Everisha’s POVPagdilat ng mga mata ko, isang panibagong umaga na naman ang sumalubong sa akin. Pero sa halip na mapayapang simoy ng hangin ang magdala ng aliw sa akin, bumungad ang bigat sa dibdib ko. Wala pa rin akong ibang maisip kundi kung paano makakabalik sa dati kong buhay. Hindi ko kayang tanggapin na habang buhay na lang akong magliliwaliw sa bundok na ito, malayo sa lahat ng nakasanayan ko.Tiyak kasi na nag-aalala na ang mga magulang ko, ang mga kaibigan ko. Pati ang mga business na kailangan kong attend-an ng meeting, nauntol dahil sa pagkawala ko.Hindi ako mabubuhay dito, hindi kaya ang buhay na ginagawa rito ni Czedric.Pagkatapos naming mag-agahan, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Kailangan kong malaman kung may pag-asa pa akong makaalis dito.“Czedric,” panimula ko habang nagliligpit siya ng pinagkainan. “Can you take me down the mountain? I can’t stay here forever.”Napatingin siya sa akin habang seryoso ang mukha. Naghintay ako ng sagot, pero halata sa mata niya
Everisha’s POVAgad kong naalala ang sinabi ko kahapon kay Czedric—kailangan naming hanapin ang maleta ko. May mga gamit ako roon na makakatulong sa amin habang wala pa kaming maayos na plano kung paano makakababa ng bundok. Habang kinakain namin ang umagang agahan—isang simpleng pagkain na gawa sa mga ligaw na prutas at tuyong karne na nakuha ni Czedric mula sa kung saan—nagsimula akong magtanong.“Do you think we can find my suitcase?” tanong ko sa kanya habang hinuhugasan niya ang kamay gamit ang tubig mula sa kawayan.Tumingin siya sa akin habang bahagyang nakakunot ang noo. “I’m not sure, but we can try. Do you remember where it might have landed?”Sumandal ako sa isang kahoy na upuan at pilit inalala ang nangyari. “The last thing I remember before the crash was grabbing it tightly. It might have fallen somewhere near where I jumped off.”Tumango siya na parang nag-iisip. “Alright. Let’s check that area first.”Matapos ang ilang saglit, nag-ayos na kami para simulan ang paghahana
Czedric’s POVMatapos ang halos sampung taon na nakalipas, ngayon lang ulit ako nakaramdam ng pagiging tao ulit. Ang pagligo gamit ang sabon at shampoo ay tila isang ritwal na matagal nang nawala sa buhay ko. Habang tumutulo ang malamig na tubig mula sa talon at bumubula ang sabon sa balat ko, hindi ko maiwasang mapangiti. Ang bango ko na, hindi na nakakahiyang tumabi kay Everisha kapag tanghali, hapon o gabi na. Kaya rin siguro napilitan siyang hanapin ang maleta at camping tent niya, hindi na niya siguro matiis ang amoy kong parang pulubi, ako kasi ay sanay na, siya na galing sa city at baguhan lang dito ay hindi pa. Pero tiyak na sakaling maubos ang sambon at shampoo, magiging magkaamoy din kami.“Ang bango naman nito,” bulong ko sa sarili ko habang hinuhugasan ang buhok ko gamit ang shampoo na dala ni Everisha. Matagal-tagal na rin mula nang huli kong maranasan ang makaamoy ng sabon at shampoo. Ang dami nang pagkakataong iniisip ko kung posible pa bang bumalik ang normal kong buha
