Misha’s POVTumawa siya nang mahina, sabay tingin nang direkta sa mga mata ko. “Ngayon na malapit na tayong magpakasal.”Halos tumalon ang puso ko sa sobrang saya. Hindi ko alam kung dahil sa sinabi niyang safe na ako o dahil sa nabanggit niyang kasal, pero lahat ng takot at pangamba ay nawala nang bigla. “Totoo? Magpapakasal na tayo?”Tumango siya. “Oo. Kaya hindi ako papayag na mangyari sa’yo ang kahit ano. You deserve nothing but peace and happiness, Misha. Kaya sa farm ka muna. Doon ka magiging ligtas kasama ng magiging baby natin. And when everything’s settled, magpapakasal na tayo.”Hindi ko napigilan ang luha ng saya na pumuno sa aking mga mata. Alam ko na mahal ako ni Everett, pero naramdaman ko ngayon ang lalim ng pagmamahal niya. Ginagawa niya ang lahat para protektahan ako, para siguraduhing ligtas ako sa mga taong gustong saktan ako at ang pamilya ko.“Everett,” bulong ko habang pinupunasan ko ang mga luha ko, “wala akong ibang hiling kundi ang makasama ka habang-buhay.”N
Misha’s POVHabang nakaupo ako sa harap ng kubo namin, hindi ko namalayang ilang oras na pala akong nakatingin lang sa malayo. Para akong natutulala habang pinagmamasdan ang mga tanim namin sa malawak na farm. Nasa isip ko kasi ang napakaraming bagay—saan kami ikakasal ni Everett? Saan ang venue? Anong date ang kasal? May engagement kaya? At sa tuwing maiisip ko na magiging asawa ko ang isa sa pinaka mayaman sa Pilipinas, kinikilig ako kasi alam kong sureball nang maganda ang kinabukasan ng mga anak namin.Nahinto ako sa pag-iisip nang bigla na lang akong makarinig ng yabag ng mga paa. Tumigil ito sa harap ko at nang tignan ko, nakita ko si Conrad. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa akin.“Uy, tulala ka na naman, Misha. Anong iniisip mo? Tara, mag-harvest na lang tayo ng gulay. Para makapagpakulo na tayo mamaya ng ulam,” alok niya na may pilyong ngiti sa labi.“Ha? Bakit? Ano na naman bang trip mo ngayon, Conrad?” tanong ko habang tumayo na mula sa pagkakaupo.“Baka lang kasi
Misha’s POV“Oops. Sorry, chef!” sabay pulot ko sa mga sibuyas at bawang, pero naramdaman ko agad ang tingin ni Conrad sa akin habang napapailing.“Hindi mo ba alam ang five-second rule? Puwede pa ‘yan!” pabiro niyang sabi sabay tawa. “Pero ‘wag mo nang gamitin ‘yan, please. Mamaya mag-reklamo ka pa.”Sa mga ganitong simpleng bagay, natatawa na lang kami pareho. Parang bumalik kami sa mga oras na mga bata pa kami, naglalaro sa bakuran, walang pakialam sa oras o mga problema.Habang patuloy ang kanyang pagpe-prepare ng ingredients, hindi ko maiwasang mapansin kung gaano siya ka-focus sa ginagawa niya. Para bang bawat paghiwa niya ng gulay ay may ritmo. Nang magprito na siya ng bawang at sibuyas, narinig ko ang tunog ng sizzling sa kawali.“Nandito ang magic, Misha,” sabi niya habang hinuhulog ang mga gulay sa kawali na para bang ginagawa niya ito buong buhay niya. “Dapat ‘wag mong i-overcook ang mga gulay. Dapat tama lang ang pagkakagisa para lumabas ‘yung natural na lasa nila."“Ang d
Misha’s POVKinabukasan, nagising ako sa tilaok ng mga manok na tila nakikipag-usap na sa mga kapwa manok nila na manggising na ng mga taong natutulog pa. Matamlay akong bumangon mula sa aking kama, nakatanaw sa labas ng bintana ng kubo. Inisip ko agad ang nangyari kahapon—si Conrad, ang aming pinakbet na halos perfect sa sarap, at ang walang katapusang kulitan sa kusina. Napangiti ako. Matagal ko nang hindi nararamdaman ang ganitong klaseng saya—yung simple lang, walang pressure, pero nakakalibang.Si Everett, hindi nakauwi kagabi. Sa condo siya tumuloy kasi may lakad siya ng madaling-araw para sa meeting nila sa isang beach resort, gusto niya akong isama, ako lang ang tumanggi.Habang nakaupo ako sa kahoy na upuan sa veranda, pumasok sa isip ko, “Ano kaya naman ang iluluto ngayon?” Agad akong kinabahan sa ideyang iyon, pero sabay rin akong na-excite. Hindi ako eksperto sa pagluluto tulad ni Conrad, pero alam ko namang hindi ako ganun kapalpak. O sige, medyo palpak, pero hindi naman
