Misha’s POVNarito ako ngayon sa banyo, nakahiga at nakababa sa bathtub na punong-puno ng bula habang umiinom ng tea. Ang bango ng liquid soap na ginamit ko. Iba talaga kapag mayaman, lahat ng tungkol sa mga kagamitan nila, okay na okay at talaga namang high quality. Si Yummy ninong nanunuod pa rin sa sala, may series kasi siyang pinapanuod ngayon. Nagpaaalam akong maliligo kasi baka dito na ako matulog. Gusto ko kasing magpalipas ng gabi kasama siya. Pero kung hindi siya papayag, okay lang, uuwi na lang ako. Ang mahalaga naman ay nagampanan ko ang mission kong pagalingin siya.Pagkatapos kong maligo, nag-ready na rin ako ng hapunan. Sabaw naman daw ang gusto niya kaya nagluto ako ng tinolang manok. Bagay kasi ‘yon sa may sakit. Alam ko, hindi pa siya nakakatikim nun kaya nagluto na rin ako.“A-anong klaseng luto ‘yan?” tanong niya habang nakaturo sa tinolang manok na niluto ko nang ilapag ko na ito sa hapagkainan.“Bagay ‘yan sa may sakit. Sige, tikman mo, masarap din ‘yan,” sagot ko
Misha’s POVNung umaga, nagising ako na nakayakap at nakadantay ako sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang naging ganito. Hindi naman ako malikot matulog. Ganito pala ang pakiramdam kapag gigising ka na may katabing sobrang guwapo at sobrang yummy na lalaki. Napangiti agad ako kasi ang sarap talagang katabi nitong taong ‘to.Pero, teka, ano itong matigas na bagay na nakadikit sa binti ko?Tinanggal ko ang kumot at saka tinignan kung ano ‘yon. Nalaglag ang panga ko nang makita kong titë niya pala ‘yon na naninigas. Totoo talagang matigas ang titë ng mga lalaki kapag umaga.Para naman akong baliw na dahan-dahan ay kinapa ko ‘yon. Mukha naman kasing hindi siya mababaw matulog.Putcha, ang tigas. Parang bato. Parang bakal. Nakakatuwa naman.“Hey, ang aga mo namang manghipo,” bigla niyang sabi kaya bigla rin akong nagtulug-tulugan. “Huli ka na, huwag ka nang magtulug-tulugan diyan,” sabi pa niya.Pagdilat ng mga mata ko, mas lalo akong nabigla nang makita kong nakalabas na sa pa
Misha’s POVDumaan kami ni Everett sa isang flower shop. Flower shop na ang ganda-ganda. Dito ata talaga bumibili ng mga bulaklak ang mga mayayaman. Ngayon lang ako nakapunta sa ganito. Bumili siya ng bulaklak na dadalhin namin sa puntod ng mga magulang niya. Pagkatapos, bumili na rin kami ng kandila at merienda na kakainin namin doon. Bumili siya ng pizza at milktea.“Ayos na ba sa ‘yo ang pizza na ‘to o gusto mo pa ng ibang pagkain?” tanong niya.Pagdating sa sementeryo, agad niyang pinuwesto ang bulaklak sa gitna ng lapida ng mama at papa niya. Pagkatapos ay saka na rin siya nagtulos ng kandila. Pati kandila, yayamanin. Nung inapuyan niya kasi ito, mabango ‘yung nilalabas na usok doon. Kanina, nagulat nga ako kasi kandila lang ‘yun pero libo-libo ang presyo. Nakakaloka talaga gumastos ang mga ganitong mayayaman na tao.“Mama, Papa, nandito na ulit ako. Sinama ko na rin itong si Misha, siya ‘yung inaanak ko,” sabi ni Everett kaya natawa ako. “Papa, siya na po ‘yung babaeng naging in
