Misha’s POV Lumuwas si papa sa Manila, si mama naman ay biglang nagkasakit. Nakiusap si mama sa akin na ako muna ang pumunta sa farm ngayong araw para magpa-harvest ng mga dragon fruit sa mga tauhan namin doon. Marami raw kasi silang pa-order at need nitong ma-deliver bukas. Kailangang-kailangan ko raw pumunta sa farm para tignan ang mga trabaho ng staff namin doon. Minsan daw kasi ay kapag nagha-harvest sila at wala sina mama at papa, kadalasan ay nagiging hati ang kita. Ang iba ay inuuwi ng mga staff sa kani-kanilang bahay ang mga ani para magbenta ng pang-sarili nila. Ang nangyayari, nalulugi sina mama at papa. Sa panahon ngayon, kahit singko mang duling ay mahalaga na sa kanila kaya kailangan daw maging matalino sa lahat ng oras.Pagdating ko sa farm namin, sakto, papasok na rin sa loob ‘yung mga staff naming lalaki na mamimitas ng mga dragon fruit.“Good morning, Miss Misha!” sabay-sabay nilang bati sa akin. Ngumiti naman ako. Kahit ang totoo, hindi ko ginagawa sa kanila ‘to d
Everett’s POVHabang tahimik akong nagkakape sa sala ng manisyon ko, biglang dumating si Tito Gerald, kasama ang asawa niyang si Tita Maloi. Pagkakita ko palang sa mga mukha niya, alam kong gulo na agad ang mangyayari.“Why didn’t you even tell me that you were preparing for your birthday party?” he asked with an angry voice. Na akala mo ay parang totoo kong ama. It seems he forgot that he’s just my uncle.Binaba ko ang tasa sa lamesa habang kalmado akong tumayo para harapin siya.“Am I still a child that I need to ask for your permission? I’m old enough, I don’t need to inform you. Besides, do you really need to know about my preparations for a birthday party? Why, is the money I’ll spend coming from you? Hindi naman ‘di ba? Saka, ano bang magiging papel mo at need mo pang malaman ang tungkol doon?”Tumawa si Tita Maloi. Nagulat na lang ako nang lapitan niya ako para sampalin. “Bastos, nagtatanong lang naman ang tito mo, kung ano-ano agad ang sinabi mo!” sigaw niya sa akin kaya napan
Misha’s POVNag-usap kami ni Conrad dito sa tapat ng kubo ng office room nila mama at papa. Titig na titig ako sa mukha niya habang nag-uusap kami. Ang guwapo na niya. Ibang-iban sa uhuging Conrad na nakakalaro ko dati. Napakatikas ng tindig niya, malapad ang dibdib at balikat.Hindi rin siya makapaniwala na ako na raw ‘yung makulit at iyakin na si Misha nung bata pa kami. Natuwa pa ako nang sabihin niyang napakaganda ko na ngayon. Para siyang tanga. Nakakainis. Ang mga lalaki talaga, sanay na sanay mambola. Pero, hindi ko rin naman siya masisi kasi alam ko namang nagsasabi siya ng totoo. Hindi ko rin alam kung bakit panay ang hawi ko ng buhok para isabit sa likod ng tenga ko.“Anong naging work mo sa ibang bansa, Conrad?” tanong ko na sa kaniya kasi marami rin akong gustong marinig about sa update sa buhay niya.“Chef na ako sa isang restuarant sa Paris. May isang taon akong bakasyon dito sa Pilipinas, hindi rin naman nila ako mapakawalan kasi isa ako sa magaling na chef doon. Mataga
