Miro POVPagkababa namin ng sasakyan, agad akong nagbigay ng utos sa mga kasama ko.“Surround the entire perimeter. No one gets out, no one gets in. We’re ending this tonight.”Agad namang gumalaw ang mga tauhan ko. Mabibilis, tahimik at koordinado kasi alam nilang mainit na talaga ako, na gusto kong matapos na talaga agad ito. Sa paligid ng malaking taguan nila na may dalawang palapag, kita ko ang pagtakbo ng mga sniper at assault team sa kani-kanilang puwesto. Si Tito Zuko, kasama ang team niya, umikot naman sa likod. Sina Tito Sorin at Tito Eryx naman, namuno sa east at west side ng compound.Kumakabog ang dibdib ko habang binabantayan ang bawat kilos ng mga tauhan ko. Hindi lang ito operasyon, ito ang pagkakataon kong iligtas ang kapatid kong si Ahva.Kailangan kong mailigtas siya, dapat lang kasi baka tuluyan na akong hindi kibuin ni Mama Ada, baka tuluyan na niya akong hindi mahalin.“Miro,” tawag ni Samira habang nilalapitan ako. “She’s gonna be okay. We’ll get her back.”Tuman
Samira POVIsang linggo na ang lumipas simula nang mawala si Ahva. Araw-araw, gabi-gabi, walang humpay ang pag-iikot ng mga tauhan ni Miro, pero wala pa ring balita. Parang sinasadya ni Don Vito na pahabain ang paghihirap ni Miro. Alam kong ito ang gustong mangyari ng hayop na ‘yon. To break him. To destroy him slowly.At unti-unti ngang nangyayari ang mga ‘yon.Ang laki tuloy agad nang pinagbago ni Miro. Ngayon, halos palagi nang tulala. Mainitin na rin palagi ang ulo. Halos lahat ng soldiers niya, nasigawan na rin niya. Kahit pa sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryx. Wala siyang pinapalampas. Kahit ako rin kung minsan.Nandito ako ngayon sa tapat ng pintuan ng kuwarto niya habang may dalang tray ng pagkain.“Miro,” mahina kong tawag habang tinutulak ang pinto. Nakaupo siya sa gilid ng kama, hawak ang bote ng alak, tulala habang nakatingin sa sahig. Namumugto ang mata niya. Hindi ko alam kung dahil sa puyat, sa pag-inom.Kung titignan, parang siya palang ang nakikita kong mafia bos
Third Person POVSa gitna ng madilim at masukal na kagubatan, patuloy ang pagtakbo nina Don Vito at Ahva, kasama ang dalawang natitirang soldier ni Don vito. Mahigpit pa rin ang hawak ng isa sa braso ni Ahva habang sinusundan nila ang makitid na daanan na halos natatakpan na ng mga damo’t ugat ng puno. Ang huni ng mga kuliglig at ang tunog ng mga dahong naaapakan ang siyang tanging naririnig ng gabing iyon.Nagmamadali na sila kasi natatakot si Don Vito na maabutan sila nila Miro at ng isang katutak na mga tauhan nito. Isama pa na baka may dala-dala rin itong mga pulis.“Keep moving. We’re almost at the extraction point,” mariing sabi ng isa sa mga tauhan ni Don Vito habang sinisilip ang dilim sa unahan.Ngunit hindi nila inaasahan ang biglang pagputol ng daan. Pag hakbang nila sa isang daan ay biglang bumigay ang lupa. Isang matinis na sigaw ni Ahva ang bumalot sa katahimikan ng kagubatan. Kasabay nito ang malakas na sigaw din ni Don Vito.“Shit! They’re falling!” sigaw ng isa sa mga