Misha’s POVNahihiya ako. Daang libo na naman ang nagastos ni Everett dahil sa dami nang pinamili niya sa akin ngayong araw. Tapos, kumain pa kami sa isang fine dining restuarant ngayon. Kapag kasama ko si Yummy Ninong, napapagtanto ko na, hindi pa pala ako mayaman nung kasagsagan na mapera pa ang mga parents ko. Kasi, kahit pa sabihing milyonaryo na kami noon, never ko pang nata-try itong mga pinupuntahan namin ni Everett. Nakakatuwa kasi parang girlfriend na ako ni Everett kung ipamili niya ako at kung isama sa mga date-date na ‘to. Mas lalo ko na rin tuloy gustong mabuntis. Na para bang kapag nabuntis na ako, alam kong safe na ako sa kaniya. Na kapag nagkaanak na kami, sisiguraduhin kong hindi na siya makakawala sa akin.“Ano nga palang event ‘yung tinutukoy mong pupuntahan natin?” tanong ko sa kaniya. Iyon talaga ‘yung tanong na gusto kong itanong sa kaniya kanina pa. Nakalimutan ko lang.“Birthday ko,” sagot niya na kinagulat ko tuloy.“H-ha, birthday mo? Kelan, bakit hindi mo si
Misha’s POV Lumuwas si papa sa Manila, si mama naman ay biglang nagkasakit. Nakiusap si mama sa akin na ako muna ang pumunta sa farm ngayong araw para magpa-harvest ng mga dragon fruit sa mga tauhan namin doon. Marami raw kasi silang pa-order at need nitong ma-deliver bukas. Kailangang-kailangan ko raw pumunta sa farm para tignan ang mga trabaho ng staff namin doon. Minsan daw kasi ay kapag nagha-harvest sila at wala sina mama at papa, kadalasan ay nagiging hati ang kita. Ang iba ay inuuwi ng mga staff sa kani-kanilang bahay ang mga ani para magbenta ng pang-sarili nila. Ang nangyayari, nalulugi sina mama at papa. Sa panahon ngayon, kahit singko mang duling ay mahalaga na sa kanila kaya kailangan daw maging matalino sa lahat ng oras.Pagdating ko sa farm namin, sakto, papasok na rin sa loob ‘yung mga staff naming lalaki na mamimitas ng mga dragon fruit.“Good morning, Miss Misha!” sabay-sabay nilang bati sa akin. Ngumiti naman ako. Kahit ang totoo, hindi ko ginagawa sa kanila ‘to d
Everett’s POVHabang tahimik akong nagkakape sa sala ng manisyon ko, biglang dumating si Tito Gerald, kasama ang asawa niyang si Tita Maloi. Pagkakita ko palang sa mga mukha niya, alam kong gulo na agad ang mangyayari.“Why didn’t you even tell me that you were preparing for your birthday party?” he asked with an angry voice. Na akala mo ay parang totoo kong ama. It seems he forgot that he’s just my uncle.Binaba ko ang tasa sa lamesa habang kalmado akong tumayo para harapin siya.“Am I still a child that I need to ask for your permission? I’m old enough, I don’t need to inform you. Besides, do you really need to know about my preparations for a birthday party? Why, is the money I’ll spend coming from you? Hindi naman ‘di ba? Saka, ano bang magiging papel mo at need mo pang malaman ang tungkol doon?”Tumawa si Tita Maloi. Nagulat na lang ako nang lapitan niya ako para sampalin. “Bastos, nagtatanong lang naman ang tito mo, kung ano-ano agad ang sinabi mo!” sigaw niya sa akin kaya napan
Misha’s POVNag-usap kami ni Conrad dito sa tapat ng kubo ng office room nila mama at papa. Titig na titig ako sa mukha niya habang nag-uusap kami. Ang guwapo na niya. Ibang-iban sa uhuging Conrad na nakakalaro ko dati. Napakatikas ng tindig niya, malapad ang dibdib at balikat.Hindi rin siya makapaniwala na ako na raw ‘yung makulit at iyakin na si Misha nung bata pa kami. Natuwa pa ako nang sabihin niyang napakaganda ko na ngayon. Para siyang tanga. Nakakainis. Ang mga lalaki talaga, sanay na sanay mambola. Pero, hindi ko rin naman siya masisi kasi alam ko namang nagsasabi siya ng totoo. Hindi ko rin alam kung bakit panay ang hawi ko ng buhok para isabit sa likod ng tenga ko.“Anong naging work mo sa ibang bansa, Conrad?” tanong ko na sa kaniya kasi marami rin akong gustong marinig about sa update sa buhay niya.“Chef na ako sa isang restuarant sa Paris. May isang taon akong bakasyon dito sa Pilipinas, hindi rin naman nila ako mapakawalan kasi isa ako sa magaling na chef doon. Mataga
