Misha’s POVNakaharap ako ngayon sa malaki kong salamin dito sa kuwarto ko. Pinagmamasdan ko ang sarili ko. Tinignan ko kung may laban ba ako sa babaeng ‘yon. Simula nung makita ko siya kahapon sa birthday party, hindi na maalis sa isipan ko ang mga narinig ko sa sinabi niya. Hindi ako makakapayag na makuha niya ang yummy ninong ko, hindi puwede!Naglakad ako pabalik sa kama ko. Dinampot ko ang cellphone ko para tawagan si Ninong Everett. Gusto kong makipagkita sa kaniya ngayon din.“Oh, napatawag ka ata?”Napakabilis niyang sumagot. Halatang nagulat siya sa pagtawag ko sa kaniya. Dinig ko sa background niya na para bang may nagsasalita.“Wala ba tayong lakad? Gusto kong umalis ng bahay,” agad kong sabi. Baka kasi nakaaligid na sa kaniya ang magandang babae na nakita ko kahapon. Mainam na ‘yung ako na ang maunang umaligid sa yummy ninong ko. Nagiging makapal na tuloy ang mukha ko ngayon sa kaniya. Ako pa ang nag-aaya sa kaniya na lumabas.“Misha, sorry, nasa meeting ako ngayon. Nasa w
Everett’s POV“Anong balita diyan sa inaanak mo?” tanong ni Garil. Nandito kami ngayon sa opening ng bagong hotel resort namin dito sa Batangas.“Okay naman, maayos naman ang lahat. Waiting pa rin ako sa pagbubuntis niya,” sagot ko sa kaniya habang nakatingin ako sa tita at tito ko na abalang kinakausap ang mga pangunahing bisita namin dito. Feel na feel nila, na sila muna ang may hawak sa lahat-lahat ng ari-arian at business namin. Feel na feel nila na sila muna ang nasa spotlight habang hindi ko pa nakukuha ang lahat. Para sa akin, hahayaan kong mag-enjoy muna sila sa kung anong ginagawa nila ngayon. Alam ko naman kasi na sa huli, sa akin pa rin babagsak ang lahat. Hindi puwedeng ‘di dahil sa akin lang naman talaga dapat ang mga ‘yon. Hindi ko lang talaga ma-gets si papa kung bakit pinahirapan pa niya ako ng ganito. Alam naman niyang sakim sa mga yaman ang kapatid niya, tapos sa kaniya pa niya pinaubaya ang lahat habang hindi ko pa natutupad ang huling hiling niya. Siguro, dahil ala
Misha’s POVTinawagan ako ni Ninong Everett para pumunta sa condo niya. Sabi niya, hindi niya raw ako masusundo kasi masama ang pakiramdam niya ngayong araw. Hindi ko naman alam kung bakit gusto niya akong papuntahin doon, hindi niya rin sinabi ang dahilan. Gumayak na lang ako at pagkatapos ay pumunta na ako roon. Alam ko naman na ang number ng condo niya. Hindi ko na rin need pang pumunta sa front desk kasi nag-abiso na si Yummy ninong sa mga staff niya rito na darating ako.Pagdating sa hotel na ‘yon, sumakay na agad ako sa elevator. Pinindot ko ang 4o floor kasi naroon ang condo niya, na feel ko ay naka-presidental suite.Pagbukas ng elevator, naglakad na ulit ako sa hallway. Dulo ang condo niya kaya mahaba-habang hallway ang need kong lakarin. May mga nakakasalubong ako ng staff dito. Magalang sila at palangiti sa mga bisita. Bukod doon, wala atang pangit sa mga staff dito. Magaganda at guwapo sila.Iba talaga ang pamilyang Tani. Ang dami nilang business na talaga namang bongga an
