Misha’s POVI was shocked when I woke up late. Hindi ako nagising sa alarm clock ng cellphone ko. Today kasi ang birthday party ng class president namin nung college kami. Isang bonggang event ang mangyayari today, so I must not be late for the gathering. Kailangan kong maghanda kasi dito na magaganap ‘yung mga pag-share ng career achievements, travel experiences, Hobbies and Passions.Mabuti na lang at saktong napamili ako ng mga mamahaling gamit kahapon ng ninong kong mahal na si Ninong Everett. Ngayon, magagamit ko na tuloy ang mga mamahaling gamit na ‘yon.“So, anong susuotin mo, girl?” tanong sa akin ni Jaye. Naka-video call kaming dalawa habang nagme-makeup ng sarili.“Basta, surprise, abangan mo na lang mamaya,” nakangiti kong sagot.“Hey, Misha, for your information, cocktail dress ang dapat na suotin natin,” paalala pa niya. Ginagawa niya akong hindi sanay magbasa ng email.“Yeah, alam ko,” agad kong sagot. “Alam mo, Jaye, mabuti pa gumayak ka na lang nang gumayak diyan. Inii
Misha’s POVNag-start na ang party. Gaya ng may birthday, weird din nung mga program. Ang boring kasi puro kantahan, tapos ‘yung mga kantahan naman ay puro lumang kanta pa. Wala manlang special, kung mayroon man, mga pagkain lang at give-aways. Karamihan sa mga bisita ay parang inantok. Kaya ang ginawa ng iba, gumawa na lang ng mga sariling eksena para mag-enjoy. May mga grupo sa isang lamesa na panay ang picture-an. Aaminin ko, karamihan sa kanila ay gumanda na ang mukha. Paano kasi, uso na ang plastic surgery sa panahon ngayon. Mapepera na rin talaga itong mga kaklase ko. Ang dating mga busalsal nilang ilong, kay tatangos na ngayon. ‘Yung iba namang mga morena noon, kay puputi na ngayon. Tila ba araw-araw lumalaklak ng glutathione. Mayroon din na ang dating mga nerd, biglang naging mga hot.Sa lamesa namin, tahimik at nagmamasid lang sa mga ginagawa ng mga dati naming kaklase. Pero nung makainom na ng wine ang ilan, doon na naging madaldal ang iba.“Uy, Misha, kumusta ka na nga pala
Misha’s POVNakaharap ako ngayon sa malaki kong salamin dito sa kuwarto ko. Pinagmamasdan ko ang sarili ko. Tinignan ko kung may laban ba ako sa babaeng ‘yon. Simula nung makita ko siya kahapon sa birthday party, hindi na maalis sa isipan ko ang mga narinig ko sa sinabi niya. Hindi ako makakapayag na makuha niya ang yummy ninong ko, hindi puwede!Naglakad ako pabalik sa kama ko. Dinampot ko ang cellphone ko para tawagan si Ninong Everett. Gusto kong makipagkita sa kaniya ngayon din.“Oh, napatawag ka ata?”Napakabilis niyang sumagot. Halatang nagulat siya sa pagtawag ko sa kaniya. Dinig ko sa background niya na para bang may nagsasalita.“Wala ba tayong lakad? Gusto kong umalis ng bahay,” agad kong sabi. Baka kasi nakaaligid na sa kaniya ang magandang babae na nakita ko kahapon. Mainam na ‘yung ako na ang maunang umaligid sa yummy ninong ko. Nagiging makapal na tuloy ang mukha ko ngayon sa kaniya. Ako pa ang nag-aaya sa kaniya na lumabas.“Misha, sorry, nasa meeting ako ngayon. Nasa w