Third Person POV Kinaumagahan, masakit ang ulo at katawan nang magising siya. Malamig pa ang simoy ng hangin at may halong halimuyak ng basang lupa at damo kasi umulan din nang saglit kagabi. Sa ilalim ng isang malaking puno, nakahandusay si Don Vito habang humihinga nang malalim. Unti-unti siyang nagmulat ng mga mata, bakas sa mukha niya ang pagod, sakit at pagkabigo. Sa kaliwa niya, naroon ang dalawang sundalong kasama niyang nagbabantay sa kaniya. Pareho ring gising na ang mga ito at halatang hirap pa sa pagbangon dala na rin nang hindi pa sila nakakakain ng hapunan kagabi.“Fuck,” mura ni Don Vito habang pilit na iniuunat ang mga binti. Napangiwi siya sa sakit ng katawan, lalo na sa likod at balikat.Wala pa ring tigil ang pagkabog ng dibdib niya—hindi dahil sa galit, kundi sa pagkadismaya. Nawala si Ahva. Hindi niya akalaing makakatakas ito. At higit sa lahat, hindi niya inaasahang siya pa ang masasaktan sa nangyaring pagkahulog sa bangin.“Sir, are you okay?” tanong ng isa sa m
Samira POVHabang papasok ako sa mansiyon kung saan naroon ang mga manang, biglang tumunog ang phone ko. May natanggap akong message galing sa isang unknown number. Isa ‘yung larawan. At isang location pin kaya nagulat ako.Sa ilalim ng isang malaking puno, nakahiga doon si Don Vito—mukhang mahina, may benda sa ulo at mukhang walang malay. Halos hindi ko siya makilala sa unang tingin ko. Ang dating makapangyarihan, demonyo sa buhay ni Miro, ngayon ay parang napabayaan at hinagupit ng tadhana. Ang itsura niya, parang kaawa-awa, pero kung sa gaya lang din niya na sobrang sama, walang awang dapat maramdaman ang kahit sinong makakakita sa kaniya dahil halos libo-libong buhay ang nawala dahil sa kahayupan niya.“Who sent this?” tanong ko tuloy sa sarili ko habang nakatitig pa rin sa screen. Nakapasok na ako sa loob ng mansiyon, tuwang-tuwa na naman ang mga manang nang makita ako.Pero sa halip na matakot ako sa natanggap kong message, nakaramdam ako ng kakaibang saya kasi hindi na namin ka
Samira POVSobrang tahimik ng paligid. Tanging ang huni ng mga kuliglig at ang kaluskos ng mga dahon sa ilalim ng aming mga paa ang maririnig. Malamig ang simoy ng hanging ngayong gabi pero pawisan kami dahil halos kanina pa kami naglalakad. Maliwanag ang sinag ng buwan sa langit at kahit wala kaming bitbit na flashlight, sapat na ang liwanag nito para makita namin ang daan.Ako na lang ang nagtatabas ng mga malalaking damo para makalakad kami ng maayos. Ako ang may hawak ng itak at ako ang nangunguna sa paglalakad.“We have to move quietly,” bulong ko sa mga manang habang tinuturo ang mas madamong bahagi ng gubat. “Don Vito might have scouts watching.”Wala sa kanila ang nagpakita ng takot. Si Manang Luz, Manang Cora, Manang Luciana, Manang Josie, Manang Percy at Manang Rowena—lahat sila ay handang sumugod nang walang pag-aatubili. Kahit may edad na ang iba, kahit mabagal na ang galaw ng ilan, kapansin-pansin ang apoy sa kanilang mga mata. Apoy ng galit, ng paghihiganti at ng kabayan
Miro POVHindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog. Basta ang huli kong naaalala, tulala akong nakatitig sa kisame habang hawak pa rin ang bote ng alak. Paulit-ulit kong iniisip ang lahat ng nangyari. Si Don Vito. Si Ahva na hanggang ngayon ay nawawala at pati na rin ang pagkamuhi sa akin ni Mama Ada.Pero bigla akong nagising nang bumukas ang pinto ng kuwarto namin ni Samira. Hindi ko na halos ramdam ang tama ng alak nang pumasok sina Tito Zuko, Tito Sorin, at Tito Eryx.“Miro, you need to wake up,” seryoso ang boses ni Tito Zuko habang mabilis na lumapit sa akin.Napabangon naman agad ako kasi sa tono palang nang pagsasalita ni Tito Zuko ay mukhanng may problema nga. “What happened?”Tumingin si Tito Sorin sa akin na halatang nagpipigil ng inis. “Samira took the old women. The soldiers just reported it. Pinainom nila ng pampatulog ang mga soldier mo para makatakas sila.”“What?!” Napamura ako. “Damn it, Samira!”Tumayo agad ako at lumapit sa cabinet para magpalit ng damit. “Why
