Everett’s POV“Pag-usapan natin ang about kay Misha,” deretsahan kong sabi. Gusto ko nang tapusin ang awkwardness sa pagitan namin. “Alam kong hindi naging maganda ang mga nangyari sa atin dati. Hindi rin naman ako proud sa mga nagawa ko. I know I’ve been unfair to you, and I wanted to apologize.”Huminto si Conrad sa ginagawa niya at tumingin sa akin. “You were jealous of me. That much was clear.”Huminga ako nang malalim. “Yes, I was. I was wrong. I just… I didn’t know what to think back then. You’ve known Misha longer than I have, and it felt like… well, it felt like I couldn’t compare.”Natahimik si Conrad saglit. Nakikita ko sa mga mata niya na sinusukat niya ang bawat salita ko. Hindi ako sigurado kung matatanggap niya ang paghingi ko ng tawad, pero handa akong gawin ang lahat para maayos ito.“Everett, I’ve been friends with Misha since we were kids,” sabi niya. “But that doesn’t mean I have feelings for her beyond that. I never did.”Alam kong totoo ang sinasabi niya. Pero min
Misha’s POVNakatitig ako sa puting kisame ng aking silid. Ilang oras na akong nakahiga rito, maghapong nakapirme at pakiramdam ko ay para akong ibon sa hawla, walang kalayaan. Sawa na rin ako sa mukha ni Ate Ada, ni mama at papa. Gusto kong pumunta sa resort ko, magkape sa labas, mag-shopping at galain si Jaye. Ang gagang ‘yon, busy na rin sa pinapatayo niyang pizza-han. Sabagay, ganoon naman talaga. Kapag tumatanda, kailangan na rin talagang mag-invest para lumago nang lumago ang pera.Hindi ko na mabilang kung ilang araw ko nang ginagawa ito—ang magkulong, umiwas, magtago mula sa mga taong galit sa amin ni Everett. Sina Rei, Teff, Eff, Tita Maloi, at Tito Gerald—lahat sila, nagpaplano kung paano kami masisira ni Everett. Kung paano mapipigilan ang pag-claim ni Everett sa mga mana niya. At dahil dito, parang ako ay nalulunod sa takot at pangamba. Kasi naman, bakit kaya pinahirapan pa ng papa niya itong si Everett. Tama siya, bakit sa dinami-rami ng taong pagkakatiwalaan nito, doon p
Misha’s POVTumawa siya nang mahina, sabay tingin nang direkta sa mga mata ko. “Ngayon na malapit na tayong magpakasal.”Halos tumalon ang puso ko sa sobrang saya. Hindi ko alam kung dahil sa sinabi niyang safe na ako o dahil sa nabanggit niyang kasal, pero lahat ng takot at pangamba ay nawala nang bigla. “Totoo? Magpapakasal na tayo?”Tumango siya. “Oo. Kaya hindi ako papayag na mangyari sa’yo ang kahit ano. You deserve nothing but peace and happiness, Misha. Kaya sa farm ka muna. Doon ka magiging ligtas kasama ng magiging baby natin. And when everything’s settled, magpapakasal na tayo.”Hindi ko napigilan ang luha ng saya na pumuno sa aking mga mata. Alam ko na mahal ako ni Everett, pero naramdaman ko ngayon ang lalim ng pagmamahal niya. Ginagawa niya ang lahat para protektahan ako, para siguraduhing ligtas ako sa mga taong gustong saktan ako at ang pamilya ko.“Everett,” bulong ko habang pinupunasan ko ang mga luha ko, “wala akong ibang hiling kundi ang makasama ka habang-buhay.”N