Misha’s POVBinuksan ko ang pinto. Hinarap ko si Maddison. Kita ko sa mukha niya ang pagkagulat nang makita ako.“Who the hell are you?” una niyang tanong sa akin habang nakataas ang isang kilay. Unang pagkikita, tinarayan niya agad ako. Pota, ang ganda niya talaga sa malapitan. Nakaka-inggit pagmasdan ang mukha niya. Talo talaga ako sa babaeng ‘to. Nawawalan ako ng confidence kapag kaharap siya.“Parang ako po ata ang dapat na magtanong niyan. Sino ka at anong kailangan mo?” tanong ko rin kahit ang totoo ay kilala ko na siya. Napapa-po tuloy ako.“I’m Maddison, friend niya. Where is Everett? We are leaving, we will be visiting a friend of ours,” sagot niya habang patuloy na nagtataray ang mukha. English-era ang gaga. Lalo niyang pinaparamdam na mababang uri ako. Na hindi kami magka-level kasi pang-high quality ang pagkatao niya.“Sorry, Miss Maddison, pero hindi tumatanggap ng bisita ngayon si Everett. Inaapoy siya ng lagnat ngayon kaya sa ibang araw mo na lang siya ayaing gumala,” s
Misha’s POVPagkagising ko, wala na sa tabi ko ang yummy ninong ko. Papungay-pungay pa ang mga mata ko habang lumilingon sa paligid. Ni anino ni Everett ay hindi ko na nakita dito sa kuwarto kaya bumangon na ako. Pag-upo ko sa kama, pahikab-hikab pa ako. Napasarap ang tulog ko.Tumingin ako sa orasan, halos alas kuwatro na pala ng hapon. Nalipasan na ako ng lunch, lalo na ang pasyente ko. Tumayo na tuloy ako at saka lumabas ng kuwartong ‘yon.Sa labas, narinig ko na parang may nagluluto sa kusina. Naglakad ako palapit doon. Nakita kong nagluluto na sa kusina si Ninong Everett.“Hey, bakit ginagawa mo ‘yan? May sakit ka ah,” sita ko sa kaniya nang lapitan ko siya.“Medyo okay na ang pakiramdam ko. Nagugutom na kasi ako dahil nalipasan na tayo ng lunch, kaya naisipan kong magluto ng pagkain,” sagot niya, pero inagaw ko pa rin ang sandok sa kaniya.“Everett, mabibinat ka sa ginagawa mo. Ginising mo dapat ako.” Ako na ang nagtuloy ng niluluto niya. Mukhang adobong baboy kasi ‘yung nilulut
Misha’s POVNarito ako ngayon sa banyo, nakahiga at nakababa sa bathtub na punong-puno ng bula habang umiinom ng tea. Ang bango ng liquid soap na ginamit ko. Iba talaga kapag mayaman, lahat ng tungkol sa mga kagamitan nila, okay na okay at talaga namang high quality. Si Yummy ninong nanunuod pa rin sa sala, may series kasi siyang pinapanuod ngayon. Nagpaaalam akong maliligo kasi baka dito na ako matulog. Gusto ko kasing magpalipas ng gabi kasama siya. Pero kung hindi siya papayag, okay lang, uuwi na lang ako. Ang mahalaga naman ay nagampanan ko ang mission kong pagalingin siya.Pagkatapos kong maligo, nag-ready na rin ako ng hapunan. Sabaw naman daw ang gusto niya kaya nagluto ako ng tinolang manok. Bagay kasi ‘yon sa may sakit. Alam ko, hindi pa siya nakakatikim nun kaya nagluto na rin ako.“A-anong klaseng luto ‘yan?” tanong niya habang nakaturo sa tinolang manok na niluto ko nang ilapag ko na ito sa hapagkainan.“Bagay ‘yan sa may sakit. Sige, tikman mo, masarap din ‘yan,” sagot ko
Misha’s POVNung umaga, nagising ako na nakayakap at nakadantay ako sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang naging ganito. Hindi naman ako malikot matulog. Ganito pala ang pakiramdam kapag gigising ka na may katabing sobrang guwapo at sobrang yummy na lalaki. Napangiti agad ako kasi ang sarap talagang katabi nitong taong ‘to.Pero, teka, ano itong matigas na bagay na nakadikit sa binti ko?Tinanggal ko ang kumot at saka tinignan kung ano ‘yon. Nalaglag ang panga ko nang makita kong titë niya pala ‘yon na naninigas. Totoo talagang matigas ang titë ng mga lalaki kapag umaga.Para naman akong baliw na dahan-dahan ay kinapa ko ‘yon. Mukha naman kasing hindi siya mababaw matulog.Putcha, ang tigas. Parang bato. Parang bakal. Nakakatuwa naman.“Hey, ang aga mo namang manghipo,” bigla niyang sabi kaya bigla rin akong nagtulug-tulugan. “Huli ka na, huwag ka nang magtulug-tulugan diyan,” sabi pa niya.Pagdilat ng mga mata ko, mas lalo akong nabigla nang makita kong nakalabas na sa pa