Samira POVTahimik ang paligid habang kami ni Manang Luz ay patuloy na naglalakad sa madilim na bahagi ng kagubatan na ito. Gutom na, uhaw na rin kaya kung magpapatuloy ang mga manang na sumama sa amin, mapapagod agad sila at tiyak na manghihina, paano pa sila makakaluban kung kailan nakita na namin sina Don Vito ay mahina na sila. Kahit malamig ang hangin, nanatiling pawisan ang likod ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa kaba o sa pagod. Pero bakit nga ba ako kakabahan kung alam kong mahina na sina Don Vito.Ah, baka ang kaba na nararamdaman ko ay kapag nalaman ni Miro na nagsarili kami ng plano, oo, siguro ay ‘yun ang iniisip ko.“Are you okay?” tanong sa akin ni Manang Luz nang pabulong.Tumango lang ako. “Yeah... I’m fine, medyo iniisip ko lang si Miro. Hanggang ngayon, parang wasak na wasak siya. Tuliro, palaging galit at halatang wala nang gagawin kundi mag-inom at magmukmok na lang sa kuwarto niya.”Bumuntong-hininga si Manang Luz. “Kung bakit ba naman kasi hindi na lang tumulong
Samira POVPagbalik namin ni Ramil sa loob ng mansiyon, napansin kong lalong tumindi ang seguridad. May mga bagong CCTV cameras na naka-install sa bawat sulok, mga guard na may earpiece at mga patrol vehicles na umiikot sa perimeter.Sinulyapan ako ni Ramil at ngumiti ng payapa.“I see Miro’s already tightening the defenses,” sabi niya.“He’s taking no chances,” sagot ko, proud sa fiance ko.Tumayo kami sa malawak na hallway, sa ilalim ng grand chandelier. Ang saya sana kung ang pinaghahandaan ngayon ay ang kasal namin ni Miro, hindi ang nalalapit o darating na malaking labanan na naman.“You need to be ready for anything,” Ramil said.“I am,” sagot ko habang ramdam ko ang apoy sa loob ng puso at katawan ko.He chuckled slightly. “You sound like a soldier.”I smiled. “Maybe I am now.” una palang naman kasi ay parang sundalo na ako. Sa mga nangyaring training ko kina Tito Sorin, Tito Zuko at Tito Eryx, para na akong sundalong atat na atat maging malakas.Humakbang siya palapit sa akin
Samira POVMainit na ang sikat ng araw nang lumabas ako ng mansiyon. Kasalukuyan akong may hawak na malamig na lemonade habang pinagmamasdan si Ramil na naglalakad sa hardin. Malayo na talaga ang narating niya mula noong iligtas siya nila Miro mula sa pagtatago sa masukal na gubat na iyon. Ngayon, nagkakalaman na ang pisngi niya at kahit medyo mabagal pa ang kilos niya, ramdam mo ang unti-unting pagbabalik ng lakas sa kaniyang katawan.Lumapit ako sa kaniya, sabay abot ng isang tuwalya para pamunas ng pawis niya.“You’re doing great,” sabi ko.Ngumiti si Ramil, kinuha ang tuwalya at pinunasan ang leeg niya. “Thank you, Samira!” sagot niya na medyo paos pa rin ang boses. Nitong nagdaang araw kasi ay nilagnat pa siya.Naglakad kami ng mabagal sa gilid ng hardin, kung saan may mga anino ng puno na nagbibigay ng kaunting lamig sa paligid. Habang naglalakad kami, napansin ko ang seryosong ekspresyon sa mukha ni Ramil.“Is something bothering you?” tanong ko.Huminto siya sandali, tumingin