Misha’s POVHindi ko na tuloy matitikman ang niluto ni Conrad. Biglang dumating si papa dito sa farm, pinauwi na niya ako dahil papunta raw si Everett sa bahay namin. Ni hindi manlang ako nakapagpaalam kay Conrad. Minadali na akong umuwi ni papa. Siya na lang daw ang bahalang magsabi kay Conrad tungkol sa pag-uwi ko.Ang pinagtataka ko, bakit hindi pa siya ang nagsabi sa akin, bakit si Papa pa ang kailangan niyang kausapin?Pagdating ko sa bahay, nakita kong naka-park na doon ang magarang sasakyan niya kaya mukhang nandoon na nga siya sa loob ng bahay namin. Dali-dali akong nag-park ng sasakyan ko at saka pumasok sa loob.Nadatnan ko siyang nakaupo sa sofa, nakakunot ang noo at tila wala talaga sa mood.“Everett?” tawag ko na sa kaniya habang parang natatakot ang mukha ko.Tinignan niya ako. Parang nag-aapoy ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Tumayo siya at saka lumapit sa akin. “Simula ngayon, hindi ka na basta-basta magpo-post ng ibang lalaki sa social media account mo. Na
Misha’s POVHabang tumatakbo ang araw, abala ang bawat miyembro ng team sa iba’t ibang gawain. Ang mga PR package ay maingat na na-load sa mga delivery van, habang ibang staff ko ay patuloy na nakikipag-coordinate sa logistics team ni Everett para matiyak na ang bawat package ay makarating sa tamang destinasyon. Habang pinapanood ko ang lahat mula sa gilid, hindi ko napigilang mapabuntong-hininga. Sa kabila ng pagod mula sa event kagabi, ramdam ko ang sigla at kasabikan na parang bagong simula para sa akin. Lumapit si Everett na may dalang dalawang tasa ng kape. Inabot niya sa akin ang isa habang ngumiti. “Here, take a break for a minute. You’ve been working non-stop since this morning.”“Thank you, honey,” sabi ko, tinanggap ang tasa. Saglit akong tumingin sa kaniya, nagpapasalamat ako sa kaniya kasi palagi niyang naaalala ang maliliit na bagay na tulad nito.“Everything’s running smoothly. By the end of the day, those packages will be in the hands of the top influencers in the coun
Misha’s POVPagdilat ng mga mata ko, bumungad agad ang liwanag ng araw na tumatagos sa malalaking bintana ng presidential suite. Tahimik ang paligid, ngunit ramdam ko ang presensiya ni Everett sa tabi ko. Nakayakap ang isang braso niya sa aking baywang, mahigpit ngunit banayad, habang ang kaniyang mukha ay guwapo pa rin kahit nakanganga siyang matulog.Ngunit hindi ko maiwasang bumalik sa realidad. Bumaling ako sa gilid, kinuha ang cellphone ko, at doon ko nakita ang umaapaw na mga notification. Social media posts, comments, at mentions—halos lahat ay tungkol sa event kagabi.“Everett,” mahina kong tawag sa kaniya habang bahagyang iniuga ang balikat niya.“Hmm?” ungol niya, hindi man lang dumilat.“Wake up, we’re viral,” sabi ko, kahit alam kong kalahati lang ang naiintindihan niya habang nasa pagitan ng tulog at gising.Dumilat siya, bahagyang napakunot ang noo. “Viral? What do you mean?”“It’s all over social media. The launch of M&E Skincare is the talk of the town. People are post