Misha’s POVDumaan kami ni Everett sa isang flower shop. Flower shop na ang ganda-ganda. Dito ata talaga bumibili ng mga bulaklak ang mga mayayaman. Ngayon lang ako nakapunta sa ganito. Bumili siya ng bulaklak na dadalhin namin sa puntod ng mga magulang niya. Pagkatapos, bumili na rin kami ng kandila at merienda na kakainin namin doon. Bumili siya ng pizza at milktea.“Ayos na ba sa ‘yo ang pizza na ‘to o gusto mo pa ng ibang pagkain?” tanong niya.Pagdating sa sementeryo, agad niyang pinuwesto ang bulaklak sa gitna ng lapida ng mama at papa niya. Pagkatapos ay saka na rin siya nagtulos ng kandila. Pati kandila, yayamanin. Nung inapuyan niya kasi ito, mabango ‘yung nilalabas na usok doon. Kanina, nagulat nga ako kasi kandila lang ‘yun pero libo-libo ang presyo. Nakakaloka talaga gumastos ang mga ganitong mayayaman na tao.“Mama, Papa, nandito na ulit ako. Sinama ko na rin itong si Misha, siya ‘yung inaanak ko,” sabi ni Everett kaya natawa ako. “Papa, siya na po ‘yung babaeng naging in
Third Person POVSa loob ng malaki at magandang office, napabuntong-hininga si Don Vito habang nakatitig sa maliit na sobre sa ibabaw ng mesa. Isang simpleng bagay, pero ang laman nito ay mahalaga, isang gantimpala, isang tanda ng tiwala para sa kanyang bagong spy.“You did well,” seryoso niyang sabi habang nakahilig siya sa kaniyang upuan at magkadikit ang mga daliri sa harap ng mukha. “Dahil sa ’yo, buhay pa ako. At dahil sa ’yo, alam ko na kung sino talaga ang mga kalaban ko.”Sa harapan niya, naroon ang isang taong nakayuko. Hindi ito nagsasalita, hindi gumagalaw, tahimik pero maganda ang ngiti habang nakatingin kay Don Vito. Alam ni Don Vito na may bago siyang galamay. Bagong spy na malaki ang magiging ambag sa kaniya.Iniabot niya ang sobre habang nakangiti. “Kunin mo. Hindi matutumbasan ng pera ang katapatan mo, pero para sa ngayon, ito na muna ang pasasalamat ko sa iyo.”Dahan-dahang lumapit ang spy at kinuha ang sobre. Alam niyang may malaking halaga sa loob nito, pero higit
Samira POVPagdating namin sa mansiyon ni Miro, inalalayan namin sina Miro at Amira na sugatan. Nakakangilo silang makita, lalo na nang makita ko ang duguang balikat ni Amira. Si Miro naman ay may mga gasgas at sugat sa braso, ngunit mas matindi ang galit na bumabalot sa paligid kaysa sa sakit na nararamdaman nila.“What the hell were you thinking, Miro?!” Sigaw ni Tito Zuko habang ang boses niya ay umaalingawngaw sa buong manisyon.“You went ahead with this plan without telling us?” Dugtong ni Tito Sorin habang nanlilisik ang mga mata.“You could’ve gotten yourself killed! And Amira too!” Halos sumabog sa galit si Tito Eryx habang nakaturo kay Amira, na hindi na halos makatayo sa sakit.Walang imik si Miro. Tahimik niyang pinapanood ang mga doktor at nurse na nagmamadaling lumapit upang gamutin si Amira. Halos hindi na niya alintana ang sarili niyang mga sugat. Ako man ay hindi makapaniwala sa ginawa niya. Hindi siya nag-iisip. Walang planong ganito ang dapat niyang isinagawa nang hi