Samira POVTahimik ang gabing iyon. Pero hindi pa ako makatulog.Nakahiga na rin si Miro sa kama, nakapikit pero alam kong gising pa siya. Marahan akong bumangon mula sa kama at naupo sa gilid. Nakita kong napadilat siya nang maramdaman ako“Bakit bumangon ka pa?” mahinang tanong ni Miro.Huminga ako nang malalim bago lumingon sa kaniya. “Miro,” bulong ko, “can we talk?”Umupo siya na parang nag-aalala. “Of course. What’s wrong?”Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. Tinitigan ko siya, siniguradong mararamdaman niya kung gaano kaseryoso ang sasabihin ko sa kaniya.“I want to build a secret hideout,” sabi ko na halos bulong ulit. “Underground. Just for the manangs. A place only we know about. Somewhere safe… in case Vic targets them.”Hindi siya nagsalita agad. Tinitigan lang niya ako habang tahimik na nag-iisip. Ilang saglit pa, ngumiti siya at walang alinlangang tumango.‘Let’s do it,” sagot niya. “Whatever you need, love. I’ll make it happen.”Nang marinig ko ‘yon, para
Samira POVNasa loob ako ng kuwarto ni Ramil ngayon. Busy sina Miro ngayon, kami lang nila Mama Ada at Ahva ang naiwan dito sa manisyon. Naisip ko naman na puntahan si Ramil kaya dinalhan ko siya ng pagkain—isang tray na may sinigang na baboy, kanin, at manggang hilaw na may bagoong.“You need to eat more,” sabi ko habang iniaabot ko sa kaniya ang tray. “You need strength, Ramil. Hindi ka puwedeng injury na lang habang buhay. Ikaw na ang nagsabi, kailangan nating maghanda kaya magpalakas ka rin.”Ngumiti lang siya sa akin. “Salamat, Samira. Huwag kang mag-alala, ito na, nagpapagaling at nagpapalakas na ako. Baka sa susunod na linggo, makalakad na ulit ako.”Habang kumakain na siya, pinagmamasdan ko lang siya, napansin ko, tila may gusto siyang itanong pero hindi niya agad masabi. Hanggang sa maya-maya'y nagsalita rin siya.“Ang mga manang pala, kumusta na sila?” tanong niya habang nakasandal sa mga unan.Napatingin ako sa kaniya. Biglang lumabas ang ngiti sa mga labi ko. Hindi pa nga
Miro POVPagkapasok namin sa mansiyon, agad kong tinapik ang balikat ni Ramil bilang hudyat na sa wakas ay nandito na kami, tuluyan na namin siyang nauwi. May lumabas na bahagyang ngiti sa labi niya, pero habang naglalakad at inaalalaya siya ng mga tito ko, hindi niya maitago ang pagngiwi ng mukha, halatang nasasaktan siya.Lumapit agad si Ahva at Mama Ada para salubungin siya. Lahat kami, may saya sa pagdating niya, pero may bigat din sa dibdib naming makita siyang halos ‘di na makalakad ng maayos.“Prepare his room,” utos ko sa isa sa mga tauhan. “Make sure it’s comfortable. Ramil needs full rest.”Nagkatinginan kami ni Samira. Ramdam ko ang lungkot sa mga mata niya. Alam naming hindi madali ang pinagdaanan ni Ramil. Kaya naman agad kong tinawagan si Dr. Elson, ang private doctor namin.“Ramil, the doctor will be here in ten minutes,” sabi ko sa kaniya habang inaakay siya papunta sa inihandang kuwarto para sa kaniya.“Thanks, Miro. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung ‘d
Miro POVOras na para bumawi kay Ramil. Nanghingi siya ng tulong sa amin na kung maaari ay i-rescue na siya kasi nahihirapan na siya sa kinalalagyan niya ngayon.Ako mismo ang nagmaneho ng sasakyan habang tahimik kami sa loob. Kasama ko sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryx. Dapat, nagbabakasyon sila ngayon sa Palawan kasi matagal na nila itong na-book. Pero dahil nakatanggap kami ng problema, hindi ko na muna sila pinatuloy kasi baka maging maaga ang paggalaw ni Vic. Ayaw ko naman na wala sila kapag lumaban na ulit kami, parang kulang na kasi ako kapag wala sila. Hindi ako nakakapag-isip ng maayos kapag wala ang mga tito ko. Oo, may Samira akong matapang at matalino, pero iba pa rin talaga kapag may nakakatanda na nangangasiwa sa amin.Tanggap ko nang parang hindi ako mafia boss, oo, mas babagay ito kay Samira, pero wala na akong pakelam ngayon sa posisyon na iyon. Ang gusto ko na lang sa ngayon ay matapos ang gulo, wala ng problema at dapat puro kasiyahan na lang.“We finally trac