Misha’s POVHabang nakaupo ako sa harap ng kubo namin, hindi ko namalayang ilang oras na pala akong nakatingin lang sa malayo. Para akong natutulala habang pinagmamasdan ang mga tanim namin sa malawak na farm. Nasa isip ko kasi ang napakaraming bagay—saan kami ikakasal ni Everett? Saan ang venue? Anong date ang kasal? May engagement kaya? At sa tuwing maiisip ko na magiging asawa ko ang isa sa pinaka mayaman sa Pilipinas, kinikilig ako kasi alam kong sureball nang maganda ang kinabukasan ng mga anak namin.Nahinto ako sa pag-iisip nang bigla na lang akong makarinig ng yabag ng mga paa. Tumigil ito sa harap ko at nang tignan ko, nakita ko si Conrad. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa akin.“Uy, tulala ka na naman, Misha. Anong iniisip mo? Tara, mag-harvest na lang tayo ng gulay. Para makapagpakulo na tayo mamaya ng ulam,” alok niya na may pilyong ngiti sa labi.“Ha? Bakit? Ano na naman bang trip mo ngayon, Conrad?” tanong ko habang tumayo na mula sa pagkakaupo.“Baka lang kasi
Misha’s POV“Oops. Sorry, chef!” sabay pulot ko sa mga sibuyas at bawang, pero naramdaman ko agad ang tingin ni Conrad sa akin habang napapailing.“Hindi mo ba alam ang five-second rule? Puwede pa ‘yan!” pabiro niyang sabi sabay tawa. “Pero ‘wag mo nang gamitin ‘yan, please. Mamaya mag-reklamo ka pa.”Sa mga ganitong simpleng bagay, natatawa na lang kami pareho. Parang bumalik kami sa mga oras na mga bata pa kami, naglalaro sa bakuran, walang pakialam sa oras o mga problema.Habang patuloy ang kanyang pagpe-prepare ng ingredients, hindi ko maiwasang mapansin kung gaano siya ka-focus sa ginagawa niya. Para bang bawat paghiwa niya ng gulay ay may ritmo. Nang magprito na siya ng bawang at sibuyas, narinig ko ang tunog ng sizzling sa kawali.“Nandito ang magic, Misha,” sabi niya habang hinuhulog ang mga gulay sa kawali na para bang ginagawa niya ito buong buhay niya. “Dapat ‘wag mong i-overcook ang mga gulay. Dapat tama lang ang pagkakagisa para lumabas ‘yung natural na lasa nila."“Ang d
Misha’s POVKinabukasan, nagising ako sa tilaok ng mga manok na tila nakikipag-usap na sa mga kapwa manok nila na manggising na ng mga taong natutulog pa. Matamlay akong bumangon mula sa aking kama, nakatanaw sa labas ng bintana ng kubo. Inisip ko agad ang nangyari kahapon—si Conrad, ang aming pinakbet na halos perfect sa sarap, at ang walang katapusang kulitan sa kusina. Napangiti ako. Matagal ko nang hindi nararamdaman ang ganitong klaseng saya—yung simple lang, walang pressure, pero nakakalibang.Si Everett, hindi nakauwi kagabi. Sa condo siya tumuloy kasi may lakad siya ng madaling-araw para sa meeting nila sa isang beach resort, gusto niya akong isama, ako lang ang tumanggi.Habang nakaupo ako sa kahoy na upuan sa veranda, pumasok sa isip ko, “Ano kaya naman ang iluluto ngayon?” Agad akong kinabahan sa ideyang iyon, pero sabay rin akong na-excite. Hindi ako eksperto sa pagluluto tulad ni Conrad, pero alam ko namang hindi ako ganun kapalpak. O sige, medyo palpak, pero hindi naman l
Misha’s POVNgunit habang piniprito ko ang mga hipon, biglang tumalsik ang mantika. “Ay, leche!” sigaw ko sabay talon pabalik para umiwas sa mantika. Si Conrad naman ay tumatawa na halos mamatay na sa kakatawa. Parang napahiya ako doon. Naging comedy na nga ang cooking show na ‘to, nakakainis!“Misha, ano ba ‘yan? Magiging seafood explosion na ‘yan, hindi chopsuey!” sabi niya habang humahagikhik pa rin. Ito ‘yung ugali na hindi pa rin nawawala sa kaniya. Napakalakas niyang mang-asar. Pero natutuwa ako kasi kahit pa paano, napapag-ihit ko siya sa kakatawa. Ganitong-ganito kami dati. Mas ako ‘yung madalas niyang pagtawanan kapag may nangyayaring aksidente sa akin. Lalo na kapag nadudulas ako sa putikan, nahuhulog sa kanal at kung minsan ay nalalaglag sa puno habang uno ang ulo. Ang ending, maga tuloy ang nguso at ilong ko.“Tumigil ka nga! Kaya ko ‘to,” sabi ko kahit pa napapangiwi na ako sa talsik ng mantika.Habang hinahalo ko ang mga gulay at seafood sa kawali, biglang tumunog ang pho
