Misha’s POVToday, sinama ako ni Ninong Everett sa isang hotel resort nila. Alas nuebe ng umaga nang sunduin niya ako sa bahay namin. Ten na ng umaga nung dumating kami dito sa napakabonggang hotel resort nila. Nalula ako sa taas ng mga building. Sabi niya, nandito raw lahat ‘yung mga staff na close sa mga tito at tita niya. Sila ‘yung mga spy or tagabalita sa mga tito at tita niya na nangyayari sa buhay niya.Pagdating namin sa loob, pinagtitinginan kami at binabati din nila si Everett.Naupo kami sa isang mesa dito sa may swimming pool area. Tinawag niya ang isang staff at saka nagsabi ng gusto niyang inumin.Habang umiinom siya ng wine, umiinom naman ako ng juice. Ayaw niya akong bigyan ng alak kasi baka makasama raw sa baby ‘yun sakaling mabuntis na nga ako.“Ang laki nitong hotel resort ninyo, Everett,” sabi ko habang palingon-lingon sa buong paligid.“Please, ngumiti ka lang sa lahat ng oras, Misha. May mga staff kasi na kumukuha na sa atin ng picture habang nandito tayo. Nang s
Misha’s POVI was shocked when I woke up late. Hindi ako nagising sa alarm clock ng cellphone ko. Today kasi ang birthday party ng class president namin nung college kami. Isang bonggang event ang mangyayari today, so I must not be late for the gathering. Kailangan kong maghanda kasi dito na magaganap ‘yung mga pag-share ng career achievements, travel experiences, Hobbies and Passions.Mabuti na lang at saktong napamili ako ng mga mamahaling gamit kahapon ng ninong kong mahal na si Ninong Everett. Ngayon, magagamit ko na tuloy ang mga mamahaling gamit na ‘yon.“So, anong susuotin mo, girl?” tanong sa akin ni Jaye. Naka-video call kaming dalawa habang nagme-makeup ng sarili.“Basta, surprise, abangan mo na lang mamaya,” nakangiti kong sagot.“Hey, Misha, for your information, cocktail dress ang dapat na suotin natin,” paalala pa niya. Ginagawa niya akong hindi sanay magbasa ng email.“Yeah, alam ko,” agad kong sagot. “Alam mo, Jaye, mabuti pa gumayak ka na lang nang gumayak diyan. Inii
Misha’s POVNag-start na ang party. Gaya ng may birthday, weird din nung mga program. Ang boring kasi puro kantahan, tapos ‘yung mga kantahan naman ay puro lumang kanta pa. Wala manlang special, kung mayroon man, mga pagkain lang at give-aways. Karamihan sa mga bisita ay parang inantok. Kaya ang ginawa ng iba, gumawa na lang ng mga sariling eksena para mag-enjoy. May mga grupo sa isang lamesa na panay ang picture-an. Aaminin ko, karamihan sa kanila ay gumanda na ang mukha. Paano kasi, uso na ang plastic surgery sa panahon ngayon. Mapepera na rin talaga itong mga kaklase ko. Ang dating mga busalsal nilang ilong, kay tatangos na ngayon. ‘Yung iba namang mga morena noon, kay puputi na ngayon. Tila ba araw-araw lumalaklak ng glutathione. Mayroon din na ang dating mga nerd, biglang naging mga hot.Sa lamesa namin, tahimik at nagmamasid lang sa mga ginagawa ng mga dati naming kaklase. Pero nung makainom na ng wine ang ilan, doon na naging madaldal ang iba.“Uy, Misha, kumusta ka na nga pala