Everisha’s POVHabang iniinom ko ang sabaw ng buko na hinanda ni Czedric, napansin ko ang simpleng ngiti niya habang abala sa pag-aayos ng mga halamang ugat na tinanim niya malapit sa kubo. Ilang araw na rin mula nang ma-stranded ako rito, at kahit paano, nasasanay na rin ako.Pero may isang bagay na hindi ko kayang tiisin, ang diet ko na puro prutas at gulay.“Czedric,” bungad ko habang pinagmamasdan siyang nagkakalikot ng palakol na gawa sa matibay na kahoy at talim ng bato.“Yes?” tanong niya nang hindi man lang nilingon, abala kasi ito sa ginagawa niya.“Do you think we can eat something else? Like… meat or fish?” diretsahan kong tanong habang nakapamewang, umaasang makukuha niya ang ibig kong sabihin.Napatingin siya sa akin habang bahagyang nakakunot ang noo. “You’re tired of fruits already?”Tumango ako. “Yes, and the leaves. I feel like a goat,” sagot ko sabay kindat para medyo mas magaan ang dating. Pero seryoso ako! Kung makakain lang siguro ako ng chicken drumstick o kahit a
Everisha’s POVMaagang-maaga pa lang ay gising na ako. Wala akong orasan, wala na rin kasing battery ang phone ko kaya hindi na magamit. Tinignan ko ang kalangitan paglabas ko ng camping tent ko, sa tingin ko ay baka alas singko at ala sais palang ng umaga. Medyo mahimbing pa ang tulog ni Czedric sa maliit na kubo niya. Naisip ko, bakit hindi ko naman siya gulatin ngayong umaga? Palagi na lang siyang ang bida sa mga survival adventures namin. Ngayong umaga, ako naman. Kahit baguhan ako, alam kong kaya kong magpakitang gilas sa kaniya.Hindi na rin ako nakakapag-gym kaya iisipin kong ito na lang ang exercise ko ngayong umaga.Habang inaayos ko ang buhok ko gamit ang daliri at kinukuha ang tsinelas na ipit-ipit ng tent ko, biglang pumasok sa isip ko: Ano kayang pakiramdam ng makahuli ng isda? Kaya ko kaya?Umalis na ako sa kubo at camping tent ko para pumunta sa target ko, pagdating doon, nakita ko ang maliit na ilog malapit sa waterfalls. Ang linaw ng tubig, at kitang-kita ko ang mga i
Czedric’s POVNapansin kong kanina pa nagrereklamo si Everisha tungkol sa likod niyang masakit dahil sa tent na laging ang lupa lang ang sapin. Natural lang naman, hindi siya sanay sa ganoong kondisyon. Kaya naisip kong ipakita sa kaniya ang isang bagay na siguradong ikakabilib niya, ang paggawa ng banig.Nang dumating ang oras ng hapon, sinama ko siya sa isang bahagi ng bundok kung saan tumutubo ang puno ng buri. Ang mga dahon nito ang ginagamit ko para gumawa ng banig.“Czedric, what are we doing here?” tanong ni Everisha habang iniangat ang kamay niya para protektahan ang mukha niya mula sa mga sanga. “Don’t tell me you’re going to make me climb that tree.”Tumawa tuloy ako. Mainam talaga na umaalis kami sa kubo para makapaglibang, nang hindi rin siya nalulungkot. “Relax. Hindi ka naman kailangan umakyat. Ako na bahala. Panoorin mo lang ako para matuto ka.”Tinuro ko ang mga dahon ng buri na mataas at malalapad. Tumalon ako, hinila ang isa at mabilis na pinutol ito. “Ganito lang ‘y
Czedric’s POVMainit ang tanghali nang bumalik ako sa kubo dala ang ilang sanga’t kahoy na gagamitin para sa bonfire mamayang gabi. Nakasanayan at gusto kasi ni Everisha na bago kami matulog, nagpapa-init kami sa bonfire, para na rin may liwanag sa paligid kapag gabi.Pero nang makarating ako ulit sa kubo, napansin kong wala si Everisha.“Where is she this time?” tanong ko sa sarili ko habang iniayos ang mga kahoy. Tumingin-tingin ako sa paligid ng kubo. Wala.Bigla kong naisip, baka nasa ilog siya. Lately, mukhang paborito niyang tambayan iyon, lalo na’t malapit lang sa waterfalls.“She’s probably fishing again,” bulong ko habang natatawa na para bang naging favorite na niya ang isda.Kung ganoon nga, siguradong magkakagulo na naman ang mga isda sa kakulitan niya.Dahan-dahan akong naglakad papunta sa ilog, iniisip na baka magulat siya kung bigla akong sumulpot agad. Nagdala pa ako ng mga puno’t baging, baka sakaling kailanganin namin mamaya sa campfire.Pagdating ko malapit sa ilog,