Miro POVKailanman ay hindi ako naging tagahanga ng kamalian. Sa mundong ginagalawan ko, isang maling hakbang lang ay maaaring magdala ng kamatayan. Ngunit ngayong gabi, sa kabila ng masinsinang paghahanda at matinding pag-iingat, ang planong dapat sana ay magwawakas sa buhay ni Don Vito ay nauwi sa isang trahedya ng maling pagkakakilanlan.Sa loob ng isang linggo, inihanda namin ang lahat. Nakuha ko na ang loob ng kanyang mga tauhan, pinaglalaruan ang kaniyang tiwala hanggang sa umabot sa puntong hindi na siya nagdududa sa akin. Ang aking pagkatao bilang isang negosyanteng may dalang malaking investment deal ay naging perpekto. Bawat detalye, mula sa mga pekeng dokumento hanggang sa kasaysayan ng aking kumpanya, ay wala siyang nakitang kahina-hinala.Sa isang private room ng sa isang luxury hotel ang napili naming mag-meet. Ang lahat ay naka-ready na—ang mga sniper ay nakaposisyon sa labas, ang mga backup team ay nasa paligid at si Samira ay nasa control room na habang binabantayan a
Miro POVBumalik na kami sa siyudad matapos ang ilang linggo ng pagpapalakas at pagpaplano sa private islang ko. Ngunit ngayong narito na kami sa city, wala nang oras para sa pahinga. Ang paghihiganti ay dapat magpatuloy na kasi tumatakbo ang oras.Ang unang hakbang ng bagong plano namin ay isang pekeng business deal para mahulog sa patibong si Don Vito.Nakaupo ako sa isang mamahaling restaurant, suot ang isang custom-made na navy blue suit na sapat na para magmukhang isang lehitimong negosyante ako. Sa harapan ko, naroon si Amara, nakasuot ng sleek na black dress na mukhang businesswoman na may matatag na koneksyon sa mga malalaking investors. Siya ang aking magiging business partner sa palabas na ito. Si Samira naman ay nasa kabilang dulo ng restaurant, nagpapanggap bilang isang tagapagmanman na handa sa anumang hindi inaasahang sitwasyon.Nang dumating na ang contact ni Don Vito, isa itong middleman na nagngangalang Ricardo, tumayo na ako at kinamayan siya nang mahigpit. “Mr. Rica
Samira POVMasyado pang maaga nang magising ako. Ang malamig na hangin sa dagat ay masarap sa pakiramdam, kaya hindi ko pinalampas ang pagkakataong makapag-jogging sa dalampasigan. Simula nang mag-stay kami sa private island na ito ni Miro, naging parte na ng umaga ko ang pagtakbo sa buhanginan. Masarap sa pakiramdam, parang lumalaya ang isip ko sa tuwing naririnig ko ang mahinahong alon na humahalik sa dalampasigan.Pansin ko, ilan din sa mga staff ni Miro na gumagawa ng baril, nagja-jogging din, ang ilan ay binabati pa ako at naggo-goodmorning kaya tumatango naman ako bilang sagot sa kanila.Pagkatapos ng ilang ikot, nagdesisyon akong bumalik na sa villa kasi tagaktak na ang pawis ko. Sa akin, ayos na ang isang oras na pagtakbo, ang mahalaga ay pinagpawisan na ako.Pagbalik ko sa villa, natigilan ako sa nakita. Nakita ko si Amara na abala sa dining area. Lumapit ako sa kaniya at nakita ko sa harapan niya ang isang buong set ng almusal na tila siya lang ang mag-isang gumawa. May sina
Samira POVMadilim na ang gabi at halos tahimik na ang buong villa maliban sa bahagyang ugong ng hangin mula sa dagat. Nakahiga na ako sa kama habang pilit na ipinipikit ang mga mata para makatulog na, ngunit hindi ko magawa. Pakiramdam ko ay may kung anong gumugulo sa isip ko, pero hindi ko matukoy kung ano. Napabuntong-hininga ako, itinagilid ang katawan saka kama at saka inabot ang lamp sa tabi ng kama upang patayin ang ilaw.Sa gitna ng katahimikan, isang mahina ngunit malinaw na tunog ang kumuha sa atensyon ko. Hindi ako puwedeng magkamali.May umiiyak.Agad akong napadilat tuloy. Natakot pa ako kasi baka may multo dito. Ang tunog ay hindi naman malakas, ngunit sapat na para mahuli ng pandinig ko. Parang may kausap ang taong umiiyak na iyon, pero pabulong lang. Mula sa kuwartong ito, hindi ko matukoy kung sino iyon kaya tumayo ako.Hindi ako karaniwang usisera talaga, pero may kung anong humihila sa akin upang alamin kung sino ang umiiyak. Tahimik akong lumabas ng kuwarto ko, sin