Misha’s POVNakaharap ako ngayon sa malaki kong salamin dito sa kuwarto ko. Pinagmamasdan ko ang sarili ko. Tinignan ko kung may laban ba ako sa babaeng ‘yon. Simula nung makita ko siya kahapon sa birthday party, hindi na maalis sa isipan ko ang mga narinig ko sa sinabi niya. Hindi ako makakapayag na makuha niya ang yummy ninong ko, hindi puwede!Naglakad ako pabalik sa kama ko. Dinampot ko ang cellphone ko para tawagan si Ninong Everett. Gusto kong makipagkita sa kaniya ngayon din.“Oh, napatawag ka ata?”Napakabilis niyang sumagot. Halatang nagulat siya sa pagtawag ko sa kaniya. Dinig ko sa background niya na para bang may nagsasalita.“Wala ba tayong lakad? Gusto kong umalis ng bahay,” agad kong sabi. Baka kasi nakaaligid na sa kaniya ang magandang babae na nakita ko kahapon. Mainam na ‘yung ako na ang maunang umaligid sa yummy ninong ko. Nagiging makapal na tuloy ang mukha ko ngayon sa kaniya. Ako pa ang nag-aaya sa kaniya na lumabas.“Misha, sorry, nasa meeting ako ngayon. Nasa w
Everett’s POV“Anong balita diyan sa inaanak mo?” tanong ni Garil. Nandito kami ngayon sa opening ng bagong hotel resort namin dito sa Batangas.“Okay naman, maayos naman ang lahat. Waiting pa rin ako sa pagbubuntis niya,” sagot ko sa kaniya habang nakatingin ako sa tita at tito ko na abalang kinakausap ang mga pangunahing bisita namin dito. Feel na feel nila, na sila muna ang may hawak sa lahat-lahat ng ari-arian at business namin. Feel na feel nila na sila muna ang nasa spotlight habang hindi ko pa nakukuha ang lahat. Para sa akin, hahayaan kong mag-enjoy muna sila sa kung anong ginagawa nila ngayon. Alam ko naman kasi na sa huli, sa akin pa rin babagsak ang lahat. Hindi puwedeng ‘di dahil sa akin lang naman talaga dapat ang mga ‘yon. Hindi ko lang talaga ma-gets si papa kung bakit pinahirapan pa niya ako ng ganito. Alam naman niyang sakim sa mga yaman ang kapatid niya, tapos sa kaniya pa niya pinaubaya ang lahat habang hindi ko pa natutupad ang huling hiling niya. Siguro, dahil ala
Misha’s POVTinawagan ako ni Ninong Everett para pumunta sa condo niya. Sabi niya, hindi niya raw ako masusundo kasi masama ang pakiramdam niya ngayong araw. Hindi ko naman alam kung bakit gusto niya akong papuntahin doon, hindi niya rin sinabi ang dahilan. Gumayak na lang ako at pagkatapos ay pumunta na ako roon. Alam ko naman na ang number ng condo niya. Hindi ko na rin need pang pumunta sa front desk kasi nag-abiso na si Yummy ninong sa mga staff niya rito na darating ako.Pagdating sa hotel na ‘yon, sumakay na agad ako sa elevator. Pinindot ko ang 4o floor kasi naroon ang condo niya, na feel ko ay naka-presidental suite.Pagbukas ng elevator, naglakad na ulit ako sa hallway. Dulo ang condo niya kaya mahaba-habang hallway ang need kong lakarin. May mga nakakasalubong ako ng staff dito. Magalang sila at palangiti sa mga bisita. Bukod doon, wala atang pangit sa mga staff dito. Magaganda at guwapo sila.Iba talaga ang pamilyang Tani. Ang dami nilang business na talaga namang bongga an
Misha’s POVBinuksan ko ang pinto. Hinarap ko si Maddison. Kita ko sa mukha niya ang pagkagulat nang makita ako.“Who the hell are you?” una niyang tanong sa akin habang nakataas ang isang kilay. Unang pagkikita, tinarayan niya agad ako. Pota, ang ganda niya talaga sa malapitan. Nakaka-inggit pagmasdan ang mukha niya. Talo talaga ako sa babaeng ‘to. Nawawalan ako ng confidence kapag kaharap siya.“Parang ako po ata ang dapat na magtanong niyan. Sino ka at anong kailangan mo?” tanong ko rin kahit ang totoo ay kilala ko na siya. Napapa-po tuloy ako.“I’m Maddison, friend niya. Where is Everett? We are leaving, we will be visiting a friend of ours,” sagot niya habang patuloy na nagtataray ang mukha. English-era ang gaga. Lalo niyang pinaparamdam na mababang uri ako. Na hindi kami magka-level kasi pang-high quality ang pagkatao niya.“Sorry, Miss Maddison, pero hindi tumatanggap ng bisita ngayon si Everett. Inaapoy siya ng lagnat ngayon kaya sa ibang araw mo na lang siya ayaing gumala,” s