Misha’s POVKagabi, habang hindi ako makatulog. Naisip kong pagandahan itong kubo ko rito. So, ibig sabihin, kapag nandito ako sa farm, ito na talaga ‘yung magiging kubo namin ni Everett. Kaya naisipan kong utusan ang isa sa mga staff namin na ibili ako ng mga halaman na puwedeng kong ilagay sa paligid ng kubo ko. Kaya ngayong umaga, abala ako sa pag-aayos ng mga halaman sa harap ng kubo nang bigla kong marinig ang matinis na busina ng isang mamahaling sasakyan. Sa una, iniisip ko na baka si custome lang namin ang nasa labas at nagmamadali lang. Pero nang tumingin ako sa may gate, halos mahulog ako sa aking kinatatayuan sa nakita ko.Si Everett.Hindi ko alam kung anong iniisip niya, pero grabe ang itsura ng kaniyang sasakyan. Dalawang bagong luxury ang magkasunod at sa likod nito, may isang malaki at makulay na jeep na puno ng mga kahon. Napakabilis ng mga pangyayari—pagkatapos ng ilang saglit, nagbukas na ang mga pinto ng sasakyan at naglabasan ang mga bodyguard ni Everett na para b
Misha’s POVLumipas ang isang linggo matapos kong linisin ang pangalan ng M&E Skincare product laban kay Marlyn. Hindi ko inakala ang bilis ng epekto nito—mula sa pagiging trending topic sa buong Pilipinas. Sa bawat branch ng Tani Luxury Hotel, halos araw-araw nang nagkakaubusan ng stock. Ang bawat shelf, parating bakante sa loob lamang ng ilang oras.Hindi ko mapigilang ngumiti habang nagbabasa ng mga email mula sa marketing team.“Ma’am, out of stock na naman po ang lahat ng branches as of 10 AM,” sabi ng isa sa mga reports.Sa Boracay branch, minuto lang ang tinatagal, out of stock agad, ganoon din sa Palawan kaya kinikilig talaga ako.Pero kasabay ng tagumpay kong ito ay ang mga bago na naman akong responsibilidad. Kailangang samantalahin ang momentum. Ito ang tamang panahon para palawakin ang reach ng M&E.Agad akong umupo sa opisina ko. Nakalatag sa harap ko ang iba’t ibang dokumento: supply agreements, lease contracts, at mga inventory reports. Hinawakan ko ang ballpen ko at na
Everett’s POVPagmulat ng mata ko, unang bumungad sa akin ang tulog na tulog pa rin na si Misha na akala mo ay puyat, samantalang nauna pa siyang makatulog sa akin, saka kadalasan, mas maaga siyang nagigising kaysa sa akin.Nag-inat ako, pilit na binabalikan ang mga balita kagabi na naging trending sa social media, tulog na tulog pa rin siya dahil siguro sa stress nang inabot kahapon. Ang saya-saya pa naman niya nitong mga nagdaang araw tapos may biglang susulpot na maninira.Kinuha ko ang cellphone sa may table para sana mag-check ng mga email o kung anong message na pumasok kagabi habang tulog pa ako. Mabuti na lang at wala.Pero pagdating ko sa social media, nakita ko agad ang isang trending na video. Lumabas na ang katotohanan tungkol sa kasinungalingan ni Marlyn laban sa M&E skin care product. Isang video ang umikot sa social media, kung saan umiiyak si Marlyn habang inaamin ang lahat ng kaniyang ginawa.Napalingon ako kay Misha. Nagulat ako na gising na agad siya, tila narinig