Misha’s POVHindi ko na tuloy matitikman ang niluto ni Conrad. Biglang dumating si papa dito sa farm, pinauwi na niya ako dahil papunta raw si Everett sa bahay namin. Ni hindi manlang ako nakapagpaalam kay Conrad. Minadali na akong umuwi ni papa. Siya na lang daw ang bahalang magsabi kay Conrad tungkol sa pag-uwi ko.Ang pinagtataka ko, bakit hindi pa siya ang nagsabi sa akin, bakit si Papa pa ang kailangan niyang kausapin?Pagdating ko sa bahay, nakita kong naka-park na doon ang magarang sasakyan niya kaya mukhang nandoon na nga siya sa loob ng bahay namin. Dali-dali akong nag-park ng sasakyan ko at saka pumasok sa loob.Nadatnan ko siyang nakaupo sa sofa, nakakunot ang noo at tila wala talaga sa mood.“Everett?” tawag ko na sa kaniya habang parang natatakot ang mukha ko.Tinignan niya ako. Parang nag-aapoy ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Tumayo siya at saka lumapit sa akin. “Simula ngayon, hindi ka na basta-basta magpo-post ng ibang lalaki sa social media account mo. Na
Misha’s POVHindi alam ni Yummy Ninong na nakikita ko ang galaw niya sa cellphone ko. Pinapanuod ko siya ngayon sa CCTV. Namangha ako sa kung paano siya maghiwa ng mga karne. Parang bihasa siya sa pagluluto. May marinate-marinate pa siyang ginagawa. Habang nagbababad siya ng mga karne, naghiwa na muna siya ng mga sibuyas, bawang at mga gulay. Wala pa rin akong idea kung anong lulutuin niya.Naisip ko, kung mapapangasawa ko siya, ganito ang makikita kong eksena niya palagi sa kusina. ‘Yung tipong may masarap na nga akong asawa, mayaman, masarap pang magluto.Habang busy ako sa panunuod sa kaniya, nakatanggap ako ng message kay Conrad.“On the way na diyan sa inyo ang niluto kong afritadang manok. Sana magustuhan mo.”Pagkabasa ko sa message niya, sakto, may rider nang bumubusina sa labas ng bahay namin. Dali-dali tuloy akong tumayo at lumabas.“For Miss Misha Merdz po,” sabi ng lalaking rider.“Kay Conrad ba ‘yan galing?” tanong ko naman.Tumango siya at saka inabot sa akin ang malakin
Misha’s POV“Halika na dito sa dining area, tapos na akong magluto,” aya na niya sa akin kaya tumayo na ako at saka ko binaba ang tupperware na may lamang afritadang manok sa lamesa sa may sala.Malayo palang ako sa dining area, amoy ko na ang mga pagkaing niluto niya. Kakaiba at parang hindi pangkaraniwan ang mga niluto niya base sa naaamoy ko.Napataas ang kilay ko nang makakita ako ng iba’t ibang klase ng pagkain sa lamesa. Nakangiti niya akong tinignan na parang proud sa sarili niya. “Look, itsura palang ng plating ko, mukha na agad masarap ‘no? Lalo kapag tinikman mo na, walang-wala ‘yung afritadang manok na tinikman mo kanina.”Siya na ang pumuri sa sarili niya kaya napapangiti na lang ako. “Teka, ano ba itong mga pagkaing ginawa mo?” tanong ko kasi sa totoo lang ay bago ito sa paningin at panlasa ko.“Hindi ko pa pala nasasabi sa ‘yo, Misha. Nag-aral ako ng culinary arts sa ibang bansa. Pero tatlong buwan lang, kasi hindi ko naman pangarap maging magaling na chef. Gusto lang ta
Misha’s POVTanghali na ako ng magising. Hindi pa ako bumabangon sa kama ko. Nakatulala lang ako sa kisame habang iniisip ang sitwasyon ng buhay ko. Napaisip ako bigla. Ganito na lang ba ako? ‘Yung tipong asa na lang palagi sa pamilya. Naka-graduate naman ako ng college, pero bakit nga ba hindi ko naisip magtrabaho? Gusto ko sanang sisihin sina mama at papa kasi sila rin naman ang may gusto na huwag na akong magtrabaho kasi nung mga panahon na kaka-graduate ko lang, sagana pa kami sa pera. Wala pang masyadong problema sa business at buhay namin. Pero ngayong medyo hard ang eksena ng business namin, ito, umaasa kami sa himala. Himala na sana ay magkatuluyan kami ng Ninong Everett. ‘Yung tipong instant billionaire ako kapag kami na nga ang nagkatuluyan.Pero habang wala pa itong kasiguraduhan, maganda na rin siguro na isabay ko na sa pagiging busy ko ang pag-iisip ng sarili kong business. Siguro, hindi ko na lang muna ito babanggitin kay mama at papa. Baka kasi ma-jinx. Sasarilihin ko n