Misha’s POVPagkagising ko, wala na sa tabi ko ang yummy ninong ko. Papungay-pungay pa ang mga mata ko habang lumilingon sa paligid. Ni anino ni Everett ay hindi ko na nakita dito sa kuwarto kaya bumangon na ako. Pag-upo ko sa kama, pahikab-hikab pa ako. Napasarap ang tulog ko.Tumingin ako sa orasan, halos alas kuwatro na pala ng hapon. Nalipasan na ako ng lunch, lalo na ang pasyente ko. Tumayo na tuloy ako at saka lumabas ng kuwartong ‘yon.Sa labas, narinig ko na parang may nagluluto sa kusina. Naglakad ako palapit doon. Nakita kong nagluluto na sa kusina si Ninong Everett.“Hey, bakit ginagawa mo ‘yan? May sakit ka ah,” sita ko sa kaniya nang lapitan ko siya.“Medyo okay na ang pakiramdam ko. Nagugutom na kasi ako dahil nalipasan na tayo ng lunch, kaya naisipan kong magluto ng pagkain,” sagot niya, pero inagaw ko pa rin ang sandok sa kaniya.“Everett, mabibinat ka sa ginagawa mo. Ginising mo dapat ako.” Ako na ang nagtuloy ng niluluto niya. Mukhang adobong baboy kasi ‘yung nilulut
Samira POVHabang dumadaloy ang maligamgam na tubig sa aking balat, paulit-ulit akong napapailing.“What the hell was that, Samira?” bulong ko sa sarili habang sinasabon ang aking braso.Napapikit ako at napailing nang pauli-ulit. Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin kanina para halikan si Miro, buwisit, hindi lang basta halik, tinukso ko pa siya! Ngayon, paano ko siya haharapin bukas? Nakakahiya talaga ang ginawa ko. Mafia boss pa naman na siya at boss ko nga pala tapos ginanoon ko siya.Siya naman kasi, panay ang sermon, nakukulili na ang tenga ko kaya iyon ang naisip kong paraan para mapatigil siya.Napahawak ako sa noo at napahinga nang malalim. Hindi puwede ‘to. Kailangan ko siyang harapin na parang walang nangyari. Ako pa ba? Isang halik lang ang makakagulo sa isip ko? Hindi ko hahayaang makita ni Miro na apektado ako. Hindi ko rin hahayaang isipin niyang may ibig sabihin ang ginawa ko.Pagkatapos kong maligo, kinuha ko ang skincare products na binigay niya sa akin noong isan
Miro POVSa harap ng malawak na mansiyon ni Don Vito, napatigil ako nang makita ko ang isang nakatayong tao sa dilim. Sure akong isa itong babaeng nakabonnet habang punong-puno ng dugo ang katawan at damit. Kilala ko ang kilos niya, ang paraan ng paglalakad niya at ang buhok nito. Walang duda, si Samira iyon.“Damn it, Samira,” bulong ko sa sarili ko habang binabantayan ang bawat galaw niya.Sakto namang paalis na siya doon nang biglang may humintong dalawang malaking van sa harapan ng gate. Agad akong kumilos at itinaas ang kamay bilang hudyat sa mga tauhan ko.“Move!” sigaw ko at agad silang sumugod.Nagpalitan ng putok ang magkabilang panig. Ang mga bala, parang ulan sa gitna ng digmaan, pati ang mga kapitbahay ay nabulabog, ang ilan ay halos napadungaw sa bintana.Pero tila wala itong epekto kay Samira. Kahit mas marami ang kalaban, nagawa pa rin niyang mapatumba ang ilan. Agad na tuloy akong sumugod palapit sa kanya habang pilit siyang inilalayo sa labanan.“Samira! Let’s go!” s