Misha’s POVNgunit habang piniprito ko ang mga hipon, biglang tumalsik ang mantika. “Ay, leche!” sigaw ko sabay talon pabalik para umiwas sa mantika. Si Conrad naman ay tumatawa na halos mamatay na sa kakatawa. Parang napahiya ako doon. Naging comedy na nga ang cooking show na ‘to, nakakainis!“Misha, ano ba ‘yan? Magiging seafood explosion na ‘yan, hindi chopsuey!” sabi niya habang humahagikhik pa rin. Ito ‘yung ugali na hindi pa rin nawawala sa kaniya. Napakalakas niyang mang-asar. Pero natutuwa ako kasi kahit pa paano, napapag-ihit ko siya sa kakatawa. Ganitong-ganito kami dati. Mas ako ‘yung madalas niyang pagtawanan kapag may nangyayaring aksidente sa akin. Lalo na kapag nadudulas ako sa putikan, nahuhulog sa kanal at kung minsan ay nalalaglag sa puno habang uno ang ulo. Ang ending, maga tuloy ang nguso at ilong ko.“Tumigil ka nga! Kaya ko ‘to,” sabi ko kahit pa napapangiwi na ako sa talsik ng mantika.Habang hinahalo ko ang mga gulay at seafood sa kawali, biglang tumunog ang ph
Misha’s POVKagabi, habang hindi ako makatulog. Naisip kong pagandahan itong kubo ko rito. So, ibig sabihin, kapag nandito ako sa farm, ito na talaga ‘yung magiging kubo namin ni Everett. Kaya naisipan kong utusan ang isa sa mga staff namin na ibili ako ng mga halaman na puwedeng kong ilagay sa paligid ng kubo ko. Kaya ngayong umaga, abala ako sa pag-aayos ng mga halaman sa harap ng kubo nang bigla kong marinig ang matinis na busina ng isang mamahaling sasakyan. Sa una, iniisip ko na baka si custome lang namin ang nasa labas at nagmamadali lang. Pero nang tumingin ako sa may gate, halos mahulog ako sa aking kinatatayuan sa nakita ko.Si Everett.Hindi ko alam kung anong iniisip niya, pero grabe ang itsura ng kaniyang sasakyan. Dalawang bagong luxury ang magkasunod at sa likod nito, may isang malaki at makulay na jeep na puno ng mga kahon. Napakabilis ng mga pangyayari—pagkatapos ng ilang saglit, nagbukas na ang mga pinto ng sasakyan at naglabasan ang mga bodyguard ni Everett na para b
Misha’s POVWala na raw gagawin si Everett. Gusto niya raw magpahinga ng kahit isang arraw. Buong araw siyang mag-i-stay dito sa farm namin at masayang-masaya ako dahil makakasama ko siya rito. Kailangan kong magpakitang gilas! Kailangan makita niya na may ibubuga na ako sa kusina. Thank you sa cooking tutorial at ganoon na rin siyempre kay Conrad na nagtuturo sa aking magluto.Napagdesisyunan kong isama siya sa pag-harvest ng mga gulay. Magluluto kasi ako mamaya ng mga pinoy ulam—tinolang manok at nilagang baboy. Naalala ko pa kagabi, halos mapuyat ako kakapanood ng mga cooking tutorial sa internet para lang masiguradong masarap ang kalalabasan ng mga iluluto ko. Excited na akong makita ang reaksyon ni Everett kapag natikman niya ang mga luto ko.Bigla kong narinig ang mga sasakyan. “Dumating na yata siya,” bulong ko sa sarili ko. Sinabi ko na kasi sa kaniya kung anong gusto kong lutuin kaya pumunta sila sa bayan para mamili ng mga karne na iluluto ko. Gusto ko nga sanang sumama kaya
Misha’s POVPagdating sa kubo, sinimulan ko nang ayusin ang mga lulutuin namin. “Ikaw na ang bahala sa paghiwa ng mga gulay, ha,” sabi ko habang inilalabas ko ang manok at baboy mula sa fridge.“Sure, chef Misha!” sabay salute ni Everett. Natawa ako sa reaksyon niya pero hindi ko mapigilang kiligin. Nagsimula na siyang magbalat at maghiwa ng mga sayote at patatas, habang ako naman ay inasikaso ang paghahanda ng mga rekado para sa tinola. Nagtulungan kami habang nagluluto at sa bawat pagkakataon na magtatama ang aming mga mata, nararamdaman ko ang kakaibang kilig. Hindi pa kami kasal pero parang mag-asawa na talaga ang mga eksena namin ngayon.Habang hiniwa ni Everett ang mga gulay, may mga pagkakataong nagkakamali siya ng hiwa, pero imbes na mainsulto, tinatawanan ko na lang ito. “Sana hindi mo mahati ng todo ang sayote,” biro ko. “Baka kasi madurog na ‘yan kapag niluto na. Ayaw ko nun,” kunyari ay strikto ako.Tumawa siya. “At least maganda pa rin ang paghihiwa ko,” pagmamayabang niy