Misha’s POVDalawang luxury item ang nabenta ko agad. Isang dress at isang sapatos. Dahil doon, may hawak agad akong malaking pera. Kahit nagamit ko na iyon, nabenta ko pa rin ng mahal dahil sa mga brand nito. Sa mahal ng mga presyo nun, hindi na rin masama ang binawas kong presyo para lang mabenta ko ang mga ‘yon.At para maumpisahan na ang business na binabalak ko, nagpasama na ako kay Jaye na maghanap ng lupa na pagtatayuan ko ng swimming pool resort ko. ‘Yung hawak kong pera, sakto lang siguro para sa lupang bibilhin ko.“Natutuwa ako sa ‘yo, Misha,” sabi ni Jaye habang nakasakay ako sa sasakyan niya. Kotse niya ang gamit namin at siya na rin ang driver ko ngayon.“Bakit naman?” tanong ko naman habang naglalagay ako ng hikaw sa tenga ko.“Kasi ayan, naiisip mo na ‘yang mga ganiyang eksena sa buhay mo. Natutuwa ako na gusto mo ng mag-business,” sagot niya kaya napairap tulo ako.“Akala ko naman kung ano na. Medyo para kang gaga diyan. Pero, oo, napapaisip na rin kasi ako. Gusto ko
Ada POVHindi ako makapagsalita. Pakiramdam ko, biglang may sumakal sa lalamunan ko. Hindi dahil sa iyak, kundi sa biglaang buhos ng galit at pagkabigo na nararamdaman ko sa mama ko ngayon. Nanginginig ang kamay ko habang nakatitig sa screen ng phone ni Mishon. Kitang-kita ko ang mukha ni Mama sa video—eleganteng naka-make-up, naka-red dress at mukhang masaya. Hindi lang basta masaya. Kinikilig pa.Hindi ko kilala ang lalaking kasama niya. Mas bata ito sa kanya, siguro nasa late twenties o early thirties. Matangkad, matikas ang katawan at mukhang sanay sa marangyang buhay. Sa video, nakasandal ito sa upuan habang nakangiti, nakikinig kay Mama na tila aliw na aliw sa kuwento niya.At sa dulo ng video, dumating ang bill. Walang pagdadalawang-isip na kinuha ni Mama ang resibo, inilabas ang kanyang credit card at siya ang nagbayad. Ano ‘to, nagpapaka-sugar mommy siya sa binatang iyon? My God, nakakahiya si Mama.Nag-init talaga ang dugo ko. Akala ko napakatino niya pero may ganito palang
Ada POVAng bango.Halos hindi pa ako nakakapasok nang tuluyan sa kusina ni Mishon, pero ang amoy ng bagong lutong pizza ay parang yakap na mainit sa akin at nakakagutom talaga sa pang-amoy. Nasanay na ako na sa tuwing dadalaw ako sa mansiyon niya, palaging may nakahandang pizza na siya mismo ang gumagawa. Alam na alam ni Mishon ang paborito kong pagkain.Pero may kakaiba ngayon. Nakatayo siya sa harap ng lamesa sa dirty kitchen, abala sa paglagay ng toppings sa nilulutong pizza. “This is a new flavor,” aniya nang makita niya akong dumating. Isang mabilis na sulyap lang ang ibinigay niya sa akin bago bumalik sa ginagawa niya. “I made this especially for you.”Napangiti ako at lumapit sa kanya. “What’s the flavor this time?”Hinila niya ang apron niya at nagbigay ng maliit ngiti sa akin. “You’ll see. It’s a surprise.”Umupo ako sa high chair na nasa gilid ng lamesa habang pinagmamasdan siyang magtrabaho. Ang sarap panoorin ni Mishon habang nagluluto—maayos, malinis at parang may sarili