Samira POVRamdam ko naman na nag-aapoy ngayon ang puso at isip ko. Ang nagngangalit kong dugo ay mas mainit pa sa apoy ng impyerno, ganoon ang parang naiisip ko.Nakatayo na ako sa harap ng malawak na mansiyon ni Don Vito, isa ito sa mansiyon niya at ang balita ko, nandito sa loob ng bahay na ‘to si Lolo Lito, ang ama ni Don Vito.Wala nang atrasan. Kailangan nilang malaman kung sino talaga ako, hindi isang mahina, hindi isang biktima kundi kaya ring maging gaya nila na maging walang puso. Oo, ngayong gabi ay magiging walang puso ako dahil maniningil na ulit ako. Matapos kong mapanuod ang ginawa ni Don Vito sa ama ko, mas inspired akong gayahin din ang ginawa niya sa ama ko.Ako ang anino ng kamatayan na kakatok sa pintuan nila ngayong gabi. At ang biktima ngayon, walang iba kundi ang ama ni Don Vito.Sa labas pa lang, dalawang security guard na ang bumalik sa kanilang puwesto matapos ang kanilang ronda. Wala silang kamalay-malay na may halimaw na nagtatago sa dilim. Ako iyon. At nga
Miro POVKakatapos ko lang kausap sa video-call ang mga kaibigan kong sina Zaven, Dristan at Lysander. Nami-miss na raw nila ako, pero dahil kailangan ko munang ring lumayo sa kanila at baka madamay sila sa gulong mangyayari, nagsinungaling na lang ako sa kanila at sinabing na nasa ibang bansa ako ngayon at magtatagal ako rito. Madali namang paniwalain ang mga iyon kaya inisip talaga nila na nasa New york ako.Nakakalungkot lang talaga na kailangan ko munang iwasana ng mga nakasanayang kong gawin dati. Pero magtitiis muna ako kasi kapag nawala naman na si Don Vito, makakabalik din ako sa dati.Kakababa ko lang sa cellphone ko at gusto ko sanang matulog muna saglit pero bigla na namang tumunog ang ito. Pagkahawak ko sa cellphone ko, agad akong napabangon mula sa pagkakahiga. Narinig ko agad ang boses ni Manang Cora sa kabilang linya nung sagutin ko ang tawag niya.“Miro, tila wala sa ulirat si Samira nang umalis siya rito sa hacienda. Hindi namin siya mapigilan. Ayaw din kasing magpapi
Samira POVPagkatapos ng matagal na training kasama ang mga manang, pagod akong bumalik sa kuwarto ko. Ito na talaga ‘yung pahinga ko, kaunting oras lang kaya dapat ay kahit pa paano, makapag-siesta manlang kahit isa, dalawa o tatlong oras.Ramdam ko ang bigat ng katawan ko, lalo na’t nag-focus kami sa self-defense. Pero kung masakit ang katawan ko, siguro ay mas lalo na sa katawan ng mga manang. Alam kong mahirap para sa kanila ang ginagawa namin, lalo na’t may edad na ang iba, pero kailangan nilang matutong ipagtanggol ang sarili nila at matutong lumaban. Mas mabuti nang paghandaan ang paparating na gulo kaysa magsisi kami sa dulo.Pagbagsak ng katawan ko sa kama, nakaramdam agad ako ng ginhawa. Sa wakas, makakapagpahinga na rin. Pero hindi pa man ako tuluyang nakakapikit, may kumatok na bigla sa pintuan ng kuwarto ko.“Pasok,” sagot ko kahit na medyo naiinis ako sa istorbo. Bumukas ang pinto at lumitaw si Ramil, bagong ligo na. Mabuti pa siya, kahit pa paano ay nakapagpahinga na.N
Miro POVTahimik ang buong mansiyon. Sa unang pagkakataon matapos ang ilang linggong tensiyon at dugo, ngayon lang ako nakaramdam ng tunay na pahinga. Wala rito ngayon ang mga tito ko at pati na rin si Samira. Mga bodyguard at mga soldiers ko lang ang naiwan na nagkalat sa paligid ng mansiyon ko.Napabuntong-hininga ako. Nasa akin na ang lahat ng gusto ko ngayon, kapangyarihan, pera at respeto. Sa totoo lang, kailangan ko pang pumasok sa school, ga-graduate pa ako pero sabi nila tito, mafia boss na ako ngayon, maraming pera, pero kung gusto ko namang magtapos talaga, puwedeng mag-home school na lang ako. Kayang-kaya ko naman daw bumayad ng malaki kaya ganoon na lang talaga ang gagawin ko.Nakahiga ako ngayon sa malambot kong kama, nakasandal sa headboard habang naglalaro sa isip ko ang balitang natanggap ko kaninang umaga. Galit na galit si Don Vito. At ang pinakanakakatuwa? Hindi niya alam kung sino ang bumabangga sa kaniya. Hindi niya matukoy na ako ang bagong anino na unti-unting