Everett’s POV“Anong balita diyan sa inaanak mo?” tanong ni Garil. Nandito kami ngayon sa opening ng bagong hotel resort namin dito sa Batangas.“Okay naman, maayos naman ang lahat. Waiting pa rin ako sa pagbubuntis niya,” sagot ko sa kaniya habang nakatingin ako sa tita at tito ko na abalang kinakausap ang mga pangunahing bisita namin dito. Feel na feel nila, na sila muna ang may hawak sa lahat-lahat ng ari-arian at business namin. Feel na feel nila na sila muna ang nasa spotlight habang hindi ko pa nakukuha ang lahat. Para sa akin, hahayaan kong mag-enjoy muna sila sa kung anong ginagawa nila ngayon. Alam ko naman kasi na sa huli, sa akin pa rin babagsak ang lahat. Hindi puwedeng ‘di dahil sa akin lang naman talaga dapat ang mga ‘yon. Hindi ko lang talaga ma-gets si papa kung bakit pinahirapan pa niya ako ng ganito. Alam naman niyang sakim sa mga yaman ang kapatid niya, tapos sa kaniya pa niya pinaubaya ang lahat habang hindi ko pa natutupad ang huling hiling niya. Siguro, dahil ala
Misha’s POVTinawagan ako ni Ninong Everett para pumunta sa condo niya. Sabi niya, hindi niya raw ako masusundo kasi masama ang pakiramdam niya ngayong araw. Hindi ko naman alam kung bakit gusto niya akong papuntahin doon, hindi niya rin sinabi ang dahilan. Gumayak na lang ako at pagkatapos ay pumunta na ako roon. Alam ko naman na ang number ng condo niya. Hindi ko na rin need pang pumunta sa front desk kasi nag-abiso na si Yummy ninong sa mga staff niya rito na darating ako.Pagdating sa hotel na ‘yon, sumakay na agad ako sa elevator. Pinindot ko ang 4o floor kasi naroon ang condo niya, na feel ko ay naka-presidental suite.Pagbukas ng elevator, naglakad na ulit ako sa hallway. Dulo ang condo niya kaya mahaba-habang hallway ang need kong lakarin. May mga nakakasalubong ako ng staff dito. Magalang sila at palangiti sa mga bisita. Bukod doon, wala atang pangit sa mga staff dito. Magaganda at guwapo sila.Iba talaga ang pamilyang Tani. Ang dami nilang business na talaga namang bongga an
Misha’s POVBinuksan ko ang pinto. Hinarap ko si Maddison. Kita ko sa mukha niya ang pagkagulat nang makita ako.“Who the hell are you?” una niyang tanong sa akin habang nakataas ang isang kilay. Unang pagkikita, tinarayan niya agad ako. Pota, ang ganda niya talaga sa malapitan. Nakaka-inggit pagmasdan ang mukha niya. Talo talaga ako sa babaeng ‘to. Nawawalan ako ng confidence kapag kaharap siya.“Parang ako po ata ang dapat na magtanong niyan. Sino ka at anong kailangan mo?” tanong ko rin kahit ang totoo ay kilala ko na siya. Napapa-po tuloy ako.“I’m Maddison, friend niya. Where is Everett? We are leaving, we will be visiting a friend of ours,” sagot niya habang patuloy na nagtataray ang mukha. English-era ang gaga. Lalo niyang pinaparamdam na mababang uri ako. Na hindi kami magka-level kasi pang-high quality ang pagkatao niya.“Sorry, Miss Maddison, pero hindi tumatanggap ng bisita ngayon si Everett. Inaapoy siya ng lagnat ngayon kaya sa ibang araw mo na lang siya ayaing gumala,” s
Misha’s POVPagkagising ko, wala na sa tabi ko ang yummy ninong ko. Papungay-pungay pa ang mga mata ko habang lumilingon sa paligid. Ni anino ni Everett ay hindi ko na nakita dito sa kuwarto kaya bumangon na ako. Pag-upo ko sa kama, pahikab-hikab pa ako. Napasarap ang tulog ko.Tumingin ako sa orasan, halos alas kuwatro na pala ng hapon. Nalipasan na ako ng lunch, lalo na ang pasyente ko. Tumayo na tuloy ako at saka lumabas ng kuwartong ‘yon.Sa labas, narinig ko na parang may nagluluto sa kusina. Naglakad ako palapit doon. Nakita kong nagluluto na sa kusina si Ninong Everett.“Hey, bakit ginagawa mo ‘yan? May sakit ka ah,” sita ko sa kaniya nang lapitan ko siya.“Medyo okay na ang pakiramdam ko. Nagugutom na kasi ako dahil nalipasan na tayo ng lunch, kaya naisipan kong magluto ng pagkain,” sagot niya, pero inagaw ko pa rin ang sandok sa kaniya.“Everett, mabibinat ka sa ginagawa mo. Ginising mo dapat ako.” Ako na ang nagtuloy ng niluluto niya. Mukhang adobong baboy kasi ‘yung nilulut