Everisha’s POVMaaga akong nagising nang umagang iyon. Hindi pa rin ako sanay sa ingay ng mga kuliglig at huni ng ibon, pero today, tila stress ako sa pag-aakalang totoo ang panaginip ko, akala ko totoong nakauwi na ako. Akala ko totoong nasa kuwarto na ako, nakahiga sa malambot na kama, akala ko totoong nasa dining area na kami ng mansiyon at kumakain ng maraming masasarap na pagkain.Napabuntong-hininga na lang ako. Sa tingin ko, parang bumabalik sa dati ang sakit kong ‘yon, pero dahil sanay na ako, alam ko na kung paano ito mawawala. Gagawa ako ng paraan para mawala ito.Paglingon ko, napansin kong wala si Czedric sa kubo niya.“Hmm, probably off hunting again,” bulong ko habang nag-aayos ng buhok.Paglabas ko ng tent, naglakad-lakad ako, naisip kong kilalanin ang ibang lugar dito, habang naglalakad ako, tumambad sa akin ang mga ligaw na bulaklak na nagkalat sa gilid ng daan. May dilaw, pula, at lila. Maliliit man ang iba, sobrang ganda naman nilang pagmasdan. At sa tingin ko, naka
Mishon POVNapasandal ako sa leather seat ng aking study habang nakatitig sa screen ng tablet. May ilang minuto na akong nagbabasa ng mga bagong updates mula sa team ko tungkol sa galaw ni Oliver, pero sa totoo lang, parang naubos na ang energy ko sa kakaisip tungkol sa lalaking iyon.Para bang ang buong mundo namin ni Ada ay umiikot na lang sa pagpapabagsak sa kaniya. Hindi ako nagrereklamo, syempre. Gusto kong matikman ni Oliver ang karma sa ginagawa niyang panloloko, lalo na sa mama ni Ada na inuto niya. Sa totoo lang, natatangahan din ako sa mama ni Ada. Nadamay lang talaga si Ada at ang perang pinaghihirapan niya.Pero habang tumatagal, parang unti-unting nawawala ang oras ko kasama si Ada bilang girlfriend ko na siya—at hindi lang bilang kakampi niya sa paghihiganti.Kaya ngayong gabi, napagpasyahan kong iba muna ang atupagin namin. A night for just the two of us. No revenge. No schemes. No Oliver. Just us.“Are you seriously making me wear this?” reklamo ni Ada habang tinitingn
Ada POVTahimik ang buong mansiyon nang magising ako kinabukasan. Walang ingay ng mga hakbang ng papa ko na kadalasan ay napakaingay talaga kapag gagayak. Wala ring malakas na boses ni Verena sa hallway kapag naghahanap ng mga gamit niya na nawawala. Ngayong umaga, kami lang ng mama ko ang nandito.Pagkalabas ko ng kuwarto, sinalubong ako ng sikat ng araw mula sa malalawak na bintana ng mansiyon namin. Ang amoy ng mamahaling kape at tinapay ay umaalingasaw mula sa dining area. Nakagayak na pala agad ‘yung inutos ko sa kasambahay namin na kape ko.Nang makita ako ng mama ko, agad siyang ngumiti, pagbaba ko sa hagdan.“Good morning, anak.” Nilapag niya ang tasa ng kape sa lamesa sa living area. “You were stunning last night.”Nasa mood ang magaling kong mama kasi nabigyan ko siya ng pera na sure akong binigay niya lang sa lintek na Oliver na iyon.Umupo ako sa tapat niya at kinuha ang baso ng orange juice. “Thank you. The event was amazing.”Napangiti siya habang tumutuloy sa pagsandok