Samira POVSabado ngayon. Alam kong dapat ay nagpapahinga ako, pero hindi ko magawang ipikit ang aking mga mata nang walang iniisip na plano. Monday to Friday, abala ako sa pagbabantay kay Miro, pero tuwing Sabado at Linggo, bumabalik ako sa hacienda para turuan ang mga manang. Sabi ni Miro, ang hacienda na ito ay sa amin na ng mga manang. Kaya ng malamang ng mga manang iyon, natuwa sila ng husto kasi alam nilang may magiging tahanan na sila hanggang mamatay sila. Siyempre, ganoon din ako. Isa pa, sobrang safe nito kasi napakatagong lugar nito.Alam kong mahina ang tsansa nilang makalaban nang harapan, pero kung may pagkakataong makaligtas sila gamit ang kaalaman sa self-defense, sulit na ang pagod ko. Kaya gustuhin ko mang mamahinga ng Sabado at Linggo, pipiliin ko pa ring turuan sila dahil alam kong balang-araw, magagamit din nila itong mga ituturo ko sa kanila.Nagtipon kaming lahat sa malawak na bakuran ng hacienda. Masarap ang simoy ng hangin sa umagang ito, pero alam kong hindi
Miro POVNakahawak ako sa baril habang nasa loob ng sasakyan, oras na para sa pangalawang plano na pagpapabagsak kay Don Vito. Hindi ko dapat narito. Hindi ko pa ito ginagawa ayon sa kay Tito Eryx, pero gusto ko kasi ng experience, ang sumabak sa mismong pagsalakay namin. Pero kung gusto kong masanay, kung gusto kong maging tunay na lider, kailangan kong maranasan mismo ang ganitong klase ng laban, kahit pa mafia boss na ako.“We move in five minutes,” sabi ni Tito Zuko. Mahinahon ang boses niya pero matigas. “Remember, no mistakes. We get Hector, no one else.”Tumango ako at sinilip ang paligid mula sa bintana. Ang target namin ay isang malaking warehouse sa labas ng city. Dito nagkukuta ang kanang-kamay ni Don Vito na si Hector. Ayon sa intel, nagtatago siya rito kasama ang isang dosenang armadong tauhan. Si Hector ang isa sa pinagkakatiwalaan ni Don Vito at ayon sa mga soldier ko na dati nang kilala si Hector, isa ito sa naging dahilan kung bakit namatay ang mama ko. Si Hector ang
Samira POVNgayong araw ang unang araw ko bilang personal bodyguard ni Miro. Masaya ako kasi kikita na ako ng pera at makakapag-ipon na ako para sa future ko. Si Don Vito, nakikita ko naman na malapit na ang pagbagsak niya, manunuod na lang ako sa kung anong gagawin ni Miro, pero hindi ibig sabihin na wala akong gagawin, tutulong pa rin ako, sakto naman na personal bodyguard ako ni Miro kaya makikita at malalaman ko ang mga nagaganap.Every Saturday at Sunday lang ang uwi ko sa hacienda para ma-train ang mga manang na gustong matutong gumamit ng sandata at self-defense. Pero tuwing lunes hanggang biyernes, kailangan kong manatili sa mansyon ni Miro, grabe nga, sobrang laki ng manisyon nga, talaga ngang masasabi kong mafia boss na talaga si Miro kasi mala-palasyo ang laki nito.May sarili akong silid dito. Malaki din, parang mas malaki pa itong bedroom ko kasya sa dati naming bahay. Para ngang hindi lang ito basta kuwarto ng isang tauhan, naisip ko na hindi ako tinitignan na parang tau