Ada POV“Papa, pwede po bang mag-overnight ako sa mansiyon nila Mishon?” tanong ko habang tinutulungan siyang maglagay ng kape sa tasa niya. Kahit na pure american siya, sa tagal na niyang kasama kami ni mama na pinay pareho ay kahit pa paano ay nakakaintindi na siya ng pure pinoy na lengguwahe.Ngumiti lang si Papa. Alam naman niya na good girl ako. Isa pa, hindi naman kailanman naging problema ang paghingi ko ng permiso sa kanya, lalo na’t kasama si Mishon na kilala niyang matino naman. Saka, sabi pa niya minsan, hindi ko naman na kailangang magpaalam dahil matanda na ako. Nasanay kasi ako dahil lagi akong pinaghihigpitan ni mama.“Of course, Ada. You don’t even have to ask,” sagot niya. Napaka-simple ng tono, parang natural na natural lang na pumayag siya. Hindi ko na nga kailangang magpaliwanag pa. Sanay si Papa sa mga ganitong paalam ko, lalo na’t alam niyang safe ako sa piling ni Mishon.Kinuha ko ang bag ko na nakahanda na sa sofa. “Thank you, Pa! I’ll see you tomorrow,” sabi
Mishon POVSa gitna ng malamig na hapon sa city ng Paris, naglalakad ako sa cobblestone street ng Rue Saint-Honoré, ang lugar na puno ng mga boutique at café. Ang layunin ko sana sa araw na iyon ay simple lang…bisitahin ang bagong bukas na tindahan ng strawberry wine. May rekomendasyon ang ilang kaibigan ko sa Pinas tungkol sa tindahan iyon at bilang tagahanga ng mga ganitong klase ng alak, naisip kong bakit hindi ko nga subukang puntahan?Habang papunta ako sa direksyon ng tindahan, napansin ko ang isang magarang itim na kotse na naka-park malapit sa isa sa mga café. Ang eleganteng disenyo nito ay bagay lamang sa isang taong may sinasabi sa buhay. Ngunit hindi ang sasakyan ang nakakuha ng pansin ko. Mula sa gilid ng mata ko, nakita ko ang isang pamilyar na mukha na bumaba mula rito—isang ginang na babaeng maganda, elegante at pamilyar sa mga mata ko. Sa unang tingin, parang imposibleng maging siya iyon, pero habang binubuo ng isip ko ang bawat detalye, napagtanto kong hindi ako puwed
Ada POV Matapos ang masayang hapunan, nagpasya akong bigyan si Mishon ng tour sa kuwarto ko. Natapos na ang mahaba at makabuluhang usapan sa dining table at mukhang na-impress naman ang mama at papa ko sa kanya. Nang iminungkahi ni Mishon ang ideya, nagkatinginan muna ang mga magulang ko. Tumango ang papa ko at ngumiti naman ang mama ko. "Of course, Mishon. Go ahead," sabi ng mama ko. "Just make sure to behave, young man." Tumawa si Mishon. “I will, Mrs. Hill.” Habang umaakyat kami ng hagdan papunta sa kuwarto ko, ramdam ko ang kaba. Hindi dahil sa pagpunta niya sa kuwarto ko, pero dahil sa hindi ko maiwasang mag-isip tungkol sa sinabi ni Taris kanina. Bakit kaya niya iyon sinabi? At totoo ba iyon? Pero itinaboy ko muna ang mga alalahaning iyon. Ang focus ko ngayon ay si Mishon. Pagbukas ko ng pinto, tumambad kay Mishon ang kuwarto kong para bang isang feature sa isang high-end na lifestyle magazine. Ang silid ko ay malawak, halos kasinlaki ng isang living are na. Sa kaliwang ba
Ada POVDumating na si Mishon kaya agad akong tumayo mula sa sofa at pumunta sa pinto para salubungin siya. Sa likod ko, naramdaman ko ang mga mata ni Verena at Taris na nakasunod sa akin. Halatang excited na rin silang makita si Mishon.Binuksan ko ang pinto at tumambad sa akin ang pogi nga ngiti ni Mishon. Simple lang ang suot niya—isang plain white button-down shirt na naka-roll up ang manggas, dark jeans at pares ng clean white shoes. Walang kahit anong flashy accessory, pero para siyang isang model na galing mula sa isang magazine cover. Ang lakas ng dating niya kahit hindi siya nag-effort magpa-pogi.“Good evening, Ada,” bati niya sa akin kasabay ng pagbigay ng isang bouquet ng white tulips. Ang sweet talaga.“Good evening, Mishon. Come in,” sagot ko habang hinahayaan siyang pumasok sa loob ng bahay namin.Pagpasok niya, naabutan niyang nakaupo ang mama at papa ko sa living room. Tumayo agad ang mama ko, habang ang papa ko naman ay tumingin nang maigi kay Mishon, tila sinusuri i