Ada POVIto ang klase ng event na hindi basta-basta matutunghayan ng kung sino lang. Isang grand opening ng pinakamahal at pinakaprestihiyosong luxury hotel sa Paris—isang landmark na tinaguriang The Crown Jewel of Parisian Luxury.At isa ako sa mga VIP guest. Pagdating ko sa venue, bumungad agad sa akin ang nakasisilaw na mga ilaw mula sa media. Ang buong lugar ay puno ng red carpet, mamahaling floral arrangements at isang golden chandelier sa mismong entrance. Sa bawat paglalakad ko, naririnig ko ang pag-click ng mga camera. Mga litratistang nagmamadaling makuha ang perpektong anggulo ng mga gaya kong big star na.I was wearing a custom Versace gown—deep red, elegant and sculpted perfectly to my figure. Sa bawat paggalaw ko, ang tela ay parang dumadaloy na tubig sa aking katawan. Classic. Timeless. Unforgettable.“Miss Ada! Look here!”“Ada, how does it feel to be invited as one of the top international models for this event?”“Who designed your gown tonight?”I smiled slightly, jus
Mishon POVSi Oliver, ang lalaking kabit ng mama ni Ada ay kasalukuyang nakapulupot sa isang lalaking hindi ko kilala. Ang lalaki ay matangkad, may malapad na balikat at walang suot na pang-itaas. Kitang-kita ang mga muscle nito sa ilalim ng dim na ilaw ng private room. Pero ang higit na nakapagpahinto ng paghinga ko ay ang paraan ng pagtingin nila sa isa’t isa—parang may isang lihim na mundo sila na hindi puwedeng pakialaman ng iba. Wala rin silang pake kahit nandito ako sa loob at nagse-serve ng alak. Siguro ay matagal na nila itong ginagawa kaya hindi na sila nahihiya.Parang bumagal ang oras habang pinagmamasdan ko sila habang kunyari ay inaayos ko ang mga alak at pagkain sa lamesa. Halos dumikit si Oliver sa katawan ng lalaki at kita kong nakangiti siya habang binubulongan ito. Ang isang kamay niya ay dumadausdos sa dibdib ng lalaki, at ang kabila naman ay nakapulupot sa leeg nito.Hindi nagtagal ay pinasok na ni Oliver ang kamay niya sa loob ng zipper ng pantalon ng lalaki.“Ugh
Mishon POVHabang wala pa akong ibang pinagkakaabalahan, sinimulan ko na agad ang plano ko. Hindi ko hahayaang makatakas ang lalaking iyon—si Oliver—na hindi ko pa alam kung anong surname. Pero isang bagay ang sigurado ako. Filipino siya. At mukhang sanay na sanay siyang magpaikot ng mga mayayamang ginang.Sinimulan ko sa pinakamadaling paraan: surveillance. Nag-hire ako ng dalawang tauhan ko para sundan siya palagi. Kahit saan siya magpunta, siguradong may mata akong nakabantay sa kanya. Hindi ko hahayaan na hindi ko malaman ang baho ng lalaking ito.Ginagawa ko ito hindi lang dahil sa galit ko sa kanya, kundi dahil gusto kong tulungan si Ada. Kitang-kita at ramdam ko kasi na sobra siyang na-stress dahil sa nalaman niyang pangangabit ng mama niya.Hindi ko hahayaang masira ang pamilya niya nang dahil lang sa isang manloloko. At kung kinakailangang gibain ko ang mundo ng Oliver na ‘yon para protektahan si Ada, gagawin ko.Sa unang mga araw, walang masyadong kakaiba. Walang permanenten
Ada POVPagkatapos ng dinner nila, naghiwalay na si Mama at ang lalaking iyon. Hindi ko pa rin alam ang pangalan niya—at hindi ko rin alam kung gusto ko siyang makilala. Ang alam ko lang ay hindi pa rito natatapos ‘to ang lahat. Hindi ko pa puwedeng bitawan ang araw na ito na wala akong nalalaman sa buwisit na kabit ng mama ko. Hindi pa puwedeng matapos ang gabing ‘to nang hindi ko nalalaman kung sino talaga siya.“Tara,” sabi ni Mishon habang mahina lang ang boses. “We follow him.”Tumango ako. ‘Yun din ang gusto kong mangyari. “Yeah. We need to know who he is.”Habang nakasakay pa rin kami sa sasakyan, sinundan namin ang lalaki. Hindi siya nagmamadali, pero halata sa kilos niya na aware siyang may nakatingin sa kanya. Ilang beses siyang palingon-lingon sa paligid, lalo na sa likod niya, na parang tinitingnan kung wala na bang nakasunod.Napakunot-noo si Mishon. “Something’s off.”Tumingin ako sa kanya. “What do you mean?”“He’s too cautious. He’s looking back too often, but not at u