Misha’s POVPinapanood ko ang bawat galaw ni Marlyn habang naka-upo siya sa gilid ng kama. Nanginginig ang kaniyang katawan, namumula ang kaniyang mga mata sa kakaiyak. Alam kong takot na takot siya, pero wala akong pakialam. Ang ginawa niya ay hindi simpleng kasalanan—sinubukan niyang sirain ang pangalan ng M&E, ang produkto kong pinaghirapan at pinundar mula sa dugo’t pawis. Hindi ko papayagan ang katimawaang ginawa niya.Hinawakan ko siya sa braso at marahas na hinila palabas ng kuwarto. Tumilapon ang mga kumot at unan mula sa kama, pero hindi ko iyon inintindi. Ang mahalaga, makuha ko ang hustisya.“Tumayo ka!” utos ko sa malamig at mabagsik na tono. Sumunod naman siya, pero halata ang panginginig ng kanyang mga tuhod.Pagdating namin sa sala, itinutok ko ang baril sa mukha niya. Kasabay nito, inilabas ko ang cellphone ko at binuksan ang camera.“Upo,” sabi ko habang itinuturo ang sofa. Naupo siya agad, tila sunod-sunuran, habang patuloy na umaagos ang luha sa kaniyang pisngi.“Bu
Misha’s POVTahimik akong tumayo sa tabi ng kama ni Marlyn, ang malamig na hawak kong baril ay nakapaloob pa rin sa aking jacket. Ang ilaw ng buwan ay nagbibigay ng kakaunting liwanag sa kaniyang mukha. Ang bawat paghinga niya, ang bawat kaluskos ng kumot, parang musika na nagdaragdag sa tensyon ng gabi.Hinugot ko ang facemask ko nang bahagya para makahinga nang mas maayos. Kasabay nito, hinugot ko rin ang baril mula sa jacket at itinutok ito sa mukha niya. Sa pagkakataong ito, alam kong wala nang atrasan. Napuno ng adrenaline ang bawat hibla ng katawan ko.“Marlyn!” Ang mabigat kong tinig ay sapat para gulatin siya mula sa mahimbing niyang tulog. Ang kaniyang mga mata ay mabilis na bumukas, at ang takot ay agad na bumalot sa kaniyang mukha. Hindi ko alam kung dahil ito sa baril o sa itim na cap at facemask na suot ko. Pero ang mahalaga, nakuha ko na ang atensyon niya.“S-sino ka po? Huwag po!” natatakot niya agad na sabi.“Nasaan ang pantal?” tanong ko habang malamig ang boses ko, p
Misha’s POVAng bigat ng gabi ay parang nagpapasan ng bawat galit na kinikimkim ko. Tahimik kong tinanaw ang mukha ni Everett habang mahimbing siyang natutulog sa tabi ko. Wala siyang kamalay-malay sa plano kong gawin ngayong gabi. Mahal ko siya, pero sa pagkakataong ito, hindi ko kayang humingi ng tulong mula sa kanya kasi alam kong kayang-kaya ko na ang mahinang babaeng iyon. Alam kong pipigilan niya ako, pero hindi ako papayag na palampasin ang ginawa ni Marlyn.Napakalaki ng kasalanan niya sa akin. Binayaran man siya o hindi, ginawa niya ang imposible para sirain ako at ang lahat ng pinaghirapan ko. Kaya ngayon, gagawin ko rin ang imposible. Tiyak na manginginig siya sa takot ngayong gabi kapag nagkaharap kami.Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama, iniingatang huwag makagawa ng kahit anong ingay para hindi magising ang asawa ko. Nang maibalik ko ang kumot sa katawan ni Everett, tinitigan ko siya nang saglit, malalim ang tulog niya kaya sure na akong hindi siya magigising. Sa is
Misha’s POVSa kabila ng dapat ay masayang selebrasyon, nanatili akong nakaupo sa harap ng laptop, ramdam ang bigat sa dibdib habang pinapanood ang video ng babaeng nagrereklamo laban sa M&E skincare. Sa video, nanginginig pa siya habang ipinapakita ang namumula, namamantal, at sugat-sugat niyang balat. “Hindi ko akalain na ganito ang mangyayari. Sinubukan ko lang kasi viral sa social media. Pero tingnan niyo naman... ang sakit-sakit!”Tumigil ako sandali sa paghinga. May parte ng sarili kong naniniwala sa kasinungalinga niya, pero kasi one hundred percent akong sure na safe sa all skin type ang product namin. Parang totoong-totoo ang sinasabi niya. Pero sa likod ng pagiging magaling niyang umarte, alam kong may mali. Napakabilis ng mga pangyayari. Kahapon lang, trending sa social media ang M&E skincare, ang produktong taon kong inaral, pinaghirapan, at sinigurong ligtas gamitin. Pero ngayon, parang lumalabas na may mali sa product namin.Dahan-dahan akong huminga nang malalim, pilit