Miro POVMula sa kinatatayuan ko sa loob ng opisina ko, pinagmamasdan ko ang tatlong tito ko na kasama ko sa kwarto—sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryx. Mga haligi ng aking imperyo, mga lalaking pinagkakatiwalaan ko sa buhay ko. Ang desisyong ito ay hindi madaling gawin, pero alam kong kinakailangan namin ito.“I’m making Amira my second personal bodyguard,” diretsong sabi ko ng wala ng paliguy-ligoy pa.Nagpalitan ng tingin ang mga tito ko, pero sa huli, walang umalma sa sinabi ko. Alam ko na ito rin ang iniisip nila. Matagal na nilang napapansin ang galing ni Amira at ngayon, gagamitin ko ito sa ikakalakas at ikakabuti lalo imperyo ko.“It’s a good decision, Miro,” sagot ni Tito Sorin habang nakasandal sa upuan niya. “She’s sharp, quick and fearless. We need someone like that.”“Besides,” dagdag ni Tito Eryx, “she proved herself in the last mission. It’s only right to give her this position.Tumango si Tito Zuko. “Samira won’t be too pleased, though.”Napatingin ako kay Tito Zuk
Samira POVMula nang dumating si Amara sa private island ni Miro, hindi ko na maiwasang mapansin kung paano siya tinutukan ng pansin nila Miro at ng mga tito namin. Hindi naman ako bulag. Alam kong maganda siya, may dugong Italiano, e, may matangkad at matipunong pangangatawan, at oo na, maganda rin ang postura niya kapag humawak ng baril. Pero kung sa pa-sexy-han lang din, hindi naman ako magpapatalo, ‘noh.Lalo akong naaasar kasi tuwing may meeting at may kinalaman sa laban, laging may suggestion si Amara. At ang nakakainis, palaging pinapakinggan nila Miro. Tipong lahat ng sinasabi niya ay parang ginto sa pandinig ng mga ito. Samantalang ako? Hindi naman sa nagmamayabang, pero ilang beses ko nang napatunayan ang sarili ko sa kanila. Ilang beses na akong nakipaglaban para kay Miro at sa organisasyon, pero parang biglang naging Amara show ang lahat.Kaya minsan, parang naaachupuwera na lang ako. Nawawala tuloy sa isip ko ang goal na dapat, focus lang kay Don Vito, sa paghihiganti, pe
Miro POVNasa harap kami ng beach ngayon ni Samira, kumakain ng seafood lunch habang tanaw ang malawak na dagat. Ang hangin ay banayad at ang araw ay hindi gaanong mainit. Tahimik siyang kumakain, pero alam kong lagi siyang alerto kahit kailan.Kita ko ang aliwalas sa mukha niya kasi tapos na ang parusa niya. Sabi niya, hindi na raw niya uulitin ang kasalanan niyang ‘yun. Ayaw na raw niyang mainis, mapikon at maasar sa mga nakakabuwisit na utos ko.“You like the food?” tanong ko habang naglalagay ng hipon sa plato ko.Samira rolled her eyes. “You’re the one who ordered all of these. Of course, it’s good.”Ngumisi ako. Hindi niya alam na hindi lang ito isang simpleng tanghalian. Isang pagsubok ito. At sa loob ng ilang minuto, magsisimula na.Si Tito Zuko ang nag-suggest na gawin ko ito. At para sa akin, tama siya. Gusto ko rin kasing makita kung gaano ba talaga kagaling makipaglaban ang isang Samira.Palaging pinagmamalaki sa akin nila Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryx na malupit maki