Everett’s POVPagod kami ni Misha, pero masaya. Success itong ginawa ng asawa ko kahit na maraming nangyaring problema nitong mga nagdaang linggo.Hinigpitan ko ang kapit sa kamay ni Misha habang sabay kaming naglalakad palabas ng grand ballroom ng Tani Luxury Hotel. Kakatapos lang ng matagumpay na collaboration event ng M&E Skincare at ng Tani Luxury Hotels, at ramdam ko pa rin ang init ng mga ilaw, ang tunog ng mga palakpak, at ang matamis na ngiti ng mga bisita habang nagkakainan at nagtatawanan.“Everett, are you sure hindi na muna tayo uuwi?” tanong niya, bahagyang bumubulong. Parang nahihiya siyang marinig ng ibang staff niya rito na rito kami mag-stay. Eh, bakit ba, mag-asawa naman na kami. Siguro, dahil ayaw niyang makita ng mga staff niya ang ganoong side niya. Naalala ko, strikto na nga pala siya sa mga tauhan niya rito.Tumigil ako at humarap sa kaniya. Nakapulupot ang buhok niya sa kanyang balikat, at ang kanyang mata, parang bituin sa kalangitan, kumikislap sa ilalim ng d
Misha’s POVTignan mo nga naman, kahit na maraming kaguluhang nangyayari sa buhay namin, heto, tuloy ang pagpapalago ng pera. Hindi hadlang ang buwisit na si Tito Gerald para mauntol ang lahat ng pangarap namin ni Everett.Habang hindi pa rin siya nagpaparamdam, heto, magsasaya muna kami ng kaunti kasi isa na naman sa mga pangarap ko ang natupad ko.Pagbukas ng malalaking double doors ng ballroom, tumingin ang lahat sa akin. Naka-floor-length emerald green gown ako na dinisenyo ng isang sikat na fashion designer, habang si Everett naman, ang guwapo sa kaniyang custom tuxedo. He held my hand as we walked in, his eyes brimming with pride.“You’ve outdone yourself, Misha,” bulong niya habang papunta kami sa stage.Ngumiti ako at bahagyang hinigpitan ang hawak ko sa kamay niya. “We did this together. This is as much your achievement as it is mine.”Si Everett ang mas tinitignan, bakit nga ba hindi, eh, para akong may asawang hollywood artista. Nakaayos pa siya ngayon kaya mas lalong guwap
Misha’s POVNgayong araw, napagdesisyunan naming mag-asawa na mag-relax muna. Wala munang mga mission, plano, o kung ano pa mang stressful na bagay. Sa wakas, may pagkakataon din kaming huminga at magpahinga mula sa lahat ng gulong nangyayari. Wala pa rin namang paramdam si Tito Gerald, siguro nag-iisip na naman ng bago niyang plano.Nasa swimming pool kami ng bahay, ang init ng araw ay sakto lang para sa isang maaliwalas na paglalangoy. Hawak ni Everett ang isang baso ng juice habang nakasandal sa gilid ng pool. Ako naman, nakalutang sa tubig, pinagmamasdan ang mga ulap sa langit. Tahimik ang paligid, tanging tunog ng tubig at huni ng mga ibon ang maririnig.“Finally, a normal day,” sabi ni Everett, sabay inom mula sa baso niya.Ngumiti ako, pero ramdam ko na may gusto siyang itanong. Nakikita ko ang paraan ng pagtitig niya sa akin, parang nag-aalinlangan. Alam ko na, siguro dahil ito sa tatlo.“What’s on your mind, Everett?” tanong ko, diretso sa punto.Nagkibit-balikat siya, parang
Misha’s POVUmaga pa lang nang ibigay ko kay Jaye ang kaniyang mission para ngayong araw. Sinigurado kong naiintindihan niya ang bigat ng gagawin niya. Mahalaga ang bawat segundo, at gusto kong makita kung hanggang saan ang kakayahan ng best friend ko sa ilalim ng matinding pressure. Matagal-tagal na nung may dumukot sa kaniya at dalhin siya sa bodega. Ang sabi niya, ilang kalalakiha ang bumubog sa kaniya, pinahirapan at walang awa na pinagsusuntok at tadyakan siya. Kaya ngayong malakas na siya, gagawin niya ang lahat para balikan ang mga iyon. Hindi na siya natatakot pang madukot ulit, subukan lang daw nila, makikita nila ang hinahanap nila.“Jaye, today’s your mission day,” sabi ko habang nakatingin sa cellphone ko, tinitignan ko kung saan sa Maynila kami maghahanap ng ipangmi-mission ko sa kaniya.Natawa siya, pero halata sa mata niya ang kaba. “What’s the plan this time? More training drills?”Umiling ako. “No drills. Real action. We’ll be heading to Manila. You need to find and r