Misha’s POVNarito ako ngayon sa banyo, nakahiga at nakababa sa bathtub na punong-puno ng bula habang umiinom ng tea. Ang bango ng liquid soap na ginamit ko. Iba talaga kapag mayaman, lahat ng tungkol sa mga kagamitan nila, okay na okay at talaga namang high quality. Si Yummy ninong nanunuod pa rin sa sala, may series kasi siyang pinapanuod ngayon. Nagpaaalam akong maliligo kasi baka dito na ako matulog. Gusto ko kasing magpalipas ng gabi kasama siya. Pero kung hindi siya papayag, okay lang, uuwi na lang ako. Ang mahalaga naman ay nagampanan ko ang mission kong pagalingin siya.Pagkatapos kong maligo, nag-ready na rin ako ng hapunan. Sabaw naman daw ang gusto niya kaya nagluto ako ng tinolang manok. Bagay kasi ‘yon sa may sakit. Alam ko, hindi pa siya nakakatikim nun kaya nagluto na rin ako.“A-anong klaseng luto ‘yan?” tanong niya habang nakaturo sa tinolang manok na niluto ko nang ilapag ko na ito sa hapagkainan.“Bagay ‘yan sa may sakit. Sige, tikman mo, masarap din ‘yan,” sagot ko
Mishon POVHindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Habang nakatayo ako sa gitna ng Tani Wine Shop, napapalibutan ng mga bakanteng shelves at walang natirang kahit isang bote ng wine, nanginginig ang kamay ko—hindi dahil sa kaba, kundi sa sobrang saya.Ubos. Sold out!Halos hindi ako makapaniwala. Kanina lang, puno ang shop ng mga bisita, celebrities, wine lovers at curious customers. Siksikan. Maingay. Masaya. Lahat din ay nagkakagulo sa pagtikim.Ngayon, ay halos parang dinilaan ng sawa ang buong lugar. Wala nang laman ang mga display racks, wala nang natirang stock sa storage at kahit ang staff ko ay hindi makapaniwala.Bigla akong napahawak sa ulo at napatawa."Oh my god… We did it," bulong ko sa sarili ko.Napatigil ang lahat ng staff ko sa ginagawa nila at napatingin sa akin. Hindi ko na napigilan—napasigaw ako sa sobrang saya."WE DID IT!"Nagpalakpakan ang lahat, may ilan pang napatalon sa tuwa. May mga yumakap sa isa’t isa, at ang ilan sa kanila, g
Ada POVOras naman para suportahan at pasayahin ko naman ang boyfriend ko. Ngayong araw, hindi lang ito tungkol sa isang grand opening ng shop ni Mishon—ito ay tungkol din sa pagtulong na pasikatin ang business niya. At gamit ang power ng pagiging sikat ko, gagamitin ko ang social media mamaya para tulungan siya.Matagal na niyang pinaghirapan ito, at ngayon, sa wakas, binubuksan na niya ang unang wine shop ng Tani Wine Company sa sentro ng Paris. Hindi ko palalampasin ang pagkakataong ito para ipakita ang buong suporta ko.At hindi lang ako ang pupunta. Kasama ko sina Yanna at Verena, at kahit hindi namin ito planong gawing isang modeling event, gusto kong siguraduhin na magmumukha kaming tatlong diyosa sa gabing ito.Maaga pa lang, pinatawag ko na ang glam team namin.Habang nakaupo sa harap ng salamin, sinisipat ko ang bawat kilos ng makeup artist ko. Gusto kong perfect ang look ko mamaya. Sa gilid ko, si Yanna at Verena ay parehong nakapikit habang inaayusan din."I love this look