Ada POVNgayong gabi na ang dinner na matagal ko nang pinagpaplanuhan. Sa wakas, ipakikilala ko na si Mishon sa pamilya ko. Alam kong bago ito para sa kanila kasi ngayon lang ako maghaharap ng boyfriend ko sa kanila, lalo na sa papa ko, kaya ginawa ko ang lahat para maging perpekto ang gabing ito. Dati kasi kapag nagbo-boyfriend ako ay gusto ko, ako lang ang nakakaalam. Hindi ko hinaharap sa kanila.Maaga pa lang, Nagpa-ready na ako ng paghahanda. Nagpa-cater ako ng mga masasarap na putahe, pero nagdagdag din ako ng ilang personal touch. Gusto kong ipakita na espesyal ang gabing ito, hindi lang para kay Mishon kundi para sa buong pamilya ko, kahit na lang toxic silang kasama sa buhay.Ang papa ko ay nasa living room, nakaupo sa kanyang paboritong armchair habang nagbabasa ng isang business magazine. Nag-half day siya sa trabaho para lang makaharap si Mishon mamaya. Hindi niya ginagawa ito madalas, kaya alam kong seryoso siyang makilala ang taong mahal ko ngayong gabi.Si Verena naman
Ada POVNakakakilig talaga kapag tuwing may mga brand events na tulad ng eksena ngayon. Kahit ilang beses ko nang nagawa ang ganitong trabaho, hindi nawawala ang excitement ko. Parang bagong mundo ang binubuksan ko sa tuwing may high-profile event akong dadaluhan, lalo na kung tungkol ito sa isang sikat na luxury brand.Ngayong gabi, ang event ay para sa bagong koleksyon ng isang kilalang luxury bag brand. Isa itong malaking fashion event na ginaganap sa isang five-star hotel dito sa Paris. Maliban sa mga runway shows, may cocktail party, photo ops at mga interactive exhibits na nagpapakita ng creative process ng brand.Habang naglalakad papasok sa venue, naramdaman ko ang dami ng mga camera at flash sa bawat paglalakad ko. Suot ko ang isang strapless emerald green gown na tumutugma sa kulay ng bag na hawak ko—isa sa mga bagong piraso mula sa koleksyon. Naramdaman ko ang confidence ko habang papalapit sa entrance. Ganito raw kasi dapat para magaganda ang lalabas na kuha ko sa kanila.
Ada POVPlano kong magpahinga sana buong araw sa mansiyon namin, magbasa ng libro at magbabad sa bath tub. Pero tila hindi ako tatantanan ng mama ko ngayon. Gaganti na ata siya dahil sa ginawa ni papa sa kaniya nung nakaraang araw dahil nahuli nito na sinasaktan at hinihingan ako ng malaking pera.“Ada!” malakas na sigaw niya mula sa sala.Napabuntong-hininga ako. Nakahilata pa ako sa couch noon, nakabalot ng kumot, pero nang marinig ko ang lakas ng boses niya, alam ko na—hindi ito magiging payapang araw.Bumaba ako ng hagdan. Sa sala, nakaupo ang mama ko, si Verena at si Taris—ang sulsulerang bruha sa kapatid ko. Hindi ko alam kung paano siya naging malapit sa mama ko, pero tuwing nandito siya, nagiging malas ang mga ganap sa bahay namin.“Mama,” sabi ko habang pilit na pinipigilan ang irritation sa boses ko.Ngumiti ang mama ko nang may kasamang pilyang ngiti. Nakakainis, bakit ganito ang trato niya sa anak niyang sikat na international model? Hindi ko talaga gets. “Adal, since you’