Everett’s POVNakaupo ako sa sala, nagbabasa ng isang lumang libro habang hinihintay si Conrad. Today is the day na gusto kong subukan ang tibay niya—hindi lang sa lakas, kundi pati sa tiyaga. Umuwi siya kahapon para I-check ang lola niya, may mga tauhan naman kami na nagbabantay sa lola niya pero gusto pa rin niya itong makita kaya pumayag naman kami. Isa pa, kaya naman na niya. Alam kong malakas na siya sa labanan, pero gusto kong makita kung kaya niyang gamitin ang utak at puso niya sa mahihirap na sitwasyon.Nang dumating siya, seryoso ang mukha, at halatang hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kaniya.“Everett, ano ba ang plano natin ngayon?” tanong niya na halos parang handang-handa na sa magiging mission niya.Ngumiti ako. “Relax, Conrad. Tonight, we’re going to the bar.”Napakunot ang noo niya. “Bar? Akala ko mission?”Tumayo ako at sinuot ang jacket ko. “Exactly. Sa bar gagawin ang mission mo. You’re going to calm down at least ten drunk people tonight. No fighting. Ju
Misha’s POV“Misha at Marie, mag-ingat kayo, ah!” sabi ni Jaye nang paalis na kami sa manisyon. Siya ang maiiwan doon kasama ni Conrad. Silang dalawa muna ang ite-train ng mga assassin na na-hire ko para mas lalo silang gumaling.“Salamat, kayo na muna ang bahala sa bahay,” sagot ko at saka ko sila niyakap. Maaga kasing umalis si Everett para pumasok na sa trabaho. Marami siyang dapat asikasuhin, masyado na naming napapabayaan ang mga company namin. Safe naman sa mga work namin kasi marami-rami na rin kaming mga tauhan ngayon na nagkalat sa mga ari-arian namin, kaunting galaw lang ng mga kalaban, patay sila at agad na mahuhuli. Umuubos na ng pera ang asawa ko para mahuli na kung talaga bang si Tito Gerald ang malaking kaaway namin o baka iba pa.Mainit ang simoy ng hangin nang magpasya na akong dalhin si Marie sa Maynila. Nais ko nang subukan ang mga natutunan niya sa nakaraang linggo ng matinding training na ginawa namin sa kaniya. Ang mga galaw niya ay puno ng kumpiyansa habang magk
Misha’s POVNakalabas na sa ospital si Jaye. Kausap ko na ang parents niya, sinabi ko na ako munang bahala sa kaniya, habang sila ay lumipad na sa ibang bansa dahil sa business meeting nila, tamang-tama, ilang buwan silang mawawala kaya ako na muna ang bahala sa kaibigan ko.Nasa sala si Jaye, naka-recover pa rin mula sa nangyari sa kaniya. Mukhang mas maayos na siya ngayon, pero halata pa rin ang pagod sa kaniyang mukha.“Are you sure you’re okay here?” tanong ko habang inaayos ang unan niya sa sofa.Tumango siya. “I’m fine, Misha. Stop worrying. I owe you and Everett my life.”Napabuntong-hininga ako. “Just rest. You’re safe here.”Aalis na dapat ako para sana kumuha ng juice kasi nauuhaw ako, pero bigla niyang kinuha ang kamay ko. “Sorry sa pag-iwan namin ni Conrad sa iyo, sorry, bff,” sabi niya at saka tumulo ang luha sa mga mata niya.Naupo tuloy ako sa tabi niya habang hawak pa rin ang kamay niya. “No, ako dapat ang mag-sorry kasi nadadamay kayo sa gulong mayroon ang pamilya nam