Misha’s POVHabang tumatakbo ang araw, abala ang bawat miyembro ng team sa iba’t ibang gawain. Ang mga PR package ay maingat na na-load sa mga delivery van, habang ibang staff ko ay patuloy na nakikipag-coordinate sa logistics team ni Everett para matiyak na ang bawat package ay makarating sa tamang destinasyon. Habang pinapanood ko ang lahat mula sa gilid, hindi ko napigilang mapabuntong-hininga. Sa kabila ng pagod mula sa event kagabi, ramdam ko ang sigla at kasabikan na parang bagong simula para sa akin. Lumapit si Everett na may dalang dalawang tasa ng kape. Inabot niya sa akin ang isa habang ngumiti. “Here, take a break for a minute. You’ve been working non-stop since this morning.”“Thank you, honey,” sabi ko, tinanggap ang tasa. Saglit akong tumingin sa kaniya, nagpapasalamat ako sa kaniya kasi palagi niyang naaalala ang maliliit na bagay na tulad nito.“Everything’s running smoothly. By the end of the day, those packages will be in the hands of the top influencers in the coun
Misha’s POVPagdilat ng mga mata ko, bumungad agad ang liwanag ng araw na tumatagos sa malalaking bintana ng presidential suite. Tahimik ang paligid, ngunit ramdam ko ang presensiya ni Everett sa tabi ko. Nakayakap ang isang braso niya sa aking baywang, mahigpit ngunit banayad, habang ang kaniyang mukha ay guwapo pa rin kahit nakanganga siyang matulog.Ngunit hindi ko maiwasang bumalik sa realidad. Bumaling ako sa gilid, kinuha ang cellphone ko, at doon ko nakita ang umaapaw na mga notification. Social media posts, comments, at mentions—halos lahat ay tungkol sa event kagabi.“Everett,” mahina kong tawag sa kaniya habang bahagyang iniuga ang balikat niya.“Hmm?” ungol niya, hindi man lang dumilat.“Wake up, we’re viral,” sabi ko, kahit alam kong kalahati lang ang naiintindihan niya habang nasa pagitan ng tulog at gising.Dumilat siya, bahagyang napakunot ang noo. “Viral? What do you mean?”“It’s all over social media. The launch of M&E Skincare is the talk of the town. People are post
Everett’s POVPagod kami ni Misha, pero masaya. Success itong ginawa ng asawa ko kahit na maraming nangyaring problema nitong mga nagdaang linggo.Hinigpitan ko ang kapit sa kamay ni Misha habang sabay kaming naglalakad palabas ng grand ballroom ng Tani Luxury Hotel. Kakatapos lang ng matagumpay na collaboration event ng M&E Skincare at ng Tani Luxury Hotels, at ramdam ko pa rin ang init ng mga ilaw, ang tunog ng mga palakpak, at ang matamis na ngiti ng mga bisita habang nagkakainan at nagtatawanan.“Everett, are you sure hindi na muna tayo uuwi?” tanong niya, bahagyang bumubulong. Parang nahihiya siyang marinig ng ibang staff niya rito na rito kami mag-stay. Eh, bakit ba, mag-asawa naman na kami. Siguro, dahil ayaw niyang makita ng mga staff niya ang ganoong side niya. Naalala ko, strikto na nga pala siya sa mga tauhan niya rito.Tumigil ako at humarap sa kaniya. Nakapulupot ang buhok niya sa kanyang balikat, at ang kanyang mata, parang bituin sa kalangitan, kumikislap sa ilalim ng d