Ada POVHindi ako makapagsalita. Pakiramdam ko, biglang may sumakal sa lalamunan ko. Hindi dahil sa iyak, kundi sa biglaang buhos ng galit at pagkabigo na nararamdaman ko sa mama ko ngayon. Nanginginig ang kamay ko habang nakatitig sa screen ng phone ni Mishon. Kitang-kita ko ang mukha ni Mama sa video—eleganteng naka-make-up, naka-red dress at mukhang masaya. Hindi lang basta masaya. Kinikilig pa.Hindi ko kilala ang lalaking kasama niya. Mas bata ito sa kanya, siguro nasa late twenties o early thirties. Matangkad, matikas ang katawan at mukhang sanay sa marangyang buhay. Sa video, nakasandal ito sa upuan habang nakangiti, nakikinig kay Mama na tila aliw na aliw sa kuwento niya.At sa dulo ng video, dumating ang bill. Walang pagdadalawang-isip na kinuha ni Mama ang resibo, inilabas ang kanyang credit card at siya ang nagbayad. Ano ‘to, nagpapaka-sugar mommy siya sa binatang iyon? My God, nakakahiya si Mama.Nag-init talaga ang dugo ko. Akala ko napakatino niya pero may ganito palang
Ada POVAng bango.Halos hindi pa ako nakakapasok nang tuluyan sa kusina ni Mishon, pero ang amoy ng bagong lutong pizza ay parang yakap na mainit sa akin at nakakagutom talaga sa pang-amoy. Nasanay na ako na sa tuwing dadalaw ako sa mansiyon niya, palaging may nakahandang pizza na siya mismo ang gumagawa. Alam na alam ni Mishon ang paborito kong pagkain.Pero may kakaiba ngayon. Nakatayo siya sa harap ng lamesa sa dirty kitchen, abala sa paglagay ng toppings sa nilulutong pizza. “This is a new flavor,” aniya nang makita niya akong dumating. Isang mabilis na sulyap lang ang ibinigay niya sa akin bago bumalik sa ginagawa niya. “I made this especially for you.”Napangiti ako at lumapit sa kanya. “What’s the flavor this time?”Hinila niya ang apron niya at nagbigay ng maliit ngiti sa akin. “You’ll see. It’s a surprise.”Umupo ako sa high chair na nasa gilid ng lamesa habang pinagmamasdan siyang magtrabaho. Ang sarap panoorin ni Mishon habang nagluluto—maayos, malinis at parang may sarili
Ada POV“Papa, pwede po bang mag-overnight ako sa mansiyon nila Mishon?” tanong ko habang tinutulungan siyang maglagay ng kape sa tasa niya. Kahit na pure american siya, sa tagal na niyang kasama kami ni mama na pinay pareho ay kahit pa paano ay nakakaintindi na siya ng pure pinoy na lengguwahe.Ngumiti lang si Papa. Alam naman niya na good girl ako. Isa pa, hindi naman kailanman naging problema ang paghingi ko ng permiso sa kanya, lalo na’t kasama si Mishon na kilala niyang matino naman. Saka, sabi pa niya minsan, hindi ko naman na kailangang magpaalam dahil matanda na ako. Nasanay kasi ako dahil lagi akong pinaghihigpitan ni mama.“Of course, Ada. You don’t even have to ask,” sagot niya. Napaka-simple ng tono, parang natural na natural lang na pumayag siya. Hindi ko na nga kailangang magpaliwanag pa. Sanay si Papa sa mga ganitong paalam ko, lalo na’t alam niyang safe ako sa piling ni Mishon.Kinuha ko ang bag ko na nakahanda na sa sofa. “Thank you, Pa! I’ll see you tomorrow,” sabi