Mishon POVMatagal ko nang pinapangarap na magkaroon ng sariling wine shop nung nasa Korea pa ako sa manisyon namin doon at ngayong araw, natupad na iyon. Para sa mga kagaya kong rich kid, oo, madali lang isipin na magkaroon ng ganito, pero hindi ganoon kadali pala kasi marami kang kailangang dapat ayusin. At proud ako sa sarili ko kasi nagawa ko ito ng maayos kahit minsan ay may mga pagkakamali rin.Nakahanap ako ng isang malaking shop sa sentro ng Paris, sakto sa vision ko para sa Tani Wine Company. Dati itong isang pizzeria, pero ngayon, gagawin ko itong isang eleganteng wine shop na may modernong disenyo—isang lugar kung saan mararamdaman ng mga tao ang kalidad at halaga ng alak na ginawa ko sa sarili kong farm.Oo, mahal ang renta, pero hindi ako nagdalawang-isip. Sa halip na magrenta lang, binili ko na ang buong property. Mas malaking puhunan, pero mas maganda dahil akin na ito nang tuluyan.Nakatayo ako ngayon sa harap ng shop habang pinagmamasdan ang lumang signage ng pizzeria
Ada POVAng flower farm ng mama ko ang napili kong lugar para sa pagtuturo ko kung paano lumakad sa runway stage kina Yanna at Verena. Malawak ang espasyo dito, tahimik at presko ang hangin—perfect setting para sa runway training. Isa pa, gusto kong maging mas komportable ang dalawa sa pagmo-model at mas madaling matuto kung relaxed ang paligid.Sa ilalim ng mainit ngunit hindi matinding sikat ng araw, nakatayo sina Yanna at Verena sa gitna ng daan na papunta sa flower garden. Ako naman ay nasa harapan nila, nakapamewang at nakangiti."Alright, ladies. Today, I’m going to teach you different types of runway walks," panimula ko. "It’s not just about walking—it’s about presence, confidence and knowing how to carry yourself."Tumango si Yanna, habang si Verena naman ay may bahagyang ngiti sa labi. Kahit hindi pa siya sanay, kita ko ang excitement sa mga mata niya."First, the classic runway walk," sabi ko at saka ako humakbang paharap. "Keep your shoulders back, your head high, and let y
Mishon POVAng pagtayo ng Tani Wine Company sa Paris ay isang pangarap na unti-unting nagiging realidad na ngayon. Matapos makuha ang opisyal na pag-apruba para sa pagbebenta ng aming alak, nagsimula na akong mag-focus sa branding, packaging at sa opisyal na operasyon ng kumpanya ko.Ngayong natapos na ang pagpapatayo ng unang opisyal na opisina malapit sa aming ubasan, oras na upang mag-hire ng mga propesyonal na tutulong sa akin sa pagbuo ng Tani Wine Company bilang isang premium brand.Maagang dumating ang mga bagong empleyado sa opisina at ngayon ay opisyal ko silang sasalubungin bilang CEO nitong Tani Wine Company. Sa isang conference room na may malalaking bintanang tanaw ang vineyard, pinulong ko ang mga key members ng branding at packaging team.“Welcome to Tani Wine Company,” panimula ko habang nakatayo sa harapan nila. “We have worked hard to get to this point, and now we’re taking our wines to the next level. That means exceptional branding, packaging, and presentation. I n
Mishon POV Sa wakas, dumating na ang araw na maaari ko nang ilabas sa merkado ang mga unang batch ng alak mula sa aking ubasan. Ngunit bago iyon, kailangan ko munang tiyakin na ang lahat ay naaayon sa mga regulasyon ng Pransya. Sa aking pagkaalam, ang mga alak na ibinebenta sa Pransya ay kailangang sumunod sa mga pamantayan ng Institut National de l'Origine et de la Qualité, ang ahensyang responsable sa pagkontrol ng mga produktong may Appellation d'Origine Contrôlée. Maaga akong nagising at agad na tinawagan ang aking assistant na si Marlo upang ipaalam ang mga hakbang na kailangan naming gawin. Magiging busy na ako kasi ito na ang simula ng pag-abot ko sa pangarap ko. "Marlo, kailangan nating tiyakin na ang ating mga alak ay sumusunod sa mga pamantayan ng INAO bago natin ito ilabas sa merkado. Maaari mo bang alamin ang proseso para sa pagsusuri at pag-apruba ng ating mga produkto?" "Opo, Sir Mishon. Agad kong sisimulan ang pag-research tungkol dito at kukunin ang lahat ng kinak
