumuha ng atensyon ko: CD Borromeo.Agad akong naintriga. CD Borromeo? Wala akong ibang kilalang Borromeo maliban kay...“Si Czedric?” bulong ko sa sarili ko habang binubuksan ang profile ng taong ito.Pagbukas ko, nagulat ako. Walang kahit anong post, walang profile picture, walang anumang impormasyon. Parang isang ghost account. Pero ang initials na CD, at ang apelyidong Borromeo ay tila may ibig sab
Czedric’s POV Pinunasan ko ang pawis sa noo ko, habang ramdam ko pa rin ang pagod mula sa unang bahagi ng training. Kahit medyo makulimlim ang araw, pakiramdam ko ay para akong nasa ilalim ng tirik na araw. Ngayon, iba ang kasama kong nagtuturo sa akin— si Tita Jaye, ang bestfriend ng mama ni Everisha. Ibang klase siya sa unang tingin pa lang. Mukhang seryoso ang masungit, pero nung lumaon, mukha namang mabait. “Alright, Czedric,” sabi niya habang hawak ang isang itim na Glock. Tumayo siya sa harapan ko, maliksi ang kilos niya kahit halatang sanay sa ganitong sitwasyon. “Have you ever held a gun before?” “Not really,” sagot ko habang pilit na hindi ipakita ang kaba sa boses ko. “Good. That means you’re a blank slate,” dagdag niya sabay tingin nang direkta sa akin. Para bang binabasa niya ang iniisip ko. “First rule of using a gun: respect it. It’s not just a weapon—it’s a responsibility. Kapag hawak mo ‘to, buhay ng iba ang nasa kamay mo.” Tumango ako habang pilit na inuunawa a
Czedric’s POVSa totoo lang, hindi ko inaasahan na ganito katindi ang mararamdaman ko. Matagal na akong hindi nakakaramdam ng selos, pero ngayon, heto para akong na-broken bigla. Basta, masakit, mabigat, at parang sinasakal ako. Habang nakikita ko si Everisha na yakap-yakap ng isang lalaki, para bang binagsakan ako ng langit at lupa. Sino siya? At bakit ganoon sila ka-close?Hindi niya nabanggit na may boyfriend na siya. Kung makayakap pa ito sa kaniya ay parang na-miss niya ng husto si Everisha. Tinignan ko si Everisha, kitang-kita ko ang masayang pagngiti niya rito na parang natuwa rin siya na nakita niya ang lalaking ‘yon.“Hindi puwede ito,” bulong ko sa sarili ko habang pilit kong pinipigilan ang sarili kong lumapit sa kanila. Pero ano ang magagawa ko? Pinangakuan ko si Tito Everett na hindi ko dapat ilalagay sa alanganin ang kasunduan namin. Kaya imbes na makialam, pinili kong umalis na lang.Pinaandar ko ang motor ko at mabilis na umalis mula sa mansiyon nila Everisha. Hindi ko
Everisha’s POVKanina pa ako rito sa may garden, nakatingin sa mga bulaklak habang hinihintay sina Ada, Rica at Piyel. Magpi-picture-an daw kasi kami dito, kaya lang ang tatlo, nasa powder room, nagre-retouch ng mga mukha kaya sinabi kong hintayin ko na lang sila at mauna na ako rito sa garden.Sa gitna ng kasiyahan sa wedding anniversary ng mga magulang ko, hindi ko maiwasang mapansin ang isang lalaking nakaupo sa may garden namin. Simple ang kasuotan niya—isang itim na jacket, cap, at face mask. Nakaupo siya sa isang sulok, tila iniwasan ang mataong bahagi ng selebrasyon.Agad akong nagtaka. May kung anong pamilyar sa tindig niya, sa paraan ng kanyang pagkilos habang bahagya siyang nakayuko, para bang ayaw makihalubilo. Sino kaya siya? At bakit parang may malapit na koneksyon siya sa akin?Habang iniisip ko ang sagot, biglang parang hinihila ang mga paa ko papalapit sa kaniya. Gusto ko siyang lapitan, makausap, alamin kung sino siya. Pero bago pa ako makalapit sa kanya, may biglang
Czedric’s POVNagulat ako nang biglang dumating si Tito Everett sa mansiyon. Hindi ito madalas pumunta rito kasi busy siya sa work niya, kaya alam kong may mahalaga siyang sasabihin. Nang ngumiti siya sa akin, ramdam ko na parang may magandang balita siyang dala.“Czedric, I have a proposition for you,” bungad niya. Tumayo ako mula sa aking kinauupuan at magalang na tumango.“Yes po, Tito Everett?” tanong ko.Inilapag niya ang hawak na folder sa lamesa at tumingin sa akin nang seryoso. “It’s our wedding anniversary today. Misha and I want you to join us at home. But there’s one condition—you must not let Everisha recognize you.”Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko inaasahan na bibigyan niya ako ng pagkakataong makapunta sa bahay nila. “Really? I can see Everisha?”Tumango siya pero mabilis na nagdagdag ng paalala. “Yes, but only from a distance. No removing your face mask or cap, kahit nasa loob o labas ka ng bahay. Understood?”Sa kabila ng mahigpit na kondisyon, hindi ko mapigilang ma