Samira POVWala pa man ang gulong magiging dala ni Vic, pero ang balita tungkol sa pagbabalik niya ay sapat na para yanigin ang katahimikan ng lahat. Ngunit kahit na natatakot ang lahat, hindi kami puwedeng manatiling walang ginagawa. Walang nakakaalam kung ano ang mga kaya niyang gawin kaya halos parang nanganga pa kami.Sa totoo lang, hindi kami nahirapang pabagsakin si Don Vito, walang masyadong labanan na nangyari, kasi dito pala kami mapapasabak ng husto kay Vic. Pero sana, gaya nang pagbabagsak namin kay Don Vito, ganoon din kadali ang kay Vic.Kaya ngayon, dinala ko sina Mama Ada at Ahva sa garden ng mansiyon para simulan ang isang bagay na mahalaga naming gawin ngayon, at ito ay ang matuto na rin silang lumaban.“Okay, start with your stance,” sabi ko habang pinaposisyon ko si Ahva at Mama Ada. “Feet shoulder-width apart. Arms up. Chin down.”“Like this?” tanong ni Mama Ada, na medyo nag-aalangan habang tinaas ang dalawang kamay.“Yes, ganiyan nga. Pero relax lang po, Mama. Hi
Samira POVPawisan at halos humihingal kaming dalawa ni Miro matapas ang umaatikabong pagse-sëx. Galing si Miro sa isang event at tipsy ito nung umuwi. Pagpasok niya rito sa kuwarto namin, bigla na lang naglambing. Hanggang sa magtanggal na kami ng saplot at wala na akong nagawa kundi ang magpaubaya na lang.Matutulog na dapat ako, pero biglang nag-vibrate ang cellphone ko sa may nightstand. Mabilis ko iyong kinuha, akala ko ay notification lang mula sa social media, pero natigilan ako nang makita ang pangalan na naka-flash sa screen.Si Ramil, tumatawag. Nung una, inisip ko na baka ibang tao, baka may nakakuha lang ng phone niya. Pero nang sagutin ko ang tawag niya, doon na ako lalong nagulat.Buhay pa nga si Ramil.“Ramil?” mahinang tawag ko sa kaniya na halos pabulong lang.“Samira,” bulong rin niya mula sa kabilang linya at agad kong naramdaman ang takot sa boses niya. “Walang oras para magpaliwanag, pero nakatakas ako nung dakpin ako ng mga tauhan ni Don Vito nun. Nung hinahabol
Samira POVMaaga pa lang, tinawag na ako ni Mama Ada. Nagtaka naman ako kung anong kailangan niya. Nakakatawa kasi may gagawin sana kami ni Miro, pero dahil hindi naka-lock ang pinto at tinatawag ako ng isang kasambahay, nahinto tuloy. Pero mukhang mahalaga ang sasabihin niya kaya pinuntahan ko siya kahit kagigising ko palang.Pagkakita ko sa kaniya sa sala sa ibaba, sinalubong niya ako ng maganda niyang ngiti.“Samira, come with us today. Let’s do something fun,” sabi niya habang nakangiti at nakaayos na ang buhok. Kasama niya nun si Ahva, na sa wakas ay masaya na rin at palaging nakatawa.Napatango na lang ako, kahit may kinakabahan. Hindi ko kasi alam kung saan kami pupunta. Hindi na rin kasi ako nakapagtanong. Hindi ako sanay na isinasama nila sa mga ganitong lakarin. Pero habang tinitingnan ko ang ngiti ni Mama Ada, ramdam ko na tanggap na niya talaga ako. Hindi na ako outsider, kundi parte na ng pamilya nila.Nung magpaalam ako kay Miro, natuwa pa siya. Sinabi niya na magandang