Ada POVDahil sa pagbabalik ni mama sa buhay namin, at sa pagtanggal sa trono ni Sora na mama ni Verena, naisip ko na kailanman ay hindi na magkakasundo ang Mama Franceska ko at si Verena.Si Verena—ang anak ng taong sumira sa buhay ng Mama ko noon. Kahit pa hindi kasalanan ni Verena ang mga ginawa ni Sora, hindi ko rin masisisi ang Mama kung bakit hindi niya agad pinansin si Verena kasi sinabi ko rin sa kaniya kung anong naging trato nito sa akin nitong mga nagdaang buwan. At dahil doon, kaya siguro nagalit o nagtampo din sa kaniya si mama.Pero nitong mga nakaraang araw, may napansin akong pagbabago. Napansin kong kahit paano, nagiging mabuti na ang Mama kay Verena. Kapag lunch o dinner, lagi niyang tinatawag si Verena para isabay sa pagkain namin.Hindi ito ‘yung tipong pilit lang o dahil anak pa rin siya ni papa. Ramdam kong genuine ito."Verena, come eat with us," madalas kong marinig na tawag ni Mama kapag nakikita niyang nasa malayo lang ito.At kahit pa minsan ay tila nag-aala
Ada POVPagkatapos ng isang marangyang kasal sa Paris, hindi pa rin natatapos ang kasiyahan. Ngayong gabi, sa loob ng aming mansiyon, sinamahan namin ni Mishon sina Mama Franceska at Papa Ronan sa pagbubukas ng kanilang mga regalo.At dahil halos lahat ng bisita ay bigatin—mga supermodels, fashion moguls at high-profile celebrities—inaasahan na naming hindi lang basta mamahalin ang mga regalong natanggap nila, kundi sobrang sosyal at nakakasilaw sa halaga.Nakaupo kami sa malawak na sala ng mansiyon, napapaligiran ng mga malalaking kahon na natatakpan ng mamahaling wrapping paper."Let's see what we got," natatawang sabi ni Papa habang kinukuha ang unang kahon.Si Sora naman ay palihim na patingin-tingin. Halatang naiinggit.Binuksan niya ito at sa loob ay isang exquisite diamond-encrusted Fabergé egg mula sa isang Russian billionaire na kilala sa pagko-collect ng rare artifacts."Damn, this could go straight to a museum," biro ni Mishon kaya natawa kaming lahat. Kahit kasi siya ay na
Ada POVHindi ko akalaing darating ang araw na ito.Ang araw kung kailan magiging opisyal na mag-asawa ang aking mga magulang. Sabi ni mama, ikakasal daw dapat sila dati ni papa, magaganap iyon pagkapanganak sa akin, pero dahil pinalabas ni Sora na namatay ako noong baby pa ako para manakaw niya ako, hindi natuloy ang dapat na masayang kasal nila. Pero dahil ang tadha pa rin ang masusunod, talagang sila pa rin sa huli ang magkakatuluyan.Matapos ang mahabang taon na pagiging single ni mama, na puro business at pagpapayaman na lang ang inisip, heto at hindi niya raw inaasahang pagkalipas ng mahabang taon ay ikakasal pa rin siya sa first love niya.Matapos ang lahat ng drama—narito na kami ngayon, sa pinakamagarbong kasal na nasaksihan ko sa buong buhay ko.Dahil ngayong araw, ikakasal na si Mama Franceska kay Papa Ronan.Nung nakaraang linggo nga ay may eksena pa bago ang masayang kasalan na ito. Noong una kasi ay ayaw pumirma ni Sora.Nakita ko kung paano siya humagulgol, halos hindi